Basahin ang 1 & 2 Samuel, 1 & 2 Mga Hari, at 1 & 2 Cronica
Isa-ulo ang 1 Mga Hari 9:4-7 at 2 Cronica 7:13-14
Panimula
Binabakas ng mga aklat ng Samuel at Mga Hari ang kasaysayan ng monarkiya ng Israel. Ang 1 Samuel ay nagsasabi tungkol sa simula ng monarkiya, ang paghahari ni Saul. Binabakas ng 2 Samuel ang kasaysayan ng pamumuno ni David. Sa 1 at 2 Mga Hari, masasamang hari ang nanguna sa Israel at Juda sa pagtalikod sa pananampalataya. Bilang tugon, ang paghatol na ipinangako sa Deuteronomio 27-28 ay ibinuhos sa buong bansa. Sa pagtatapos ng 2 Mga Hari, ang Hilagang Kaharian ay nawasak na at ang Juda ay ipinatapon sa Babilonia.
Ang Cronica ay nakatingin sa parehong panahon sa kasaysayan mula sa magkaibang pananaw. Isinulat ito pagkatapos nilang makabalik mula sa pagkakatapon sa kanila. Ang Cronica ay nakatuon sa kasaysayan ng Israel mula sa perspektibo ng kasaysayan ng pagliligtas at ipinapakita ang patuloy na layunin ng Dios para sa kanyang mamamayan. Pinatutunayan ng Cronica sa mga mamamayan ng Dios na may pag-asa sa hinaharap. Hindi kinalimutan ng Dios ang kanyang pangako sa kanyang mamamayan.
►Nagkamali ba ang Israel sa paghingi ng hari? Sa inyong talakayan, isaalang-alang kapwa ang 1 Samuel 8:6-22 at Deuteronomio 17:14-20.
1 Samuel
Tema: Ang Simula ng Monarkiya/Paghahari ng Israel
Binabakas ng 1 Samuel ang mga pagpapalit ng pamumuno ng huling hukom ng Isarael, si Samuel, hanggang sa unang hari ng Israel, si Saul. Sakop ang mga taong mula sa 1100-1011 B.C., ang 1 Samuel ay nagpapakita ng mga unang araw ng monarkiya/kaharian ng Israel. Sa halip na theocracy na kung saan ang Dios mismo ang direktang nakikipag-usap sa pamamagitan ng mga hukom at mga propeta, ang Israel sa panahong ito ay pinamumunuan ng isang hari. Ayon sa Propeta, inilarawan ni Moises ang uri ng hari na dapat hanapin ng Israel. Gayunpaman, hindi rin nagtagal bago si Saul at ang mga sumunod sa kanya ay naging malayo sa pamantayan ng Dios ng isang hari. Ang 1 Samuel ay nagpapakita ng isang pangako ng unang hari at ang kanyang mala trahedyang pagkabigo na makamit ang kanyang potensyal bilang pinili ng Dios.
Pangkalahatang Pagtanaw sa 1 Samuel
Ang Pagbabago Tungo sa Monarkiya (1 Sam. 1–15)
Ang pagbabago mula sa pamumuno ng mga hukom sa pagiging monarkiya ay nagsimula sa istorya ni Samuel. Siya ay anak ng maka-Dios na nanay, si Anna, si Samuel ay inihandog sa Dios mula nang siya ay ipinanganak na may panata bilang isang Nazareno.[1] Noong siya ay bata pa, dinala siya sa templo upang maglingkod sa pangunguna ng paring si Eli.
Kabilang sa mga pagbabago ay ang mga sumusunod:
Ang pagtawag ng Dios kay Samuel at ang paghatol kay Eli at sa kanyang pamilya. (1 Sam. 1–3)
Sa 1 Samuel 1–7 ay ipinapakita ang patuloy na pagbagsak ng Israel na nagsimula sa Mga Hukom. Maging ang pagkasaserdote ay wasak, dahil sa mga anak ni Eli na lumapastangan sa kanilang mga tungkulin dahil sa kanilang mga sekswal na imoralidad at maling paggamit ng mga handog.[2] Bilang resulta, nagpadala ng mensahe ng paghatol ang Dios sa pamamagitan ni Samuel.
Ang pagkuha ng mga Filisteo sa Kaban ng Tipan (1 Sam. 4–7)
Ang maling paggamit ng Israel sa tipan ay makikita sa kanilang pagtrato sa kaban ng tipan. Nang umatake ang mga Filisteo, dinala ng mga Israelita ang kaban ng tipan sa lugar ng labanan, sa paniniwala na ang banal na bagay ay poproteksyunan sila mula sa kanilang mga kaaway. Gayunpaman, dahil sa pagtalikod ng Israel sa pananampalataya, hindi na ipinagtanggol ng Dios ang mga tao. Ang kaban ng tipan ay nakuha ng mga Filisteo at itinago sa loob ng pitong buwan. Nang magpadala ng salot ang kaban ng tipan sa mga Filisteo, ibinalik nila ito sa Beth-shemesh.
Ang pagpili kay Saul bilang hari (1 Sam. 8–12)
Dahil sa kanyang katandaan, hinirang ni Samuel ang kanyang mga anak bilang mga hukom para sa Israel. Sa kasamaang palad, katulad ng mga anak ni Eli, hindi din naging tapat ang mga anak ni Samuel. Bilang tugon, ang mga matanda ng Israel ay humiling kay Samuel na magtalaga ng isang hari. May tensiyon sa pagitan ng naunang prediksyon ni Moises ng isang hari “na pipiliin ng Panginoon ninyong Dios”[3] at pahayag ng Dios kay Samuel na “hindi ikaw ang tinanggihan nila, sa halip ay ako ang tinanggihan nila, upang hindi AKO maghari sa kanila.”[4]
Ang susi marahil ay ang motibasyon sa mga hiling ng mga matatanda: “Bigyan po ninyo kami ng hari na mamumuno sa amin katulad ng ibang mga bansa na mayroong hari.”[5] Bagaman nauna nang nakita ni Moises ang araw na ang isang hari ay magiging bahagi ng plano ng Dios, ang motibasyon ng Israel ay ang pagnanais nitong maging katulad din siya ng iba pang mga bansa. Nakakalungkot, ngunit ang mga hari ng Israel ang nagdala sa kanilang bayan upang sumunod sa landas ng kanilang mga kapitbahay na mga bansa; tunay ngang ang Israel ay naging “katulad ng ibang mga bansa” sa kanilang pagsamba sa dios-diosan at kawalan ng katarungan.
Ang mga unang araw ng paghahari ni Saul (1 Sam. 13–15)
Sa simula, si Saul ay tila isang modelong hari. Nagpakita siya ng kababaang-loob sa kanyang mga pinipili, at nasisiyahan siya sa mga tagumpay sa pakikipaglaban sa mga Filisteo. Gayunpaman, may tatlong pangyayari ang nagbunyag sa mga problema na malalim na nakatago sa puso ni Saul.
Kinuha ni Saul ang tungkulin bilang pari ni Samuel. Nang siya ay kumprontahin, sinisi ni Saul si Samuel.[6]
Gumawa ng mabilis na panunumpa si Saul na halos naging dahilan ng pagkamatay ni Jonathan.[7]
Sinuway ni Saul ang utos ng Dios na lubusang wasakin ang mga Amalekita. Nang kumprontahin siya ni Samuel, sinisi ni Saul ang mga tao.[8]
Sa bawat tagpong ito ay ipinapakita ang kabiguan ni Saul na maging hari na inilalarawan ni Moises sa Deuteronomio. Bilang resulta, dinala ni Samuel ang mensahe ng paghatol ng Dios: “Sapagka’t sinuway mo ang salita ng PANGINOON, aalisin ka niya sa pagigig hari ng kanyang bayan.”[9]
Ang Pagbagsak ni Saul at ang Pagtanyag ni David (1 Sam. 16–31)
Sa unang kalahating bahagi ng 1 Samuel ay bumabakas sa pagbabago mula sa pananalig sa Dios patungo sa monarkiya; ang ikalawang bahagi ng 1 Samuel ay bumabakas sa pagbabago mula sa paghahari ni Saul patungo sa paghahari ni David.
Pagpapakilala kay David (1 Sam. 16–17)
Tatlong istorya ang nagpakilala kay David. Una, ang pagtatalaga kay David ay nagbibigay diin sa importansya ng puso ng isang hari. Si Saul ay mukhang hari para sa mga tao; si David ay mukhang hari para sa Dios.[10]
Sa pangalawang istorya naman ay ang pagpapakilala sa relasyon sa pagitan ni Saul at ni David. Itinakwil ng Dios si Saul bilang hari, at may masamang espiritung nagsimulang magpahirap kay Saul. Dahil sa kanyang reputasyon bilang mahusay na manunugtog, si David ang napiling tumugtog para kay Saul upang pakalmahin ang kanyang espiritu.[11]
Ang pangatlong istorya ay nagsasabi tungkol sa tagumpay ni David laban sa higanteng Filisteo, na si Goliat. Sa kabila ng kuwento sa likuran na lumalalang pagmamataas at pagtitiwala sa sarili ni Saul, ang istoryang ito ay nagpapakita ng mababang loob na pagtitiwala sa Dios ni David.[12]
Di pagkakasundo sa pagitan ni Saul at David (1 Sam. 18–27)
Habang pinanonood ni Saul na pinupuri ng mga tao si David dahil sa pagkakapatay niya kay Goliat, nainggit siya ng sobra dahil sa hinihinalang karibal/kaaway. Ang istorya ng gusot sa pagitan ng itinakwil na si Haring Saul at sa piniling Hari ng Dios na si David ay kinapapalooban ng apat ng pangunahing mga tagpo:
Ang lumalagong pagkakaibigan sa pagitan ni David at Jonathan (1 Sam. 18)
Ang pagsisikap ni Saul na patayin si David (1 Sam. 19–20)
Ang pagtakas ni David mula kay Saul, at ang kanyang pagtangging saktan “ang itinalaga ng Dios” (1 Sam. 21–26)
Ang panandaliang pamamalagi ni David sa piling ng mga Filisteo (1 Sam. 27)
Ang kamatayan ni Saul at ng kanyang mga anak na lalaki (1 Sam. 28-31)
Ang huling hakbang sa pagbagsak ni Saul ay ang pagbisita niya isang mangkukulam ng Endor sa kanyang paghahanda sa pakikipaglaban sa mga Filisteo. Siya ngayon ay nakilahok sa isang gawaing occult na minsan niyang plinanong wasakin.[13] Dumating si Samuel at nagbigay ng mensahe ng paghatol; tatalunin ng mga Filisteo ang Israel, at si Saul at ang kanyang mga anak ay mamamatay sa labanan. Tulad nang inihula ng propeta, si Saul at ang kanyang mga anak na lalaki ay napatay sa mga sumunod na araw ng labanan, at sa 2 Samuel ay ang simula ng pag-angat ni David sa trono.
Sa edad na tatlumpu, si David ay naging hari. Sinasakop ng 2 Samuel ang mga taong 1011-971, mula sa pagkamatay ni Saul hanggang sa pagkamatay ni David. Ang aklat na ito ay nagtatala ng mga tagumpay ni David sa kanyang mga unang taon bilang hari. Nakatala din dito ang trahedyang resulta ng kasalanan ni David kay Bathsheba.
Pangkalahatang Pagtanaw sa 2 Samuel
Ang pag-angat ni David sa kapangyahrihan (2 Sam. 1–4)
Ang 2 Samuel ay nagsimula sa pagtugon ni David sa pagkamatay ni Saul. Sa halip na magalak sa pagkamatay ng kanyang kaaway, si David ay nagluksa sa pagkamatay ni Saul at pinarusahan ang Amelekita na umaming pumatay kay Saul. Si David ay ang unang itinalagang hari sa Judah; ang anak ni Saul, na si Isboset, ay kinoronahan bilang hari ng Israel. Sa 2 Samuel 3:1 ay sinasabi, “Nagkaroon ng mahabang digmaan sa pagitan ng sambahayan ni Saul at sa sambahayan ni David.” Pagkalipas ng pitong taon, si Isboset ay pinatay ng dalawa sa kanyang mga kumander ng hukbo., at si David ay kinoronahan bilang hari ng buong Israel.
Mga taon ng Pagtatagumpay/Kasaganaan ni David(2 Sam. 5–10)
Ang mga unang taon ng paghahari ni David ay matagumpay. Sa Hukbong Sandatahan, protektado ni David ang bawat hangganan ng Israel. Sa Pulitika, napag-isa niya ang buong bansa pagkatapos ng digmaang civil. Sa paglilipat ng sentro mula sa dakong timog ng lunsod ng Hebron sa mas sentrong lunsod ng Jerusalem, nagawa niyang payapain ang mga tensiyong pulitikal.
Ang pinakaimportante, si David ay may espirituwal na tagumpay sa mga panahong ito. Ang 2 Samuel 7 ay isa sa mga importanteng kabanata sa kasaysayan ng Lumang Tipan. Ang tipan ng Dios kay David ay binuo sa pamamagitan ng tipan ng Dios kay Abraham at Moises. Ang Tipan kay David ay kinapapalooban ng limang pangako:
Magbibigay ang Dios ng ligtas na tahanan para sa Israel (7:10-11).
Itatayo ng Dios ang anak na lalaki ni David upang itayo ang templo. (7:12-13).
Magtatatag ang Dios ng kaharian ni David magpakailanman (7:13).
Magtatatag ang Dios ng isang relasyon ng ama at anak sa salin-lahi ni David (7:14).
Ang awa ng Dios ay hindi lalayo mula sa salin-lahi ni David (7:14-15).
Ang tipan na ito ay importante upang maunawaan ang kasaysayan ng Israel. Ang isa sa mga susing katanungan na pagbabatayan ng 1 at 2 Mga Hari ay, “Bakit wala nang hari mula sa angkan ni David na nakaupo sa trono?” Para sa Israel, lumalabas na mukhang kinalimutan na ng Dios ang kanyang tipan kay David. Ang 1 at 2 Mga Hari ay nagbigay ng sagot ng Dios sa tanong na ito.
Ang Tipan kay David ay importante din sa kasaysayan ng Bagong Tipan. Ang ebanghelyo ay nagpapakita na ang Tipan kay David ay lubusang nabigyang katuparan sa pagdating ni Cristo Jesus.[1]
Ang Kasalanan ni David at ang Resulta Nito (2 Sam. 11–24)
Nakatala sa 2 Samuel 11 ang isang nakapanlulumong/tragic na pangyayari na sumira sa paghahari ni David. Tinangkang pagtakpan ni David ang kanyang pakikiapid kay Batseba sa pamamagitan ng pagpatay kay Urias. Ang mga huling bahagi ng 2 Samuel ay nagpapakita ng pagpaparusa ng Dios kay David. Sa 2 Samuel 7:15, nangako ang Dios na “hindi lilisan ang aking awa”; ang biyayang ito ay bahagi ng relasyon ayon sa tipan. Sa 2 Samuel 12:10, sinabi ng Dios na “laging may mamamatay sa patalim sa iyong sambahayan”; ang parusang ito ay bahagi pa rin ng relasyon ayon sa tipan. Ang pakikipagtipan sa Dios ay may kasamang responsibilidad sa Dios.
Isang Mas Malapit na Pagtanaw sa Kasalanan at Mananampalataya
Ang istorya ni David at Batseba ay isa sa mga madilim na bahagi sa kasaysayan ng Lumang Tipan. Para sa mga naniniwala sa pagtawag ng Dios sa kanyang mga anak na mamuhay ng malaya sa mga kasalanang intensyonal, ang istorya ay partikular na mahirap at mabigat ang nilalaman. Kahit hindi tayo naniniwala na hindi kailangang mahulog ang isang mananampalataya sa kasalanan, ang istorya ni David ay nagpapakita na posible para sa mga anak ng Dios na mahulog sa kasalanan. Ang istoryang ito ay nagtuturo ng mahalagang leksiyon para sa mga mananampalataya; ipinapakita nito kung ano ang dapat gawin ng isang mananampalataya kung siya ay nahulog sa intensyonal na kasalanan.
(1) Dapat nating aminin/ipahayag ang ating kasalanan.
Nang kumprontahin ni Samuel si Saul sa kanyang kasalanan, sinubukan ni Saul na idepensa o ipagtanggol ang kanyang sarili (“Dahil hindi ka dumating …”).[1] Nang kumprontahin ni Nathan si David tungkol s kanyang kasalanan, nagsisi agad si David, “Nagkasala ako laban sa PANGINOON.”[2] Ipinapakita nito ang pagkakaiba sa pagitan ni David, isang lalaki mula sa puso ng Dios, at si Saul, ang lalaking itinakwil/hindi tinanggap ng Dios.
Kahit na ito ay “malaking kasalanan” katulad ng pakikiapid o kaya ay “maliit na kasalanan” katulad ng tsismis, hindi natin matatanggap ang kapatawaran ng Dios hangga’t hindi natin pinagsisisihan ang ating mga kasalanan. Katulad ni Saul, may mga pagkakataon na natutukso tayong pagtakpan ang ating kasalanan, o itanggi ito sa pagtawag dito bilang isang “pagkakamali” o “kahinaan.” Gayunpaman, kapag ipinakita ng Dios na tayo ay nagkasala, dapat nating aminin ang ating kasalanan at hingin ang kanyang kapatawaran.
(2) Dapat nating makita ang kaseryosohan ng bigat ng ating kasalanan.
Nang kumprontahin ni Samuel si Saul tungkol sa paghahandog na ang mga pari lamang ang dapat gumawa, sinubukan ni Saul na bigyang katwiran ang kanyang kasalanan. Sinabi niya, “Kaya’t pinilit ko ang aking sarili, at naghandog ng alay na sinunog.”[3]
Nang kumprontahin ni Nathan si David, napagtanto ng hari na ang kaseryosohan ng bigat ng kanyang kasalanan ay hindi lamang base sa kanyang ginawa. Ang kaseryosohan ng bigat ng kanyang kasalanan ay laban sa Dios na kanyang pinagkasalahan. “Laban sa iyo, sa iyo lamang, ako’y nagkasala, at ang ginawa ko’y hindi mo nagustuhan: Kaya may matuwid kang ako’y hatulan, marapat na ako’y iyong parusahan.”[4]
Kung makikita natin na ang ating kasalanan ay paglabag laban mismo sa Dios, mauuunawaan natin na walang “maliit” na kasalanan. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng Dios, “Ang nagkasala ang dapat mamatay.”[5] Dapat nating makita ang kaseryosohan ng bigat ng ating kasalanan; ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.
(3) Dapat tayong maniwala na matatanggap natin ang kapatawaran ng Dios.
Nanalangin si David, “Ako ay linisin, sala koy hugasan: hugasan mo ako,at ako’y magiging mas maputi pa sa niyebe”. Nalalaman ni David na walang isinasaad sa sistema ng pagsasakripisyo patungkol sa isang sinasadyang kasalanan na katulad ng kanyang ginawa.[6] Gayunman, idinulog niya ang kanyang sarili sa habag ng Dios: “Hindi mo na nais ang mga panghandog; sa haing sinunog hindi ka nalulugod. Ang handog ko, O Dios ay ang mapagpakumbaba’t pusong mapagtapat, O Dios, ito ang iyong tatanggapin.”[7] Nagsisi si David na may pananampalataya na patatawarin siya ng mahabaging Dios sa kanyang mga kasalanan.
Sa Bagong Tipan, isinulat ni Juan, “Mga anak, isinusulat ko ang mga ito sa inyo upang hindi kayo magkasala. At kung ang sinuman ay magkasala, mayroon tayong Tagapamagitan sa Ama, si Jesu-cristo, ang walang sala.”[8] Bilang mga Kristiyano, hindi natin kailangang mahulog sa kasalanan; ngunit kung magkasala man tayo, ibinibigay ni Juan ang mabuting balita na mayroon tayong tagapamagitan. Marahil ang Awit 32 ay isinulat agad pagkatapos ng Awit 51. Sa Awit 51, ipinahayag ni David ang kanyang kasalanan. Sa Awit 32, nagpuri siya sa kapatawaran ng kanyang mga kasalanan. “Inaamin ko ang aking mga kasalanan sa inyo lamang; at hindi ko inilihim ang aking mga pagsalansang. Sinabi ko, ipapahayag ko ang aking mga kasalanan sa Panginoon at aking natamo ang iyong patawad sa sala kong angkin.”[9]
(4) Dapat nating maunawaan ang long term cost/pangmatagalang bunga ng ating kasalanan.
Dahil nagsisi si David, pinatawad ng Dios ang kanyang kasalanan. Gayunpaman, ang mga huling panahon ng paghahari ni David ay naapektuhan ng nangyari noong gabing kasama niya si Bathsheba. Ang anak ni David na si Amnon ay ginahasa si Tamar, na kapatid niya sa ama. Pinaboran ni David ang kanyang anak na si Absalom na nanguna sa isang tangkang pag-aalsa. Si Sheba, isang Benjaminita, ay nanguna na magkaroon ng isang rebolusyon. Habang nasa banig ng kamatayan si David, pinag-agawan ng kanyang mga anak ang trono. Ang patalim ay hindi lumayo mula sa sambahayan ni David. Maging ang listahan ng salinlahi ni Jesus ay naglalaman ng paalala sa kasalanan ni David: “Naging anak ni David si Solomon sa dating asawa ni Urias.”[10] Ang istorya ni David ay nagpapaalala sa nakakatakot na kahihinatnan ng kasalanan. Hindi natin kailanman dapat maliiitin ang kasalanan. Nagbabala si Pablo, “Huwag kayong padadaya; hindi maaaring madaya ninuman ang Dios. Kung ano ang inihasik ng tao, iyon din ang kanyang aanihin. Ang nagsisikap sa mga bagay ukol sa laman ay aani ng kamatayan.”[11] Ang kamalayan sa kaseryosohan ng bigat ng ating kasalanan at ang kabayaran ng kasalanan ay makakatulong para sa ating makatayo ng matatag sa panahon ng pagsubok.
Sa 2 Samuel 7, Nangako ang Dios ng ligtas na lugar na matitirahan para sa Israel, isang templo sa Jerusalem at ang mga salinlahi ni David ay mananatili sa trono ng Israel magpakailanman. Ang 1 at 2 Mga Hari ay naisulat mula sa perspektibo ng pagkakatapon. Nang isinulat ang mga aklat na ito, ang Israel ay nasa panahon ng pagkakatapon, ang templo ay nawasak, at walang hari mula sa lahi ni David ang nakaluklok sa trono.
Ang mga aklat ng Mga Hari ay sinagot ang tanong na, “Bakit?” Bakit hindi natupad ang mga pangako? Nalimutan ba ng Dios ang kanyang mga pangako? Si Marduk, ang dios ng Babilobniia, ay mas makapangyarihan ba kaysa kay Jehovah, ang Dios ng Israel? Sinagot ng aklat ng Mga Hari ang mga tanong na ito sa pamamagitan ng pagtuturo sa kabiguan ng Israel na manatiling tapat sa tipan.
Gamit ang mga salita ng teolohiya ng Deuteronomio, ipinapakita ng aklat ng Mga Hari na inaani ng Israel ang kaparusahan ng kanyang kasalanan. Ang mga aklat na ito ay makasaysayan, ngunit ang mga ito ay mas higit pa sa kasaysayan lamang; ipinapaliwanag nito kung bakit ang kasaysayan ng Israel ay nagapp sa ganoong paraan. Iyon ang dahilan kung bakit inuri ng Hebreyong Biblia ang mga aklat na ito bilang “Naunang Mga Propeta.” Ang mga aklat na ito ay may dalang mga salita ng propesiya mula sa Panginoon: “Ito ang dahilan kung bakit nagpadala ako ng paghatol sa mga mamamayang pinili ko.”
Bakit?
Pangako ng 2 Samuel
Katotohanan ng 2 Mga Hari
Lugar na matitirahan "magpakailanman"
Pagkakatapon sa Babilonia
Isang templo sa Jerusalem
Ang templo ay nawasak
Isang kahariang pinagtibay "magpakailanman"
Walang hari sa Jerusalem
May-akda at Petsa
Sa Hebreyong Biblia, ang 1 at 2 Mga Hari ay unang aklat. Tinutukoy ng Hebreyong tradisyon si Jeremiah bilang may-akda. Gayunpaman, walang anumang nakalagay sa aklat ng 1 at 2 Mga Hari ang tumutukoy tungkol sa may-akda. Karamihan sa mga eskolar ang tumutukoy sa aklat na ito bilang “anomymous/hindi alam kung sino ang sumulat.”
Ang huling pangyayari sa 2 Mga Hari ay naganap sa taong 561 B.C. Hindi nabanggit sa aklat ng Mga Hari ang utos ni Cyrus noong 539 B.C. na pumapayag nang bmalik ang Judah. Maaaring isipin ang Mga Hari ay naisulat sa pagitan ng dalawang petsang ito.
Istraktura ng 1 at 2 Mga Hari
Ang Israel ay Nagkaisa sa Ilalim ng Pamumuno ni Solomon (1 Mga Hari 1-11)
Ang mga kabanatang ito ay sumasaklaw sa mga taong 971-931 B.C. Binabakas nito ang mga tagumpay ng paghahari ni Solomon: ang kanyang katalinuhan, ang kanyang kayamanan, at ang pagpapala ng Dios sa templo. Binabakas din nito ang apostasy/pagtataksil ni Solomon sa kanyang mga huling taon.
Ang Nahating Kaharian (1 Mga Hari 12 – 2 Mga Hari 17)
Ang mga kabanatang ito ay sumasaklaw sa mga taong 931-722 B.C., mula sa pagkamatay ni Solomon hanggang sa mawasak ng Assyriya ang hilagang kaharian. Dahil sa mga hangal na kilos ni Rehoboam, ang bansa ay nahati sa dalawng kaharian kasunod ng pagkamatay ni Solomon. Ang sapung lipi sa hilaga ay sumunod kay Jeroboam; ang Judah at Benjamin lamang ang nanatiling tapat kay Rehoboam at sa salinlahi ni David. Ang mga salaysay sa Mga Hari ay salit-salit sa dalawang kaharian, at tinutunton ang mabilis na pagtalikod sa pananampalataya ng kaharian sa hilaga at ang mas mabagal na pagbagsak ng Juda.
Hilagang Kaharian ng Israel
Timog na Kaharian ng Judah
19 Mga Hari
19 Mga Hari; 1 Reyna
Lahat ng naging hari ay masama
8 ang mabuting hari na nagdala ng panahon ng pagbabalik-loob
Ang Kabisera ay ang Shechem, tapos ay Tirzah, at Samaria
Ang Kabisera ay Jerusalem
Pagsamba sa Bethel at Dan
Pagsamba sa Jerusalem, “ang bayan ni David”
Winasak ng Assyria noong 722 B.C.
Kinuha sa pagkakatapon ng Babylon noong 586 B.C.
Ang kaharian ay naliligaw
Nagbalik mula sa pagkakatapon noong 536 B.C.
Ang Judah pagkatapos ng Pagbagsak ng Hilagang Kaharian (2 Mga Hari 18–25)
Ang mga kabanatang ito ay sumasaklaw sa mga taong 722-561 B.C., mula sa pagkawasak ng hilagang kaharian hanggang sa pagpapalaya ni Jehoiachin mula sa pagkakabihag sa Babilonia. Dahil sa mga panahon ng pagbabalik-loob sa panahon ng paghahari ng mga mangilan-ngilang mabuting hari, Napagtagumpayan ng Judah na mabuhay ng mahigit sa isang siglo pagkatapos ng pagbagsak ng hilagang kaharian. Gayunpaman, dahil sa masamang pamumuno ni Manasseh, ginawaran ng Dios ng kaparusahan ang Judah.[1] Mayroong isang huling yugto ng panahon ng pagbabalik-loob sa panahon ng paghahari ni Josiah, ngunit noong 586 B.C. Sinakop ng Babylon ang Jerusalem, winasak ang templo, at dinala ang mga tao sa pagkakatapon.
Ang 2 Mga Hari ay nagtapos sa istorya ng Judah sa ilalim ng Gedaliah, ang gobernador na hinirang ng Babilonia. Nagwawakas ito sa report na pinalaya ng hari ng Babilonia si Jehoiachin mula sa pagkakabilanggo. Nangyari ito noong 561 B.C. at, sa mga naunang mambabasa ng Mga Hari, ito ay isang paalala na binabantayan ng Dios ang angkan ni David. Hindi kinalimutan ng Dios ang kanyang pangako kay David.
Inakay ni Jeroboam I ang Israel sa pagsamba sa dios-diosan
931-913
Nahati ang Israel dahil kay Rehoboam
885-874
Inilipat ni Omri ang kabisera sa Samaria
911-870
Si Asa ay isang maka-dios na hari
874-853
Si Ahab at Jezebel
875-848 Ministreyo ni Elijah
872-848
Jehosaphat, isang mabuting hari, ngunit nakipagkasundo siya kay Ahab
760-750
Ministeryo ni Amos
792-740
Nagkaroon ng ketong si Uzzias dahil sa paglabag niya sa mga kautusan para sa tungkulin ng mga pari
753-715
Ministeryo ni Hosea
732-722
Hosea – huling hari ng Hilagang Kaharian
716-687
Hezekias
740-681
Ministeryo ni Isaiah
722
Pagwasak ng Assyria sa Hilagang Kaharian
641-609
Josias – Ang huling maka-dios na hari ng Judah
627-586
Ministeryo ni Jeremias
609-598
Paghahari ni Jehoiakim, ang pagbalewala sa mga babala ni Jeremias
597-586
Zedekias – ang huling hari ng Juda
586
Pagkawasak ng Jerusalem
Mga Mahalagang Tema sa 1 at 2 Mga Hari
Ang Mga Hari
Ang paraan ng pagtingin ng 1 at 2 Mga Hari sa mga pinuno ng Israel ay parehong katulad at kakaiba mula sa mga ordinaryong libro ng kasaysayan. Katulad ng ibang mga batayan ng kasaysayan, ang 1 at 2 Mga Hari ay naglalahad ng mga batayan ng mga impormasyong biographical: ang edad ng hari noong siya ay naluklok sa trono, ang pinanggalingan niyang pamilya, haba ng kanyang paghahari, lugar ng pinaglibingan, mga tagapagmana, at ang mga pinagkunan ng impormasyon tungkol sa hari.
Hindi katulad ng ibang batayan ng kasayssayan, ang pangunahing layunin ng Mga Hari ay ang pagsusuri sa katapatan ng mga hari sa Dios. Para sa bawat isang hari, sinasabi ng sumulat na, “At siya’y lumakad ayon sa kasalanan ng kanyang ama, na ganito rin ang ginawa ng nauna sa kanya: at ang kanyang puso ay hindi perpekto sa Panginoong kanyang Dios, tulad ng puso ni David na kanyang ama”[3] o kaya’y “ang kanyang puso ay perpekto sa Panginoon sa lahat ng kanyang mga araw.”[4]
Ang bawat hari ay sinuri ayon sa kanilang katapatan sa Dios, hindi lamang sa tagumpay sa pulitika o sa sandatahang militar. Halimbawa, sa kasaysayang secular, si Omri ay isa sa mga kilalang magaling na naging hari ng Israel. Ang “Mesha Stele,” na ngayon ay nasa Louvre Museum, ay nagsasabi tungkol sa mga pakikipaglaban ng sandatahang militar ni Omri. Nang mamatay si Omri, ayon sa pinanggalingan ng impormasyon ng Asiria tinawag ang Israel bilang “lupain ni Omri.” Si Omri ay isa sa mga sikat na hari, ngunit sa 1 Mga Hari, apat na talata lamang ang nagpapatungkol kay Omri. Para sa isang biblical na may akda, “Masama ang mga ginagawa Omri sa paningin ng PANGINOON, at nagkasala siya ng higit pa sa mga hari na nauna sa kanya.”[5] Para sa isang biblical na manunulat, nahigitan ng bigat ng kasalanan ni Omri ang lahat ng mahalagang nagawa niya sa kanyang pamumunong politikal. Ang Mga Hari ay kasaysayan ayon sa tipan; binabakas nito ang kasaysayan ng Israel ayon sa kanyang katapatan sa kanyang tipan.[6]
Baal, ang “Dios ng Ulan at Kulog.” Ipinagpalit ng Israel ang pagsamba sa pinakamakapangyarihan sa lahat na si Jehovah para sa isang mahina! Jer. 2:11
Ang Mga Propeta
Bilang bahagi ng larawan ng pagbagsak ng Israel, ang 1 at 2 Mga Hari ay nagbibigay ng maingat na atensyon sa mga gampanin ng mga propeta. Kahit halos baliwalain si Omri sa Mga Hari, ang paghahari ng kanyang anak na si Ahab ay detalyadong naitala.
May dalawang dahilan para dito. Ang Una ay sa kadahilanang masama ang pangunguna ni Ahab na nagdulot sa pagkawasak ng hilagang kaharian.[7] Ang pangalawang ay sa kadahilanang gusot sa pagitan ni Elijah at Ahab. Ang gusot sa pagitan ni Elijah at Ahab ay nagpapakita ng katapatan ng Dios na bigyang babala ang Israel sa kanyang kasalanan. Ang komprontasyon sa Bundok ng Carmel ay nagdala sa Israel upang harapin ang kanyang pagtalikod sa Dios. Ang tagtuyot na ipinahayag ni Elijah sa Israel ay bunga ng kanilang pagtalikod sa Dios.[8]
Ang mga propeta ay nagpapakita ng katapatan ng Dios sa kanyang mamamayan. Sa pamamagitan ni Elijah at Elisha sa hilaga, at sa pamamagitan ni Isaiah at kanyang mga kapanahon sa Juda, paulit-ulit na nagbigay ng babala ang Dios sa kasalanan ng Israel. Nakakalungkot, na sa kabila ng katapatan ng Dios, ang Israel ay nagpatuloy sa kanyang pagrerebelde.
Deuteronomic Theology/ Teolohiya Ayon sa Deuteronomio
Ang gusot sa pagitan ni Elijah at Ahab ay hindi lamang nagpapakita ng katapatan ng Dios na bigyang babala ang Israel, kundi maging sa katigasan ng ulo ng Israel sa pagtanggi nilang magsisi sa kanilang kasalanan. Mula sa perspektibo ng pagkakatapon, ipinapakita ng may akda ng Mga Hari na ang Juda at Israel ay nagdusa sa makatarungang pagpaparusa ng Dios.
Sa mga katanungang nakalagay sa simula ng bahaging ito, itinugon ng may akda ng Mga Hari na, “Hindi, si Marduk ay hindi mas makapangyarihan kaysa kay Jehovah. Hindi, hindi nalilimutan ng Dios ang kanyang mga pangako sa tipan. Pinagdurusahan ng Juda at ng Israel ang bunga ng kawalang katapatan sa tipan. Ang tipan ay nangangako ng pagpapala sa matapat at parusa sa mga hindi tapat. Tinutupad ng Dios kung ano ang kanyang ipinangako.”[9]
Ang koneksyon sa pagitan ng Deuteronomio at Mga Hari ay nakita sa ilang ispesipikong pagkakataon.
Sa Deuteronomio, iniutos sa Israel na sumamba “sa lugar na pipiliin ng PANGINOON na inyong Dios.” Si Jeroboam ay nagtayo ng mga lugar ng sambahan sa Dan at Bethel.[10]
Ipinakita ng Deuteronomio ang uri ng hari ng gusto ng Dios para sa Israel. Ang aklat ng Mga Hari ay ipinakita kung paano nabigo ang mga hari na Israel na mamuhay ayon sa pamantayan ng Dios para sa isang hari.[11]
Ang Deuteronomio ay nagtakda ng pagsusuri para sa totoong propeta. Ang ministeryo ni Elijah at Elisha ay nagpapakita ng katibayan ng pagsusuring ito.[12]
Ang Deuteronomio ay nagbigay ng mga ispesipikong sumpa kapag sumira ang Israel sa kanilang tipan. Ito ang katuparan ng nakapanlulumong detalye ng Mga Hari.[13]
[6]Image: "Baal Ugarit Louvre AO17330" taken by Jastrow in 2006, retrieved from https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Baal_Ugarit_Louvre_AO17330.jpg, public domain.
[8]1 Mga Hari 17. Sa leksiyon sa Exodus, nakita natin na ang mga salot ay atake sa mga huwad na dios ng Egipto. Ang tagtuyot sa panahon ni Elias ay katulad na pag-atake kay Baal. Si Baal ay dios ng kasaganahan ng mga Phoenicia na ipinakilala ni Jezebel sa Israel. Tinatawag si Baal na “Panginoon ng Ulan at Kulog”. Ipinahahayag ni Elias na si Jehovah, ang manlilikha ng daigdig, ang nag-iisang may kapangyarihan sa kalikasan.
Ang 1 at 2 Cronica ay naisulat mahigit na sandaang taon pagkatapos ng 1 at 2 Mga Hari. Ang Cronica ay dumating mula sa mahirap na sitwasyon sa kasaysayan ng Israel. Pinayagan ni Cyrus na makabalik ang mga tao – pero marami sa mga Judio ay tumira sa Babilonia kaysa sa Jerusalem. Naitayo nang muli ang templo – pero mas maliit ito at di kasingganda ng templo na ginawa ni Solomon. Walang hari mula sa lahi ni David ang nakaluklok sa trono. Hindi pa din dumadating ang Mesiyas. Ang Cronica ay isinulat para sa mga tao na nangangailangan na malaman na “Hindi tayo nakakalimutan ng Dios. Tayo ay kanya pa ring mga mamamayan. May pag-asa pa.”
Ang sinaunang tradisyon ay tumutukoy kay Ezra bilang may akda ng Mga Cronica. Isang dahilan nito ay ang dalawang huling talata sa 2 Cronica ay inulit bilang unang dalawang talata sa Ezra. Ang Cronica mismo ay walang binanggit na may-akda. Dahil dito, ang may-akda ay madalas na tinatawag na “Chronicler.”
Sa Hebreong Biblia, ang Cronica ay ang huling aklat sa canon. Ito ay naaangkop dahil ang Cronica ay marahil naitala sa taon na naisulat ang isa sa mga huling aklat sa Lumang Tipan, sa pagitan ng 450 at 400 B.C. Nararapat lamang din na dahil sa layunin ng Cronica. Ang Cronica ay hindi pangunahin na isang aklat ng kasaysayan, bagaman ang kasaysayan ng Cronica ay totoo. Ang pangunahing layunin nito ay magdala ng mensahe ng pag-asa sa pamamagitan ng pagtingin sa kasaysayan ng Israel sa panibagong pananaw. Ang Cronica ay nakatuon sa katuparan ng pangako ng Dios sa Israel, mga pangako na tutupad sa pagdating ni JesuCristo.
Ang Cronica at Mga Hari
Ang relasyon sa pagitan ng Cronica at mga Hari ay kapareho sa relasyon sa pagitan ng tatlong sinoptikong ebanghelyo; tinitingnan nito ang parehong materyal mula sa magkaibang pananaw. Siniyasat ng Cronica ang parehong kasaysayan tulad ng sa Samuel at Mga Hari. Gayunpaman, tinitingnan nito ang mga pangyayari mula sa ibang perspektibo. Sa Mga Hari, itinatanong kung “Bakit hindi pa natutupad ang mga pangako sa tipan?” Itinatanong ng Cronica, “Mayroon bang pag-asa para sa hinaharap? Mayroon bang layunin ang Dios para sa kanyang bayan?”
Ang layunin ng may akda ng Cronica ay makikita sa kanyang pagpili ng mga materyales nito. Hindi ito nagbigay ng kumpletong detalye ng kasaysayan ng Israel. Sa halip, pumili siya ng mga materyal na nagpapakita kung paano kumikilos ang Dios sa kasaysayan ng Israel upang matupad ang kanyang layunin. Ang may-akda ay hindi sinubukang itago ang madilim na panahon ng kasaysayan ng Israel; lubos na alam ng kanyang mga mambabasa ang mga madilim na panahong iyon. Gayunpaman, ang layunin ng Cronica ay hindi para ipaliwanag ang paghatol ng Dios; ang layunin ng Cronica ay upang magbigay ng pag-asa sa mga taong nasa desperadong panahon. Sa pagtatapos ng proklamasyon ni Cyrus, ang Cronica ay nagtapos sa pagbibigay ng mensahe ng pag-asa; patuloy na iniingatan ng Dios ang kanyang mga mamamayan.
Samuel/mga Hari
Cronica
Bakit hinatulan ng Dios ang kanyang mamamayan?
Mayroon bang kinabukasan para sa mga mamamayan ng Dios?
Nakapaloob dito ang istorya tungkol sa paghahari ni Saul
Talaan ng angkan? Nakakainip! Oo, ang mga talatang ito ay maaaring nakakainip, ngunit ang mga ito ay mahalaga. Bakit? Ito ang magpapaalala sa mamamayan ng Dios na hindi sila kinalimutan.
Noong ika-5 siglo B.C., ang talaan ng angkan ng lipi ng Israel ay tila walang kabuluhan. Ang sampung lipi ng hilagang kaharian ay nawasak na ng Assyria at hindi na maibabalik ang dati niyang pagkakakilanlan. Ang mga mamamayan ng Juda ay nagkahiwa-hiwalay sa buong Egipto, Babilonia, at Persia.
Sa sitwasyong ito, ang talaan ng angkan ay may dalang importanteng mensahe: “hindi tayo kinalimutan ng Dios. Tayo ang kanyang piniling mga mamamayan. Kilala pa rin natin kung sino tayo; mababakas natin ang ating talaan ng angkan pabalik kay Adan.” Kahit na nawala na ang hilagang kaharian, ang chronicler ay nagnanais na maalala ng Juda na pinili ng Dios ang “buong Israel” at hindi sila kinalimutan.[2]
Isang sipi ang magpapakita kung paano ang talaan ng angkan ay tumutugma sa layunin ng chronicler. Sa Hebreo, ang pangalang Jabez ay kapareho ng salitang “sakit.” Si Jabez ay isang lalaking walang malaking minana, ngunit “tumawag siya sa Dios ng Israel… at dininig ng Dios ang kanyang kahilingan.”[3] Ang panalangin ni Jabez ay hindi isang pormula ng mahika upang makamit ang mga bagay mula sa Dios. Ang panalangin ni Jabez ay isang paalala na naririnig ng Dios ang mga tumatawag sa kanya, kahit wala silang personal o kalamangan sa pamilya. Ang kwento ni Jabez ay humikayat sa mga unang mga mambabasa ng Cronica na tumawag sa Dios: maging sa kanilang madillim na panahon, maririnig niya ang kanilang mga pagtaghoy.
Ang Paghahari ni David (1 Cronica 10–29)
Si Saul ay kabilang sa talaan ng angkan, ngunit ang detalyado lamang na impormasyon tungkol kay Saul ay ang kanyang kamatayan. May napakaliit na interes ang chronicler sa paghahari ni Saul. Ang interes ng sumulat ng Cronica ay nagbuod sa buhay ni Saul sa ganitong pahayag: “Kayat’t namatay si Saul dahil sa kanyang pagsuway laban sa PANGINOON…kaya’t siya’y pinatay at inilipat ang kaharian kay David na anak ni Jesse.”[4]
Nakatutok ang pansin ng sumulat ng cronica kay David at sa kanyang salinlahi bilang hari. Ang Cronica ay nagkukwento tungkol kay David at sa kanyang mga magigiting na mga kawal. Hindi nito ikinukwento ang kasalanan ni David kay Bathsheba. Alam na ng mga mambabasa ng Cronica ang kwento tungkol sa kasalanan ni David; hindi ito importante sa layunin ng Cronica.
Interesante lamang na kahit ang istorya ni Batseba ay hindi kabilang sa Cronica, ang kasalanan ni David sa pagbibilang sa mga tao ay kasama sa kuwento. Bakit? Ang istoryang ito ay mahalaga para sa sumulat sa pagbibigay diin tungkol sa templo. Sa kanyang pagsisisi, binili ni David ang lupaing pinaggigiikan ni Ornan upang pagtayuan ng isang altar para sa mga haing handog na susunugin. Ito ang naging lugar na pinagtayuan ng templo.[5]
Ang templo ay importante sa Cronica. Kasunod ng istorya ng pagpapatala/census ni David sa 1 Cronica 21, sinasabi ng Cronica ang tungkol sa plano ni David na magtayo ng templo at ang kanyang organisasyon ng mga Levita, mga pari, musikero, tagapagbantay ng tarangkahan, at mga ingat-yaman ng templo. Ang sumulat ng cronica ay nagpapaalala sa mga dismayadong mga tao na ang templo ay ang sentro ng kanilang pagkakakilanlan; sumulat siya upang himukin ang katapatan sa pagsamba sa templo.
Ang Paghahari ni Solomon (2 Cronica 1–9)
Ang paghahari ni Solomon ay importante sa chronicler dahil sa templo. Hindi isinama ng Cronica ang pagtalikod ni Solomon sa pananampalataya, ngunit naglaan ng anim na kapitulo sa pagpapagawa at magpapaganda, at pag-aalay ng templo. Ang Cronica ay Ipinapakita ng Cronica ang tugon ng Dios sa pag-aalay ng templo:“Bumaba ang apoy mula sa Langit at natupok ang mga handog; at ang templo ay napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon. Hindi makapasok ang mga saserdote sa templo ng Panginoon sapagkat napuno nga ito ng kaningningan ng Panginoon.”[6]
Sa bandang huli ng kabanatang ito, ipinangako ng Dios kay Solomon na “Maaari kong ipinid ang langit at hindi pumatak ang ulan. Maaari akong magpadala ng balang upang salantain ang lupaing ito o maaari kong palaganapin sa aking bayan ang salot. Subali’t kung ang aking bayan, na tinawag sa aking pangalan, ay magpakumbaba, at manalangin, hanapin ako at talikdan ang kanilang kasamaan; diringgin ko sila, at patatawarin ko sila. At ibabalik ko ang katiwasayan at kasaganaan sa kanilang lupain.”[7]
Ang pangakong ito ay mahalaga para sa Israel pagkatapos silang ipatapon. Ito ang kasiguraduhan nila na hindi pinabayaan ng Dios ang kanyang mamamayan. Ang mga pangako ng tipan ay hindi pa rin natutupad, ngunit kung tatawag ang Israel sa Dios, diringgin sila ng Dios mula sa langit at hihiluming muli ang kanilang lupain. Ito ay katumbas ng mensahe ng Malakias, mga sulat halos sa kaparehong panahon ng cronica. Ang totoong pagsisisi sa kasalanan at katapatan sa mga utos ng Dios ang magdadala ng pagpapala ng Dios sa mga nagbalik mula sa pagkakatapon.
Ang Kaharian ng Juda (2 Cronica 10–36)
Sinusundan ng aklat ng Mga Hari ang parehong hilagang kaharian at ang Juda pagkatapos na mahati ang Israel; ang dalawang kaharian ay kapwa nagpapakita ng epekto ng paghatol ng Dios. Ang sumulat ng cronica, gayunpaman, ay interesado sa mensahe ng pag-asa; tanging ang Juda lamang ang nagpapakita ng pangako para sa hinaharap. Kasunod ng pagkakahati ng Israel, kasaysayan na lang ng Judah ang naitala ng Cronica.
Muli sa bahaging ito, ang layunin ng chronicler ang gumabay sa pagpili ng kanyang mga materyal. Sa mga Hari, ang espirituwal na pagbabago ni Hezekias ay inayos sa isang talata.[8] Sa Cronica, tatlong kabanata ang nakalaan sa detalye sa pagbabago ni Hezekias.[9] Sa Cronica ay binigyang diin ang debosyon ni Hezekiah sa templo at ang kanyang katapatan sa Dios.
Isa pang kawili-wiling pagsasalungat sa pagitan ng Cronica at mga Hari ay makikita sa kwento ni Manases. Ipinapakita ng aklat ng Mga Hari na si Manases ang naging pinakamalalang hari ng Judah, ang kasalanan niya ang naging dahilan ng di mapigilang pagkakatapon sa kanila.[10] Ang Cronica ay nagsasabi sa atin na habang siya ay bihag, nagsisi si Manases. Napalaya si Manases mula sa Babilonia at bumalik sa Jerusalem. Inalis niya ang lahat ng dios-diosan sa templo.[11]
Para sa may akda ng Mga Hari, ang pangunahing mensahe sa paghahari ni Manases ay mensahe na ang kasalanan ay nagdadala ng paghatol ng Dios. Para sa may-akda ng Cronica, ang pangunahing mensahe ng paghahari ni Manases ay ang pagsisising nagdadala ng pagpapatawad ng Dios. Ang dalawang mensahe ay parehong napakahalaga upang maunawaan natin ang kasaysayan ng Israel. Ang mga cronica ay higit pa sa pag-uulit ng aklat ng mga Hari; ito ay kasama ng Mga Hari, na nagpapakita ng isa pang aspeto ng mensahe ng Dios sa kanyang mamamayan.
[1]Payo sa mga bagong Kristiyano: Huwag mag-umpisang magbasa ng Biblia sa 1 Cronica 1-9!
Payo sa mga matatandang Kristiyano: Huwag baliwalain ang 1 Cronica 1-9!
[2]Ang talatang “ang buong Israel” ay ginamit ng apat na put dalawang beses sa mga Cronica. Kinikilala nito ang nagpapatuloy na layunin kahit para sa isang bansa na nagkahiwa-hiwalay na. Ang layunin ng pagtubos ng Dios ay matutupad sa kabila ng pagkawasak ng kaharian sa hilaga.
Ang Tipan kay David ay nagbibigay ng pundasyong pang kasaysayan para sa ministeryo ni Jesus bilang Mesiyas. Sa Tipan kay David, ipinangako ng Dios na isang hari sa lahi ni David ang mauupo sa trono ng Israel. Gayon paman sa pagtatapos ng 2 mga Hari, walang hari sa trono ng Israel. Ang sitwasyong ito ay nagpatuloy hanggang pamunuan sila ng mga taga Persya, mga Griyego, at mga Romano.
Sa Tipan kay David, nangako ang Dios na mananatili siya sa kanyang templo. Gayunpaman sa pagtatapos ng 2 Mga Hari, walang templo. At nang muling magawa ang templo, wala itong kadakilaan at ganda na gaya ng naunang Templo.
Ang may akda ng ebanghelyo ay nagpapakita na si Jesus ang katuparan ng pangako kay David. Siya ay dumating upang maupo sa trono ni David. Samantalang hindi siya tinanggap habang siya ay nagmiministeryo sa lupa, magbabalik siya upang maghari magpakailanman. Siya ang naghayag ng kaluwalhatian ng Dios sa templo.
Ang pangako kay David ay hindi kinalimutan. Kahit na hindi naging tapat ang Israel, nanatiling tapat ang Dios sa kanyang mga pangako. Ang pag-asang nakita sa Cronica ay natupad sa pagdating ni Jesus ang Mesiyas.
Ang Pangungusap ng Samuel – Chronica sa Panahon Ngayon
Sa ika-dalawampung siglo, isang kilusang tinatawag na “Christian Reconstructionism” ay nangatwiran na ang batas ng Lumang Tipan na ginagamit sa pamumuno sa Israel ay siyang dapat magiging modelo para sa modernong istrukturang pang politikal. Di masyadong kapansin-pansin, maraming mga Kristiano ay nakikita ang pulitikal na labanan bilang pamamaraan para sa espiritual na pagbabago.
Samantalang may karapatan ang mga Kristiano na makibahagi sa gobyernong sibil, hindi tayo nabubuhay sa theocracy. Hindi rin iminungkahi ni Cristo na gawin natin iyon. Sa halip, ang pangako sa Israel ay natupad na sa pamamagitan ng ministeryo ng iglesya. Sa Lumang Tipan, “pinagpapala ng Dios ang lahat ng bansa” sa pamamagitan ng direktang impluwensya ng Israel. Mula sa Pentekostes, pinagpapala ng Dios ang lahat ng mga bansa sa pamamagitan ng paglaganap ng ebanghelyo sa pamamagitan ng iglesya.
Ang Lumang Tipan na aklat ng kasaysayan ay hindi modelo para sa pagtatayo ng politikal na istrukturang pang Kristiyano kundi ito ay testimonya ng katapatan ng Dios sa pagpepreserba sa kanyang mga mamamayan at sa kanyang pangako sa darating na Mesiyas.
Takdang Aralin ng Leksiyon
(1) Pumili ng isa sa mga sumusunod ng mga takdang aralin:
Opsyon 1: Takdang Araling Pang Grupo
Italaga ang bawat isang miyembro upang pag-aralan ang isang mahalagang hari sa Judah. Sumulat ng isang pahina na buod tungkol sa pamamahala ng hari. Suriin ang katapatan ng mga hari sa Dios at ipakita ang kayang impluwensya sa Judah kung ito manay mabuti man o masama. Mamili sa mga sumusunod na mga hari: Rehoboam, Jehoshaphat, Hezekias, Manases, Josias, o Zedekias.
Option 2: Takdang Araling pang indibiduwal. Mamili ng isa.
Sumulat ng 1-2 pahina ng sanaysay tungkol sa pagkukumpara ng dalawang hari ng Juda. Suriin ang katapatan ng hari sa Dios at ipakita kung paanong ang kanilang pamumuno ay nakaimpluwensya sa Juda mabuti man o masama. Mamili sa mga sumusunod na mga hari: Rehoboam, Jehoshaphat, Hezekiah, Manases, Josias, o Zedekias.
Sumulat ng detalyadong balangkas para sa isang sermon sa katapatan ng Dios base sa Cronica. Gamitin ang mga halimbawa mula sa Cronica na nagpapakita ng katapatan ng Dios sa kanyang mamamayan.
(2) Kumuha ng pagsusulit sa araling ito. Kabilang sa pagsususlit ang mga kasulatan na nakatakda upang isa-ulo.
Mga Tanong sa Leksiyon 5
(1) Ilista ang tema ng bawat aklat.
1 Samuel: ____________________________
2 Samuel: ____________________________
1 & 2 Mga Hari: ____________________________
1 & 2 Cronica: ____________________________
(2) Maglista ng tatlong pangyayari sa mga unang araw ng pamamahala ni Saul na nagpapakita ng kanyang kabiguan na maging hari na nais ng Dios.
(3) Maglista ng limang pangako sa Tipan kay David.
(4) Maglista ng apat na prinsipyo mula sa kasalanan ni David na dapat maging gabay ng mga mananampalataya na nahuhulog sa kasalanan.
(5) Ang 1 & 2 Mga Hari ay sumasakop sa mga taong _________ hanggang ___________.
(6) Pagkatapos na magkahati-hati ng Israel, aling lipi ang nanatiling tapat sa haring lahi ni David?
(7) Paano sinusuri ang mga hari sa 1 at 2 Mga Hari?
(8) Paghambingin ang nilalaman ng Cronica at Mga Hari tungkol sa mga hari ng Juda.
(9) Bakit importante ang paghahari ni Solomon sa Cronica?
(10) Paghambingin ang nilalaman ng Cronica at mga Hari tungkol kay Manases.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.