[1]Habang naglalakad si Hesus sa tabi ng Dagat ng Galilee, nadaanan niya ang isang maniningil ng buwis. Dahil nagtrabaho siya para sa mga Mga Taga-Romano, si Levi ay iniiwasan ng mga Tagapagturong Judio. Sa pagkagulat ni Levi, sinabi ni Hesus, “Sumunod ka sa akin” (Marcos 2:14). Ang ibang mga tagapag-turo ay nakikita lamang ang isang maniningil ng buwis; Nakita ni Hesus ang isang tao na dapat mahalin.
Nang maglaon, kumain si Hesus kasama ng isang grupo ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan sa tahanan ni Levi. Nagulat ang mga Pariseo. Si Hesus ay dapat na maging banal; bakit siya gumugol ng oras kasama nang makasalanan? Sumagot si Hesus, “Ang malalakas ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga maysakit. Hindi ako naparito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan.” (Marcos 2:17).
Ang halimbawa ni Hesus ay nakakagugulat para sa kanyang panahon. Ang mga Pariseo ay itinuturing na mga pinakabanal na tao noong panahon ni Hesus. Sinabi nila, “Kami ay banal, kaya’t kami ay lumayo sa mga makasalanan.” Sinabi ni Hesus, “Ako’y banal, kaya’t gumugugol ako ng panahon kasama nang mga makasalanan.”
Nagagalak si Hesus sa paggugol ng panahon kasama nang mga makasalanan. Habang sumusunod sila kay Hesus, ang makasalanang tao ay nagiging mga banal na tao. Nagbigay si Hesus ng isang modelo ng banal na pagmamahal na nagpapabago sa mundo. Ang kabanalan ay perpektong pagmamahal sa Diyos at perpektong pagmamahal sa mga tao. Ang tunay na kabanalan ay binabago ang ating mundo.
Kung saan may galit, hayaan mo
akong maghasik ng pagmamahal;
Kung saan may nasaktan, turuan mo
kaming magpatawad;
Kung saan may pagdududa, turuan mo
kaming manampalataya;
Kung saan may kapighatian, bigyan mo
kami ng pag-asa;
Kung saan may kadiliman, bigyan mo
kami ng liwanag
Kung saan may kalungkutan, Bigyan mo
kami ng kagalakan
O Banal naGuro,
Pagbigyan mo ako na ng hindi ako maghanap
Upang maging kaaliwan, tulad ng mga nang-aaliw;
Upang maunawaan, upang umintindi sa iba maging pang-intindi, tulad ng pagkakaunawa;
Upang mahalintulad ng nag-mahal.
Sapagkat sa pagbibigay tayo ay makakatanggap;
Sa pagpapatawad tayo patatawarin din;
Sa kamatayan tayo ay isisilang sa buhay nawalang hanggan.
-St. Francis of Assisi
Ang Kabanalan sa Panahon ni Hesus
► Paano sinusukat nang mga tao sa panahon mo ang kabanalan? Paano naiiba ang pamantayang ito sa kung paano nabuhay si Hesus?
Ano ang paniniwala ng mga taong nabuhay noong panahon ni Hesus tungkol sa kabanalan? Paano nila inaasahang mamuhay ang isang taong banal? Habang nakikita natin ang sagot sa mga tanong na ito, mauunawaan natin kung bakit ang mga tao ay lubhang nagulat sa buhay at pagtuturo ni Hesus.[1]
Ano ang mga Pinaniniwalaan ng mga Tao sa Panahon ni Hesus
Alam ng mga tao noong panahon ni Hesus na ang Diyos ay isang banal na Diyos. Alam nila na ang bayan ng Diyos ay dapat maging banal. Ang isang banal na Diyos ay naguutos sa kanyang bayan na maging banal. Ipinadala ng Diyos ang Israel sa pagkakatapon sapagkat ang kanyang bayan ay hindi banal.
Alam ng mga tao noong panahon ni Hesus na ang kabanalan ay nag-rerequire ng paghihiwalay mula sa lahat na di-malinis. Ang pagtawag ng Lumang Tipan na maging banal ay naguutos sa bayan ng Diyos na lumayo mula sa lahat ng kasalanan.
Alam ng mga tao noong panahon ni Hesus ang pangako ng Diyos na susulat ng isang bagong tipan sa puso ng kanyang mga mamamayan. Ipinangako ng Diyos na magbibigay siya sa kanyang mga tao ng isang bagong puso at isang bagong espiritu na magpapahintulot sa kanila na panatilihin ang tipan (Ezekiel 36:26). Ang mga tao noong panahon ni Hesus ay naghihintay na matupad ang pangakong ito.
Alam ng mga tao noong panahon ni Hesus na ang banal na Diyos ay tumutupad sa kanyang mga pangako. Ang Diyos ay tapat sa kanyang tipan. Kahit na nasira ng Israel ang tipan, nanatiling tapat ang Diyos. Naniniwala ang mga Judio na ang kaluwalhatian ng Diyos ay babalik sa Israel kung ang kanyang bayan ay banal.
Ano ang mga Kasanayan ng mga Tao noong Panahon ni Hesus
Naniniwala ang mga relihiyosong tao noong panahon ni Hesus sa mga prinsipyong ito, ngunit nabigo silang mamuhay ayon sa pamantayan ng Diyos para sa tunay na kabanalan. Wala silang mga banal na puso.
Ang mga pinunong pari ay naniniwala sa Templo. Naniniwala sila na kung maayos ang pagsasagawa ng mga sakripisyo, ang kaluwalhatian ng Diyos ay babalik. Sumagot si Hesus, “Kaya, humayo kayo at pag-aralan ninyo kung ano ang kahulugan nito: ‘Habag ang ibig ko, at hindi handog.’” (Mateo 9:13). Ipinakita ni Hesus na hindi sapat ang mga ritwal lamang.
Ang mga Essene ay naniniwala na sila ay maaaring maging banal sa pamamagitan ng pamumuhay na nakabukod sa ibang mga tao. Lumipat sila sa mga komunidad ng Dead Sea. Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi, kaysa siyamnapu’t siyam na taong matutuwid na hindi nangangailangan ng pagsisisi.” (Lucas 15:7) Sapagkat hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan. (Mateo 9:13). Hinipo ni Hesus ang mga ketongin; kumain siya kasama ng mga makasalanan. Ipinakita niya na maaari tayong maging banal sa isang makasalanang mundo.
Sinunod ng mga Pariseo ang mga detalye ng Kautusanna panlabas, ngunit binale-wala nila ang karumihan sa kalooban. Inihambing ni Hesus ang mga Pariseo sa mga libingan na “na magandang tingnan sa labas, ngunit sa loob ay punô ng mga buto ng mga patay at ng lahat ng uri ng karumihan. Gayundin naman kayo, na sa labas ay mistulang matuwid sa mga tao, ngunit sa loob ay punô kayo ng pagkukunwari at kasamaan.” (Mateo 23:27-28). Ipinakita ni Hesus na ang kabanalan ay dapat magsimula sa puso. Hindi ka maaaring magkaroon ng mga banal na kamay kung ang iyong puso ay hindi banal.
Ang mga taong ito sa panahon ni Hesus ay nasiyahan na sa mga ritwal sa halip na tunay na kabanalan. Sa halip na mahalin ang Diyos, sinukat nila ang kabanalan sa pamamagitan ng mga regulasyon. Sa halip na mahalin ang kanilang daigdig, itinayo ng Israel ang mga pader upang maiwasan ang maralitang mundo. Ipinakita ni Hesus na ang isang taong banal ay nagmamahal sa Diyos at nagmamahal sa kanyang kapwa.
[1]Marami sa mga material na ito ay hango/base sa Kent Brower, Holiness in the Gospels (Kansas City: Beacon Hill Press, 2005).
Ang Buhay ni Hesus ay Isang Modelo ng Kabanalan
Kapag binabasa natin ang tungkol sa kabanalan sa Lumang Tipan, maaari tayong matukso na sabihin, “Nakagagagawa iyan ng magandang teorya, ngunit ano ang magiging hitsura nito sa totoong buhay?” Dumating si Hesus upang ipakita sa atin kung ano ang itsura ng kabanalan sa pang-araw-araw na buhay. Ipinakita ng talaan ng angkan ni Lucas na si Hesus ay “ni Adan, ng Diyos” (Lucas 3:38). Kapag tiningnan natin si Hesus, ang anak ni Adan, nakikita natin ang perpektong modelo ng isang banal na tao. Ang mga Ebanghelyo ay nagpapakita ng kabanalan sa buhay ni Hesus ng Nazareth.
Ang Kabanalan ay Paglakad kasama ng Diyos
Kay Hesus, nakita natin ang modelo ng kaugnayan ng tao sa Diyos. Ipinakita ng buhay panalangin ni Hesus ang kaniyang matalik na kaugnayan sa kaniyang Ama. Si Hesus ay madalas na lumayo mula sa mga taoupang mapag-isa sa kanyang Ama. Sa kanyang sangkatauhan, si Hesus ay humingi ng isang malapit na kaugnayan sa kanyang makalangit na Ama. Lumakad siya kasama nang Diyos.
Marahil ang pinakadakilang larawan ng relasyon ni Hesus sa Ama ay nakikita sa kanyang sigaw mula sa krus. Nang dinala niya ang ating mga kasalanan sa krus, “sumigaw si Hesus ng may malakas na tinig, na sinasabi, ..... “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:46). Sa unang pagkakataon, ang malapit na pagsasama sa pagitan ng Ama at ng Anak ay nasira. Sa pagdadala sa ating kasalanan, naranasan ni Hesus ang kadiliman ng nasirang relasyon sa Ama.
Ipinakita ni Hesus ang matalik na kaugnayan sa Diyos. Ang kabanalan na iminungkahi ni Abraham at David ay natupad sa buhay ni Hesus ng Nazareth
Ang Kabanalan ay Pagbubukod
Ang pagiging banal ay nangangahulugang ibukod mula sa kasalanan at italaga para sa Diyos. Sa kanyang sangkatauhan, si Hesus ay nagpakita ng pagbubukod mula sa kasalanan. Siya ay walang nagawang kasalanan (2 Mga Taga-Corinto 5:21). Ang disipulo na pinakamalapit kay Hesus sa panahon ng kanyang ministeryo sa lupa ay nagpatotoo, “Sa kanya’y walang kasalanan” (1 Juan 3:5).
Sa kanyang sangkatauhan,ipinakita ni Hesus ang pagiging hiwalay para sa Diyos. Siya aynamuhay ng may kusang pagsunod sa Ama. Ipinatotoo ni Hesus, “At siya na nagsugo sa akin ay kasama ko, hindi niya ako pinabayaang nag-iisa; sapagkat lagi kong ginagawa ang mga bagay na nakakalugod sa kanya.” (Juan 8:29). Si Hesus ay itinalaga ang sarili para sa Kanyang Ama.
Ang Kabanalan ay ang Larawan ng Diyos
Ang pagiging banal ay upang ipakita ang larawan ng Diyos. Kapag tinitingnan natin si Hesus, nakikita natin ang perpektong larawan ng Ama. “At naging tao ang Salita at tumahang kasama namin, at nakita namin ang kanyang kaluwalhatian, kaluwalhatiang gaya ng sa tanging Anak ng Ama, puspos ng biyaya at katotohanan.” (Juan 1:14). Nang hilingin ni Felipe kay Hesus na “ipakita mo sa amin ang Ama,” sumagot si Hesus, “Ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama.” (Juan 14:8-9). Kay Hesus, nakita natin ang perpektong larawan ng Diyos.
Ang Kabanalan ay Hindi Nag-aaalinlangang Puso
Ang isang taong banal ay may hindi nag-aaalinlangang puso; siya ay lubusang tinalaga ang sarili para sa Diyos. Sa Hardin ng Gethsemane, nanalangin si Hesus, “Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang kopang ito; gayunma’y huwag ang kalooban ko ang mangyari kundi ang sa iyo” (Lucas 22:42). Ang puso ni Hesus ay lubusang nagpapasakop sa kalooban ng Ama. Ipinakita ni Hesus kung ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng hindi nag-aaalinlangang puso.
Ang Kabanalan ay Katuwiran
Ang tunay na kabanalan ay nangangailangan ng matuwid na asal. Ang isang taong banal ay minarkahan ng may katarungan, may awa, at mapagpa-kumbaba. Sa buhay ni Hesus, nakikita natin ang perpektong halimbawa ng katuwiran.
Ang tunay na larawan ng katarungan ay nakikita noong si Hesus ay nagdala ng poot ng Diyos sa krus. Hindi itinakwil ni Hesus ang katarungan ng parusa ng kasalanan; Sa halip, binayaran niya ang parusa para sa atin.
Nagpakita si Hesus ng awa sa kanyang paggamot sa mga ketongin, kababaihan, mga bata, at mahihirap. Nagpakita siya ng awa sa babaeng nakuha sa pangangalunya, kay Zacchaeus, at sa magnanakaw sa krus. Paulit-ulit na tumugon si Hesus nang may awa sa mga tinanggihan ng iba.
Mahigit 700 taon bago ang kapanganakan ni Hesus, inilarawan ni Isaias ang kapakumbabaan ng Mesiyas. “Siya’y walang anyo o kagandahan man na dapat nating pagmasdan siya, at walang kagandahan na maiibigan natin sa kanya.” (Isaias 53:2). Si Isaias ay nagpropesiya, “Siya’y hindi sisigaw, o maglalakas man ng tinig, o ang kanyang tinig man sa lansangan ay iparirinig. Ang gapok na tambo ay hindi niya babaliin, ni ang mitsa na bahagyang nagniningas ay hindi niya papatayin;” (Isaias 42:2-3).
Ipinakita ni Hesus ang kanyang misyon ng hustisya, awa, at kapakumbabaan sa kanyang unang pampublikong pangaral. Sa sinagoga sa Nazareth, binasa niya ang propesiya ni Isaias tungkol sa darating na Lingkod:
Ang Espiritu ng Panginoon ay nasa akin, sapagkat ako’y hinirang niya upang ipangaral ang magandang balita sa mga dukha. Ako’y sinugo niya upang ipahayag ang paglaya sa mga bihag, at ang muling pagkakaroon ng paningin sa mga bulag, upang palayain ang mga naaapi, upang ipahayag ang taon ng biyaya mula sa Panginoon. (Lucas 4:18-19, mula sa Isaias 61:1-2).
Nakita ni Isaias ang “taon ng pabor ng Panginoon,” isang panahon ng katarungan para sa lahat ng tao. Ipinahayag ni Hesus na siya ay dumating upang tuparin ang pangakong ito: “Ngayo’y naganap ang kasulatang ito sa inyong pandinig” (Lucas 4:21). Ang ministeryo sa lupa ni Hesus ay naglaan ng isang halimbawa ng katuwiran.
Ang Kabanalan sa mga Ebanghelyo: Pagmamahal sa Ating Kapwa
Sa Aralin 7, nakita natin na upang maging banal ay ang pagmamahal sa Diyos nang walang pag-aaalinlangan o walang kahati. Ang pagiging banal ay dapat ding mahalin ang ating kapwa. Ibinigay ni Hesus ang dalawang utos na ito, “Mahalin mo ang Diyos” at “Mahalin mo ang Iyong Kapwa” bilang buod ng lahat ng kautusan (Marcos 12:29-31).
Ang tunay na pagmamahal sa Diyos ay laging nagdudulot ng pagmamahal tungo sa ibang tao. Kung minamahal natin ang Diyos, mamahalin natin ang mga taong minamahal ng Diyos. Ang kabanalan ay hindi kailanman nag-iisa; isang buhay na banal ay ipinapamuhay na may kaugnayan sa ating kapwa. Ang kabanalan ay perpektong pagmamahal sa Diyosat perpektong pagmamahal sa ibang tao. Ang perpektong pagmamahal sa Diyos ay hindi maaaring ihiwalay sa pagmamahal sa ating kapwa.
Inilahad ito ni Hesus sa ganitong paraan: “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, yamang ginawa ninyo ito sa isa sa pinakamaliit sa mga kapatid kong ito, ay sa akin ninyo ginawa.” (Mateo 25:40). Inugnay ni Juan ang pagmamahal natin sa Diyossa pagmamahal natin sa ating kapwa:
Kung sinasabi ng sinuman, “Iniibig ko ang Diyos,” at napopoot sa kanyang kapatid, siya ay sinungaling; sapagkat ang hindi umiibig sa kanyang kapatid na kanyang nakikita, ay hindi maaaring umibig sa Diyos na hindi niya nakita. At ang utos na ito na mula sa kanya ay nasa atin, na ang umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kanyang kapatid. (1 Juan 4:20-21).
Sa ugat nito, ang kasalanan ay pagiging makasarili. Sa hardin, ipinangako ni Satanas kay Eba na siya ay magiging katulad ng Diyos (Genesis 3:5). Sa Babel, ang mga tao ay determinadong gumawa ng isang pangalan para sa kanilang sarili (Genesis 11:4). Laban sa mga kalooban ng Diyos, hiniling ng Israel ang isang hari upang siya ay maging katulad ng lahat ng ibang mga bansa (1 Samuel 8:5). Sa bawat kaso, ang kasalanan ay pagiging makasarili.
Kung ang kasalanan ay pagiging makasarili, kung gayon ang kabanalan (ang kabaliktaran ng kasalanan) ay magsasama ng iba pang nakasentro. Kung ang kasalanan ay nagpapahintulot sa atin na maghanap para sa ating sariling kabutihan, kung gayon ang kabanalan ay magdudulot sa atin na hanapin ang kabutihan para sa ibang tao. Kung ang kasalanan ay pagmamahal sa sarili, ang kabanalan ay pagmamahal sa ibang tao. Ang pagiging banal ay ang pagmamahal sa ibang tao. Ang utos na madalas na paulit-ulit sa Bagong Tipan ay ang utos na magmahalan. Ito ay paulit-ulit na hindi bababa sa 55 beses.
Itinuro ni Hesus na ang kabanalan ay lubos na pagmamahal sa ibang tao. Ipinakita ni Hesus na ang isang taong banal ay naglalapit sa mga makasalanan sa isang banal na Diyos sa pamamagitan ng buhay na may banal na pagmamahal.
Ang pagsunod sa utos ng Diyos na “maging banal, sapagkat ako ang Panginoon mong Diyos ay banal” ay nangangailangan sa ating mahalin ang ating kapwa. Nagpakita si Hesus ng perpektong pagmamahal sa iba at tinuruan niya ang kanyang mga tagasunod na mahalin ang iba nang perpekto.
Ipinakita ni Hesus ang Perpektong Pagmamahal para sa Ibang Tao
Sa simula ng ministeryo ni Hesus, nagpadala si Juan na Tagapagbautismo ng mga tagasunod upang magtanong, “Ikaw ba ang darating o maghihintay pa kami ng iba?” (Lucas 7:19). Ang isang Pariseo ay maaaring umasa na tutugon si Hesus sa pagtuturo sa kanyang hiwalay na buhay at matalinong pagtuturo. Sa halip, itinuro ni Hesusang kanyang mapagmahal na paglilingkod sa iba:
Humayo kayo at sabihin ninyo kay Juan ang inyong nakikita at naririnig: ang mga bulag ay nakakakita, ang mga pilay ay nakakalakad, ang mga ketongin ay nalilinis, ang mga bingi ay nakakarinig, ang mga patay ay muling binubuhay, sa mga dukha ay ipinangangaral ang magandang balita. (Lucas 7:22).
Ang isang pagsisiyasat sa mga himala ni Hesus ay nagpapakita ng kanyang perpektong pagmamahal sa iba. Hiniling ng isang Mga Taga-Romanong senturion kay Hesus na pagalingin ang kanyang lingkod. Karamihan sa mga rabbi o tagapagturo na Hudyo ay tinanggihan ang kanyang kahilingan. Hindi lamang pinagaling ni Hesus ang alipin, pinuri niya ang pananampalataya ng Gentil na ito (Mateo 8:5-13).
Kahit na ang kanyang mga himala ay nagdala ng pagsalungat, si Hesus ay kumilos dahil sa pagmamahal. Nang lumapit sa kanya ang isang lumpo na babae, pinagaling niya siya sa Araw ng Pamamahinga. Kahit na wala sa Kautusan ang pumigil sa pagpapagaling na ito, hindi pinahintulutan ng mga Pariseo ang kagalingan sa Araw ng Pamamahinga. Dahil sa pagmamahal, binalewala ni Hesus ang galit ng mga lider ng relihiyon (Lucas 13:10-21).
Nagpakita si Hesus ng pagmamahal kahit nasa mga taong nahihirapan bilang bunga ng kanilang sariling mga pagkakasala. Nagpakita si Hesus ng pagmamahal sa isang babaing Samaritana na namuhay ng isang imoral na pamumuhay (Juan 4). Pinrotektahan niya ang isang babae na nahuli sa pangangalunya. Hindi itinatanggi ni Hesus ang kanyang kasalanan; inutusan Niya siyang “Humayo ka na at mula ngayo’y huwag ka nang magkasala.” (Juan 8:11). Alam ni Hesus na ang kabanalan ay nangangailangan ng paghihiwalay mula sa kasalanan, ngunit alam din niya na ang perpektong pagmamahal ay mas malakas kaysa sa kapangyarihan ng kasalanan.
Ilang oras bago ang kanyang kamatayan, nagpakita si Hesus ng pagmamahal para sa ibang tao. Si Malchus, ang lingkod ng mataas na punong pari, ay sinamahan ang kanyang panginoon upang arestuhin si Hesus sa hardin ng Gethsemane. Nang tagain ni Simon Pedro ang tainga ni Malchus, sinaway ni Hesus si Pedro at pinagaling si Malchus (Mateo 26:50-52). Ipinakita ni Hesus kung ano ang ibig sabihin na mahalin ang iyong kaaway.
Tulad noong si Hesus ay nakapako sa krus, ang isang magnanakaw ay humingi ng awa. Ang magnanakaw na ito ay nararapat na mamatay; siya ay isang marahas na kriminal. Si Hesus, na nagdurusa hindi para sa kanyang sariling mga kasalanan kundi para sa mga kasalanan ng lahat ng tao, ay nangako ng awa sa isang malapit ng mamatay na magnanakaw (Lucas 23:39-43). Sa kabila ng kanyang sariling paghihirap, mahal ni Hesus ang isang tao na tila hindi kanais-nais.
Tinuruan ni Hesusang Kanyang mga Tagasunod na Mahalin ng Perpekto ang Ibang Tao
Tinuruan ni Hesus ang kanyang mga tagasunod kung ano ang kahulugan ng prepektong pagmamahal. Ipinakita ni Hesus na ang perpektong pagmamahal ang pamantayan ng buhay sa kaharian ng Diyos.
Itinuro ni Hesus ang Perpektong Pagmamahal sa Pangaral sa Bundok (Mateo 5-7).
Ang utos na “Kayo ay dapat na maging perpekto sapagkat ang inyong Ama sa langit ay perpekto” ay ang sentro ng Pangaral sa Bundok. Ang utos na ito ay sinundan ng isang serye ng mga halimbawa ng pagmamahal sa ibang tao. Upang maging perpekto, tulad ng ating Ama sa langit na perpekto ay upang mabuhay ng isang buhay ng may hindi nahahating pagmamahal sa iba.
Kung ang kabanalan ay nangangahulugan lamang ng pagkakahiwalay mula sa panlabas na kasalanan, ang mga Pariseo ang pinakabanal sa mga tao. Sila ay tinatawag na “Ang Mga Nakahiwalay.” Before I forget to say again, Lesa and I will be out of the office Monday-Thursday morning next week. Then Wednesday, the 21st I have to report for Jury Duty downtown. Ipinakita ni Hesusna higit pa kaysa sa paghihiwalay ng mga Pariseo ang kinakailangan. “Malibang humigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga eskriba at mga Fariseo, ay hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.” (Mateo 5:20).
Kabaligtaran sa maling katuwiran ng mga Pariseo, ipinakita ni Hesus na ang mga mamamayan ng kaharian ng Diyos ay mga taong mapagmahal. Ang panlabas na pag-uugali na hindi tumutugma sa panloob na kabanalan ay pagpapaimbabaw, hindi kabanalan. Dapat tayong magkaroon ng banal na puso at banal na kamay.
Ang isang taong may perpektong pagmamahal ay higit pa sa pagsunod sa kautusan, “Huwag kang papatay.” Ang pagmamahal ay naghahanap ng pagkakasundo sa isang kapatid na nasaktan ang damdamin. Ang lalaking may perpektong pagmamahal ay higit na sumusunod sa mga kautusan, “Huwag kang mangalunya.” Ang pagmamahal ay tumangging tumingin man lang sa isang babae upang bigyang-kasiyahan ang makasariling mga pagnanasa.
Ang isang taong may perpektong pagmamahal ay hindi humingi ng dahilan para sa diborsyo. Mahal niya ang kanyang asawa na sapat upang hanapin ang kanyang pinakamahusay na interes. Ang isang taong may perpektong pagmamahal ay nagsasalita ng katotohanan nang walang mga butas. Ang isang taong may perpektong pagmamahal ay hindi naghahangad ng paghihiganti.
Ganito ang pagtatapos ni Hesus:
Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang umuusig sa inyo, upang kayo’y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit, sapagkat pinasisikat niya ang kanyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga matuwid at sa mga di-matuwid. (Mateo 5:44-45).
Ang pagmamahal tulad ng pagmamahal ng Diyos ay ang mahalin ang iyong kaaway. Hindi pinababa ni Hesus ang mga kahilingan ng kabanalan; pinataas niya ang mga kahilingan ng kabanalan. “Dapat humigit ang iyong katuwiran” sa panlabas na katuwiran ng mga eskriba at mga Pariseo (Mateo 5:20). Sa halip na pag-aayos para sa panlabas na pag-uugali lamang, binabago ng Diyos ang puso. Kapag nagmamahal ka gaya ng pagmamahal ng Diyos, ikaw ay perpekto, dahil ang iyong Amang nasa langit ay perpekto.
Itinuro ni Hesus ang Perpektong Pagmamahal sa Talinghaga ng Mabuting Samaritano (Lucas 10:25-37).
Nagtanong ang isang abugado ng relihiyon kay Hesus, “Guro, anong dapat kong gawin upang magmana ng buhay na walang hanggan?” Sumagot si Hesus sa pamamagitan ng pagtatanong, “Ano ba ang nakasulat sa kautusan? “ Alam ng abugado ang tamang sagot: “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, nang buong kaluluwa mo, nang buong lakas mo, at nang buong pag-iisip mo, at ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.”
Hindi nais ng abugado na harapin ang mga pangangailangan ng pagmamahal. Naghahanap siya ng isang dahilan upang maiwasan na isabuhay ang kanyang doktrina.” Subalit sa pagnanais niya na ipagmatuwid ang kanyang sarili ay sinabi kay Hesus, “At sino ang aking kapwa? “ Sumagot si Hesus gamit ang isang talinghaga tungkol sa mabuting Samaritano.
Itinuro ni Hesus na responsibilidad natin na mahalin ang ating kapwa hindi lamang sa mga salita, kundi sa mga aksyon. Tulad ng mabuting Samaritano, ang Kristiyano na lubos na nagmamahal ay naghahangad ng pagkakataong maglingkod sa iba - kahit sa isang kaaway. Kung mahal natin ang ating kapwa, hahanapin natin ang mga pagkakataong maglingkod. Itinanong ni Santiago:
Kung ang isang kapatid na lalaki o babae ay namumuhay nang hubad at kinukulang sa pagkain sa araw-araw, at ang isa sa inyo ay magsabi sa kanila, “Humayo kayong payapa, magpainit kayo at magpakabusog,” subalit hindi ninyo sila binibigyan ng mga bagay na kailangan ng katawan; anong pakinabang niyon? (Santiago 2:15-16).
Ang perpektong pagmamahal ay nakikita sa mga aksyon, hindi sa mga salita lamang. Ang mga taong banal ay nagmamahal katulad ng pagmamahal ni Hesus. Ang magmahal ng perpekto ay pagmamahal ng may pagsasakripisyo.
Itinuro ni Hesus ang Perpektong Pagmamahal sa pamamagitan ng Paghuhugas ng mga Paa ng Kanyang mga Disipulo (Juan 13:1-20)
Noong gabi bago ang pag-aresto sa kanya, itinuro ni Hesus ang isa sa kanyang pinakadakilang aral tungkol sa perpektong pagmamahal. Habang kumakain sila sa pag-alaala ng Paskuwa, nagsimulang magtalo ang mga alagad kung sino sa kanila ang pinakadakila.
Tumugon si Hesus, “Sapagkat alin ang higit na dakila, ang nakaupo ba sa hapag, o ang naglilingkod? Hindi ba ang nakaupo sa hapag? Subalit ako’y kasama ninyo na gaya ng isang naglilingkod. “ (Lucas 22:27). Pagkatapos ay kumuha siya ng isang tuwalya at nagsimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad, ang gawain ng isang alipin. Lumuhod si Hesus at hinugasan ang mga paa ng bawat tao sa silid - kahit na ang mga paa ni Judas.
Nang tapos na siya, tinanong ni Hesus, “Naiintindihan nyo ba kung ano ang ginawa ko sa inyo?” Nais niyang ituro sa mga alagad na naghahanap sa posisyong ito ang mahalagang aral:
Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon at tama kayo, sapagkat ako nga. Kung ako nga, na Panginoon at Guro ay naghugas ng inyong mga paa, kayo man ay dapat ding maghugas ng mga paa ng isa’t isa. Sapagkat kayo’y binigyan ko ng halimbawa, upang gawin din ninyo ayon sa ginawa ko sa inyo. (Juan 13:13-15).
Sa huling mga oras na kasama ang kanyang mga disipulo, itinuro ni Hesus na ang perpektong pagmamahal ay mapagpakumbaba. Ang perpektong pagmamahal ay hindi naghahanap ng posisyon; Ang perpektong pagmamahal ay naghahanap ng mga pagkakataon para sa paglilingkod. Ang kabanalan ay perpektong pagmamahal.
Isang Buhay ng Perpektong Pagmamahal
Sinabi ni Hesus, “Kaya’t kayo nga’y maging sakdal, gaya ng inyong Ama sa langit na sakdal.” (Mateo 5:48). Maraming tao ang tumutugon, “Walang sinuman ang perpekto!” Gayunpaman, hindi natin pwedeng hindi pansinin ang utos ni Hesus, “Maging perpekto.” Ano ang ibig sabihin niya? Posible ba na sundin ng mga ordinaryong Kristiyano ang utos ni Hesus?
Ano ang Kahulugan ng “Maging Perpekto”?
Dalawang bagay ang tumutulong sa atin na maunawaan ang kahulugan ni Hesus. Una, tingnan ang kahulugan ng salitang Griego na isinaling “sakdal” sa Mateo 5:48. Ang ibig sabihin ng Teleios ay “maging kumpleto.” Ang Teleios ay nagmula sa isang pangngalan na nangangahulugan na “goal” o “layunin.” Upang maging perpekto ay nangangahulugang maabot ang isang layunin.
Ipinakikita ng Lumang Tipan na ang isang perpektong tao ay may pusong hindi nag-aalinlangan sa Diyos. Ang ideyang ito ay nagpapatuloy sa Bagong Tipan. Ang layunin ng Diyos para sa kanyang bayan ay “lubos na pagmamahal,” pagmamahal mula sa isang walang pag-aalinlangang puso. Sa ating sariling lakas ay possible ba ang perpektong pagkilos? Hindi. Ang perpektong, walang kahating pagmamahal sa Diyos ay posible? Sinabi ni Hesus, “Oo.”
Pangalawa, tingnan ang konteksto ng Mateo 5:48. Ipinakikita ng mga talata bago at pagkatapos ng Mateo 5:48 na upang maging perpekto ang pagmamahal sa Diyos at sa ating kapwa ay kinakailangang may perpektong pagmamahal. Ang utos ni Hesus ay nagbubuod ng isang buhay ng pagmamahal tungo sa Diyos at sa ating kapwa.
Ang utos na “Ikaw ay dapat na maging perpekto” ay sumusunod sa mga halimbawa ng pagmamahal sa ating kapwa sa Mateo 5:21-47. Sa halip na pagpatay, pangangalunya, diborsyo, nasirang mga panata at paghihiganti, ang mga taong banal ay namumuhay sa pagmamahal. Ang huling sa mga utos na ito ay “Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang umuusig sa inyo” (Mateo 5:44). Ang mga taong banal ay nagmamahal sa mga nagnanais na gumawa sa kanila ng masama. Ang pagiging perpekto ay nangangahulugang magmahal katulad ng pagmamahal ng Diyos.
Pagkatapos agad ng utos na ito, nagbigay si Hesus ng mga halimbawa kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pagmamahal sa Diyos sa Mateo 6:1-18. Ang mga mapagkunwari ay nagbibigay sa mga dukha upang makatanggap ng karangalan mula sa mga tao; ang mga nagmamahal sa Diyos ay lubos na nagbibigay upang makita ng kanilang Ama na nakakikita sa mga lihim.”
“Ibig ng mga mapagkunwari na tumayo at manalangin sa mga sinagoga at sa mga kanto ng lansangan, upang sila ay makita ng iba.” Yaong mga umiibig ng perpekto sa Diyos ay pumapasok sa kanilang silid at isinasara ang pinto at nananalangin sa kanilang Ama nang lihim. Ang mga mapagkunwari ay nag-aayuno upang magpakita sa ibang tao; “pinasasama nila ang kanilang mga mukha upang ang kanilang pag-aayuno ay makita ng iba.” Ang mga nagmamahal ng perpekto sa Diyos ay nagnanais na makita lamang ng kanilang Ama na nakakakita nang lihim.
Iniutos ni Pablo sa mga mananampalataya sa Colosas na mamuhay ng isang buhay na banal. Inilarawan niya ang isang buhay ng pagmamahal at kapatawaran:
Bilang mga hinirang ng Diyos, mga banal at minamahal, magbihis kayo ng kahabagan, ng kabaitan, ng kababaang-loob, ng kaamuan, at ng katiyagaan. Pagtiisan ninyo ang isa’t isa, at kung ang sinuman ay may reklamo laban sa kanino man, magpatawaran kayo sa isa’t isa… (Colosas 3:12-13).
Ang rurok ng listahang ito ay pagmamahal. “At higit sa lahat ng mga bagay na ito ay magbihis kayo ng pag-ibig na siyang tali ng kasakdalan.” (Colosas 3:14). Upang maging perpekto ay upang “magmahal.” Nang sabihin ni Hesus “Maging perpekto kayo,” iniutos niya sa atin na magkaroon tayo ng pagmamahal para sa Diyos at para sa ating mga kapwa. Ang perpektong pagmamahal ay pagmamahal mula sa isang walangkahating puso.
Gaano kaperpekto ang Perpektong Pagmamahal?
Sa pangkaraniwang paggamit, minsan ay ginagamit natin ang salitang “perpekto” sa isang ganap na kahulugan. Ginagamit natin ang “perpekto” upang mangahulugan ng isang bagay na hindi maaaring mapabuti o tumaas. Kung iniisip natin ang “sakdal” bilang ganap na antas ng tagumpay, susukatin natin ang kabanalan sa pamamagitan ng ating mga gawa. Tulad ng mga Pariseo, titingnan natin ang kabanalan bilang isang sukatan.
Maraming tao ang gumagamit ng ganitong paraan sa banal na buhay. Tulad ng mga Pariseo, mayroon silang listahan ng mga kahon upang suriin. Kung ang lahat ng mga kahon ay minarkahan, sagayun iniisip nila na sila ay “perpekto.”
“Tinutupad ko ba ang mga utos?”
“Nagsusuot ba ako ng tamang damit?”
“Sinasabi ko ba ang mga tamang salita?”
Sa Biblia, ang salitang “sakdal” ay hindi lubos. Hindi nito tinatanggihan ang paglago. Si Job ay sakdal (Job 1:1), ngunit lumago siya sa kanyang kaugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng mga karanasan na napagtiisan niya.
Sa Biblia, ang maging perpekto ay nangangahulugang maging ganap sa bawat yugto ng paglago. Ang manunulat ng Hebreo ay sumulat sa mga Kristiyano na hindi perpekto para sa kanilang yugto ng paglago. Nabigo silang lumago sa espirituwal na kaganapan.
Sapagkat bagaman sa panahong ito’y dapat na kayo’y mga guro na, kailangang muling may magturo sa inyo ng mga unang simulain ng aral ng Diyos. Kayo’y nangangailangan ng gatas, at hindi ng pagkaing matigas. Sapagkat bawat tumatanggap ng gatas ay walang alam sa salita ng katuwiran palibhasa’y isa siyang sanggol. Ngunit ang pagkaing matigas ay para sa mga nasa hustong gulang, na dahil sa pagsasagawa ay nasanay ang kanilang mga pandama na makilala ang pagkakaiba ng mabuti at masama. (Hebreo 5:12-14).
Ang sumulat ng Hebreo ay hindi nagpanukala na ang mga ganap (o perpekto) na mga mananampalataya ay hindi na nangangailangan ng espirituwal na pagkain! Pinagtutulakan Niya sila patungo sa kaganapan sa gulang, upang makakain sila ng espirituwal na pagkain na angkop para sa kanilang espirituwal na gulang. Upang maging perpekto ay pagiging maayos na paglago para sa ating yugto ng karanasan bilang isang Kristiyano. Ang pagiging perpekto ay nangangahulugan na tayo ay kumpleto at buo; tayo ay nagiging kung ano ang nilalayon ng Diyos para sa atin.
Sa halip na isang kahoy na panukat, ang larawan ng Biblia ng pagiging perpekto ay isang bilog. Ang bilog ay perpekto; hindi ito maaaring gawing mas pabilog. Gayunpaman, ang isang perpektong bilog ay maaaring maging mas malaki; ang isang perpektong bilog ay maaaring lumago at palawakin. Ito ay perpekto, ngunit ito ay lumalaki pa rin.
Ang isang taong banal ay puno ng perpektong pagmamahal para sa Diyos at sa kanilang kapwa. Habang tayo’y nagiging ganap, ang ating kapasidad para sa pagmamahal ay lumalaki. Lumalawak ang bilog. Habang nagmamature tayo, ang ating pagmamahal ay “lalo pang sumagana sa kaalaman at sa lahat ng pang-unawa” (Filipos 1:9). Sa bawat yugto ng paglago, sinasabi ng Diyos, “Ang taong ito ay nagmamahal sa akin na may isang perpektong pagmamahal. Sila ay mga banal.”
Ang isang tao na lumalakad na kasama ng Diyos ng 40 taon ay mas maunawaan kung paano magpapakita ng pagmamahal sa kanilang kapwa kaysa isang tao na lumakad kasama ng Diyos ng isang taon. Ngunit kapwa nila maaaring ibigin ang kanilang kapwa mula sa isang ganap na puso. Pareho silang maaaring magpakita ng perpektong pagmamahal.
Kapag ang isang limang taong gulang na bata ay gumuhit ng larawan para sa kanyang ama, sinasabi niya, “Salamat! Ito ay perpekto!” Hindi niya sinasabi na ang kanyang likhang sining ay hindi na maaaring maging mas mahusay. Kapag siya’y 15 taon na, ang parehong batang ito ay guguhit ng isang mas mahusay na larawan.
“Ito ay perpekto!”na nangangahulugang, “Ang larawang ito ay nagmula sa mapagmahal na puso. Ito ay tama para sa kanyang yugto ng pagiging ganap.”
Ang perpektong pagmamahal ay hindi isang pamantayan ng pagkilos. Ang perpektong pagmamahal ay hindi nahahating pagmamahal sa Diyos at sa ibang mga tao. Ang perpektong pagmamahal ay pagsunod sa halimbawa ni Hesus, ang isang dumating upang ipakita ang perpektong pagmamahal sa pang-araw-araw na buhay.
Posible ba ang Perpektong Pag-ibig para sa Ordinaryong Mananampalataya?
Ang mga Puritano noong ika-17 siglo ay nagsaad ng isang mahalagang prinsipyo ng pagbibigay-kahulugan sa Biblia. Sinabi nila na ang mga kautusan ng Biblia ay “mga natatagong pangako.” Ang mga Puritano ay nagbigay-kahulugan na ang mga kautusan ng Biblia ay pangakong naikubli. Ang isang kautusan ng Biblia ay nagpapahiwatig ng isang pangako ng Biblia. Kung nag-uutos ang Diyos ng isang bagay, gagawin niyang posible ang pagsunod. Ang hinihiling ng Diyos sa kanyang bayan, gagawin niya sa kanyang bayan.
Isipin ang isang ama dito sa mundo na nagbibigay sa kanyang anak ng isang imposibleng utos. “Anak, kung gusto mong maging kalugud-lugod sa akin, dapat kang tumakbo ng isang milya sa loob ng dalawang minuto.” Sa isang sandali, maaaring subukan ng anak na makamit ang layuning ito, ngunit imposible ang inaasahan ng kanyang ama. Sa kalaunan ang anak ay mawalan ng pag-asa o naging mapait ang damdamin. Ito ba ay isang mabuting ama? Hindi.
Ang Diyos ay isang mabuting Ama. Hindi niya hahayaang mabigo ang kanyang mga anak ng imposibleng mga utos. Nang inutusan tayo ni Hesus na maging perpekto katulad ng ating Ama sa langit na perpekto, binibigyang kakayahan niya tayo na sundin ang kanyang utos.
Ang Pangaral sa Bundok ay nagpapakita ng buhay sa kaharian ng Diyos. Ito ay hindi isang bagong kautusan na nagdudulot ng higit na pagkaalipin kaysa sa lumang kautusan. Ito ay hindi isang listahan ng mga hindi maaabot na mga ideya upang ipakita sa atin kung gaano tayo kalayo mula sa mga hinihinging pagtugon ng Diyos. Ito ay isang larawan ng pang-araw-araw na buhay sa kaharian ng Diyos. Hindi sinasabi ni Hesus na, “Ito ang aking utos, ngunit hindi ka maaaring makasunod!” Sa halip, sinabi ni Hesus, “Magiging ganito ka.”
Kung titingnan natin ang utos ni Hesus sa pamamagitan ng pagtingingamit ang kakayahan ng tao, ito ay imposible. Sa lakas ng tao, hindi natin matutupad ang utos ng Diyos na maging perpekto. Sa lakas ng tao, hindi natin kayang mahalin ang Panginoong ating Diyos nang ating buong puso at ng ating buong kaluluwa at ng ating buong isip. Gayunpaman, sa lakas ng Diyos, maaari nating sundin ang mga utos ng Diyos. Ang perpektong pagmamahal ay posible sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos.
Isang binatang mayaman ang nagtanong, “Guro, anong mabuting bagay ang dapat kong gawin upang magkaroon ako ng buhay na walang hanggan?” (Mateo 19:16). Sumagot si Hesus sa pamamagitan ng paglilista ng mga utos:
Huwag kang papatay; Huwag kang mangangalunya; Huwag kang magnanakaw; Huwag kang sasaksi para sa kasinungalingan; Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili. (Mateo 19:18-19).
Nang sabihin ng binata, “Sinunod ko na ang lahat ng mga ito” si Hesus ay nagdagdag ng isa pang utos. “Kung ibig mong maging ganap, humayo ka, ipagbili mo ang iyong mga ari-arian at ibigay mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit; pagkatapos ay pumarito ka, at sumunod ka sa akin.” (Mateo 19:20-21). Ang pagiging perpekto ay nangangahulugang mahalin si Hesus nang higit kaysa ari-arian.
Ang binata ay umalis na sobrang lungkot, sapagkat siya ay maraming ari-arian. Ang binatang mayaman ay hindi perpekto ang pagmamahal sa kanyang kapwa; hindi niya ibebenta ang kanyang mga ari-arian at ibibigay sa mahihirap. Hindi niya lubos na minamahal ang Diyos; hindi niya iiwan ang kanyang bahay upang sumunod kay Hesus. Ang binatang ito ay may nahahating puso. Nais niya ang Diyos, ngunit nais din niya ang kanyang maraming ari-arian.
Nang makita nila ang mga kinakailangan upang maging tagasunod, ang mga alagad ay “lubhang nagtaka” at nagtanong, “Kung gayon, sino kaya ang maliligtas?” ang tugon ni Hesus sa tanong, “Ang pagiging perpekto ba ay posible para sa mga ordinaryong mananampalataya?” Sinabi ni Hesus, “Sa mga tao, ito ay hindi maaaring mangyari, ngunit sa Diyos, ang lahat ng mga bagay ay maaaring mangyari” (19:25-26).
Sa lakas o kakayanan ng tao, ang perpektong pagmamahal sa Diyos at sa ating kapwa ay imposible. Ngunit “sa Diyos ang lahat ng bagay ay posible.” Hindi pinapahirapan ng isang mapagmahal na Ama ang kaniyang mga anak sa pagbibigay nang mga utos na hindi kayang matupad. Ang mga kautusan ng Kasulatan ay may kasamang biyaya upang sundin ang mga utos. “Maging perpekto kayo katulad nang inyong Ama sa langit na perpekto” ay hindi isangligalistikna samahan upang itaboy ang mga Kristiyano sa kawalan ng pag-asa. Ito ay isang biyayang pangako na maaaring gawin ng Diyos sa atin na isang bagay na hindi natin magagawa sa ating sarili.
Posible bang sundin ang utos ni Hesus na maging perpekto? Ayon sa Pangaral sa Bundok, ang sagot ay isang masayang “Oo!” Para maging perpekto sa kaharian ng Diyos ay pagkaroon ng pusong may perpektong pagmamahal. Upang maging perpekto sa kaharian ng Diyos ay pagkaroon ng di nag-aalinlangang pagmamahal para sa Diyos at sa ating kapwa. Posible ba ito? Ayon kay Hesus, ang perpektong pagmamahal ay posible at kinakailangan. Ang perpektong pagmamahal ay ang layunin ng Diyos para sa kanyang bayan.
Ang Pagsasabuhay ng Kabanalan: Paano Tinutupad ng Pagmamahal ang Kautusan?
Sinasabi ni Jason, “Mahal ko ang Diyos nang aking buong puso. At mahal ko ang karamihan sa ibang mga tao. Ngunit hindi ko kayang mahalin ang mga maiitim na tao. Sa tingin ko lahat ng mga maiitim ay tamad.”
Tumugon ang kaibigan ni Jason, “Ngunit dapat mahalin ng mga Kristiyano ang lahat! Hindi maaaring hatulan ng mga Kristiyano ang ibang tao nang hindi makatarungan.” Sumagot si Jason, “Sa palagay ko ang Diyos ay hindi interesado sa mga maliit na bagay katulad nito. Hindi ba normal na iwasan ang mga taong naiiba kaysa sa atin?”
Sinabi ng Diyos, “Ang mga taong banal ay tinatrato ng maayos ang lahat ng tao – kabilang ang mga iba sa atin - na may habag at awa.”
Mabuti ang inyong ginagawa kung tunay na inyong ginaganap ang kautusang maka-hari, ayon sa kasulatan, “Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.” Subalit kung kayo’y nagpapakita ng pagtatangi, kayo ay nagkakasala at kayo’y inilalantad ng kautusan bilang mga lumalabag. (Santiago 2:8-9).
Ang isang sukatan ng iyong pag-uugali ay kung paano mo tinatrato ang mga taong walang magagawa para sa iyo. Madaling magpakita ng paggalang at karangalan sa mga taong nasa posisyon upang gantimpalaan tayo ng pera, trabaho, o awtoridad. Ang pagmamahal ay nagpaparangal sa mga walang magagawa para sa atin: ang mga mahihirap, matatanda, bata, at iba pa na walang posisyon. Ang “utos ng Diyos” ng pagmamahal ay nakakaapekto sa kung paano natin tinatrato ang lahat. Ang pagmamahal ay tinutupad ang kautusan.
Tinutupad nang Pagmamahal ang Kautusan
Ang tema ng perpektong pagmamahal ay nakasentro sa mensahe ng isang buhay na banal. Sa Aralin 7, nakita natin na ang pagmamahal para sa Diyos ay higit pa sa isang damdamin. Binabago ng pagmamahal para sa Diyos ang buong focus ng ating buhay. Ngayon ay nais nating paluguran ang Diyos nang higit pa kaysa sa nais natin na masiyahan ang ating sarili. Sa katulad na paraan, ang pagmamahal para sa ating kapwa ay ginagalaw ang ating pagtuon ng pansin mula sa ating sarili patungo sa iba.
Sumulat si Pablo sa Iglesya sa Mga Taga-Roma:
Huwag kayong magkautang ng anuman sa kaninuman, kundi mag-ibigan sa isa’t isa, sapagkat ang umiibig sa kanyang kapwa’y nakatupad na ng kautusan. Ang mga utos na, “Huwag kang mangangalunya; Huwag kang papatay; Huwag kang magnanakaw; Huwag kang mag-iimbot;” at kung mayroon pang ibang utos, ay nauuwi sa salitang ito, “Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.” Ang pag-ibig ay hindi gumagawa ng masama sa kanyang kapwa; ang pag-ibig ang siyang katuparan ng kautusan. (Mga Taga-Roma 13:8-10).
Bawat Kristiyano ay may utang,utang ng pagmamahal. Tinitiyak sa atin ni Pablo na kung matugunan natin ang obligasyon ng pagmamahalan, natutugunan natin ang lahat ng iba pang mga obligasyon ng kautusan. Kung mahal natin ang ibang tao, hindi tayo mangangalunya, papatay, magnakaw, o mag-imbot. Ang mga obligasyon ng kautusan ay matutupad kapag mahal ko ang aking kapwa bilang aking sarili.
Sa dulong mga kabanata ng Mga Taga-Roma, ipinakita ni Pablo kung paano natutupad ng pagmamahal ang kautusan. Ang mga napuspos ng pagmamahal ng Diyos:
Naglilingkod sa katawan ni Kristo sa halip na sa kanilang sarili (Mga Taga-Roma 12:3‑5)
Hinahatulan ang kasamaan at pinanghahawakan ang mabuti (Mga Taga-Roma 12:9)
Makipagkumpetensya sa pagpapakita ng karangalan sa iba (Mga Taga-Roma 12:10)
Nangangalaga sa mga pangangailangan ng iba (Mga Taga-Roma 12:13)
Mamuhay ng may kapayapaan kasama ang iba, maging ang kanilang mga kaaway (Mga Taga-Roma 12:14-21)
Magpasakop sa awtoridad na namamahala (Mga Taga-Roma 13:1-7)
Igalang ang mga paniniwala ng ibang mga mananampalataya (Mga Taga-Roma 14:1-23)
Tumulong sa mga pangangailangan ng kanilang kapwa katulad ng ginawa ni Kristo (Mga Taga-Roma 15:1-3)
Ang pagmamahal para sa Diyos ay binabago ang oryentasyon ng ating puso mula sa ating sarili patungo sa Diyos. Ang pagmamahal sa ating kapwa ay binabago ang oryentasyon ng ating puso mula sa ating sarili patungo sa ibang tao. Parehong bahagi ito kung ano ang ibig sabihin ng pagiging isang taong banal.
Ibinuod ni John Wesley ang kahulugan ng pagiging perpektong Kristiyano:
Ang pagmamahal ay ang pinakamataas na kaloob ng Diyos; kapakumbabaan, pagiging mahinahon, mapagtiis na pagmamahal. Ang lahat ng mga pangitain, mga pahayag, o mga regalo ay maliit na bagay kumpara sa pagmamahal. Walang mas mataas sa relihiyon; kung hinahanap mo ang anuman maliban sa higit na pagmamahal, ikaw ay naghahanap ng malayo sa marka, naliligaw ka mula sa maharlikang daan.
At kapag nagtatanong ka sa iba, “Natanggap mo ba ito o ang pagpapalang iyon?” Kung ang ibig mong sabihin ay higit pang pagmamahal, nagkakamali ka; inililigaw mo sila mula sa daan, at inilalagay ang mga ito sa maling layunin. Tiyakin mo nga sa iyong puso, na mula sa sandaling iniligtas ka ng Diyos mula sa lahat ng kasalanan, hindi ka na magnanais nang higit pa sa rito, ngunit higit pa sa pagmamahal na inilalarawan sa 1 Mga Taga-Corinto 13. Hindi ka na hihigit pa kaysa sa rito.[1]
Pagmamahal sa ating Kapwa Kristiyano
Ipapakita ng dalawang parte ng buhay kung ano ang itsura at kung gaano kaperpekto ang pagmamahal kaugnayan sa ibang mga Kristiyano.
Ang pagmamahal ay nirerespeto ang mga paniniwala ng iba pang mga Kristiyano
Sa pagsulat sa mga Kristiyano sa Corinto, binigyang pansin ni Pablo ang isyu ng kalayaan ng Kristiyano. Paano ako dapat tumugon sa ibang mananampalataya na maaaring nasaktan sa espirituwal dahil sa aking kalayaan? Sumulat si Pablo sa “matitigas” na mga Kristiyano na nagsabing, “Alam namin na ang mga diyos-diyosan ay walang halaga. Ang pagkain ng pagkaing inihandog sa mga diyos-diyosan ay walang anumang ibig-sabihin sa atin.” Tumugon si Pablo:
Mag-ingat kayo, baka ang kalayaan ninyong ito ay maging katitisuran sa mahihina. Sapagkat kapag nakita ka ng iba na nakikisalo sa pagkain sa templo ng diyus-diyosan, ikaw na nagtataglay ng kaalaman, hindi kaya sila maganyak na kumain ng mga bagay na inihain sa mga diyus-diyosan, yamang mahina ang kanilang budhi? Kaya’t sa pamamagitan ng iyong kaalaman ay napahamak ang mahina, ang kapatid na dahil sa kanya’y namatay si Cristo. Kaya’t sa pagkakasala laban sa mga kapatid, at sa pagsugat sa kanilang mahinang budhi, ay nagkakasala kayo laban kay Cristo. Kaya, kung ang pagkain ay nakapagpapatisod sa aking kapatid, kailanman ay hindi ako kakain ng karne, upang ako’y huwag makapagpatisod sa aking kapatid. (1 Mga Taga-Corinto 8:9-13).
Ititigil ni Pablo ang pagkain ng karne para sa natitirang bahagi ng kanyang buhay kaysa maging sanhi ng pagkahulog sa kasalanan ng isang mahinang kapatid. Ang ibig sabihin ng perpektong pag-ibig ay higit na pagmamalasakit para sa kaligtasan ng isa pang Kristiyanong kapatid kaysa sa kanyang sariling mga karapatan. Nang maglaon, sinabi ni Pablo, “tinitiis namin ang lahat ng mga bagay, upang huwag kaming makahadlang sa ebanghelyo ni Cristo.” (1 Mga Taga-Corinto 9:12).
Sinabi ng mga taga-Corinto, “Malaya tayong gawin ang anumang nais nating gawin. Hindi natin dapat isaalang-alang ang mga pangangailangan ng ibang mananampalataya.” Sinabi ni Pablo, “Malaya akong maglilingkod sa mga pangangailangan ng ibang mananampalataya. Hindi ako alipin ng aking sariling mga pagnanasa at mga karapatan. Malaya akong mahalin ang iba.” Ito ang perpektong pag-ibig na nais ng Diyos na ibigay sa bawat Kristiyano.
► Basahin ang Mga Taga-Roma 14.
Sa iglesya sa Mga Taga-Roma, may mga Kristiyanong “mahina” na kumakain lamang ng mga gulay. Ang mga ito ay maaaring mga Judiong Kristiyano na patuloy na sumunod sa mga kautusan sa pagkain ng mga Hudyo at ayaw nilang sumuong sa panganib ngpagkain ng maruming pagkain. Mayroon ding mga Kristiyanong “malakas” na may higit na kaalaman at alam na ang mga kautusan sa pagkain ay hindi na umiiral sa Kristiyano.
Ipinakita ni Pablo sa bawat grupo kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal katulad ng pagmamahal ni Kristo. Ang Kristiyanong “mahina” ay hindi dapat hatulan ang taong kumakain ng karne. Ang pagmamahal ay hindi humahatol.
Gayunpaman, hindi dapat itakwil ng Kristiyanong “malakas” ang mahinang Kristiyano at hindi dapat gamitin ang kanyang kalayaan sa isang paraan na magpapahina sa pananampalataya ng mahihina. Sa halip, ang Kristiyanong matibay ay dapat isuko ang kanyang mga karapatan upang maiwasan ang pagkasira ng pananampalataya ng isang mahinang mananampalataya. Bakit? Para sa kapakanan ng pagmamahal:
Kung dahil sa pagkain ay nasasaktan ang kalooban ng iyong kapatid, hindi ka na lumalakad ayon sa pag-ibig. Huwag mong ipahamak dahil sa iyong pagkain ang mga taong alang-alang sa kanila ay namatay si Cristo. (Mga Taga-Roma 14:15)
Ito ang kahulugan ng ibigin ang iyong kapwa Kristiyano. Dapat tayong magmahal katulad ng pagmamahal ni Kristo. Ibinigay niya ang kanyang buhay para sa mahinang kapatid; tiyak na sinasabi ni Pablo, maaari nating isuko ang ating karapatang kumain ng karne.
► Talakayin ang isang bahagi kung saan ang pagiging taos-puso at makadiyos ay nagkakaiba-iba ang mga mananampalataya. Ang mga ito ay mga bahagi ng pagtuturo sa biblia na hindi malinaw; ang mga ito ay mga bahagi ng iba’t ibang paniniwala. Ilapat ang mga prinsipyo ni Pablo mula sa Mga Taga-Roma 14 sa isyung ito. Paano dapat talakayin ng bawat pangkat – “mahina” at “malakas” na mga Kristiyano - ang bahaging ito?
Ang Pagmamahal ay nagmamalasakit sa isang Kristiyanong nahulog sa kasalanan
Si Rachel ay isang Kristiyanong niloko sa isang transaksyon sa negosyo ng isang kapwa miyembro ng Iglesya. Binentahan ni Jose si Rachel ng isang gamit na kotse, kahit na alam niyang may malubhang problema sa makina ang sasakyan. Si Jose ay nagsinungaling kay Rachel, “Ipinasuri ko ang kotseng ito sa isang mekaniko. Ito ay nasa magandang kalagayan. Mapagkakatiwalaan mo ako. Ako ay isang Kristiyano.”
Pagkalipas ng dalawang araw pagkatapos bilhin ang sasakyan, nalaman ni Rachel na ang transmission sa kotse ay hindi maayos - at ang problemang ito ay alam ni Jose.
► Ano ang dapat gawin ni Rachel?
Isasagot mo ba, “Dapat balaan ni Rachel ang lahat na si Jose ay hindi tapat”? Isasagot mo ba, “walang dapat sabihin si Rachel upang hindi sumama ang loob ng isang kapwa Kristiyano”? Tingnan natin ang sagot ni Hesus.
► Basahin ang Mateo 18:15-17.
Si Hesus ay nagbigay ng apat na hakbang na nagpapakita kung paano tinatrato ng perpektong pagmamahal ang isang kapwa Kristiyano na nahulog sa kasalanan. Mangyaring maunawaan na ang halimbawang ito ay tungkol sa makasalanang pag-uugali. Hindi binbigyang pansin ni Hesus ang personal na pagkakaiba ng opinyon. Hindi sinasabi ni Hesus, “Maaari ka nang umalis, sumali ka sa mga problema ng lahat.” Si Hesus ay tumutugon sa isang sitwasyon kung saan nagkasala ang isang Kristiyanong kapatid laban sa isa pang Kristiyano. Tingnan ang mga hakbang:
1. Kailangan kong puntahan ang aking kapatid na mag-isa. Ang perpektong pagmamahal ay hindi nagagalak sa maling gawain (1 Mga Taga-Corinto 13:6). Hindi ito naghahangad ng pagkakataong ipahayag sa publiko ang mali. Sa halip, ang isang taong may pagmamahal ay sinusubukang harapin ang problema nang tahimik at personal. Ang isang taong may pagmamahal ay tumutugon sa isang kapatid na nahuli sa pagsuway sa pamamagitan ng espiritu ng kahinahunan (Galacia 6:1). Ang layunin ay pagpapanumbalik ng isang kapatid, at hindi paghihiganti. Kung walang pagsisisi ang nagkasala…
2. Kailangan kong magsama ng isa o dalawang lider sa espiritual bilang mga saksi. Muli, ang layunin ay pagpapanumbalik. Ang mga testigong ito ay dapat na mga lider sa spiritual ng iglesya na maaaring magbigay ng mabuting payo at magdala ng papanumbalik (Galacia 6:1). Kung wala pa ring pagsisisi …
3. Dapat kong isama sa pagtitipon nang iglesya ang nagkasala. Ang layunin ay muling pagpapanumbalik. Ang layunin ay hindi paghihiganti o pampublikong pagpapahiya. Ang layunin ng pagdidisiplina ng iglesya ay dapat na pagdadala ng pagsisisi at pagpapanumbalik ng isang kapatid. Kung ang taong ito ay nagrebelde at tumatangging magsisi …
4. Dapat disiplinahin ng iglesya ang nagkasalang miyembro. Ang iglesya sa Corinto ay may isang miyembro na napatunayang nakagawa ng kakila-kilabot na sekswal na kasalanan. Iniutos ni Pablo ang iglesya na disiplinahin ang taong ito. “Alisin ninyo ang masamang tao sa gitna ninyo” (1 Mga Taga-Corinto 5:13). Hindi natin maaaring balewalain ang kasalanan sa katawan ni Kristo.
Gayunpaman, pakitandaan ang mga salita ni Hesus. Tratuhin siya bilang Hentil at isang maniningil ng buwis (Mateo 18:17). Paano dapat pakitunguhan ng mga Kristiyano ang mga Hentil at mga maniningil ng buwis? Na may pagmamahal. Kahit dito, ang layunin ay pagpapanumbalik. Sa 2 Mga Taga-Corinto, tinukoy ni Pablo ang sitwasyon ng isang mananampalataya na dinidisiplina ng iglesya at nagsisi. Sinabi ni Pablo,
Para sa gayong tao, ang kaparusahang ito ng nakararami ay sapat na. Bagkus, inyong patawarin siya at aliwin, baka siya ay madaig ng labis na kalungkutan. Kaya’t ako’y nakikiusap sa inyo na papagtibayin ninyo ang inyong pag-ibig sa kanya (2 Mga Taga-Corinto 2:6-8).
Sa 1 Mga Taga-Corinto, pinahintulutan ng iglesya ang bukas na kasalanan at ayaw niyang disiplinahin ang makasalanan. Ipinaalala sa kanila ni Pablo na kinakailangan sa pagmamahal para sa Diyos ang pagdisiplina natin sa mga nagkakasala laban sa katawan ni Kristo.
Sa 2 Mga Taga-Corinto, ang iglesya ay nagdidisiplina sa isang taong nagkasala, ngunit nang ang taong ito ay nagsisi, ang iglesya ay hindi gustong patawarin siya! Pinaalalahanan sila ni Pablo na ang pagmamahal sa ating kapwa ay nagrerequire/nangangailangan na patawarin natin ang mga nagsisisi (2 Mga Taga-Corinto 2:7).
Ang layunin ng pagdidisiplina ng iglesya ay dapat palaging magdulot nag pagsisisi at pagpapanumbalik. Ang perpektong pagmamahal ay hindi humihingi ng paghihiganti.
Pagmamahal sa Ating Kapwa na Hindi-Mananampalataya
Paano tayo nagpapakita ng perpektong pagmamahal sa mga di-sumasampalataya, lalo na yaong mga napopoot sa atin dahil tayo ay mga Kristiyano? Sinabi ni Hesus:
Narinig ninyo na sinabi, “Ibigin mo ang iyong kapwa, at kapootan mo ang iyong kaaway.” Ngunit sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang umuusig sa inyo, upang kayo’y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit (Mateo 5:43-45).
Kapag minamahal mo ang mga umuusig sa iyo, ikaw ay perpekto katulad ng iyong Ama sa langit ay perpekto. Ang mga taong banal ay nagmamahal katulad ng pagmamahal ng ating Ama sa langit. Ito ang ibig sabihin ng pagiging perpekto.
Ang mga taong Banal ay “nagpapakita ng pagmamahal sa iba, hindi lamang sa mga kapwa mananampalataya, kundi pati na rin sa mga hindi mananampalataya, sa mga sumasalungat sa atin, at sa mga nakikibahagi sa mga makasalang gawain. Dapat nating pakitunguhan ang mga taong tutol sa atin nang may kagandahang-loob, malumanay, matiyaga, at mapagpakumbaba. Ipinagbabawal ng Diyos ang pagpapasimula ng alitan, ang paghihiganti, o ang pagbabanta o ang paggamit ng karahasan bilang isang paraan ng paglutas ng personal na alitan o pagkuha ng pansariling katarungan. Kahit na inuutusan tayo ng Diyos na kasuklaman ang mga makasalanang gawain, dapat nating ibigin at ipanalangin ang sinumang tao na gumagawa ng ganitong pag-uugali.”[2]
Ang mga Kristiyano ay laging namumuhay sa isang mundo na sumasalungat sa ebanghelyo. Tinawag ni Pablo ang mga Kristiyano sa Mga Taga-Roma upang igalang ang mga awtoridad at bayaran ang kanilang mga buwis - sa isang pamahalaan na pinapatay ang mga Kristiyano at malapit nang ipapatay si Pablo.
Inutusan ni Pedro ang mga Kristiyano na “Igalang ninyo ang lahat ng mga tao. Ibigin ninyo ang kapatiran. Matakot kayo sa Diyos. Igalang ninyo ang hari.” (1 Pedro 2:17). Muli, ito ay isang masamang emperador na malapit nang ipapatay si Pedro. Ngunit tinukoy ni Pedro na dapat mahalin ng mga Kristiyano ang ating kaaway. Sa pagmamahal kahit nasa ating mga kaaway, nagiging patotoo tayo sa katotohanan ng ebanghelyo. “Sapagkat gayon ang kalooban ng Diyos na dahil sa paggawa ng mabuti ay inyong mapatahimik ang kamangmangan ng mga taong hangal.” (1 Pedro 2:15).
Si Joshua ay isang Nigerian napastor sa isang lugar ng hilagang Nigeria kung saan ang mga Kristiyano ay marahas na inaatake ng mga militanteng Islam. Sinusunog ng mga sundalong Islam ang mga simbahan, pinapatay ang mga Kristiyano, at kinukuha ang mga batang babae upang ibenta sa pagkaalipin. Sa aking huling beses na pagbisita ko sa Nigeria, ipinakita sa akin ni Joshua ang mga larawan ng mga katawan ng mga miyembro ng kanyang iglesya na pinatay ng mga Islam na sumasalakay.
Pagkatapos ay ipinakita sa akin ni Joshua ang mga larawan ng tugon ng kanyang iglesya sa mga pag-atakeng ito. Ang kanyang iglesya ay nagtayo ng isang paaralan sa isang nayon ng Muslim; sila ay humukay ng isang balon upang magbigay ng ligtas na inuming tubig para sa nayon; Nagbigay sila ng mga wheelchair para sa mga Muslim na biktima ng polio; Nagtatayo sila ng isang medikal na klinika para sa nayong ito. Nagpapakita sila ng pagmamahal sa kanilang kaaway.
Sinabi ni Pastor Joshua, “Maraming Muslim ang lumalapit kay Kristo dahil nakikita nila ang pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng mga Kristiyano. Mahihikayat natin sila sa pananampalataya hindi sa pamamagitan ng mga baril at paghihiganti; mahihikayat natin sila sa pamamagitan ng pamumuhay ng Mateo 5:43-48.” Ito ang produkto ng perpektong pagmamahal na ipinamumuhay sa ating mundo ngayon.
► Ano ang mga pinakamalaking hamon sa pagmamahal sa mga kapwa na hindi mananampalataya sa iyong mundo? Ilista ang ilang mga praktikal na hakbang upang ipakita ang pagmamahal sa mga hindi mananampalataya sa iyong komunidad.
Ang Manunulat na Russian na si Leo Tolstoy ay nagsulat ng isang maikling kuwento na nagpapakita kung ano ang kahulugan na mamuhay ng isang buhay na may perpektong pagmamahal. Si Martin ay isang mahirap na sapatero na lubos na mahal ang Diyos.[3] Isang gabi, nakatulog si Martin habang nagbabasa ng Biblia. Napanaginipan niyang sinabi ni Hesus, “Bukas, bibisita ako sa iyong tindahan.”
Kinabukasan, hinintay ni Martin si Hesus. Ang iba pang mga tao ay dumating sa tindahan ni Martin, ngunit hindi bumisita si Hesus. Ang isang matandang sundalo ay tumayo sa labas ng kanyang tindahan na nanginginig sa lamig. Inanyayahan ni Martin ang sundalo sa kanyang tindahan para sa mainit na tsaa. Ang isang dukhang babae ay dumaan sa harap ng tindahan, sinusubukan na panatilihing mainit ang kanyang sanggol. Dinalhan siya ni Martin ng sopas at isang kumot para sa sanggol. Lumipas ang oras, bumili si Martin ng pagkain para sa isang nagugutom na binatilyo.
Na-disappoint si Martin na hindi dumating si Hesus, ngunit sinabi niya, “Iyon ay isang panaginip lamang. Ito ay kahangalan para isipin ko na darating si Hesus sa isang tindahan ng sapatos.”
Nang gabing iyon, nang basahin ni Martin ang kanyang Biblia, muli siyang nakatulog. Napanaginipan niya na nakita niya na may mga taong nakatayo sa kanyang tindahan. Sinabi ng sundalo, “Martin, kilala mo ba ako? Ako si Hesus!” Ang babaeng may hawak na sanggol ay nagsabi, “Martin, ako si Hesus.” Ang nagugutom na binatilyo ay nagsabi, “Ako si Hesus.” Nagising si Martin at nagsimulang magbasa:
Sapagkat ako’y nagutom at binigyan ninyo ako ng pagkain. Ako’y nauhaw, at binigyan ninyo ako ng inumin. Ako’y taga-ibang bayan, at ako’y inyong pinatuloy. Ako’y naging hubad at inyong dinamitan. Ako’y nagkasakit at ako’y inyong dinalaw. Ako’y nabilanggo at ako’y inyong pinuntahan. ….. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, yamang ginawa ninyo ito sa isa sa pinakamaliit sa mga kapatid kong ito, ay sa akin ninyo ginawa. (Mateo 25:35-40).
Noong ikalawang siglo, isang pangkat ng mga Kristiyano ang tinawag na “Ang mga Manunugal” dahil inilalagay nila sa panganib ang kanilang buhay upang pangalagaan ang mga taong malapit sa bingit ng kamatayan dahil sa nakakahawang sakit. Ang mga Manunugal ay dumalaw sa mga bilanggo, nag-aalaga sa mga maysakit, at nagliligtas sa mga inaabandunang mga sanggol. Ang mga Manunugalay nagpapakita ng perpektong pagmamahal.
Noong 252 A.D., isang salot ang sumiklab sa Carthage. Ang mga doktor ay tumangging bisitahin ang mga pasyente; inihahagis ng mga pamilya ang mga bangkay sa kalye; ang lungsod ay nasa kaguluhan. Tinawag ni Cyprian, ang obispo ng Carthage, ang kanyang kongregasyon. Ipinaalaala niya sa kanila na ang mga Kristiyano ay tinawag upang maging mga taong may perpektong pagmamahal. Inilibing ng mga Kristiyano ng Carthage ang mga patay, inasikaso ang mga maysakit, at iniligtas ang lunsod mula sa pagkawasak. Sila ay mga taong may perpektong pagmamahal; sila ay “perpekto” katulad nang kanilang Ama sa langit ay perpekto.
[1]Hinango kay John Wesley, A Plain Account of Christian Perfection (Kansas City: Beacon Hill Press, 1966), 99.
[2]Mula sa Discipline of the Bible Methodist Connection of Churches, 2014.
[3]Leo Tolstoy, “Where Love Is, There God is Also.” (Kung SaanNaroon ang Pag-ibig, Naroon Rin ang Dios).
Natagpuan Niya ang Sikreto - Esther Ahn Kim
Si Esther Ahn Kim ay isang guro ng musika na nanirahan sa Korea sa mga taong nasakop ng Hapon na nagsimula noong 1937.[1] Kinailangan ng mga Hapon ang bawat mamamayan na yumuko sa dambana ng Diyosang araw sa Namsan Mountain. Noong 1939, inutusan si Esther na yumuko sa dambana. Ang parusa para sa pagtanggi na yumuko ay pagkakabilango at labis na pagpapahirap.
Ang ilang mga Kristiyano ay nagpasiya, “Kami ay yuyukod upang ipakita lamang, ngunit sasamba kami kay Kristo sa aming mga puso.” Buo ang loob ni Esther na hindi siya maaaring yumuko sa isang huwad na diyos. Mahal niya ang Diyos sa pamamagitan ng isang pusong hindi nahahati. Sa araw na iyon, tumanggi siyang yumuko.
Noong 1939, pagkatapos ng ilang buwan sa pagtatago, naaresto si Esther Ahn Kim. Ginugol niya ang mga buwan na iyon sa paghahanda para sa bilangguan. Nag-ayuno siya at nanalangin, isinaulo niya ang Banal na Kasulatan, inihanda niya ang kanyang isip at katawan upang matiis ang pagdurusa.
Nagtagal si Kim ng anim na taon sa bilangguan. Siya ay pinahirapan ng maraming beses ngunit siya ay nanatiling tapat dahil mahal niya ang Diyos. Ngunit alam ni Kim na tinawag din siya upang mahalin ang kanyang kapwa. Sa bilangguan, nagsimulang manalangin si Esther tuwing umaga, “Aking Diyos, sino ang nais mong mahalin sa pamamagitan ko ngayong araw?” Minsan ibinibigay niya ang kanyang rasyon na pagkain para sa loob ng ilang araw sa isang babae na nasentensiyahan ng kamatayan dahil sa pagpatay sa kanyang asawa. Sa pamamagitan ng pagmamahal ni Esther Kim, ang babaeng ito ay nadala kay Kristo bago siya namatay.
Naranasan ni Esther Ahn Kim ang hinahanap ni Thomas Chisholm sa kanyang himno, “Oh! Upang Maging Katulad Mo... Tahimik na tinitiis ang patuloy na malulupit na panunuya, handang maghirap, upang ang iba ay maliligtas.”
[1]Hinango kay Esther Ahn Kim, If I Perish (Chicago: Moody Press, 1977).
Oh! Upang Maging Katulad Mo - Thomas Chisholm
Oh! upang maging katulad Mo, pinagpalang Manunubos,
Ito ang palagi kong pananabik at panalangin;
Malungkot na mawawalan ako ng lahat ng kayamanan ng lupa,
Hesus, ang Iyong perpektong kawangis na magsuot.
Oh! upang maging katulad Mo, puno ng habag,
Mapagmahal, mapagpatawad, malambot at mabait,
Pagtulong sa mga walang magawa, pagpalakpak sa mahina,
Naghahanap ng nakalimot na makasalanan upang makahanap.
Oh! na maging tulad sa Iyo, mababa sa espiritu,
Banal at hindi mapanganib, matiisin at matapang;
Ang mapagpakumbabang pagpapaliban ng malupit na pagsisisi,
Handang maghirap, ang iba ay maliligtas.
Oh! maging katulad Mo, oh! upang maging katulad Mo,
Mapalad Manunubos, dalisay na gaya Ninyo;
Lumapit ka sa iyong tamis, lumapit ka sa iyong kapuspusan;
Itatak mo nang malalim sa aking puso ang iyong larawan.
Aralin 8 sa Isang Pahina
(1) Ang mga tao sa panahon ni Hesus ay naniniwala kung ano ang itinuro ng Lumang Tipan tungkol sa kabanalan. Gayunpaman, nabigo silang mamuhay ayon sa huwaran ng Diyos para sa isang taong banal.
(2) Ang perpektong modelo ng kabanalan ay nakikita sa buhay ni Hesusng Nazareth. Sinunod niya ang bawat alituntunin ng kabanalan mula sa Lumang Tipan.
(3) Upang perpektong mahalin ang ating kapwa ay upang magmahal katulad ng pagmamahal ni Hesus–nang may pagsasakripisyo at mapagpakumbaba.
(4) Upang maging perpekto ay nangangahulugan na maging kumpleto. Upang maging perpekto ay hindi nangangahulugan na walang karagdagang paglago. Maaari tayong maging perpekto sa bawat yugto ng karanasan ng Kristiyano.
(5) Ang utos ay isang “nakakubling pangako.” Kung ano ang ipinag-uutos ng Diyos, ginagawa niya itongpossible na masunod. Ang kabanalan ay hindi nagagawa sa pamamagitan ng lakas ng tao kundi sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos.
(6) Tinutupad ng pagmamahal ang kautusan. Kapag nagmamahal tayo kagaya ngpagkakatawag ng Diyoskung paano tayo dapat mag mahal, matutugunan natin ang mga hinihiling ng kautusan.
Mga Takdang Aralin sa Aralin 8
(1) Maghanda ng isang pangaral tungkol sa “Pagmamahal sa Iyong Kaaway mula sa ika-21 Siglo.” Gamitin ang Mateo 5:43-48 bilang teksto. Ipakita kung ano ang kahulugan ng pagmamahal sa iyong kaaway sa ating mundo. Siguraduhing isinama mo ang ebanghelyo (ang mabuting balita) kung ano ang ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo upang gawing posible na mahalin ang iyong kaaway.
(2) Simulan ang susunod na sesyon ng klase sa pamamagitan ng pag-sipi sa Mateo 5:43-48.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.