Unang Pakikipagharap
Lumaki si Elliot bilang isang Katolikong Romano, ngunit umalis sa simbahan nang siya ay magkaedad. Namuhay siya sa kalayawan sa maraming taon, ngunit nagsimulang makaramdam na kailangang-kailangan niya na makatagpo ng layunin sa buhay. Isang kaibigan ang nag-akay sa kanya sa paggamit ng masamang gamot, at pakiramdam ni Elliot nagkaroon siya ng bagong pananaw sa sanlibutan at sa kanyang sarili. Nagsimula rin siyang makarinig ng mga tinig na nagbibigay sa kanya ng mga direksiyon.
