Sa pagtatapos ng leksiyong ito, ang mag-aaral ay dapat:
(1) Maunawaan ang doktrina ng inspirasyon.
(2) Matukoy ang mga pamantayang gumabay sa pagkabuo ng canon ng Lumang Tipan.
(3) Pagkatiwalaan ang teksto ng Lumang Tipan habang ito ay tinatanggap/pinag-aaralan natin.
(4) Pahalagahan ang kabuluhan ng Lumang Tipan sa buhay ng isang Kristiyano.
Leksiyon
Basahin ang Awit 119
Isaulo ang Awit 19:7-11
Panimula
►Sa nakalipas na taon, gaano ka kadalas nangaral mula sa Lumang Tipan? Gaano kahalaga ang Lumang Tipan sa inyong gawain sa iglesia?
Itinuturo ng teolohiya ng Kristiyano ang inspirasyon o pagkasi sa buong Banal na Kasulatan. Gayunpaman, sa pagsasanay, madalas nating binabalewala ang malaking bahagi ng Salita ng Dios. Kung tayo ay tunay na naniniwalang “ang lahat ng banal na Kasulatan ay Kinasihan/Hiningahan ng Dios,”[1] dapat nating pahalagahan ang Lumang Tipan katulad ng pagpapahalaga natin sa Bagong Tipan. Dapat nating pag-aralan at ipangaral ang Lumang Tipan bilang Salita ng Dios.
Dahil sa distansya sa pagitan ng mundo ng Lumang Tipan at ng ika-21 siglo, ang Lumang Tipan ay maaring maging mahirap na intindihin para sa mga modernong mambabasa. Ang layunin ng kursong ito ay makapagbigay ng isang pagsisimula sa bawat aklat sa Lumang Tipan. Bagamat imposibleng matukoy ang lahat ng detalye ng Lumang Tipan sa isang maiksing kurso, matututunan mo ang background information na makakatulong sa iyo upang maunawaan ang mga aklat na ito, at ikaw ay magkakaroon ng pangkalahatang pagtanaw sa pangunahing tema ng bawat aklat. Dalawang bahaging sentro sa kursong ito ay kung paanong ang Lumang Tipan ay nakaugnay sa mensahe ng Bagong Tipan at kung paano nagsasalita ang Lumang Tipan sa iglesia ngayon.
Sa unang leksiyon, pag-aaralan natin ang mga background issues na nakakaapekto sa ating pag-unawa sa LumangTipan. Titingnan natin ang tatlong tanong na nakaugnay sa Lumang Tipan:
Anong aklat ang maaaring tanggapin bilang Salita ng Dios? Canon.
Paano nangungusap ang Lumang Tipan sa sangkatauhan? Inspirasyon.
Ang teksto bang tinanggap natin ay naging tapat sa orihinal na manuskrito? Integridad ng Teksto.
Ang canon ng Banal na Kasulatan ay isang mahalagang paksa/issue para sa mga Kristiyano. Paano natin malalaman na ang mga aklat sa Lumang Tipan ay tunay na Salita ng Dios? Ang konsepto ng canon ay sumasagot sa tanong na, “Aling mga aklat ang Salita ng Dios para sa mamamayan ng Dios?”
Ang terminong canon ay mula sa terminong Griyego na ang kahulugan ay “sukatan” o “pamantayan.” Ang canon ng Lumang Tipan ay binubuo ng mga aklat na sumusukat at umaabot sa pamantayang ginagamit ng mga tagapagturong Hudyo upang malaman kung ang mga kasulatang ito ba ay tunay na Salita ng Dios. Ang mga iskolar ay gumamit ng tatlong pagsusulit upang subukin ang mga aklat na sinasabing Salita ng Dios. Ang mga aklat ng canon ay nakaabot sa tatlong pamantayan.
(1) May akda. Ang aklat ay isinulat ng isang taong may likas na kaloob bilang isang propeta. Ang mga aklat na ito ay nagdadala ng mensahe ng Dios na sinasabi sa pamamagitan ng isang taong manunulat.
(2) Tagapakinig. Ang aklat ay naka-addressed sa lahat ng henerasyon. Maging ang mga aklat tulad ng Minor Prophets, na nagdadala ng babala ng Dios sa mga specific na grupo ng tao, ay may dalang mensahe para sa lahat ng tao at lahat ng panahon.
(3) Mensahe. Ang mensahe ng aklat ay hindi sumasalungat sa mga naunang rebelasyon ng Biblia.
Ang canon ng Biblia ng Hebreo ay malawakang tinanggap noong 165 B.C., nang gumawa ng listahan ng kasulatan ng mga Judio si Judas Maccabeus. Nang magkaroon ng pulong sa Council of Jamnia noong A.D. 90 ang mga tagapagturo upang pag-usapan ang canon, kinumpirma nila ang listahang nauna nang tinanggap ng mahigit ng 200 taon.
Tinanggap din ng unang iglesia ang listahang ito at noong ika-apat na siglo, kabilang na sa canon na ginamit sa mga Kristiyanong iglesia ang tatlumpu’t-siyam na aklat ng Lumang Tipan.
Hinati ng mga tagapagturo ang Bibliang Hebreo sa tatlong bahagi:
(1) Ang Kautusan(Torah) na naglalaman ng limang aklat ni Moises.
(2) Ang mga Propeta ay hinati sa dalawang subcategories:
Mga Naunang Propeta – Josue, Mga Hukom, Samuel, at Mga Hari
Mga Huling Propeta – Isaias, Jeremias, Ezekiel, at “Ang Labindalawa”[1]
(3) Ang Mga Sinulat ay naglalaman ng mga aklat na may kinalaman sa pista ng mga Hudyo at mga aklat na hindi maibibilang sa alinman sa unang dalawang kategorya:
Poetical Books/Mga Aklat na Patula – Mga Awit, Kawikaan, Job
“Limang Balumbon/Five Scrolls” (Megilloth) – Awit ni Solomon, Ruth, Panaghoy/Lamentations, Esther, at Mangangaral
Mga Aklat ng Kasaysayan – Daniel, Ezra, Nehemias, at Mga Cronica
Hinati ng mga Kristiyano ang Lumang Tipan sa limang bahagi:[2]
(1) Ang Pentateuch na naglalaman ng limang libro ni Moises.
(2) Ang Mga Aklat ng Kasaysayan- kabilang ang Josue hanggang Esther.
(3) Tula at Karunungan kabilang ang Job hanggang Awit ni Solomon.
(4) Ang Major Prophets ay Isaias hanggang Daniel.
(5) Ang Minor Prophets ay ang mga huling labin-dalawang aklat ng Lumang Tipan.
[1]Ang “Aklat ng Labindalawa” ay naglalaman ng labin-dalawang Minor Prophets sa English Bible.
[2]Sa Lumang Tipan, kinikilala ng mga Kristiyano ang parehong kinasihang mga aklat tulad ng Jewish Hebrew Bible. Hinahati-hati lamang natin ang mga ito sa iba’t-ibang kategorya.
Inspirasyon
Isinulat ni Pablo na ang lahat ng Banal na Kasulatan ay “Kinasihan/Hiningahan ng Dios”; Ito ay “ibinigay mula sa inspirasyon ng Dios.”[1] Ang talatang ito ay nagtuturo na ang Dios ay ang may-akda ng lahat ng Kasulatan. Ang doktrina ng banal na inspirasyon ay nangangahulugan na hiningahan ng Dios ang kanyang mga salita sa mga isip ng taong manunulat, at sila ay sumulat habang binibigyan sila ng inspirasyon ng Dios.
Ang Banal na inspirasyon ay higit pa kaysa sa inspirasyong tinatanggap ng isang artist o isang kompositor kapag sila ay gumagawa ng obramaestra ng sining o musika. Ang inspirasyon na tinutukoy ng Biblia ay nangangahulugang nagsalita ang Dios sa pamamagitan ng bokabolaryo at pamamaraan ng isang taong manunulat. Higit pa sa pagbibigay inspirasyon sa kaisipan ng may akda, ang salita mismo ang kinasihan/hiningahan ng Dios.
Kinasihan ng Dios ang mga salita ng Kasulatan sa iba’t-ibang paraan at iba’t-ibang panahon. Kung minsan, nagsasalita ang Dios sa paraang naririnig, na idinidikta ang mga salita ng Kasulatan.[2] May mga pagkakataong nagsalita ang Dios sa pamamagitan ng mga panaginip at pangitain.[3] Sa maraming pagkakataon, hindi sinasabi sa atin ng Biblia kung paano nagbigay inspirasyon ang Dios sa manunulat. Isinulat ni Pedro na ang isang Biblical na manunulat ay “tinatangay” ng Banal na Espiritu.[4] Ang mga salita ng Banal na Kasulatan ay mapagkakatiwalaan dahil ang Dios mismo ay mapagkakatiwalaan.
Ang Ebanghelikong doktrina ng pagkasi/inspirasyon ay nagtuturo na ang Dios ay nagsalita sa pamamagitan ng personalidad ng taong manunulat, ngunit ginagabayan niya ito sa proseso upang ang bawat salita na sasabihin nila ay ang salita ng Dios. Dahil ito ay Salita ng Dios, ang Biblia ay walang pagkakamali (walang mali) at hindi maaaring magkamali (hindi maaaring mabigo). Ang bawat pahayag (kapwa/parehong doktrina at kasaysayan) ay walang mali sa orihinal na manuskrito ng Banal na Kasulatan.[5]
[5]Para sa karagdagan sa paksang ito, tingnan ang aklat na I Believe na nakalista sa “Digging Deeper” na seksyon ng kabanata. Dagdag pa rito, isang leksiyon sa inspirasyon ang kasama sa kursong “Mga Paniniwalang Kristiyano” ng Shepherds Global Classroom.
Integridad ng Teksto
Ilan sa mga nagdududa ang nangangatwiran na, kahit na ang orihinal na manuskrito ay totoo, hindi natin mapagkakatiwalaan ang tekstong tinanggap natin. Ang kanilang inaargumento ay may nangyaring pagkakamali habang kinokopya ang Banal na Kasulatan. Ipinipilit ng mga kritikong ito na kahit na ang orihinal na teksto ay kinasihan, wala tayong paraan upang malaman na ang Biblia na meron tayo ngayon ay eksakto sa orihinal na manuskrito.
Maaari ba nating pagkatiwalaan ang integridad ng teksto ng ating Biblia? Ang sagot ay “Oo!” Totoo na ang mga aklat ng Lumang Tipan ay naipasa/naipamana sa paraan ng sulat-kamay, at totoo na maaaring may pagkakamaling nangyari habang kinokopya ang manuskrito gamit ang kamay. Gayunpaman, dahil ito ay Salita ng Dios, ang mga taga-kopya ay lubos ang pag-iingat sa kanilang ginagawa.
Sa orihinal, ang mga saserdote/pari ang may responsibilidad sa pagkopya sa mga teksto ng Biblia. Simula noong 500 B.C., ang mga eskriba ang kumopya sa mga teksto. Ang mga Escriba (isang titulo na ang kahulugan ay “bumibilang/sumusuri”) ay binigyan ng ganitong pangalan dahil binibilang nila ang lahat ng mga letra sa Torah bilang paraan upang masuri ang pagiging tumpak ng teksto. Ang isang Escriba ay hindi maaaring kumopya ng kahit isang letra mula sa memorya; ang bawat letra ay kailangang masuri mula sa naunang kopya. Ang pamantayan sa pagkopya ay napakaistrikto dahil iginagalang ng eskriba ang Banal na Kasulatan bilang Salita ng Dios.
Ang Dead Sea Scrolls
[1]Noong 1947, isang grupo ng mga ancient scrolls/sinaunang balumbon ang natagpuan malapit sa Dead Sea/Dagat na Patay. Naglalaman ito ng mga kopya ng Lumang Tipan na isinulat sa pagitan ng 250 B.C. at A.D. 135. Dahil ang mga ito ay tinatayang 1,000 taong mas matanda kaysa sa mga huling matatagpuang kopya, ang Dead Sea Scrolls ay mahalaga sa pagsusuri ng pagkawasto/accuracy ng mga mas bagong kopya. Bahagi ng bawat aklat ng Lumang Tipan ay kasama sa mga scrolls na ito maliban sa Esther.
Sa pagkukumpara sa Dead Sea Scrolls at sa mga mga bagong kopya, natuklasan ng mga iskolar ang pambihirang pagkakapareho/ccuracy. Halimbawa, ang Isaias Scroll ay 1,200 taong mas matanda kaysa sa alinmang huling kopya. Mahigit sa siyamnapu’t limang porsyento ng teksto ay kaparehas ng mga huling kopya. Ang mga maliit na bilang ng pagkakaiba ay pangunahing pagbabago sa pagbaybay at mga halatang pagkakamali ng mga tagasulat/tagakopya. Walang nabago na maaaring maging dahilan upang magkaroon ng pagkakaiba sa doktrina.
Isaias 53 sa Dead Sea Scrolls
Ang Isaias 53 ay nagpapakita ng accuracy ng teksto ng Lumang Tipan. Ang Isaias 53 ay naglalaman ng 166 na mga salitang Hebreo. Mayroong labimpitong magkakaibang letra sa Dead Sea Scrolls. Ito ay ang mga sumusunod:
Sampung letra ang mga magkakaiba ang pagbaybay – mga salitang nagbago ang baybay sa loob ng 1,200 na taon
Apat na letra ang may pagkakaiba sa estilo – iba-ibang paraan ng pagpapahayag ng teksto
Tatlong letra na salitang idinagdag (“liwanag”) upang bigyang linaw ang kahulugan sa talata/bersikulo 11: “Mula sa hinagpis ng kanyang kaluluwa siya ay makakikita (ng liwanag) at siya ay masisiyahan.”[2]
Walang biblical na katuruan ang naaapektuhan ng pagbabago. Pinatnubayan ng Dios ang 1,200 taon ng pagkasalin/pagkopya ng Lumang Tipan sa pamamagitan ng kamay upang mapanatili ang kanyang Salita para sa kanyang mga mamamayan.
[1]Garry K. Brantley, “The Dead Sea Scrolls and Biblical Integrity.” Ay matatagpuan sa http://www.apologeticspress.org.
Pagpapakilala/Orientation sa Mundo ng Lumang Tipan
Bahagi ng hirap sa pagbasa ng Lumang Tipan ay ang malawak na saklaw ng mga lugar at mga petsa. Dalawang ilustrasyon ang makapagbibigay sa iyo ng isang pangkalahatang-pagtanaw sa mundo ng Lumang Tipan. Itago ninyo ang mga ito upang magamit bilang reperensiya sa iyong pag-aaral ng ibang leksiyon sa kursong ito.
Konklusyon: Ang Lumang Tipan at ang Kristiyano
Oo, ang Lumang Tipan ay maaaring maging mahirap maunawaan:
Ang Lumang Tipan ay kumakatawan sa kulturang higit na kakaiba kaysa sa ating mundo.
Ang Lumang Tipan ay sumasaklaw sa mahabang panahon (hindi kukulangin sa isang libong taon ).
Nakapaloob sa Lumang Tipan ang apat na pangunahing imperyo (Ehipto, Asiria, Babilonia, Persia).
Binanggit sa Lumang Tipan ang mahigit sa 3,000 na pangalan ng mga lugar at mga tao.
[1]Ang Lumang Tipan ay maaaring mahirap unawain, ngunit ito ay Salita ng Dios para sa mamamayan ng Dios. Si Jesus ay nangaral mula sa Lumang Tipan. Ipinaalala niya sa mga nagdududa sa kanya na ang Banal na Kasulatan ay “nagpapatunay/nagpapatotoo sa akin.”[2]
Ang Lumang Tipan ay nakita ng unang iglesiya bilang Salita ng Dios. Ang Deuteronomio ay binanggit nang mahigit sa walumpung ulit sa Bagong Tipan. Ipinangaral ng unang iglesiya na ang buhay at ministeryo ng buhay ni Jesu-Cristo ang katuparan ng Lumang Tipan.
Ang Lumang Tipan ay patuloy na nangungusap sa panahon natin ngayon.
Mula sa Lumang Tipan, natutunan natin ang kadakilaan at kabanalan ng Dios.
Mula sa Lumang Tipan, natutunan natin ang tungkol sa kasalanan ng tao at ang pangangailangan ng isang tagapagligtas.
Mula sa Lumang Tipan, natutunan natin ang tungkol sa plano ng Dios na lumikha ng mga taong banal na ibinukod bilang kanyang espesyal na pag-aari.
Ang Lumang Tipan ay Salita ng Dios para sa mamamayan ng Dios sa lahat ng panahon.
[1]Ang Luma at Bagong Tipan ay itinuturing na
-Isang aklat
-ng nag iisang Dios
-kinasihan ng nag-iisang Espiritu
-Nagpapatotoo sa nag-iisang Anak.
Paraphrased mula kay
Geoffrey Bromiley
[2]Juan 5:39. Sa pagsasalita tungkol sa “ang Banal na Kasulatan,” ang tinutukoy ni Jesus ay ang Kasulatan ng Lumang Tipan.
Takdang Aralin ng Leksiyon
Kuhanin ang pagsusulit sa leksiyong ito. Kabilang sa pagsusulit na ito ang pagsasa-ulo sa itinalagang Talata sa Banal na Kasulatan.
Leksiyon 1 Mga Katanungan sa Pagsusulit
(1) Ano ang kahulugan ng salitang “canon” kapag tumutukoy sa Biblia?
(2) Maglista ng tatlong pamantayang ginamit sa pagtatatag/pagbuo ng canon ng Lumang Tipan.
(3) Ilista ang tatlong dibisyon ng Hebreong Biblia.
(4) Ilista ang limang dibisyon ng Lumang Tipan ng Kristiyano.
(5) Ano ang kahulugan ng terminong “banal na pagkasi”?
(6) Ano ang kahulugan ng terminong “walang mali” at “hindi maaaring magkamali”?
(7) Paano naipakita ng Dead Sea Scrolls ang integridad ng teksto ng Lumang Tipan?
(8) Maglista ng tatlong paraan kung paano nangungusap ang Lumang Tipan sa panahon natin ngayon.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.