Ang unang limang aklat ng Biblia ay tinatawag na Pentateuch.[1] Sa Hebreong Biblia, ang mga ito ay tinatawag na Ang Torah o Batas/Kautusan, mula sa salitang may kahulugang “upang magturo.”
Ang Pentateuch ay ang pundasyon ng Biblia. Ito ay nagbibigay ng makasaysayang balangkas para sa lahat ng ibang bahagi ng Kasulatan.
Sa Genesis 1–11, Ang Dios ay gumawa ng perpektong mundo at tumugon nang may parehong grasya at paghatol sa kasalanan ng tao.
Sa Genesis 12–50, Pinili ng Dios si Abraham, Isaac, at Jacob bilang messianic line/salinlahi ng mesiyas kung saan sa pamamagitan ng lahi nila manggagaling ang tagapagligtas sa lahat ng bansa.
Sa Exodo, inilabas ng Dios ang Israel mula sa Egipto at nagtatag ng relasyon sa kanyang mamamayan.
Sa Levitico, tinuruan ng isang banal na Dios ang Israel kung paano mamumuhay bilang mga taong banal.
Sa Bilang, Ipinakita ng Dios ang kanyang katapatan sa kanyang mamamayan sa kabila ng kanilang pagsuway.
Sa Deuteronomio, Inihanda ng Dios ang kanyang mga mamamayan sa pagtira sa lupang pangako.
Sa Pentateuch, nakita natin ang mga temang nababalangkas sa kabuuan ng Lumang Tipan.
(1) Ang Kapangyarihan ng Dios. Sa paglikha, sa mga salot at pagliligtas mula sa Egipto, at sa paggabay sa Israel sa disyerto, ipinakita ng Dios ang kanyang otoridad sa lahat ng kanyang nilikha. Ang kasaysayan ng Israel ay naging entablado kung saan ipinakita ng Dios ang kanyang kapangyarihan.
(2) Ang Pagkamakasalanan ng Tao. Ang paghihimagsik ng tao ay lubos na nakaapekto sa buong kasaysayan ng sangkatauhan. Ang pagbaha, ang Babel, at pagsuway ng mga Israelita noong nasa disyerto ay nagpapakita ng paglaganap ng lahat ng kasalanan ng tao. Gayunpaman, simula sa Genesis 3:15, kumilos ang Dios upang baligtarin ang resulta ng Pagkahulog ng tao sa kasalanan.
(3) Plano ng Dios para sa Kaligtasn. Ang tipan ng Dios kay Abraham, ang kapanganakan ni Isaac, ang pagliligtas ng Israel mula sa Egipto, ang pagbibigay ng Kautusan, at ang pagpasok sa Lupang Pangako ay ang mga hakbang sa pagbibigay kaligtasan para sa makasalanang tao. Sa Exodo, ang Paskua ay naging pangmatagalang simbolo sa ginawang pagliligtas ng Dios.
(4) Kabanalan. Ang Dios ay isang Dios na banal; hindi niya maaaring balewalain ang kasalanan. Ipinapakita ng Pentateuch kung paano nilikha ng Dios ang bayan banal na maaaring mamuhay sa kanyang presensya. Ang Kabanalan ay hindi resulta ng kabutihan ng tao; ito ay gawa ng mahabaging Dios na bumabago sa kanyang mamamayan mula sa makasalanang tao patungo sa taong pinabanal. Tayo ay banal sa pamamagitan lamang ng patuloy na relasyon natin sa banal Dios.
Authorship/Pag-akda sa Pentateuch
Hanggang sa ikalabingwalong siglo, mayroong maliit o walang pagtatalo patungkol sa authorship/sino ang may-akda ng Pentateuch. Tinatangap ng lahat ng mga Kristiyano ang testimonya/patotoo ng Banal na Kasulatan na si Moises ang sumulat nito. Sa pagdami ng makabagong kritisismo, maraming mga iskolar ngayon ang itinatangging si Moises ang sumulat/may-akda nito.
Gayunpaman, para sa mga ebangheliko/evangelicals na tumanggap sa Banal na Kasulatan na ito ay walang kamalian, ang patotoo/testimonya ng Banal na Kasulatan ay malinaw. Ang Pentateuch mismo ay kumikilala na si Moises ang may akda; Ang mga manunulat ng Bagong Tipan ay binanggit si Moises bilang may akda; si Moises ay tinukoy ni Jesus bilang may akda. Dahil dito, tinatanggap natin na ang Pentateuch ay isinulat ni Moises, marahil malamang sa ika-labinglimang siglo B.C. Para sa mga mag-aaral na nagnanais na pag-aralan ang usaping ito ng mas detalyado, ang “Digging Deeper” resources sa dulo ng kabanatang ito ay makakatulong para gabayan kayo.
Mahalaga na maunawaan ang klase ng “authorship/pag-akda” sa sina-unang mundo. Kung ikaw ay magsusulat ng libro ngayon, at ito’y natapos na; walang magbabago nito pagkatapos na mailimbag/ilathala. Kung iisipin natin si Moises bilang may akda ng Pentateuch sa parehong paraan ng mga manunulat ngayon, magkakaroon tayo ng maraming katanungan. Katulad halimbawa ng:
Ang Deuteronomio 34 ay nagsasabi ng pagkamatay at paglilibing kay Moises.
Tinawag ng Bilang 12:3 si Moises na pinakamaamong tao sa mundo. Isang mag-aaral ang nagtanong, “Kung tinutukoy ng isang tao ang kanyang sarili bilang pinaka mapagpakumbabang tao, siya ba ay talagang mapagpakumbaba?”
Sa Genesis 11:28 tinutukoy ang Ur “ng Chaldeo.” Hindi nasakop ng mga Chaldeo ang lugar sa paligid ng Ur hanggang 700 na taon pagkatapos mamatay si Moises.
Ang bawat halimbawa ay malinaw kapag naunawaan natin ang klase/likas ng “authorship/may akda” sa sinaunang mundo. Upang kilalanin si Moises bilang may akda ng Pentateuch ay nangangahulugan na si Moises, sa ilalim ng inspirasyon ng Banal na Espiritu, ang sumulat ng pangunahing nilalaman ng limang aklat. Ang mga sumunod na sumulat (marahil si Josue) ay ginagabayan ng Banal na Espiritu upang idagdag ang iistorya ng pagkamatay at paglilibing kay Moses. Sa gabay ng Banal na Espiritu, ang sumunod na Escriba/manunulat ay kinilala si Moises bilang pinaka maamo at mapagpakumbabang tao sa mundo. Sa gabay ng Banal na Espiritu, isang Escriba/manunulat ang nagdagdag “ng mga Chaldeo” upang makatulong sa mga magbabasa upang makita ang pagkakaiba sa pagitan ng “Ur ng Chaldeo” at ng isa pang bayan na may pangalang Ur.
Ang ganoong mga pagbabago ay hindi nakakadagdag ng duda kay Moises bilang may akda ng Pentateuch. Sa halip, sila ay tumutulong sa atin na maunawaan ang proseso ng ispirasyon ng may higit na kalinawan.
[1]Mula sa Griego: pente ay lima at teuchos ay balumbon. Ang ibig sabihin ng Pentateuch ay ang “Limang Balumbon” o limang aklat.
Ang Genesis ay aklat ng mga pasimula. Binabakas/Tinutunton ng Genesis ang simula ng mundo (Genesis. 1–11), sinundan ng simula ng mga mamamayang Hudyo at ang kasaysayan ng kaligtasan (Genesis. 12–50).
Itinatanggi ng mga makabagong nagdududa ang katotohanan ng kasaysayan ng mga kabanatang ito. Gayunpaman, ang mga kabanatang ito ang pundasyon ng iba pang Kasulatan. Nagpapakita ang kabanatang ito ng kapangyarihan ng Dios sa buong daigdig at ng kanyang biyaya sa pagbibigay ng kaligtasan para sa makasalanang tao.
Pangkalahatang pagtanaw sa Genesis
Primeval History: Genesis 1–11
Ang Genesis 1–11 ay kadalasang tinatawag na “Primeval History.” Sakop ng kabanatang ito ang mahigit na dalawang libong taon. Ang Genesis 1–11 ay nagkukuwento sa apat na pangunahing pangyayari:
Ang Paglikha ay nagpapakita ng kapangyarihan ng Dios sa buong mundo. Ang kanyang otoridad na magbigay ng kautusan ay batay sa kanyang kapangyarihan bilang manlilikha ng sansinukob.
Ang Pagkahulog sa kasalanan ay nagpapakita ng pagiging makasalanan ng tao at ang pangangailangan ng kaligtasan. Ang iba pang mga Kasulatan ay nagpapakita ng pagpapalang ginawa ng Dios na remedyo para sa epekto ng Pagkahulog sa kasalanan.
Ang Baha ay nagpapakita ng kabanalan at katarungan ng Dios. Hindi natin dapat paniwalaan ang kasinungalingan ni Satanas na ang kasalanan ay hindi magdadala ng paghatol ng Dios. Ang baha ay naglalarawan ng prinsipyo na “Ang kaluluwang nagkasala, ay tiyak na mamamatay.”[1]
Ang Tore ni Babel ay nagpapakita na ang patuloy na pagrerebelde ay pagmamataas ng tao. Sa hardin, tinukso ni Satanas si Eba ng pangako na “ikaw ay magiging dios.”[2] Sa Babel, sinubukan ng tao na “matanyag ang kanilang pangalan.”[3] Sa parehong kwento, ang tao ay kumikilos ayon sa kanyang pagmamataas; sa parehong pagkakataon, sinubukan ng tao na agawin ang gawain ng Dios; sa parehong pagkakataon, ang pagmamataas ng tao ang nagdala ng paghatol ng Dios.
Ang Genesis 1 ay nagpapakita ng paglikha ng mundo ni Elohim, ang pinakamakapangyarihang Dios ng sansinukob. Ang Genesis 2 ay nakatuon sa paglikha sa tao sa Hardin at ang relasyon sa pagitan ni Adan at ni Jehovah, ang Dios na gumagawa ng kasunduan.
Ang Genesis 1–2 ay nagpapakita na ang tao ay may halaga dahil tayo ay nilikha sa wangis ng Dios.[4]
Inawit ni David:
“Ang likha mong langit, kung aking pagmasdn, pati mga tala, bituin at buwan; Ano nga ang tao upang iyong alalahanin? Ay ano nga siya na sukat mong kalingain? Nilikha mo siya, na mas mababa kaysa sa mga anghel, at pinutungan mo siya ng iyong luningning at kadakilaan.”[5]
Ang Genesis 1–3 ay nagpapakita ng pagrerebelde ng tao laban sa Dios. Sa magandang hardin, napapaligiran sila ng lahat ng magandang bagay na ginawa ng Dios, tinatamasa ang isang malapit na pakikipag-ugnayan sa Dios, ngunit si Adan at si Eba ay tumalikod sa Dios at nakinig sa boses ng ahas. Sa kabila ng pagrerebelde ng tao, ang mga kabanatang ito ay nagpapakita ng mapagpalang pangako ng Dios ng isang Tagapagligtas.[6]
At Panghuli, ipinapakita ng Genesis 1–11 ang tumataas na pagrerebelde ng tao na nagdulot ng baha, at nagrebeldeng muli ang tao sa Babel. Ang rebelyong ito ay nagresulta sa pagkalito ng mga lengguwahe at pagkalat ng mga bansa. Ang mga istoryang ito ay nagpapakita ng pangangailangan ng pagtubos/kaligtasan, na ibinigay sa tipan kay Abraham.
Kasaysayan ng Patriarka: Genesis 12–50
Ang Genesis 1–11 ay kinapapalooban ng mahigit sa 2,000 taon at pinagsama-sama sa apat na kaganapan. Ang Genesis 12–50 ay istorya ng mga patriarka/patriarchs. Ang mga kabanatang ito ay nagsasalaysay ng buhay ng apat na tao sa loob ng tatlung-daang taon:
Si Abraham (Gen. 11–25)
Si Isaac (Gen. 25–26)
Si Jacob (Gen. 27–36)
Si Jose (Gen. 37–50)
Ang Genesis 1–11 ay nagsasalaysay ng istorya ng pasimula ng mundo; Ang Genesis 12–50 ay nagsasalaysay ng istorya ng pasimula ng mga mamamayang Hebreo. Ang Genesis ay gumagamit ng pormulang “ito ang mga henerasyon ng…” upang ipakita ang papaliit na pag-focus mula sa paglikha ng mundo (“Ito ang mga henerasyon kung kailan ginawa ang langit at ang lupa”)[7], hanggang sa paglikha sa sangkatauhan (“Ito ang aklat ng mga henerasyon ni Adan”)[8], hanggang/tuloy-tuloy kay Noah, Shem, Terah, Abraham, Isaac, at panghuli, kay Jacob (“Ito ang mga henerasyon ni Jacob”).[9]
Ang kasunduan kay Abraham ang sentro sa kasaysayan ng kaligtasan. Ang kasunduan ay nahayag sa tatlong tagpo:
Sa Genesis 12:1–3, Nangako ang Dios na gagawa ng isang dakilang bansa mula sa angkan/lahi ni Abraham. Pagpapalain niya ang magpapala sa Israel at isusumpa ang mga sumusumpa sa Israel. Ipinangako ng Dios na gagawin niyang pagpapala ang angkan/lahi ni Abraham sa lahat ng mga bansa. Ang pagpili sa bayan ng Israel ay pagpili ng mga tao bilang tagapagdala ng pagpapala para sa lahat ng tao.
Ang Genesis 15 ay remarkable na kabanata sa kasaysayan ng pagliligtas. Sa ibang mga Sinaunang Malapit sa Silangan na mga pangako, ang mas mahinang pangkat ay inilagay sa ilalim ng isang pangako gamit ang dugo at nangangailangan ng katapatan sa mas malakas na pangkat. Sa Genesis 15, inilagay ng Dios ang kanyang sarili sa ilalim ng pangakong tipan ng kanyang walang hanggang katapatan kay Abraham.
Ipinapakita ng Genesis 17 ang simbolo ng pagtutuli kung saan si Abraham at ang kanyang angkan ay maipapakita ang kanilang pananampalataya sa kasunduan. Ang Kaligtasan sa Lumang Tipan, katulad ng sa Bagong Tipan, ay sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi sa gawa. Ang pagtutuli mismo ay hindi basehan ng kaligtasan; ang pagtutuli ay simbolo ng pananampalataya sa mga pangako ng kasunduan.[10]
Ang istorya ng pagbibigay ng Dios ng salinlahi ng mesiyas/manunubos ay nagpapatuloy sa:
Mahimalang kapanganakan ni Isaac.
Pagsubok ng Dios sa pagsunod ni Abraham sa panawagan na ihandog si Isaac.
Pagbibigay ng kapalit para kay Isaac.
Pagpapala ng Dios sa pamilya ni Jacob sa kabila ng mga kapintasan sa karakter ni Jacob.
Ang Genesis 37–50 ay kumikilos mula focus sa salinlahi ng tagapagligtas (Abraham – Isaac – Jacob – Judah) na napunta ang sentro kay Jose. Si Jose ay madalas na nakikita bilang katulad ni Cristo. Sina Jose at Jesus ay itinakwil ng kanilang pamilya, parehong ibinenta, parehong isinakripisyo ang kanilang sarili para sa iba, at parehong nagpatawad sa mga nagkasala sa kanila. Si Jose ay nagbigay ng magandang halimbawa ng isang taong may karakter ni Jesus sa Lumang Tipan.
Isang dahilan ng pagiging tanyag ni Jose sa katapusan ng Genesis ay ang istorya niya na nagpapakita kung paano niloob ng Dios na mapanatili ang salinlahi ng tagapagligtas/messianic line sa panahon ng taggutom. Ang istorya ni Jose ay nagbibigay ng paglipat sa Exodo sa pagpapakita kung paanong ang mga anak ng Israel ay napunta sa Egipto. Ang Genesis ay nagtapos sa pagtatamasa ng pabor mula sa Egipto. Ang Exodo ay nagsimula pagkatapos ng apat na raang taon habang nararanasan ng Israel ang paghihirap sa Egipto.
Mga Importanteng Tema sa Genesis
Pagpili
Ang tema ng pagpili ay pangunahin/central sa Lumang Tipan. Si Abraham ay pinili upang magdala ng pagpapala ng Dios sa lahat ng bansa. Sa katulad na paraan, si Isaac at Jacob ay pinili hindi dahil sa kanilang mga ginawa kundi upang maging tagapagdala ng pangako ng Dios. Ang mga patriyarka ay pinili bilang bahagi ng salinlahi ng tagapagligtas/messianic line. Ito ay hindi pagpili para sa pansariling kaligtasan; ito ay pagpili para sa paglilingkod.
Ang sariling partisipasyon sa kasunduan ay ayon sa pananampalataya sa mga pangako ng Dios. Makikita natin ito sa mga aklat ng kasaysayan. Si Rahab ay hindi kabilang sa piniling bayan ng Israel, ngunit minana niya ang mga pangako ng Dios dahil sa pagsunod niya sa pananampalataya. Ang kabaligtaran ay totoo kay Achan; kahit siya ay kabilang sa piniling bayan, hindi niya tinanggap ang mga pangako ng Dios dahil sa kanyang pagsuway at kawalan ng pananampalataya.
Ang Doktrina ng Pagpili sa Lumang Tipan
Ang Israel ay pinili
para sa kapakanan ng lahat ng bansa.
Ang Israel ay pinili
para sa paglilingkod.
Ang mga Indbidwal sa Israel ay pinli
sa pamamagitan lamang
ng pananampalataya sa pangako ng Dios
Ang Tipan
Nakipagtipan ang Dios kay Noe (Gen. 9). Ito ay nasundan ng kanyang pakikipagtipan kay Abraham (Gen. 12, 15, 17). Ang sumunod na hakbang sa kasaysayan ng mga kasunduan ay sa Bundok Sinai kung saan nakipagtipan ang Dios kay Moises (Ex. 19). Sa 2 Samuel 7, itinatag ng Dios ang kanyang tipan kay David. Ang lahat ng ito ay tumuturo sa “Bagong Tipan” na natatag sa pamamagitan ng sakripisyong kamatayan ni Cristo Jesus (Lucas 22:20).
Ang bawat tipan ay binuo sa pundasyon ng mga naunang tipan. Sa halip na palitan ang nakaraang kasunduan, ang bawat tipan ay nagdadagdag ng mga bagong detalye. Ito ang nagpapaliwanag sa sinasabi ni Jesus sa Mateo 5:17, “Huwag ninyong isipin na naparito ako upang ipawalang-saysay ang Kautusan na ibinigay kay Moises, at ang mga isinulat ng mga propeta: Naparito ako hindi upang ipawalang-bisa ang mga iyon, kundi upang tuparin iyon.” Ang Bagong Tipan ay hindi upang ipalit sa Lumang Tipan; ito ay itinatag sa pundasyon ng Lumang Tipan.
Ang Genesis sa Bagong Tipan
Ang kasaysayan ng Bagong Tipan ay lumago mula sa pangako sa Genesis 3:15. Tinupad ni Jesus ang pangako na magpapadala ang Dios ng isang Tagapagligtas na siyang tatalo sa Ahas. Ang sumpa ng Genesis 3 ay nabaligtad sa Pahayag; ang pangako ng Genesis 3 ay natupad sa pagdating ni Cristo.
Si Jesus ay nakita sa Bagong Tipan bilang pangalawang Adan na siyang nagbaliktad sa pagkakamali ng unang Adan.[11] Siya ang pangakong binhi ni Abraham kung saan sa pamamagitan niya pagpapalain ang lahat ng bayan sa mundo.[12]
[4]Ang importansiya ng doktrina ng imahe ng Dios ay makikita kung ikukumpara natin ang mga tala sa Genesis sa paniniwalang gawa-gawa lang ng mga taga Sinaunang Malapit na Silangan/Ancient Near East tungkol sa Paglikha. Sa Atrahasis tablet ng Babilonia, ang mga tao daw ay hinugis mula sa putik upang maghukay ng mga kanal para sa mga dios. Ayaw magtrabaho ng mga dios kaya ginawa nila ang tao upang maging alipin. Sa Atrahasis, ang mga dios ay selosa at pabago-bago ang isip; sa Atrahasis ang sangkatauhan ay walang halaga. Sa kabaliktaran, ipinapakita ng Genesis ang isang banal na Dios ang gumawa sa sangkatauhan ayon sa kanyang sariling wangis; dapat tayong maging banal katulad ng Dios na banal.
[6]Tinatawag ng mga Theologians ang Gen. 3:15 ang “proto-evangelium,” ang unang pangako ng ebanghelyo. Bilang pagtugon sa kasalanan ng tao, nangako ang Dios ng pagtubos; hindi niya tayo pinabayaan sa ating mga kasalanan.
►Paano naging importante ang doktrina ng paglikha sa pag-unawa sa mensahe ng Biblia? Mahalaga ba kung ang Genesis 1–2 ay kathang isip lamang sa halip na totoong kasaysayan?
Noong 1998, nagturo ako sa isang klase para sa mga pastor sa isang bansang limitado ang pagpunta. Ang gobyerno ng bansang iyon ay nagbabawal ng paglalathala ng mga Kristiyanong literatura. Gayunpaman noong 1998, pinahintulutan ng gobyernong ito ang paglalathala ng mga aklat para sa mga bata na mayroong istorya galing sa Biblia.
Ako ay excited sa balitang ito – hanggang nakita ko ang kopya ng libro. Ipinilit ng pamahalaan na kailangang ma-appove ang bawat pahina bago iyon ilathata. Ang unang pahina ay nagpapakita ng pagpapalayas ng Dios kay Adan at Eba sa Eden. Ang pangalawang larawan ay nagpapakita ng mga batang sumisigaw sa takot sa pagtaas ng tubig mula sa pagbaha. Ang pangatlo ay nagpapakita kay Abraham na may hawak na kutsilyo na nakataas sa ibabaw ng kanyang anak.
Ipinilit ng gobyernong ito sa tagapaglathala na alisin ang istorya ng paglikha at pagkahulog sa kasalanan. Ang isang Biblia na hindi nagtataglay ng kuwento ng paglikha at pagkahulog sa kasalanan ay nagbibigay ng isang baluktot na larawan ng Dios. Ang nakikita ng mga batang nagbasa ng Bibliyang ito ay ang isang galit na Dios na siyang lumunod sa mga bata at pumilit sa mga tatay na patayin ang kanilang mga anak. Ang aklat na ito bagaman may istorya mula sa Biblia ay naiwala ang mga istoryang pundasyon ng paglikha na nagpapakita kung bakit may otoridad ang Dios sa mundong ito.
Ang salaysay tungkol sa paglikha ay importante sa paniniwala ng Kristiyano. Marahil ito ang dahilan kung bakit ang mga taong hindi naniniwala ay nagsisimula ng kanilang pag-atake sa pananampalataya ng Kristiyano sa pagtanggi sa katotohanan ng salaysay ng Genesis. Nakakalungkot, may mga Kristiyanong manunulat na nagsasabi na ang salaysay ng Genesis ay hindi mapagkakatiwalaan. Ikinakatwiran nila na ang Genesis 1–2 ay kathang isip lamang, at hindi kasaysayan. Gayunpaman, ang iba pang Kasulatan ay nagpapatotoo sa katotohanan ng salaysay ng Genesis.
Bahagi ng problema ay maraming Kristiyano ang naging bilanggo ng secular na kaisipan na nagsasabi na ang siyensya ay tumataliwas/kumokontra sa Biblia. Tinatanggap nila ang argumento ng atheistic scientists/siyentipikong hindi naniniwala sa Dios na ipinipilit na ang Banal na Kasulatan ay hindi mapagkakatiwalaan. Gayunpaman, sa buong kasaysayan ang mga pinakadakilang siyentipikong mga kaisipan ay naging mga matatatag na Kristiyano.[1] Ang siyentipikong katotohanan ay hindi sumasalungat sa mga katotohanan ng Biblia; ang siyensiya at Banal na Kasulatan ay kapwa tumuturo sa Dios bilang manlilikha. Kung maayos na mauunawaan, ang Genesis 1–2 ay isang salaysay ng kasaysayan ng paglikha. Kung maayos na mauunawaan, ang siyensya ay nagbibigay ng bukas na bintana sa mga kahanga-hangang bagay sa nilikha ng Dios.
Ang Genesis 1–2 ay nagtuturo na:
Nilikha ng Dios ang mundo mula sa wala[2] (kapwa itinatanggi ang ancient myths/sinaunang mito na nagtuturo na may ibang dios na lumikha ng mundo at modern myths/modernong mito na nagtuturo na ang mundo ay umiral dahil lamang sa pagkakataon/evolved by chance).
Mayroong iisang makapangyarihang Dios (itinatanggi ang polytheism/paniniwala sa maraming dios ng sinaunang mundo)
Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Dios (itinatanggi ang ebolusyon na nagsasabing tayo ay resulta ng panahon at pagkakataon).
Hindi dapat itanggi ng sinumang mananampalataya ang mahahalagang katuruan ng Genesis 1–2. Sa pasimula, nilikha ng makapangyarihang Dios ang ating mundo mula sa wala. Sa pasimula, nilikha ng Dios ang sangkatauhan ayon sa kanyang wangis. Nang matapos ang linggo ng paglikha, nakita ng Dios na ito ay napakabuti. Maaaring magkaiba-iba ang mga Kristiyano sa detalye kaugnay sa pagbibigay kahulugan sa Banal na Kasulatan; ngunit hindi sila dapat magkaiba sa katotohanan ng Banal na Kasulatan.
[1]Kabilang sa mga dakilang siyentipiko na naging matatag na Kristiyano sina:
Nicolaus Copernicus (kinilala na ang araw ang sentro ng universe)
Galileo (itinuring na “Ama ng Makabagong Siyensiya”)
Johannes Kepler (ipinaliwang ang pagkilos ng mga planeta)
Sir Isaac Newton (binuo niya ang law of gravity)
Robert Boyle (itinuring na unang modernong chemist)
Rene Descartes (isa sa mga susing kaisipan ng Scientific Revolution)
Michael Faraday (isang mahalagang chemist)
Louis Pasteur (inimbento ang pasteurization at nilikha ang unang bakuna para sa rabies at anthrax)
Max Planck (nagtatag ng quantum mechanics)
[2]Ginagamit ng mga theologians ang salitang creatio ex nihilo upang ilarawan ang “paglikha mula sa wala”.
Konklusyon: Nagsasalita ang Genesis sa Kasalukuyan
Ang Genesis ay importanteng aklat para sa ika-dalawamput-isang siglong Kristiyano. Ito ay nangungusap sa mga problemang kinakaharap ng makabagong/contemporary iglesya.
Dahil nilikha tayo ng Dios sa kanyang sariling larawan, ang buhay ng tao ay mahalaga. Ang mga napapanahong mga usapin sa lipunan tulad ng aborsiyon/paglalaglag ng bata sa sinapupunan at euthanasia ay hinarap ng sinaunang testimonya ng Genesis 1 at 2. Kung tayo ay nilikha ayon sa wangis ng Dios, ang lahat ng buhay ay sagrado at dapat protektahan.
Dahil ang tao ay binigyan ng pamamahala sa mundo, tayo ay responsable sa pag-aalaga para sa ating mundo. Habang kinikilala ang pagiging pangunahin ng buhay ng tao kaysa sa ibang anyo ng buhay, dapat pahalagahan ng mga Kristiyano ang lahat ng aspeto ng mundo bilang mabuting nilikha ng Dios.
Dahil sa pakikipagtipan kay Abraham, ang iglesya ay nagkaroon ng tungkulin para sa pag-eebanghelyo at pagdidisipulo. Isinugo ni Jesus ang iglesya upang tuparin ang misyon ng Israel sa mga bansa.[1] Nabigo ang Israel na tuparin ang kanyang misyon sa Lumang Tipan; hindi tayo dapat mabigo na tuparin ang ating misyon ngayon.
Ipakita ang iyong nauunawaan sa leksiyong ito sa mga sumusunod na takdang aralin:
(1) Pumili ng isa sa mga sumusunod na takdang aralin:
Option 1: Takdang Araling pang Grupo
Magtalaga ng isa sa apat na mahalagang pangyayari sa Genesis 1–11 sa bawat miyembro ng grupo. Ang bawat miyembro ng grupo ay maghahanda ng isang maiksing buod na iyong ipe-present:
Ang buod ng istorya sa Biblia
Paanong ang pangyayari ay naging importante sa biblical na kasaysayan
Ang ang itinuturo ng pangyayaring ito sa atin ngayon.
Option 2: Takdang Araling pang Indibidwal.
Pumili ng isa:
Sumulat ng 1–2 pahinang detalyadong balangkas para sa sermon o pag-aaral ng Biblia sa isa sa apat na pangyayari sa Genesis 1–11. Ang iyong sermon ay dapat magpakita kung paanong ang mga pangyayari ay importante sa biblical na kasaysayan at ano ang itinuturo ng pangyayaring ito sa atin ngayon.
Sumulat ng 1–2 pahina ng detalyadong balangkas para sa sermon o pag-aaral ng Biblia sa isa sa apat na pangunahing karakter ng Genesis 12–50. Ang iyong sermon ay dapat nagpapakita kung paanong ang mga karakter ay nagbibigay ng positibong modelo o negatibong babala para sa mga mananampalataya sa kasalukuyan.
(2) Kumuha ng pagsusulit sa leksiyong ito. Kabilang sa pagsusulit ang mga Kasulatang itinakdang isa-ulo.
Leksiyon 2 Mga Tanong sa Pagsusulit
Ang salitang Hebreo na Torah ay nangangahulugang ____________.
2. Paano ipinakilala si Jesus sa bawat aklat ng Pentateuch?
3. Maglista ng apat na tema sa Lumang Tipan na ipinakilala sa Pentateuch.
4. Ang tema ng Genesis ay ___________________________.
5. Ang dalawang pangunahing seksiyon ng Genesis ay ang mga _______________ at ______________.
6. Ilista ang apat na pangunahing pangyayari sa Genesis 1–11.
7. Ilista ang apat na pangunahing karakter sa Genesis 12–50.
8. Sa isang pangungusap bawat isa, ibuod ang tatlong aspeto ng pakikipagtipan kay Abraham.
9. Maglista ng tatlong bagay na itinuturo ng Genesis tungkol sa paglikha.
10. Maglista ng tatlong paraan kung paano nangungusap ang Genesis sa contemporary church/napapanahong iglesya.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.