Timepagsasaliksik sa Lumang Tipan
Timepagsasaliksik sa Lumang Tipan
Audio Course Purchase

Search Course

Type at least 3 characters to search

Search through all lessons and sections in this course

Searching...

No results found

No matches for ""

Try different keywords or check your spelling

results found

Timepagsasaliksik sa Lumang Tipan

Lead Writer: Randall McElwain

Course Description

Itinuturo sa kursong ito ang mga mahahalagang nilalaman at katuruan ng 39 na aklat sa Lumang Tipan.

Introduction

Ang kursong ito ay pagsasaliksik sa Lumang Tipan. Ang bawat Leksiyon ay may kasamang ilang gawain. Dapat kang mag-iskedyul ng 90-120 minuto para sa klase, karagdagan sa oras para sa paggawa ng mga takdang-aralin ng leksiyon sa labas ng klase.

Istraktura ng Leksiyon

Karamihan sa mga leksiyon ay magsisimula sa takdang aralin na pagbasa ng aklat o mga aklat sa Biblia na pag-aaralan sa leksiyon. Dapat itong gawin bago ang pag-aaral ng leksiyon bilang isang grupo. Ito ang titiyak na alam ng mga mag-aaral ang pangunahing nilalaman ng aklat bago pa man ito pag-aralan. Sa kaso ng mas mahahabang aklat, tulald ng Mga Awit, kinakailangan mong paghati-hatiin ang pagbabasa sa mas mahabang panahon.

Ang bawat leksiyon ay magsisimula sa isang maikling Kasulatan na dapat isaulo. Ito ay binubuo ng mga susing talata mula sa mga aklat na pag-aaralan.

Kung nag-aaral bilang isang grupo, maaari kayong maghati-hati sa pagbasa ng materyales. Paminsan-minsan ay dapat tumigil para sa pagtatalakayan ng klase. Bilang tagapanguna sa klase, ikaw ay may tungkulin na panatilihin ang pagtatalakayan at hindi lalayo sa materyal na pinag-aaralan. Makakatulong kung may limit ang oras ng bawat panahon ng talakayan.

Kapag dumating ka sa tanda na ►, magtanong at hayaang talakayin ng mga mag-aaral ang sagot.

Maraming footnotes ang tumutukoy sa reperensiya sa Kasulatan. Ipahanap sa mga mag-aaral ang mga talata at ipabasa ito sa grupo.

Bawat leksiyon ay may kasamang takdang-aralin. Sa kaso ng mga presentasyon ng grupo, magbigay ng panahon sa simula ng susunod na pagkikita ng grupo para sa mga presentasyon.

Bawat leksiyon ay may kasamang mga tanong sa pagsusulit. Sa dulo ng bawat klase, ang tagapanguna ay maaaring magbalik-aral sa mga tanong na ito kasama ng mga mag-aaral. Ang susunod na sesyon ng klase ay dapat magsimula sa maikling pagsusulit gamit ang mga tanong na ito. Maaari itong gawin nang pasalita o sa anyong nakasulat.

Ready to Start Learning?

Select a lesson from the sidebar to begin your journey through this course.