Habang inaalagaan niya ang mga tupa sa disyerto, nakita ni Moises ang isang puno na uma-apoy ngunit hindi natupok. Habang naglalakad si Moises palapit sa kakaibang punong nag-aapoy, narinig niya ang pagtawag ng Diyos, “Moises, Moises!” Sumagot si Moises, “Narito ako.” Nagbabala ang Diyos, “Huwag kang lumapit dito. Hubarin mo ang sandalyas sa iyong mga paa sapagkat ang dakong iyong kinatatayuan ay banal na lupa.” (Exodo 3:5).
Sa sinaunang mundo, ang paglalakad ng walang suot na pangyapak ay nagpapakita ng kababaang-loob at paggalang. Walang sinuman ang maaaring magsuot ng sandalyas sa harapan ni Faraon. Si Moises ay nasa harapan ng isang mas dakila kaysa kay Faraon. Siya ay nasa harapan ng Makapangyarihang Diyos. Si Moises ay nasa banal na lugar.
[1]Ano ang espesyal tungkol sa lugar kung saan nakatayo si Moises? Paano ito naging banal? Mayroon bang nakalagay na bakod na maysignage na may tandang”Banal na Lupa”? Wala. Mayroon bang isang relihiyosong seremonya upang markahan ang lupa bilang banal? Wala.
Ang lugar na ito ay banal lamang dahil ito ay pag-aari ng Diyos. Ihiniwalay ng Diyos ang piraso ng lupain mula sa ibang bahagi ng disyerto at ipinahayag na ito ay banal; “Pinabanal” ng Diyos ang lupa. Ito ay naglalarawan ng isang mahalagang aralin tungkol sa kabanalan. Ang lupaing ito ay banal sapagkat ibinukod ito ng Diyos. Na ang banal ay ibinukod, ihiniwalay, ng Diyos.
Makalipas ang maraming taon, nakipagkita ang Diyos kay Moises sa Bundok Sinai. Muli, ihiniwalay ng Diyos ang isang lupain bilang banal. Sinabi ni Moises sa mga tao na manatiling malayo sa bundok. Hindi sila maaaring pumunta sa bundok o hipuin ang anumang lugar sa paligid nito dahil ito ay banal. Ang presensya ng Diyos sa bundok ay napakalakas na nagbabala si Moises sa mga tao na ang sinumang humipo sa bundok ay dapat patayin (Exodo 19:12). Ang bundok ay pag-aari ng Diyos. Si Moises ay nakatayo sa banal na lugar.
Nilikhamo kami para saiyongsarili, at ang atingmga puso ay nababagabaghanggangito’ymakatagpo ng kapahingahansa Iyo.
Pagkalooban Mo po kami ng dalisayna puso at kapangyarihan ng layunin, nawalangmakasarilingpagnanasa ang makahahadlangsa amin upangalamin ang iyongkalooban at walangkahinaan ang hahadlangsapagtupadnito.
Augustine ng Hippo
Ang Kabanalan ay Pagbubukod
Ang kabanalan ay isang katangian ng Diyos. Sa Kasulatan, ang salitang “banal” ay tumutukoy sa Diyos o isang bagay na pag-aari ng Diyos. Sa kuwento ni Moises at ng nasusunog na puno, ang lugar ay banal lamang dahil ito ay pag-aari ng Diyos. Ang pagiging banal ay nangangahulugan na inihiwalay para sa Diyos. Maraming halimbawa mula sa Pentateuch ang nagpapakita na ang mga “banal” na mga bagay ay ibinukod sa mga karaniwan o pangkaraniwan.
Isang Banal na Araw
Sa unang pagkakataon na ang salitang “banal” ay lumitaw sa Biblia, ito ay hindi tumutukoy sa isang tao, kundi sa isang araw. Sa pagtatapos ng ika-anim na araw ng paglikha, itinakda ng Diyos ang ikapitong araw at ibinukod mula sa anim na araw.
At binasbasan ng Diyos ang ikapitong araw at kanyang ginawang banal, sapagkat sa araw na iyon ay nagpahinga ang Diyos sa lahat ng gawain na kanyang ginawa. (Genesis 2:3).
Ang ikapitong araw ay banal sapagkat ito ay inihiwalay para sa Diyos; hindi na ito nananatilingpangkaraniwan. Sinabi ni Isaias na ang Araw ng Pamamahinga ay ihiniwalay mula sa lahat ng iba pang mga araw. Ang araw na ito ay hindi para sa mga tao upang sundin ang kanilang sariling mga paraan o gawin ang kanilang pangsariling kasiyahan; ito ay pag-aari ng Diyos (Isaias 58:13). Ang Araw ng Pamamahinga ay inihiwalay ng Diyos para sa pagsamba.
Ang katapatan ng Israel sa Araw ng Pamamahinga ay nagpakita ng kanyang katapatan sa Diyos. Ang Diyos na nagbukod ng Araw ng Pamamahingaang Siyang nag bukod sa Israel.
Sabihin mo sa mga anak ni Israel, ‘Inyong ipapangilin ang aking mga Sabbath, sapagkat ito’y isang tanda sa akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga salinlahi, upang inyong makilala na akong Panginoon ang nagpapabanal sa inyo. (Exodo 31:12-13).
Ang pagiging banal ay pagiging ibinukodng Diyos at para sa Diyos. Pinabanal ng Diyos ang Araw ng Pamamahinga; Pinabanal ng Diyos ang kanyang bayan.
Mga Banal na Bagay
Ang isang piraso ng lupa na ihiniwalay mula sa ibang lupain ay banal; dahil ito ay pag-aari ng Diyos. Ang isang araw na ibinukod mula sa ibang pang mga araw aybanal; dahil ito ay pag-aari ng Diyos. Ang anumang ihiniwalay o ibinukod para sa Diyos ay banal.
Ang mga damit na isinusuot ng mga pari ay banal (Exodo 28:2). Ginawa ang mga ito nang may espesyal na tagubilin mula sa Diyos at pag-aari niya. Ang mga handog na dinala ng mga tao sa Tabernakulo ay banal; ito ay ibinukod para sa Diyos (Exodo 28:38). Ang mga pari ay gumagamit ng espesyal na langis sa pagsamba. Iniutos ng Diyos, “Ito ang aking magiging banal na langis na pambuhos sa buong panahon ng inyong mga salinlahi.” (Exodo 30:31). Walang ibang maaaring gumamit ng langis na ito; ibinukod ito para magamit ng Diyos.
Upang makapagbigay sa Tabernakulo, hiniling ng Diyos na ang bawat mamamayan ng Israel ay magbayad ng buwis na tinatawag na “shekel ng santuario (Exodo 30:13, 24; Exodo 38:24-26; Levitico 5:15; Levitico 27:3, 25; Mga Bilang 3:47, 50; Mga Bilang 7:13). Ang salaping ito ay hindi ginamit para sa pangkaraniwang paggamit. Naniniwala ang maraming iskolar na ito ay isang ganap na naiibang barya kaysa sa normal na shekel. Ito ay banal; ito ay pag-aari ng Diyos.
Ang mga muwebles sa Tabernakulo ay banal. Inutusan ng Diyos si Moises na ihiwalay ang mga kasangkapang ito mula sa lahat ng iba pang mga materyales. “Pakabanalin mo ang mga iyon upang maging kabanal-banalan; sinumang humawak sa mga iyon ay magiging banal” (Exodo 30:29).
Nauunawaan ng Israel ang tatlong posibilidad para sa anumang bagay (Levitico 10:10). Ang mga bagay ay:
1. Marumi. Ang mga bagay na marumi ay ipinagbabawal para sa bayan ng Diyos.
2. Malinis at pangkaraniwan.[1] Ang malilinis na bagay ay ipinahihintulot para karaniwang gamitin.
3. Banal. Ang mga bagay na banal ay ibinukod para magamit ng Diyos. Ginamit lamang ang mga ito sa paglilingkod sa Diyos.
Bago pumasok ang Israel sa Canaan, nagbigay ang Diyos ng mga tagubilin para sa pagtatanim ng mga puno. (Levitico 19:23-25)
1. Sa unang tatlong taon, ang bunga ay ipinagbabawal para kainin. Para sa mga taong iyon ang bunga ay itinuturing na marumi ayon sa seremonya.
2. Ang bunga sa ikaapat na taon ay ibinubukod para magamit para sa Dios; isang handog ng papuri sa Panginoon. Ito ay banal, hindi ito maaaring gamitin ng mga tao para sa kanilang sarili.
3. Simula sa ikalimang taon, sila ay pinahintulutang kumain ng bunga. Ang punungkahoy ay malinis na ngayon at magagamit para sa pangkaraniwang paggamit.
Mga Banal na Lugar
Ang Tabernakulo ay banal sapagkat ito ay itinalaga para sa Diyos. Ang lahat ng bagay sa Tabernakulo ay inihiwalay para magamit ng Diyos. Ang lugar kung saan nakikipagkita ang Diyos sa punong saserdote ay tinawag na Dakong Kabanal-banalan.
Nang maglaon, ang Templo sa Jerusalem ay naging banal sapagkat ito ay itinalaga para sa paglilingkod sa Diyos. Ang Templo ay banal lamang dahil ito ay pag-aari ng Diyos. Dahil sa kasalanan ng Israel, nakakita si Ezekiel ng isang pangitain na iniwan ng kaluwalhatian ng Diyos ang Templo (Ezekiel 10).
Matapos umalis ang kaluwalhatian ng Diyos, ang Templo ay hindi na banal. Noong 63 B.C., pumasok sa Banal na Dako si Pompey ang Mga Taga-Romanong Heneral at nakitang ito’y walang nang laman. Dahil hindi na naninirahan ang Diyos doon, ang Templo ay hindi na banal.
Isang Banal na Lipi
Ang lipi ni Levi ay itinalaga para sa Diyos. Noong gabi bago umalis sa Ehipto ang bayan ng Israel, angpanganay na anak ng bawat pamilya sa lupain ng Ehipto ay pinatay. Ang mga panganay na anak ng mga Israelita ay naligtas sapagkat sinunod nila ang utos ng Diyos na iwisik ang dugo ng isang tupa sa itaas ng pintuan ng bawat bahay.
Inaalala ng Israel ang pagpapalaya mula sa Ehipto sa pamamagitan ng dalawang paraan. Una, ang bawat Hudyong pamilya ay kumakain ng “Hapunan ng Paskuwa”bawat taon. Ipinagdiriwang ng pagsasalo-salo ang paglaya ng Israel mula sa Ehipto.
Ang pangalawang paraan sa pag-alala ng Israel sa pagpapalaya mula sa Ehipto ay mas higit na dramatiko. Upang ipaalala sa Israel na iniligtas Niya ang kanilang mga panganay na anak na lalaki, iniutos ng Diyos:
Italaga mo sa akin ang lahat ng mga panganay, anumang nagbubukas ng bahay-bata sa mga anak ni Israel, maging sa tao at maging sa hayop ay akin. (Exodo 13:2).
Ang salitang “itinalaga” ay mula sa salitang Hebreo na isinalin sa salitang”pinabanal” o “ibinukod.” Ang panganay na anak ng bawat pamilya ay pag-aari ng Diyos. Pinili ng Diyos ang lipi ni Levi upang kumatawan sa mga panganay na anak ng buong Israel. Ang liping ito ay naglilingkod bilang kinatawan ng buong bansa.
Kinuha ko ang mga Levita mula sa mga anak ni Israel sa halip na ang mga panganay na nagbubukas ng bahay-bata sa mga anak ni Israel. Ang mga Levita ay magiging akin. Lahat ng mga panganay ay akin, nang araw na aking lipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Ehipto ay aking itinalaga para sa akin ang lahat ng mga panganay sa Israel, maging tao at hayop man. Sila’y magiging akin; ako ang Panginoon. (Mga Bilang 3:12-13).
Sa Exodo 29, itinagubilin ng Diyos ang seremonya para sa pagtatalaga ng mga pari. Ang salitang “banal” ay ginamit nang siyam na beses sa kabanatang ito. Ang mga Levita ay itinalaga bilang kapalit ng panganay; ang lipi ay ganap na pag-aari ng Diyos.
► Bakit mahalaga para sa Diyos na bigyang-diin ang mensahe ng pagbubukod para sa Israel? Bakit binigyang diin ni Pablo ang mensaheng ito para sa mga Iglesya sa Corinto (2 Mga Taga-Corinto. 6:14-7:1) at Tesalonica (I Mga Taga Tesalonica 4-5)? Bakit mahalaga ang mensaheng ito sa panahon ngayon?
Ang mga halimbawang ito ay nagpapakita na ang pagiging banal ay pagtatalaga para sa Diyos. Tinutulungan tayo nitong maunawaan ang kahulugan ng isang banal na buhay ngayon. Ang isang taong banal ay ganap na pag-aari ng Diyos. Siya ay itinalaga para sa mga layunin ng Diyos. Ang pagiging banal ay pagiging hiwalay sa kasalanan at ibukod para sa Diyos.
[1]Maraming salin sa Ingles ang gumagamit ng salitang “profane” para sa “karaniwang” mga bagay. Ang KJV ay gumagamit ng “hindi banal”. Ang mga salitang ito ay simpleng nangangahulugan na ang bagay ay hindi “ibinukod” para sa banal na paggamit.
Ang Pagiging Banal ay pagiging Hiwalay sa Kasalanan
Sapagkat ang Diyos ay banal, ang kanyang bayan ay dapat maging banal. Ang makasalanang tao ay hindi maaaring magkaroon ng kaugnayan sa isang banal na Diyos. Ihinihiwalay ng mga taong banal ang kanilang sarili mula sa anumang bagay na di nakalulugod sa Diyos.
Ang Banal na Diyos ay Galit sa Kasalanan
(1) Ipinakita ng Diyos ang kanyang kabanalan sa baha.
Ang daigdig na nilalang ng Diyos ay “napakabuti,” ngunit ang daigdig ay nawasak ng kasalanan. Nang tumingin ang Diyos sa tao, nakita niya ang kasamaan sa puso ng tao.
Nakita ng Panginoon na napakasama na ng tao sa lupa, at ang bawat haka ng mga pag-iisip ng kanyang puso ay palagi na lamang masama. Nalungkot ang Panginoon na kanyang nilalang ang tao sa lupa at nalumbay ang kanyang puso. (Genesis 6:5-6).
Si Noe at ang kanyang pamilya ay naligtas dahil si Noe ay namuhay ng isang buhay na banal. “Si Noe ay lalaking matuwid at walang kapintasan noong kapanahunan niya. Si Noe ay lumakad na kasama ng Diyos.” (Genesis 6:9). Nanatili siyang hiwalay sa kasalanan.
(2) Ipinakita ng Diyos ang kanyang kabanalan sa kanyang paghatol kay Nadab at Abihu.
Ang pinakamatandang anak ni Aaron ay itinalaga para sa paglilingkod sa Diyos. Nang nilabag nila ang kabanalan ng Tabernakulo, nagpadala ng apoy ang Panginoon at tinupok sila, at sila ay namatay sa harap ng Panginoon. (Levitico 10:2). Hindi isinulat sa Levitico ang mga detalye ng kasalanan ni Nadab at Abihu, ngunit sinabi ng Diyos, “Ako’y magpapakita na banal sa mga lumalapit sa akin; at ako’y maluluwalhati sa harapan ng buong bayan.” (Levitico 10:3). Dapat pakitunguhan ng mga saserdote ng Diyos ang kanyang Tabernakulo bilang banal. Inisip nina Nadab at Abihu na maaari nilang pakitunguhan ang banal sa katulad na paraan ng pakikitungo sa bagay na pangkaraniwan.
(3) Ipinakita ng Diyos ang kanyang kabanalan sa kanyang paghatol kay Moises at Aaron.
Sina Moises at Aaron ay hindi nakarating sa Lupang Pangako dahil hindi nila itinaas ang Diyos bilang banal sa paningin ng bayan ng Israel (Mga Bilang 20:12). Pagkatapos na utusan ng Diyos si Moises na magsalita sa bato upang maglabas ng tubig, pinalo ni Moises ang bato. Hinatulan ng Diyos si Moises dahil hindi niya pinarangalan ang Diyos sa harap ng mga tao.
Dahil ang Diyos ay banal, hindi niya maaaring balewalain ang kasalanan. Sampung beses sa Pentateuch, ang kasalanan ay tinatawag na “kasuklam-suklam sa Panginoon,” isang bagay na kinapopootan ng Diyos. Ang isang banal na Diyos ay napopoot sa kasalanan.
Ang mga Taong Banal ay Napopoot sa Kasalanan
[1]Ang Diyos ay isang Diyos ng kabanalan at isang Diyos ng pagmamahal. Ang kasalanan ng tao ay lumikha ng isang problema. Paano maipagpapatuloy ng isang banal na Diyos ang pagbuo ng isang relasyon sa makasalanang tao? Paano maipapakita ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa tao at maging tapat sa kanyang kabanalan sa parehong panahon?
Ibinigay ng Diyos ang kanyang Mga Utos upang tulungan ang kanyang bayan na mamuhay bilang isang taong banal. Ang Mga Utos ay hindi ibinigay upang gawing mahirap para sa atin ang mamuhay; ito ay ibinigay upang matulungan tayong mamuhay sa tamang relasyon sa Diyos. Ang Mga Utos ay nagbibigay sa bayan ng Diyos ng isang modelo ng paghihiwalay mula sa kasalanan. Ang mga taong banal ay mapopoot sa kasalanan tulad ng isang banal na Diyos na napopoot sa kasalanan.
Itinuro ng mga manunulat ng Bagong Tipan na ang paghihiwalay para sa Diyos ay nangangailangan ng paghihiwalay mula sa kasalanan. Itinanong ni Santiago, “Hindi ba ninyo nalalaman na ang pakikipagkaibigan sa sanlibutan ay pakikipag-away sa Diyos? Kaya’t sinumang nagnanais na maging kaibigan ng sanlibutan ay nagiging kaaway ng Diyos.” (Santiago 4:4). Hindi ka maaaring maging kaibigan ng Diyos at ng kasalanan sa parehong panahon. Hindi ka maaaring lumakad kasama ng Diyos at kasalanan nang sabay. Ang banal na buhay ay nangangailangan ng paghihiwalay mula sa kasalanan.
Isinulat ni Pablo sa mga taong nag-iisip na ang biyaya ng Diyos ay nagpapahintulot sa kanilang magpatuloy sa sinasadyang kasalanan. Itinatanong nila, “Magkakasala ba tayo, dahil tayo’y wala sa ilalim ng kautusan, kundi nasa ilalim ng biyaya?” (Mga Taga-Roma 6:15). Ang sagot ni Pablo ay may diin. “Huwag nawang mangyari. Hindi ba ninyo nalalaman na kung kanino ninyo inihahandog ang inyong mga sarili bilang alipin sa pagsunod, kayo’y mga alipin niya na inyong sinusunod.” (Mga Taga-Roma 6:16). Mayroon lamang dalawang pagpipilian:
1. Kung ibibigay mo ang iyong sarili sa kasalanan, ang wakas ay kamatayan.
2. Kung ibibigay mo ang iyong sarili sa Diyos, ang wakas ay katuwiran.
Hindi mo maaaring ibigay ang iyong sarili parehong sa kasalanan at sa Diyos. Ang mga Kristiyano ay pinalaya na mula sa kasalanan, at naging mga alipin ng katuwiran (Mga Taga-Roma 6:18). Bilang mga anak ng Diyos, tayo ay dapat maging hiwalay sa kasalanan.
Inilalagay ito ni Pablo sa mga praktikal na termino na nagpapakita ng ating responsibilidad upang maiwasan ang sinasadyang kasalanan. “Sapagkat kung paanong inihandog ninyo ang mga bahagi ng inyong katawan bilang alipin ng karumihan tungo sa higit at higit pang kasamaan, ngayon naman ay ihandog ninyo ang mga bahagi ng inyong katawan bilang alipin sa paggawa ng matuwid tungo sa kabanalan.” (Mga Taga-Roma 6:19).
Imposibleng mapanatili ang pakikipagkaibigan sa kasalanan habang namumuhay para sa Diyos. Ang pagbubukod para sa Diyos ay nangangailangan ng pagbubukod mula sa kasalanan. Hindi natin mapapanatili ang kaugnayan sa Diyos at kasalanan sa parehong panahon. Nang magkasala sina Adan at Eba, “itinago nila ang kanilang sarili mula sa harapan ng Panginoong Diyos sa gitna ng mga punong kahoy sa hardin” (Genesis 3:8). Ang pakikipagkaisa sa kasalanan ay nagbubunga ng pagkahiwalay sa Diyos.
Ang kaligtasan ay hindi nagpapalaya sa atin upang mamuhay sa kasalanan. Ang kaligtasan ay nagpapalaya sa atin mula sa kasalanan upang tayo ay maging banal. Ang layunin ng kaligtasan ay upang dalhin ang bayan ng Diyos sa kabanalan. Ang layunin ng Diyos ay iligtas tayo mula sa kasalanan at italaga ang ating sarili sa pakikipag-ugnayan sa Diyos.[2]
Naglalakbay si Chih-ming sa isang bundok sa Taiwan. Sa tabi ng kalsada ay may isang bangin na pababa sa isang ilog. Sa palagay mo ba itinanong ni Chih-ming sa drayber ng bus na ipakita sa kanya kung gaano kalapit sa bangin ang maaari niyang imaneho? Hindi! Hangga’t maaari nais ni Chih-ming na manatiling malayo mula sa gilid. Sa parehong paraan, ang isang taong banal ay mananatiling malayo sa kasalanan. Sa bawat bahagi ng buhay, ang isang taong banal ay umiiwas sa makasalanang pamumuhay. Ang taong banal ay pinapananatiling malayo ang sarili mula sa kasalanan hangga’t maaaari at hangga’t maaari ay mas mapalapit sa Diyos.
Inilahad ito ni apostol Pedro: “Kayo’y isang lahing pinili, isang maharlikang pagkapari, isang bansang banal, sambayanang pag-aari ng Diyos.” Paano natin ito gagawin? Sa pamamagitan ng pamumuhay ng isang buhay na banal. “Kayo’y umiwas sa mga pagnanasa ng laman na nakikipaglaban sa kaluluwa. Maging marangal ang inyong pag-uugali sa gitna ng mga Hentil” (1 Pedro 2:9-12). Ang buhay na banal ng bayan ng Diyos ay tanda ng pagmamay-ari ng Diyos. Ang mga taong banal ay pinapanatiling malayo ang kanilang mga sarili sa kasalanan sapagkat sila ay mga tao para sa pag-aari ng Dios,isang taong pagmamay-ari ng Diyos. Nais ng isang taong banal na maging lubos na pag-aari ng Diyos.
Ipinaalala ni Pablo sa mga mamamayan ng Corinto na “ang mga hindi matuwid ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.” Inilista niya ang ilan sa mga maihihiwalay: “Ni ang mga sekswal na imoral, ni mga sumasamba sa diyos-diyosan, ang mga mangangalunya, ni mga taong nagsasagawa ng homoseksuwalidad, ni mga magnanakaw, ni ang mga sakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapanglait man, o ang mga mandarambong ay hindi magmamana sa kaharian ng Diyos.” Pagkatapos ay pinaalalahanan niya sila, “At ganyan ang ilan sa inyo.” Ang mga Kristiyanong taga-Corinto ay lumaki sa isang masamang kapaligiran at nagsasagawa sa mga kasalanang ito.
Ngunit hindi hinayaan ni Pablo na iwan ang mga Kristiyano sa kalagayang iyon. Hindi niya sinasabi, “Ngayon kayo ay mga Kristiyano - na nagsasagawa ng imoralidad, idolatriya, pangangalunya, homoseksuwalidad, pagnanakaw, kasakiman at paglalasing. Sa halip, sinabi ni Pablo, “nahugasan na kayo, ginawa na kayong banal, at inaring-ganap na kayo sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo, at sa Espiritu ng ating Diyos.” (1 Mga Taga-Corinto 6:9-11).
Nagagalak si Pablo, “Hindi na ikaw ang dating ikaw! Hindi ka na nakagapos sa mga kasalanang iyon. Ikaw ay nahiwalay mula sa kasalanan at ikaw ay nabibilang sa Diyos.” Ang pagiging banal ay dapat kang ibukod mula sa kasalanan upang tayo ay maibukod para sa Diyos.
“Si Hesus ay namatay, hindi para ipagkasundo ang tao sa kasalanan, kundi para iligtas sila mula sa kasalanan.”
R.E. Howard
[2]John N. Oswalt, Called to Be Holy: A Biblical Perspective (Nappanee: Evangel Publishing House, 1999), 33
Ang Pagiging Banal ay Pagkakabukod Para sa Diyos
Si Uzias ay isang mabuting hari na “ginawa ang matuwid sa mga mata ng Panginoon.” Inilagay niya ang kanyang sarili upang hanapin ang Diyos. Tinulungan siya ng Diyos laban sa mga Filisteo (2 Mga Cronica 26:4-7). Naging maunlad sa pulitika si Uzias. Pinalawak niya ang teritoryo ng Juda at naibalik ang lupa na nawala sa panahon ng paghahari ng mga mahihinang hari. “Ang kanyang katanyagan ay lumaganap hanggang sa hangganan ng Ehipto, sapagkat siya’y naging napakalakas.” (2 Mga Cronica 26:8).
Si Uzias ay isang malakas na hari, ngunit ang kanyang kuwento ay may malungkot na pagtatapos. “Ngunit nang siya’y lumakas, siya’y naging palalo, na siya niyang ikinapahamak. Sapagkat kanyang nilapastangan ang Panginoon niyang Diyos” (2 Mga Cronica 26:16).
Paano naging di-tapat si Uzias? Ano ang nagdala ng hatol ng Diyos kay Uzias? Ang hari ay pumasok sa Templo upang maghandog ng insenso sa altar. Nilabag niya ang pagbubukod sa pagitan ng mga karaniwan at banal. Bilang resulta, hinatulan ng Diyos si Uzias. Si Uzias ay naging “ketongin hanggang sa araw ng kanyang kamatayan, at palibhasa’y ketongin ay tumira siya sa isang bahay na nakabukod, sapagkat siya’y itiniwalag sa bahay ng Panginoon.” (2 Mga Cronica 26:21).
Si Haring Uzias ay hindi pumatay, nagnakaw, o nangalunya. Hindi niya sinasamba ang mga idolo o kumunsulta sa mga manghuhula. Nagkasala si Uzias sa paglabag sa mga batas ng paghihiwalay para sa Diyos. Sa kanyang pagmamataas, hinipo ni Uzias ang banal na altar. “Siya ay naging mapagmataas, at siya ay hindi naging tapat sa Panginoon niyang Diyos.”
Sa kanyang pagmamataas, nilabag ni Haring Uzias ang kabanalan ng Templo. Itinuro ng Batas sa bayan ng Diyos na dapat silang mabukod mula sa kasalanan, upang sila aymakapamuhay na may kaugnayan sa Dios. Ang banal na buhay ay pagkabukod para sa Diyos.
Ang Makasaysayang Mga Aklat ay nagbibigay ng maraming mga halimbawa ng mga tao at mga bagay na ibinubukod para sa Diyos. Tulad ng ginawa niya sa nagliliyab na puno, itinakda ng Diyos ang isang lugar bilang banal. “Sumagot ang pinuno ng hukbo ng Panginoon kay Josue, ‘Hubarin mo ang panyapak sa iyong paa, sapagkat ang dakong iyong kinatatayuan ay banal’” (Josue 5:15).
Nang salakayin ng Israel ang Jericho, iniutos ng Diyos sa kanila na sirain ang lahat ng bagay na “itinakda ng Panginoon para sa pagkawasak. Ngunit lahat ng pilak, ginto, mga sisidlang tanso at bakal ay banal sa Panginoon; ang mga ito ay ipapasok sa kabang-yaman ng Panginoon” (Josue 6:17, 19). Sa Jericho, ang mga sisidlang ito ay hindi banal; ang mga ito ay naging banal lamang kapag inaangkin sila ng Diyos para sa kanyang sarili.
Iniutos ni David sa mga Levita, “Magpakabanal kayo, kayo at ang inyong mga kapatid, upang inyong maiahon ang kaban ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, sa dakong aking inihanda para rito” (1 Mga Cronica 15:12). Bago ibinalik ang Kaban sa Jerusalem, ibinukod ng mga Levita ang kanilang sarili para sa mga layunin ng Diyos.
Ang pagbubukod mula sa kasalanan ay hindi ang pangwakas na layunin para sa mga banal na tao. Ang Israel ay ibinukod mula sa makasalanang mga bansa sa paligid niya upang siya ay ibinukod para sa Diyos bilang kanyang pinaka-iingatang pag-aari (Levitico 20-26; Exodo 19:5). Sa pagtatalaga ng Templo, si Solomon ay nanalangin, “Sapagkat iyong ibinukod sila mula sa lahat ng mga bayan sa lupa, upang maging iyong mana, gaya ng iyong ipinahayag sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod, nang iyong ilabas ang aming mga ninuno sa Ehipto, O Panginoong Diyos.” (1 Mga Hari 8:53). Ihiniwalay ng Diyos ang Israel mula sa lahat ng iba pang mga bansa upang siya ay mapabilang sa kanya. Ang Israel ay may karangalan na maging “pamana” ng Diyos.
Nagbabala sa mga taga-Corinto laban sa pakikipag-partner sa mga di-sumasampalataya, sinipi ni Pablo si Isaias: “Kaya nga lumabas kayo sa kanila, at humiwalay kayo, sabi ng Panginoon, at huwag kayong humipo ng anumang bagay na marumi” (2 Mga Taga-Corinto 6:17).
Ang mensahe ng pagbubukod ay negatibo. Gayunpaman, ang talata ay patuloy na may magandang pangako! Tayo ay ibinukod mula sa kasalanan upang tayo ay maibukod para sa Diyos. Nagpatuloy si Paul sa isang pangako: “At kayo’y aking tatanggapin, at ako’y magiging ama sa inyo, at kayo’y magiging aking mga anak na lalaki at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.” (2 Mga Taga-Corinto 6:17-18).
Ang pagbubukod mula sa lahat na marumi ay hindi nag-aalis sa atin ng kagalakan. Sa halip, naibubukod tayo mula sa kasalanan upang magkaroon tayo ng kagalakan ng paglalakad kasama ng Diyos. Ang mga Kristiyano ay dapat ibukod mula sa kasalanan upang lubos tayong mapabilang sa Diyos. Ang mga banal na tao ay maligaya na manatiling malayo sa kasalanan dahil alam nila na ang pagbubukod mula sa kasalanan ay nagpapahintulot sa kanila na lumakad sa isang matalik na kaugnayan sa kanilang makalangit na Ama.
Ang prinsipyong ito ay makikita sa mga batas tungkol sa pagkain at damit. Bakit sinabi ng Diyos, “Huwag kumain ng ilang pagkain” o “Huwag magsuot ng ilang uri ng material”? Ang mga batas na ito ay mga bagay na aral upang turuan ang Israel na siya ay ibinukod para sa Diyos. Ang mga batas na ito ay minarkahan ang Israel bilang isang bansa na pag-aari ng Diyos. Sinabi ng Diyos sa Israel, “Ikaw ay mahalaga sa aking paningin, at kagalang-galang, at minamahal kita” (Isaias 43:4). Napakagandang larawan! Ang Israel ay hindi itinakda sa Diyos bilang kaparusahan; siya ay inilaan para sa karangalan at pagmamahal. Ang Israel ay ang “kayamanang pag-aari ng Diyos sa lahat ng mga tao (Exodo 19:5).
Ang ideyangito ay inilalarawan sa Tabernakulo. Ang mga taong seremonyal na marumi ay nanatili “sa labas ng kampo.” Ang mga seremonyal na malinis ay “nasa loob ng kampo.” Sa gitna ng kampo, ang mga saserdote ay naghandog ng mga hain “sa tabernakulo.” Tanging ang mataas na saserdote ang pumapasok sa Kabanal-banalang Lugar. Ang kaayusan na ito ay nagbigay sa mga tao ng isang paalalang nakikita na ang pagbubukod mula sa kasalanan ay nagpapahintulot sa atin na mabukod para sa Diyos. Ito ay nagpakita sa mga tao kung ano ang ibig sabihin ng maging malapit sa banal na presensya ng Diyos.
1 = Sa Labas ng Kampo (Hindi-malinis)
2 = Sa loob ng Kampo (Malinis)
3 = Sa Tabernakulo (Ang Mga Pari)
4 = Pinaka Banal na Dako (Punong Pari)
Habang sinusunod ng mga tao ang mga batas ng paghihiwalay, natutunan nila na dapat tayong maging banal sa bawat bahagi ng buhay. May kapangyarihan ang Diyos sa lahat ng bahagi ng buhay.
[1]Ang Levitico 17-26 ay tinatawag na “Kodigo ng Kabanalan.” Itinuro ng Kodigo ng Kabanalan sa Israel kung paano mamuhay bilang isang banal na bansa. Mula sa pinakamaliit na detalye hanggang sa pinakamalaking alituntunin, ang mga batas na ito ay kinasihan ng kabanalan ng Diyos. Ipinakita nila sa Israel kung paano maging banal sa isang makasalanang mundo. Itinuro nila sa Israel kung paano hihiwalay mula sa kasalanan. Higit sa lahat, itinuro nila na ang Israel ay dapat ibukod para sa Diyos, na naglabas sa kanila mula sa lupain ng Ehipto (Levitico 19:36).
Sa Levitico 20, sinabi ng Diyos, “Kayo’y magpakabanal sa akin, sapagkat akong Panginoon ay banal, at kayo’y ibinukod ko sa mga bayan, upang kayo’y maging akin.” (Levitico 20:26). “Ibinukod Kita mula sa mga tao.” Bakit? “Upang ikaw ay maging akin.” Ito ay pagbubukod para sa Diyos.
Ang salitang Hebreo na isinalin na “pagbubukod” sa Levitico 20:26 ay ginamit sa Genesis 1:4 nang “hatiin” o “pinaghiwalay” ng Diyos ang liwanag mula sa kadiliman. Hindi mo maaaring pagsamahin ang liwanag at kadiliman; sila ay magkasalungat. Kinailangan ng Diyos ang kumpleto at buong paghihiwalay mula sa makasalanang mga bansa sa palibot ng Israel.
Tinawag ng Diyos ang kanyang bayan upang maging ganap na hiwalay sa kasalanan. Bakit? Upang maaari silang maging ganap sa kanya. Ipinakikita ng mga batas na ito na ang lahat ng bahagi ng buhay ay pag-aari ng Diyos. Para sa isang taong banal, ang buong buhay ay nasa kapangyarihan ng Diyos. Ang pagiging banal ay nangangahulugan na ihihiwalay para sa Diyosang lahat ng bahagi ng buhay. Tayo ay nabukod mula sa kasalanan upang tayo ay mapabilang sa Diyos.
► Alin ang tila mas mahirap – ang ibukod mula sa kasalanan o ang mabukod mula sa Diyos? Bakit?
Walang detalye sa ating buhay ang hindi mahalaga sa Diyos.
Oswald Chambers
Ang Pagsasabuhay ng Kabanalan: “Nasa Mundo, Ngunit Hindi Kabilang sa Mundo”
Ang Biblical na Pagbubukod ay Nagbibigay ng Patotoo sa Mundo
Ipinanalangin ni Hesus na ang kanyang mga alagad ay nasa sanlibutan, ngunit hindi kabilang sa mundo. Hindi hinayaan ni Daniel na “dungisan ang kanyang sarili ng pagkain ng hari, o ng alak na kanyang ininom” (Daniel 1:8). Sa buong kasaysayan, ang mga mamamayan ng Diyos ay nanatiling hiwalay sa mga kasalanan ng kanilang lipunan. Pinayagan nito ang bayan ng Diyos na maging saksi sa kanilang mundo.
Ang Israel ay tinawag upang maging isang “kaharian ng mga pari,” isang bansang banal na maglalapit sa ibang mga bansa sa Diyos (Exodo 19:6). Nang tapat ang bayan ng Israel sa Diyos, natapos niya ang misyon na ito. Sinabi ni Rahab, “Ang pagkatakot sa inyo ay dumating sa amin... namin iyon ay nanlumo ang aming puso, ni walang tapang na naiwan sa sinumang tao dahil sa inyo” Bakit? Dahil ang Israel ay isang makapangyarihang bansa na may isang mahusay na hukbo? Hindi! Sapagkat, “sapagkat ang Panginoon ninyong Diyos ay siyang Diyos sa langit sa itaas, at sa lupa sa ibaba.” (Josue 2:9-11). Kapag ang Israel ay nahiwalay para sa Diyos, siya ay patotoo sa lahat ng mga bansa.
Nakita natin ang prinsipyong ito sa buhay ni Jose. Dahil ihiniwalay ni Jose ang kanyang sarili mula sa mga kasalanan ng Ehipto, si Jose ay naging patotoo kay Faraon. “Makakakita kaya tayo ng isang taong kagaya nito, na kinakasihan ng espiritu ng Diyos?” (Genesis 41:38). Kung namuhay si Jose tulad ng mga Ehipsio, hindi siya kailanman bibigyan ng pagkakataong maging patotoo sa harap ni Paraon.
Nanalangin si Hesus na ang kanyang mga tagasunod ay nasa mundo, ngunit hindi sa paraan, ng mundong ito. Ang talatang ito ay kadalasang mali ang pagkakaunawa ng mga Kristiyanong gustong mamuhay nang maingat, ng maka-Diyos na pamumuhay. Mali nilang iniisip na ang pagiging “sa mundong ito” ay ang kasamaan na dapat tiisin ng bayan ng Diyos sa daan patungong langit.
Gayunpaman, pagkatapos na magalak para sa kanyang mga tagasunod na “hindi sila sa mundong ito,” nanalangin si Hesus, “Kung paanong ako’y iyong sinugo sa sanlibutan, sila ay sinugo ko rin sa sanlibutan.” (Juan 17:16-18). Nanalangin si Hesus na ang kanyang mga tagasunod ay maglilingkod nang epektibo sa mundo. Ipinanalangin ni Hesus na hindi tayo magiging “maka sanlibutan” habang tayo ay ipinadala “sa mundo.” Sa pananatiling hiwalay sa kasalanan, matutupad natin ang ating panawagan na baguhin ang mundo. Bilang mga anak ng Diyos, maaari tayong maging asin at liwanag sa isang makasalanang mundo.
Alam ng mga apostol na ang isang banal na buhay ay isang patotoo sa mundo. Tinawag ni Pedro ang mga mananampalataya na mamuhay nang maka-Diyos bilang patotoo sa mga di-sumasampalataya:
Maging marangal ang inyong pag-uugali sa gitna ng mga Hentil upang kung magsalita sila laban sa inyo na parang kayo’y gumagawa ng kasamaan, ay makita nila ang inyong mabubuting gawa at luwalhatiin nila ang Diyos sa araw ng pagdalaw. (1 Pedro 2:12).
Sumulat si Pablo kay Tito, ang pinuno ng iglesya sa isla ng Creta. Ang mga taong ito ay mananampalataya na napalilibutan ng mga pagano. Sinabi ni Pablo kay Tito na ang mga Kristiyano ay kailangang mabuhay “upang sa lahat ng bagay ay mapalamutian nila ang aral ng Diyos na ating Tagapagligtas." (Tito 2:10). Habang nabubuhay ang mga Kristiyano sa banal na buhay, ang kanilang pag-uugali ay “magpaganda” sa ebanghelyo. Ang pag-uugali ng mga banal na tao ay gagawing kaakit-akit ang ebanghelyo sa ating mundo.
Tinawag ni Pablo ang mga Kristiyano sa Filipos sa isang maka-Diyos na buhay. Dapat silang manatiling bukod mula sa kasalanan. Dapat silang maging “kayo’y maging walang sala at walang malay, mga anak ng Diyos na walang dungis sa gitna ng isang salinlahing liko at masama, na sa gitna nila’y lumiliwanag kayong tulad ng mga ilaw sa sanlibutan” (Filipos 2:15).
Habang namumuhay nang may kabanalan ang bayan ng Diyos, tayo ay “nagliliwanag bilang mga ilaw sa mundo.” Ang buhay ng mga anak ng Diyos ay dapat magbigay ng maliwanag na patotoo sa isang madilim na mundo. Ang paghihiwalay sa kasalanan ay hindi isang legal na pagtatangka na “makakuha ng kaligtasan.” Ang pagbubukod mula sa kasalanan ay nagbibigay-daan sa atin upang matupad ang panawagan ni Hesus na maging “liwanag ng sanlibutan” at “asin ng mundo” (Mateo 5:13-14). Ang mga banal na kamay ay isang makapangyarihang saksi sa ating mundo.
Mga Prinsipyo ng Biblical na Pagbubukod
Para sa maraming mga tao ang “pagbubukod mula sa mundo” ay isang listahan ng mga dapat gawin at hindi dapat gawin. Kadalasan ang paghihiwalay ay tinukoy sa pamamagitan ng isang listahan ng mga alituntunin. Maraming mga tao ang nagpapahiwatig ng pagbubukod sa pamamagitan ng isang listahan ng mga damit na hindi nila dapat isinusuot, mga lugar na hindi nila dapat pinupuntahan, at mga pinaglilibangan kung saan hindi sila sumasali.
Totoong totoo na ang mga taong banal ay hindi magsusuot ng ilang mga bagay o pumupunta sa ilang mga lugar. Nais ng isang taong banal na mapaluguran ang Diyos sa bawat aspeto ng buhay. Gayunpaman, ang pagbukod sa kasalanan at pagbukod para sa Diyos ay higit pa sa isang listahan ng mga patakaran.
Ang isang problema sa pagtukoy ng pagbubukod sa pamamagitan lamang ng isang listahan ng mga patakaran ay ang pagbabago sa mga tuntunin sa paglipas ng panahon, madalas na may maliit na paliwanag. Ang isang iglesya ay nagmamarka ng paghihiwalay sa pamamagitan ng isang hanay ng mga alituntunin; Ang isa pang iglesya ay nagmamarka ng pagbubukod nito sa pamamagitan ng isa pang hanay ng mga patakaran. Ang isang mas mahusay na diskarte ay upang tukuyin ang mga Biblikal na prinsipyo na totoo sa lahat ng oras at sa lahat ng kultura.
Bilang mga Kristiyano, dapat ipakita ng ating pamumuhay ang ating pagsuko sa Salita ng Diyos at sa patnubay ng Espiritu Santo. Kung hinahangad nating maging mga mamamayan na nakabukod para sa Diyos bilang “isang bayan para sa kanyang sariling pag-aari” (1 Pedro 2:9), handa tayong sundin ang pagtuturo ng kanyang Salita.
Bagaman ang Biblia ay hindi direktang tumutukoy sa maraming aspeto ng modernong buhay, nagtatatag ito ng mga alituntunin na gagabay sa atin. Ano ang mga prinsipyo na dapat gumabay sa pamumuhay ng isang taong banal?
(1) Ang Prinsipyo ng Pagiging Disente
Ang prinsipyo ng pagiging disente ay nagpapatunay na ang ating pananamit at pag-uugali ay dapat iginagalang ang Diyos at dapat iwasan ang lahat ng nakakahiya sa kanyang mga mata. Ang ating damit at asal ay ginagabayan ng ating pagnanais na luwalhatiin ang Diyos.
Sa buong Biblia, nakakahiya ang kahubaran. Pagkatapos nilang magkasala, nahiya si Adan at Eba dahil “nalaman nilang sila ay hubad (Genesis 3:7). Kaya “iginawa nila ang kanilang mga sarili ng damit mula sa dahon.” Nang masalubong sila ng Diyos sa hardin, gumawa Siya ng mas kumpletong “mga damit mula sa mga balat ng hayop at sinuotan sila (Genesis 3:21).
Sa buong natitirang bahagi ng Kasulatan, ang kahubaran ay tanda ng kahihiyan. Ginamit ng mga propeta ang kahubaran bilang simbolo ng paghatol ng Diyos (Isaias 20:1-4; Hoseas 2:3; Ezekiel 23:29). Bilang bayan ng Diyos, dapat ipakita ng ating kasuotan na pinararangalan natin ang pamantayan ng Diyos ng pagiging disente. Dapat nating ikahiya ang kahubaran na isang simbolo ng kahihiyan sa mga propeta ng Diyos. Ang ating pananamit ay dapat isang damit na kumakatawan sa isang banal at dalisay na mga mamamayan ng Diyos.
Kabilang sa pagiging disente sa Biblia ang pagkakaiba sa pagitan ng mga kasarian. Bagaman hindi tinukoy ng Biblia ang tiyak na mga damit na isinusuot ng mga Israelita, inutusan ng Diyos ang kanyang bayan na mapanatili ang pagkakaiba ng kasarian sa pagitan ng kanilang damit (Deuteronomio 22:5).
Itinuturo ng Bagong Tipan na ang ating paggagayak ay dapat ipakita na tayo ay bayan ng Diyos. Tinutukoy ni Pablo ang dalawang uri ng pagpapaganda:
Ang mga babae ay dapat na magdamit na may kahinhinan, naaangkop at hindi mahalay; hindi ng napapalamutiang buhok, at ng ginto o perlas o mamahaling damit; kundi ng mabubuting gawa na siyang nararapat sa mga babaing nagpapahayag ng paggalang sa Diyos. (1 Timoteo 2:9-10).
Ipinagbabawal ni Pablo ang pagpapalamuti ng mga estilo ng buhok, alahas, at damit. Kasabay nito, pinuri ni Pablo ang paggayakan ng “kagalang-galang na damit” na “angkop para sa mga kababaihan na nagpapahayag ng kabanalan.” Ito ang kagandahan ng “mabubuting gawa” na dapat hanapin ng mga Kristiyano.
Ang pagtuturo ni Pablo ay nagpapakita ng kaugnayan sa pagitan ng panlabas na kagandahan at ng panloob na espiritu. Sa seksyong ito ng sulat ni Pablo kay Timoteo, sinasagot niya ang panalangin sa iglesya. Sinabi niya kay Timoteo kung paano dapat manalangin ang mga Kristiyano. Sinasagot niya ang mga alalahanin para sa bawat kasarian.
Isinulat ni Pablo na dapat manalangin ang mga tao “nang walang galit o pag-aaway (1 Timoteo 2:8). Hindi tayo dapat pumasok sa presensya ng Diyos sa diwa ng galit. Isinulat ni Pablo na ang mga kababaihan ay dapat manalangin na may espiritu ng kahinhinan at pagpapasakop; ito ay makikita kahit na sa damit at gayak. Hindi tayo dapat pumasok sa presensya ng Diyos nang may pagmamalaki at kaluwalhatian sa sarili. Ang mga banal na tao ay may isang kahinhinan na nakikita sa lahat ng bahagi ng buhay.
Ibinigay ni Pedro ang parehong relasyon sa pagitan ng panlabas na hitsura at ang panloob na espiritu.
Ang inyong kagayakan ay huwag maging panlabas na pagpapahiyas ng buhok, at pagsusuot ng ginto, o pagbibihis ng maringal na damit. Sa halip, ay ang panloob na pagkatao na may kagandahang walang paglipas, ng isang mahinhin at maamong espiritu na napakahalaga sa paningin ng Diyos. Sapagkat nang unang panahon ay ganito ginayakan ng mga banal na babae na umaasa sa Diyos ang kanilang sarili, at sila’y nagpasakop sa kani-kanilang mga asawa… (1 Pedro 3:3-5).
Tulad ni Pablo, kinilala ni Pedro ang dalawang uri ng paggagayak sa sarili. Ipinagbabawal niya ang panlabas na paggagayak ng masalimuot na estilo ng buhok, alahas, at damit. Pagkatapos, iniuutos niya ang panloob na paggagayak ng “isang magiliw at tahimik na espiritu, na sa paningin ng Diyos ay napakahalaga.” Ang mga taong may kabanalan ay higit na nagpapahalaga sa pagiging “mahalaga sa paningin ng Diyos” kaysa sa pagtanggap ng pagsang-ayon ng mundong ito. Ganito “ang ginagamit ng mga banal na babaeng umaasa sa Diyos upang magpaganda.”
Bilang mga Kristiyano, dapat ipakita ng ating libangan na tayo’y nabukod mula sa kasalanan at nakahiwalay para sa Diyos. Sinasabi sa atin ni Pablo na dapat punuin ng mga Kristiyano ang ating isipan ng mga bagay na magiging higit na katulad ni Kristo.
Kahuli-hulihan, mga kapatid, anumang bagay na totoo, anumang bagay na kagalang-galang, anumang bagay na matuwid, anumang bagay na malinis, anumang bagay na kaibig-ibig, anumang bagay na kapuri-puri, kung mayroong anumang kagalingan, at kung may anumang nararapat papurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito. (Filipos 4:8).
Bilang banal na mga tao, ang bawat bahagi ng buhay ay kinokontrol ng Diyos. Habang binabasa mo ang Levitico, nakikita mo na walang masyadong maliit upang maging karapat-dapat sa Diyos. Ang lahat ay mahalaga sa kanya! Hindi ito dahil ang Diyos ay malupit na gustong kontrolin ang bawat bahagi ng buhay. Ito ay dahil ang Diyos ay isang mapagmahal na Ama na nagmamalasakit sa bawat aspeto ng buhay ng kanyang mga anak. Hindi gusto ng ating makalangit na Ama na ang kanyang mga anak ay magsuot ng damit na hindi nagpaparangal sa katawan na kanyang buong pagmamahal na nilalang. Hindi nais ng ating makalangit na Ama na mapupuno ng kaniyang mga anak ang kanilang mga isip ng kasiyahan na nagbibigay ng inspirasyon sa makasalanan at kahiya-hiyang mga saloobin. Tayo ay “isang bayan para sa kanyang sariling pag-aari,” at nagmamalasakit siya sa bawat aspeto ng ating buhay.
► Isabuhay ang prinsipyo ng pagiging mahinahon sa iyong kultura. Anong bahagi (kapwa sa damit at pamumuhay) ang isang hamon para sa pagpapanatili ng pagiging mahinahon sa ating mundo?
(2) Ang Prinsipyo ng Pagiging Katiwala
Ang prinsipyo ng pagiging katiwala ay nagpapatunay na ang lahat ng nasa atin ay pag-aari ng Diyos. Bilang mga anak ng Diyos, gagamitin namin ang aming pera at mga mapagkukunan sa paraang nagpaparangal sa kanya.
Noong 18th siglo, ang ilang mga Kristiyano ay sumunod sa isang mahigpit na code ng damit. Tinanggihan nila ang anumang dekorasyon sa damit. Hindi sila nagsuot ng mga makintab na mga butones sa mga damit; ang mga lalaki ay hindi nagsusuot ng mga kurbata; nagsuot sila ng mga damit na yari lamang sa kulay-abo na tela. Ang kanilang anyo ay puno ng kababaang-loob.
Gayunpaman, ipinangaral ni John Wesley ang isang pangaral tungkol sa pananamit kung saan nagreklamo siya na ang ganitong hitsura ng kababaang-loob ay panlabas lamang. Habang ang mga damit ay simple lang, binabalewala ng ilang mga Kristiyano ang prinsipyo ng pangangasiwa. Naglalakbay sila mula sa London papuntang Paris upang bilhin ang pinakamahal na materyales para sa kanilang damit. Oo, binili nila ang kulay-abo lamang na tela-ngunit bumili sila ng mamahaling tela upang ipakita ang kanilang kayamanan. Sila ay mahinhin, ngunit hindi sila mabuting tagapangasiwa ng salapi ng Diyos[1].
Sinabi ni Wesley na ang maging hiwalay sa mundo ay nangangahulugang pagiging isang mabuting tagapangasiwa ng salapi na ibinibigay sa atin ng Diyos. Ipinangaral niya na ang isang banal na tao ay hindi dapat mag-aaksaya ng pera sa mga damit na nagastos. Posibleng magsuot ng katamtamang damit ngunit maging maaksaya sa ating mga pagpipilian. Sinabi ni Pablo na ang ating kagandahan ay hindi dapat maging “mahal na damit” (1 Timoteo 2:9).
Ang prinsipyo ng pangangasiwa ay hindi nangangahulugang palaging binibili ang pinakamurang bagay. Minsan ang mas magandang kalidad ng damit na nagkakahalaga ng higit pa ay tatagal nang mas matagal. Ang ilang mga iglesya ay nakapagtitipid ng pera sa pamamagitan ng pagkakabit ng murang pagtutubero - at pagkatapos ay gumastos ng maraming beses na mas malaking halaga upang ayusin ang mga tagas! Iyon ay hindi wastong pangangasiwa.
Ang prinsipyo ng pangangasiwa ay nagsasabi, “Tayo ay mga katiwala ng salapi na ipinagkatiwala sa atin ng Diyos. Dapat nating gamitin ito nang matalino. Tayo ay mga tagapangasiwa ng talento na ibinigay sa atin ng Diyos. Dapat nating gamitin ito para sa kanyang kaluwalhatian. Ang lahat ng ginagawa namin ay dapat magparangal sa kanya.”
► Isabuhay ang prinsipyo ng wastong pangangasiwa sa inyong kultura. Paano magiging mbuting katiwala ng mga resources mula sa Diyos ang inyong iglesya?
(3) Ang Prinsipyo ng Pagpipigil
Ang prinsipyo ng pagpipigil ay nagpapatunay na hindi natin hahayaan ang “mga bagay” (kahit na mabubuting bagay) na kontrolin ang ating buhay. Isa sa mga hamon para sa pamumuhay “sa” ngunit hindi “ng” sa mundo ay na tayo ay nasa mundo! Maraming mga bagay sa ating mundo na maaari at kasiya-siya. Ang banal na buhay ay nangangailangan ng pagpipigil o pag-moderate kahit sa mabubuting bagay.
Ang pagkain ay isang halimbawa. Ang kagutuman ay isang likas na gana; ito ay hindi kasalanan. Isinulat ni Pablo na dapat tayong kumain “sa kaluwalhatian ng Diyos” (1 Mga Taga-Corinto 10:31). Ang pagkain ay hindi makasalanan. Gayunpaman, kung ako ay isang matakaw na walang pagpipigil sa sarili, hindi ako kumakain sa kaluwalhatian ng Diyos. Ang mundo ay kumakain para sa kasiyahan sa sarili; kung ako ay walang hanggan sa aking mga gawi sa pagkain, ako ay “sa mundo.” Sa halip, dapat akong kumain “para sa kaluwalhatian ng Diyos.” Nangangahulugan ito na magkakaroon ako ng pagpipigil sa sarili habang nasisiyahan sa mabuting pagkain na inilalaan ng Diyos para sa akin.
Ipinilit ng mga taga-Corinto na maaari pa silang makagawa ng sekswal na imoralidad dahil sila ay espirituwal na mga anak ng Diyos at ang katawan ay hindi na mahalaga. Sinabi nila, “Ang pagkain ay para sa tiyan at ang tiyan para sa pagkain.” May ideya sila mula sa kanilang kultura na ang katawan ay pinahihintulutan na makamit ang anumang nais nito.
Tumugon si Pablo sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga turo ng mga taga-Corinto at pagkatapos ay tinatanggihan ang mga maling ideya sa likod ng kanilang pagtuturo. “Ang lahat ng mga bagay para sa akin ay matuwid,” ngunit hindi ako paaalipin sa anuman. “‘Ang pagkain ay para sa tiyan, at ang tiyan ay para sa pagkain,’ ngunit ito at ang mga iyon ay wawasakin ng Diyos.” (1 Mga Taga-Corinto 6:12-20). Ipinagpatuloy niya,” Hindi ba ninyo nalalaman na ang inyong mga katawan ay mga sangkap ni Cristo?” Si Pablo ay nagtapos, “Hindi na sa inyo ang inyong sarili, kayo ay binili na may presyo. Kaya luwalhatiin mo ang Diyos sa iyong katawan.”
Ang prinsipyo ni Pablo ay ito - kahit na ang mga bagay na naaayon sa batas ay hindi dapat makakontrol sa atin. May awtoridad ang Diyos sa lahat ng aspeto ng buhay ng mga Kristiyano, maging ang ating katawan. Ang lahat ng ginagawa natin ay dapat magdulot ng karangalan sa Diyos. Kinakailangan nito na mamuhay tayo nang may kahinahunan at pagpipigil sa sarili.
Paano ito makikita sa pang-araw-araw na buhay? Nangangahulugan ito ng pagpipigil sa sarili sa kung ano ang kinakain at iniinom natin. Nangangahulugan ito ng pagpipigil sa sarili sa ating libangan. Bilang isang banal na tao, hindi ako “pinapangunahan ng kahit ano.” Kahit na ang isang perpektong walang-sala na aliwan ay mali (para sa akin) kung ito ay kokontrol sa akin. Ang prinsipyo ng pagpipigil ay nagtuturo ng pagpipigil sa sarili sa lahat ng bahagi ng buhay.
Narito ang isang halimbawa na nagpapakita kung paanong ang mga prinsipyong ito ay nauugnay sa mga personal na kahinaan at pagkakaiba ng personalidad. Unawaain na ito ay isa lamang halimbawa, hindi ito isang panuntunan para sa inyo!
Ang isang kabataang lalaki nanagngangalang James ang bumili ng isang bagong computer na may isang simpleng laro na tinatawag na “Tetris.” Walang mali sa laro. Ito ay hindi marahas o, malibog, o makasalanan sa anumang paraan. Ito ay isang simpleng palaisipan. Gayunpaman, nalaman ni James sa lalong madaling panahon na siya ay “dominado” na ng larong ito. Umuupo siya upang magtrabaho --at sa lalong madaling panahon simulan ang paglalaro ng laro. Sasabihin niya, “Magpahinga ako mula sa pagtatrabaho at paglalaro ng Tetris.” Makaraan ang tatlumpung minuto, sasabihin uli niya, “Gusto kong tapusin ang isa pang laro.” Pagkalipas ng isang oras, naglalaro pa rin siya. Panghuli, ipinaalala sa kanya ng Diyos ang prinsipyo ng pagpipigil. “Ang lahat ng mga bagay para sa akin ay matuwid,” ngunit hindi ako paaalipin sa anuman.” (1 Mga Taga-Corinto 6:12).
Dahil dito, nagpasya si James na dapat na niyang tanggalin ang Tetris mula sa kanyang computer. Ito ba ay isang tuntunin ng Biblia para sa lahat? Hindi! Hindi isinama ng Biblia ang salitang Tetris kahit saan! Ngunit para kay James, ang prinsipyo ng pagpipigil ay nangangahulugan ng pag-iwas sa isang laro na makakokontrol sa kanya.
Ang mga prinsipyo ay mas malawak kaysa sa mga panuntunan. Walang pagtuturo sa Biblia laban sa Tetris. Kung Tetris ang iyong paboritong laro, hindi mo na kailangang isuko ito dahil ginawa iyon ni James. Ngunit para kay James, dahil sa kanyang kahinaan, ang Tetris ay naging isang silo. Kung nais nating mabuhay ng banal na buhay, hihilingin natin sa Diyos, “Paano ako nakapamumuhay sa isang paraang nakalulugod sa iyo?”
► Isabuhay ang prinsipyo ng pagpipigil sa iyong kultura. Anong mga lugar ang isang hamon para sa pagpapanatili ng biblikal na balanse sa iyong buhay?
(4) Ang Prinsipyo ng Kaangkupan
Nang si Timoteo, anak ng isang Griyegong ama at isang Hudyong ina, ay sumama kay Pablo at Silas sa kanilang paglalakbay bilang misyonero, hiniling ni Pablo na tuliin si Timoteo para sa epektibong ministeryo (Mga Gawa 16:3). Nauna rito, tinanggihan ni Pablo na tuliin si Tito, isang nagbalik-loob na Griyego (Galacia 2:3). Ang magkakaibang tugon ni Pablo sa mga sitwasyong ito ay nagtuturo ng mahalagang prinsipyo para sa ministeryo.
Sa kaso ni Tito, tumayo si Pablo para sa katotohanan na tayo ay naligtas sa pamamagitan ng biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya. Kung pipilitin ang isang nagbalik-loob na Hentil na sundin ang batas ng Judio ay magpapahina sa mensahe ng kalayaan ng Kristiyano. Nanindigan nang matatag si Pablo laban sa mga nagnanais na tuliin si Tito (Galacia 2:1-6). Sa Mga Gawa 15, kinikilala ng iglesya ng Jerusalem na hindi kinakailangan ang pagtutuli para sa mga nagbalik-loob na mga Gentil.
Sa Gawa 16, hiniling ni Pablo kay Timoteo na magpatuli. Bakit? Hindi para sa kapakanan ng kaligtasan, kundi alang-alang sa epektibong ministeryo sa mga sinagoga.
► Basahin ang 1 Mga Taga-Corinto 9:19-23
Inilalarawan ni Pablo ang ganitong prinsipyo sa Corinto. Para sa kapakanan ng ebanghelyo, handa si Pablo na magsakripisyo sa mga lugar na walang kinalaman sa prinsipyo ng Biblia. Hindi niya ikokompromiso ang mga paniniwala sa Biblia, ngunit isinakripisyo niya ang kanyang mga kalayaan para sa ministeryo.
Ito ay nagpapahiwatig ng isang mahalagang prinsipyo para sa mga Kristiyano. Ang ilang mga bagay ay maaaring naaangkop sa isang sitwasyon at hindi sa iba. Para sa kapakanan ng epektibong ministeryo, ang isang pinuno ay maaaring isukoang ilang “kalayaan” sa mga lugar na hindi nakasasakit ng damdamin sa kanyang sariling mga paniniwala. Ang mga ito ay hindi mga lugar ng pagtuturo sa Biblia, ngunit ang mga lugar ng pansariling paniniwala at kultural na nakasanayan.
Si Gary ay isang misyonero sa Africa. Nagpatubo si Gary ng isang buong balbas. Sa kanyang bansa, ang isang balbas ay isang simbolo ng edad at awtoridad. Ang pinuno ng isang tribo ay laging may mahabang balbas. Dahil sa kanyang balbas, may paggalang kay Gary ang mga taong sinisikap niyang maabot sa ebanghelyo. Mayroon siyang balbas dahil sa prinsipyo ng pagiging angkop.
Si Rick ay isang misyonero sa Asya. Sa bansa ni Rick, ang isang balbas ay nauugnay sa pagiging pabaya at walang pag-iingat sa personal na hitsura. Sa lalong madaling panahon pagkatapos lumipat sa bansang ito, nakita ni Rick na ang kanyang balbas ay naglilimita sa kanyang pagiging epektibo. Inahit niya ang kanyang balbas dahil sa prinsipyo ng pagiging angkop.
Tama ba o mali ang balbas? Hindi! Pareho nilang natutunan na sundin ang alituntunin ng pagiging angkop - ano ang pinakamainam para sa kalagayan kung saan inilalagay ako ng Diyos?
► Nakakita ka ba ng mga lugar kung saan ang prinsipyo ng pagiging angkop ay nangangailangan sa iyo na isakripisyo ang iyong personal na kalayaan upang maabot ang mga tao sa paligid mo para kay Kristo?
(5) Ang Prinsipyo ng Responsibilidad: Kanino Ako Mananagot?
Nagtanong ang isang guro sa ilang estudyante sa kolehiyo, “Mas gusto ba ninyo ang mga panuntunan o prinsipyo para sa inyong handbook o aklat-alituntunin ng dormitoryo?” Karaniwan nilang sinasabi, “Mas gusto namin ang mga prinsipyo!”
Pagkatapos ay itinanong ng guro, “Alin ang mas madaling sundin: isang tuntunin na nagsasabing, ‘Ang mga ilaw ay dapat mapatay sa hatinggabi’ o isang alituntunin na nagsasabing, ‘Naghahanda ka para sa ministeryo. Matulog ng maaga at sapat para sa maayos na pahinga at maging handa na magpokus sa pag-aaral sa iyong unang klase sa umaga’”? Agad na napagtanto ng mga mag-aaral na ang isang prinsipyo ay nagtuturo sa atin upang mag-isip ng higit pa kaysa sa isang simpleng patakaran!
Ang mga prinsipyo ay maaaring maging mahirap. Ang isa sa mga susi ay napagtatanto na sumasagot tayo sa Diyos tungkol sa pagbubukod. Hindi ka maaaring magkaroon ng itim at puting tuntunin na nagsasabing, “Ang _____ gramo ng pagkain kada araw ay mapagpigil. Higit pa sa roon ay katakawan na.” Iyan ay imposible! Sa halip, dapat kong tandaan na responsable ako sa Diyos para sa pagpipigil sa sarili.
Ang isang tao na nasa trabaho sa opisina ay nangangailangan ng magagandang kasuutan; ang ibang tao ay magiging isang di-mabuting katiwala kung bibili siya ng magandang kasuutan na isusuot lang niya sa bukid!
Maaaring magbigay ang Diyos ng iba’t ibang paniniwala sa iba’t ibang tao batay sa kanilang ministeryo, sa kanilang pinagmulan, at kahit ang mga kasalanan na kung saan sila ay madaling matukso. Hindi tayo lahat magkatulad; hindi tayo magiging magkatulad. Ang ating mga kapatid ay maaaring magkaroon ng magkakaibang pamumuhay. Hangga’t ang pagkakaiba ay hindi sumasalungat sa mga aral ng Banal na Kasulatan, ang mga pagkakaibang ito ay maaaring maging tanda ng kalayaan ng Biblia.
Dahil dito, dapat kong alalahanin ang dalawang bagay:
1. Hindi ko dapat hatulan ang puso ng ibang tao. Dapat silang managot sa Diyos para sa kanilang pagkabukod mula sa mundo (Mga Taga-Roma 14:4).
2. Dapat kong hatulan ang sarili kong puso. Dapat kong sagutin ang Diyos para sa aking pagkabukod mula sa mundo (2 Mga Taga-Corinto 5:9-10).
[1]John Wesley, “On Dress” from The Works of John Wesley, (Grand Rapids: Baker Books, 1996)
Natagpuan Nila ang Sikreto - Count Zinzendorf at ang mga Moravian
Noong 18th siglo, isang grupo ng mga Kristiyano ay tumakas sa Alemanya upang makatakas sa pag-uusig sa Moravia. Nanirahan sila sa ari-arian ng Count Nikolaus von Zinzendorf,[1] na naging pinuno nila. Sa loob ng ilang taon, mahigit 300 Moravian ang nanirahan sa estado na ito sa Herrnhut.
Ang mga Moravian ay nakatuon sa tunay na kabanalan. Nabuhay sila ng mga buhay na ginabayan ng mga prinsipyo ng Kasulatan. Sila ay kilala para sa kanilang maingat na pag-aaral ng Biblia at pangako sa panalangin. Noong 1727, nagsimula ang mga Moravian ng isang pulong ng panalangin na nagpatuloy na 24 na oras sa isang araw sa loob ng higit sa 100 taon.
Ang mga Moravian ay naghangad na maging ganap sa Diyos. Ano ang naging resulta ng pangakong ito sa isang buhay na nakabukod? Ginamit sila ng Diyos sa isang makapangyarihang paraan.
Ang mga Moravian ay may malaking impluwensya sa ibang mga Kristiyano. Ang misyonerong Moravian, si Peter Boehler, ay mahalaga sa pagbabalik-loob nina John at Charles Wesley. Ilang linggo pagkatapos ng katiyakan ni John Wesley sa kaligtasan sa isang kapilya ng Moravian sa Aldersgate Street, naglakbay siya sa Herrnhut upang matuto nang higit pa tungkol sa espirituwal na karanasan ng mga tapat na mananampalataya. Mula kina Wesley hanggang kay William Carey, ang mga nakatalagang Kristiyano ay naiimpluwensyahan ng pagsusulong ng kabanalan ng mga Moravian.
Ang mga Moravian ay nagdala ng isang malakas na ebanghelistikong patotoo sa buong mundo. Sa loob ng anim na buwan ng pagsisimula ng 1727 pulong ng panalangin, 26 na miyembro ng Moravian ang nagboluntaryo para sa gawain ng pagmimisyon - noong panahong halos hindi kilala ang mga misyon sa ibang bansa sa mga iglesyang Protestante. Noong 18th siglo, mahigit 300 misyonero ang ipinadala mula sa maliit na grupo ng nakabukod na mga Kristiyano. Ang ilan sa pinakamaagang misyonerong Protestante ay ipinadala ng mga Moravian. Ang mga Kristiyano na nahiwalay para sa Diyos ay maaaring gamitin ng Diyos upang baguhin ang kanilang mundo.
Ang himno na “Gusto ko ng isang Prinsipyo sa Kalooban” ay nagbubuod sa mga prinsipyo ng paghihiwalay na itinuro ng mga Moravian. Ang isang banal na tao ay nagpapanatili ng budhi na sensitibo sa mga babala ng Diyos.
Gusto ko ng isang Prinsipyo sa Kalooban - Charles Wesley
Gusto ko ng isang prinsipyo sa kaloob
ng maingat, banal na takot,
isang pakiramdam na sensitibo sa kasalanan,
isang sakit na nararamdaman.
Gusto ko ang unang diskarte sa pakiramdam
ng pagmamataas o maling pagnanais,
upang mahuli ang libot ng aking kalooban,
at pawiin ang nagniningas na apoy.
Mula sa iyo na hindi na ako malihis,
hindi na ang iyong kabutihan ay nagdadalamhati,
bigyan mo ako ng malasakit ng anak, panalangin ko,
bigyanng sensitibong budhi.
Simbilis ng mansanas ng iyong mata,
Oh Diyos, gawin sa aking budhi;
gisinginmo ang akingkaluluwakapagmalapitna ang kasalanan,
at panatilihin itong gising pa rin.
Aralin 4 sa Isang Pahina
(1) Ang pagiging banal ay nangangahulugan na ibinukod o maging sa Diyos. Kabilang sa mga halimbawa ang:
Isang Banal na Araw
Mga Banal na Bagay
Mga Banal na Lugar
Isang Banal na Tribo
(2) Ang pagiging banal ay nangangahulugan na ibubukod mula sa kasalanan. Dahil napopoot ang Diyos sa kasalanan, ang mga pinabanal ng Diyos ay napopoot sa kasalanan.
(3) Ang pagiging banal ay nangangahulugan na ibubukod para sa Diyos. Ang layunin ng pagbubukod mula sa kasalanan ay pagbubukod para sa Diyos.
(4) Ang mga banal na tao ay mananatiling malayo sa kasalanan. Upang mabuhay nang malapit sa Diyos ay nangangahulugan na mabuhay tayo nang malayo sa kasalanan.
(5) Ang Banal na buhay ay naghanda sa Israel bilang isang saksi sa sanlibutan. Ang mga banal na buhay ay naghahanda ng mga Kristiyano upang sumaksi sa sanlibutan.
(6) Ang Biblikal na pagbubukod ay nagsisimula sa puso.
(7) Ang mga Prinsipyo ng pagbubukod mula sa sanlibutan ay kinabibilangan ng:
Ang Prinsipyo ng Pagiging Disente
Ang Prinsipyo ng Pagiging Katiwala
Ang Prinsipyo ng Pagpipigil
Ang Prinsipyo ng Kaangkupan
Ang Prinsipyo ng Responsibilidad
Mga Takdang Aralin sa Aralin 4
(1) Pumili ng isang isyu kung saan ang paghihiwalay ay mahirap para sa mga Kristiyano sa iyong lipunan. Gamit ang mga prinsipyo sa kabanatang ito, magsulat ng sanaysay na 1-2 na pahina na nagpapahiwatig kung paano maaaring ihiwalay ang mga Kristiyano mula sa kasalanan at ihiwalay para sa Diyos tungkol sa isyu na iyong pinili.
(2) Simulan ang susunod na sesyon ng klase sa pamamagitan ng pagbigkas sa 2 Mga Taga-Corinto 6:16-18.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.