Sa katapusan ng Leksyong ito, dapat na maunawaan at maipaliwanag ng mag-aaral ang:
(1) Ang pinagmulan ng iglesiya.
(2) Ang iglesiya bilang isang buhay na institusyon.
(3) Ang iglesiya bilang isang buhay, na lokal na katawan.
(4) Ang batayan ng pagkakaisa ng iglesiya sa buong mundo.
(5) Ang batayan ng lokal na pagkakaisa ng iglesiya.
(6) Ang mga sakramento ng iglesiya.
(7) Ang mga layunin ng iglesiya.
(8) Ang isang pahayag ng mga paniniwala ng Kristiyano tungkol sa iglesiya.
Ang isa sa mga praktikal na layunin ng leksyong ito ay para makita ng mag-aaral ang kanyang responsibilidad na kailangang gampanan sa isang lokal na iglesiya.
Matapos kunin ang pagsusulit sa nakaraang leksyon, gamitin ang mga layunin mula sa leksyong iyon para magtanong para sa pagbabalik-aral. Pagkatapos ay pumunta sa pagbabasa ng talata sa ibaba.
Basahin ang Efeso 3:3-10 nang magkakasama. Ano ang sinasabi sa atin ng talatang ito tungkol sa iglesiya?
Ang Pinagmulan ng Iglesiya
Sa mga siglo bago ang Bagong Tipan, ang iglesiya ay isang misteryo na hindi ganap na inihayag.[1] May mga taong nakaranas ng biyaya ng Diyos at nabuhay ng may kaugnayan sa Kanya,[2] ngunit ang iglesiya ayon sa plano ng Diyos ay hindi pa naitatatag.
► Kailan nagsimula ang iglesiya?
Ang buhay at ministeryo ni Hesus ang nagsimula ng iglesiya, at ito ay itatayo sa kaligtasan na ibinigay niya.[3]
Ang panahon ng iglesiya ay nagsimula sa Araw ng Pentekostes. Mula sa araw na iyon, ang iglesiya ay kumikilos sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, nang wala ang pisikal at nakikitang pamumuno ni Kristo sa mundo.[4]
Ibinigay ni Hesus sa kanyang mga disipulo ang awtoridad na ikalat at itatag ang kanyang mga katuroan sa buong mundo[5]at ipinangako na papatnubayan sila ng Banal na Espiritu sa lahat ng katotohanan.[6] Ang iglesiya ay maaaring tawaging "apostoliko" sapagkat ang mga turo ng mga apostol ay ang mga katuroang pundasyon ng iglesiya. Ang anumang mga paniniwala na sumasalungat sa mga pundasyong katuroan ay hindi dapat tawaging Kristiyano.
Kaya ang pinanggalingan ng iglesiya ay ipinaliwanag sa pamamagitan ng (1) ministeryo ni Hesus, (2) ang kaligtasang ibinigay ni Kristo, (3) ang pangyayari sa Araw ng Pentekostes, at (4) pag-unlad ng katuroang apostoliko.
Ang iglesiya ay inihambing sa isang pamilya kung saan ang Diyos ang Ama at ang mga miyembro ay magkakapatid.[1] Ang iglesiya ay tinatawag na isang bansa na walang iisang lahi o likas na pinagmulan.[2] Ang iglesiya ay inihambing sa isang pisikal na katawan, kung saan si Kristo ang ulo, at ang mga miyembro ay nagtutulungan at nagmamalasakitan sa isa't isa.[3]
Ang Kristiyano ay miyembro ng iglesiya. Sinasabi sa atin ng Biblia na kung paanong ang iglesiya ay tinatawag na katawan ni Kristo, ang mga Kristiyano ay tinatawag na mga miyembro ng kanyang laman at mga buto.[4] Ang pagiging hiwalay sa iglesiya ay pagiging hiwalay sa kung ano ang ginagawa ni Kristo sa mundo. Ang hindi paggalang at pagmamahal sa iglesiya ay hindi paggalang at pagmamahal kay Kristo.
Bilang isang miyembro ng katawan, ang isang Kristiyano ay hindi dapat magkaroon ng isang saloobin na hiwalay siya sa iglesiya. Kailangan niya ang iba pang mga miyembro, at kailangan nila siya.[5] Mali para sa isang Kristiyano na mabuhay na tila kaya niyang panatilihin ang pagiging espirituwal nang wala ang iglesiya.
May isang unibersal na iglesiya, gayunman ang iglesiya ay dapat na umiral sa isang lugar. Ang mga miyembro ng katawan ay hindi maaaring makakilos maliban kung magkakasama sila sa isang lugar. Si Pablo ay sumulat sa mga mananampalataya sa Corinto na sila ang katawan ni Kristo,[1]na nagpapahiwatig na ang isang lokal na simbahan ay ang katawan ni Kristo para sa lugar na iyon.
Dinisenyo ng Diyos ang lokal na iglesiya upang maging isang pamilya ng pananampalataya, na gumaganap bilang isang katawan na may espirituwal na mga kaloob, ibinibigay ang kakayanan ng tao at paghahanap ng mga espiritual na kaloob upang matugunan ang lahat ng uri ng pangangailangan ng mga nagsasama-sama, ipinapakita sa mundo ang karunungan ng Diyos sa bawat aspeto ng buhay, at nag-anyaya sa mga hindi pa ligtas na magbalik-loob at makabilang sa pamilya
Ang tunay na pagsasama-sama ay kinabibilangan ng ekonomiya sapagkat ang mga nagsasama-sama ay nakikibahagi sa buhay ng isa’t-isa at nagmamalasakit sa mga pangangailangan ng isa't isa.[2] Ang pangangailangan ng isang kapatid (na lalaki o babae) kay Kristo ay responsibilidad ng iglesiya kung ang miyembrong iyon ay nakikilahok sa buhay ng iglesiya at nakikibahagi sa responsibilidad hangga't kaya niya.
Nagbibigay ang Diyos ng espirituwal na mga kaloob at mga espesyal na tungkulin para sa ministeryo upang palakasin at itatag ang lokal na iglesiya.[3]
Ang lokal na iglesiya ay naglilingkod sa komunidad nito. Ang unang prayoridad ay espirituwal, ipangangaral ang ebanghelyo at ipagtatanggol ng katotohanan sa lahat ng mga isyu. Ang iglesiya ay dapat nagmiministeryo sa materyal na mga pangangailangan sa komunidad, ngunit nagbibigay ng prayoridad sa mga taong nasa espirituwal na pakikisama ng iglesiya.
Ibinigay ni Hesus ang kanyang sarili para sa iglesiya, upang gawing banal at walang kapintasan.[1]
Ang iglesiya ay hindi kailanman dapat magpahintulot ng kasalanan, bagaman dapat itong maging handa upang magpatawad. Ang mga tagapanguna ang dapat maging halimbawa ng banal na pamumuhay.[2] Kung ang isang miyembro ng iglesiya ay magkasala, dapat siyang kausapin at alisin sa pakikisama kung hindi siya magsisisi.[3]
► Bakit hindi perpekto ang iglesiya?
Ang mga tao sa iglesiya ay hindi magiging perpekto sa lahat ng paraan. Dahil ang iglesiya ay naghahatid ng ebanghelyo, may mga tao sa kongregasyon na hindi pa nagsisisi sa kasalanan. Kahit kabilang sa mga naligtas, mananatiling mayroong hindi pagkakapare-pareho sa kanilang buhay dahil hindi pa nila nauunawaan kung paano isabuhay ang katotohanan sa lahat ng mga detalye ng kanilang buhay. Kahit sa mga matatagal nang mga Kristiyano, maaaring may mga hindi pagkakapare-pareho at maling mga ugali. Maging ang isang matagal ng Kristiyano ay nasa proseso pa ng espirituwal na paglago.
Ito ay bahagi ng gawain ng iglesiya upang patuloy na magturo at magamit ang Salita ng Diyos, na nagdadala sa mga tao sa espirituwal na paglago.[4]
Sa seksyon na ito ay titingnan natin ang mga kahulugan ng pangkalahatang iglesiya at ng lokal na iglesiya.
Ang isang maikling kahulugan ng pandaigdig na iglesiya ay: ito ang institusyon na kinabibilangan ng lahat ng Kristiyano sa lahat ng panahon at lugar. Kung minsan tinatawag itong ang iglesiyang "hindi nakikita" dahil walang organisasyon sa lupa na namamahala sa buong unibersal na iglesiya o may listahan ng mga miyembro nito.
Ang isang maikling kahulugan ng lokal na iglesiya ay ang grupo ng mga Kristiyano sa isang lugar na nagsasama-sama upang tuparin ang lahat ng mga layunin ng iglesiya. Ang isang grupo ay hindi isang iglesiya kung sila ay nabuo para sa isang mas limitadong layunin.
Narito ang mas malawak na kahulugan ng lokal na iglesiya na makakatulong upang makilala ito mula sa iba pang mga uri ng mga grupo: "Isang pangkat ng mga nabautismuhang mga mananampalataya na nagsasama-sama para sa pagsamba, pagpapalakasan, paglilingkod, pakikisama sa isa’t-isa, at pag-abot sa iba; tumatanggap ng espirituwal na pamumuno, handang maglingkod sa lahat ng parte ng lipunan sa pamamagitan ng iba't ibang mga kaloob bilang isang katawan, at regular na pagsasagawa sa mga ordinansa ng iglesiya.”[1]
May isang iglesiya na para sa lahat ng mga lugar at panahon. Sinabi ni Hesus, "Itatayo ko ang aking iglesiya," hindi "mga simbahan." Isinulat ni Apostol Pablo na mayroong isang katawan, at isang Espiritu, at isang pag-asa, kung paanong mayroon isang Panginoon, isang pananampalataya, at isang bautismo.[1]
Ang unang mga kredo ng Kristiyano ay tumukoy sa "Iglesiya Katolika." Ang salitang "Katoliko" ay hindi tumutukoy sa Iglesiya ng Katolikong Romano, kundi sa iglesiya sa buong daigdig na kinabibilangan ng lahat ng tunay na Kristiyano.
Ang pagkakaisa ng pandaigdigang iglesiya ay hindi isang organisasyon, sa ilalim ng isang sentral na pangangasiwa. Ito ay hindi mangyayari bago ang pagbabalik ni Kristo. May mga tao na nagnanais na mangyari ito, ngunit tila hindi ito kalooban ng Diyos sapagkat itinuwid ni Hesus ang mga alagad nang iniisip nila na ang isang tao ay hindi dapat gumawa ng ministeryo na hiwalay sa kanilang organisasyon.[2] Kung nais ni Hesus na magkaroon ng sentral na pangangasiwa sa lahat ng iglesiya sa buong mundo, maaaring siya ay nanatili sa pisikal na katawan upang pangunahan ito. Gayunman, nakita ni Hesus na ang iba't ibang gawain ng Espiritu Santo sa buong mundo ay hindi mangyayari kung mayroong isang unibersal na punong-himpilan.[3]
► Sa ano nakabatay ang pagkakaisa ng unibersal na iglesiya?
Ang pagkakaisa ng unibersal na iglesiya ay batay sa (1) mga katuroan ng mga apostol at sa (2) isang nakakapagbagong relasyon kay Kristo.
Ang pagkakaisa sa katuroan ay hindi nangangahulugan na ang mga Kristiyano ay sumasang-ayon sa lahat ng bagay, kahit na sa lahat ng mahahalagang katuroan. Nangangahulugan ito na nagkakasundo sila sa kinakailangang katuroan tungkol sa katangian ng Diyos at ni Kristo at ng mga kinakailangan para sa ebanghelyo. Kung wala ang mga iyon, hindi sila sasamba sa parehong Diyos o makararanas ng kanyang biyaya.
Ang katuroan ay hindi lamang ang tanging bagay na kailangan para sa pagkakaisa ng Kristiyano. Ang mga Kristiyano ay nakikibahagi sa bigkis ng kaugnayan sa isa't isa dahil sa kanilang nakakabagong kaugnayan kay Kristo. Dahil nagsisi sila sa kasalanan, sumampalataya kay Kristo,at nagtataglay ng Banal na Espiritu, mayroon silang espesyal na relasyon. Kinikilala ng mga Kristiyano ang isa't isa sa buong mundo sa kabila ng pagkakaiba sa ibang bagay.
[3] “Naniniwala ako na si Kristo, sa pamamagitan ng kanyang mga apostol, ay pinagsasama-sama sa kanyang sarili ang iglesiya, kung saan patuloy niyang idinaragdag ang mga maliligtas; na ang katoliko, o pandaigdigang iglesiya, na umaabot sa lahat ng bansa at lahat ng panahon, ay banal sa lahat ng miyembro nito na may pakikisama sa Diyos Ama, sa Anak, at sa Banal na Espiritu.” - John Wesley, Pinaikli sa “Isang Liham sa isang Romanong Katoliko”
Ang Pagkakaisa ng Lokal na Iglesiya
Maaari nating tanggapin bilang isang Kristiyano ang sinumang taong nagtataglay ng mahahalagang katuroan ng Kristiyano at nakikita ang nakakabagong relasyon niya kay Kristo. Ngunit ang pagkakasundo sa katuroan ng lokal na iglesiya ay dapat mas higit na detalyado.[1]
Ang isang lokal na iglesiya ay isang grupo ng mga tao na nagtalaga ng sarili sa pagsamba nang sama-sama, magturo ng Ebanghelyo, magdisipulo ng mga nagbalik-loob, at mga kabataan, at ituro ang mga praktikal na detalye ng buhay Kristiyano. Para magawa ng tao ang mga layunin ng magkakasama, dapat silang sumang-ayon sa maraming mga detalye ng katuroan.
Halimbawa, maaaring ang isang tao sa isang lokal na simbahan ay nagsasabi sa bawat kabataan at bagong nagbalik-loob upang manalangin para sa kaloob ng pagsasalita ng ibang wika. Ngunit ang ibang mga lider sa simbahan ay hindi naniniwala na ang kaloob ng pagsasalita ng ibang wika ay isang bagay na ipinangako ng Diyos sa bawat mananampalataya. Nag-aalala sila na ang mga tao ay magkakaroon ng espirituwal na kalituhan kung sinisikap nilang makaranas ng ilang bagay na hindi kalooban ng Diyos. Maliwanag, ang mga taong ito ay hindi magagawang magtulungan sa isang lokal na iglesiya. Kahit na iniisip ng lider na ang isang tao ay Kristiyano, hindi nila siya dapat pahintulutang magturo ng mga mapanganib na katuroan.
Ang isang lokal na iglesiya ay kailangang sumang-ayon sa mga katuroan na nakakaapekto sa paraan ng kanilang pagbabahagi ng buhay at pagsasagawa ng ministeryo. Samakatuwid, hindi mali para sa isang iglesiya na magkaroon ng isang nakasulat na pahayag ng mga katuroan na kanilang ibinabahagi. Hindi ito nangangahulugan na iniisip nila na ang sinumang hindi sumasang-ayon ay hindi isang Kristiyano. Ang layunin ng nakasulat na pahayag ng katuroan ay upang ipakita ang mga katuroan na kinakailangan para magtulungan sa gawain ang isang grupo ng mga mananampalataya.
[1] “Kung ang puso mo ay tama, katulad ng sa akin ay sa iyong puso, sagayun, mahalin mo ako nang sobrang lambot na pagmamahal, bilang kaibigan na mas malapit pa kaysa sa isang kapatid; bilang kapatid kay Kristo, kapwa mamamayan sa Bagong Jerusalem, kapwa sundalo na nasa parehong digmaan, sa ilalim ng parehong Kapitan ng ating kaligtasan. Mahalin mo ako bilang kasama sa kaharian at matiyagang pagtitiis ni Hesus, at isang kasamang tagapagmana ng kanyang kaluwalhatian.” - John Wesley, Pinaikli sa sermon “Katolikong Espiritu”
Ang mga Sakramento ng Simbahan
Si Hesus ay nagbigay ng dalawang sakramento sa iglesiya. Maaari rin silang tawagin na mga ritwal o mga seremonya.
Ang pagbabautismo ay simbolo ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo.[1] Ang bautismo ay isang patotoo na ang mananampalataya ay namatay kasama ni Kristo at nakaranas ng kamatayan sa kasalanan at may bagong buhay kay Kristo. Ang bautismo ay hindi ang panahon kung kailan ang isang tao ay nagiging isang Kristiyano. Ang bautismo ay isang pampublikong patotoo na ang pagbabaik-loob ay naganap.[2]
Ang Hapag ng Panginoon ay sinimulan ni Hesus sa kanyang huling hapunan kasama ng mga alagad bago ang kanyang pagkapako sa krus.[3]Ang tinapay at alak ay kumakatawan sa katawan at dugo ni Hesus na ibinigay bilang handog para sa ating kaligtasan. Tulad ng pagkain natin para sa pisikal na buhay, umaasa tayo sa kanyang handog para sa ating espirituwal na buhay.[4]
Ang mga sakramento ay kapwa maaaring tawagin na "paraan ng biyaya." Hindi sila awtomatikong nagbibigay ng biyaya kung ito ay ginawa nang walang pananampalataya at pagsunod. Ang mga ito ay mga ritwal na ibinigay sa atin ng Diyos, at kung ginawa ng may pananampalataya, ang mga ito mga paraan ng pagtanggap ng biyaya mula sa Diyos.
Mga Layunin ng Lokal na Iglesiya na Natatagpuan sa Bagong Tipan
(1) Magbahagi ng Ebanghelyo (Mateo 28:18-20).
(2) Pagsamba bilang isang kongregasyon (1 Corinto 3:16).
(3) Panatilihin ang katuroan (1 Timoteo 3:15, Judas 3).
(4) Suportahan ang pastor sa pananalapi (1 Timoteo 5:17-18).
(5) Magsugo at suportahan ang mga misyonero (Mga Gawa 13:2-4, Mga Taga Roma 15:24).
(6) Tulungan ang mga miyembrong nangangailangan (1 Timoteo 5:3).
(7) Pagdisiplina sa mga miyembro na nahulog sa kasalanan (1 Corinto 5:9-13).
(8) Pagsasagawa ng bautismo at ang pakikibahagi sa Hapag ng Panginoon (Mateo 28:19, 1 Corinto 11:23-26).
(9) Ang pagdidisipolo sa mga mananampalataya patungo sa paglago (Efeso 4:12-13).
Karamihan sa mga bagay na ito ay hindi maaaring gawin ng isang tao na nag-iisa at walang kasama. Ang mga layuning ito ay nakasalalay sa pakikipagtulungan ng isang grupo ng mga mananampalataya at isang istruktura ng pangunguna.
Tinatawag ng Diyos ang bawat mananampalataya na makibahagi sa isang lokal na iglesiya at tulungan ang iglesiya na matupad ang layunin nito sa mundo. Hanggang ang isang miyembro ay hindi naglilingkod sa iglesiya, hindi niya tinutupad ang kanyang layunin bilang miyembro ng katawan ni Kristo.
Maaaring piliin ang isang miyembro ng klase upang ipaliwanag ang impormasyon sa kahon sa ibaba.
Pagkakamali na dapat iwasan: Espirituwal na Pagsasarili
May mga tao na hindi kailanman tunay na nakibahagi sa isang lokal na iglesiya. Gusto nilang nararamdaman na pwede silang dumalo sa alinmang iglesiya sa anumang araw ng Linggo. Hindi sila maaaring makatulong sa alinman sa mga layunin ng iglesiya na nakalista sa leksyong ito dahil hindi sila maaaring asahan ng iglesiya. Wala silang mga relasyon na nagpapahintulot sa sinuman na bigyan sila ng pananagutan sa espirituwal, at hindi sila maaaring magbigay ng pananagutan sa espirituwal sa iba. Kung ang lahat ng mga Kristiyano ay gayun ang gagawin, walang magiging mga iglesiya.
Pagpapahayag ng mga Paniniwala
Dapat magkakasamang basahin ng klase ang "Pahayag ng Paniniwala” nang hindi bababa sa dalawang beses.
Pagpapahayag ng mga Paniniwala
Itinayo ni Kristo ang isang banal at iglesiyang pambuong-mundo, na ipinahayag bilang katawan ni Kristo sa mga lokal na kongregasyon. Ang iglesiya ay nagtataglay ng mga katuroan ng mga apostol at pinoprotektahan ang lahat ng katotohanan. Ang iglesiya ay ang pamilya ng Diyos, na may pagsasama-sama na nagmiministeryo sa lahat ng mga pangangailangan. Ang iglesiya ay sumasamba sa Diyos, nagbabahagi ng ebanghelyo sa mundo, at nagdidisipolo ng mga mananampalataya.
Leksyon 12 Takdang Aralin
Ang bawat mag-aaral ay dapat italaga sa isa sa mga talata na nakalista sa ibaba. Bago ang susunod na sesyon ng klase, dapat niyang basahin ang talata at magsulat ng taludtod tungkol sa sinasabi nito tungkol sa paksa ng leksyong ito.
Dapat ipaalala sa mga mag-aaral na hindi bababa sa pitong beses sa panahon ng kursong ito ang bawat mag-aaral ay dapat magturo ng isang leksyon o bahagi ng isang leksyon sa mga taong hindi kabilang sa klase. Dapat mag-ulat ang mga mag-aaral sa lider ng klase tuwing magtuturo sila para sa takdang-aralion.
Leksyon 12 Mga Tanong Para sa Pag-aaral
(1) Kailan nagsimula ang panahon ng iglesiya?
(2) Bakit ang iglesiya ay tinataawag na "apostoliko"?
(3) Ano ang apat na aspeto ng pinagmulan ng iglesiya?
(4) Ano ang isang maikling kahulugan ng pangkalahatang iglesiya?
(5) Ano ang isang maikling kahulugan ng lokal na iglesiya?
(6) Ano ang ibig sabihin ng salitang "katolikong iglesiya" sa tunay na kahulugan nito?
(7) Ano’ng dalawang bagay ang batayan ng pagkakaisa ng iglesiya sa buong mundo?
(8) Ano ang layunin ng nakasulat na pahayag ng katuroan?
(9) Ilista ang anim na layunin ng lokal na iglesiya.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.