Search Course
Search through all lessons and sections in this course
Searching...
No results found
No matches for ""
Try different keywords or check your spelling
Mga Tradisyon ng Pananampalataya sa Mundo
Course Description
Ipinapaliwanag ng kursong ito ang mga pangunahing paniniwala at kasaysayan ng 17 piling mga kulto at tradisyong panrelihiyon, at inihambing ang mga ito sa makasaysayang Protestanteng Kristiyanismo at sinusuri ang kanilang mga doktrina at gawain sa pamamagitan ng Bibliya.
Introduction
| 
			 Mga Kulto na Kumikilala sa Kristiyanismo  | 
			
			 Mga Relihiyong Hindi Kristiyano  | 
			
			 Naiibang Mga Tradisyong Kristiyano  | 
		
|---|---|---|
| 
			 Mormonismo  | 
			
			 Hinduismo  | 
			
			 Adventismo ng Ikapitong Araw  | 
		
| 
			 Mga Saksi Ni Jehova  | 
			
			 Budismo  | 
			
			 Romano Katolisismo  | 
		
| 
			 Iglesia ni Cristo 
  | 
			
			 Taoismo  | 
			
			 Silangang Ortodokso  | 
		
| 
			 Silangang Kidlat  | 
			
			 Islam  | 
			
			 Teolohiya ng Kasaganaan  | 
		
| 
			 Mga Kultong Apokaliptic  | 
			
			 Hudaismo  | 
			
			 
  | 
		
| 
			 
  | 
			
			 Relihiyon ng New Age  | 
			
			 
  | 
		
| 
			 
  | 
			
			 Mga Relihiyong Pangkalikasan  | 
			
			 
  | 
		
| 
			 
  | 
			
			 Voodoo  | 
			
			 
  | 
		
Paglalarawan ng Kurso
Ipinapaliwanag ng kursong ito ang mga pangunahing paniniwala at kasaysayan ng 17 piling mga kulto at tradisyong panrelihiyon, at inihambing ang mga ito sa makasaysayang Protestanteng Kristiyanismo at sinusuri ang kanilang mga doktrina at gawain sa pamamagitan ng Bibliya. Magiging handa ang mag-aaral na tumugon sa mga pagkakamali ng mga maling relihiyon at protektahan ang mga Kristiyano mula sa pagkakamali.
Mga Paliwanag at Direksyon para sa mga Lider ng Klase
Kapag may mga banal na kasulatan na nakalista sa panaklong o sa loob ng pangunahing teksto, dapat na basahin ang mga iyon bago magpatuloy.
Ang mga aralin tungkol sa mga pangkat ng relihiyon (Aralin 3-19) ay karaniwang sumusunod sa disenyo na inilarawan sa mga sumusunod na direksyon. Ang unang dalawang aralin ay mga espesyal na paksa.
Ang mga direksyon na ito ay naglalarawan kung paano matuturuan ang klase ng may pinakamataas na antas na kalidad. Dapat na panatihin ng lider ng klase ang ganitong pamantayan para sa mga mag-aaral na nagnanais na magkaroon ng sertipiko mula sa Shepherds Global Classroom. Para sa mga ibang uri ng grupo na hindi kayang matugunan ang mga kinakailangang ito, maaaring iangkop ng guro ang mga kinakailangan sa kanilang kakayahan, at magbigay ng ibang sertipiko.
Sa aming pagtatantsa, ang bawat aralin ay gugugol ng dalawang oras upang makumpleto lahat nang maayos. Kung ang grupo ay magkikita sa mas maikling panahon, maaaring hatiin ang aralin sa dalawang pagkikita.
Pagkakasunod-sunod ng mga Pangkatang Gawain
(1) Mga ulat sa pag-uusap tungkol sa Ebanghelyo (Tinatayang oras: 20 minuto, kung may ilang mga ulat)
Dapat na mag-ulat ang mga mag-aaral na nakatapos na ng takdang-aralin tungkol sa pakikipag-usap mula sa nakaraang aralin. Kailangan lamang nilang ikwento ang kanilang pag-uusap. Maaaring magbigay ng mga mungkahi ang mga mag-aaral para sa hinaharap. Huwag hayaan na maging masyadong mapanuril ang mga mag-aaral sa taong nag-uulat.
(2) Oras ng pagsusuri sa klase (Tinatayang oras: 5-10 minuto)
Dapat itanong ng lider ng klase ang mga tanong sa pagbabalik-aral para sa nakaraang aralin, pagkatapos ay ilang tanong sa pagbabalik-aral mula sa ibang mga aralin na natapos na. Ang layunin ay upang bumuo ng pangmatagalang memorya at itama ang maling pagkaunawa na maaaring mayroon sila. Ang mga tanong sa pagsusuri ay makakatulong sa kanila na maalala ang pinakamahalagang katotohanan. Maaaring gawing napaka-epektibo ng tagapagturo ang kurso sa paggamit ng mga tanong sa pagsusuri. Ang mga tanong sa pagsusuri ay matatagpuan sa dulo ng kursong ito.
(3) Unang Pagtatagpo
May isa na dapat magbasa ng talata na may pamagat na “Unang Pagtatagpo”. Dapat itong magawa na wala masyadong komento o talakayan. Karamihan sa mga kwento ay walang konklusyon upang makalikha ng kuryosidad tungkol sa grupo na pinag-aaralan. Sa ilang mga kaso, ang patotoo sa dulo ng aralin ay tungkol sa parehong tao na nabanggit sa Unang Pagtatagpo.
(4) Pag-aaral ng Banal na Kasulatan- Bahagi 1 (Tinatayang oras: 15 minuto)
Basahin ng malakas ang itinalagang sipi ng sabay-sabay. Ang ilang mga mag-aaral ay maaaring magpalitan sa pagbabasa ng mga taludtod. Pagkatapos ay magkaroon ng ilang minutong katahimikan para makapagsulat ang mga mag-aaral ng talata ng buod at listahan ng mga pahayag (ang mga partikular na tagubilin ay nasa bawat aralin). Pagkatapos nilang magsulat, hayaan na magbahagi ang ilang mag-aaral ng kanilang isinulat upang matuto sila sa bawat isa.
(5) Pag-aaral ng pangkat ng relihiyon (Tinatayang oras: 40 minuto)
Pag-aralan ang mga impormasyon na nakalaan tungkol sa pangkat ng relihiyon. Ang lider o ang ibang tao sa grupo ay maaaring magbasa at magpaliwanag ng materyales sa grupo. Ang iba’t-ibang mga mag-aaral ay maaaring magbasa at magpaliwanag ng mga sipi sa mga gilid.
Ang mga tanong sa talakayan at mga gawain sa klase ay may marka na ►. Ang lider ng klase ay dapat na magtanong at bigyan ang mga mag-aaral ng oras upang talakayin ang sagot. Mayroong ilang mga ganito sa bawat aralin.
Ang naka bold at naka italicize na teksto ay nagpapabulaan sa mga maling turo at gawain ng relihiyosong grupo. Pagkatapos basahin ang mga katotohanan tungkol sa relihiyosong grupo, balikan at basahin ang mga paliwanag at banal na kasulatang ibinigay.
(6) Paggamit ng Manwal ng Doktrina (Tinatayang oras: 20 minuto)
Ang Manwal ng Doktrina, ay isang bahagi ng materyal sa kursong ito na inilimbag pagkatapos ng mga aralin. Sa puntong ito ng aralin, tingnan ang mga paksa ng Manwal ng Doktrina, na nakalista sa ilalim ng bahaging ito. Dapat basahin ng sabay sabay ng mga mag-aaral ang banal na kasulatan at siguraduhin na nauunawaan nila kung paano nagpapatunay ang mga talata. Ang bawat isang mag-aaral ay dapat na makapagpakita na kaya niyang patunayan ang punto mula sa banal na kasulatan. Ang ilang mga punto ay ginamit sa ilang mga aralin. Hindi naman kailangan na ulitin ang pagsasagawa ng magkatulad ng mga puntos kung ang mga mag-aaral ay tila natututo nang mabuti.
(7) Ebanghelismo (Tinatayang oras: 10 minuto)
Ang seksyong ito ay nagbibigay ng mga praktikal na mga bagay na dapat tandaan kapag nakikipag-usap sa mga miyembro ng partikular na pangkat ng relihiyon. Sa ilang mga aralin ang seksyong ito ay pinag-sama sa “Paggamit ng Manwal ng Doktrina” na seksyon.
(8) Isang Patotoo
May isang tao na dapat magbasa ng seksyon ng materyales na may pamagat na “ Isang Patotoo”. Ang mga patotoo ay mga tunay na kaso, kahit na minsan, ang mga pangalan ay binago.
(9) Pag-aaral ng Banal na Kasulatan- Bahagi 2 (Tinatayang oras: 20 minuto)
Sa dulo ng bawat aralin, basahin muli ang nakatalagang talata ng banal na kasulatan. Maghintay ng ilang mga minuto para makapagsulat ang bawat mag-aaral ng talatang nagpapaliwanag ng mensahe para sa miyembro ng grupo ng relihiyon na kanilang pinag-aralan. Hayaang ibahagi ng ilang mag-aaral sa grupo ang kanilang isinulat.
(10) Takdang-aralin
Laging tapusin ang oras ng aralin sa pamamagitan ng pagpapaalala sa mga mag-aaral na mag-iskedyul ng pagkakataon para makapag bahagi ng ebanghelyo. Ang mga mag-aaral ay dapat na magkaroon ng pakikipag-usap kung maaari sa mga miyembro ng relihiyosong grupo na pinag-aralan. Dapat nilang subukang ipahayag ang ebanghelyo at iba pang Kristiyanong katotohanan. Kung hindi posible para sa kanila na makahanap ng miyembro ng partikular na grupo ng relihiyon na iyon, dapat silang humanap ng tao na may interes na marinig ang materyal. Kailangan nilang ilarawan ang pangunahing paniniwala ng relihiyon, at pagkatapos ay ibigay ang tugon sa Bibliya. Kailangan silang maging handa na sabihin sa klase tungkol sa kanilang pakikipag-usap.
Ang bawat mag-aaral ay dapat na mag-ulat ng mga pag-uusap tungkol sa 10 iba't-ibang mga relihiyon sa pamamagitan ng kurso. Ang nakasulat na ulat ng bawat pag-uusap ay dapat na naglalarawan ng mga katangian ng relihiyon na mahalagang malaman ng isang mangangaral ng ebanghelyo. Sa ulat, dapat ipaliwanag ng mag-aaral ang kanyang ipinakita sa pag-uusap, at kung paano tumugon ang kausap. Ang ulat ng bawat pag-uusap ay dapat na dalawang pahina ang haba. Dapat na ipaliwanag ng tagapagturo ang takdang-aralin na ito ng maraming beses sa unang ilang mga aralin. Maaaring ipakita sa grupo ang magagandang gawa na isinulat ng mga mag-aaral bilang mga halimbawa.
Ang 10 pag-uusap at takdang-araling sulatin ang mga pangunahing takdang-aralin ng kursong ito. May form na nakalimbag sa dulo ng librong ito na gagamitin ng tagapagturo sa pag-iingat ng mga talaan.
(11) Mga Inirerekomendang Mapagkukunan
Kung nagnanais ang mga mag-aaral na mas matuto tungkol sa anumang pangkat ng relihiyon, dapat silang tumingin sa mga Inirerekomendang Mapagkukunan malapit sa likod ng libro upang makita ang mga magagamit na mapapagkukunan.
Ready to Start Learning?
Select a lesson from the sidebar to begin your journey through this course.