Mga Tagubilin
(1) Magbigay ng pagsusulit gamit ang Mga Tanong sa Pagbabalik-Aral mula sa Aralin 6.
(2) Atasan ang bawat mag-aaral na magbigay ng maikling buod ng kanilang pakikipag-usap na takdang-aralin para sa “Apologetics at ang mga Kamay” sa dulo ng Aralin 6.
(3) Isasaulo ng mga mag-aaral ang 1 Corinto 15:3-6.
(4) Talakayin ang bawat tanong na may markang ►.
(5) Itanong ang bawat Tanong sa Pagbabalik-Aral sa panahon ng klase at muli sa dulo ng klase.
(6) NAPAKAHALAGA: Ang pagsusulit para sa araling ito ay isang debate na isasagawa sa inyong susunod na klase. Bago simulan ang leksiyon, basahin ang mga alituntunin para sa takdang aralin para sa “Apologetics at ang Ulo” sa dulo ng araling ito. Ang mga tanong sa pagbabalik-aral sa araling ito ay makakatulong sa mga mag-aaral na mapaghandaan ang debate.
Ang sining mula sa mga unang siglo ay nagpapakita ng paniniwalaan ng mga Kristiyano na “Si Hesus ang Panginoon.” Ang coin sa gawing kanan ay nagtataglay ng mga simbolo na popular sa sinaunang iglesya..gif)
