Search Course
Search through all lessons and sections in this course
Searching...
No results found
No matches for ""
Try different keywords or check your spelling
Biblikal na Pag-eebanghelyo at Pagdidisipulo
Course Description
Ang kursong ito ay nagtuturo ng mga prinsipyo sa Biblia na gagabay sa paraan ng pagbabahagi ng ebanghelyo. Inilalarawan rito ang mga anyo ng pagbabahagi ng ebanghelyo at nagbibigay ng mga aralin na magagamit sa pagdidisipulo ng mga bagong kasapi ng simbahan.
Introduction
Mga Layunin ng Kurso
Upang maipaliwanag ang mga implikasyon ng ebanghelyo para sa likas na katangian at disenyo ng iglesia
Upang suriin ang pangunahing mga doktrina ng ebanghelyo
Upang sanayin ang mga mananampalataya sa praktikal na pamamaraan ng pag-eebanghelyo
Upang maunawaan ang responsibilidad ng iglesia para sa pagdidisipulo
Upang tukuyin at ilarawan ang gawain ng pagdidisipulo
Upang matutunan ang mga praktikal na pamamaraan para sa pangunguna ng isang maliit na grupo para sa pagdidisipulo
Upang magbigay ng isang serye ng mga aralin na gagamitin sa pagdidisipulo ng mga bagong mananampalataya
Panimula sa Kurso
Ang kursong ito ay isang tool upang matulungan ang iglesia na matupad ang misyon nito.
Binibigyang--iin ng kursong ito ang sentralidad ng lokal na iglesia, na nagpapakita na ang ebanghelyo ay ang misyon ng iglesia, at ang katangian ng ebanghelyo ang dapat humubog ng iglesia.
Sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng mga pangunahing kaalaman patungkol sa ebanghelyo, itinatama nito ang ilang mga pagkakamali ng mga modernong pamamaraan na hindi gumagabay sa isang makasalanan sa tunay na pagbabalik-loob at pamumuhay bilang Kristiyano.
Ang mag-aaral ay magiging handa upang mapaunlad ang kanyang ministeryo.
Karamihan sa mga leksiyon ng kurso ay maaaring maituro bilang kumpletong paksa para sa iba’t ibang uri ng mga pangkat. Halimbawa, ang isang aralin ay maaaring magamit upang magturo ng isang pamamaraan para sa pagpapahayag ng ebanghelyo.
Ang labindalawang mga Aralin sa Pagdidisipulo sa pagtatapos ay para magamit ng mga mag-aaral sa mga pangkat ng mga bagong mananampalataya.
Paalala sa Tagapanguna ng Klase:
Sa tuwing darating sa simbolong ito ►, dapat itanong ng pinuno ng klase ang tanong at payagan ang mga mag-aaral na sumagot. Hindi kinakailangan na masagot ng buo ang tanong sa talakayan. Ang materyal sa leksiyon ang sasagot sa katanungan.
Ready to Start Learning?
Select a lesson from the sidebar to begin your journey through this course.