Manwal Para sa Lokal na Institusyon
Manwal Para sa Lokal na Institusyon
Audio Course Purchase

Search Course

Type at least 3 characters to search

Search through all lessons and sections in this course

Searching...

No results found

No matches for ""

Try different keywords or check your spelling

results found

Manwal Para sa Lokal na Institusyon

Lead Writer: Stephen Gibson

Course Description

Ang handbook na ito ay ang pangunahing sangguniang gabay para sa mga tagapagsanay, tagapamahala, at mga guro ng isang lokal. Minsan, ginagamit ng mga tagapagsanay ang handbook na ito bilang kurso upang sanayin ang mga guro at tagapamahala ng isang lokal na institusyon.

Introduction

Paggamit sa Handbook na ito para sa Pagsasanay

Ang handbook na ito ay ang pangunahing sangguniang gabay para sa mga tagapagsanay, tagapamahala, at mga guro ng isang lokal. Minsan, ginagamit ng mga tagapagsanay ang handbook na ito bilang kurso upang sanayin ang mga guro at tagapamahala ng isang lokal na institusyon. Minsan naman, ginagamit lang nila ang ilang seksyon upang gumawa ng pagsasanay sa isang partikular na paksa o para ipakilala ang Pandaigdigang Pag-aaral sa Ministeryo.

Mga anim na oras ang kinakailangan upang maituro ang buong handbook sa itinakdang araw ng pagsasanay. Ang mga tagapagsanay ay dapat laging magbigay ng oras para sa talakayan.

Ang mga tagapagsanay ay nangangailangan ng mga Biblia, mga pagsusulatan, at kopya ng handbook na ito.

Ang mga tagapagsanay ay dapat magdala ng iba’t ibang kurso ng SGC upang masuri ng mga estudyante. Ang klase ay mangangailangan ng tatlong kopya ng bawat kurso upang ang mga mag-aaral ay makapagsanay na magturo sa isa’t isa sa isang grupo na binubuo ng tatlong tao. 

Kapag naituro na ng mga tagapagsanay ang Kabanata 6, dapat suriin ng mga estudyante ang mga kurso sa SGC. Dapat nilang tingnan ang iba’t ibang panuto na nakalagay titulo ng mga kurso. Makabubuting talakayin ng mga estudyante ang sinasabi sa mga panuto para matiyak na ito’y kanilang naiintindihan.

Ang demonstrasyon at praktis ay mahalaga sa pagsasanay. Maaaring ipakita ng tagapagsanay kung paano at paraan ng pagtuturo sa pamamagitan ng pagtuturo ng tatlong aralin mula sa mga kurso. Mas maganda ang demonstrasyon kung ang bawat aralin ay mula sa iba’t ibang kurso. Kung may higit pang isang tagapagsanay o kung may estudyanteng mahusay, maaari silang magturo ng aralin para ipakita ang iba’t ibang estilo ng pagtuturo.

Matapos nilang makita ang demonstrasyon, ang estudyante ng kursong ito ay kailangan ring mag-praktis na magturo.

Ang minimum na pagsasanay ay maaring isaayos ng ganito: Pangkatin ang mga estudyante sa tatlo. Bawat estudyante sa grupo ay magtuturo ng aralin sa dalawang kasamang estudyante sa loob ng 30 minuto. Kaya’t sa bawat praktis at pagsusuri ng estudyante sa grupo ay aabutin ng 90 minuto. 

Magandang kasanayan kung magtatalaga ng isang karagdagang araw ng pagsasanay ng mga estudyante, na may feedback mula sa guro at kamag-aaral. Ang advanced na pagsasanay na ito ay maaring itakda sa maibigan ninyong petsa, kung kinakailangan. Ang ekstrang oras at araw ay magbibigay sa mga estudyante ng sapat na panahon para makapaghanda. 

Ready to Start Learning?

Select a lesson from the sidebar to begin your journey through this course.