Pamumuno sa Ministeryo
Pamumuno sa Ministeryo
Audio Course Purchase

Search Course

Type at least 3 characters to search

Search through all lessons and sections in this course

Searching...

No results found

No matches for ""

Try different keywords or check your spelling

results found

Pamumuno sa Ministeryo

Lead Writer: Stephen Gibson

Course Description

Ang kursong ito ay espesyal na idinesenyo para sa mga Kristiyanong pinuno ng mga ministeryo, ngunit gumagamit ng mga prinsipyo na maaaring mailapat sa anumang tungkulin ng isang pinuno. Ipinapakita nito kung bakit ang paniniwala ay ang pundasyon ng pamumuno. Matututunang paunlarin ng isang taong naghahangad na maging isang pinuno ang kanyang mga kakayahan at katangian gayundin ang madagdagan ang kanyang impluwensya bago siya mailagay sa isang opisyal na posisyon. Matututunan ng mga pinuno kung paano gagabayan ang kanilang mga samahan sa proseso ng pagtuklas sa mga pinahahalagahan, matupad ang kanilang layunin, pagbabahagi ng mga pangitain/vision, pagtatakda ng mga nais makamit, pagplaplano ng mga istratehiya, pagsasagawa ng mga pagkilos, at maranasan ang mga katagumpayan.

Introduction

Paglalarawan sa Kurso

Ang kursong ito ay espesyal na idinesenyo para sa mga Kristiyanong pinuno ng mga ministeryo, ngunit gumagamit ng mga prinsipyo na maaaring mailapat sa anumang tungkulin ng isang pinuno. Ipinapakita nito kung bakit ang paniniwala ay ang pundasyon ng pamumuno. Matututunang paunlarin ng isang taong naghahangad na maging isang pinuno ang kanyang mga kakayahan at katangian gayundin ang madagdagan ang kanyang impluwensya bago siya mailagay sa isang opisyal na posisyon. Matututunan ng mga pinuno kung paano gagabayan ang kanilang mga samahan sa proseso ng pagtuklas sa mga pinahahalagahan, matupad ang kanilang layunin, pagbabahagi ng mga pangitain/vision, pagtatakda ng mga nais makamit, pagplaplano ng mga istratehiya, pagsasagawa ng mga pagkilos, at maranasan ang mga katagumpayan.

Mga Layunin ng Kurso

(1) Upang tukuyin ang pamumuno bilang isang personal na pag-iimpluwensya.

(2) Upang makita ang paniniwala bilang pundasyon ng pamumuno.

(3) Upang malaman ang mga biblikal na kwalipikasyon para sa mga taga-pamuno.

(4) Upang mamuno alang-alang sa mga pinamumunuan.

(5) Upang isaayos ang mga personal na prayoridad para sa tagumpay.

(6) Upang hikayatin ang mga tao na ganap na makiisa sa isang layunin.

(7) Upang maghanda na paunlarin at pamunuan ang isang grupo.

(8) Upang planuhin ang isang pangitain, matutuhang paunlarin ang mga layunin, at mga istratehiya ng isang samahan.

(9) Upang makita ang ilang pananaw tungkol sa pamumuno ayon sa kultura.

(10) Upang maisabuhay ang mga prinsipyo tungkol sa pagsasalita, oras, pera, at pananamit.

Mga Paliwanag at mga Direksyon para sa mga Tagapanguna sa Klase

Ang mga direksyon para sa bawat aralin ay nakalimbag ng italics (italics).

Ang simbolo ► ay nakalagay bago ang isang katanungan para sa talakayan. Dapat itanong ng tagapanguna sa klase ang katanungan at bigyan ng oras ang mga mag-aaral upang talakayin ang sagot. Kung isang mag-aaral lamang ang pangkaraniwang palaging nauunang sumagot, o kung ang ilang mga mag-aaral ay hindi nagsasalita, ang tagapanguna sa klase ay maaaring idirekta ang tanong sa isang tao: “Igor, paano mo sasagutin ang katanungang ito?”

Maraming talata ng Banal na Kasulatan ang ginamit sa kursong ito. Kapag dapat basahin ng klase ang isang talata nang magkakasama, sasabihin ito sa mga direksyon. Halimbawa: ► Dapat basahin ng isang mag-aaral ang Roma 6 para sa grupo. Sa ibang pagkakataon, ang mga sanggunian ng talata ay ibinibigay na nakapanaklong sa teksto. Halimbawa: (1 Corinto 12:15). Ang mga sanggunian na iyon ay sumusuporta sa mga pahayag sa teksto. Hindi kinakailangan na palaging basahin ang mga talata sa panaklong.

Paminsan-minsan ay mayroong isang block na binabanggit mula sa ilang pinuno sa kasaysayan. Kapag dumating ang klase sa isang block na binanggit, maaaring hilingin ng tagapanguna sa klase sa isang mag-aaral na basahin at ipaliwanag ang binanggit sa block. Hindi natin kinakailangang sumang-ayon sa lahat ng ginawa at itinuturo ng mga lider na ito, ngunit maaari tayong matuto mula sa kanilang mga halimbawa.

Ang bawat aralin ay nagtatapos sa mga takdang aralin. Ang mga Takdang Aralin ay dapat na makumpleto at naiulat bago ang oras ng susunod na leksiyon. Kung hindi nakumpleto ng isang mag-aaral ang isang takdang aralin, maaari niya itong gawin sa ibang oras. Gayunpaman, dapat hikayatin ng tagapanguna sa klase ang mga mag-aaral na panatilihing magawa ang takdang aralin sa itinakdang iskedyul upang mas marami silang matutunan mula sa klase. Ang Takdang Aralin #3 ng bawat leksiyon ay ang pagsasa-ulo ng mga tiyak na puntos mula sa leksiyon.

Sa simula ng bawat sesyon, dapat kolektahin ng tagapanguna sa klase ang mga isinulat na mga sagot sa takdang aralin mula sa nakaraang leksiyon.  Maaaring pumili ang tagapanguna sa klase ng ilang mga talata na nakasulat para sa Takdang Aralin 1 para sa talakayan sa klase.  Sa simula din ng bawat sesyon ng klase, dapat isulat ng bawat mag-aaral ang naaalalang nilalaman ng Takdang Aralin 3 mula sa nakaraang leksiyon. Pagkatapos ay dapat talakayin ng klase ang mga kabisadong pahayag na ito nang mabilis upang matiyak na nauunawaan ng bawat isa ang kahalagahan ng mga ito.

Kung nais ng mag-aaral na magkaroon ng isang sertipiko mula sa Shepherd’s Global Classroom, dapat siyang dumalo sa mga sesyon ng klase at kumpletuhin ang mga takdang aralin. Ang isang form ay ibinibigay sa pagtatapos ng kurso para sa pagtatala ng mga natapos na takdang aralin.

Isa sa mga layunin ng kurso ay upang ihanda ang mga mag-aaral na maging mga guro. Ang tagapanguna sa klase ay dapat magbigay sa mga mag-aaral ng mga pagkakataon na paunlarin ang kanilang mga kasanayan sa pagtuturo. Halimbawa, ang tagapanguna sa klase ay dapat paminsan-minsang pahintulutan ang isang mag-aaral na magturo sa klase ng isang maikling bahagi ng leksiyon.

Isang sermon na pinamagatang “Vision Casting” ang kasunod ng Leksiyon 17. Ang sermon na ito tungkol sa pamumuno ay maaaring gamitin sa anumang punto sa buong kurso at magagamit para sa pangangaral sa mga iglesya o pagtuturo sa mga pangkat ng mga tagapamuno.

Ready to Start Learning?

Select a lesson from the sidebar to begin your journey through this course.