Mga Paniniwalang Kristiyano
Mga Paniniwalang Kristiyano
Audio Course Purchase

Search Course

Type at least 3 characters to search

Search through all lessons and sections in this course

Searching...

No results found

No matches for ""

Try different keywords or check your spelling

results found

Mga Paniniwalang Kristiyano

Lead Writer: Stephen Gibson

Course Description

Ito ay isang kurso sa sistematikong teolohiya, na naglalarawan sa mga doktrinang Kristiyano tungkol sa Bibliya, Diyos, tao, kasalanan, Kristo, kaligtasan, Banal na Espiritu, ang Simbahan, at mga huling bagay.

Introduction

Paglalarawan sa Kurso

Ang kursong ito ay nagbibigay ng pag-unawa sa mga pangunahing katuroan sa bawat isa sa mga pangunahing tema ng teolohiyang Kristiyano, tulad ng ang Diyos, si Kristo, kasalanan, kaligtasan, atbp. Matututunan ng mag-aaral kung paano maiiwasan ang mga pagkakamali sa katuroan. Ang mag-aaral ay magkakaroon ng kakayahang ituro ang katuroang Kristiyano sa iba.

Mga Direksiyon

Ang mga direksiyong ito ay naglalarawan kung paano matuturuan ang klase nang may kalidad sa pinakamataas na level. Dapat panatilihin ng tagapanguna ng klase ang batayang ito para sa mga mag-aaral na nagnanais na magkaroon ng sertipiko mula sa Shepherds Global Classroom.  Para sa ibang grupo na hindi nakatugon sa mga kahingiang ito, ang guro ay maaaring iakma ang mga kahingian ayon sa kanilang kakayahan at magbigay ng ibang klase ng sertipiko.

Tinataya naming ang isang leksyon ay tatagal ng 90  minuto o higit pa. Maaaring pinakamabuti para sa grupo  na magkita nang dalawang beses para sa bawat leksyon.  Kapag ang grupo ay magkikita nang dalawang beses, may mga direksiyon na kailangang gamitin.  Halimbawa, hindi magkakaroon ng pagsusulit sa dalawang pagkakataon.

Mga Direksiyon para sa Lider ng Klase

Ang bawat mag-aaral ay nangangailangan ng isang kumpletong kopya ng materyal para sa leksyon maliban sa pahina na naglalaman ng sagot sa pagsusulit.

Sa simula ng sesyon ng klase, magbigay ng pagsusulit tungkol sa naunang leksyon. Ang bawat mag-aaral ay dapat sumulat ng mga sagot ayon sa kaniyang pagkakasaulo nang walang tulong. Kapag hindi naipasa ng mag-aaral ang pagsusulit, maaari mo siyang bigyan ng isa pang pagkakataon sa ibang araw. (Tinatayang oras: 10 minuto).

Pagkatapos ng pagsusulit, gamitin ang listahan ng mga layunin, mula sa naunang leksyon bilang mga tanong sa pagbabalik-aral. Magtanong ng isa para sa bawat layunin, at hayaang magpaliwanag ang mga mag-aaral (Tinatayang oras: 15 minuto)

Simulan ang bagong leksyon sa pagbasa ng isang mag-aaral sa Kasulatan na nakatakda.  Maigsing talakayin ng mga mag-aaral kung ano ang sinasabi ng tema ng leksyon. (Tinatayang oras: 10 minuto)

Pag-aralan ang leksyon sa pagbasa at pagpapaliwanag ng bawat seksiyon. May mga miyembro ng klase na maaaring makapagturo ng ilan sa mga seksiyon. (Tinatayang oras: 45 minuto).

Ang simbolong ► ay nagpapakita ng tanong para sa talakayan.  Kung minsan ang tanong ay nagpapasimula sa seksiyon, at kung minsan ito’y nagbabalik-aral sa natapos na seksiyon. Magtanong at hayaan ang mga mag-aaral na talakayin ang sagot.  Hindi kinakailangang lubusang ipaliwanag ang sagot sa oras na iyon, lalo na kung ang tanong ay nagpapasimula ng isang seksiyon.

Sa pinakamababang pitong beses habang kasalukuyan ang kursong ito, ang mag-aaral ay dapat magturo ng leksyon o bahagi ng isang leksyon sa mga taong hindi kabilang sa klase. Ang pagtuturong ito ay dapat isagawa sa isang klase sa iglesiya, o sa isang home Bible study group, o sa ibang pagkakataon.  Sa dulo ng bawat sesyon sa klase, ipaalala sa mga mag-aaral ang takdang-leksyong ito, at bigyan sila ng pagkakataon na iulat kapag nakapagsagawa sila ng pagtuturo simula noong huling sesyon sa klase.

Dapat sama-samang basahin ng klase ang “Pagpapahayag ng Pananampalataya” sa dulo ng leksyon.

Sa dulo ng klase, ang bawat mag-aaral ay dapat bigyan ng takdang leksyon,  isang talata mula sa Kasulatan mula sa listahang nakahanda. Bago ang susunod na sesyon sa klase, dapat nilang basahin ang talata at sumulat ng isang paragraph tungkol sa sinasabi ng talata tungkol sa leksyon.  Dapat nilang ipakita ang paragraph na ito sa lider ng klase sa susunod na sesyon sa klase.

Sa katapusan ng klase, ipaalala sa mga mag-aaral na basahin ang materyal para sa susunod na leksyon bago ang susunod na sesyon sa klase. (Tinatayang oras para sa mga paalala at takdang-leksyon: 10 minuto).

Mahalaga na magkaroon ng record para sa mga mag-aaral ng kanilang mga pagdalo sa klase, pagsusulit, pagtuturo sa mga grupo sa labas, at paragraphs na isinulat para sa mga talata.  Kapag ang isang mag-aaral ay lumiban sa klase, dapat niyang pag-aralan ang leksyong kanyang di-napag-aralan, kumuha ng pagsusulit ng pagsusulit at gawin ang takdang-leksyong dapat isulat. May isang form para sa pagrerecord sa nakalimbag sa akat na ito pagkatapos ng huling leksyon.

Mga Direksiyon para sa Mag-aaral

Kailangan mong basahin ang materyal para sa bawat leksyon bago magkita muli ang klase, upang makasali ka sa pagtatalakayan nang may mas mabuting pang-unawa.

Sa simula ng bawat sesyon sa klase, maging handa sa pagkuha ng isang pagsusulit mula sa naunang leksyon. Pag-aralan ang mga nakahandang tanong sa pagsusulit.

Palaging magdala ng Biblia, ang nakalimbag na kopya ng leksyon, at isang pansulat para sa pagsusulat ng iyong sariling mga notes sa materyal.

Maging handa sa paghanap ng mga reperensiya sa Kasulatan, sagutin ang mga tanong sa talakayan, at makibahagi ayon sa direksiyon ng lider ng klase.

Sa dulo ng bawat klase ikaw ay maaatasan ng isang talata sa Kasulatan.  Bago ang susunod na sesyon sa klase, basahin ang talata at sumulat ng isang paragraph tungkol sa sinasabi ng talata tungkol sa paksa ng leksyon. Ipakita ang paragraph sa lider ng klase.

Pitong beses sa buong panahon ng kursong ito, dapat kang magturo ng leksyon o bahagi ng isang leksyon sa mga tao na hindi kabilang sa inyong klase.  Ang pagtuturong ito ay maaaring gawin sa iglesiya, o sa isang home Bible study group, o sa ibang pagkakataon. Iulat sa lider ng klase ang bawat pagkakataon na ikaw ay may isang naturuan.

Ready to Start Learning?

Select a lesson from the sidebar to begin your journey through this course.