Unang Pakikipagharap
Pinanonood ni William si Benny Hinn sa telebisyon. Ikinuwento ni Hinn ang tungkol sa kanya at sa isa pang mangangaral na nagkaroon ng gawain ng pagpapagaling. Sinabi niya na napakaraming tao ang gumaling at iniwan ang kanilang wheelchairs kung kaya’t ang mga wheelchairs na walang laman ay naiiwan lamang sa daan. Nag-iisip si William kung ang mga ganoong himala ay tunay na nangyayari at kung ang mga ito ay tanda ng tunay na Kristiyanismo.