Doktrina at mga Gawain ng Iglesya
Doktrina at mga Gawain ng Iglesya
Audio Course Purchase

Search Course

Type at least 3 characters to search

Search through all lessons and sections in this course

Searching...

No results found

No matches for ""

Try different keywords or check your spelling

results found

Doktrina at mga Gawain ng Iglesya

Author: Stephen Gibson

Course Description

Ipinapahayag ng kursong ito ang biblikal na konsepto ng iglesyas bilang sentro ng gawain ng Diyos sa daigdig. Magkakaroon ng pang-unawa ang mag-aaral tungkol sa Kristiyanong pagkakaisa, pagiging miyembro ng iglesya, pakikipag-kaisa, suportang pinansiyal ng ministeryo, pagkakaloob, bautismo, komunyon, pagdisiplina sa iglesya, at mga tanda ng pagiging mature ng iglesya. Ipinapaliwanag ng kurso ang mga prinsipyo at mga aplikasyon para sa buhay at gawain ng iglesya. 

Introduction

Paglalarawan ng Kurso

Ipinapahayag ng kursong ito ang biblikal na konsepto ng iglesyas bilang sentro ng gawain ng Diyos sa daigdig. Magkakaroon ng pang-unawa ang mag-aaral tungkol sa Kristiyanong pagkakaisa, pagiging miyembro ng iglesya, pakikipag-kaisa, suportang pinansiyal ng ministeryo, pagkakaloob, bautismo, komunyon, pagdisiplina sa iglesya, at mga tanda ng pagiging mature ng iglesya. Ipinapaliwanag ng kurso ang mga prinsipyo at mga aplikasyon para sa buhay at gawain ng iglesya.

Mga Layunin ng Kurso

(1) Upang maunawaan ang pagkakakilanlan at biblikal na paglalarawan ng iglesya.

(2) Upang makita ang plano ng Diyos para sa iglesya, at ang gawain ng Diyos sa iglesya.

(3) Upang matutuhan ang mga tungkulin ng isang miyembro at tagapanguna sa iglesya.

(4) Upang mailapat ang mga prinsipyo para sa suporta, pangangasiwa at pagpapaunlad ng iglesya lokal.

(5) Upang magkaroon ng kakayahan patungkol sa nilalaman at istruktura para sa pagtuturo tungkol sa iglesya.

Mga Panuto Para sa Tagapanguna sa Klase

Ang mga panuto para sa bawat aralin ay nakaimprenta sa kabuuan ng aralin sa italiko.

Ang simbolong ► ay nasa unahan ng isang tanong para sa talakayan. Dapat magtanong ang tagapanguna sa klase at bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral upang talakayin ang sagot. Kung may isang mag-aaral na siyang laging nauuna sa pagsagot, o kung ang ilang mag-aaral ay hindi sumasagot, maaaring idiretso ng tagapanguna ang tanong sa kanya, halimbawa: “Pierre, paano mo sasagutin ang tanong na ito?”

Maraming talata sa kasulatan ang ginamit sa kurso. Kapag dapat sama-samang magbasa ng talata ang klase, ihahayag iyon sa mga panuto. Halimbawa: Dapat basahin ng isang mag-aaral ang Roma 6 para sa grupo. Sa ibang pagkakataon, ang mga reperensiya sa kasulatan ay ibinibigay na may panaklong sa teksto. Halimbawa: (1 Corinto 12:15). Ang mga reperensiyang iyon ay suporta sa mga pangungusap sa teksto. Hindi kinakailangang basahin lagi ang mga talata sa mga panaklong.

May ilang pagsusulit na itinakda. Ang bawat pagsusulit ay dapat ibigay sa simula ng bawat oras ng aralin. Isusulat ng mag-aaral mula sa kanyang isip ang isang listahan ng mga pangungusap na kanyang isinaulo mula sa sinundang aralin. Dapat tiyakin ng tagapanguna sa klase na ang mag-aaral ay hindi tumitingin sa anumang nakasulat na tala o tulungan ang isa’t-isa tungkol sa mga pagsusulit. Kung hindi magawang isulat ng mag-aaral ang listahan, maaari siyang muling itakda upang subukin sa ibang pagkakataon.

Ang bawat aralin ay may takdang aralin na inilalarawan sa hulihan. Dapat matapos ang mga takdang-aralin at iulat sa susunod na oras ng pag-aaral. Kung hindi makukumpleto ng isang mag-aaral ang aralin, maaari niyang gawin iyon sa ibang pagkakataon, subali’t dapat hikayatin ng tagapanguna sa klase ang mga mag-aaral na sundin ang kanilang takdang araw upang mas matuto sila mula sa klase.

Isa sa mga layunin ng kurso ay ang ihanda ang mga mag-aaral upang maging mga tagapagturo. Dapat bigyan ng tagapanguna sa klase ng pagkakataon ang mga mag-aaral upang pagyamanin ang kanilang mga kakayahang magturo. Halimbawa, dapat paminsan-minsan ay pahintulutan ng tagapanguna sa klase ang isang mag-aaral upang magturo ng maikling bahagi ng aralin para sa klase.

Dapat ituro ng mag-aaral ang isang seksiyon ng materyal sa mga taong nasa labas ng klase, sa tatlong iba’t-ibang pagkakataon. Hindi kinakailangan na ituro niya ang buong aralin sa bawat pagkakataon.

Ang takdang araling ito ay hindi naka-iskedyul; dapat lumikha ang mag-aaral ng mga pagkakataon at dapat niyang tiyakin na matatapos niya ang mga takdang-aralin.

Ang bawat aralin ay nagtataglay ng hindi bababa sa dalawang block quotes mula sa isang teologo mula sa kasaysayan. Kapag dumating ang klase sa isang block quote, dapat hilingan ng tagapanguna sa klase ang isang mag-aaral upang basahin at ipaliwanag ang sinabi sa paksa. 

Kung nais ng isang mag-aaral na magkaroon ng isang sertipiko mula sa Shepherds Global Classroon, dapat siyang dumalo sa mga sesyon sa klase at tapusin ang karamihan sa mga takdang-aralin. Upang alamin kung ang isang mag-aaral ay dapat nang tumanggap ng sertipiko, maaaring gamitin ang tagapanguna ang ganitong sistema: mayroong 14 na beses na ang mag-aaral ay dapat sumulat ng talata tungkol sa “Pitong Pagbubuos n Pangungusap,” mayroong 13 ibang takdang-aralin at mga pagsusulit, mayroong 15 panahon ng aralin, at 3 takdang-gawain ng pagtuturo sa labas. Sa kabuuan, kinakailangan ang 45 na mga aytem. Dapat makatugon ang mag-aaral ng hindi kukulangin sa 37 na mga aytem upang magkaroon siya ng isang sertipiko.

Ready to Start Learning?

Select a lesson from the sidebar to begin your journey through this course.