Unang Pakikipagharap
[1]Si Theo ay isang Katolikong Romano at minsan nang naging isang pari, nguni’t umalis sa pagkapari. Isang araw nagsimula siya ng isang bagong trabaho. Habang ipinapakita sa kanya ng isang lalaki kung paano gagawin ang trabaho, nalaman ni Theo na ito ay isang miyembro ng Iglesya ni Cristo. Sinabi ni Theo, “Kay Hesus lamang ako nananampalataya; Siya ang aking Dios.” Sinabi ng lalaki sa kanya na si Hesus ay hindi Dios, at mapapatunayan iyon ng kanyang pastor gamit ang Biblia na si Hesus ay isang tagapamagitan lamang. Ipinakita nila kay Theo ang maraming talata sa Kasulatan, at siya ay nalito, ngunit nakumbinsi nila siya na si Hesus ay hindi Dios.
- Willard Taylor
(God, Man, and Salvation, 341)
