Search Course
Search through all lessons and sections in this course
Searching...
No results found
No matches for ""
Try different keywords or check your spelling
Pambungad sa Pagsambang Kristyano
Course Description
Ipinapaliwanag sa kursong ito kung paano naaapektuhan ng pagsamba ang lahat ng aspeto sa buhay ng isang mananampalataya. Nagbibigay rin ito ng mga prinsipyo na gagabay sa indibidwal at kongregasyon na pananambahan.
Introduction
Ang kursong ito ay pambungad sa pangunahing prinsipyo ng pagsamba.
Kung pag-aaralan ito bilang grupo, hayaang salit-salitang basahin ng bawat isa ang materyales. Dapat huminto kung may mga bagay na kailangang talakayin ang klase. Bilang tagapamuno sa klase, tungkulin mong panatilihin ang talakayan sa pinag-uusapang paksa. Magandang may limitasyon sa oras ang ginagawang talakayan.
Ang mga Tanong na Pantalakay at Gawain sa Loob ng Klase ay makikita sa arrow bullet points na pananda. Kapag kayo ay napunta sa bahaging ito, pagisipan ang mga ibinigay na tanong at hayaan ang mga estudyante na talakayin ang kasagutan. Tiyaking ang lahat ng estudyante ay makakabahagi sa talakayan. Kung kinakailangan, tawagin mo ang pangalan ng bawat estudyante.
Maraming talata sa Banal na Kasulatan ang ginamit sa kurso. Ang mga talatang dapat basahing malakas sa klase ay ipinapahiwatig ng arrow bullet points na tanda. Pakiusapan ang mga estudyante na ito’y hanapin at salit-salitang basahin.
Bawat aralin ay nagtatapos sa takdang aralin. Ang mga ito ay dapat na tapusin at iulat bago magsimula ang susunod na aralin.
Mayroong pagsusulit sa bawat aralin na may kasamang talatang dapat kabisaduhin. Sa pagtatapos ng bawat klase, maaring balik-aralan ng tagapamuno ang mga tanong na ito kasama ang mga estudyante. Ang pagsusulit na ito ay gagawin sa pasimula ng susunod na sesyon ng klase. Ang pagsusulit ay dapat na gawin na hindi tumitingin sa aklat, sa mga notes, sa Biblia, at sa kaklase. Ang sagot sa mga tanong ay makukuha at maida-download ng tagapumuno mula sa Shepherds Global Classroom.
Sa Aralin 1, ang mga estudyante ay pagagawain ng 30-araw na Proyekto. Kapag natapos na nila ang proyektong ito, bawat isa sa kanila ay magpapasa ng isang-pahinang ulat na binubuod ang lahat nilang natutuhan sa proyekto. Hindi ipapasa ng mga estudyante ang kanilang mga journal.
Kung nais ng estudyante na tumanggap ng katibayan o certificate mula sa Shepherds Global Classroom, dapat siyang dumalo sa bawat sesyon ng klase at tapusin ang mga takdang-aralin. May form na inilaan sa katapusan ng kurso para sa pagtatala ng mga natapos na takdang-aralin.
Ready to Start Learning?
Select a lesson from the sidebar to begin your journey through this course.