Matapos kumuha ng pagsusulit sa nakaraang leksyon, gamitin ang mga layunin mula sa leksyong iyon para magtanong para sa pagbabalik-aral. Pagkatapos ay pumunta sa pagbabasa ng talata sa ibaba.
Basahin ang Awit 139 nang magkakasama. Talakayin kung ano ang sinasabi sa atin ng talatang ito tungkol sa Espiritu ng Diyos.
May mga ilang tao na nag-iisip na ang Banal na Espiritu bilang isang hindi personal na puwersa o presensya lamang. Halimbawa, ang isang Saksi ni Jehova ay magsasabi ng ganito: "Ang Banal na Espiritu ay hindi isang persona at hindi bahagi ng Trinidad. Ang Banal na Espiritu ay ang aktibong puwersa ng Diyos na ginagamit niya upang maisakatuparan ang kanyang kalooban. Sa isang tiyak na lawak, maaaring ihambing ito sa kuryente."[1]
► Ano ang mali sa konsepto ng Saksi ni Jehovah tungkol sa Banal na Espiritu?
Ang tingin ng Saksi ni Jehova sa Banal na Espiritu ay isang hindi personal na puwersa. Dahil wala silang Biblikal na pang-unawa tungkol sa Diyos, hindi sila maaaring magkaroon ng tamang kaugnayan sa kanya.
Hindi natin dapat asahan na mauunawaan natin ang lahat tungkol sa Banal na Espiritu. Sinabi ni Hesus na ang gawain ng Espiritu ay tulad ng hangin; naririnig mo ito, ngunit hindi mo alam kung saan ito nanggagaling o kung saan ito pupunta.[2] Ngunit may ilang mga bagay na maaari nating malaman tungkol sa Espiritu, at mahalaga ito sa ating kaugnayan sa Diyos.[3]
Ang seksyon ng Banal na Kasulatan na nagbibigay sa atin ng pinakamaraming pagsasalarawan ng pakikipag-ugnayan sa pagitan ng Banal na Espiritu at ng iglesiya ay ang aklat ng Mga Gawa. May makikita tayong isang modelo kung paano nagsimulang tumugon ang iglesiya sa Banal na Espiritu. (1) Pinarangalan nila ang Banal na Espiritu sa kanyang pagka -Diyos.[4] (2) Sila ay may kamalayan sa presensya, patnubay, at gawain ng Espiritu Santo.[5] (3) Napagtanto nila ang kanilang pagtitiwala at pananagutan na tumugon sa Banal na Espiritu.[6]
Para magkaroon tayo ng ganoong uri ng kaugnayan sa Banal na Espiritu, dapat nating maunawaan na siya ay isang persona at siya ay Diyos. Pagkatapos ay maaari nating hanapin ang mga alituntuning papatnubay sa ating kaugnayan sa kanya.
[1] Should You Believe in the Trinity? New York: The Watchtower Bible and Tract Soc., 1989.
ang Panginoon at Tagapagbigay ng Buhay, na nagmumula sa Ama at Anak; na kasama ng Ama at Anak na magkakasama ay sinasamba at niluluwalhati; na ipinahayag ng mga propeta." - Nicene Pundasyong paniniwala, AD 325
Ang Banal na Espiritu ay walang pisikal na katawan tulad ni Hesus, ngunit siya ay isang persona. Ang tunay na persona ay may mga katangian ng personalidad, na kinabibilangan ng isip, kalooban, at damdamin. May kalooban ba ang Banal na Espiritu? Nagbibibgay siya ng mga espirituwal na mga kaloob sa mga Kristiyano "ayon sa gusto niya."[1] Ang Banal na Espiritu ba ay may isip? Siya ay "nagsasaliksik ... ang malalalim na mga bagay ng Diyos" at nalalaman niya ang mga ito.[2] Ang Banal na Espiritu ba ay may mga emosyon? Sinabihan tayo na " huwag ninyong pighatiin ang Banal na Espiritu."[3] Kung ang Banal na Espiritu ay maaaring magdalamhati, tiyak na meron siyang mga emosyon. Dahil ang Banal na Espiritu ay may isip, kalooban, at emosyon, alam natin na siya ay isang persona.
► Bakit mahalagang malaman natin na ang Banal na Espiritu ay isang persona?
Kung iniisip natin na ang Banal na Espiritu ay isang lakas na hindi persona, hindi tayo magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. May mga tao na tila iniisip na ang Banal na Espiritu ay isang bagay na nagpapabago ng kanilang damdamin, o siya ay isang kapangyarihan lamang na sinisikap nilang gamitin.
Ang isang persona ay may kakayahang makipag-ugnayan sa iba. Ayon sa Mga Taga Filipos 2:1, ang Espiritu ay may kakayahang makisalamuha sa atin. Ayon sa 2 Corinto 13:14, ang Banal na Espiritu ay maaaring magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa atin. Bilang isang nakakapag-ugnay at nakakasalamuha, ang Espiritu Santo ay dapat na isang persona.
Para sa karagdagang katibayan ng Biblia sa pagigigng persona ng Banal na Espiritu, tingnan ang kahon malapit sa dulo ng leksyong ito na pinamagatang "Katibayan ng Biblia para sa Pagiging persona ng Banal na Espiritu."
Ang Banal na Espiritu ay ang nakakaalam sa lahat, nakakakita sa lahat, nasa lahat ng dako na Diyos. Naaalala ba ninyo ang kuwento nina Ananias at Safira? Bago namatay si Ananias, sinabihan siya ni Pedro, "Bakit napuno ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Banal na Espiritu? ... Hindi ka nagsinungaling sa mga tao; kundi sa Diyos.”[1] Mula sa kaganapang ito makikita natin na ang pagsisinungaling sa Banal na Espiritu ay katulad ng pagsisinungaling sa Diyos; samakatuwid, ang Banal na Espiritu ay Diyos.[2]
Alam ng Banal na Espiritu ang lahat ng mga bagay. Nakita natin sa 1 Mga Taga Corinto 2: 10-11 na alam niya ang lahat ng mga bagay ng Diyos. Iyon ay nangangailangan ng isang Walang-hanggang pag-iisip. Kinasihan niya ang mga kasulatan ng Lumang Tipan, kabilang ang propesiya, na nangangailangan ng lahat ng kaalaman.[3] Sinabihan tayo na ang Kasulatan ay kinasihan ng Diyos,[4] na nagpapakilala sa Banal na Espiritu bilang Diyos.
Ang Banal na Espiritu ay naroroon sa lahat ng dako. Sinasabi sa atin ng Awit 139:7 na walang lugar na pwedeng puntahan ng tao na makakatakas sa presensya ng Espiritu ng Diyos. Siya ay naroroon sa bawat mananampalataya, sapagkat sinasabi ng Biblia kung ang isang tao ay walang Espiritu ni Kristo, hindi siya kabilang kay Kristo. Ang konteksto ay nagpapakita na ang Espiritu ni Kristo ay ang Banal na Espiritu.
Sinabihan tayo sa Lucas 12:10 na maaaring malapastanganan ang Banal na Espiritu. Diyos lamang ang maaaring malapastanganan.
Ang ating mga katawan ay tinatawag na templo ng Diyos dahil ang Banal na Espiritu ay nananahan doon.[6]
Ang Banal na Espiritu ay may lahat ng kapangyarihan. Inilarawan siya bilang nakagagawa ng mga bagay na tanging ang Diyos ang maaaring gumawa. Pinatutunayan niya sa sanlibutan na mali ang pagkakilala nila sa kasalanan, at ipinakikiklala niya kung ano ang matuwid, at kung ano ang kahatulan.[7] Upang gawin iyon, kailangan niyang magkaroon ng daan sa konsensya ng bawat tao at makumbinsi ang kanilang isipan ng mga tiyak na katotohanan. Siya rin ay nakapagbibigay sa bawat mananampalataya ng lakas ng loob.[8] Mahirap isipin ang kapangyarihan at karunungan na kinakailangan niya upang magawa iyon, lalo na kung isasaalang-alang na ang bawat tao ay naiiba. Ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, at marami pa.[9] Wala ng iba kundi ang kapangyarihan ng Diyos ang makagagawa nito sa buhay ng sinumang tao, at lalo na sa bawat mananampalataya sa lahat ng dako sa mundo.
Mula sa biblikal na ebidensya, alam natin na ang Banal na Espiritu ay Diyos mismo, ang ikatlong Persona ng Banal na Trinidad.
► Bakit mahalaga na maniwala tayo sa pagkadiyos ng Banal na Espiritu?
Mahalagang maniwala sa pagkadiyos ng Banal na Espiritu upang mabigyan mo siya ng karangalan at paggalang na nararapat sa kaniya. Magiging seryosong bagay kung hindi sasambahin ang Banal na Espiritu dahil sa hindi pagtanggap na siya ay Diyos. Sa katunayan, nakakapag-alinlangan na ang isang tao ay maliligtas samantalang tinatanggihan niya ang pagkadiyos ng isang nagsisikap na maglapit sa kanya sa kaligtasan.
[2] "Naniniwala kami sa Banal na Espiritu na nagsalita sa batas, at itinuro ng mga propeta, at bumaba sa Jordan, ipinahayag ng mga Apostol, at nabubuhay sa mga pinabanal; kaya't naniniwala kami sa kanya: na siya ang Banal na Espiritu, ang Espiritu ng Diyos, ang perpektong Espiritu, ang Espiritu paraklit (Paraclete), hindi nilikha, galing mula sa Ama at tumatanggap sa Anak, na pinaniniwalaan natin." - Pundasyong paniniwala of Epiphanius, AD 374
Ang Banal na Espiritu ay Natatangi mula sa Ama at Anak.
Kapag sasabihin na ang Banal na Espiritu ay natatangi mula sa Ama at Anak ay hindi nangangahulugan na sila ay magkakaibang mga indibidwal sa parehong kahulugan ng sa tao. Ang mga miyembro ng Trinidad ay nananahan sa isa't isa at ang lahat ay iisang Diyos, ngunit sapat na nagkakaiba-iba upang makipag-usap sa isa't isa, mahalin ang isa't isa, at magkaroon ng tunay na personal na pakikipag-ugnayan sa isa't isa at sa atin.
Itinuturo ng Kasulatan ang pagkakaiba sa pagitan ng pagiging persona ng Trinidad. Halimbawa, paulit ulit sa kabanata ng Juan 14-16, tinukoy ni Hesus ang isang Katulong na ipapadala niya kapag bumalik siya sa Ama.[1] Ang katulong na ito ay gagabay sa mga alagad at tuturuan sila. Kung si Hesus at ang Banal na Espiritu ay ang parehong Persona, ang pagtukoy ni Hesus sa Banal na Espiritu bilang isa pang Katulong ay walang ibinibigay na kahulugan. Tiyak na tinutukoy ni Hesus ang isa pang Persona na naiiba sa kanyang sarili.
Sinabi pa ni Hesus sa Juan 16: 13-15 na ang Banal na Espiritu ay hindi magsasalita tungkol sa kanyang sarili, ngunit ibubunyag ang mga bagay ni Kristo, na tinanggap ni Kristo mula sa Ama. Kung si Hesus at ang Ama ay ang parehong persona bilang Banal na Espiritu, ang pahayag ay walang ibinibigay na kahulugan.
Tingnan ang kuwento ng pagbibinyag kay Hesus.[2] Dito, ang Anak ay binautismuhan, isang tinig mula sa Langit ang nagsabi, "Ito ang aking minamahal na Anak," at ang Banal na Espiritu, tulad ng isang kalapati, ay bumaba kay Hesus. Ang lahat ng ito ay nangyari nang sabay-sabay. Lahat ng tatlong miyembro ng Trinidad ay sama-sama sa parehong oras, malinaw na naiiba mula sa isa't isa.
Bilang isang natatanging persona, ang Banal na Espiritu ay nabuhay sa isang relasyon sa pag-ibig sa Ama at Anak sa magpawalanghanggan. Nilikha tayo ng Diyos upang lumahok sa relasyong iyon. Nais ng Diyos na ma-enjoy natin ang pakikipag-ugnayan sa kanya,[3]dahil ang bawat miyembro ng Trinidad ay masaya sa pakikisama sa iba pa bago pa magsimula ang panahon.[4]
[1] Basahin Juan 14:16-17, 26, 15:26, 16:7, 13-15.
Mula sa panahon ng Paglikha, ang Banal na Espiritu ay aktibo sa mundo. Siya ay naroroon at kasama nang likhain ang mundo.[1] Nagbigay siya ng mga espesyal na kakayahan sa mga taong tinawag sa espesyal na gawain.[2] Nagbigay siya ng mga mensahe sa mga propeta na nagsikap na panatilihin ang mga tao sa tamang pakikipag-ugnayan sa Diyos.[3] Kinasihan niya ang Kasulatan.[4] Sa panahon ng Lumang Tipan, kumikilos siya sa mga puso ng mga tao, sinisikap na ibaling sila sa Diyos.[5] Nag-alay siya ng isang gawain ng biyaya na magagawa nilang mahalin ang Diyos ng kanilang buong puso.[6]
Siya ay tinatawag na Espiritu ng buhay; siya ang Espiritu na lumikha sa atin at nagbigay sa atin ng buhay; at kung siya ay mawala mula sa mundo, ang lahat ng buhay ay titigil, at ang tao ay babalik sa alikabok.[7]
Ipinakilala ng Bagong Tipan ang isang bagong panahon ng gawain ng Banal na Espiritu. Sinabi ni Juan Bautista na si Hesus ay magbabautismo sa mga tao sa Banal na Espiritu.[8] Pinangunahan ni Hesus ang kanyang mga alagad na umasa sa isang bagay na tinawag niya na "Pangako ng Ama," na siyang bautismo ng Banal na Espiritu na nangyari sa araw ng Pentekostes.[9] Kahit na maraming mga di pangkaraniwang pangyayari ang nakita sa kaganapang iyon, sinabi ni Pedro sa ilang pagkakataon na ang pangunahing bagay na nangyari ay nang dalisayin ang kanilang mga puso.[10]
Ipinangako ni Hesus sa mga disipulo na ang Banal na Espiritu ay makakasama nila, na magpapaalala sa kanila sa mga bagay na itinuro ni Hesus at dadalin sila sa katotohanan.[11]
Sinabi ni Hesus na ang Banal na Espiritu ay magiging isa pang Paraklit (Paraclete).[12] Ang salitang ito ay tumutukoy sa isa na kasama natin, isang naghihikayat at tumutulong. Maaari rin itong tumukoy sa isang kinatawan. Ang Banal na Espiritu ay kumakatawan kay Hesus at nagpapaalala sa atin ng kanyang mga salita.[13]
► Ano ang ilang mga bagay na ginagawa ng Banal na Espiritu?
Ang gawain ng Banal na Espiritu sa mundo ay hindi lubos na maipaliwanag, ngunit narito ang isang listahan ng ilan sa kanyang mga gawain.
(1) Siya ang nangagpapatunay sa kasalanan[14] (Kung hindi, imposible para sa isang tao na maunawaan ang kanyang pangangailangan na magsisi at mapatawad).
(2) Siya ay bumubuhay muli, nagbibigay muli ng buhay ang isang taong patay dahil sa kasalanan.[15]
(3) Binibigyan niya ang mananampalataya ng personal na katiyakan na siya ay naligtas.[16]
(4) Siya ay nananahan sa bawat mananampalataya (bawat naligtas na tao ay may Banal na Espiritu).[17]
(5) Nagbibigay siya ng pang-unawa sa katotohanan ng Diyos.[18]
(6) Tinatawag niya ang mga tao sa espesyal na ministeryo at ginagabayan ang mga desisyon sa ministeryo.[19]
(7) Pinababanal niya ang mananampalataya, dinadalisay ang kanyang puso upang gawin siyang banal .[20]
(8) Nagbibigay siya ng kapangyarihan para mabuhay sa tagumpay laban sa kasalanan.[21]
(9) Ibinibigay Niya ang bunga ng Espiritu sa buhay ng mananampalataya.[22]
(10) Nagbibigay siya ng mga kaloob ng Espiritu para sa ministeryo.[23]
(11) Nagbibigay siya ng espesyal na pagpapahid ng kapangyarihan para sa ministeryo.[24]
(12) Tinutulungan niya ang mananampalataya na manalangin ayon sa kalooban ng Diyos.[25]
(13) Lumilikha siya ng pagkakaisa at pagsasama-sama ng iglesiya.[26]
Maaaring pumili ng isang miyembro ng klase upang ipaliwanag ang impormasyon sa kahon sa ibaba.
Ang ilang mga Prinsipyo tungkol sa mga Kaloob ng Espiritu
(1) Gumagawa ang Espiritu sa pamamagitan ng iba't ibang mga kaloob, mga gawain, at pangangasiwa (1 Corinto 12:4-6).
(2) Ang mga espirituwal na kaloob ay ipinamamahagi ayon sa kalooban ng Diyos, hindi ayon sa espirituwalidad (1 Corinto 12:11, 4:7).
(3) Ang bawat tao ay may ilang kakayahan na ibinigay ng Espiritu (1 Corinto 12:7).
(4) Walang isang tiyak na kaloob ang maaaring asahan sa lahat ng mananampalataya (1 Corinto 12:8-11, 14-30).
(5) Ang mga kaloob ay dapat palaging gamitin para sa paglilingkod sa iba para sa kaluwalhatian ng Diyos (1 Corinto 12:21-22, 25, 1 Pedro 4:10-11).
Ang Banal na Espiritu ay nasa ugnayan sa mananampalataya.
Kung ikaw nasa ugnayan sa Diyos, ikaw ay nasa ugnayan sa Banal na Espiritu. Hindi posible na makilala ang isang persona lamang ng Trinidad at hindi ang iba.[1]
Hindi kailangang maunawaan ng isang tao ang katuroan ng Banal na Espiritu bago siya maligtas. Hindi alam ng mga disipulo ang maraming bagay tungkol sa Espiritu, ngunit sinabi ni Hesus sa kanila na kilala nila ang Espiritu at siya ay kasama na nila.[2]
Ang pagkakaalam sa tamang katuroan tungkol sa Banal na Espiritu ay tumutulong sa atin na maugnay sa kanya sa tamang paraan at hayaan siyang gumawa ng higit pa sa ating buhay.
Ang malaman na siya ay isang persona ay nagbibigay-daan na malaman natin na maaari tayong magkaroon ng isang relasyon sa kanya. Maaari tayong makipag-usap sa kanya, at siya ay makipag-usap sa atin. Hindi siya karaniwang nakikipag-usap sa atin sa isang naririnig na boses, ngunit Siya ay may mga paraan ng pagpapaalam sa atin upang maunawaan ang kalooban ng Diyos at pag-ibig ng Diyos. Kung gusto nating gawin ang kalooban ng Diyos, gagabayan niya tayo kahit hindi natin ito laging nararamdaman.
Ang malaman na siya ay isang persona ay nangangahulugan na hindi tayo kumikilos na parang siya ay isang puwersa lamang o isang pakiramdam. Kapag sumasamba tayo sa Diyos, iniisip natin kung sino siya at kung ano siya, hindi lamang maranasan ang walang pakiramdam na damdamin. Kapag nananalangin tayo nagsasalita tayo na may katalinohan at sinisikap na maunawaan kung ano ang maaaring ipakita niya sa halip na gamitin ang mga salita at mga bagay sa isang hindi personal, mahiwagang paraan, katulad ng ginagawa ng mga tao sa ibang mga relihiyon.
Ang malaman na ang Banal na Espiritu ay ang Diyos ay dapat magbigay sa atin ng isang saloobin ng magalang na pagsamba. Habang nananalangin tayo at nakadarama ng kanyang patnubay, kailangan nating alalahanin na siya ang Diyos na nagmamahal sa atin, lubos na nakakakilala sa atin, at nakakaalam ng ating hinaharap. Siya rin ang lubos na awtoridad, na dapat nating sundin.
Siya ay kasama natin sa lahat ng oras. Sinasabi ng Kasulatan na tayo ay nabubuhay sa Espiritu at dapat lumakad sa Espiritu.[3] Dapat tayong mamuhay na tila tayo ay nasa presensya niya, at hindi iniisip na tayo’y nakakapasok lamang sa kanyang presensya kung tayo ay nasa iglesiya. Hindi lamang natin siya kasama, kundi nabubuhay sa loob natin, at iyan ang dahilan kung bakit dapat tayong mamuhay ng dalisay at banal.[4]
Dapat nating alalahanin ang kanyang prayoridad. Ito ay upang bigyan tayo ng tagumpay laban sa kasalanan at kadalisayan sa ating puso.[5] Hindi tayo dapat magdasal para sa iba pang mga bagay kung hindi natin siya hinahayaang magawa ang kanyang unang prayoridad. Manalangin nang may pananampalataya na lilinisin niya ang iyong puso at gagawin kang lubos na banal.[6]
Sa mga pakikibaka sa buhay, binibigyan niya tayo ng panloob na lakas.[7] Nauunawaan Niya tayo, naiintindihan niya ang ating mga sitwasyon, at maibibigay niya sa atin kung ano talaga ang kailangan natin.
Sa ministeryo, dapat tayong umasa sa kanya upang bigyan tayo ng patnubay, at magbigay ng kapangyarihan sa kanyang Salita, upang magawa ang espirituwal na mga resulta sa puso ng iba. Walang kakayahan ng tao ang maipapalit sa gawa ng Espiritu.
Kahit na napuno ka na ng Espiritu, hindi mo dapat kalimutan na panatilihin ang isang relasyon sa kanya na nagpapanatili sa iyong pagiging puno. Ang utos na mapuno ng Espiritu ay nasa isang Griegong pandiwa na nangangahulugang patuloy na pagkilos.[8] Dapat tayong patuloy na mapuno, at nangyayari ito sa pamamagitan ng ating relasyon sa kanya.
Ang kahon sa ibaba ay opsyonal at maaaring pag-aralan kung sa palagay ng ng klase ay kinakailangan ng higit pang ebidensiyang biblikal para sa puntong ito.
Biblikal na ebidensya para sa Pagiging Persona ng Banal na Espiritu
Sa Mateo 28:19, sinabihan tayo na magbautismo sa pangalan ng Ama, Anak, at Banal na Espiritu, na nagpapahiwatig na ang lahat ng tatlo ay may awtoridad. Binabanggit sa MgaTaga 2 Corinto 13:14 ang komunyon ng Banal na Espiritu, na nagpapahiwatig ng matalinong komunikasyon. Sa Marcos 13:11, ang mga mananampalataya ay pinangakuan na ang Espiritu Santo ay magsasalita sa pamamagitan ng mga ito sa panahon ng pag-uusig. Sa Juan 14:17, 26, ang Banal na Espiritu ay tinawag na Espiritu ng katotohanan na magtuturo at magpapaalala. Sa Juan 16: 7 -11, ipinangako ni Hesus na ang Banal na Espiritu ang magpapatunay sa mundo sa kasalanan, katuwiran, at paghatol, na nangangailangan ng matalinong komunikasyon. Sinasabi ng Juan 16: 13-15 na ang Banal na Espiritu ay hindi magsasalita tungkol sa kanyang sarili, kundi tungkol sa mga bagay tungkol kay Kristo. Ayon sa Mga Taga 1Corinto 12:11, pinipili ng Banal na Espiritu kung paano ibibigay ang espirituwal na mga kaloob. Siya ay saksi sa ating mga espiritu na tayo ay mga anak ng Diyos (Roma 8:16). Nananalangin Siya sa Ama para sa atin at may isip na nakauunawa sa kalooban ng Diyos (Roma 8: 26-27). Ayon sa Mga Taga Efeso 4:30, maaari siyang mapighati; na nangangahulugan na nauunawaan niya ang ating mga tugon sa kanya at may emosyon. Maaaring magsinungaling sa kanya, na ibig sabihin nauunawaan niya ang komunikasyon (Gawa 5: 3). Siya ay nagsasalita, nagbibigay ng mga direksyon, at may kalooban na dapat sundin ng mga tao (Gawa 13: 2-4). Ginabayan niya ang mga apostol sa kanilang paglalakbay sa misyon at kung minsan ay sinasabi sa kanila na huwag pumunta sa isang lugar (Mga Gawa 16: 6).
Itinatanggi ng ilan ang pagiging persona ng Espiritu at sinasabi na siya ay isang hindi personang lakas lamang tulad ng kuryente o gravity. Gayunpaman, imposible na ang isang lakas na hindi persona ay maisalarawan tulad ng pagsasalarawan ng Biblia sa Banal na Espiritu. Ang elektrisidad ay hindi nagsasalita at nangangatwiran; hindi maaaring pagsinungalingan ang grabidad (gravity). Ang walang pag-iisip na pwersa ay hindi maaaring makaunawa sa kalooban ng Diyos.
Sinasabi ng ilang tao na ang mga Banal na Kasulatang ito ay isang personipikasyon lamang, na nagsasalita ng isang bagay na hindi personal na tila isang tao ngunit hindi naman iyon ang nais ipakahulugan dito. Gayunman, ang Banal na Kasulatan ay nagsasalita tungkol sa Espiritu sa mga personal na termino, at ang mga tao ay tumugon sa kanya katulad ng sa tao. Sa ilang lugar, ang Espiritu ay tinutukoy sa pamamagitan ng mga simbolo, na tulad sa isang sangkap (substance), tulad nang sinasabi sa Biblia na ang Espiritu ay "ibubuhos" (Mga Gawa 2:17). Ang mga ito ay dapat isaalang-alang bilang simbolo, dahil ang Biblia ay karaniwang nagsasalita tungkol sa Espiritu bilang isang persona.
Pagpapahayag ng mga Paniniwala
Dapat basahin ng klase ang "Pahayag ng Paniniwala" nang magkakasama nang hindi bababa sa dalawang beses.
Pagpapahayag ng mga Paniniwala
Ang Banal na Espiritu ay ang ikatlong Persona ng Trinidad, ganap na banal kasama ng Ama at Anak. Pinatutunayan niya ang kasalanan, bumubuhay at nabubuhay sa bawat mananampalataya, nagbibigay ng tagumpay laban sa kasalanan at naglilinis ng puso. Siya ang buhay na nagbubuklod sa iglesiya, na pinagpapala niya ng bunga ng Espiritu at espirituwal na mga kaloob para sa ministeryo.
Leksyon 10 Takdang Aralin
Ang bawat mag-aaral ay dapat na italaga sa isa sa mga talata na nakalista sa ibaba. Bago ang susunod na sesyon ng klase, dapat niyang basahin ang talata at magsulat ng taludtod tungkol sa sinasabi nito tungkol sa paksa ng leksyong ito.
Dapat ipaalala sa mga mag-aaral ng hindi bababa sa pitong beses habang kasalukuyan ang kursong ito na ang bawat mag-aaral ay dapat magturo ng isang leksyon o bahagi ng isang leksyon sa mga taong hindi kasama sa klase. Dapat mag-ulat ang mga mag-aaral sa lider ng klase tuwing magtuturo sila para sa takdang leksyon.
Leksyon 10 Mga Tanong Para sa Pag-aaral
(1) Ilista ang tatlong katangian ng tugon ng unang iglesia sa Banal na Espiritu.
(2) Anong mga katangian ng pagkatao ang nagpapakita na ang Banal na Espiritu ay isang persona?
(3) Ano ang ibig sabihin ng salitang paraklit (Paraclete)?
(4) Ano ang ilang mga gawain ng Espiritu? Ilista ang 9 mula sa 13 na ibinigay.
(5) Anong priyoridad ang dapat nating asahan una mula sa Banal na Espiritu?
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.