Search Course
Search through all lessons and sections in this course
Searching...
No results found
No matches for ""
Try different keywords or check your spelling
Mga Taga-Roma
Course Description
Ang liham ni Pablo sa mga mananampalataya sa Roma ay nagpapaliwanag sa kanyang misyon at mensahe. Ipinaliwanag niya ang teolohiya ng ebanghelyo upang ipaliwanag kung bakit ito kailangan ng lahat nang tao sa mundo. Ang liham na ito ay may malaking epekto sa iglesya sa buong kasaysayan. Maraming kontrobersyal na doktrina ang nag-ugat doon. Sinusuri ng kursong ito ang mga turo ng aklat ng Roma at inilalapat ang mga ito sa pamumuhay Kristiyano.
Introduction
Disenyo ng Aralin
Ang mga aralin ay idinisenyo upang ituro sa isang sesyon bawat isa, ngunit ang oras na kailangan para sa bawat aralin ay maaaring dalawang oras o higit pa. Kung kailangan ang mas maikling mga sesyon, maaaring hatiin ang mga aralin sa mas maliliit na bahagi.
Ang mga direksyon para sa pinuno ng klase sa aralin ay naka-italics.
Dapat na madalas na sumangguni ang klase sa “Balangkas ng Roma” na makikita bago ang Aralin 1. Habang pinag-aaralan ng klase ang bawat talata, ipaalala sa mga estudyante kung paano umaangkop ang talatang iyon sa konteksto ng bahaging iyon ng aklat, at sa konteksto ng kabuuan nang aklat.
Ang mga tanong sa pagbabalik-aral ay kasamang ibinigay para sa bawat aralin. Sa simula ng bawat sesyon ng klase, dapat itanong ng pinuno ng klase ang mga tanong sa pagbabalik-aral para sa nakaraang aralin at ilang mga tanong mula sa iba pang mga nakaraang aralin. Siguraduhin na lahat ng mga estudyante ay tumulong sa pagbibigay ng mga sagot. Kung mayroong hindi nakikilahok, idirekta ang isang tanong sa pamamagitan ng pagtawag sa kanyang pangalan. Ito ay isang magandang panahon upang iwasto ang mga hindi pagkakaunawaan patungkol sa materyal. Ang mga tanong sa pagsusuri ay ang parehong mga tanong na gagamitin para sa huling pagsusulit. Repasuhin at iwasto ang mga sagot kung kinakailangan. Maaaring ma-access ng mga lider ng klase ang isang answer key sa shepherdsglobal.org.
Ang mga tanong sa talakayan at mga aktibidad sa loob ng klase ay ipinahiwatig
ng ►. Para sa mga tanong sa talakayan, dapat itanong ng lider ng klase ang tanong at payagan ang ilang mag-aaral na sumagot nang maikli. Kung minsan ang tanong ay nagbabalik-aral sa materyal na katatapos lang na pag-aralan. Sa mga oras na iyon, ang mga mag-aaral ay dapat na makapagbigay ng tamang sagot. Kung may kalituhan, ang pinuno ng klase ay dapat na ipaliwanag ang materyal nang mas lubusan. Sa ibang mga pagkakataon, ang tanong ay nagpapakilala ng bagong materyal. Kung gayon, hindi na kailangang lubusang tumpak ang sagot ng mga mag-aaral, at hindi kinakailangang magkaroon ng konklusyon. Inihahanda lamang sila ng tanong na matutuhan ang bagong materyal.
Hindi kinakailangang hanapin ang bawat sangguniang sa banal na kasulatan sa mga panaklong. Ang mga sanggunian ay ibinigay upang suportahan ang mga pahayag.
Kung minsan ang footnote o talababa ay magpapakita kung saan mahahanap ang iba pang materyal sa aralin o sa ibang bahagi ng kurso. Hindi kinakailangang pumunta sa materyal na iyon maliban kung ang klase ay nangangailangan ng karagdagang paliwanag kaagad.
Maaaring hilingin ng lider ng klase sa isang estudyante na ipaliwanag ang mga talata na nasa mga kahon sa gilid ng mga aralin.
Karamihan sa mga aralin ay may isang kahon na may larawan at isang makasaysayang tala tungkol sa Roma. Ang tala ay hindi nauugnay sa aralin. Hindi kinakailangang isama ang makasaysayang tala sa paglalahad ng aralin.
Sa simula ng bawat sesyon ng klase, dapat kolektahin ng lider ng klase ang mga nakasulat na takdang-aralin mula sa nakaraang sesyon at pangunahan ang grupo sa isang maikling talakayan ng kanilang mga isinulat.
Takdang-aralin para sa mga Mag-aaral
Ito ay isang klase patungkol sa Bibliya. Dapat panatilihing bukas ng mga estudyante ang kanilang mga Bibliya at tingnan ang talata na pinag-aaralan.
Sa mga linggo ng kursong ito, ang estudyante ay dapat maghanda ng tatlong sermon o mga aralin batay sa isang talata sa Roma at ipakita ang mga ito sa mga grupo maliban sa klase. Pagkatapos ng bawat presentasyon, dapat niyang hilingin sa ilan sa mga nakikinig na sabihin sa kanya kung paano mapapabuti ang presentasyon. Dapat niyang bigyan ang pinuno ng klase ng kopya ng kanyang mga talata na ipinangaral, isang paglalarawan ng grupo at pangyayari noong siya ay nagsalita, at ang kanyang mga plano para sa pagpapabuti.
Dapat maghanda ang estudyante ng hindi bababa sa dalawang pakikipag-usap sa mga mananampalataya mula sa mga iglesya na may ibang doktrina. Dapat niyang hilingin sa kanila na ipaliwanag kung bakit pinanghahawakan nila ang kanilang doktrina. Dapat niyang ipaliwanag ang mga talata mula sa mga Roma na nauugnay sa paksa. Dapat siyang magbigay ng pagssalarawan ng naging pag-uusap at ibigay ito sa pinuno ng klase. Mas mabuti kung ang takdang-aralin na ito ay natapos pagkatapos pag-aralan ang Aralin 9.
Maliban sa Aralin 12, ang bawat aralin ay may takdang-aralin na isusulat. Ang bawat isa sa mga ito ay dapat tapusin bago ang susunod na sesyon ng klase. Dapat itong ibigay sa pinuno ng klase sa simula ng klase. Ang pinuno ng klase ay dapat manguna sa isang maikling talakayan patungkol sa mga isinulat ng mga mag-aaral.
Sa pagtatapos ng kurso ay isang pangwakas na pagsusulit. Dapat kumpletuhin ng mga mag-aaral ang pagsusulit nang mag-isa nang walang tulong at hindi tumitingin sa anumang nakasulat na materyal. Ang listahan ng mga tanong ay ibinigay malapit sa pagtatapos ng kursong ito. Ang pagsusulit ay maaaring iiskedyul para sa parehong sesyon kapag ang huling aralin ay sakop o sa ibang oras. Upang mapaikli ang oras na kailangan sa pagkuha ng pagsusulit, maaaring pumili ang guro ng 20 tanong na gagamitin. Upang isulat ang mga sagot para sa 20 tanong ay maaaring tumagal ng isang oras para sa ilang mga mag-aaral. Hindi dapat malaman ng mga mag-aaral kung aling mga tanong ang gagamitin at dapat pag-aralan ang lahat ng mga tanong sa pagsusuri.
Ang mga mag-aaral ay dapat dumalo sa bawat sesyon ng klase. Kung ang isang mag-aaral ay makaligtaan ang isang sesyon, dapat niyang pag-aralan ito, suriin ito kasama ng pinuno ng klase, at isulat ang takdang-aralin.
Ready to Start Learning?
Select a lesson from the sidebar to begin your journey through this course.