Unang Pakikipagharap
Habang nagiging pamilyar si Jonathan sa Eastern Orthodoxy, siya ay humanga sa kung paano sila nagtiis ng pag-uusig mula sa mga Muslim at Komunista sa maraming bansa. Ang kanilang mga bayani ay hindi mga pastor ng malalaking iglesya o mga tagapanguna sa musika. Ang kanilang mga bayani ay mga martir. Iniisip ni Jonathan na kung magiging mas mahigpit ang pag-uusig sa lahat ng lugar, ang mga mananampalatayang Eastern Orthodoxy ang siyang makapagtitiis nito.
