Sa katapusan ng Leksyong ito, dapat na maunawaan at maipaliwanag ng mag-aaral ang:
(1) Ang kabanalan ng Diyos bilang basihan para sa kabanalan ng Kristiyano.
(2) Ang kahalagahan ng kabanalan para sa pagsamba at relasyon sa Diyos.
(3) Ang impluwensiya ng minanang kasamaan sa buhay ng isang mananampalataya.
(4) Ang proseso na nagdadala sa isang mananampalataya patungo sa kabanalan.
(5) Mga halimbawa sa Biblia ng mga karanasan ng kabanalan.
(6) Kahulugan ng buong kabanalan.
(7) Ang Biblikal na konsepto ng bautismo sa Espiritu.
(8) Isang pahayag sa mga Kristiyanong paniniwala tungkol sa Kristiyanong kabanalan.
Isa sa mga praktikal na layunin ng leksyong ito ay para magkaroon ng pananampalataya ang mga mag-aaral na ang biyaya ng Diyos ang magpapabanal sa kanya sa kasalukuyang mundo.
Matapos kunin ang pagsusulit sa nakaraang leksyon, gamitin ang mga layunin mula sa leksyong iyon para magtanong para sa pagbabalik-aral. Pagkatapos ay pumunta sa pagbabasa ng talata sa ibaba.
Basahin ang Awit 119:33-40 nang magkakasama. Ano ang sinasabi sa atin ng talatang ito tungkol sa paraan ng Diyos sa pagbabago sa isang mananampalataya?
Nang nagsimula ang Diyos na ihayag ang kanyang sarili, ang unang layunin ng kanyang paghahayag ay upang maipakita kung anong uri siyang Diyos. Inilarawan ng Diyos ang kanyang sarili bilang banal. Ang salitang Hebreo para sa kabanalan ay (kadosh) na ginamit nang mahigit 600 beses sa Lumang Tipan. Halimbawa, madalas na tinutukoy ni Isaias ang Diyos bilang "Ang Banal na Isa ng Israel."
Ang kabanalan ng Diyos ay ang tema ng pagsamba:
"Purihin nila ang iyong dakila at kakila-kilabot na pangalan; sapagkat ito ay banal.” "Purihin ninyo ang Panginoon na ating Diyos, at sumamba kayo sa kanyang paanan, sapagkat siya ay banal."[1]
Ang kabanalan ng Diyos ay ang batayan ng kanyang ibinigay na pamantayan para sa tao. Dahil siya ay banal, tinawag niya ang mga sumasamba sa kanya na maging banal. Sinabi niya, "Magpakabanal kayo, sapagkat ako'y banal."[2]
Ang Diyos ng Israel ay naiiba sa mga huwad na Diyos ng mga pagano at nangangailangan ng ibang uri ng pagsamba.
"Sino ang makakaakyat sa burol ng Panginoon? o sino ang tatayo sa kanyang banal na lugar? Siya na may malinis na mga kamay at isang dalisay na puso; na hindi nagtaas ng kaniyang kaluluwa sa walang kabuluhan, o sumumpa man nang may daya."[3]
Ang tanong dito ay,"Kaninong pagsamba ang tinatanggap ng Diyos?" Maliwanag, hindi lahat ay tinatanggap bilang mananamba sa Diyos.
Ang kabanalan na inaasahan niya ay hindi lamang sa seremonya o pagkukunwari; kundi tunay na kabanalan. Ang pamantayan ng kabanalan para sa mga sumasamba sa Diyos ay paulit-ulit na nabangit sa Bagong Tipan: "Dahil ang Diyos na tumawag sa inyo ay banal, kaya dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng inyong pakikipag-usap; sapagka't nasusulat, Magpakabanal kayo; sapagkat ako ay banal. "[4] Ang "pakikipag-usap" ay isang salita na tumutukoy sa kilos, pag-uugali, ang buong pamumuhay. Ang Diyos ay hindi humihiling lamang na ang mga sumasamba sa kanya ay maging banal sa seremonya, o na sila ay tawagin na banal kahit na sila ay hindi talaga banal. Inaasahan ng Diyos na ang mga sumasamba sa kanya ay mamuhay nang may kabanalan.
Naligtas tayo sa pamamagitan ng biyaya, at tinatanggap tayo ng Diyos kahit tayo'y mga makasalanan dahil sa sakripisyo ni Kristo. Tinatanggap Niya tayo bilang mga makasalanan, ngunit hindi tayo mananatiling mga makasalanan. Ang kasalanan ay isang paglabag laban sa Diyos, at gusto natin siyang bigyang lugod.
► Ano ang ilang mga kadahilanan na ang kabanalan ay konektado sa pagsamba?
Ang kabanalan ay konektado sa pagsamba sapagkat (1) mahal natin ang Diyos at nais na siya’y malugod.
Hindi tayo magugulat sa pamantayan ng Diyos kung nauunawaan natin kung ano talaga ang pagsamba. Hindi tayo sumasamba sa kanya dahil lamang sa takot. Hindi natin siya sinasamba dahil lang pinagpapala niya tayo.
Ang pagsamba sa Diyos ay ang pagsasabi na siya ay kahanga-hanga, ang pinaka-kahanga-hangang nilalang na umiiral. Ang pagsamba ay ang purihin kung sino siya. Ang pagsamba ay upang pahalagahan ang mga katangian ng kanyang kalikasan.
Ang kalikasan ng Diyos ay talagang banal, kaya kung talagang pinupuri’t sinasamba natin ang katangian ng Diyos, mapopoot tayo sa kasalanan at karumihan, kahit na nakikita natin ito sa ating sarili. Ang kabanalan ay konektado sa pagsamba sapagkat (2) mahal natin ang Diyos at nais natin na maging katulad Niya.
Noong unang maranasan natin ang Diyos, ang kasalanan ay ang balakid sa ating kaugnayan sa kanya. Iyan ang dahilan kung bakit ang ating relasyon sa Diyos ay hindi makapagsimula hanggang sa magsisi tayo at mapatawad.
Kasabay ng ating pakikipag kasundo sa Diyos, tayo ay binabago. Sa espirituwal, tayo ay ginawang mga bagong nilalang. Inilayo tayo mula sa kapangyarihan ng kasalanan, at nais nating bigyang lugod ang Diyos. Ang Kristiyanong kabanalan ay nagsisimula kapag ang isang tao ay naligtas.
Itinuturo sa atin ng Biblia na ang kaligtasan ay agad na nagdudulot ng banal na pamumuhay. "Ang biyaya ng Diyos na nagdudulot ng kaligtasan" ay nagtuturo sa atin na "dapat tayong mamuhay nang may kaayusan, makatwiran, at makadiyos sa mundong ito.”[5] Ang layunin ng kaligtasan ay palayain tayo mula sa kasalanan at gawin tayong banal, upang mabuhay tayo ng may kaugnayan sa Diyos.[6]
Habang nabubuhay tayo sa pakikipag-ugnayan sa Diyos, patuloy tayong lumalago sa kabanalan habang mas nauunawaan natin ang kanyang katotohanan. Ang ibig sabihin ng "lumakad sa liwanag" ay ang patuloy na pagsunod sa Diyos habang mas natututo tayo sa kanyang katotohanan.[7] Habang mas maunawaan natin kung ano ang nakalulugod sa kanya at kung ano ang hindi nakalulugod sa kanya, binabago tayo ng kanyang katotohanan, at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu sa loob natin. Ito ay isang aspeto ng espirituwal na paglago.
Ang isang taong nagmamahal sa Diyos ay nagnanais na maging ganap na banal. Hindi niya nais na baguhin ang kanyang mga pagkilos lamang. Nais niya na ang kanyang mga motibo ay maging ganap para sa Diyos. Idinalangin ni David na mabuhay siya sa ganap na tagumpay laban sa kasalanan, pagkatapos ay nanalangin na ang kanyang mga salita at maging ang pagmumuni-muni ng kanyang puso ay makalulugod sa Diyos.[8]
Ngunit may iba pang kailangan ang mga mananampalataya bukod sa proseso ng paglago sa kabanalan nasumusunod sa pagbabago. Ang mga mananampalataya ay nababahal sa natitirang dumi sa kanilang mga puso. Ito ay isang bagay na hindi pagpagaling sa unti-unting paglago. Kahit na sila ay naligtas at namumuhay na sa pagsunod sa Diyos, kung minsan ay nadarama nila sa sarili angpagnanais na bumalik sa kasalanan.
Ang namanang kasamaan ay ang pagkasira ng pamantayang moral ng tao na nagkikiling sa kanya patungo sa kasalanan simula nang siya ay ipinanganak. Tinatawag rin ito ng mga teologo na "orihinal na kasalanan," dahil ang ating likas na makasalanan simula nang tayo ay ipinanganak ay dahil sa kasalanan ni Adan.
Ang bawat tao ay ipinanganak na may kalooban na makasarili at baluktot patungo sa kasalanan.[9] Ang ating mga kalooban ay hindi malaya sa pagpili ng tama maliban kung binibigyan tayo ng Diyos ng pagnanais at lakas.[10] Ang minanang kasamaan ay humihikayat sa mga kasalanan sa sarili tulad ng pagmamataas, inggit, galit, at hindi pagpapatawad. Ito rin ay humihikayat ng hangaring gumawa ng kasalanan.
► Pagkatapos na maligtas ang isang tao, mayroon pa ba siyang minanang kasamaan?
Ang isang taong naligtas ay wala na sa ilalim ng kontrol ng minanang kasamaan. Kung siya ay kontrolado pa rin nito, mamumuhay siya sa kasalanan at hindi naligtas. Ang Biblia ay nagsasabi sa atin na ang isang tao na kontrolado ng "makalaman na pag-iisip" ay hinatulan.[11] Ang naligtas na tao ay wala na sa ilalim ng kontrol ng minanang kasamaan, at maaaring mabuhay ng matagumpay laban sa kasalanan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.[12]
Ngunit ang isang taong naligtas ay may impluwensya pa rin ng minanang kasamaan sa loob niya hanggang sa siya ay malinis mula sa mga ito. Sinabi ni Pablo sa mga mananampalataya sa Corinto na sila ay "makalaman" at may mga ugali katulad ng mga tao sa mundo, kahit na sila ay naligtas.[13] Ipinahiwatig din niya na normal para sa isang bagong Kristiyano na nasa ganoong kalagayan, sapagkat sinabi niya na ang "makalaman" ay parang tulad ng isang "sanggol kay Kristo."
Ang isang mananampalataya na nasa ganitong kondisyon ay nagmamahal sa Diyos, ngunit hindi niya lubos na maibig ang Diyos nang buong puso, kaluluwa, isip, at lakas. Hindi niya maaaring sabihin, tulad ni Pablo, na may isang motibo lamang na sundin ang tawag ng Diyos.[14] Alam niya na ang ilan sa mga pagninilay-nilay ng kanyang puso ay hindi katanggap-tanggap sa Diyos.
Hindi tayo iiwanan ng Diyos sa ganitong kondisyon. Kahit sa sinaunang mga panahon ay nangako siya sa mga tao ng Israel. Sinabi niya na gagawa siya ng gawain ng biyaya na magiging paraan upang siya’y maibig nila nang buong puso.[15]
Nanalangin si David para sa isang espesyal na trabaho ng biyaya na lampas sa kapatawaran.[16] Siya ay nahulog sa kasalanan at napagtanto na nangyari ito dahil sa isang problema sa kanyang puso. Nanalangin siya sa Diyos, "Ako ay nabuo sa kasalanan ... ngunit gusto mong ang katotohanan ang maging kalooban ko. "Alam niya na ang kasalanan ay nasa kanyang kalikasan, ngunit naniniwala na ang Diyos ay nangangailangan sa kanya na maging ganap na banal. Nagpatuloy siya upang manalangin para sa isang kumpletong paglilinis.[17]
Ang mga mananampalataya sa Bagong Tipan ay tinawag sa isa pang espesyal na pangyayari pagkatapos ng conversion. Ang mga mananampalataya sa Tesalonica ay mga kahanga-hangang halimbawa ng mga mananampalataya na tumanggap ng ebanghelyo, lumayo sa mga idolo, tiniis ang pag-uusig, nagalak sa Banal na Espiritu, at naghihintay sa pagbabalik ni Hesus.[18] Ngunit isang bagay pa rin ang kulang sa kanilang pananampalataya. Hindi ito isang bagay na ipagkakaloob sa isang mahabang proseso o sa kamatayan, sapagkat sinabi ni Pablo na maaaring mangyari ito sa kanyang pagbisita sa kanila[19] Siya ay nanalangin para sa kanila na maging ganap ang pagiging banal sa (katawan, kaluluwa, at espiritu) at makikita na banal sa pagbabalik ni Kristo.[20]
Naranasan ng mga disipulo ni Hesus ang isang espesyal na gawa ng biyaya sa Araw ng Pentekostes. Alam natin na sila ay ligtas na bago ang panahong iyon, sapagkat sinabi ni Hesus na hindi sila sa sanlibutan, at sila ay kabilang sa kanya at sa Ama, at ang kanilang mga pangalan ay isinulat sa langit.[21] Mayroon na silang Banal na Espiritu,[22] ngunit sa araw ng Pentekostes ang Banal na Espiritu ay pinuspos sila at gumawa ng isang bagay na espesyal sa mga disipulo. Sinabi ni Pedro nang maglaon na ang mahahalagang bagay na nangyari ay pinadalisay ng Espiritu ang kanilang mga puso.[23] Sila ay nangangailangan ng agarang paglilinis ng puso, kahit na sila ay naligtas na.[24]
Ang espesyal na pangyayari na nangyayari sa isang tao na ligtas a y maaaring tawagin na "lubusang pagpapakabanal." Ang lubusang pagpapakabanal ay ang paglilinis ng minanang kasamaan, na ginawa ng Banal na Espiritu sa mananampalataya sa isang panahon pagkatapos ng conversion.
Ang mananampalataya ay tumatanggap ng gawaing ito ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya. Sinabi ni Pedro na ang kanilang mga puso ay "pinadalisay sa pamamagitan ng pananampalataya." Si Apostol Pablo, pagkatapos niyang ipagdasal ang buong pagpapakabanal ng mga mananampalataya sa Tesalonica, ay nagsabi, "Tapat siyang tumawag sa iyo, na ang kalooban mo ang ginagawa."[25]
Sa kabuuan, sinasabi natin na ang (1) minanang kasamaan ay nananatili sa mananampalataya matapos ang pagbabalik-loob, (2) tinawag tayo ng Diyos na maging lubos na banal, (3) ang Diyos ay nagbibigay ng isang paglilinis mula sa minanang kasamaan, at (4) ang mananampalataya ay tumatanggap ng lubusang pagpapabanal sa pamamagitan ng pananampalataya.
Dapat pahintulutan ng bawat mananampalataya ang Diyos na ipakita sa kanya kung kailangan pa rin niya ang paglilinis ng puso, pagkatapos ay manalangin nang may pananampalataya sa Diyos upang ganap na pabanalin siya. Dapat ipangaral at payuhan ng bawat pastor sa kanyang mga miyembro na dumulog sa biyayang ito.
Ang isang miyembro ng klase ay maaaring piliin upang ituro ang impormasyon sa kahon sa ibaba.
[6] Ang dahilan ng kaligtasan ay upang mapaglingkuran natin ang Diyos ng may kabanalan araw-araw. (Lucas 1:74-75). Bilang mananampalataya, tayo ay patay sa kasalanan at di kayang magpatuloy doon. (Roma 6:2, 11-16).
[16] “At ang Walang-hanggang pangako na naghahari sa buong panahon ng ebanghelyo, “ilalagay ko ang aking batas sa kanilang mga isip, at isusulat iyon sa kanilang mga puso,” ay nagbabago sa lahat ng mga utos upang maging mga pangako; kabilang ang isang ito, “Hayaan ang isip na ito ay maging sa iyo na nakay Kristo Hesus din.” Ang utos na ito ay katumbas din ng isang pangako, at binibigyan tayo ng dahilan upang asahan na Siya’y kikilos sa atin kung ano ang hinihingi niya sa atin.” - John Wesley, paraphrased from sermon “On Perfection”
Inihula ni Juan Bautista na si Hesus ay magbabautismo sa Banal na Espiritu (Mateo 3:11, Marcos 1:8, Lucas 3:16, Juan 1:33). Inulit ni Hesus ang hulang ito at iniugnay ito sa pangayayari sa araw ng Pentekostes (Gawa 1:5), bagaman sa Mga Gawa 2 ang expression na ginamit ay "napuspos sila ng Banal na Espiritu."
Kung minsan ang Banal na Espiritu ay inilarawan bilang "ibinuhos" (Isaias 32:15, Joel 2: 28-29), "lumabas" (Mga Gawa 2:33), at "bumaba" (Mga Gawa 11:15) ilang mga salitang katulad nito ang ginagamit upang ilarawan ang kaganapan sa araw ng Pentekostes, ngunit ang mga salitang ito ay hindi laging tumutukoy sa buong pagpapabanal; maaari silang tumutukoy sa ibang pagkilos ng Banal na Espiritu sa buhay at ministeryo ng iglesia.[1] Gayunpaman, ang katagang bautismo ng Banal na Espiritu ay tila tumutukoy sa isang tiyak na aspeto ng karanasan ng lubusang pagpapabanal.
Ang bautismo ay tanda ng pagpasok sa isang bagong uri ng espirituwal na buhay at karanasan. Ang mga bagong nagbabalik-loob (proselyte) ay binautismuhan sa Judaism. Ang mga bagong mananampalataya ay binabautismuhan ng mga Kristiyano para sa iglesiya.
May mga nag-iisip na ang anumang pangyayari na binabanggit na "bautismo" ay dapat mangyari sa pagbabalik-loob, sapagkat ito ay nagmamarka ng simula. May isang bagay na nangyayari sa pagbabalik-loob na maaaring tawaging bautismo sa Espiritu (1 Corinto 12:13). Gayunman, sinabi ni Hesus sa mga disipulo na asahan ang pagbabautismo sa Espiritu, kahit na sila ay tapos ng magbalik-loob.
Maaari bang magkaroon ng higit sa isang uri ng pagbabautismo? Sinasabi ng Efeso 4: 5 na mayroong isang pagbabautismo, ngunit ang konteksto ay nagpapakita na ito ay nangangahulugang mayroon lamang isang simbahan. Ang bawat tunay na mananampalataya ay nabaustimuhan sa parehong simbahan at konektado sa lahat ng ibang mananampalataya sa espirituwal na pagkakaisa. Kaya sinasabi ng Mga Taga Efeso 4: 5 na mayroong isang Kristiyanismo, at hindi sinasabi na hindi maaaring magkaroon ng higit sa isang uri ng pagbabautismo.
Tinukoy ni Juan Bautista ang dalawang pagbibinyag (Mateo 3:11). Hindi natin masasabi na ang una ay isang sagisag lamang ng kasunod dahil ang mga tao ay dapat magpakita ng pagsisisi bago ang una. Tila maliwanag na kahit na pagkatapos ng tunay na pagbabalik-loob at pagbabautismo sa tubig magkakaroon ng isa pang tiyak na karanasan sa Banal na Espiritu.
Ang pagbabautismo ng Espiritu ay isang aspeto ng ikalawang espirituwal rurok sa buhay ng mananampalataya kapag siya ay ganap na pinabanal at nalinis sa minanang kasamaan. Hindi ito ang simula ng gawain ng Banal na Espiritu sa buhay ng mananampalataya, ngunit ang simula ng isang mas malaking gampanin. Ang pagtatalaga ng kapangyarihan para sa ministeryo ay sumusunod, ngunit ang partikular na espirituwal na mga regalo ay hindi kinakailangang katibayan ng pagbabautismo ng Espiritu.
[1] Halimbawa, sa Mga Gawa 4:31 may isa pang pagpuspos, bagaman ang parehong mga tao rin ang naroon. Sa 4:8 at 13:19, ang pagpuspos ay marahil pansamantalang pagbibigay kapangyarihan lamang para sa madaliang hamon. Mayroon ding nagpapatuloy na pagpuspos na nagbunga ng nag-uumapaw na buhay espirituwal. Sa Efeso 5:18, ang “Mapuspos” ay nasa Griegong anyo na nagpapakita ng nagpapatuloy na kalagayan.
Ang Kaloob ng Pagsasalita ng Ibang Wika
Ang kaloob ng pagsasalita ng ibang wika ay hindi katibayan ng pagbabautismo ng Banal na Espiritu.
(1) Hindi sinasabi ng Biblia na ang kaloob ng pagsasalita ng ibang wika ay katibayan ng anumang bagay. Nangyari ito nang maraming beses nang ang mga tao ay napuspos ng Espiritu. Hindi ito sapat upang patunayan na dapat ito ang palaging palatandaan.
(2) Ayon sa Banal na Kasulatan, hindi ito isang kaloob na dapat asahan ng bawat tao, ngunit ang bawat isa ay dapat mapuspos ng Banal na Espiritu. Ang Diyos ang nagpapasiya kung paano ibabahagi ang mga kaloob at nagbibigay ng iba't ibang mga kaloob sa iba't ibang tao (1 Corinto 12:4-11 ). Isang serye ng mga retorika na tanong, ang lahat ay dapat sagutin ng "hindi," ang nagpapakita na walang tiyak na espirituwal na kaloob ang dapat asahan ng bawat mananampalataya (12:29-30).
(3) Ayon sa Banal na Kasulatan, ang isang tao ay may espirituwal na mga kaloob kahit na bago ang bautismo ng Espiritu. Ang bawat mananampalataya ay may Espiritu ng Diyos (Roma 8:9), at samakatuwid ay maaaring magkaroon ng espirituwal na mga kaloob. Kailangan pa rin ng mga taga-Corinto ang paglilinis ng puso, ngunit napakahusay sa espirituwal na mga kaloob (1 Corinto 1:7, 3:3).
(4) Ayon sa Banal na Kasulatan, ang kaloob ng pagsasalita ng ibang wika ay hindi isang tanda para sa mga mananampalataya ng espirituwal na kakayahan, kundi sa mga hindi mananampalataya, sa pamamagitan ng komunikasyon ng ebanghelyo
(1 Mga Taga Corinto 14:22). Upang gamitin ito bilang patunay ng isang bagay na hindi naman doon inilaan bilang patunay ay nagbubunga ng panlilinlang at pagkalito.
(5) Ang kaloob ng pagsasalita ng mga wika ay walang kaugnayan sa pangangailangan na natutugunan ng pagpupuspos ng Espiritu. Ang layunin ng pagbabautismo ng Banal na Espiritu ay upang linisin ang puso ng panloob na kasalanan at upang bigyan ng kapangyarihan para sa ministeryo. Ano ang koneksyon ng layuning ito sa kaloob ng pagsasalita ng ibang wika, sa mga pangyayari na hindi naman kinakailangan ang kaloob? Ang katibayan nito ay dapat na ang mga natural na resulta nito, tulad ng isang bombilya na nagniningning kapag ang elektrisidad ay pumapasok dito.
Maaari nating ihambing ang karanasang ito sa nangyayari sa isang tao kapag siya ay nagbalik-loob. Hindi natin kailangang hanapin ang mga di pangkaraniwang pangyayari tulad ng pagsasalita ng ibang wika para patunayan ang kaligtasan, dahil ipinangako ito sa Banal na Kasulatan. Ito ay nangyayari sa pamamagitan ng pananampalataya, pinatutunayan ito ng Banal na Espiritu, at alam ng mananampalataya na ang kanyang pangangailangan ay natugunan. Totoo rin ito sa bautismo ng Espiritu.
Pagpapahayag ng mga Paniniwala
Dapat sama-samang basahin ng klase ang "Pahayag ng Paniniwala" nang hindi bababa sa dalawang beses.
Pagpapahayag ng mga Paniniwala
Nagsisimula ang kabanalan ng Kristiyano kapag ang isang makasalanan ay nagsisisi at nabago sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos. Ang mananampalataya ay lumalago sa espirituwal habang lumalago siya sa kanyang pagkaunawa sa kalooban ng Diyos at patuloy na sumusunod. Ang lubusang pagpapabanal ay ang gawa ng Diyos kung saan nililinis niya ang mananampalataya mula sa minanang kasamaan sa ibang panahon pagkatapos ng pagbabalik-loob.
Leksyon 11 Takdang Aralin
Ang bawat mag-aaral ay dapat na italaga sa isa sa mga talata na nakalista sa ibaba. Bago ang susunod na sesyon ng klase, dapat niyang basahin ang talata at magsulat ng taludtod tungkol sa sinasabi nito tungkol sa paksa ng leksyong ito.
Dapat ipaalala sa mga mag-aaral na hindi bababa sa pitong beses habang kasalukuyan ang kursong ito ang bawat mag-aaral ay dapat magturo ng isang leksyon o bahagi ng isang leksyon sa mga taong hindi kabilang sa klase. Dapat mag-ulat ang mga mag-aaral sa lider ng klase tuwing magtuturo sila para sa takdang-leksyon.
Leksyon 11 Mga Tanong Para sa Pag-aaral
(1) Ano ang pangunahing tema ng pagsamba?
(2) Bakit nakaugnay ang kabanalan sa pagsamba?
(3) Kailan nagsisimula ang kabanalan ng Kristiyano?
(4) Ano ang ibig sabihin ng lumakad sa liwanag?
(5) Ano ang ipinanalangin ni Pablo para sa mga mananampalataya sa Tesalonica?
(6) Ano ang pinakamahalagang bagay na nangyari sa araw ng Pentekostes?
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.