Unang Pakikipagharap
Si Steve ay lumaki bilang isang Katolikong Romano at pumupunta sa misa linggo –linggo noong bata pa. Bilang isang tin-edyer, nagsimula siyang lumiban sa mga gawaing pangrelihiyon at nakilahok sa mga bagay na makamundo. Sa paaralan sa secondarya, nakilala niya ang isang babae na nag-anyaya sa kanya sa kanilang iglesya. Kabilang sa istilo ng pagsamba ay malakas na musika, pagsasayaw, pagsasalita sa ibang wika, at pagsigaw na nakamangha sa kanya kung ihahambing niya sa paraan ng pagsamba ng Katoliko. Nagsimula siyang maging interesado sa dynamic na pangangaral at musika.