Pagsasaliksik sa Bagong Tipan
Pagsasaliksik sa Bagong Tipan

Search Course

Type at least 3 characters to search

Search through all lessons and sections in this course

Searching...

No results found

No matches for ""

Try different keywords or check your spelling

results found

Pagsasaliksik sa Bagong Tipan

Lead Writer: Randall McElwain

Course Description

Itinuturo ng kursong ito ang mahahalagang nilalaman at aral ng 27 mga aklat ng Bagong Tipan.

Introduction

Mga Panuto para sa Tagapanguna ng Klase

(1) Karamihan sa mga aralin ay magsisimula sa isang takdang aralin na basahin ang aklat o mga aklat ng Bibliya na pag-aaralan sa aralin. Ito ay dapat gawin bago pag-aralan ang aralin bilang isang grupo. Sa katapusan ng bawat aralin, mangyaring ipaalala sa mga mag-aaral ang takdang-araling babasahin para sa susunod na aralin. Ito ang titiyak na alam ng mga mag-aaral ang pangunahing nilalaman ng aklat bago pa ito pag-aralan sa klase.

(2) Ang bawat aralin ay magsisimula sa isang takdang-araling maikling Kasulatang isasaulo. Binubuo ito ng mga susing talata mula sa mga aklat na pag-aaralan.

(3) Kung pag-aaralan bilang isang grupo, maaaring magsalit-salit sa pagbasa ng materyal.  Dapat pana-panahon kayong huminto para sa pagtatalakayan ng klase. Bilang tagapanguna ng klase, tungkulin mo na huwag pabayaang lumayo ang talakayan sa materyal na pinag-aaralan. Makatutulong na magkaroon ng limit sa oras para sa bawat panahon ng pagtatalakayan.

(4) Tuwing darating kayo sa isang palatandaang ►, magtanong at hayaang talakayin ng mga mag-aaral ang sagot.

(5) Maraming footnotes o mga talababa ang tumutukoy sa mga reperensiya sa Kasulatan. Ipahanap sa mga mag-aaral ang mga talata at basahin iyon sa grupo.

(6) Ang bawat aralin ay may nakabilang na takdang-aralin. Kung mayroong mga pagpepresenta ng mga grupo, maglaan ng oras sa simula ng susunod na klase para sa mga pagpepresenta.

(7) Ang bawat aralin ay mayroong mga tanong sa pagsusulit. Sa katapusan ng bawat klase, maaaring magbalik-aral ang lider ng klase sa mga tanong na ito kasama ng mga mag-aaral. Maaari itong gawin ng pasalita o sa anyong nakasulat.

Ready to Start Learning?

Choose a lesson to begin your journey through this course.