► Ano ang ibig sabihin ng “paniniwala?” Paano makakaapekto tunay na paniniwala an gating mga buhay?
“Sapagkat gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya’t ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi m agkaroon ng buhay na walang hanggan.Dahil hindi isinugo ng Diyos ang kanyang Anak sa mundo upang hatulan ang mundo; kundi upang sa pamamagitan niya ay maligtas ang mundo. Ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi na hahatulan; subali’t ang sinumang hindi sumasampalataya ay nahatulan na, dahil hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Diyos.”[1]
Ang mga ito ay ilan sa mga pinakapamilyar na salita sa Kasulatan. Nangangako ito na sinumang sumampalataya kay Hesus ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ito rin ang ilan sa pinakamadalas na Kasulatan na ginagamit nang mali. “Sumampalataya lamang” ay madalas binibigyan ng maling kahulugan na ang pagpapahayag ng pananampalataya ang tanging kailangan; ang pagbabalik loob ay hindi nangangailangan ng pagbabago sa buhay. Ipinapakita ni Juan na ang pananampalataya ay mas higit pa sa pagsang-ayon lamang ng pag-iisip. Ang mga salitang “Ako’y sumasampalataya”, na binibigkas mula sa puso, ay babago sa iyong buhay. Ang tunay na pananampalataya ay naghahatid ng pagbabago sa kalooban ng isang tao at pagbabago rin sa kanyang pag-uugali.
Si Juan, na anak ni Zebedeo, ang sumulat ng ikaapat na Ebanghelyo. Sina Ignatius ng Antioch, Justin Martyr, Policarp, at Ireneus ay lahat ay nagpapatotoo na si Juan ang siyang sumulat nito.
Si Juan, kasama ang kanyang kapatid na si Santiago at si Simon Pedro, ay bahagi ng “Mas Malalim na sirkulo” o “Inner Circle” ni Hesus. Sila lamang ang mga disipulo sa loob ng silid nang muling buhayin ni Hesus ang patay na batang babae.[1] Sila ay kasama ni Hesus sa Bundok ng Pagbabagong-Anyo at sa Garden ng Getsemane.[2]
Si Juan ay isang maimpluwensiyang tagapanguna sa iglesya. Tanging si Pablo ang sumulat ng mas maraming aklat sa Bagong Tipan kaysa kay Juan. Isinulat ni Juan ang Ebanghelyo ni Juan, tatlong Liham, at ang Pahayag.
Ayon sa tradisyon, nanirahan si Juan sa Efeso. Sa panahon ng pamumuno ni Domitian, si Juan ay nakabilanggo sa Patmos, kung saan niya isinulat ang Aklat ng Pahayag. Pagkatapos, bumalik siya sa Efeso at doon namatay sa edad na halos 100 taon. Marahil ang Ebanghelyo ni Juan ay isinulat sa Efeso. Karaniwan ito ay may petsang A.D. 85-95, ang huli sa mga ebanghelyo.
Layunin
Ang Ebanghelyo ni Juan ay kapansin-pansing naiiba kaysa sa mga sinoptikong ebenghelyo. Ang Juan ay hindi naglalaman ng mga kwento nang si Hesus ay nagpapalayas ng masamang espiritu; wala itong mga talinhaga; at, hindi katulad ng Marcos, wala itong “sikreto ng Mesiyas.”
Bagaman maraming manunulat ang nakapansin na sa pagkakaiba ng Juan at ng mga synoptic gospels, mahalaga rin na makita natin ang mga pagkakatulad nila. Hindi nagtuturo si Juan ng ibang ebanghelyo sa iba pang apostol. Nagpapahayag siya ng ibang pananaw sa buhay ni Hesus, subali’t ang kanyang mensahe ay katulad lang din ng ibang Ebanghelista. Ipinakikita ni Juan na si Hesus ang Anak ng Diyoss na namuhay nang kasama natin, ipinako sa krus dahil sa kasalanan natin, at muling nabuhay mula sa mga patay pagkatapos ng ikatlong araw. Ang ipinahayag na layunin ni Juan ay itala ang mga ebidensiya ng pagiging Diyos ni Hesus.
Mayroong dalawang unang heresiya na nakaugnay kay Hesus. Ang isa ay itinatanggi ang kanyang lubusang pagiging tao, na nagsasabing si Hesus ay nagpakita lamang bilang isang tao. Nagsalita si Lucas tungkol sa kamaliang ito sa kanyang paglalarawan kay Hesus bilang lubos na tao. Ang isa pang heresiya ay itinatanggi ang kanyang pagiging Diyos, na nagsasabing siya ay isang dakilang tagapagturo subali’t hindi ang Anak ng Diyos. Nagbigay si Juan ng espesyal na atensiyon sa pagiging Diyos ni Hesus sa pamamagitan ng serye ng mga himala na nagpapahayag sa kanya bilang ang Anak ng Diyos at sa pamamagitan ng mga pangungusap na nagpapakita sa kanya bilang ang Salita na nagkatawang-tao. Ang layunin ng Juan ay “upang kayo ay maniwala na si Hesus ang Kristo, ang Anak ng Diyos; at sa inyong painiwala ay magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan ng kanyang pangalan.”[3]
Sa paghahayag na si Hesus, ang Hari sa tagapakinig na Hudyo, tinunton ni Mateo ang salinlahi ni Hesus kay David hanggang kay Abraham. Sa paghahayag na si Hesus, ang Lingkod sa tagapakinig na Romano, walang inilagay na salinlahi si Marcos. Sa paghahayag na si Hesus ang Anak ng Tao sa tagapakinig na Griego, tinunton ni Lucas ang salinlahi kay Adan, ang unang tao. Sa paghahayag na si Hesus ang Anak ng Diyos, nagsimula si Juan sa isang matatawag nating “makaDiyos na salinlahi.” “Sa pasimula ay ang Salita, at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. At ito rin sa pasimula ay nasa Diyos. Ang lahat ng bagay ay nalikha sa pamamagitan niya; at kung wala siya, walang anumang bagay ang nalikha.”[1]
Ang ebanghelyo ni Juan ay nagsimula sa dramatikong pag-angkin na si Hesus ay “Ang Salita” at “ang Salita ay Diyos.” Isinulat niya. “ang Salita ay nagkatawang-tao, at nanirahan kasama natin, (at nakita namin ang kanyang kaluwalhatian, ang kaluwalhatian bilang bugtong na anak ng Ama) puspos ng biyaya at katotohanan.”[2] Ang kabuuan ng ebanghelyo ay maghahayag ng patunay bilang suporta sa inaangkin nito.
Ang Aklat ng mga Tanda (Juan 1-12)
►Paano ipinapakita ng bawat himala sa Juan ang pagiging Diyos ni Hesus?
Ang unang kalahati ng Juan ay madalas na tinatawag na “ang Aklat ng mga Tanda.” Sa bahaging ito, itinatala ni Juan ang pitong himala na nagpapakita ng dakilang kapangyarihan ni Hesus. Nang gawin niyang alak ang tubig sa kasalan sa Cana, ipinahayag ni Hesus ang kanyang sarili sa kanyang mga disipulo. “Ito, ang una sa kanyang mga tanda, ginawa ni Hesus sa Cana sa Galilea, at ipinakita ang kanyang kaluwalhatian. At sumampalataya sa kanya ang kanyang mga disipulo.”[3]
Ang himala sa Cana ang una sa isang serye ng pitong mahimalang tanda sa Juan 1-12. Ang anim na iba pang tanda ay:
Pagpapagaling sa anak na lalaki ng opisyal sa Capernaum (4:46-54)
Pagpapagaling sa lalaking ipinanganak na bulag (9:1-7)
Muling binuhay si Lazarus (11:1-45)
Ang bawat himala ay nagpakita kay Hesus bilang ang Anak ng Diyos. Ginagamit ni Juan ang salitang “tanda” upang ilarawan ang mga himala ni Hesus. Ang mga himala ay mga tanda na tumutukoy kay Hesus bilang ang Anak ng Diyos.[5] Kung paanong sinusundan natin ang mga tanda upang hanapin ang daan o paliparan, hinihiling ni Juan sa atin na sundin ang mga tanda ng mga himala ni Hesus upang makita ang kanyang pagiging Diyos.[6] Ang huling himala ni Hesus, ang pagbuhay kay Lazarus ay sa Juan lamang nakatala at ang rurok ng unang kalahati ng Ebanghelyo. Ang himalang ito ang direktang naging daan ng pangwakas na komprontasyon sa pagitan ni Hesus at ng mga lider na pangrelihiyon. Dahil maraming Hudyo ang bumabaling kay Hesus bilang resulta ng hindi maikakailang himalang ito, ipinasiya ng mga lider na patayin kapwa sina Hesus at Lazarus.[7]
Dagdag pa sa pitong himala, itinala ni Juan ang isang serye ng mga pangungusap ni Hesus na nagpapatotoo sa kanyang pagka-Diyos. Sa mga pagkakataon na binabanggit ni Marcos ang mga okasyon na ipinagbabawal ni Hesus sa kanyang mga disipulo na magpatotoo na siya ang Mesiyas, si Juan ay nagtala ng mga pagkakataon na ipinahahayag ni Hesus ang kanyang kalikasan sa iba. Kabilang sa mga patotoong naitala ni Juan ang:
Ang patotoo ni Hesus kay Nicodemo (3:1-21)
Ang patotoo ni Hesus sa babaeng Samaritana (4:1-41)[8]
Ang patotoo ni Hesus pagkatapos pagalingin ang lalaki sa Bethesda (5:17-18)
Ang patotoo ni Hesus pagkatapos pakainin ang 5000 (6:24-59)
Ang patotoo ni Hesus sa Pista ng mga Tabernakulo (7:14-44)
Ang patotoo ni Hesus na “Bago pa si Abraham, Ako’y ako na” (8:52-59).
Ang patotoo ni Hesus sa Pista ng Pagtatalaga (10:22-38)
Sa mga nakaraang ilang taon, may mga taong mapangduda na nagsabing hindi naman inangkin ni Hesus na siya ay Diyos. Ipinakita ni Juan na Pabloit-ulit na pinatotohanan ni Hesus ang kanyang pagiging Diyos. Malinaw na naunawaan ng mga tagapakinig ni Hesus ang kahulugan ng sabihin niyang “Bago pa isinilang si Abrahm, Ako’y ako na.”[9] Ito ang mga salitang ginamit ng Diyos upang ipakilala ang kaniyang sarili kay Moses, “Ako’y si Ako Nga”.[10] Naunawaan ng mga nakarinig kay Hesus ang kanyang ibig sabihin; sinikap nila siyang batuhin, ang parusa sa paglapastangan sa Diyos.[11] Hindi nila sinikap na patayin si Hesus dahil siya ay isang dakilang guro at manggagamot; sinikap nila siyang patayin dahil inangkin niya na siya ay Diyos. Maaari nating tanggihan ang inaangkin ni Hesus na siya ay Diyos; nguni’t hindi natin maitatanggi na totoong inangkin niya iyon.[12]
Ang Aklat ng Kaluwalhatian (Juan 13-20)
Nakikita natin kay Hesus “ang kaluwalhatian ng tanging anak ng Ama, puspos ng biyaya at katotohanan.”[13] Sa panahon ng huling lingo ng ministeryo ni Hesus sa mundo, nahayag ang kanyang kaluwalhatian sa ibang paraan na hindi inaasahan ng kanyang mga disipulo. Iniisip ng mga disipulo ni Hesus na ang kanyang kaluwalhatian ay tagumpay na pangmilitar, kapangyarihang pampulitika, at popular na ministeryo sa publiko. Sa halip, ipinakita ni Hesus na ang kanyang kaluwalhatian ay kalakip ng isang krus at pagsasakripisyo ng sarili.
Sa Huling Hapunan, ipinakita ni Hesus ang kababaang-loob kung paano ang kanyang mga tagasunod ay dapat maglingkod sa isa’t-isa.[14] Sa kanyang mga huling mga pangangaral, itinuro ni Hesus ang tungkol sa isang Mang-aaliw na “sasainyo sa habangpanahon.”[15] Gamit ang paglalarawan ng isang puno ng ubas at mga sanga, itinuro niya ang pangangailangan na manatili sa kanya; “kung ang sinuman ay hindi mananatili sa akin, siya ay puputulin tulad ng isang sanga, at siya ay malalanta….”[16] Ang mga halimbawang ito ay kasalungat ng pampulitika at pangmilitar na kapangyarihan; sa halip, ang landas ni Hesus ay pagsusuko ng sarili at kababaang-loob.
Sa “Panalangin ng Punong Saserdote” ni Hesus, ipinanalangin niya ang mga usaping malapit sa kanyang puso. Sa pagharap sa krus, nanalangin si Hesus
Para sa kanyang sarili:na siya ay maluwalhati sa pamamagitan ng Ama. (17:1-8)
Para sa mga disipulo: upang sila ay maingat at pagpapaging-banal. (17:9-19)
Para sa lahat ng mananampalataya: upang ang kanilang pagkakaisa ang siya’y magpatotoo sa mundo. (17:20-26)
Itinala ni Juan ang pagdakip, paglilitis, pagpapako sa krus at muling pagkabuhay ni Hesus. Sa simula ng Juan, sinabi ni Hesus kay Nicodemus na, “kung paanong itinaas ni Moses ang ahas sa ilang, gayundin naman, ang Anak ng Tao ay itataas upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”[17] Makalipas iyon, sinabi ni Hesus kung paano siya mamamatay; “At kung ako’y maitaas na, ilalapit ko sa akin ang lahat ng tao.”[18] Doon sa krus, ang Anak ng tao ay “itinaas” upang “ilapit ang lahat ng tao” sa kanyang sarili upang sila “ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Ito ang layunin na siyang direksiyon ng buong buhay ni Hesus. Ito ang kaluwalhatiang dahilan ng kanyang pagparito sa mundo.
Tinapos ni Juan ang bahaging ito sa isang testimonya ni Tomas tungkol sa muling pagkabuhay, “Aking Panginoon at aking Diyos.”[19] Ang nakakapagpabagong kapangyarihan ng muling pagkabuhay ni Hesus ay maaaring makita sa buhay ni Tomas pagkalipas noon; namatay siyang isang martir habang nag-eebanghelyo sa India.
Pang-wakas (Juan 21)
Ang huling kabanata ng Juan ay nag-uulat ng pagpapakita ni Hesus matapos siyang muling mabuhay sa isang grupo ng mga disipulo sa Dagat ng Galilea.[20] Tinapos ni Juan ang kanyang Ebanghelyo sa pagpapatunay sa katotohanan ng kanyang mga ipinahayag; “Ito nga ang disipulo na nagpapatotoo sa mga bagay na ito, at siya ring sumulat sa mga bagay na ito: at alam naming tunay ang kanyang patotoo.”[21]
[4] Ito ang tanging himala na binanggit sa lahat ng apat na ebanghelyo.
[5] Ang himala ay higit pa sa isang pangyayari na hindi natin maipaliwanag. Ang himala ay may kalakip na “supernatural na panghihimasok sa kalikasan o sa takbo ng mga pangyayari. Sa kasaysayan ng iglesya ang mga himala ay nakikita hindi lamang bilang hindi pangkaraniwang pagpapahayag ng biyaya ng Diyos, kundi ang Diyos mismo ang nagpapatunay sa tao o sa mga itinuturo ng taong gumagawa ng himala.” Ito ang dahilan kaya ginagamit ni Juan ang salitang “tanda” upang ilarawan ang mga himala ni Hesus.
- Kahulugan mula sa Sinclair R. Ferguson and J.I. Packer, New Dictionary of Theology, 1988
[12] “…Madalas sinasabi ng tao: ‘nakahanda akong tanggapin si Hesus bilang isang dakilang gurong moral, subali’t hindi ko tinatanggap ang Kanyang inaangkin na Siya ay Diyos.’ Iyon ang isang bagay na hindi natin dapat sabihin. Ang isang taong nagsasalita ng mga sinabi ni Hesus ay hindi magiging isang dakilang gurong moral. Siya ay maaaring isang baliw o kaya’y siya ang demonyo ngImpiyerno. Kailangan mong pumili… Maaari mo siyang patigilin bilang isang hangal, maaari mong … patayin Siya bilang isang demonyo; o maaari kang magpatirapa sa Kanyang paanan at tawagin siyang Panginoon at Diyos. Subali’t huwag tayong lumapit na may anumang walang kabuluhang pagtataguyod tungkol sa kaniyang pagiging isang dakilang guro.Hindi niya iyon iniwan sa atin bilang pagpipilian.”
- C.S. Lewis,Mere Christianity
Sa mga bagong mananampalataya, ipinapahayag ni Juan ang maka-Diyos na kalikasan ni Hesus. Dahil sa malinaw at simpleng pagpapakilala kay Hesus, madalas na hinihikayat ng mga pastor ang mga bagong mananampalataya na basahin ang Ebanghelyo ni Juan. Sa Juan, nakikita natin si Hesus bilang ang “tinapay ng buhay” (6:35); ang “ilaw ng sanlibutan (8:12); ang “mabuting pastol” (10:11); ang “muling pagkabuhay at ang buhay” (11:25); at ang “daan, ang katotohanan at ang buhay (14:6)
Para sa mundong hindi madaling maniwala, nag-aalok si Juan ng larawan ni Hesus bilang ang Anak ng Diyos. Ang mga himala sa Juan ay nagsasalita sa mga taong naghahanap ng makapangyarihang mga tanda upang patotohanan ang pag-angkin ni Hesus na siya ay Diyos. Sa pamamagitan ng mga himala, ipinahayag ni Hesus na ang kanyang pag-angkin sa pagiging “AKO NGA” ay sinusuportahan ng kanyang kapangyarihan bilang Diyos.[1]
Sa isang makabagong iglesya na nangangaral ng “mumurahing biyaya” nang walang pagtawag para sa tunay na pagdidisipulo,[2] ang Ebanghelyo ni Juan ay nagpapakita ng tunay na kahulugan ng pananampalataya. Ang tunay na pananampalataya ay bumabago sa buhay ng Cristiano. Matapos nilang marinig na ipinaliwanag ni Hesus ang kahulugan ng “tinapay ng buhay”, “marami ang tumalikod at hindi na sumunod sa kanya.”[3] Maaaring sabihin ng mga tagasunod na ito na sila’y “naniwala” kay Hesus. Sumunod sila sa kanya; nasiyahan sila sa tinapay at isda; subali’t hindi sila tunay na sumampalataya. Hindi nila isinabuhay ang pananampalatayang ipinahahayag nila sa pamamagitan ng patuloy na pagsunod sa mga kahilingan ni Hesus. Ang Ebanghelyo ni Juan ay nagtuturo ng tunay na kahulugan ng tunay na pananampalataya.[4]
[4] “’Ang sinumang sumusunod sa Akin ay hindi lumalakad sa kadiliman,’ sabi ng Panginoon. Sa mga salitang ito tayo ay pinapayuhang gayahin ang Kanyang buhay at mga kaugalian, kung nais nating tunay na maging malaya sa lahat ng kabulagan ng puso. Gawin natin , samakatuwid, na ang ating pinakamabuting gawain ay pag-aralan ang buhay ni Hesu-Kristo.”
- Thomas a KempisThe Imitation of Christ
Konklusyon
Ipinapakita ng Ebanghelyo ni Juan na ang tunay na pananampalataya ay bumabago sa buhay ng mananampalataya; maaaring maging kapalit nito ang buhay ng mananampalataya. Ipinaghambing ni Dietrich Bonhoeffer ang mumurahing biyaya sa “mamahaling biyaya”. Isinulta niya, “Kapag tinatawag ni Kristo ang isang tao, tinatawag niya itong lumapit at mamatay.”[1] Ang klaseng ito ng tunay na pananampalataya ay nakikita sa buhay ni Polycarp, ang martir ng ikalawang siglo.
Si Polycarp ay disipulo ni Apostol Juan. Narinig na niyang mangaral si Juan at narinig na niya ang mga inaalala ni Juan tungkol sa buhay ni Hesus. Sa edad na 86, inaresto si Polycarp. Hindi gusto ng mga opisyal na bitayin ang isang iginagalang na matandang lalaki kaya’t inalok nila siya na iligtas ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagbawi sa pahayag(ng pananampalataya) at pagpapahayag na “si Caesar ang panginoon.” Sinabi ng mahistrado “Mangako ka ng katapatan, at palalayain kita.” Ang tugon ni Polycarp ay umaalingawngaw pa sa mga siglong lumipas bilang saksi sa tunay na kahulugan ng pananampalataya: “Walumpu’t anim na taon na ako’y naging alipin niya, at wala Siyang ginawang mali sa akin. Paano ko ngayon lalapastanganin ang aking Hari na nagligtas sa akin?”[2] Natutuhan ni Polycarp ang mga araling itinuro ng kanyang gurong si Juan. Alam niya na ang tunay na pananampalataya ay bumabago sa isang mananampalataya, kahit hanggang sa punto ng kamatayan.
[1] Dietrich Bonhoeffer, The Cost of Discipleship. Trans. R.H. Fuller. Touchstone, 1995, 89.
[2] Ang kuwento ng pagiging martir ni Polycarp ay matatagpuan sa http://www.ccel.org/ccel/richardson/fathers.vii.i.iii.html.
Mga Takdang-Aralin ng Aralin
Ilarawan ang iyong pagkaunawa sa araling ito sa mga sumusunod na takdang-aralin:
(1) Sa iyong pagbasa ng Ebanghelyo ni Juan, gumawa ng isang debosyunal na talaarawan o “devotional journal” kung saan tumutugon ka sa pagpapakilala ni Hesus na nakikita sa bawat kabanata. Halimbawa, sa Kabanata 1, maaari kang tumugon sa pagpapakilala kay Hesus bilang ang walang-hanggang “Salita”. Ano ang kahulugan noon sa iyo bilang isang Kristiyano? Paano nakakaapekto ang walang hanggang kalikasan ni Hesus sa iyong pananampalataya at pagtitiwala bilang kanyang anak?
(2) Kumuha ng pagsusulit batay sa materyal mula sa araling ito. Kabilang sa pagsusulit ang Kasulatan na nakatakdang isaulo.
Mga Tanong sa Pagsusulit sa Aralin 3
(1) Bakit partikular na mahalaga ang patotoo ni Polycarp na nagsasabing si Juan ang sumulat?
(2) Ano ang layunin ni Juan para sa kanyang ebanghelyo?
(3) Paano nakikita ang layunin ni Juan sa materyal na kalakip sa kanyang ebanghelyo?
(4) Ano ang ipinapakita ng panimula ng Juan tungkol sa salinlahi ni Hesus?
(5) Ilista ang pitong “tanda” sa Juan.
(6) Magbigay ng tatlong halimbawa ng patotoo ni Hesus tungkol sa kanyang pagiging Diyos.
(7) Ano ang tugon ng mga lider na Hudyo sa pag-angkin ni Hesus na siya ay Diyos?
(8) Sa “Panalangin ng Punong-Saserdote” ni Hesus, ano ang tatlong bagay na kanyang ipinanalangin?
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.