Note sa tagapanguna sa klase
Hilingan ang ilan sa mag-aaral upang ilarawan ang kanilang isinulat para sa takdang araling isusulat bilang paraan ng pagbabalik-aral sa pinakamahalagang aspeto ng aklat ng Pahayag.
Search through all lessons and sections in this course
Searching...
No results found
No matches for ""
Try different keywords or check your spelling
16 min read
by Stephen Gibson
Hilingan ang ilan sa mag-aaral upang ilarawan ang kanilang isinulat para sa takdang araling isusulat bilang paraan ng pagbabalik-aral sa pinakamahalagang aspeto ng aklat ng Pahayag.
► Dapat basahin ng isang mag-aaral ang Pahayag 20:1-6 para sa grupo.
Inilalarawan ng siping ito ang espesipikong 1,000-taon. Ito ang huling panahon ng kasaysayan ng sangkatauhan sa mundo bago ang paghuhukom. Tinatapos ng paghuhukom ang lahat ng kasalanan at nagtatakda ng simula ng bagong langit at lupa.
Sa eschatology, ang panahong ito ay tinatawag na millennium. Ayon sa sipi, ang mga namatay sa pag-uusig sa panahon ng kapighatian ay muling binuhay upang kasamang maghari ni Kristo dito sa lupa. Nakakulong pa si Satanas sa panahong ito. Sa katapusang ng panahong ito, palalayain si Satanas, at magkakaroon pa ng isang dakilang pagrerebelde ng mga bansa laban sa Diyos.
Para sa ibang mga halimbawa ng sipi tungkol sa millennium, tingnan ang Isaias 2:2-4 at 60:9-12, at Mica 4:1-3. Tila ang mga propesiyang ito ay hindi pa literal na natutupad sa kasaysayan.
Note sa tagapanguna sa klase: Hindi pa naihahanda ng kurso ang mga mag-aaral upang sagutin ang tanong sa ibaba, subali’t ang tanong ang magsisimula ng sumusunod na seksiyon.
► Dapat ba nating asahan na ito ay isang literal na haba ng panahon sa hinaharap, o dapat nating unawain ang mga siping ito sa ibang paraan?
Ang mga pangungusap sa ibaba ay mula sa mga taong nabuhay sa mga unang araw sa iglesya. Ipinakita nila ang mga paniniwala na magkakatulad sa iglesya sa panahon ng unang ilang siglo.
Liham ni Bernabe (Unang Siglo), Pagkatapos ng 6,000 taon ng kasaysayan ng sangkatauhan darating si Kristo, wawasakin ang Antichrist, at itatatag ang kanyang kaharian.
Polycarp (70-155), Kung tayo’y mamumuhay sa kasalukuyang panahon, tayo ay muling bubuhayin at maghaharing kasama niya sa darating na panahon.
Papias (80-163), Pagkatapos ng muling pagkabuhay ng mga banal ay ang personal na paghahari ni Kristo sa mundo.
Justin Martyr (100-164), Pagkatapos ng muling pagkabuhay ng mga banal sila ay maghahari ng 1,000 taon sa isang literal na Jerusalem, pagkatapos ay darating ang paghuhukom.
Ireneo (130-202), Ang Antichrist ay maghahari ng 3 ½ taon sa Jerusalem, manunumbalik ang Israel, pagkatapos ng muling pagkabuhay ng mga banal, sila ang maghahari.
Tertullian (160-220), Pagkatapos ng muling pagkabuhay ay ang literal na 1,000 taong paghahari sa Jerusalem.
May ilang sipi mula sa Lumang Tipan na tila naglalarawan sa panahon ng millennium. Pag-aaralan natin ang ilan sa mga ito sa bahaging ito ng leksiyon.
► Sama-samang tingnan ang bawat sipi at ilista ang pinakamahalagang detalye. Ang ilang detalye para sa bawat sipi ay nakalista kasama ng mga reperensiya.
Zacarias 8:22, 14:9, 14:16-17. Ang Panginoon ang magiging hari sa buong sanlibutan, at walang ibang Panginoon ang iiral. Pupunta sa Jerusalem ang lahat ng bansa upang sumamba.
Isaias 11:1-10. Magbibigay ng katarungan si Kristo sa mahihirap sa mundo at papatayin ang masasama. Hindi magiging mapanganib ang mga hayop sa “banal na bundok”. Mapupuno ng kaalaman sa Panginoon ang buong mundo.
Jeremias 3:17. Tatawaging “trono ng Panginoon” ang Jerusalem at darating ang lahat ng bansa at hindi sila susunod sa kanilang sariling mga pamamaraan.
Mikas 4:1-5. Ang Jerusalem ang magiging sentro ng mundo. Pupunta ang mga bansa sa Jerusalem upang matuto tungkol sa Diyos. Wala nang magiging digmaan.
Jeremias 23:5. Paiiralin ni Kristo ang katarungan sa mundo bilang tagapamuno.
Isaias 60:1-16, 61:6. Ang lahat ng bansa ay maglilingkod sa Israel at magbibigay ng mga kaloob sa Jerusalem.
Isaias 65:17-25. Ang Jerusalem ay mapupuno ng kaligayahan at wala nang pagtangis. Mabubuhay nang matagal ang lahat. Ang mga mapanganib na hayop ay hindi na magiging mabagsik.
Hindi pare-pareho ang pagbibigay kahulugan ng mga Kristiyano sa mga sipi tungkol sa millennium. Ang mga pagkakaiba ay hindi lamang basta maliliit na detalye, kundi radikal na magkakaibang konsepto.
Sa leksiyong ito, titingnan natin ang tatlong magkakaibang konsepto tungkol sa millennium.
Note sa tagapanguna sa klase: Sikaping maiwasan ang pagkakaroon ng maraming pagtatalo tungkol sa tatlong konsepto ng millennium habang pinag-aaralan ang bawat isa sa mga ito. Maaaring pagtalunan ng mga mag-aaral ang kanilang mga palagay sa ibang panahon, subali’t sa bahaging ito ng leksiyon, magtuon ng isip sa pag-unawa sa bawat konsepto.
Postmillennialism o Pagkatapos ng millennium
Ang prefix ‘post’ ay nangangahulugang “pagkatapos”. Tumutukoy ito sa ideya na ang pagbalik ni Kristo ay darating sa pinakadulo ng kasaysayan ng sanlibutan, sa halip na sa simula ng isang literal na 1,000 taon.
Ayon sa konseptong ito, ang mga lipunan at pamahalaan sa mundo ay unti-unting magiging lubusang Kristiyano sa pamamagitan ng paglaganap ng ebanghelyo at ng gawain ng mga Kristiyanong reformers. Ang lahat ng mga bansa ay magiging mga Kristiyanong bansa. Sa gayung kaisipan sila ay paghaharian ni Kristo sa pamamagitan ng mga tagapangunang Kristiyano. Si Satanas ay nakakulong sa kahulugan na hindi niya mapipigil ang ebanghelyo upang baguhin ang mundo.
Ang panahon ay hindi literal na 1,000 taon, kundi simpleng isang napakahabang panahon. Sa wakas ng panahong ito, babalik si Kristo.
Ang postmillenialism ay pinaniwalaan ng ilang dakilang revivalists at social reformers sa nakalipas na panahon dahil inasahan nila na ang gawain ng ebanghelyo ay magkakaroon ng lubusang tagumpay sa buong mundo.[1] Ang mga taong nagtatanggol sa konseptong ito ay nagsasabing ito ay tumutugma sa paraan ng pagkilos ng Diyos sa mga tao, na ninanais na magbalik-loob sila sa pamamagitan ng ebanghelyo sa halip na dumating upang sakupin ang nagrerebeldeng mundo sa pamamagitan ng lakas.
Ang ibang Kristiyano ay hindi sumasang-ayon sa postmillennialism dahil sa mga Kasulatan tungkol sa mga huling araw, na naglalarawan kay Hesus na dumarating nang may kapangyarihan, winawasak ang masasamang pwersa sa isang malaking digmaan pagkatapos na usigin ang kanyang matatapat na bayan. (1) Ang Kasulatan tungkol sa mga huling araw ay tila hindi tumutugma sa gradual o unti-unting pagbabago ng mundo. (2) Ang Kasulatan tungkol sa mga huling araw ay tila naglalarawan kay Hesus bilang isang mananakop ng isang rebeldeng mundo sa halip na bilang isang haring dumarating sa isang Kristiyanong mundo. Isang halimbawa ng sipi tungkol sa mga huling araw ay ang Pahayag 19:11-21.
Isa pang dahilan sa hindi pagkakasundo tungkol sa postmillennialism ay ang ilan sa mga detalye ng millennium na ibinigay sa Kasulatan ay tila hindi tumutugma sa pananaw na ito, kahit ang mga ito ay ipinaliwanag gamit ang mga simbolo. Halimbawa, ano ang ibig sabihin na ang mga martir ng kapighatian ay muling bubuhayin upang maghari?
Amillennialism
Ang prefix na ‘a’ ay nangangahulugan ng “wala”, na ibig sabihin ay walang millennium. Ang mga naniniwala dito ay hindi naniniwala na ang millennium ay isang literal na panahon na 1,000 taon.
Ang mga amillennialists ay naniniwala na ang mga prediksiyon tungkol sa millennium ay natutupad na sa iglesya sa espirituwal aspeto. Si Kristo ay naghahari sa pamamagitan ng gawain ng iglesya, at si Satanas ay simbolikong nakakulong dahil hindi niya mapipigilan ang iglesya.
Sa paniniwalang amillenialism ang Israel ay hindi na mahalaga sa plano ng Diyos dahil ang iglesya na ngayon ang bayan ng Diyos. Ang mga pangako sa Israel para sa isang kahariang panlupa ay natupad sa iglesya sa espirituwal na aspeto.
Ang lahat ng mga detalyeng biblikal tungkol sa millennium ay binibigyang kahulugan ng mga naniniwala sa amillennialists sa paraang simboliko at sa espirituwal. Ang mga pangakong ibinigay sa Israel ay natupad para sa iglesya, ngunit ito’y sa espirituwal na aspeto sa halip na sa pisikal. Ang iglesya ang naghahari sa mga bansa sa pamamagitan ng pag-eebanghelyo sa kanila.
Ang paniniwala sa amillennialism ay nakakatulad sa postmillennialism sa ilang aspeto nito. Gayunman, mayroong isang malaking pagkakaiba. Itinuturo ng postmillennialism na marami sa mga propesiya ang lubusang matutupad sa dulo ng panahon at literal na mangyayari sa pamamagitan ng gawain ng iglesya, katulad ng kapayapaang pandaigdigan at ang pagiging Kristiyano ng lahat ng bansa. Ang amillennialism ay dapat humanap ng mga paraan upang ipaliwanag na ang mga propesiya ay natutupad na ngayon sa kasalukuyang mundo.
May mga taong tumututol sa amillennialism dahil tumatanggi ito sa halos lahat ng literal na pagbibigay-kahulugan sa mga propesiya. Ang ibig sabihin nito na ang mga tumanggap sa mga pangako sa Lumang Tipan ay hindi nauunawaan ang kahulugan nito, kahit bahagi lamang nito.
Ang isa pang pagtutol sa amillennialism ay: Kahit pa tingnan sa espirituwal ang mga pangako, mahirap maunawaan kung paanong ang katuparan ng mga ito ay katotohanan na, laluna ang inaangkin nila na ang mga banal ay naghahari at si Satanas ay nakakulong.
Premillennialism
Ang prefix na ‘pre’ ay nangangahulugan ng “bago”, na tumutukoy sa ideya na si Hesus ay babalik sa mundo bago ang millennium.
Ayon sa paniniwala ng premillennialists, si Kristo ay pisikal na babalik at itatatag ang isang kahariang pangdaigdig sa loob ng 1,000 taon. Literal nilang binibigyang kahulugan ang mga detalye ng mga prediksiyon sa panahong ito. Naniniwala sila na mahalaga pa ang Israel sa plano ng Diyos. Naniniwala sila na ang Jerusalem ang magiging sentro ng kaharian ng Diyos sa mundo at ang mga martir na Kristiyano ay muling bubuhayin upang magharing kasama niya.
► Tingnan ang mga detalyeng nakalista para sa bawat sipi (tingnan ang pahina 109) at isipin kung ano ang magiging kahulugan ng sipi sa isang postmillennialist, pagkatapos ay sa isang amillennialist, pagkatapos ay sa isang premillennialist.
Ang isang mabuting pagpapakahulugan ay (1) isang kahulugang magiging makabuluhan sa unang tagapakinig at (2) aasa sa isang katuparan na tunay na natutugma sa paglalarawan na ibinigay ng sipi.
Sinikap ng mga teologo na unawain ang relasyon sa pagitan ng Israel at ng iglesya.
Ang ilan sa mga katanungan para dito ay: Ang mga tao ba sa Lumang Tipan ay naligtas sa ibang paraan sa mga tao sa Bagong Tipan? Mailalapat din ba sa iglesya ang mga pangako ng Diyos sa Israel? Espesyal pa rin ba ang Israel sa plano ng Diyos?
Isang paliwanag sa relasyon sa pagitan ng Israel at ng iglesya ay tinatawag na “dispensationalism.” May ibang teologo na hindi sumang-ayon sa dispensationalism at nakabuo ng paliwanag na kung minsan ay tinatawag na “covenant theology”.
Dispensationalism
Ang salitang dispensation ay nagmula sa konsepto na mayroong iba’t-ibang panahon sa kasaysayan ng sangkatauhan kung saan ang Diyos ay nakikipag-ugnayan sa mga tao sa iba’t-ibang paraan, nagkakaloob ng kaligtasan sa pamamagitan ng iba’t-ibang paraan. Ang sukat ng panahon na gumagamit ang Diyos ng isang tiyak na plano ng pagliligtas ay tinatawag na dispensation.
May ilang teologo na naghati sa kasaysayan ng sangkatauhan sa maraming dispensations. Ang dalawang panahon na pinakanakaapekto sa pagbibigay kahulugan sa Biblia ay batay sa pagkakaiba sa pagitan ng Israel at ng iglesya. Ayon sa dispensationalism, ang mga Israelita sa Lumang Tipan ay naligtas sa pagsunod sa batas ni Moises at sa sistema ng paghahandog, at ang mga mananampalataya sa Bagong Tipan ay naligtas sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang iglesya ay lubusang nakabukod sa Israel, at iba ang pakikipag-ugnayan sa kanila ng Diyos.
Iniisip ng mga naniniwala sa dispensationalism na dahil ang dalawang sistema ng pagliligtas ay lubhang magkaiba, pareho itong hindi maaaring umiral nang sabay sa mundo; samakatuwid, naniniwala sila na ang iglesya ay aalisin sa mundo sa loob ng pitong taon. Sa panahon ng pitong taon, ibabalik ng Diyos ang naunang sistema ng kaligtasan sa Israel. Tatanggapin ng Israel si Hesus bilang kanilang Mesiyas. Pagkatapos ng pitong taon ay ang libong taon kung kailan malinaw na nakikita ang paghahari ng Jerusalem. Naniniwala ang mga dispensationalist na lahat ng pangako ng Diyos sa Israel tungkol sa lupain at ang kaharian ay literal na matutupad.
Nababawasan ang pakinabang ng mga Kristiyano sa Lumang Tipan dahil sa dispensationalism, dahil naniniwala sila na ito’y nakaukol sa Israel sa ilalim ng ibang dispensation. Ginagamit nila ang mga kwento sa Lumang Tipan upang ilarawan ang mga katotohanan, subali’t madalas na tinatanggihan ang anumang katuruan na batay sa mga sipi sa Lumang Tipan at sinisikap na sundin lamang ang Bagong Tipan. Naniniwala rin sila na karamihan sa mga itinuturo ni Kristo sa mga Ebanghelyo ay hindi magagamit sa mga Kristiyano dahil ito ay nakaukol sa mga Judio.
Maraming tao na hindi nalalaman ang salitang dispensationalism ay naimpluwensiyahan na ng mga ideya nito. Madalas tumatanggi ang mga tao na tanggapin ang awtoridad ng Lumang Tipan kahit pa malinaw na iniisip nila na ito ay may awtoridad sa kanila.
Covenant Theology
Ayon sa covenant theology, hindi na ang Israael ang bayan ng Diyos at maliit lamang ang kahalagahan sa nito sa eschatology. Naniniwala sila na dahil tinanggihan ng Israel si Kristo, bumuo na ang Diyos ng isang bagong bayan na tinatawag na iglesya.
Ang iglesya na ngayon ang bayan ng Diyos at tumatanggap sa mga pangako ng ibinigay sa bayan ng Diyos, kabilang na ang mga pangakong ibinigay sa Israel sa Lumang Tipan. Ang bansang Israel ay wala nang karapatan sa mga pangako ng Diyos ngayon. Sa Galacia 6:16, ang iglesya ay tinawag na “ang Israel ng Diyos”.
Dahil hindi siya isang Judio, ayon sa panlabas; hindi rin naman sa pagtutuli, na panlabas sa laman: subali’t siya ay isang Judio, ayon sa panloob; at ang pagtutuli ay sa puso, sa espiritu, at hindi ayon sa nasusulat; na ang papuri ay hindi mula sa tao, kundi sa Diyos (Roma 2:28-29).
Kung gayon, maliwanag na ang mga nananalig sa Diyos ang siyang tunay na anak ni Abraham. Hindi pa ma’y ipinakita na ng Kasulatan na pawawalang-sala ng Diyos ang mga Hentil sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa kanya. At ipinahayag na kay Abraham noon pa ang Mabuting Balita: “Sa pamamagitan mo’y pagpapalain ng Diyos ang lahat ng bansa.” Nanalig si Abraham, at siya’y pinagpala kaya’t pagpapalain ding tulad niya ang lahat ng nananalig sa Diyos ….upang ang pagpapala kay Abraham ay dumating din sa mga Hentil sa pamamagitan ni Kristo Hesus; upang matanggap natin ang pangako ng Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya…wala nang Judio o Griego…At kung ikaw ay nakay Kristo, sagayun ikaw ay binhi ni Abraham, at tagapagmana ayon sa pangako (Galatians 3:7-9, 14, 28-29).
Inilalarawan ng 1 Pedro 2:5-10 bilang ang pagiging saserdote na naghahandog ng mga espirituwal na paghahandog, isang banal na bayan, at ang bayan ng Diyos.
Sinasabi ng Hebreo 12:22 na ang mga mananampalataya ay pumapasok sa “makalangit na Jerusalem”. Sinasabi ng Galacia 4:25-26 na ang mga mananampalataya ay pumapasok sa Jerusalem na nasa itaas sa halip na ang Jerusalem ang nasa mundo.
Dahil sinasabi ng covenant theology na ang mga pangako na ibinigay sa Israel ay nailipat na sa iglesya, iniisip nila na ang mga pangako ay natutupad sa espirituwal sa halip na literal. Ang mga pangako sa trono ni Kristo na itinatag sa Jerusalem, ang kapayapaan, ang Israel bilang lider ng mundo, ang lahat ng bansa at tinuturuan ng Israel, pangwalanghanggang pagmamay-ari ng lupang pangako, at pagiging maamo ng mababangis na hayop ay lahat dapat gawing espirituwal upang matupad sa iglesya. Ang lahat ng mga pangako ay binibigyang kahulugan sa espirituwal sa halip na sa literal na kahulugan nito.
Karamihan sa mga tao na naniniwala sa teolohiyang ito ay hindi naniniwala sa literal na paghahari ni Kristo sa mundo sa loob ng isang libong taon. Naniniwala sila na si Kristo at ang mga banal ay naghahari na ngayon sa espirituwal sa pamamagitan ng impluwensiya ng ebanghelyo. Naniniwala sila na ang pangako kay Abraham na ang kanyang mga salinlahi ay magmamay-ari ng Canaan sa habang-panahon ay natupad na ng kasalukuyang mga mananampalataya na nagtataglay ng kaligtasan. Naniniwala sila na sa halip na ang Jerusalem, ang iglesya ang nagtuturo sa mga bansa.
Isang Balanseng Pananaw
Maraming teologo sa kasalukuyan ang nagsikap na magkaroon ng balanse sa pagitan ng dispensationalism at covenant theology.
May mga suliranin sa dispensationalism. Sinabi ni Apostol Pablo kay Timoteo na ang Kasulatan (ang Lumang Tipan) ay nagturo ng kaligtasan (2 Timoteo 3:15). Sinabi ni Hesus na dapat ay alam na ni Nicodemus ang tungkol sa bagong kapanganakan dahil siya ay isang tagapagturo ng Lumang Tipan (Juan 3:10). Sinasabi ng Bagong Tipan na ang mananampalataya ang siya na ngayong tunay na Israelita at anak ni Abraham (Roma 2:28-29, Galacia 3:28-29). Sinasabi ng Roma 4:1-8 na taglay natin ang parehong kaligtasan nina Abraham at David. Hindi inalis ng mga paghahandog sa Lumang Tipan ang kasalanan (Hebreo 10:4). Samakatuwid, tila maling isipin na ang Lumang Tipan at ang Bagong Tipan ay nagbigay ng magkaibang paraan ng kaligtasan.
May mga suliranin din sa covenant theology. Ang pagsasabi na ang mga pangako sa Lumang Tipan ay natutupad sa espirituwal ay magpapahintulot sa mga pagpapakahulugan na nasa isip lamang at hindi maaaring patunayan. Gayundin, sa pagbibigay-kahulugang ito, nawawala ang orihinal na kahulugan. Kung tama ang covenant theology, hindi naiintindihan ni Abraham at ng iba pa ang mga pangako, kahit na iniisip nila na nauunawaan nila ito. Halimbawa, ipinangako ng Diyos kay Abraham na ang kanyang mga anak ay magmamay-ari ng lupain sa habang panahon, subali’t ito’y tunay na nangangahulugan na ang mga Hentil ay maaaring maligtas.
[1]Sa mga propeta ay napakaraming mga pangako ng pagpapanumbalik at kaligtasan para sa Israel. Isang halimbawa ang Jeremias 30-31, dalawang kabanata na naglalarawan sa pangako ng Diyos na muling titipunin ang Israel at muling silang itatatag (30:18), siya ang kanilang magiging Diyos (30:22), hindi siya susuko hanggang ito ay matupad (30:24), minamahal niya sila nang walang hanggan (31:3), inaalala niya ang Efraim bilang isang anak at magiging maawain sa kanya (32:20), isusulat niya ang kanyang mga kautusan sa kanilang puso (32:33), at makikilala siya ng lahat at sila ay patatawarin (32:34). Ang konklusyon ng Diyos sa 31:35-37 ay nagsasabi na imposible para sa kanya na itakwil ang Israel dahil sa kanilang kasalanan kung paanong hindi mabibigo ang araw o para masukat ang kalangitan. Ang sipi bang ito ay tumutugma sa kaisipan na aalisin ng Diyos ang mga pangakong ito mula sa Israel at ibibigay na lang ito sa iba?
Itinatanggi ng covenant theology na ang Israel ay mahalaga pa rin sa plano ng Diyos, subali’t sinabi ni Apostol Pablo na ang Israel bilang isang bansa sa darating na panahon ay maliligtas at ang tipan ng Diyos sa kanila ay matutupad (Roma 11: 26-29). Hindi siya nagsasalita tugkol sa iglesya, dahil sa kabuuan ng kabanata pinagbubukod niya ang Israel at ang iglesya.
Kabilang sa isang balanseng pananaw sa Israel at sa iglesya ang pag-unawa sa iba’t-ibang pangako sa Lumang Tipan.
(1) Mga Pangako ng espirituwal na pagpapala
Ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng biyaya at nakakamit sa pagsisisi at pananampalataya ng Judio at Hentil sa alinmang panahon sa kasaysayan. Ang batayan ng pagtanggap ng Diyos sa isang tao ay hindi nagbabago (Isaias 60:1-7). Hindi kinakailangang ng Israel at ng iglesya na magkaroon ng magkahiwalay na paraan sa mundo, dahil ang plano ng kaligtasan ay pareho sa dalawang grupo. Sinasabi ng Roma 4:9-16 na ang mga mananampalataya ay nagiging mga anak ni Abraham dahil naniwala sila sa ebanghelyo tulad ng ginawa niya; samakatuwid, sa lahat ng panahon, ang mga tunay na mananampalataya ang siyang mga anak ng Diyos. Ang tipan sa biyaya ay ibinigay sa Israel (Jeremias 31: 33-34). Nakikibahagi tayo sa mga biyaya ni Abraham tulad ng sinumang ibang mananampalataya, maging Judio man o Hentil. Ang mga pangako ay hindi inalis mula sa Israel kundi ito’y pinalawig rin sa mga Hentil, at ang mga nagbalik-loob ay ang iglesya.
(2) Ang Mga Pangako ng Prinsipyo
Maraming pangako ang naglalarawan sa karaniwang paraan ng Diyos sa pangangalaga sa mga taong may masunuring relasyon sa kanya. Ang isang halimbawa ay ang Awit 23. Ang mga pangakong ito ay nagpapakita ng katangian ng Diyos na inihahayag sa relasyon. Ang mga prinsipyong ito ay pareho sa alinmang panahon at oras, sa Israel o sa iglesya.
(3) Mga Pangako sa Bansa
Si Hesus ang Manunubos ng mga Judio. Sa darating na panahon ang Israel bilang isang bansa ay babaling kay Kristo (Roma 11:26). Ipinangako ng Diyos na hindi niya permanenteng tatanggihan ang bansa (Jeremias 31:35-37). Tutuparin niya ang kanyang mga pangako sa kanila.
(1) Siping Pag-aaralan:Pag-aralan ang mga sipi sa Banal na Kasulatan na ibinigay sa seksiyon ng leksiyong ito na tinatawag na “Mga Prediksiyon ng Lumang Tipan Tungkol sa Millennium”. Ipaliwanag kung ano sa palagay mo ang magiging katuparan ng mga prediksiyon, batay sa iyong pananaw tungkol sa millennium.
(2) Takdang-aralin na Isusulat: Ipaliwanag kung alin sa tatlong papanaw tungkol sa millennium ang pinaniniwalaan mong tama at magbigay ng mga dahilan.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.
Questions? Reach out to us anytime at info@shepherdsglobal.org
Total
$21.99By submitting your contact info, you agree to receive occasional email updates about this ministry.
Download audio files for offline listening
No audio files are available for this course yet.
Check back soon or visit our audio courses page.
Share this free course with others