Unang Pakikipagharap
Bibisita si Pierre sa isang iglesya nang makita niya ang isang malaking karatula: “Araw ng Paghuhukom, May 21, 2011. Tinitiyak ito ng Biblia!” Nag-isip si Pierre kung ano ang dapat niyang gawin kung totoo ang mensahe. Tila wala nang dahilan para pag-aralin pa ang kanyang mga anak, o tapusin ang kanyang bahay, o bayaran ang mga pagkakautang niya. Inisip niya kung dapat ba niyang ipagkaloob ang lahat ng kanyang pera sa iba upang tumulong sa pagpapalaganap ng mensahe.