Ang mga Kristiyano noong unang siglo ay nakaharap sa dalawang magkasalungat na mga pag-angkin sa katotohanan. Sa isang banda, alam nila na "si Hesu-Kristo ay Panginoon."[1] Ang isang Kristiyano ay nakatuon sa awtoridad at pagkapanginoon ni Hesu-Kristo. Sa kabilang banda, hinihiling ng Roma ang lahat sa ilalim ng kapangyarihan ng imperyo upang patotohanan na ang Caesar ay Dominus etdeusnoster (ating panginoon at diyos).
Pinahintulutan ng Roma ang maraming mga relihiyon, hangga't ang emperador ay kinikilala bilang ang pangwakas na awtoridad. Maraming mga mananalaysay ang nangatwiran na hindi inusig ng Roma ang mga Kristiyano dahil sa pagiging Kristiyano. Ang mga Kristiyano ay maaaring sumamba kay Hesus hangga't sila ay nanunumpa ng lubos na katapatan sa emperador. Gayunpaman, hindi maaaring kilalanin ng isang tunay na Kristiyano ang emperador bilang ang huling awtoridad.
Ayon sa isang saksi sa kamatayan ni Polycarp, inialok ng mahistrado na palayain ang matandang santo kung kikilalanin niya si Caesar bilang Diyos. Tinanong niya si Polycarp, "Ano ang masama sa pagsasabing, 'Caesar ay panginoon,' at mag-alay ng insenso?"[2] Alam ni Polycarp na para sa Kristiyano ay may isang Panginoon lamang. Ang Kristiyano ay hindi maaaring magbigay ng tunay na katapatan sa sinumang tao.
Ito ang ugat ng salungatan sa pagitan ng Roma at ng unang iglesya. Dahil sa salungatang ito, sinabi ng Aklat ng Pahayag sa unang mga Kristiyano, "Si Hesus ay Panginoon." Kahit sa mundo na hindi kumikilala sa kanyang awtoridad, si Hesus ay Panginoon. Ang pahayag ay nagbibigay ng isang dramatikong larawan ng mga salita ni Pablo:
“Dahil dito'y itinaas siya ng Diyos, at binigyan siya ng isang pangalan na higit sa lahat ng pangalan: Upang sa pangalan ni Hesus ay yumukod ang lahat ng tuhod, mga bagay sa langit, at mga bagay sa lupa, at mga bagay sa ilalim ng lupa; At upang ang bawat dila ay magpahayag na si Hesu-Kristo ay Panginoon, sa kaluwalhatian ng Diyos Ama.”[3]
Ipinakilala ng may-akda ng Pahayag ang kanyang sarili bilang si Juan, "na inyong kapatid, at kasama sa kapighatian."[1] Kinilala ng tradisyon ng unang iglesya si Juan, ang "minamahal na disipulo," bilang may-akda ng Ebanghelyo ni Juan, tatlong Sulat, at Pahayag.
Ang petsa ng sulat na ito ay isang mas mahirap na tanong. Mayroong dalawang mga posibilidad, parehong umaangkop sa buhay ni Juan at sa pag-uusig ng unang iglesya. Ang isang posibleng petsa ay sa panahon ng paghahari ni Nero, isang panahon ng matinding pag-uusig. Ang mas malamang na petsa ay sa panahon ng pag-uusig ni emperador Domitian (A.D. 81-96). Noong ikalawang siglo, pinetsahan ni Ireneo ang Pahayag hanggang bandang huli sa paghahari ni Domitian.[2]Tinanggap ito ng karamihan sa mga ebangheliko bilang petsa ng Pahayag.
Ang pahayag ay isinulat mula sa Patmos, isang maliit na pulo sa Karagatan ng Aegean,[3] kung saan si Juan ay ibinilanggo dahil sa kanyang pananampalataya. Gayunpaman, bagaman ang emperador ay maaaring ang taong nagpahintulot sa pagkatapon ni Juan, ipinahayag ni Juan na sa ganitong pangyayari, "Si Hesus ay Panginoon." Siya ay nasa Patmos, "para sa salita ng Diyos, at sa patotoo ni Hesu-Kristo."[4] Kahit sa Patmos, ang Diyos ang may kontrol.
Layunin
Ang Pahayag ay sumasagot sa tanong na, "Sino ang Panginoon?" Ang sagot ay nakasaad sa pambungad, "Si Hesu-Kristo ang tapat na saksi, ang panganay ng mga patay, at ang pinuno ng mga hari sa lupa."[5] Sa mga Kristiyanong nagdurusa dahil sa pag-uusig, isinulat ni Juan na “Si Hesu-Kristo ang namamahala sa mga hari sa lupa.” Anuman ang mga pangyayari sa labas, ang Diyos ay nasa kontrol.
Ipinahayag ni Juan ang katotohanang ito sa tatlong paraan:
Mga mensahe sa pitong iglesya (Pahayag 2-3). Si Hesus ang Panginoon sa kanyang iglesya.
Mga pangitain ng Diyos sa kanyang trono at ni Kristo bilang matagumpay na tupa (Pahayag 4-5). Si Hesus ay Panginoon sa langit.
Isang pangitain sa kasaysayan mula sa pananaw ng Langit (Pahayag 6-12). Si Hesus ay Panginoon sa lahat ng mga kaharian sa mundo.
Bilang isang apokaliptikong aklat, ang Pahayag ay natatangi sa mga aklat ng Bagong Tipan. Halimbawa ng Lumang Tipan ay ang aklat ni Daniel. Ang "Apocalyptic" na pagsulat ay "nagpapakita" o "nagbubunyag" ng katotohanan na itinago. Ang pagsulat ng Apocalyptic ay nagpapakita ng mga layunin ng Diyos sa kasaysayan ng tao.
Ang apocalyptic literature ay gumagamit ng dramatikong mga simbolo upang magpahayag. Ang Pahayag ay napuno ng mga dragon, halimaw, at natural na kalamidad tulad ng mga lindol at malakas na ulan ng yelo. Ang isang kahirapan sa pagbabasa ng apokaliptikong literatura ay ang mga simbolo na nagbabago ng kanilang kahulugan sa paglipas ng panahon at sa iba't ibang mga kultural na Pinangyarihan. Halimbawa, ang dragon ay ginagamit sa kanluran bilang simbolo ng kasamaan at panganib; sa maraming kultura ng silangan, ang dragon ay simbolo ng kapangyarihan at tagumpay. Ang mga pagkakaiba sa kung paano binibigyang kahulugan ang mga simbolo ay magiging dahilan upang maging mahirap ang Pahayag para sa mambabasa.
Ang isang susi sa wastong pagbibigay-kahulugan sa mga simbolo sa Pahayag ay kilalanin na ang karamihan sa mga simbolo nito ay nagmula sa Lumang Tipan, partikular ang Exodo, Mga Awit, Daniel, Ezekiel, Isaias, at Zacarias. Mahigit sa kalahati ng mga talata sa Pahayag ay may kasamang ilang pagbanggit sa isang tema o imahe sa Lumang Tipan. Dapat munang tingnan sa Lumang Tipan ng maingat na mambabasa ng Pahayag kapag nag-aaral ng isang simbolo.
Ang apokaliptikong literatura ay naglalarawan ng makasaysayan o propetikong katotohanan na may mga pangitain. Kabilang sa Pahayag ang higit sa animnapung mga pangitain. Ang mga ito ay madalas na nagpapang-abot, kaya mahirap lumikha ng eksaktong listahan ng pagkakasunud-sunod na pangyayari. Maaaring ipakita ng maraming mga pangitain ang magkasanib na pananaw ng parehong kaganapan upang mapalawak ang mga detalye o nagpapakita ng mga alternatibong pananaw sa isang kaganapan.
Marahil ang pinakamahalagang bagay na dapat tandaan ng isang mambabasa sa pag-aaral ng apokaliptikong panitikan ay tumuon sa mga pangunahing tema at hindi mawawala dahil sa mga detalye. Sa Pahayag, ang mga malalaking tema ay ang pagkapanginoon ni Hesus, ang soberanya ng Diyos, at ang pangwakas na tagumpay ng iglesya. Ang mga temang ito ay nagbuklod sa maraming magkakaibang mga tema na tumatakbo sa aklat.
Mga Teorya sa Pagbibigay Kahulugan
Dahil ang Pahayag ay isang kakaibang istilo ng Biblikal na panitikan, ito ay nagbigay ng maraming iba't ibang pamamaraan sa interpretasyon. Mayroong apat na pangunahing pamamaraan sa aklat na ito. Sa loob ng bawat isa sa mga ito, may iba't ibang mga diin. Para sa isang pagpapakilala ngPahayag, ang isang survey sa apat na pamamaraan ay sapat na. Ang bibliograpiya sa dulo ng kabanata ay nagbibigay ng mga ibang resources para sa karagdagang pag-aaral.
Pananaw ng Preterista
Naniniwala ang mga Preterista na ang Pahayag ay tungkol sa mga kaganapan sa huling bahagi ng unang siglo. Sa pananaw na ito, naganap ang mga pangyayari sa Pahayag sa panahon ng buhay ni Juan o sa lalong madaling panahon pagkatapos noon. Nakikita nito ang Pahayag bilang isang larawan ng salungatan sa pagitan ng iglesya at ng Imperyo ng Roma. Nagtapos ang salungatang ito sa tagumpay ng Kaharian ni Kristo habang lumalaganap ang iglesya sa buong mundo.
Historicist View/Pananaw na Pangkasaysayan
Binabasa ng mga historiko ang Pahayag bilang isang simbolikong larawan ng kasaysayan ng iglesya mula sa panahon ng unang iglesya hanggang sa pagtatatag ng bagong langit at bagong lupa sa pagbabalik ni Kristo. Sa ganitong pagtingin, ang Pahayag 1-3 ay nagsasalita sa mga iglesya sa panahon ni Juan. Ang Pahayag 4-19 ay nagbibigay ng magkakasunod na larawan ng iglesya sa panahon sa buong kasaysayan. Ang Pahayag 20-22 ay naglalarawan ng hinaharap na pagdating ni Kristo.
Ang pananaw ng ideyalista
Ang mga ideyalista ay sumasang-ayon sa mga pangkasaysayang historiko na ang Pahayag ay nagbibigay ng isang larawan ng salungatan sa pagitan ng mabuti (Kristo at ng iglesya) at kasamaan (si Satanas at ang kanyang mga tagasunod). Gayunpaman, ang mga ideyalista ay nagpapahayag na ito ay isang simbolikong larawan nang walang anumang partikular na makasaysayang kaayusan. Sa pananaw na ito, ang Pahayag 4-19 ay hindi nauugnay sa anumang tiyak na makasaysayang panahon. Ito ay isang simbolo ng patuloy na salungatan sa pagitan ni Kristo at ng kasamaan, isang salungatan na magtatapos sa pagdating ni Kristo upang itatag ang bagong langit at bagong lupa sa Pahayag 20-22.
Futurist View
Tulad ng mga historiko, binabasa ng mga futurista ang Pahayag bilang isang larawan ng partikular na mga pangyayari sa kasaysayan. Nakikita ng interpretasyong ito ang Pahayag 1-3 bilang iglesya ng panahon ni Juan. Hindi tulad ng mga historista, tinitingnan ng mga futurista ang lahat ng Pahayag 4-22 bilang panghinaharap. Sa loob ng isang futurist framework, mayroong apat na dominanteng pagpapakahulugan sa hinaharap na inilarawan sa Pahayag.
Ang classical premillennialism (naganap sa hindi bababa sa ika-2 siglo) ay inaasahan ang pag-uusig ng iglesya hanggang sa katapusan ng panahon. Ang pag-uusig na ito ay magtatapos sa isang panahon ng "malaking kapighatian" bago dumating si Kristo. Kapag nagbabalik si Kristo, magkakaroon ng muling pagkabuhay ng mga mananampalataya, na sinusundan ng isang sanlibong taon kung saan maghahari si Kristo sa lupa.[1] Ang sanlibong taon ay susundan ng paghuhukom ng mga hindi mananampalataya sa "dakilang puting trono."[2] Pagkatapos ay sisimulan ng Diyos ang isang bagong langit at isang bagong lupa, ang walang hanggang tahanan ng lahat na ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero.
Ang dispensational premillennialism ay isang mas batag anyo ng turong classical premillennial. Sa ganitong pagtingin, ang iglesya ay tinanggal mula sa lupa sa isang masidhing kagalakan bago ang isang panahon ng "malaking kapighatian." Ang kaguluhan sa Pahayag 4-19 ay itinuturing na isang paglalarawan ng kapighatian ng Israel sa lupa sa panahon ng pitong taong panahon kung saan ang iglesya ay nasa langit kasama ni Hesus. Pagkatapos ay muling magbabalik si Kristo at itatatag ang kanyang pamamahala sa sanlibong taon sa lupa. Tulad ng klasikal na premillennialism, ang panahong ito ay sinusundan ng paghuhukom at paglikha ng bagong langit at bagong lupa.
Ang Postmillennialism (sikat sa ika-18 at ika-19 na dantaon) ay nagtuturo na ang ebanghelyo ay lalaganap sa buong mundo at magbabago ng lipunan sa isang panahon ng katarungan at kapayapaan. Sa ganitong pagtingin, ang sanlibong taon ay ang panahon ng iglesya mismo, lalo na ang Banal na Espiritu na nagtatrabaho sa pamamagitan ng iglesya. Si Kristo ay babalik pagkatapos ng sanlibong taon, tuluyan nang natalo si Satanas, at ipakikilala ang bagong langit at bagong lupa.
Ang Amillennialism (panahon na hindi bababa sa ika-2 siglo) ay sumasang-ayon sa postmillennialism na si Kristo ay babalik pagkatapos ng isang libong taon ng Pahayag 20: 1-6. Naiiba ang mga Amillennialist sa mga postmillennialist dahil ang pagtingin nila sa sanlibong taon ay hindi bilang panahong pangkasaysayan kundi bilang simbolo ng buong panahon ng iglesia. Ang pangako ng sanlibong taon ay natupad sa espirituwal na paraan sa pamamagitan ng ministeryo ng iglesya. Inihahayag ng Pahayag ang mga pagpapala at ang mga pakikibaka ng iglesya. Nagtatapos ito sa pagbabalik ni Kristo, na sinusundan ng paghuhukom, at ang pagpapakilala ng bagong langit at bagong lupa para sa mga mananampalataya.
Ang mga mambabasa ng Pahayag ay maaaring maging napaka dogmatiko sa kanilang interpretasyon. Hindi natin dapat ikalito ang ating interpretasyon ng Pahayag sa awtoridad ng Kasulatan mismo. Ang dalawang taong nananangan sa ganap na katotohanan ng Kasulatan ay maaaring may lubos na magkaibang interpretasyon ng aklat na ito. Habang pinag-aaralan mo ang Pahayag makakarating ka (at dapat) sa mga konklusyon na papatnubay sa iyong interpretasyon. Gayunpaman, maging maingat na hindi mo tanggihan ang mga kapwa mananampalataya na maaaring dumating sa iba't ibang konklusyon. Ang mga ito ay mga pagkakaiba ng interpretasyon ng Bibliya, hindi mga pagkakaiba tungkol sa awtoridad ng Bibliya.[3]
Mga Tema sa Pahayag
Si Hesus ay Panginoon
Ang apocalyptic na literatura ay nagbubunyag ng nakatago. Ang Pahayag ay nagpapakita kay Hesus sa kanyang buong kaluwalhatian. Sa panahon ng kanyang ministeryo sa lupa, ang kanyang kaluwalhatian ay hindi ganap na nakikita. Ipinangako ni Pablo na darating ang araw na "ang bawat tuhod ay dapat na yumuko, ng mga bagay sa langit, at mga bagay sa lupa, at mga bagay sa ilalim ng lupa."[4]Inihahayag ng Pahayag ang larawan ng kaluwalhatian ng araw na iyon.
Maraming mga simbolo sa Pahayag ang hinango sa Lumang Tipan. Gayunpaman, ang mga simbolong ito ay nagtuturo ng isang natatanging Kristiyanong teolohiya. Ang aklat ay pinag-isa ng isang magkaugnay na teolohiyang Kristiyano na magbubuklod sa bawat aspeto ng aktibidad ng Diyos sa kasaysayan ng tao. Mula sa pangitain ni Juan ng Anak ng Tao sa kanyang larawan ng matagumpay na Kordero, ang isang pangunahing tema ng Pahayag ay ang pagkapanginoon ni Hesu-Kristo.[5] Si Hesus ay Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.[6]
Ang Diyos ang May Kontrol
Sa isang nagdurusang iglesya, ang mensahe ng kapangyarihan ng Diyos ay isang dakilang mensahe ng pag-asa. Ipinakilala ni Juan ang Diyos bilang "ang nakaraan, ang kasalukuyan, at ang hinaharap".[7] Ang pangitain ng Diyos sa kanyang trono sa Pahayag 4-5 ay nakapagpapaalaala sa Isaias 6. Si Juan, tulad ni Isaias, ay nakikita ang Diyos bilang banal, dakila, at pinakamakapangyarihan. Sa isang iglesya na sinasalungat ng Roma, nakapagbibigay-inspirasyon na mabasa sa Pahayag na darating ang isang araw kung kailan "ang bawat nilalang na nasa langit, at sa lupa, at sa ilalim ng lupa, at tulad ng nasa dagat, at lahat na sa kanila” ay sasama sa pagpupuri sa Diyos at sa Kordero.[8]
Tagumpay para sa Bayan ng Diyos
Tulad ng karamihan sa mga literaturang apokaliptiko, ang Pahayag ay nagpapakita ng mga layunin ng Diyos sa kasaysayan ng tao. Habang maraming mga simbolo na pinagsisikapang unawain ng isang modernong mambabasa,ang pangkalahatang mensahe ng Pahayag ay malinaw: Ang bayan ng Diyos ay nakatitiyak sa tagumpay dahil si Hesus ay Panginoon. Ang Pahayag ay madalas na nagbabago sa pananaw nito mula sa lupa patungo sa langit, na nagpapaalala sa atin na nakikita lamang natin ang isang bahagi ng kasaysayan.[9] Hindi man nakikita, ginagawa ng Diyos ang kanyang mga layunin sa mundo. Bilang bayan ng Diyos, nakatitiyak tayo ng pangwakas na tagumpay. Ang mensahe sa iglesya sa Laodicea ay nagtatapos sa paghikayat na ito, "Sa kaniya na magtatagumpay ay ipagkakaloob kong umupo kasama ko sa aking trono.”[10]
[1] Ang “millennium” ay tumutukoy sa panahon ng 1,000 taon.
[3] “Tungkol sa mga bagay na kailangan, pagkakaisa,
tungkol sa mga bagay na hindi kailangan, kalayaan,
tungkol sa lahat ng mga bagay, pag-ibig.”
- Rupertus Meldenius, 1627
Mayroong dalawang panganib na dapat iwasan sa pagbabasa ng Pahayag. Ang ilang mga mambabasa ay natagpuan ang Pahayag na nakalilito kaya't iniiwasan lamang nila ang aklat. Dahil hindi nila natitiyak ang tamang pagpapakahulugan, hindi nila pinag-aaralan ito.
Ang kabaligtarang panganib ay kapag nakatitiyak ang ilang mga mambabasa sa kanilang interpretasyon na tinatanggihan nila ang sinumang naiiba sa kanila sa pagpapakahulugan. Nakatuon ang mga ito sa mga maliliit at di gaanong mahalagang mga detalye at nawawala ang pangkalahatang tema ng aklat. Ito ay kapus-palad na kung minsan ang mas malaking mensahe ng Pahayag ay nawawala sa mga kontrobersiya sa mga detalye ng pagpapakahulugan. Ang mensahe ng Pahayag ay mahalaga para sa iglesia ngayon.
Sa panahon na libu-libong mga Kristiyano ang pinapaslang sa bawat taon, ang mensahe na si Hesus ay Panginoon ay naghihikayat sa mga naghihirap na mga Kristiyano sa pagtitiyaga. Anuman ang paraan ng interpretasyon ng isang tao, hinihimok ng Pahayag ang iglesia sa pangako ng panghuling tagumpay.
Ang Pahayag ay nagpapaalala sa atin kung paano dapat mabuhay ngayon ang mga mananampalataya sa liwanag ng mga huling panahon. Ang pag-aaral ng mga huling araw (eschatology) ay hindi pangunahing tungkol sa paghula sa mga kaganapan sa hinaharap; ang pangunahing layunin ng eskatolohiya ay buhay ngayon sa liwanag ng mga layunin ng Diyos. Bilang mga mananampalataya, hinihimok tayo ng Pahayag na magtiwala sa mga layunin ng Diyos. Bilang mga ministro, ipinangangaral natin ang Pahayag upang hikayatin ang ating mga kongregasyon sa katapatan. Sa halip na basahin ang Pahayag bilang isang libro ng mga nakatagong mga mensahe tungkol sa hinaharap, basahin natin ang Pahayag bilang Salita ng Diyos para sa bayan ng Diyos ngayon.
Konklusyon
Sina John at Betty Stam ay mga misyonero sa Tsina nang salakayin ng mga pwersa ng Komunista ang kanilang lungsod noong 1934. Ang batang mag-asawang ito ay nabihag, ikinulong para ipatubos, at nagmartsa sa bayan ng Miaosheo. Noon, tinanong sila, "Saan ka pupunta?" Sumagot si John Stam, “Hindi namin alam kung saan sila pupunta, ngunit pupunta kami sa langit."
Kinabukasan, sina John at Betty Stam ay pinugutan ng ulo ng isang komunistang berdugo. Ang huling sulat ni John ay isinulat sa kanyang mga superyor ng misyon at ipinuslit sa mga damit ng kanilang sanggol na anak na babae. Nagtapos ang liham sa mga salitang ito, "... para sa amin, maluwalhati nawa ang Diyos sa pamamagitan ng buhay o sa pamamagitan ng kamatayan." Alam nina John at Betty Stam mismo ang katotohanan ng Pahayag: Si Hesus ay Panginoon at mananalo sa pangwakas na tagumpay. Sa pamamagitan ng buhay o sa pamamagitan ng kamatayan, ang Diyos ay may control at ang kanyang mga paraan ay pinakamabuti.
Mga Takdang-Aralin ng Aralin
Ipakita ang iyong pagkaunawa sa araling ito sa mga sumusunod na takdang-aralin:
(1) Pumili ng isa sa mga sumusunod na takdang-aralin:
Maghanda ng isang sermon o aralin sa Bibliya kung saan inilalapat mo ang mensahe sa isa sa Pitong mga Iglesia sa mga pangangailangan ng iyong iglesya. Ito ay maaaring isang manuskrito na 5-6 na pahina (mga 2000-2500 na salita) o isang naitala na sermon o aralin sa Bibliya.
Habang binabasa mo ang Pahayag, pansinin kung aling mga kabanata ang nagbibigay ng pananaw sa kung ano ang nangyayari sa mundo at kung aling mga kabanata ang nagbibigay ng pagtingin sa langit. Sumulat ng isang maikling sanaysay kung saan iyong ibinubuod kung ano ang ipinakikita sa atin ng Pahayag tungkol sa pangmalas ng langit sa mga pangyayari sa lupa. Paano naiiba ang pagtingin sa langit mula sa ating limitadong pagtingin sa mundo?
(2) Kumuha ng pagsusulit batay sa materyal sa araling ito. Kabilang sa pagsusulit ang mga Banal na Kasulatan na itinakda para isaulo.
Mga Tanong sa Pagsusulit sa Aralin 12
(1) Ano ang ibig sabihin ng pariralang “Caesar is Dominus etdeusnoster” sa unang siglo?
(2) Nasaan ang isla ng Patmos?
(3) Ano ang yinatayang petsa para sa Pahayag?
(4) Ilista ang tatlong paraan kung saan inihahayag ni Juan ang mensahe na si Hesus ay Panginoon.
(5) Ilista ang dalawang katangian ng apocalyptic literature.
(6) Maikling tukuyin ang bawat isa sa apat na pananaw ng Pahayag.
(7) Ilista ang apat na pananaw ng hinaharap sa mga futurista.
(8) Ilista ang tatlong pangunahing tema sa Pahayag
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.