Search Course
Search through all lessons and sections in this course
Searching...
No results found
No matches for ""
Try different keywords or check your spelling
Praktikal na Pamumuhay Kristiyano
Course Description
Itinuturo sa kursong ito ang mga prinsipyo ng Biblia hinggil sa pananalapi, relasyon, kapaligiran, gobyerno, karapatang pantao, at iba pang bahagi ng praktikal na pamumuhay.
Introduction
Ang mga direksiyon para sa bawat leksiyon ay nakaimprenta sa italics (italics) sa kabuuan ng leksiyon.
Ang simbolong ► ay matatagpuan sa unahan ng isang tanong para sa talakayan. Dapat itong itanong ng tagapanguna sa klase at bigyan ang mga mag-aaral ng panahon upang talakayin ang sagot. Kung ang parehong mag-aaral ang karaniwang unang sumasagot, o kung ang ilang mag-aaral ay ayaw magsalita, maaaring idiretso ng tagapanguna ang tanong sa isang mag-aaral: “Igor, paano mo sasagutin ang tanong na ito?”
Maraming Kasulatan ang ginamit sa kursong ito. Kailanman na kailangang basahin nang sama-sama ang isang talata, sasabihin iyon ng mga direksiyon. Halimbawa: Dapat basahin ng isang mag-aaral para sa grupo ang Roma 6. Dapat tingnan ng lahat ng mag-aaral ang talatang binabasa. Sa ibang pagkakataon naman, (1 Corinto 12:15). Ang mga reperensiyang ito ay suporta sa mga pangungusap sa teksto. Hindi laging kinakailangang basahin ang mga talata sa parenthesis.
Ang bawat leksiyon ay may mga takdang-aralin na inilalarawan sa hulihan. Ang mga takdang-aralin ay dapat makumpleto pagkatapos ng leksiyon at iulat sa tagapanguna sa klase sa susunod na oras ng pag-aaral. Kung ang isang mag-aaral ay hindi nakatapos ng leksiyon at mga takdang-aralin nito, maaari niyang gawin ang mga ito sa ibang oras. Gayunman, dapat hikayatin ng tagapanguna ang mga mag-aaral na manatili sa iskedyul upang mas marami silang matutuhan mula sa klase. Isang chart ang inilagay sa dulo ng kurso upang itala ang mga takdang-aralin na natapos na ng mag-aaral.
Isa sa mga layunin ng kurso ay ihanda ang mga mag-aaral upang maging mga tagapagturo. Dapat silang bigyan ng tagapanguna sa klase ng mga pagkakataon upang paunlarin ang kanilang kakayahan na magturo. Halimbawa, dapat sa pana-panahon ay pahintulutan ng tagapanguna sa klase ang isang mag-aaral na nagturo ng maikling bahagi ng leksiyon para sa klase.
Sa dulo ng bawat leksiyon ay isang seksiyon na may mga direksiyon para sa pagbabahaginan ng grupo. Maaaring magpasiya ang tagapanguna ng klase kung gaano kahabang oras ang gagamitin sa oras ng talakayan. Maraming leksiyon ang magkakaroon ng saganang talakayan habang pinag-aaralan ang materyal.
Gayun rin sa dulo ng bawat leksiyon ay isang maikling panalangin, na hinihiling sa Dios na ilapat ang katotohanan sa buhay ng mga mag-aaral. Maaaring atasan ng tagapanguna sa klase ang isang mag-aaral na basahin ang panalangin para sa klase.
Ready to Start Learning?
Select a lesson from the sidebar to begin your journey through this course.