Pamilyang Kristiyano
Pamilyang Kristiyano
Audio Course Purchase

Search Course

Type at least 3 characters to search

Search through all lessons and sections in this course

Searching...

No results found

No matches for ""

Try different keywords or check your spelling

results found

Pamilyang Kristiyano

Lead Writer: Stephen Gibson

Course Description

Ang kursong ito ay nagbibigay ng Kristiyanong perspektiba sa pag-unlad ng tao sa pamamagitan ng mga yugto ng buhay at nag-aaplay ng mga simulain mula sa Kasulatan sa mga papel at relasyon sa pamilya.

Introduction

Deskripsyon ng Kurso

Itinuturo ng kursong ito ang mga prinsipyo ng Diyos para sa iba’t-ibang yugto ng buhay at relasyong pampamilya, lalo na sa pag-aasawa at pagpapalaki ng anak. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, maihahanda ang mga mag-aaral para parangalan ang Diyos sa kasalukuyang yugto ng kanilang buhay at sa kanilang mga relasyon. Maihahanda silang magturo sa iba ng mga prinsipyo ng Biblia at ng mga praktikal na aplikasyon ng mga prinsipyong iyon. Mapapalakas ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan sa kanilang lokal na simbahan para maimpluwensiyahan ng pagiging maka-Diyos ang mga pamilya sa kanilang lipunan at komunidad.

Bukod sa iba pang bagay, matututunan ng mga mag-aaral ang tungkol sa pagdidisipulo ng pamilya sa mga kanilang nagbibinata, nagdadalaga at mga batang anak. Itinuturo ng Aralin 12, Takdang-Aralin 3 sa mga magulang na kumukuha ng kursong ito na magtakda ng oras sa bawat araw para sa pagninilay ng kanilang pamilya. Gumawa ang Shepherds Global Classroom ng isang aklat para sa pagdidisipulo sa pamilya, ang Family Teaching Tools, na maaaring gamitin ng mga magulang sa oras ng pagninilay o debosyon ng kanilang pamilya. Ang aklat na ito ay maaaring i-download mula sa shepherdsglobal.org.

Mga Direksyon para sa mga Pinuno ng Klase

Ang mga katanungang pantalakayan at mga gawain sa loob-ng-klase ay may markang ►. Para sa mga katanungang pantalakayan, ang pinuno ng klase ay magbibigay ng katanungan at bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na talakayin ang sagot. Kapag madalas na parehong mag-aaral ang sumasagot, o kung hindi nagsasalita ang ibang mag-aaral, maaaring idirekta ng pinuno ang tanong sa isang tao: “Igor, paano mo sasagutin ang tanong na ito?”

Nagtatapos ang bawat aralin sa ilang opsyonal na katanungan para sa pagtatalakay ng grupo. Maaaring pumili ang pinuno ng klase sa mga katuanungang tatalakayin ng grupo.

Maraming kasulatan ang ginamit sa kurso. Ang mga talatang dapat basahin nang malakas sa klase ay may arrow bullet points. Ang bawat isa sa grupo ay dapat nakatingin sa kasulatan habang binabasa ito nang malakas ng isang kaklase. Sa ibang pagkakataon, ang mga sangguniang kasulatan ay nasa loob ng panaklong. Halimbawa: (Efeso 6:1). Ang mga sangguniang iyon ay makakatulong sa mga pahayag sa teksto. Hindi kailangang laging basahin ang mga talata sa panaklong.

May kasamang maikling talakayan para sa dalawang espesyal na paksa sa pagtatapos ng kursong ito. Ang mga paksang ito ay hindi ganap na nauugnay sa anumang iba pang aralin at hindi kumpletong aralin ang mga ito. Gayunpaman, mahalagang maunawaan ang mga paksang ito mula sa Kristiyanong pananaw. Dapat pag-aralan at talakayin ng klase ang Apendise A kasunod ng Aralin 3 at dapat pag-aralan ang Apendise B kasunod ng Aralin 10. May mga paalalang ibinigay hulihan ng dalawang aralin na iyon.

Ang bawat aralin ay nagtatapos sa mga takdang-aralin. Ang takdang aralin ay dapat tapusin at i-ulat bago ang susunod na oras ng aralin. Kung hindi natapos ng isang mag-aaral ang kanyang takdang-aralin, maaari niya itong gawin sa ibang pagkakataon. Gayunpaman, dapat hikayatin ng pinuno ang mga mag-aaral na sumunod sa iskedyul upang mas matuto pa mula sa klase. Dagdag sa pagkumpleto ng mga takdang-aralin para sa bawat aralin, dapat basahin ng mga mag-aaral ang susunod na aralin bilang paghahanda para sa susunod na klase.

Kung nais ng mga mag-aaral na makakuha ng certificate mula sa Shepherds Global Classroom, dapat silang dumalo sa mga sesyon ng klase at kumpletuhin ang mga takdang-aralin. Sa hulihan ng kursong ito, makikita ang isang porma para sa paglilista mga takdang-araling natapos.

Ready to Start Learning?

Select a lesson from the sidebar to begin your journey through this course.