Ito ang pinakadakilang araw sa buhay ni Moises (Exodo 33:17-23). Siya ay lumaki sa palasyo ni Faraon. Nakilala niya ang ilan sa mga pinakamakapangyarihang tao sa mundo. Ngunit ngayon, masasalubong ni Moises ang isa na mas malaki kaysa kay Paraon. Makikilala niya si Jehovah, ang Diyos ni Abraham, Isaac, at Jacob.
Si Moises ay nakipag-usap sa Diyos sa nagliliyab na puno. Nasaksihan niya na dinurog ng Diyos ang hukbo ni Paraon sa Dagat na Pula. Ngunit ngayon, makikita ni Moises ang Diyos nang mas malapit kaysa sa nasusunog na puno o sa Dagat na Pula.
Ngayon, si Moises ay nasa harapan ng presensya ni Jehovah. May isa lamang kahilingan si Moises, “Ipakita mo sa akin ang iyong kaluwalhatian.” Sinabi ng Diyos kay Moises na imposible ito. “Hindi mo makikita ang aking mukha, sapagkat walang tao ang maaaring makakita sa akin at mabuhay.” Ngunit binigyan ng Diyos ng isang espesyal na pabor si Moises:
At sinabi ng Panginoon, “Masdan mo, may isang dako sa tabi ko, at ikaw ay tatayo sa ibabaw ng bato; at samantalang ang aking kaluwalhatian ay dumaraan, aking ilalagay ka sa isang bitak ng bato, at tatakpan kita ng aking kamay hanggang sa ako’y makaraan. Pagkatapos, aking aalisin ang aking kamay, at iyong makikita ang aking likod; subalit ang aking mukha ay hindi makikita. (Exodo 33:21-23).
Nakita ni Moises ang isang maliit lamang na bahagi ng kaluwalhatian ng Diyos, ngunit nang bumalik siya sa kampo, ang kanyang mukha ay nagniningning. Sa tuwing si Moises ay nasa presensiya ng Diyos, “ang balat ng mukha ni Moises ay nagniningning. At muling ilalagay ni Moises ang tabing sa kanyang mukha, hanggang sa pumasok siya upang makipag-usap sa kanya.” (Exodo 34:35). Ang mukha ni Moises ay nagpapakita ng kaluwalhatian ng Diyos. Si Moises ang lalaki na may nagniningning na mukha.
Nilikha tayo sa larawan ng Diyos; Nilikha tayo upang ipakita ang kaluwalhatian ng Diyos. Bagama’t napinsala ng kasalanan ang larawan ng Diyos sa tao, ang Diyos ay naglalayong ibalik ang kanyang larawan sa bawat mananampalataya. Ang pagiging banal ay ang pagiging kamukha ng ating Ama sa langit. Ang layunin ng Diyos ay upang maibalik ang kanyang larawan sa kanyang bayan.
Ang Kabanalan ay ang Larawan ng Diyos na nasa Tao
► Umisip ng isang Kristiyanong modelo ng kabanalan. Anong mga katangian ng ating Ama sa langit ang nakikita mo ba sa buhay ng taong ito?
Ipinapakita ng Pentateuch na ang Diyos ay isang banal na Diyos. Dahil ang Diyos ay banal, tinawag niya ang kanyang bayan upang maging banal. Tayo ay nilikha upang maging kamukha ng ating Ama sa langit; nilikha tayo upang maging banal. Ang layunin ng Diyos ay hubugin ang kanyang mga anak sa kanyang sariling larawan.
[1]Ang pagkakaroon ng larawan ng iba ay nangangahulugang maging kamukha na taong iyon. Nilikha tayo sa larawan ng Diyos. Hindi ito nangangahulugan na ang Diyos ay may mukha tulad ng sa atin; ito ay nangangahulugan na ang ating mga kaluluwa ay ginawa upang ipakita ang katangian ng Diyos. Nilikha tayo upang maging salamin ng larawan ng Diyos. Tulad ng isang salamin na nagpapakitang mukha ng isang tao, ginawa tayo upang ipakita ang larawan ng Diyos.
Tayo ay ginawa upang maging dalisay at banal katulad ng Diyos ay dalisay at banal. Ang pagiging banal ay nangangahulugang ipakita ang larawan ng Diyos. Iniutos ng Diyos sa kanyang mga anak, “Magpakabanal kayo.” Bakit? Sapagkat ang Diyos ay banal. Dapat tayong maging katulad Niya (Levitico 11:45; 1 Pedro 1:16). Nilikha tayo upang maging isang bayang banal; Nilikha tayo upang maging kamukha ng ating Ama sa langit.
Nilikha Tayo sa Larawan ng Diyos
Ang kasukdulan ng kuwento ng paglikha ay ang paglikha ng sangkatauhan sa larawan ng Diyos (Genesis 1:27). Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay mabuti, ngunit ang tao lang ang ginawa sa larawan ng Diyos. Ginawa ng Diyos ang tao upang maging katulad niya. Pinutungan siya ng Diyos ng kaluwalhatian at karangalan (Mga Awit 8:5).
Ang tao ay may walang katapusang halaga dahil ginawa tayo sa larawan ng Diyos. Isinulat ni Pablo na ang tao ay ang larawan at kaluwalhatian ng Diyos (1 Mga Taga-Corinto 11:7). Nilikha tayo upang ipakita ang kaluwalhatian ng Diyos.
Ang Larawan ng Diyos sa Tao ay Napinsala sa Pagkakahulog sa Kasalanan
Ang kasalanan ang sumira sa larawan ng Diyos sa tao. Sa Genesis 1, ang tao ay ginawa “sa wangis ng Diyos”; sa Genesis 6, “ang lahat ng tao sa mundo ay lubhang naging masama dahil ang ginagawa nila ay puro kasamaan (Genesis 6:12). Lubhang lumayo ang tao sa plano ng Diyos kaya’t “ang bawat layunin ng mga kaisipan ng kanilang puso ay laging masama (Genesis 6:5).
Ang kaluwalhatian ng tao na ibinigay noong panahon ng paglikha ay naging kahihiyan. Ipinakita ni Pablosa kanyang mga sulat kung ano ang mga nawala sa tao sa kanyang pagtalikod sa Diyospatungo sa huwad na Diyos. Dahil sa pagkahulog ng tao sa kasalanan, “ay ipinagpalit nilaang kaluwalhatian ng walang kamatayang Diyos para sa mga diyo diyosan ....” Bilang resulta, (Mga Taga-Roma 1:23-28) hinayaan sila ng Diyos:
“sa mga pagnanasa ng kanilang mga puso ay hinayaan sila ng Diyos sa karumihan”
“hinayaan sila ng Diyos sa mga mahahalay na pagnanasa.”
“hinayaan sila ng Diyos sa isang mahalay na pag-iisip”
Ang lahat ng ito ay bunga ng pagkahulog sa kasalanan. Dahil sa kasalanan, ang kaluwalhatian ng tao ay nabago at naging kahihiyan. Ang larawan ng Diyosna nasa tao ay nasira; ang tao ay hindi na kalarawanng kanyang Manlilikha.
Ang Larawan ng Diyos ay Pinapanunumbalik sa Kanyang Bayan
Gayunpaman, hindi iniwan ng Diyosang tao nang nag-iisa. Ang mga paghahandog ay isang paraan ng pagbabayad sa parusa ng kasalanan at pagpapanumbalik ng relasyon sa pagitan ng Diyos at tao. Ngunit ang layunin ng Diyos ay mas malalim kaysa sa pagbabayad sa parusa ng ating kasalanan. Ang Diyos ay naglalayong gawing banal ang tao dahil Siya aybanal.
Ang layunin ng Diyos ay hubugin tayo sa kanyang larawan (Mga Taga-Roma 8:29). Habang ang kanyang larawan ay pinapanumbalik sa atin, ang kahihiyan ng kasalanan ay nabura at muli nating maipapakita ang kaluwalhatian ng Diyos. Ito ay isa sa mga pangunahing tema ng Biblia:
Ginawa tayo sa larawan ng Diyos (Genesis 1-2).
Sa pamamagitan ng kasalanan, ang larawan ng Diyos sa tao ay nasira (Genesis 3).
Simula sa pangako ng Mesiyas sa Genesis 3:15 at nagtatapos sa langit, pinanunumbalik ng Diyos ang kanyang larawan sa tao.
Ipinangako ni Juan na kung mananatili tayo kay Kristo, “maaari tayong magkaroon ng kumpiyansa at hindi tayo mapapahiya dahil sa kahihiyan sa kanyang pagbalik (1 Juan 2:28). Habang tayo ay binabago na maging kanyang larawan, nakamit natin ang kaluwalhatiang nawala sa pagkahulog sa kasalanan. Ang ating kahihiyan ay nabura, at haharapin natin ang kanyang pagbabalik nang may kumpiyansa. Habang lumalago tayo sa larawan ng Diyos, tayo ay pinagiging banal. Kung paanong ang Diyos ay banal, ang kanyang bayan ay pinagiging banal.
Ang Israel ay Tinawag Upang Ipakita ang Larawan ng Diyos
Tinawag ng Diyos ang Israel upang maging isang banal na bayan. Ang kanyang layunin ay upang ibalik ang kanyang larawan sa Israel. Pinili ng Diyos ang Israel bilang kanyang natatanging kinatawan sa ibang mga bansa. Itinakda niya ang Israel bilang kanyang mga piniling tao na magpapakita ng kanyang banal na katangian sa ibang bansa.
Tinawag ng Diyos ang Israel upang maging isang kaharian ng mga saserdote. “Sa akin kayo ay magiging isang kaharian ng mga pari at isang banal na bansa. (Exodo 19:6). Ang trabaho ng isang saserdote ay maging kinatawan ng Diyos sa mga tao. Ang misyon ng Israel ay ang pagiging kinatawan ng Diyos sa lahat ng bansa. Tinawag ng Diyos ang Israel upang ipakita ang kanyang banal na katangian sa ibang mga bansa. Upang maisagawa ang misyon na ito, ang Israel ay kailangang maging banal.
Noong tapat ang Israel sa Diyos, ipinapakita niya ang banal na katangian ng Diyos; siya ay naging isang salamin ng kabanalan ng Diyos. Nang lumipat ang Israel sa mga diyos-diyosan, ipinapakita niya ang makasalanang katangian ng mga diyos-diyosan; siya ay naging isang salamin ng mga kasalanan ng mga diyos-diyosan. Noong nabigo ang Israel upang maging katulad ng Diyos, nabigo siya sa kanyang misyon sa mundo.
Ang Iglesya ay Tinatawag na Ipakita ang Larawan ng Diyos
Sa Bagong Tipan, ang iglesya ay tinawag upang maging banal na bayan ng Diyos. Ang iglesya ay tinawag na maging isang “pagkasaserdote” na kumakatawan sa Diyos sa mundo.
Ngunit kayo’y isang lahing pinili, isang maharlikang pagkapari, isang bansang banal, sambayanang pag-aari ng Diyos, upang inyong ipahayag ang mga makapangyarihang gawa niya na tumawag sa inyo mula sa kadiliman, tungo sa kanyang kagila-gilalas na liwanag. (1 Pedro 2:9).
Kung paanong pinili ng Diyos ang Israel upang ipakita ang kanyang larawan sa mga bansa, pinili niya ang iglesya upang sabihin sa mundo kung paano (tayo) tinawag ng Diyos mula sa kadiliman papunta sa kanyang dakilang liwanag. Pinili ng Diyos ang iglesya upang kumatawan sa kanyang katangian sa mga hindi pa nakakakilala sa kanya. Upang gawin ito, dapat magpakita ng iglesya ang larawan ng Diyos. Upang maisagawa ang kanyang misyon, ang iglesya ay dapat maging banal.
Kapag ang iglesya ay tapat sa Diyos, siya ay nagiging kamukhang Diyos; ipinapakita niya ang banal na katangian ng Diyos. Kapag ang iglesya ay lumipat sa mga diyos-diyosan ng pagiging popular, kayamanan, at kapangyarihan, siya ay nagiging kamukhang kanyang mga idolo; ipinapakita niya ang makasalanang katangian ng kanyang huwad na mga Diyos. Kapag ang iglesya ay nabigo na maging katulad ng Diyos, nabibigo siya sa kanyang misyon sa mundo.
Ang Larawan ng Diyos ay Pinanunumbalik sa Bawat Mananampalataya
Nilikha tayo upang maging kalarawan ng ating Ama sa langit. Ginawa tayo sa larawan ng Diyos, ngunit ang larawang ito ay nasira sa pagkahulog sa kasalanan. Ang larawan ng Diyos ay nandoon pa rin (Genesis 9:6), ngunit ito ay naitatago ng kasalanan.
Isipin mo na ang isang taong naghuhukay sa Tsina ay nakakita ng isang magandang antigong plorera. Sa una, hindi ito mukhang maganda; ito ay nababalutan ng dumi at putik. Maaaring sabihin ng isang tumitingin na, “Itapon mo na iyan. Wala iyang kabuluhan!” Ngunit alam ng dalubhasa na sa ilalim ng dumi ay isang magandang kayamanan.
Ang larawan ng Diyos sa tao ay nasira sa pagkahulog sa kasalanan. Ang larawan ng Diyos ay nabalutan ng dumi at putik ng kasalanan. Ngunit pinapanumbalik ng Diyos ang kanyang larawan sa atin. “Sapagkat ang mga nakilala niya nang una pa ay itinalaga naman niya na maging katulad sa larawan ng kanyang Anak (Mga Taga-Roma 8:29). Tulad ng pagiging kamukha ni Hesus sa kanyang Ama, dapat tayong maging katulad ng ating Ama. Ang kabanalan ay “pagiging katulad ng Diyos”; Ang kabanalan ay ang pagpapanumbalik ng larawan ng Diyos sa tao.
Ang Pieta ni Michelangelo[2] ay isa sa mga pinakasikat na iskultura sa Italya. Noong 1972, isang taong may sakit sa pag-iisip ang kumuha ng martilyo at hinampas ang scuplture. Ang mga artist ay nagtrabaho nang ilang buwan para maayos ang pinsala. Dahil ang iskulturang ito ay napakahalaga, maingat silang nagtrabaho upang mapanumbalik ang orihinal na larawan. Ngayon, hindi mo na makikita kung saan nasira ang iskultura. Pinanumbalik ng mga artist ang Pieta sa orihinal na kagandahan nito.
Sa pagkahulog sa kasalanan, sinira ng kasalanan ang pinakadakilang nilikha ng Diyos. Nasira ng kasalanan ang larawan ng Diyos sa tao. Dahil ang tao ay mahalaga sa Diyos, sinimulan niyang mapanumbalik ang kanyang larawan sa atin. Mula sa pagkahulog sa kasalanan hanggang ngayon, kumikilos ang Diyos sa pamamagitan ng biyaya upang mapanumbalik ang sangkatauhan sa ating orihinal na kagandahan. Ang layunin ng Diyos ay upang mapanumbalik sa atin ang kanyang magandang larawan sa tao.
Maraming tao ang may hindi kumpletong pagkaunawa sa ebanghelyo. Ang kanilang konsepto ng ebanghelyo ay:
1. Ako ay isang makasalanan.
2. Iniligtas ako ng Diyos.
3. Maaari na ako ngayong pumunta sa langit.
Ito ay mabuting balita - ngunit hindi ito ang buong ebanghelyo! Kinikilala ng mabuting balita ng ebanghelyo ang walang hanggang layunin ng Diyos:
1. Ako ay isang makasalanan.
2. iniligtas ako ng Diyos.
3. Pinapanumbalik ngayon ng Diyos ang kanyang larawan sa akin.
4. Sa langit, ako ay magiging katulad niya, sapagkat makikita ko siya bilang siya (1 Juan 3:2). Matutupad ang layunin ng Diyos para sa kanyang bayan.
[3]Hindi ba ito kamangha-mangha? Iniligtas ka ng Diyos upang magawa kang katulad ng kanyang sarili. Ito ang kagandahan ng isang buhay na banal. Bilang isang taong banal, pinapanumbalik tayo sa larawan ng Diyos.
Iniligtas ng Diyos ang mga Israelita mula sa Ehipto upang makapamuhay siya na kasama nila sa isang mapagmahal na pakikipag-ugnayan. Hindi pinalaya ng Diyos ang Israel upang mabuhay tulad ng mga Canaanita. Pinalaya niya sila upang maging katulad sila ng kanyang sarili.
Sa parehong paraan, tayo ay iniligtas upang mabuhay sa matalik na pakikipag-ugnayan sa Diyos at mabago patungo sa kanyang larawan. Iniligtas tayo ng Diyos mula sa ating kasalanan upang maging banal tayo na katulad niyang banal. Ginawatayoupangipakita ang kanyangkaluwalhatian.
Na maisalamin ka,
Ikaw lamang
Na magliwanagsa akin,
Upangmakita ng mgatao
Ang iyongpag-ibig,
Ang iyongbiyaya….
- Blanche Mary Kelly
[2]Imahen: "Michelangelo’s Pieta 5450 cut out black" taken by Stanislav Traykov on December 4, 2005, edited by Niabot, retrieved from https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Michelangelo%27s_Pieta_5450_cut_out_black.jpg, licensed under CC BY 2.5, desaturated from the original.
Ang umaalingawngaw nakatibayan ng presensiya ng Banal na Espiritu sa buhay ng isang tao ay ang hindi maikakailang pagkakatulad ng pamilya kay Kristo Hesus, at sa kalayaan mula sa lahat ng bagay na hindi Niya katulad.
Oswald Chambers
Pagsasabuhay ng Kabanalan: Ang Kabanalan at Personalidad
May mgataonananiniwala na ang isang taong banal ay magkakaroon ng isang tiyak na uri ng personalidad. Isipin ang iyong sagot sa tanong sa pasimula ng araling ito: “Umisip ka ng isang Kristiyanong nagmodelo ng kabanalan. Anong mga katangian ng ating Ama sa langit ang nakikita mo sa buhay ng taong ito?” Inilarawan mo ba ang mga ito lalo na ayon sa mga tuntunin ng mga katangian ng personalidad? Madalas na ganito ang ating ginagawa!
Gayunman, kapag binabasa natin ang Bagong Tipan, makikita natin na ang lahat ng mga uri ng personalidad ay kinakatawan sa araw ng Pentekostes. Ang lahat ng uri ng mga tao ay napuspos ng Banal na Espiritu. Pagkatapos ng araw ng Pentekostes, ang mga alagad ay hindi biglang nagbago sa ibang uri ng katauhan. Sa halip, kumikilos ang Diyos sa pamamagitan ng kanilang likas na personalidad upang magawa ang kanyang mga layunin sa isang bagong paraan.
Si Tomas ay hindi biglang naging isang matalino, positibong tao. Hanggang sa kanyang kamatayan, malamang na tahimik at mahiyain si Tomas. Si Simon Pedro ay hindi biglang naging isang tahimik na taong nakaupo nang hindi mapapansin sa sulok. Kahit na pagkatapos ng Pentekostes, si Pedro ay isang taong may kumpiyansa na nagsasabi, “Hindi maaari, Panginoon” (Mga Gawa 11:8).
Nilikha ng Diyos ang bawat isa sa atin na may kakaibang personalidad. Hindi sinisirang pagpapabanal ang mga katangiang ito. Sa halip, habang isinusuko natin ang ating sarili sa Diyos, ang kanyang larawan ay nagniningning sa pamamagitan ng ating personalidad.
Posible Bang Magningning ang Larawan ng Diyos sa Pamamagitan ng Ating Mga Personalidad?
Paano ito makikita sa pang-araw-araw na buhay? Ang isang mahilig makilahok, palalabas na tao na sumuko nang buo sa Diyos ay patuloy na magtataglay ng parehong personalidad. Ang isang mahiyaing tao na umiiwas sa mga tao ay patuloy na nahihiya. Gayunman, sa parehong mga kaso, ang isang pinabanal na tao ay pinahihintulutan ang Diyos na kinisin at pinuhin ang kanilang personalidad kapag nakita nila ang mga parte na hindi nagpapakita ng larawan ng Diyos.
Hayaan mo akong magbigay ng isang halimbawa. Sina Pastor Gideon at Pastor Mark ay may malakas na personalidad. Silang pareho ay may matibay na paniniwala. Pareho silang mahuhusay na magsalita na maaaring makipagtalo ng mabuti. Parehong nasa posisyon ng pamumuno. Dahil sa kanilang matibay na paniniwala, ang dalawang lalaking ito ay kapwa maaaring makapinsala sa iba sa kanilang mga salita.
Noong malapit nang matapos ang kanyang buhay, sinabi ni Pastor Gideon na,”Hindi ako kailanman humihingi ng paumanhin. Hindi mahalaga kung ano ang iniisip ng mga tao tungkol sa sinasabi ko. Kasalanan nila kung hindi nila ako naunawaan. Alam ko na tama ang puso ko!” Kahit na ang puso ni Gideon ay taos-puso, ang mga tao sa mga iglesya na kanyang pinagpastoran ay kadalasang nasasaktan sa kanyang mga salita. Hindi niya kailanman ganap na natutunan na hayaang magliwanag ang larawan ng pamamagitan ng kanyang personalidad.
Si Pastor Mark ay isa ring malakas na lider. Gayunpaman, natutunan ni Pastor Mark kung ano ang ibig sabihin ng pagpapakita ng larawan ng Diyos. Natutunan niyang sabihin, “Paumanhin. Masyadong mabigat ang pagkakasabi ko.” Natuto siyang magpakita ng awa kasama ang hustisya. Sinabi ng mga miyembro ni Pastor Mark, “Tinatrato kami ng aming pastor katulad ng ginawa ni Hesus.”
Hindi binabago ng kabanalan ang uri ng iyong personalidad; Ginagawa kang sensitibo ng kabanalan sa tinig ng Banal na Espiritu kapag sinabi ng Espiritu, “Kailangan mong humingi ng paumanhin. Ikaw ay nakapagsalita nang mabigat.”
Kung mayroon kang isang personalidad na umiiwas sa pampublikong mata, ang kabanalan ay hindi ka ginagawang isang palalabas na tao na gustoang atensyon. Gayunpaman, ang kabanalan ay gagawin kang handa na isantabi ang iyong pag-aalinlangan kapag sinabi ng Diyos, “Gusto Kong lumabas ka at manguna sa sitwasyong ito.”
Nagbigay si Everett Cattell ng tatlong halimbawa na naglalarawan kung paano gusto ni Satanas na baluktutin ang ating likas na mga pagkahilighilig sa isang bagay na nagpapakita nglarawan ng Diyos sa ating buhay.[1]
Example 1: Pagkain
Ang kagutuman ay isang likas na gana. Posible na kumain “para sa kaluwalhatian ng Diyos (1 Mga Taga-Corinto 10:31). Walang dapat humanap ng espirituwal na karanasan na sisira sa gutom.
Gayunman, sa maraming mga tao, nasira ni Satanas ang ganitong likas na gana at naging katakawan. Sa halip na kumain upang masiyahan ang natural at normal na pangangailangan, ang pagkain ay nagiging isang daan sa pangsariling kasiyahan.
Ang solusyon sa katakawan ay hindi ang alisin ang kagalakan sa pagkain. Ang solusyon ay magkaroon ng pagpipigil sa sarili na pumipigil sa ;ikas na gana sa pagkain bago pa ito maging isang mapanganib o makasalanang gawain.
Example 2: Pagkasensitibo
Pagkatapos ay nagbigay ng mas mahirap na halimbawa si Everett Cattell. Ang sinumang tao na may normal na emosyon ay may ilang antas ng pagiging sensitibo sa mga pananakit at pagdurusa. Ito ay normal at hindi makasalanan. Gayunpaman, kung pinahihintulutan natin ang pagkasensitibong ito na magkaroon ng awa sa sarili, ito ay nagiging isang makasariling saloobin na naglilimita sa ating kakayahan na mabisang maglingkod sa Diyosat upang maipakita ang kanyang larawan sa iba.
Muli, ang solusyon ay hindi upang alisin ang lahat ng emosyonal na pagkasensitibo at maging manhid sa mga salita at pagkilos ng ibang tao. Sa halip, dapat nating matutunan na isuko ang pagkasensitibo sa Diyos at pahintulutan siyang gabayan at kontrolin ang ating tugon sa pananakit.
Example 3: Ang Dila
Marahil ito ang pinakamahirap na halimbawa. Lahat tayo ay dapat gamitin ang dila. Hindi tayo makakapanalangin, “Diyos, pakiusap puksain mo ang aking dila.” Gayunpaman, ang dila ay hindi dapat pahintulutang mawalan ng kontrol.
Nagbigay si Cattell ng halimbawa ng isang misyonero na kadalasang tama sa kanyang mga opinyon, ngunit sinasaktan ang iba sa kanyang mga mabibigat na pananalita. Sa isang kapulungan patungkol sa espirituwal na buhay, sinabi niya ang isang bagay na nakasakit sa maraming dumalo. Nang gabing iyon, ipinaalam ng Diyos sa misyonero na ang kanyang dila ay nakasakit sa iba.
Nanalangin ang misyonero at pagkatapos ay pumunta sa pang-umagang pagpupulong. Sinabi niya sa mga tao sa pulong, “Kung ang aking problema ay alak, madali ito. Itatapon ko ang alak at matatapos na ang problema. Ngunit ang aking problema ay ang aking dila. Hindi ko ito mapuputol para sa kaluwalhatian ng Diyos. Ngunit ipinagkatiwala ko ang aking dila sa Diyos, at nagtitiwala ako na tutulungan ako ng Banal na Espiritu na gamitin ito para sa kanyang kaluwalhatian.”
Itinuro ni Rev. Cattell ang dalawang pagkakamali sa mga problema tulad ng dila:
1. Ang isang pagkakamali ay nagsasabing, “Ako ay makasalanan at hindi makokontrol ang aking dila. Dapat akong magpatuloy sa pagkakasala gamit ang aking dila dahil hindi sapat ang makapangyarihan ng biyaya ng Diyos upang malunasan ang aking problema.”
2. Ang isa pang pagkakamali ay nagsasabing, “Nanalangin ako na gawin nawa ako ng Diyos na banal. Kaya, kokontrolin niya ang aking dila. Hindi ko kailangang gumawa ng anumang bagay upang disiplinahin ang sarili ko. Magtitiwala lamang ako sa Diyos.”
Ang wastong saloobin ay nagsasabi, “Isinusuko ko ang aking puso - at ang aking dila - sa Diyos. Ang aking puso ay dalisay, ngunit alam ko na dapat ko pa ring disiplinahin ang paggamit ko sa aking dila. Kailangan kong maglaan ng panahon upang mag-isip bago ako magsalita. Kailangan kong maglaan ng oras upang manalangin bago ako magsalita. At, kung masyado akong mabilis magsalita, kailangan kong magpakumbaba at magsisi. “Ang isang taong banal hay mabilis na pumupunta sa nasaktan niyang kapatid na may mapagpakumbabang paghingi ng paumanhin (Mateo 5:23-24).
► Ano ang isang panganib na bahagi para sa iyo? Isipin ang natural na mga pagnanasa na maaaring humantong sa makasalanang saloobin o pag-uugali. Magbigay ng isang halimbawa kung paano ang ganitong gana o pagnanasa ay minsang nagiging sanhi ng problema. Pagkatapos ay magbigay ng isang halimbawa kung paano ka tinulungan ng Diyos na disiplinahin ang ganitong gana o pagnanasa.
Paano Hinuhubog ng Diyos ang Personalidad ng Isang Banal na Tao?
Habang hinahangad nating ipakita ang larawan ng Diyos sa ating buhay, kumikilos ang Diyos sa maraming paraan upang hubugin tayo sa taong nais niya para sa atin. Tulad ng arkeologo na nakahanap ng isang di-karaniwang plorera sa Tsina at maingat na kinikinis hanggang sa ito ay kuminang, maingat na pinapaganda ng Diyos ang kanyang mga anak hanggang sa tayo ay lumiwanag at sumalamin sa kanyang larawan.
Ano ang ilan sa mga paraan na hinuhubog ng Diyos ang kanyang bayan sa kanyang larawan? Sa simula ng araling ito, nakita natin kung paano ipinakita ni Moises ang larawan ng Diyos. Ang pagtingin sa buhay ni Moises ay nagbibigay sa atin ng ilang mga ilustrasyon kung paano tayo hinuhubog ng Diyos sa kanyang larawan.
Sa simula ng buhay, hindi laging ipinakita ni Moises ang larawan ng Diyos. Ang init ng kanyang ulo ang nagtulak sa kanya na patayin ang isang lalaki at nanganganib na hindi siya mapakinabangan sa kaharian ng Diyos (Exodo 2:11-15). Gayunman, hinubog ng Diyos si Moises sa isang lalaking “mas maamo kaysa sa lahat ng tao na nasa ibabaw ng lupa. (Mga Bilang 12:3). Madaling masiraan ng loob si Moises (Exodo 5:22-23) ngunit hinubog siya ng Diyos sa isang taong matapat na mangunguna sa kanyang bayan sa loob ng 40 taon sa disyerto. Paano binago ng Diyos ang katangian ni Moises?
(1) Ginagamit nang Diyos ang kanyang Salita upang hubugin ang kanyang mga anak sa kanyang larawan
Ang isa sa mga pinaka-epektibong pamamaraan na ginagamit ng Diyos ay ang kanyang Salita. Habang itinatago natin ang Salita ng Diyos sa ating puso, ginagamit niya ito upang gabayan tayo(Mga Awit 119:9-11). Sa pagtanggap ni Moises sa kautusan ng Diyos na direktang galing sa kamay ng Diyos, hinuhubog nito ang kanyang pagkaunawa at ang kanyang pagkatao.
Ang mga taong banal ay mga tao ng Salita. Alam nilang sa Salita ng Diyos makikita nila ang katangian ng Diyos. Alam nilang sa Salita ng Diyos matututuhan nila kung paano maisasalamin ng kanilang pagkatao ang katangian ng Diyos. Ang bawat dakilang Kristiyano sa kasaysayan ay naging isang mag-aaral ng Salita.
(2) Ginagamit ng Diyos ang mahihirap na kalagayan upang hubugin ang kanyang mga anak sa kanyang larawan
Dahil sa kanyang pagpatay sa isang Egiptio, si Moises ay gumugol ng 40 taon sa disyerto. Maraming beses, maaari niyang naisip, “Sinayang ko ang aking pagkakataon. Wala akong magagawa nang higit sa pag-aalaga sa mga tupa.” Ngunit ginamit ng Diyos ang 40 taon upang hubugin si Moises sa pagiging isang pinuno.
Ang isa sa mga pinaka-nakapagpapalakas ng loob na talala ay mula sa buhay ni Pedro nang hulaan ni Hesus ang kanyang pagkabigo sa pagsubok. Binabalaan ni Hesus si Pedro, “hiningi ni Satanas na ligligin kayo gaya ng trigo…” Pinalakas Niya ang loob ni Pedro, “subalit ako ay nanalangin para sa iyo upang ang iyong pananampalataya ay huwag mawala” At pagkatapos, ipinangako niya na mula sa (pansamantalang) pagkabigo ni Pedro, ang Diyos ay magdadala ng kabutihan: “Kung makabalik ka nang muli, ay palakasin mo ang iyong mga kapatid.” (Lucas 22:31-32). Ginamit ng Diyos kahit ang nakapipighating kalagayan ng kabiguan ni Pedro upang gawin siyang mas epektibo.
Ang mga taong banal ay nagtitiwala sa kalooban ng Diyos sa mahihirap na kalagayan. Naniniwala sila sa Mga Taga-Roma 8:28 dahil pinagsisikapan nilang ipamuhay ang Mga Taga-Roma 8:29. Isinulat ni Pablo,” At nalalaman natin na sa lahat ng mga bagay ang Diyos ay gumagawa sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, sa kanila na mga tinawag alinsunod sa kanyang layunin.” Pagkatapos, sinabi niya sa atin ang “layunin” ng Diyos na dinadala sa buhay ng kanyang mga anak: “Sapagkat ang mga nakilala niya nang una pa ay itinalaga naman niya na maging katulad sa larawan ng kanyang Anak.”
Hindi lahat ng nangyayari sa isang taong banal ay mabuti! Ngunit lahat ng nangyayari ay “nagtutulungan” upang maisakatuparan ang mabuting layunin ng Diyos - na humuhubog sa atin sa larawan ng kanyang Anak.
(3) Gumagamit ang Diyos ng tao upang hubugin ang kanyang mga anak sa kanyang larawan
Maaaring ito ang pinakamahirap sa tatlo. Ginagamit ng Diyos ang mga tao - kadalasang matitigas ang pusong mga tao - upang hubugin tayo sa kanyang larawan. Nang malapit nang umayaw si Moises sa mabibigat na responsibilidad ng pamumuno, ginamit ng Diyos ang kanyang biyenan na si Jetro (na hindi naman isang Israelita) upang payuhan si Moises at naging dahilan ng pagiging mas epektibo niya (Exodo 18:1-27).
Maaari nating tingnang muli si Simon Pedro. Sa pamamagitan ng kanyang pakikisalamuha kay Juan at sa ibang pagkakataon sa pamamagitan ng pakikipagharap kay Pablo, si Pedro ay higit na nahubog sa larawan ng Diyos. “Sinalungat siya ng harapan” ni Pablo nang mabigo si Pedrong mamuhay ayon sa mga aral na itinuro sa kanya ng Espiritu tungkol sa pagkain kasama ng mga Hentil (Galacia 2:11). Bilang nakatatandang apostol, ito ay tiyak na nakakahiya para kay Pedro. Sumusunod na siya kay Kristo habang pinapatay pa rin ni Pablo ang mga Kristiyano! Ngunit pinahintulutan ni Pedro ang Diyos na kumilos sa pamamagitan ni Pablo upang maging malapit siya sa kung ano ang nais ng Diyos para kay Pedro.
Pinahihintulutan ng mga taong banal na kumilos ang Diyos sa pamamagitan ng ibang tao upang hubugin ang kanilang karakter sa kanyang larawan. Sinasabi ng Kawikaan, “Ang bakal ay nagpapatalas sa bakal; at ang tao ang nagpapatalas sa isa pang tao.” (Kawikaan 27:17). Ang matalim na dulo ng isang palakol ay pinapatalim sa pamamagitan ng pagkiskis sa palakol sa isa pang bakal. Sa parehong paraan, habang nakikipag-ugnayan ang mga tao sa isa’t isa, ang kanilang mga kasanayan ay pinalalakas.
Ang buhay ng kabanalan ay higit pa sa isang minsanang sandali ng krisis. Ito ay isang araw-araw na pagbabago sa larawan ng Diyos. Habang nagpapasakop tayo sa pagkilos ng Diyos sa ating buhay, patuloy niya tayong hinuhubog sa kanyang larawan. Ito ang praktikal na buhay ng kabanalan.
[1]Everett L. Cattell, The Spirit of Holiness (Newberg, OR: Barclay Press, 2015), pgs 30-35.
Natagpuan Niya ang Sikreto - Frank Crossley
Ang pusong banal ay hindi lang para sa mga pastor o mga misyonero. Nais ng Diyos na baguhin ang bawat Kristiyano sa kanyang larawan. Nagpakita si Frank Crossley ng larawan ng Diyos sa ordinaryong buhay. Si Frank Crossley ay hindi isang mangangaral; siya ang may-ari ng Crossley Engines. Hindi siya nanirahan sa isang kwebang nakatago mula sa tukso; nakatira siya sa Manchester, isang malaking industrial na lungsod.
Si Frank Crossley ay isang mayamang negosyante noong ika-19 na siglo ng Inglatera. Hindi nagtagal pagkatapos ng kanyang pagbabalik-loob, narinig ni Crossley ang isang batang babae mula sa Salvation Army na nagpapatotoo tungkol sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu na nakakapagpabago. Sinabi ni Crossley sa kanyang asawa, “Gusto kong makilala ang Diyoskatulad ng pagkaka-alam ng batang babae sa Diyos.” Nang sumunod na gabi ay bumalik siya at nagsimulang hanapin ang isang dalisay na puso.
Pagkatapos gawing dalisay ng Diyos ang kanyang puso sa pamamagitan ng pananampalataya, ninais ni Crossley na gumawang higit pa kaysa sa gumawa ng pera. Nagpasya siyang maging isang mangangaral. Nakipag-ugnayan siya kay Heneral William Booth ng Salvation Army, ngunit matalinong pinayuhan ni Booth si Mr. Crossley na ipagpatuloy ang kanyang trabaho bilang isang negosyante. Si Heneral Booth ay naniniwala na si Frank Crossley ay magiging mas epektibo sa paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang pagnenegosyo.
Tinanong ni Mr. Crossley, “Paano ko maipapakita ang larawan ng Diyos sa aking pang-araw-araw na buhay? Paano tatratuhin ni Hesus ang aking mga empleyado?” Inilipat niya ang kanyang pabrika sa pinakamahirap na bahagi ng lungsod upang tulungan ang mga nangangailangan. Tinatrato niya ang kanyang mga manggagawa tulad ng mga Kristiyanong kapatid.
Nagpakita si Frank Crossley ng pusong banal sa pamamagitan ng pag-uugaling katulad ng kay Kristo. Araw-araw, isinasalamin ni Mr. Crossley ang larawan ng Diyos sa kanyang pagtrato sa ibang tao. Ang isang karibal na negosyante ay minsang nakipagkita kay Mr. Crossley tungkol sa isang mahirap na kontrata. Nang maglaon ay sinabi niya, “Itrinato ako ni Mr. Crossley katulad ng ginawa ni Hesu-Kristo.” Nakita ng kasamahan niyang negosyante ang larawan ng Diyossa buhay ni Frank Crossley.
Para kay Frank Crossley, ang pinakamahalagang tanong ay hindi, “Paano ako makakagawa ng mas maraming pera?” Ang pinakamahalagang tanong ay, “Ako ba ay katulad ng aking Ama sa langit?” Dahil dito, naipapakita ni Mr. Crossley ang larawan ng Diyos sa mga taong nasa paligid niya. Ito ay kabanalan.
O Upang Ang Isang Puso Ay Purihin ang Aking Diyos- Charles Wesley
O para sa isang puso na purihin ang aking Diyos,
Ang isang puso mula sa kasalanan ay pinalaya,
Isang puso na laging nakakaramdam ng Iyong dugo
Malayang ibinigay para sa akin.
Ang isang pusong sumuko, masunurin, maamo,
Ang trono ng dakilang Manunubos ko,
Kung saan naririnig tanging si Kristo upang magsalita,
Kung saan tanging si Hesus ang naghahari.
Ang isang mapagpakumbaba, mababang-loob, nagsisisingpuso,
Naniniwala, totoo at malinis,
Kahit ang buhay o kamatayan man ay hindi maaaring ihiwalay
Mula kay Kristo na nananahan sa kalooban.
Isang puso na sa bawat isipan ay binabago
At puno ng banal na pagmamahal,
Perpekto at tama at dalisay at mabuti,
Isang kopya, Panginoon, sa Iyo.
Aralin 3 sa Isang Pahina
(1) Ang pagiging banal ay nangangahulugang maipakita ang larawan ng Diyos.
(2) Ang larawan ng Diyos sa sangkatauhan ay napinsala ng pagkahulog sa kasalanan.
(3) Ang isa sa mga pangunahing tema ng Biblia ay ang pagpapanumbalik ng larawan ng Diyos sa tao.
(4) Ang walang hanggang layunin ng Diyos ay upang mapanumbalik tayo sa kanyang larawan.
(5) Kapag ang Israel ay tapat sa Diyos, ipinapakita niya ang kanyang larawan sa mga bansa.
(6) Kapag ang iglesya ay tapat sa Diyos, ipinapakita natin ang kanyang larawan sa mundong nakapaligid sa atin.
(7) Ang larawan ng Diyos sa atin ay nasira ng kasalanan. Gayunpaman, kumikilos ang Diyos sa buhay ng bawat mananampalataya upang gawin tayongmas katulad Niya.
(8) Ang mabuting balita ng ebanghelyo ay:
Ako ay isang makasalanan
Iniligtas ako ng Diyos
Pinapanumbalik ng Diyos ang kanyang larawan na nasa akin
Sa Langit, ako ay magiging katulad niya dahil makikita ko siya bilang siya.
(9) Kumikilos ang Diyos upang hubugin ang kanyang mga anak sa kanyang larawan. Anuman ang ating pagkatao, nais niyang ipakita ang kanyang sarili sa pamamagitan natin. Ginagamit ng Diyos ang kanyang Salita, ang kalagayan ng buhay, at ang iba pang mga tao upang hubugin tayo sa kanyang larawan.
Mga Takdang Aralin sa Aralin 3
(1) Sumulat ng isang sanaysay na 2-3 pahina sa paksang: “Ang Larawan ng Diyos sa Akin.” Sagutin ang apat na tanong:
Kung titingnan ako ng mga miyembro ng aking pamilya, makikita kaya nila sa akin ang larawan ng Diyos?
Ano ang makikita sa akin ng miyembro ng aking pamilyana hindi katulad ng larawan ng Diyos?
Ano ang tatlong praktikal na hakbang na maaari kong gawin upang ipakita ang larawan ng Diyos sa aking buhay?
Anong mga pangyayari o mga tao ang ginagamit ng Diyos ngayon upang hubugin ako sa kanyang larawan?
(2) Simulan ang susunod na sesyon ng klase sa pamamagitan ng pag-sipi sa 2 Mga Taga-Corinto 3:17-18.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.