Unang Pakikipagharap
Kumatok sila sa pinto nina Sam at binigyan nila siya ng kopya ng magasin na Awake. Ang mga panauhin ay isang babae at dalawa sa kanyang mga anak. Maayos ang kanilang mga kasuotan at palakaibigan. Ang artikulong pambungad ng magasin ay tungkol sa kung paano tutulungan ang mga bata na maging mas mabuti sa paaralan. Bumasa ang babae ng isang talata sa Kasulatan, nagbigay ng komento tungkol dito at pagkatapos ay tinanong si Sam kung magiging interesado siya na mabisita para sa isang pag-aaral ng Biblia. Sinabi ni Sam na pag-iisipan niya iyon.