Si Bobby ay lumaki sa isang pamilyang Hindu at nakikibahagi sa lahat ng mga kaugaliang pangrelihiyon. Noong bata siya ay araw-araw siyang nagdadasal. Sinsero siya, ngunit nakaramdam siya ng espirituwal na kahungkagan. Bumasa si Bobby ng mga sinulat na Hindu upang sikaping mas maunawaan ang kanyang sariling relihiyon. Itinuro sa kanya na hindi mahalaga ang mga pinaniniwalaan dahil ang lahat ng relihiyon ay daan patungo sa Dios. Nais niyang makakita ng tunay na katotohanan na mag-aakay sa kanya sa Dios, ngunit nag-iisip siya kung tunay bang umiiral ang gayung klase ng katotohanan.
Sama-samang basahin ng malakas ang Isaias 46. Pasulatin ang bawat mag-aaral ng isang parapo na nagbubuod sa talata na ito ng Kasulatan. Anong paghahambingng pagkakaiba ang ginagawa ng talata na ito sa pagitan ng Dios at ng mga dios-diosan? Pasulatin ng isang listahan ng mga pahayag ang bawat mag-aaral. Bilang isang grupo, talakayin kung ano ang inyong isinulat.
Hinduismo
Introduksiyon sa Hinduismo
[1]Ang relihiyon ng Hinduismo ay nagsimula sa India sa panahong mas maaga pa kaysa alinmang kasaysayan ang magsasabi. Walang indibidwal na tagapagtatag ang Hinduismo at walang organisasyon na kinalalagyan ng lahat ng tagasunod. Mayroong mahigit sa bilyon ang bilang ng mga Hindu, ngunit sila ay nagtataglay ng maraming iba’t-ibang paniniwala. Maraming Hindu ang nagsasagawa ng ilan lamang sa mga kaugalian ng relihiyong Hindu.
Naniniwala ang mga Hindu na ang kanilang relihiyon ay nagmula sa sinaunang mga Indian na kasulatan na tinatawag na Vedas. Ang Vedas ay binubuo ng daan-daang volumes ng mga kasulatan.
Walang pahayag na pandoktrina na kumakatawan sa lahat ng pinaniniwalaan ng mga Hindu tungkol sa Dios. Karamihan sa mga Hindu ay naniniwala sa maraming dios na may personalidad at gumagawa kapwa ng mabuti at masama. May mga Hindu na sumasamba sa iisang dios bilang pinakamataas. Tinatawag na Shiva ng ilang Hindu ang pinakamataas na dios; ang ibang Hindu ay may ibang pangalan at paglalarawan sa kanilang pinakamataas ng dios. Si Shiva ay may asawa at mga anak. Si Shiva ay gumagawa ng kapwa mabuti at masama. May mga tumatawag kay Shiva na manlilikha, ngunit hindi nila ibig sabihin na ang mundo ay nilikha sa isang partikular na panahon. Naniniwala sila na ang sanlibutan ay lagi nang umiiral.
[2]Gumagamit ang mga Hindu ng maraming dios-diosan na kumakatawan sa mga dios at espiritu na kanilang sinasamba.[3]
Kahit nagsasalita ang mga Hindu tungkol sa isang pinakamataas na dios, hindi nila ibig sabihin ang parehong bagay na ipinakakahulugan ng mga Kristiyano kapag tinutukoy nila ang Dios. Naniniwala ang mga Kristiyano na ang Dios ay ang ultimong katotohanan at persona na Manlilikha ng mundo. Sinasabi ng mga Hindu na naniniwala sila sa isang dios, ngunit hindi ito isang dios na nag-iisip o nakikipag-ugnayan, maliban sa pamamagitan ng iba’t-ibang dios na nagkaroon na ng pisikal na anyo.[4]
Naniniwala ang mga Hindu na mayroong pangunahing reyalidad na nagsimula sa mundo. Tinatawag ng ilang Hindu ang pangunahing reyalidad na Brahman. Naniniwala sila na lahat ng bagay na umiiral ay bahagi ng Brahman. Naniniwala sila na si Brahman ay ang kaluluwa o kinakailangang sarili sa bawat bagay na nabubuhay.[5] Maaari rin nilang sabihin na sila ay naniniwala sa isa lamang na dios, ngunit ang ibig nilang sabihin ay: ang lahat ng bagay na umiiral ay iisa, at ito ay dios.
► Ano ang ilang pagkakaiba sa konsepto ng Dios ng mga Kristiyano at mga Hindu?
Inaangkin ng mga Hindu na pinahihintulutan nila ang lahat ng relihiyon. Mayroon silang kasabihan na “Ang lahat ng katotohanan ay iisa.” Sinasabi nila na maraming daan patungo sa layunin, kahit ang iba’t-ibang relihiyon ay may iba’t-ibang konsepto tungkol sa buhay na dapat ipamuhay ng isang tao at ang layunin na dapat niyang sikaping maabot. Hindi nila ipinakakahulugan na “ang lahat ng katotohanan ay iisa” sa parehong kaisipan na ang lahat ng katotohanan sa iba’t-ibang relihiyon ay makatwirang magkakasang-ayon sa isa’t-isa. Ibig nilang sabihin na lahat ng katotohanan ay isang pagpapahayag ng ultimong reyalidad na hindi maaaring ilagay sa mga pangungusap.[7]
Naniniwala ang mga Kristiyano na kahit na ang Dios ay mas higit kaysa maaari nating maunawaan, nagpahayag na siya ng ilang tunay na pangungusap tungkol sa kanyang sarili. Kung ang isang relihiyon ay sumasalungat sa katotohanang ipinahayag ng Dios tungkol sa kanyang sarili, sagayun mali ang relihiyong iyon.
Naniniwala ang mga Hindu sa muling pagkabuhay. Naniniwala sila na ito ang muling kapanganakan ng kinakailangang sarili ng isang tao patungo sa iba’t-ibang anyo ng buhay nang maraming pagkakataon.[8]
Naniniwala ang mga Hindu sa karma. Ang karma ay isang sistema kung saan ang mabubuting mga gawa ay nagdadala ng mabuting resulta sa kasalukuyang buhay ng tao at sa buhay sa hinaharap at inihahanda rin ang tao upang muling ipanganak sa mas mabuting mga kalagayan sa susunod na pagkakataon. Ang karma ay isang natural na batas ng sanlibutan, hindi batay sa mga batas na ipinatutupad ng anumang dios, at hindi pinamamahalaan ng alinmang dios.[9]
Ang layunin ng Hindu ay magkaroon ng kalayaan mula sa paulit-ulit na muling pagkakatawang-tao tungo sa isang walang hanggang kundisyon na tinatawag na nirvana. Inilalarawan ng ilang Hindu ang kundisyong ito bilang walang hanggang pag-iral ng sarili, habang ang iba naman ay tinitingnan ito bilang paglipat tungo sa pagiging Brahman, tulad ng isang patak ng tubig na pumapatak sa dagat.[10] Maraming Hindu ang naniniwala na ang isang tao ay tumitigil sa pag-iral bilang isang indibidwal na may kamalayan kapag siya ay lumilipat na sa pagiging Brahman.
Naniniwala ang mga Hindu sa walang katapusang paikot-ikot na panahon, na walang simula, walang katapusan, at walang mga pangyayaring permanenteng bumabago sa mga bagay.
► Ano ang ilan sa mga pagkakaiba sa pagitan ng konsepto ng nirvana ng mga Hindu at ng konsepto ng langit ng mga Kristiyano?
[11]Naniniwala ang mga Hindu na ang sinumang dakilang tagapanguna na nagbibigay ng benepisyo sa mga tao ay maaaring maging isang dios sa paglipas ng panahon. Ang bawat tao ay pagpapakilala ng Brahman, ngunit ang isang dios ay isang tao na nagpapakilala ng Brahman nang higit kaysa sa iba.
Naniniwala ang mga Hindu na si Hesus ay isang tao na nagsagawa ng mga prinsipyo ng Hinduismo at isang dakilang tagapagturo katulad ng iba na nabuhay sa ibang panahon. Hindi sila naniniwala na siya ang natatanging Anak ng Dios.
Pagkakasala at Kapatawaran
Ayon sa Hinduismo, ang bawat aksiyon ay bibigyang gantimpala o parurusahan ng karma. Ang isang tao ay may kasalanan kapag gumagawa siya ng anumang bagay na makasasama sa kanya o sa iba. Mararanasan niya ang mga resulta sa kanyang buhay sa kasalukuyan o sa buhay sa hinaharap. Maaari niyang balansehin ang masasamang aksiyon ng mabubuting aksiyon upang makakuha ng mas mabuting mga bunga. Pinaniniwalaan nila na walang kapatawaran.
Paraan ng Pamumuhay ng Hindu
Ang mga taong lubusang tumalikod sa mundo ay hindi lilikha, maghahanda o mag-iimbak ng pagkain. Dapat silang manghingi ng kanilang pagkain araw-araw. Ang iba ay nakadepende sa mga kamag-anak; ang iba naman ay palipat-lipat sa mga bahay para mamalimos.[12]
Maraming Hindu ang kumakain ng gulay lamang. Kung kabilang doon sa mga kumakain ng karne, sila ay hindi kumakain ng karne ng baka dahil yumuyukod sila sa mga baka. Ang pagkain ay iniaalay sa mga dios-diosan bago iyon kainin, maging sa mga bahay.[13]
Ang mga Hindu ay may detalyadong sining at arkitektura sa kanilang templo, mga kasuutan, at personal na mga palamuti na may kahalagahang pangrelihiyon.
Naniniwala ang mga Hindu na dapat nilang pangalagaan nang pantay ang lahat ng anyo ng buhay. Naniniwala sila na dapat pangalagaan ng tao ang isang kawawang aso kung paanong inaalagaan niya ang kanyang anak. Naniniwala sila na walang relasyon ang dapat magbigay sa isang tao ng mga damdamin tungkol sa pangangailangan ng iba. Naniniwala sila na ang pangangalaga sa iba dahil sa isang relasyon ay maling motibasyon. Naniniwala sila na ang Brahman ay walang emosyon tungkol sa anumang bagay, na walang kalungkutan at walang kaligayahan. Ang isang Hindu ay inaasahang magsisikap na marating ang antas na iyon.
Kapag nagsasalita ang mga Hindu tungkol sa pantay na pangangalaga sa lahat ng tao, tila pareho ang kanilang ideya sa mga Kristiyano. Ang totoo hindi kailanman ito magkatulad. Naniniwala ang mga Kristiyano na dapat nilang mahalin ang iba tulad ng pagmamahal nila sa kanilang sarili. Ang mga Hindu ay naniniwala na hindi ka dapat magkaroon ng malasakit sa iba o sa iyong sarili.
Para sa isang Hindu, ang pagbubulay-bulay ay nangangahulugan na magkaroon ng lubos na kontrol sa iyong sariling isip, kaya’t walang kaisipan ang dumarating nang wala kang pahintulot. Ang kanilang pagsamba ay nakadisenyo upang alisin ang laman ng isip. Iyon ang dahilan kung bakit sila gumagamit ng paulit-ulit na tunog at salita at mga ehersisyo. Ang layunin ay magawang walang anumang bagay na iniisip. Ang yoga ay nagsimula bilang isang sistemang Hindung ehersisyo upang bakantehin ang isipan.
Nananalangin sila sa mga dios-diosan bilang paraan upang ituon ang isipan. Kapag ang isang Hindu ay nakatupad ng lubos na pagtuon, hindi na niya kakailanganin ang mga dios-diosan at hindi na niya kakailanganing manalangin. Hindi sila direktang nananalangin sa Brahman.
Ngayon bumalik at sama-samang basahin ang mga footnotes para sa buong seksiyon sa Hinduismo. Dapat hanapin ng lahat ng mag-aaral ang mga reperensiyang talata sa Kasulatan at magsalit-salit sa pagbasa sa mga iyon sa grupo.
[1]“Ang ideya na ang Dios ay walang hanggan sa katalinuhan ay nasa ugat ng lahat ng katotohanan. Ito ay isang batayan ng sukat ng paniniwala na kinakailangan para sa katumpakan ng lahat ng ibang paniniwala tungkol sa Dios.”
- A.W. Tozer
(The Knowledge of the Holy, 66)
[2]“Naniniwala ako sa Dios Amang Makapangyarihan sa lahat, Lumikha ng langit at ng lupa.”
- Ang Kredo ng mga Apostol
[3]Sinabi ni Jesus na dapat tayong sumamba tanging sa nag-iisa at tunay na Dios. (Lucas 4:8).
[4]Sinabi ni propeta Jeremias na lumikha ang Dios sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanyang mga salita, at lahat ng huwad na dios ay mapapahamak (Jeremias 10:9-12).
[5]Sinasabi ng Biblia na nilikha ng Dios ang lahat ng bagay ayon sa kanyang utos. Siya ay bukod mula sa mga bagay na ginawa niya. (Genesis 1:1).
[6]Image by Ganesh Chaturti from Unsplash, retrieved from https://unsplash.com/photos/Mawa0oZ3YKs.
[7]Sinabi ni Aspostol Pablo na isa sa mga pangunahing tungkulin ng isang pastor ay ang pagtuturo ng doktrina. Ang lahat ng relihiyon ay hindi pare-pareho. (1 Timoteo 1:3-6).
[8]Sinasabi ng Biblia na ang tao ay minsan lamang mamamatay at pagkatapos ay pupunta sa paghuhukom sa harap ng Dios. (Hebreo 9:27).
[9]Sinusunod ng Kristiyano ang batas ng Dios at mayroon siyang personal na relasyon sa Dios. (Awit 119:1).
[10]Ang layunin ng Kristiyano ay ang mabuhay nang walang hanggan sa isang personal na relasyon sa Dios sa langit. (Pahayag 22:3-4).
[11]“Ang Kristiyano ay naniniwala sa tao, ang walang hanggang halaga ng isang indibidwal na tao, at ang di matutumbasang halaga na maaaring matupad sa pamamagitan ng nakatutubos na biyaya ng Dios.”
- W.T. Purkiser
(Exploring Our Christian Faith, 204)
[12]Ang pinakamabuting halimbawa ng sumusunod sa Hinduism at hindi nagtatrabaho para suportahan ang kanilang mga sarili, ngunit sinasabi ng Biblia na ang isang tao ay hindi dapat dumepende sa iba at tumanggi na magtrabaho.
(2 Tesalonica 3:10).
[13]Sinasabi ng Biblia na ang lahat ng karne ay pinahihintulutan. (1 Timoteo 4:3-4).
Pag-eebanghelyo
Dahil hindi naniniwala ang mga Hindu sa Biblia, ang paggamit ng mga teksto ng pagpapatunay upang pabulaanan ang kanilang mga paniniwala ay hindi magbabago sa kanilang mga isip. Sa halip, ipahayag mo ang ebanghelyo ayon sa Biblia sa paraang tinutugunan nito ang kanilang pangangailangan. Ang personal na patotoo ng Kristiyano ng relasyon sa Dios ay makakatulong upang hipuin ang pangangailangan ng Hindu na makilala ang Dios.
Ang Dios, ang Manlilikha, at Tagapagtaguyod ng mundo’y isang persona na nag-iisip at nagsasalita, na salungat sa Brahman ng mga Hindu.
Ang Dios ay matuwid at mapagmahal, at walang masamang bahagi ang kanyang kalikasan. Palagi siyang mapagkakatiwalaan, salungat sa mga dios-diosan ng Hindu na may makasariling motibo at di pagkakasundo sa kanilang sariling karakter.
Minamahal ng Dios ang sangkatauhan at nilikha Niya tayo na may layunin ng pamumuhay na may relasyon sa kanya. Mayroon siyang disenyo para sa ating mga buhay at isang plano para sa atin na mamuhay nang kasama siya sa langit magpasawalang hanggan. Ang bawat isa sa atin ay maaaring personal na makilala ang Dios bilang Ama.
Ang mga tao ay indibidwal na nahiwalay sa Dios dahil sila ay nagkasala laban sa kanyang kalooban. Ang bawat tao ay indibidwal na huhukuman ng Dios para sa kasalanan. Ito ay naiiba sa konsepto ng Hindu ng hindi personal na karma na kumikilos bilang batas ng kalikasan.
Si Hesus ay dumating bilang pagkakatawang-tao ng Dios upang mamatay bilang sakripisyo para mapatawad tayo sa ating mga kasalanan. Ang bawat tao ay maaaring magkaroon ng relasyon sa Dios sa pamamagitan ng paghingi ng kapatawaran batay sa sakripisyo ni Hesus.
Sa pamamagitan ng kapatawaran nagkakaroon tayo ng personal na relasyon sa Dios na nagmamahal sa atin at nangako na aampunin tayo bilang kanyang mga anak, sa halip na sambahin ang malayo, walang malasakit na mga dios-diosan na wala namang pangako para sa atin.
Isang Patotoo
Nang unang may makausap na Kristiyano si Bobby, nasaktan siya sa ideya na mayroon lamang iisang daan patungo sa Dios. Nang basahin niya ang mga talinhaga ni Hesus sa Biblia, namangha siya kung paano ang mga ito ay nakaangkop sa kanyang buhay. Pinag-aralan niya ang mga pagsasaliksik tungkol sa pagiging tumpak ng Biblia, at naniwala siya na ang Biblia ay tunay na naingatan mula sa orihinal na pagkasulat nito. Isang araw napanood niya ang isang pelikula tungkol sa pagpapako kay Kristo. Nagdesisyon siya na ilagak ang kanyang pananampalataya kay Kristo. Sinabi ni Bobby, “Kung ang Kristiyanismo ay isa lamang sa maraming magkakapantay na balidong relihiyon, sagayun ang mga sakripisyong aking ginawa, kabilang ang pagkawala ng kapayapaan ng aking pamilya, ay walang kabuluhan. Ako ay komportable sa aking pananampalatayang Hindu at nasisiyahan sa aktibong buhay sa pananalangin; unti-unti lamang akong nakaramdam ng kahungkagan at katigasan ng loob na tanggihan ang pagtawag ng Dios mula sa loob ng iglesya. Ang Katotohanan at Pag-ibig ang sa wakas ay pumilit sa akin na tanggapin si Kristo bilang Panginoon.”
Pag-aaral ng Kasulatan – Ikalawang Bahagi
Ngayon basahing muli ang Isaias 46. Ang bawat mag-aaral ay dapat sumulat ng isang parapo na nagpapaliwanag sa mensahe ng talata na ito para sa isang Hindu. Hayaan ang ilan sa mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang isinulat.
Takdang – Aralin para sa Bawat Leksiyon
Tandaan na humanap ng pagkakataon upang ipahayag ang ebanghelyo sa isang tao mula sa grupong pangrelihiyong ito. Maghanda upang ibahagi sa iyong mga kamag-aral ang pakikipag-usap mo. Isulat ang iyong 2-pahinang pag-uulat at ipasa iyon sa tagapanguna sa inyong klase.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.