Unang Pakikipagharap
Si Shang Hui ay isang pastor sa China. Nagsimula siyang makarinig ng mga taong umaalis sa iglesya upang umanib sa Church of Almighty God/Iglesya ng Makapangyarihang Dios. Maging ang kanyang mga magulang ay umanib din sa kanila. Nang makilala niya ang mga miyembro ng kulto, sinabi nila, “Ang pangalan ng Dios ay Jehovah, ngunit ng siya ay pumunta dito sa lupa siya ay tinawag na Hesus. Makagagawa uli ang Dios ng bagong bagay, at maging isa pang Kristo sa mundo.” Nalilito si Shang sa kanilang mga katuruan. Nabigo siya sa kanyang ministeryo dahil ang kulto ay mabilis na dumadami.