Search Course
Search through all lessons and sections in this course
Searching...
No results found
No matches for ""
Try different keywords or check your spelling
Doktrina at Pagsasabuhay ng Isang Buhay na Banal
Course Description
Itinuturo sa kursong ito ang banal na pamumuhay na inilalarawan ng Biblia at ginagamit ng Diyos, at inaasahang makita sa buhay ng isang Kristyano.
Introduction
Mga Direksyon para sa Mga Tagapanguna sa klase
Sinusuri ng kursong ito ang doktrina at pagsasabuhay ng banal na buhay. Dapat kang maglaan ng 90-120 minuto para sa bawat sesyon ng klase, karagdagan sa oras para sa paggawa ng mga takdang-aralin sa labas ng klase.
Istraktura ng Aralin
Sa tuwing darating ka sa tandang ►, itanong ang mga sumusunod na tanong sa mga ito, at hayaang talakayin ng mga mag-aaral ang sagot. Sikaping tiyakin na ang lahat ng mag-aaral sa klase ay makibahagi sa talakayan. Kung kinakailangan, maaari mong tawagin sa pangalan ang mga mag-aaral.
Maraming mga talababa ang tumutukoy sa sanggunian ng banal na Kasulatan. Mangyaring hilingin sa mga mag-aaral na hanapin ang mga talata at basahin ang mga ito habang nasa klase.
Ang bawat aralin ay may kasamang dalawang takdang-aralin.
1. Ang unang takdang-aralin ay isang maikling sanaysay sa isang itinalagang paksa. Sa pagpapasiya ng lider ng klase, ang sanaysay na ito ay maaaring isang nakasulat na sanaysay o ipepresenta sa pamamagitan ng pagsasalita.
2. Ang pangalawang takdang-aralin ay pagsasaulo ng talata ng Banal Kasulatan. Dapat pagbalik-aralan ang mga ito sa bawat sesyon ng klase. Sa pagtatapos ng kurso, dapat na mabigkas ng mga mag-aaral ang lahat ng mga talata na isinaulo sa panahon ng kurso.
Isa sa mga layunin ng kurso ay ihanda ang mga mag-aaral na maging guro. Dapat bigyan ng lider ng klase ang mga mag-aaral ng mga pagkakataon na mapaunlad ang kanilang kasanayan sa pagtuturo. Halimbawa, paminsan-minsan ay dapat hayaan ng lider ng klase na magturo ang isang mag-aaral ng isang maikling bahagi ng aralin sa klase.
Ang bawat mag-aaral ay maghahanda ng isang pangwakas na proyekto. Ang proyektong ito ay binubuo ng tatlong pangaral sa paksa ng banal na buhay. Ang mga pangaralg ito ay maaaring tumingin sa alinmang biblikal o praktikal na aspeto ng banal na buhay. Kung maaari, dapat ipangaral ng bawat estudyante ang bawat pangaral at i-rekord ito para sa lider ng klase.
Kung nais ng mag-aaral na makakuha ng sertipiko mula sa Shepherds Global Classroom, dapat siyang dumalo sa mga sesyon ng klase at kumpletuhin ang mga takdang-aralin. Ang isang porma ay ibinigay sa dulo ng kurso para i-record ang mga natapos na takdang-aralin.
Ready to Start Learning?
Select a lesson from the sidebar to begin your journey through this course.