Walang ibang aklat sa Bibliya ang nagkaroon ng higit na epekto sa iglesya kaysa sa Sulat ni Pablo sa mga taga-Roma. Tatlong malalaking pagbabalik-loob ang nagsimula sa pag-aaral ng Roma.
Sa madidilim na araw sa paligid ng pagbagsak ng Imperyong Romano, isang pagbabalik-loob sa iglesyang Kristiyano ang pinangunahan ni Augustine. Sinasabi ni Augustine na ang kanyang paglaya mula sa pagkaalipin sa kasalanan ay dahil sa kanyang pagbabasa ng Roma. Itinuro ng Roma kay Augustine ang kapangyarihan ng Diyos na magpapalaya mula sa kasalanan.
Sa panahon na inalipin ng Katolisismong Romano ang iglesya sa mga ritwal at huwad na doktrina, natutuhan ni Martin Luther mula sa Roma 1:17 na “ang katarungan ng Diyos ay ang katuwiran kung saan sa pamamagitan ng biyaya at simpleng awa ng Diyos ay pinawawalang-sala tayo sa pamamagitan ng pananampalataya…” Ang talatang ito para kay Pablo ang “naging pasukan patungo sa langit”.[1] Itinuro ng Roma kay Martin Luther ang kapangyarihan ng Diyos upang mapawalang-sala tayo sa pamamagitan ng pananampalataya.[2]
Sa ika-18 siglo sa Ingglatera, ang ilang mga bagong nagpapahayag na sila’y Kristiyano ay naniniwalang posibleng magkaroon ng personal na katiyakan para sa kaligtasan. Nagkaroon si John Wesley ng katiyakan ng pananampalataya sa pamamagitan ng kanyang pag-aaral ng Roma at nagsimula ng isang pagbabalik-loob na nakaapekto sa mundo hanggang sa ating panahon. Itinuro ng Roma kay John Wesley ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan.
[1] Hinalawsa Here I Stand: A Life of Martin Luther. Quoted in Roland H. Bainton, Here I Stand: A Life of Martin Luther. (Nashville, Abingdon Press, 1950), 49-50.
[2] “Ang [Roma] ang pinakadalisay na ebanghelyo. Kapaki-pakinabang para sa isang Kristiyano hindi lamang ang isaulo ang bawat salita nito, kundi iukol ang sarili dito araw-araw, tulad ng ito ang tinapay na pang-araw-araw para sa kaluluwa. Imposibleng basahin ito o pagbulayan ito nang sobra-sobra. Mas higit na pinag-aaralan ito ninuman, mas nagiging mahalaga ito at nagiging mas masarap ito.”- Martin Luther, Paunang-salita sa Roma
Ang Background ng Roma
Panahon
Ang Roma ay isinulat sa panahon ng ikatlong paglalakbay pangmisyon ni Pablo, mga A. D, 57. Marahil nasa Corinto si Pablo. Bagaman hindi pa nakakadalaw si Pablo sa Roma, ang pangwakas ng sulat ay nagpapakita na kilala ni Pablo ang marami sa mga miyembro ng iglesya sa Roma. Ninanais niyang makadalaw sa Roma, subali’t maglalakbay muna siya sa Jerusalem upang maghatid ng kaloob na tulong na ibinigay ng mga iglesyasa Asia Minor.[1] Habang nasa Jerusalem, dinakip si Pablo at dinala sa Roma bilang isang bilanggo.
Mga Layunin
Layunin ng pagsulat ni Pablo ng kanyang Liham sa mga taga-Roma ang tatlong motibasyon: mga napapanahon at kasalukuyang usapin kaugnaysa iglesyasa Roma, isang personal na pagmamalasakit kaugnay sa ministeryo sa hinaharap ni Pablo, at isang pangwakas na layunin na ituro kung paano tayo nagiging matuwid sa Diyos.
(1) Ang agarang layunin ay harapin ang mga kinakaharap ng iglesya na kinabibilangan kapwa ng mga Hudyo at Hentil na Kristiyano. Ang iglesya sa Roma ay itinatag ng mga Hudyo, marahil ang mga nagbalik-loob ay bumalik mula sa Jerusalem pagkatapos ng Pentecostes. Taong A.D. 49, pinalayas ng emperador na si Claudio ang mga Hudyo mula sa Roma.[2] Nang bumalik ang mga Hudyo sa Roma ilang taon pa ang lumipas, ang simbahan ay binubuo ng dalawang grupo: Mga Kristiyanong Hudyo na sinusunod ang batas ni Moses at Hentil na Kristiyano na nasanay na mamuhay nang walang paghihigpit mula sa Batas ni Moses. Tinugunan ni Pablo ang mga tanong na kaugnay sa isang iglesiya na binubuo ng mga Hudyo at Hentil:
Ang kaligtasan ba ay nanggagaling sa pagsunod sa kautusan?
Ano ang kinabukasan ng Israel bilang bayan ng Diyos?
Paano haharapin ng mga Kristiyano ang magkakaibang paniniwala sa mga usapin tulad ng mga batas sa pagkain?
(2) Ang dulo ng Roma ay nagpapakita ng personal na motibasyon ni Pablo sa pagsulat. Bilang isang lalong nagiging mahalagang bahagi ng imperyong Romano, ang Espanya ay naging angkop sa pagnanasa ni Pablo sa pag-abot sa mga istratehikong sentro ng mundo ng Roma. Iniharap ng sulat sa Roma ang plano ni Pablo na gamitin ang Roma bilang sentro ng mga operasyon para sa isang ebanghelistikong kampanya sa Espanya.[3]
(3) Ang tunay na layunin ni Pablo ay turuan kung paano tayo ginagawang matuwid sa harap ng Diyos. Nalaman ng mga Hudyong Kristiyano na ang pagpapawalang-sala ay hindi dumating sa pamamagitan ng pagsunod sa batas; ito ay dahil sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. Ipinaalala sa mga Hentil na Kristiyano na pinili ng Diyos na magtrabaho sa lahi ng mga Hudyo; hindi nila dapat ituring na mababa ang kanilang mga kapatid na Hudyo. Ang lahat ng mga mananampalataya, Hudyo o Hentil, ay matuwid sa Diyos dahil sa biyaya lamang.
[2] Gawa 18:2. Isinulat ng mananalaysay na si Suetonius na ang pasiya na ito ay ibinigay dahil sa mga pag-aalsa sa pagitan ng mga Hudyo sa “Christos”. dahil ang “Christos” ay ang Latin na pagbabaybay ni Kristo, malamang na ang francas ay nasa pagitan ng mga Hudyo at Kristiyano.
Panimula: Ang Kapangyarihan ng Ebanghelyo sa Kaligtasan (Rom. 1:1-17)
Kung minsan nilalaktawan ng mambabasa ang pasimula upang makapunta sa pangunahing bahagi ng isang libro. gayunpaman, sa Bibliya, maging ang pasimula ay mahalaga. Ito ang inspiradong Salita ng Diyos at “kapaki-pakinabang sa doktrina, sa pagtatama, sa pagtutuwid, sa pagtuturo sa katuwiran.”[1] Ang pagpapasimula ni Pablo ay kadalasang nagbibigay ng impormasyon na mahalaga sa kanyang layunin. Sa pagpapakilala sa Roma, nalalaman natin na:
Ang ebanghelyo ay hinulaan sa Lumang Tipan.
Inihayag ng ebanghelyo si Hesus bilang Mesiyas. Siya ay:
Ang Anak ni David.
Ang Anak ng Diyos.
Itinaas mula sa mga patay.
Ang ebanghelyo ay ang kapangyarihan ng kaligtasan sa lahat ng naniniwala, parehong Hudyo at Hentil.
Ipinahayag ng ebanghelyo ang katuwiran ng Diyos sa lahat ng naniniwala.
Ang Katuwiran ng Diyos ay Nahayag sa Paghuhukom (Rom. 1:17-3:20)
► Paano naging bahagi ng ‘mabuting balita’ ng ebanghelyo ang paghatol?
Nagsisimula si Pablo sa “masamang balita” ng paghatol; lahat ng sangkatauhan ay hinahatulan sa harap ng isang matuwid na Diyos.[2]
Sa 1:17-32, isinulat ni Pablo ang kasalanan ng Hentil, lalo na ang pagano na “nagbago ng kaluwalhatian ng di-masisirang Diyos sa isang imahen na ginawang tulad sa taong nasisira”[3] Sa bahaging ito, tinutukoy niya ang mga kasalanan na makikita ng kanyang mga Hudyong mambabasa bilang mga kasalanang “Hentil”: pagsamba sa diyos-diyosan, homosekswalidad, pagpatay, kalupitan, atbp. Nagbabala si Pablo na ang kasalanang ito ay karapat-dapat sa kamatayan.’
Sa 2:1-16, Si Pablo ay nangusap tungkol sa moralista. Ito ang “mabuting tao” na humahatol sa paganong Hentil ng kabanata 1, ngunit sila ay nagkakasala rin.
Sa 2:17-3:8, si Pablo ay nagsasalita sa kanyang mga Hudyong tagapakinig. sa pamamagitan ng isang serye ng mga retorikang katanungan, ipinagtanggol ni Pablo ang katuwiran ng Diyos sa paghusga sa mga Hudyo na “nagkasala sa ilalim ng batas”
Sa 3:9-20, Nagtatapos si Pablo, “Walang matuwid, wala, wala kahit isa.”[4] Lahat ng sangkatauhan ay hinatulan sa harap ng isang banal na Diyos.
Ang Katuwiran ng Diyos ay Nahayag sa Kaligtasan (Rom. 3:21-8:39)
Kasunod ng masamang balita tungkol sa paghatol, si Pablo ay nagpahayag tungkol sa mabuting balita (“ebanghelyo”) na tayo ay ginawang matuwid, sa harap ng Diyos hindi sa pamamagitan ng mga gawa, kundi sa pamamagitan ng “katuwiran ng Diyos na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu-Kristo para sa lahat at sa lahat ng dito’y maniniwala.”[5] Ipinakita ni Pablo kung paano ipinahayag ang katuwiran ng Diyos sa kaligtasan at pagbabagong-buhay ng mananampalataya.
Pagpapawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya lamang (Rom. 3:21-5:21)
Kung paanong si Abraham ay pinawalang-sala sa pamamagitan lamang ng pananampalataya, tayo ay napawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi sa gawa. Mayroon tayong kapayapaan sa Diyos sa pamamagitan ng pagtubos na ibinigay ng kamatayan ni Hesu-Kristo. Sa pamamagitan niya, nagagalak tayo sa pag-asa ng kaluwalhatian. Sa pamamagitan niya, mayroon tayong buhay. Ipinakikita ni Pablo na alin man sa mga Hudyo o mga Hentil ang may anumang dahilan para sa pagmamapuri maliban sa walang bayad na biyaya na inihandog ng Diyos sa pamamagitan ni Hesu-Kristo. Ang katuwiran ng Diyos ay inihayag sa kanyang walang-bayad na biyaya na ibinigay sa sangkatauhan.
Pagpapawalang-sala at kasalanan (Rom. 6:1-23)
Kapag narinig ang masayang patotoo ni Pablo sa kapangyarihan ng biyaya, maaaring itanong ng isang mambabasa kung, “magpapatuloy ba tayo sa kasalanan, upang magtagumpay ang biyaya?” Maaaring salungatin ng isang tao ang doktrina ng biyaya ni Pablo sa pamamagitan ng pangangatwiran na ito ay hahantong sa isang tao na magpatuloy sa pamumuhay sa sinasadyang kasalanan. Tumugon si Pablo nang may diin, “Huwag nawa! Paano nga na tayong mga patay na sa kasalanan, mabuhay pa roon?” Nang tayo ay nabautismuhan kay Kristo, namatay na tayo sa kasalanan. Dahil sa biyaya, hindi na tayo nabubuhay sa ilalim ng kapangyarihan ng kasalanan. Ang ating mga katawan ay hindi na instrumento ng kalikuan; sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kaligtasan, ang ating katawan ay ibinigay sa Diyos bilang mga instrumento ng katuwiran. “Sa gayon ay pinalaya na kayo mula sa kasalanan, kayo ay naging mga lingkod ng katuwiran”. Ang katuwiran ng Diyos ay inihayag sa kanyang kapangyarihan upang palayain tayo sa kasalanan.
Kasalanan at Batas (Rom. 7:1-25)
► Basahin ang Roma 7. Sino ang inilalarawan sa kabanatang ito?
Sapagkat napawalang-sala tayo sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, tayo ngayon ay “naglilingkod ayon sa kabaguhan ng espiritu, at hindi sa katandaan ng sulat.”[6] Maaaring tanungin ng isang mambabasang Hudyo si Pablo, “.Ano ang sinasabi mo? Ang batas ba ay kasalanan?” Tumugon si Pablo,” huwag nawa! “Tinutukoy ng kautusan ang kasalanan. Sa gayun, ito ay gumigising sa atin sa katotohanan ng kasalanan at nakagising sa ating mga mapanghimagsik na puso ang pagnanasa sa kasalanan. Ang kautusan, na ibinigay ng Diyos para sa ating kabutihan, ay nagiging instrumento para sa kasamaan.
Inilalarawan ni Pablo ang prinsipyong ito sa isang sipi na naging isa sa mga pinaka-pinagtatalunang bahagi ng Roma. Mayroong tatlong pangunahing pamamaraan upang bigyang kahulugan ang Roma 7:7-25.
Isang larawan ng normal na buhay Kristiyano. Marami sa tradisyong nabago ay nagpapahayag na ipinakikita ni Pablo ang buhay ng isang mananampalataya na nagnanais na sundin ang kautusan ng Diyos ngunit hindi ito magagawa. Gayunpaman, mahirap na pagtugmain ang maluwalhating larawan ng buhay na pinawalang-sala na ibinigay sa Mga Taga Roma 4-6 (“maroon tayong kapayapaan sa Diyos….”) “at sa gayun ay pinalaya na mula sa kasalanan…”) sa pagkaalipin ng Roma 7 (“O kahabag-habag na tao nga ako, sino ang magliligtas sa akin mula sa katawan ng kamatayang ito?”).
Isang larawan ng isang hindi pa pinapagiging-banal na mananampalataya. Ang ilan sa tradisyon ng Wesleyan ay nagmungkahi na ipinakikita ni Pablo ang buhay ng isang mananampalataya na pinawalang-sala ngunit hindi pa lubos na pinabanal. Muli, may mga kahirapan sa pagtutugma nito sa larawan ni Pablo ng matagumpay na mananampalataya na namumuhay nang may kapayapaan sa Diyos.
Isang larawan ng nakagising ng makasalanan. Nakita ng mga unang ama ng iglesya ang kabanatang ito bilang isang larawan ng kalagayan ni Pablo bago siya nagbalik-loob, nang sinubukan niyang tuparin ang batas sa kanyang sariling kapangyarihan. Ito ay isang larawan ng isang makasalanan na nagising sa kanyang pangangailangan, ngunit hindi pa napapawalang-sala dahil sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang taong ito ay naghahanap ng katuwiran sa ilang mga paraan, ngunit hindi pa nakararanas ng kagalakan sa Roma 8: 1, "Ngayon nga ay wala nang paghatol sa kanila na nakay Kristo Hesus, na hindi nagsisilakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu."
Pagpapaging-banal: Buhay sa Espiritu (Rom. 8:1-17)
Ang sagot sa mga pakikibaka ng Roma 7 ay ang kapangyarihan ng Espiritu. "Sapagka't ang kautusan ng Espiritu ng buhay kay Kristo Hesus ay nagligtas sa akin sa kautusan ng kasalanan at kamatayan.”[7] Sa halip nabigo ng mga pagtatangkang panatilihin ang batas sa ating sariling kapangyarihan, binibigyang kapangyarihan tayo ng Espiritu na "patayin ang mga gawa ng laman."[8] Ang matagumpay na tono ng Roma 8 ay isang malaking pagkakaiba sa mga pakikibaka ng Roma 7. Bakit? "Ang Espiritu mismo ang nagpapatotoo sa ating espiritu, na tayo ay mga anak ng Diyos." Ang matagumpay na buhay na ito, hindi ang Roma 7, ay isang modelo ni Pablo para sa Kristiyanong karanasan.
Ang isang matagumpay na buhay ayhindi ipinamumuhay ayon sa ating kapangyarihan, kundi sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. Pinapalaya tayo ng Banal na Espiritu mula sa pagkaalipin sa kasalanan[9]; ang Banal na Espiritu ay nagbibigay ng katiyakan ng kaligtasan[10]; Ang Espiritu Santo ay gumagabay sa ating mga panalangin[11]; ang buhay ng mananampalataya ay ganap na nabuhay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
Ang Katiyakan ng Pag-Asa (Rom. 8:18-39)
Ang kasukdulan ng pagtuturo ni Pablo tungkol sa kaligtasan ay ang kanyang pagdiriwang ng kaluwalhatian na naghihintay sa lahat ng mananampalataya. Isinulat ni Pablo "na ang mga paghihirap ng kasalukuyang panahon ay hindi karapat-dapat na maihambing sa kaluwalhatiang ibubunyag sa atin." Hinihikayat niya ang kanyang mga mambabasa na may pangako na ang Diyos ay gumagawa ng lahat ng mga bagay na sama-sama "para sa kabutihan ng mga nagmamahal sa Diyos, sa kanila na tinatawag nang ayon sa kanyang layunin."At ipinaaalaala niya sa atin na ang ating pag-asa ay mula sa Diyos. Ginawa Niyang posible ang kaligtasan para sa atin. "Kung ang Diyos ay para sa atin, sino ang maaaring laban sa atin?"
Ang Diyos ang nagpapawalang-sala sa atin; ang Diyos ang nagpapanatili sa atin. Ipinagdiriwang ni Pablo ang ating pagtitiwala bilang mga anak ng Diyos: "Sapagkat nakatitiyak ako, na kahit ang kamatayan, ni ang buhay, ni ang mga anghel, ni ang mga pamunuan, ni ang kapangyarihan, ni ang mga bagay na kasalukuyan, ni ang mga bagay na darating, ni ang kaitaasan, ni ang kalaliman, ni ang iba pang nilalang, ay walang makapaghihiwalay sa atin mula sa pag-ibig ng Diyos, na nasa kay Kristo Hesus na ating Panginoon. "
Ang Katuwiran ng Diyos ay Nahayag sa Pagiging Pinili (Rom. 9:1-11:36)
Ang isa pang tanong na maaaring sabihin ng isang taong nakikinig sa pagtuturo ni Pablo ay, "Paano naman ang Israel? Nabigo ba ang Diyos sa Kanyang mga pangako sa kanyang piniling bayan?"Sa Roma 9-11, ipinaliwanag ni Pablo na ang paghirang mula kay Abraham ay batay sa pananampalataya, hindi sa etniko o liping pinagmulan.[12] Hindi inabandona ng Diyos ang Israel; sa halip ang Diyos ay gumagawa sa pamamagitan ng Israel upang pagpalain ang lahat ng mga bansa. Ang pagpapala ng mga bansa ay ipinangako kay Abraham[13]; ito ay inihayag ng mga propeta ng Israel[14]; ito ay natapos na ngayon sa mga Hentil.[15] Ang pagpapala ng Diyos sa mga Hentil ay hindi isang pangwakas na pagtanggi sa Israel. Matutupad ang kanyang layunin para sa Israel.
Sinasagot sa Roma 9-11 ang problema ng kawalang-paniniwala ng Israel sa tatlong katotohanan:[16]
Ang mga pangako ng Diyos ay laging nakalaan sa mga mananampalataya. Ang mga pangako sa Israel sa nakalipas na panahon ay para sa lahat ng sumasampalataya – kapwa sa mga Hentil at sa matapat na mga nalabi sa Israel (9: 6-29).
Ang Israel ay hindi tinanggap dahil sa kawalan ng pananampalataya. Sa kasalukuyan, nakamit ng mga Hentil ang katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya habang ang Israel ay hindi nakamit ang katuwiran dahil hinanap nila ito sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan (9:30-10:21).
Ang hindi pagtanggap sa Israel ay pansamantala,hindi pangwakas.Hindi nalilimutan ng Diyos ang Kanyang mga pangako. Sa hinaharap, ang lahat ng Israel ay maliligtas,sa kanilang pagbabalik sa pananampalataya sa Diyos. (11:1-36).
Tinapos ni Pablo ang bahaging ito ng Roma sa pamamagitan ng isang doxology kung saan pinupuri niya ang Diyos dahil sa kanyang di-masasaliksik na karunungan, kaalaman, hatol, at mga paraan.[17] Bagaman hindi natin lubos na maunawaan ang mga paraan ng Diyos, pinupuri natin siya dahil pinagkakatiwalaan natin ang kanyang kabutihan at katuwiran. Alam natin na "sa kaniya, at sa pamamagitan niya, at sa kaniya, ang lahat ng mga bagay.”[18] Ang kanyang mga paraan ay karapat-dapat ng ating papuri.
Ang Katuwiran ng Diyos ay Nakikita sa Buhay ng Mananampalataya (Rom. 12:1-15:13)
Ang teolohiya ni Pablo ay palaging praktikal. Maraming sulat ni Pablo ang nahahati sa dalawang malaking bahagi. Sa unang bahagi, itinuro ni Pablo kung ano ang ating pinaniniwalaan; sa ikalawang bahagi ay itinuturo niya kung paano tayo dapat mamuhay. Ang pattern na ito ay makikita sa Roma.
Doktrina. Itinuro ni Pablo kung paano ang isang tao ay ginawang matuwid sa harap ng Diyos (Roma 1-11).
Aplikasyon. Itinuro ni Pablo kung paano mamumuhay ang isang matuwid na tao (Roma 12-16).
Ang Roma 12-15 ay nagpapakita kung paano ang mga prinsipyo ng Mga Taga Roma 1-11 ay ipinamumuhay sa araw-araw. Sa Roma 12, tinawag ni Pablo ang kanyang mga mambabasa na ibigay ang kanilang sarili bilang buhay, banal na sakripisyo sa Diyos. Ang katuwiran ng Diyos na nakikita sa pagbibigay-katuwiran at pagpapabanal ay bumabago sa lahat ng larangan ng buhay. Ang isang naglalakad sa Espiritu sa halip na sa laman ay magpapakita ng katuwiran ng Diyos sa pang-araw-araw na buhay. Kinikilala ni Pablo ang ilang mga praktikal na aspeto ng bagong paraan ng pamumuhay.
Ginagamit natin ang ating espirituwal na mga kaloob upang maglingkod sa iba (12:3-8).
Tinatrato natin ang iba sa mga paraan na nagpapakita ng tunay na pagiging Kristiyano (12:9-21).
Nagpapasakop tayo sa pamamahala ng mga awtoridad (13:1-7).
Tinutupad natin ang batas sa pamamagitan ng pag-ibig (13:8-14).
Ipinamumuhay natin ang prinsipyo ng kalayaan sa pamamagitan ng hindi paghatol sa ating kapatid (14:1-12).
Ipinamumuhay natin ang prinsipyo ng pag-ibig sa pamamagitan ng hindi pagsasakatuparan ng ating kalayaan sa isang paraan na nagiging sanhi ng pagkasira ng isang mas mahinang kapatid (14:13-14:23).
Sinusunod natin ang halimbawa ni Kristo upang tayo ay "magtagumpay sa pag-asa, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo" (15:1-13).
Konklusyon (Rom. 15:14-16:27)
Sa kanyang konklusyon, ibinahagi ni Pablo ang kanyang plano upang bisitahin ang Roma sa daan patungo sa Espanya. Inaasahan niya na ang Roma ang magiging himpilan para sa kanyang kampanya sa Espanya. Nagpapadala siya ng mga pagbati sa mga kasamahan sa trabaho at, tulad ng karaniwan sa mga liham ni Pablo, nagtapos siya sa isang doxology. Ang doxology na ito ay nagpupuri sa Diyos sa "paghahayag ng misteryo" na "ngayon ay nahayag.”[19] Ang misteryo na inihayag ay ang masayang balita na ang ebanghelyo ay para sa lahat ng tao. Ang katuwiran ng Diyos ay ipinahayag "mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya"; lahat ng naniniwala ay maliligtas.
“Ang unang tungkulin ng isang nangangaral ng Ebanghelyo ay ipangaral ito upang ipahayag ang Batas ng Diyos, dahil ito ang magsisilbing isang guro sa paaralan at dadalhin siya sa buhay na walang hanggan kay Kristo Hesus.”
- Martin Luther
“Bago ko ipangaral ang pag-ibig, awa at biyaya, dapat kong ipangaral ang kasalanan, Batas at paghatol.”
- John Wesley
“Hindi nila kailanman tatanggapin ang biyaya hangga’t hindi sila nanginginig sa harap ng isang makatarungan at banal na Kautusan.”
- Charles Spurgeon
“Hindi tayo makalalapit kay Kristo upang mapawalang-sala hanggat hindi pa tayo nanggagaling kay Moses upang mahatulan.”
- John Stott
Itinuturo ng mga Aklat ng Roma sa iglesya ngayon ang tungkol sa kahalagahan ng malinaw na doktrina. Tandaan na isinulat ni Pablo ang liham na ito sa mga ordinaryong Kristiyano. Sa isang panahon kung kailanang mga Kristiyano ay itinuturing bilang espirituwal na mga sanggol na walang kakayahan sa pagtunaw ng karne ng katotohanan sa Bibliya, ipinakikita ng Roma na ang mga mananampalataya ay maaaring turuan ng malalim na doktrina.
Itinuturo ng Aklat ng Roma sa iglesia ngayon ang tungkol sa kahalagahan ng paggamit ng doktrina sa pang-araw-araw na buhay. Walang interes si Pablo sa doktrina para sa intelektwal na debate lamang. Nagtuturo siya ng doktrina upang baguhin ang buhay ng mananampalataya.
Matapos ang mahusay na mga katotohanan ng Aklat ng Roma 1-11, si Pablo ay nagpatuloy "nagsusumamo ako sa iyo samakatuwid…."[1] Ang “samakatuwid" ay nag-uugnay sa kung ano ang inihahanda niyang sabihin sa kung ano ang sinabi na niya. Maaari nating sabihin sa ibang pangungusap, "Dahil sa mga katotohanang ito (pagpapaging matuwid, pagpapabanal, at paghirang), Tinatawagan ko kayo upang iharap ang inyong sarili bilang buhay na alay sa Diyos na nagbigay sa inyo ng mga biyayang ito. Ito ang magiging hitsura ng pagbabagong ito sa iyong pang-araw-araw na buhay."Pagkatapos ay nagpatuloy si Pablo sa praktikal na aplikasyon ng pagbabagong ito ng Roma 12-15. Hindi sapat na magkaroon ng tamang doktrina; dapat nating ipamuhay ang doktrinang iyon araw-araw.
Noong Miyerkules Mayo 24, 1738, si John Wesley ay dumalo sa pulong ng Moravian sa Aldersgate Street, London. Maraming taon nang nagsisikap si Wesley sa paghahanap ng katiyakan ng kaligtasan. Tulad ng marami sa kanyang mga kapanahon, naniwala siya na ang pagiging matuwid ay batay sa kakayahan ng isang tao na mabuhay ng isang matwid na buhay. Habang nakikinig sa pagbabasa ni William Holland mula sa paunang salita ni Martin Luther sa mga Romano, si Wesley ay nabago. Sumulat si Wesley sa bandang huli:
Nang gabing iyon ay talagang nag-aatubili ako na pumunta sa isang samahan sa Daang Aldersgate, kung saan binabasa ng isang tao ang paunang salita ni Luther sa Sulat sa mga Romano. Mga labing-limang minuto bago mag-ika-siyam, habang ang pinuno ay naglalarawan ng pagbabago na ginagawa ng Diyos sa puso sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo, naramdaman ko ang aking puso na hindi karaniwang nag-iinit. Nadama ko na nagtiwala ako kay Kristo lamang para sa kaligtasan; at isang katiyakan ang ibinigay sa akin na kinuha na Niya ang aking mga kasalanan, maging ang sa akin, at iniligtas ako mula sa batas ng kasalanan at kamatayan.[1]
Nang gabing iyon, naunawaan ni John Wesley ang katotohanan ng Roma 1:17; "Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya." Ang dakilang katotohanang ito ay nagbigay inspirasyon sa isang pagbabagong-buhay na lumaganap sa buong Inglatera at kalaunan sa buong mundo.
Ipakita ang iyong pag-unawa sa araling ito sa mga sumusunod na takdang-aralin:
(1) Pumili ng isa sa mga sumusunod na takdang-aralin:
Maghanda ng isang pangangaral o aralin sa Bibliya sa pagbibigay-katwiran sa pamamagitan ng pananampalataya mula sa Roma. Ito ay maaaring isang manuskrito na 5-6 na pahina (mga 200-2500 salita) o isang naitalang pangangaral o aralin sa Bibliya.
Isulat ng isang pahina ng balangkas ng aklat ng Aklat ng Mga Taga Roma na nagpapakita ng parehong doktrina ng mga aral ng Roma 1-11 at ang praktikal na aplikasyon ng Roma 12-16. Ito ay dapat na iyong personal na balangkas, hindi nakuha mula sa komentaryo o pag-aaral ng Bibliya.
(2) Kumuha ng pagsusulit batay sa material mula sa araling ito. Kabilang sa pagsusulit ang mga banal na kasulatan na naitalaga para isaulo.
Mga Tanong sa Pagsusulit sa Aralin 5
(1) Ilista ang tatlong layunin para sa Aklat ng Roma.
(2) Ilista ang apat na mga katotohanan tungkol sa ebanghelyo na matatagpuan sa pagpapakilala sa Roma.
(3) Ilista ang tatlong grupo na nahatulan sa Mga Taga Roma 1-3.
(4) Sa Roma 6, ano ang tugon ni Pablo sa isang taong nagtatanong kung maaari tayong patuloy na mamuhay sa kasalanan upang ang biyaya ay sumagana?
(5) Ano ang tatlong interpretasyon ng Roma 7:7-25?
(6) Tumugon si Pablo sa problema ng kawalang-paniniwala ng Israel sa tatlong katotohanan. Ilista ang mga katotohanang iyon.
(7) Mula sa Roma 12-15, ilista ang tatlong paraan upang ipamuhay ang katuwiran ng Diyos.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.