Kapag natapos ang leksyong ito, dapat nauunawaan at kayang ipaliwanag ng mag-aaral:
(1) Ang konsepto ng pangkalahatang rebelasyon at espesyal na rebelasyon.
(2) Kung paanong ipinapakita ng ebidensiya na ang Biblia ay tamang-tama.
(3) Ang tamang pagkaunawa sa pagkasi o inspirasyon sa Kasulatan.
(4) Kung bakit ang pagkasi o inspirasyon ay nangangahulugang ito ay walang pagkakamali.
(5) Ang mga salitang kinasihan, hindi mapasusubalian, walang kamalian.
(6) Kung bakit ang Biblia ay tapos na at hindi na maaari pang dagdagan.
(7) Kung paanong ang Biblia ang pangunahing pinagmumulan at panghuling awtoridad para sa katuroan.
(8) Kung paanong mahalaga ang Biblia sa pang-araw-araw na buhay ng Kristiyano.
(9) Isang pagpapahayag ng mga paniniwalang Kristiyano tungkol sa Biblia.
Isa sa mga praktikal na layunin ng leksyong ito ay upang matututuhan ng mag-aaral kung paano maiiwasan ang pagkakamali ng pakikinig sa maling awtoridad o pag-aaral ng Biblia nang may limitadong layunin.
Panimula
Karaniwan ang sesyon ay nagsisimula sa isang pagsusulit tungkol sa naunang leksyon at isang pagbabalik-aral sa mga layunin ng naunang leksyon. Dahil ito ang unang leksyon, pumunta sa pagbasa sa Biblia sa ibaba.
Sama-samang basahin ang Awit 119:1-16. Talakayin kung ano ang sinasabi ng talatang ito tungkol sa Biblia.
Ang Diyos, ang Manlilikha ng sanlibutan, ay nagsalita. Ipinahayag niya ang kanyang sarili at ang layunin ng kanyang paglikha. Ang katotohanang ipinahayag ng Diyos sa atin ay tinatawag na rebelasyon. May aklat sa Biblia na tinatawag na “Pahayag”, subalit ang salita ay maaari ring gamitin kapag nag-uusap tungkol sa lahat ng katotohanang ipinahayag ng Diyos.
► Ano-ano ang ilan sa mga paraan na ipinahayag ng Diyos ang katotohanan sa atin?
Ang Iba’t-ibang Anyo ng Rebelasyon/Kapahayagan
Dahil ipinahayag ng Diyos ang katotohanan sa iba’t-ibang paraan, pag-uusapan natin ang tungkol sa dalawang kategorya: pangkalahatang rebelasyon at espesyal na rebelasyon.
Ang pangkalahatang rebelasyon ay kung ano ang nauunawaan natin tungkol sa Diyos sa pagtingin natin sa kanyang nilikha. Nakikita natin ang kahanga-hangang katalinuhan at kapangyarihan ng Diyos sa disenyo ng sanlibutan.
Nakikita natin ang kahalagahan ng patungkol sa Diyos sa paraan ng pagkakadisenyo sa tao. Ang katotohanan na tayo’y nakakapangatwiran, nakakapagpahalaga ng kagandahan, at nasasabi ang pagkakaiba ng tama at mali (bagaman hindi perpekto) ay nagpapakita sa atin na ang ating Manlilikha ay nagtataglay ng mga katangiang ito sa mas mataas na antas. Alam natin na ang Diyos ay isang nilalang (hindi nilalang) na nakapag-iisip at nakikipag-ugnayan dahil taglay natin ang mga kakayahang iyon.
Dahil ipinapakita ng pangkalahatang rebelasyon na ang Diyos ay nakapagsasalita, natatanto natin na ang espesyal na rebelasyon ay maaaring maganap. Dahil nakapagsasalita ang Diyos, posible na mayroong mga mensahe mula sa Diyos at maging ang isang aklat mula sa Diyos.
Sa pangkalahatang rebelasyon, nalalaman ng tao na mayroong Diyos, at dapat nila Siyang sundin, at nagawa na nila Siyang suwayin.[1] Subali’t hindi sinasabi sa atin ng pangkalahatang rebelasyon kung paano tayo magkakaroon ng tamang relasyon sa Diyos. Ipinapakita ng pangkalahatang rebelasyon ang ating pangangailangan para sa espesyal na rebelasyon dahil ipinapakita nito na ang mga tao ay makasalanan at “walang dahilan” sa harap ng kanilang Manlilikha, subali’t hindi nito sinasabi sa atin ang solusyon.
Ang espesyal na rebelasyon ay naganap sa pagkasi ng Biblia at sa pagkakatawang-tao ni Kristo. Ipinapaliwanag ng espesyal na rebelasyon ang kondisyon natin na ipinapakita ng pangkalahatang rebelasyon: nangahulog at salarin. Inilalarawan ng espesyal na rebelasyon ang Diyos, ipinapaliwanag ang Pagbagsak at kasalanan, at ipinapakita kung paano tayo muling maibabalik sa kaugnayan sa Diyos.
Isipin mo na halimbawa hindi mo alam na mayroong Biblia. Napagtanto mo na mayroong Diyos. Alam mo na hindi maayos ang kaugnayan mo sa Diyos. Hindi mo alam kung ano ang mangyayari pagkatapos ng kamatayan. Hindi mo nalalaman ang layunin ng buhay. Hindi mo alam kung paano lalapit sa Diyos.
Pagkatapos isipin mo na may isang magpapakita sa iyo ng aklat at sasabihin niya sa iyo na ito ay nanggaling sa Diyos upang sagutin ang lahat ng mga katanungan mo. Naiisip mo ba kung magiging gaano kahalaga ang aklat na iyon?
[1] Basahin Romans 1:20: nagsasabi sa atin ng ilan sa mga bagay na alam natin sa pamamagitan ng pagmalas sa mundo na nilikha ng Diyos.
Ang Pag-angkin ng Biblia
► Ano ang pag-angkin ng Biblia tungkol sa kaniyang sarili? Magbigay ng ilang halimbawa ng mga pangungusap mula sa Biblia na nagpapakita na inaangkin nito na ito’y nagmula sa Diyos.
Pag-usapan natin ang pag-angkin ng Biblia tungkol sa kaniyang sarili, pagkatapos titingnan natin ang ebidensiya na ang Biblia ay totoo. Inaangkin ng Biblia na ito ang Salita ng Diyos. Sa Lumang Tipan, mayroong mahigit sa 3,000 pangungusap na nagsasabing nagmula ang mensahe sa Diyos. Madalas itong ipinahayag sa simpleng salita na, “At nagsalita ang Panginoon...”[1] Kinilala ni Hesus na ang Lumang Tipan ay kinasihan ng Diyos.[2] Kinilala ng mga sumulat ng Bagong Tipan na ang Lumang Tipan ay nagmula sa Diyos.[3] Kinilala ng mga sumulat ng Bagong Tipan na ang mga nasulat sa Bagong Tipan ay kinasihan ng Diyos.[4]
Kung hindi tinatanggap ng isang tao ang mga inaangkin ng Biblia tungkol sa kanyang sarili, dapat niyang tingnan ang ebidensiya.[5]
Muli isipin ninyo na halimbawang hindi ninyo alam ang tungkol sa Biblia. Alam ninyo na ang Diyos ay isang persona at makapagsasalita kung nanaisin niya. Sagayun, nalalaman rin ninyo na posible ang isang aklat na mula sa Diyos. Pagkatapos may isang magpapakita sa iyo ng aklat at sasabihin sa iyo na ito ay isang aklat mula sa Diyos.
► Paano mo malalaman na ang Biblia ay tunay na Salita ng Diyos? Ano ang inaasahan mo tungkol dito?
Kung saan ipinapangaral ang ebanghelyo, saanmang lugar sa mundo, ang mga tao ay nakararamdam ng panloob na pagkahikayat mula sa kanyang mga katotohanan. Kapag pinaniwalaan nila ang ebanghelyo at nagsisi, nararanasan nila ang kapatawaran ng Diyos at buhay na binago. Para sa karamihan sa mga tao, ito ang unang dahilan na taglay nila upang paniwalaan ang Biblia.[6]
Para sa mga may kaugnayan sa Diyos, ang Espiritu ng Diyos ay nagsasalita sa pamamagitan ng Kasulatan, nagbibigay ng pang-unawa at pagkahikayat. Ang paraan na ginagamit ng Banal na Espiritu ang Biblia ay nagpapatunay na ito ang Salita ng Diyos.[7]
Sa ating paglakad sa ating relasyon sa Diyos, makikita natin na tamang-tama na inihahayag ng Biblia ang kanyang kalikasan at ang paraan ng kanyang pagkilos sa atin. Ipinapakita ng Biblia sa atin ang paraan upang magsimula ng relasyon sa Diyos at ang paraan upang magpatuloy sa Kanya. Ito ay ebidensiya na ang Biblia ay Salita ng Diyos.[8]
Subali’t paano kung nais mo ng ebidensiya na hindi nakabatay sa iyong sariling espirituwal na karanasan? Ang mga tao mula sa ibang relihiyon ay may mga karanasang espirituwal rin, subali’t ang kanilang karanasan ay hindi nakabatay sa katotohanan. Paano natin malalaman na ang ating karanasan ay nakabatay sa katotohanan?
► Mayroon bang ebidensiya na ang Biblia ay tumpak sa mga bagay na sinasabi nito?
Ang Biblia ay isinulat ng mahigit sa apatnapung manunulat, karamihan sa kanila ay hindi kilala ang karamihan sa iba pang mga manunulat, sa loob ng panahon na higit sa 1,500 taon. Ano ang normal nating inaasahan sa isang ganitong klaseng aklat? Inaasahan natin na ito’y magkakaroon ng lahat ng klase ng kamalian at pagsasalungatan. Subali’t pag-isipan natin ang mga sumusunod na katotohanan tungkol sa Biblia. Libong bilang ng mga geographical sites na binanggit sa Biblia ang natukoy at natuklasan na; libong bilang ng mga pangyayari at mga indibidwal na binanggit sa Biblia ang napatunayan na sa kasaysayan; wala pang anumang natuklasan ang nagpabulaan sa alinmang pahayag sa Biblia; at kailanman ay hindi sinalungat ng Biblia ang kanyang sarili. Ang mga pahayag na ganito ay hindi totoo sa alinmang ibang aklat na naisulat. Sumusuporta ang ebidensiya sa pag-angkin ng Biblia na ito ay kinasihan ng Diyos.
Maaari nating ibuod sa anim na puntos ang ebidensiya na sumusuporta sa pag-angkin ng Biblia na ito ang Salita ng Diyos. Alam natin na ang Biblia ay tunay ngang Salita ng Diyos dahil
(1) Libong bilang ng mga katotohanan sa Biblia ang napatunayan na.
(2) Wala pang pangungusap sa Biblia ang napabulaanan.
(3) Hindi sinasalungat ng Biblia ang kanyang sarili.
(4) Ang Ebanghelyo ay pinatunayan ng kanyang mga epekto.
(5) Nagsasalita ang Espiritu ng Diyos sa pamamagitan ng Biblia.
(6) Ginagabayan tayo ng Biblia sa ating relasyon sa Diyos.
[1] Halimbawa, tingnan ang Mga Bilang 34:1, 35:1, at 35:9.
[2] Basahin Mateo 5:17-18, Juan 10:35, Marcos 12:36.
[3] Basahin Mga Gawa 3:18, 2 Pedro 1:20-21, 2 Timoteo 3:16.
[5] “Ang batas[ng Diyos]ay isang Hindi nabubulok na larawan ng Isang Mataas at Banal na nananahan sa pangwalang-hanggan. Ito ay ang Diyos, na wala pang sinumang nakakita sa kanyang katangian, nagpakita sa tao at sa mga anghel. Ito ang mukha ng Diyos na inalisan ng talukbong; nagpahayag ang Diyos sa kanyang mga nilikha ayon sa kanilang kakayahang tanggapin iyon; ipinahayag upang magbigay-buhay, at hindi para wasakin ito, upang makita nila ang Diyos at mabuhay. Ito ang puso ng Diyos na ibinukas sa tao.” - John Wesley, “The Origin, Properties, and Use of God’s Law”
Kung saan ipinapangaral ang ebanghelyo, saan mang dako sa mundo, ang mga tao ay nakadarama ng panloob na pagkilala sa katotohanan nito. Kapag sila’y sumampalataya sa ebanghelyo at nagsisi, nararanasan nila ang kapatawaran ng Diyos at ang nabagong buhay.[1]
Para sa mga may relasyon sa Diyos, ang Espiritu ng Diyos ay nangungusap sa pamamagitan ng Kasulatan, at nagbibigay ng pang-unawa at pagkilala sa kasalanan.
Sa ating paglakad sa ating relasyon sa Diyos, makikita natin na ang Biblia ay tunay na naghahayag ng kanyang kalikasan at ang paraan na siya’y kumikilos sa atin. Ipinapakita ng Biblia ang paraan upang magsimula ng relasyon sa Diyos at ang paraan ng pagpapatuloy sa kanya. Ito ang [2][3]ebidensiya na ang Biblia ay kinasihan.
► Ano ang ibig nating sabihin na ang Biblia ay kinasihan?
Kung minsan pakiramdam ng mga tao na sila ay kinasihan kapag sila’y mayroong magagandang ideya, subalit higit pa sa roon ang kahulugan ng Biblia kapag inangkin nito na kinasihan ito ng Diyos.
“Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan,sa pagpapabulaan sa maling aral, sa pagtutuwid sa likong gawain, at sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay.”10
Ang salitang “kinasihan ng Diyos” ay nangangahulugan na “hiningahan ng Diyos.” Bagaman ang mga Kasulatan ay nagmula sa panulat ng mga sumulat nito sa kamay ng mga tao, ang binigyang diin ng talatang ito ay ang Biblia ay nagmula sa Diyos. Dahil ito’y nagmula sa Diyos kung kaya’t ito’y mapagtitiwalaan sa katuroan, at iba pa. Ito ay mas mabuti kaysa sa pinakamabuting magagawa ng tao.
"Ang pagkaalam nito sa simula, na walang propesiya sa Kasulatan ang nagmula sa pribadong pagpapakahulugan, dahil ang propesiya ay hindi kailanman darating ayon sa kalooban ng tao, kundi mula sa mga banal na lalaki ng Diyos na nagsalita habang sila’y kinikilos ng Banal na Espiritu."11
Ang mga talatang ito sa 2 Pedro ay literal na nagsasabi na ang mga sumulat ay ginabayan ng Banal na Espiritu. Ang kanilang pagiging tumpak ay hindi depende sa kanilang sariling kaalaman. Ang katotohanan na sila’y kinilos, o dinala, ng Banal na Espiritu sa kanilang pagsusulat. Nagpapakita ito na ang pagiging mapagkakatiwalaan ng mga isinulat sa wakas ay depende sa Diyos. Ang Biblia ay mapagkakatiwalaan kung paanong mapagkakatiwalaan ang Diyos.
Maaari nating sabihin na ang pagkasi ay ang higit pa sa kayang gawin ng tao kung saan inihayag ng Diyos ang kanyang sarili at dinala ang rebelasyong iyon sa anyong nakasulat.
Dahil ang mga sumulat ay kinasihan, maaari nating sabihin na ang Biblia ay kinasihan na hindi katulad ng ibang mga aklat. Ang pagkasi sa Biblia ay nangangahulugan na ito ay lubusang ang Salita ng Diyos, maging ang mismong mga salitang ginamit.
► Ano ang ilang paraan na ang mga sumulat ng Biblia ay tumanggap ng katotohanan ng Diyos bago sila sumulat?
Kung minsan nagtatanong ang mga tao kung paano ba naganap ang pagkasi. Paano ipinarating ng Diyos ang kanyang katotohanan at tiniyak na ito ay tumpak na naitala?[1] Ang unang katotohanan na dapat nating pansinin tungkol sa pamamaraan ng Diyos ng pagpapahayag ay ang pagkakaroon nito ng pagkakaiba-iba. Hindi siya limitado sa isa lamang na pamamaraan.[2]
Kung minsan nagsasalita ang Diyos sa boses na naririnig, tulad nang magsalita siya kay Moses.[3] Sa ibang pagkakataon, nagbibigay siya ng mga panaginip at pangitain, at inilalarawan ito ng sumulat.[4] Marahil ang parte ng Kasulatan ng dumating ng direkta mula sa Diyos at nasulat ay ang tipan sa Israel na “isinulat ng daliri ng Diyos.”[5] Ang ibang seksiyon ng Kasulatan ay tila idinikta, dahil ang mga pangunahing talata sa Exodo, Levitico, at Mga Bilang ay kasunod ng pangungusap na, “At ang Panginoon ay nangusap kay Moses, na nagsasabi..”
Ang “pagkasi” ay hindi nangangahulugan na nagsalita ang Diyos sa boses na naririnig ng mga sumulat. Nakikita natin ang mga pagkakaiba-iba sa personalidad at istilo ng pagsusulat ng iba’t-ibang manunulat. Halimbawa, ang istilo ni Pablo ay ibang-iba sa istilo ni Pedro. Dapat kabilang sa ating pananaw tungkol sa inspiration ang paggamit ng Diyos ng mga manunulat na nagtataglay ng iba’t-ibang personalidad, bokabularyo, istilo ng pagsusulat, edukasyon, at pagsasaliksik ayon sa kasaysayan.
Ang wastong pananaw sa pagkasi ay kinasihan ng Diyos ang buong katauhan, katotohanan, at hindi lamang nagpapahayag ng katotohanan kundi gumagabay rin sa proseso ng pagsusulat upang magbigay ng tumpak na kabuoan.
Iniisip ng ibang tao na basta lamang ibinigay ng Diyos ang mga ideya na nais niyang ipahatid, at ipinaliwanag ito ang mga taong sumulat sa pinakamabuting paraan na magagawa nila, kaya’t hindi maiiwasang magkaroon ng mga pagkakamali ng tao sa mga detalye. Ang pananaw na iyon ay hindi tumutugma sa paglalarawan ng Biblia sa pagkasi. Inilarawan ng Biblia ang mga manunulat na sila ay “ginabayan” ng Banal na Espiritu sa kanilang pagsusulat, kaya’t alam natin na hindi sila pinabayaan upang magsulat sa kanilang sarili, at makagawa ng mga pagkakamali.
Dahil ang Biblia ay ang Salita ng Diyos, hindi ito nagsasalita ng anumang kamalian dahil ang Diyos ay hindi gumagawa ng pagkakamali.[6]
Gayundin, dahil ipinahayag ng Diyos ang kanyang sarili sa karamihan ng kasaysayan na nakatala sa Biblia (at karamihan sa Biblia ay kasaysayan), ang mga detalye ay dapat tamang-tama upang magkaroon ng mapagtitiwalaang rebelasyon ng Diyos. Samakatuwid, dahil sa paglalarawan ng Biblia sa inspiration/pagkasi, alam natin na ginabayan ng Diyos ang pagsusulat upang tiyaking ito’y lubusang tumpak.
[1] “Ang Kasulatan samakatuwid ng Luma at Bagong Tipan ang pinakasolido at pinakamahalagang sistema ng makaDiyos na katotohanan. Ang bawat parte nito ay kahalaga ng Diyos; at kung pagsasama-samahin ito ay isang buong katawan, na walang kapintasan, walang labis. Ito ang bukal ng karunungang makalangit, na sila na nakatikim nito, pinili ito sa alinmang sinulat ng tao, gaano man katalino, o may pinag-aralan, o banal.” - John Wesley, in the preface to Explanatory Notes on the New Testament
Mga Salitang Ginamit upang Ipagtanggol ang Kabuoang Pagkatumpak ng Biblia
Kinasihan: Na ang Biblia ay kinasihan ay nangangahulugan na ito ang Salita ng Diyos, ibinigay ng ayon sa kanyang rebelasyon. Sa pamulaan ang salitang ito ay sapat na upang patunayan ang lubusang pagiging mapagtitiwalaan at pagkatumpak ng Biblia. Subali’t ngayon may mga nagsasabi na naniniwala sila na ang Biblia ay kinasihan, gayunman ay itinatanggi ang kabuoang pagkatumpak. Ang mga sumusunod na salita ay ginagamit upang ipagtanggol ang mga mahahalagang aspeto ng pagkasi.
Infallible/Hindi maaaring magkulang: Nangangahulugan ang salitang ito “hindi maaaring magkulang”. Ang ibig sabihin ito ay mapagkakatiwalaan at hindi tayo kailanman ililigaw. Hindi maaaring magkulang ang Biblia, hindi lamang sa kanyang pahayag/pangungusap tungkol sa katuroan, kundi sa bawat pangungusap na kanyang sinasabi.
Inerrant/Walang pagkakamali: Ang salitang ito ay nangangahulugan na “walang pagkakamali.”Ang Biblia ay tumpak sa pangungusap na kanyang sinasabi. Dahil ang Diyos kailanman ay hindi magsisinungaling o gagawa ng mali,[1] at ang Biblia ay Salita ng Diyos, makatitiyak tayo na ito ay walang pagkakamali. Kapag sinasabi ng isang tao na ang Biblia ay maaaring magkaroon ng pagkakamali dahil mga tao ang sumulat nito, nakakalimutan niya ang paglalarawan ng pagkasi sa 2Pedro 1:21-22: ang mga sumulat ay “ginabayan” ng Banal na Espiritu. Ang biblikal, at pangkasaysayang pananaw ng inspirasyon o pagkasi ay nagsasabi na ang buong Biblia ay kinasihan, kahit maging ang mismong mga salita, at sa gayun ay wala itong pagkakamali.[2]
Paano naman ang mga pagkakamali sa pagkopya?
Bago pa magkaroon ng mga makina para sa pag-iimprenta, ang Kasulatan ay kinopya lamang ng kamay. Wala pa sa atin ang orihinal na manuskrito na isinulat nina Pablo, Isaias, o ni Moses. Kabilang sa libo-libong sinauna, at sinulat-ng-kamay na mga kopya na nasa atin sa Griego at Hebreo, napakaliit lamang ng kanilang pagkakaiba, at hindi natin laging nalalaman nang eksakto kung ano ang tiyak na orihinal na salitang ginamit. Gayunman, ang mga pagkakaiba ay napakaliit kaya’t walang katuroan ang nagiging kadudaduda dahil sa mga ito. Dahil alam natin na ang mga orihinal ay hindi maaaring magkamali, at dahil ang mga pagkakaiba-iba sa mga kopya ay napakaliit, alam natin na maaari nating pagtiwalaan ang bawat pangungusap na sinasabi ng Biblia.
► Paano natin malalaman na ang Biblia ay tumpak kahit na ito ay kinopya sa kamay nang maraming beses?
► Ano ang iba’t-ibang dahilan na may mga taong nag-iisip na ang Biblia ay may kamalian?
Bakit may mga tao na nag-iisip na ang Biblia ay may kamalian?
Kung minsan sinasabi ng mga tao na ang Biblia ay may mga kamalian, subali’t iyon ay dahil hindi nila nauunawaan ang kalikasan ng Biblia.
Ang Biblia ay gumamit ng mga anyo ng pagsulat na karaniwan sa komunikasyon ng mga tao. Halimbawa, may isang talata na nagsasabing ang araw ay kumikilos sa kalangitan. Alam natin na ang totoo, ang mundo ay umiikot, sa halip na ang araw ay kumikilos. Subali’t kahit ang mga taong nakakaalam noon ay nagsasabi pa rin na ang araw ay sumisikat at lumulubog, at iyon ay hindi itinuturing na pagkakamali. Inilalarawan lamang nito kung paano natin iyon nakikita.
Mayroon ding mga patulang pangungusap, tulad ng “ang mga burol ay lumuluksong tulad ng mga kordero,” o “ipinapalakpak ng mga puno ang kanilang mga kamay.” Ito ay isang istilo ng literatura na malinaw na hindi literal.
May mga pagkakaiba rin sa istilo ng pagsulat. Mayroong pagbanggit sa ibang manunulat, kabilang ang mga taong hindi naman kinasihan. May mga editor na tumulong na pagsama-samahin ang mga materyal. Ang alinman sa mga iyon ay hindi naging suliranin para sa katuroan ng pagkasi. Ginabayan ng Diyos ang proseso ng pagsulat upang tiyakin na ang tapos na produkto ay ang Kanyang Salita.
Kung minsan iniisip ng mga tao na nakakikita sila ng pagsasalungatan sa Biblia, subalit kailangan nilang tingnan ito nang mas maingat. Bilang halimbawa, ang Lucas 8:26-27 at ang Marcos 5: 1-2 ay bumanggit tungkol sa isang lalaking inaalihan ng masamang espiritu na pinalaya ni Hesus. Sa Mateo 8:28 sinasabi na sa katotohanan mayroong dalawang lalaking inaalihan ng demonyo na pinalaya sa oras na iyon. Hindi iyon pagsasalungatan. Hindi sinabi sa Lucas o sa Marcos na iisa lamang ang lalaki, subali’t pinili nilang mag-focus sa isa sa mga lalaki na mayroong kasaysayan sa Biblia na tila sumasalungat sa isa’t-isa, hindi siya dapat magmadali sa paggawa ng konklusyon, kundi mag-ukol ng sapat na panahon upang unawain ang konteksto nito.
► Sa paanong mga paraan dapat gamitin ng Kristiyano ang Biblia?
Ibinibigay sa atin ng Biblia ang batas ng Diyos. Hindi tayo inililigtas ng batas, subali’t ipinapakita nito kung paano tayo dapat mamuhay ayon sa nais ng Diyos. Ipinapakita ng batas ang kalikasan ng Diyos. Dapat nating naisin na sundin ito dahil nais nating maging katulad ng Diyos. Dahil minamahal natin ang Diyos, dapat nating mahalin ang kanyang batas. Inilalarawan ng Awit 119, ang pinakamahabang kabanata sa Biblia, kung paano ang isang sumasamba sa Diyos ay dapat magkaroon ng kasiyahan sa batas ng Diyos. Ang taong umiibig sa Diyos ay mananalangin sa Diyos upang baguhin ang kanyang puso upang tumugma sa kalooban ng Diyos. Imposible para sa isang tao na umiibig sa Diyos na hindi mag-isip ng pagbibigay-lugod sa Diyos.[1]
Ang Salita ng Diyos ay ilaw. Ang Apostol Pedro ay nagsasabi sa atin na ang mundo ay nasa espirituwal na kadiliman, at ang Salita ng Diyos ang ilaw na gumagabay sa atin.[2] Ito ay isang ilaw na gumagabay sa daang ating nilalakaran. Hindi kailanman dapat sundin ng isang tao ang mga ideya o pakiramdam na sumasalungat sa Salita ng Diyos.Hindi kailanman aakayin ng Banal na Espiritu ang sinuman upang gumawa ng anumang bagay na mali ayon sa Biblia.
Ang Salita ng Diyos ang ating espirituwal na pagkain. Ang gana sa pagkain ay tanda ng mabuting kalusugan, at ang isang Kristiyano ay magnanais ng Salita ng Diyos tulad ng isang sanggol na nagnanais ng gatas[3]. Sa paglago ng isang Kristiyano, natututuhan niyang unawain at higit pang pagbulayan ang katotohanan ng Diyos, tulad ng isang batang natututong kumain ng mas matitigas ng pagkain.[4] Ang Kristiyano ay dapat espirituwal na kumain araw-araw ng Salita ng Diyos.
Ang Biblia ang ating depensa laban kay Satanas. Dapat nating suutan ang ating sarili ng espirituwal na baluti, at ang espada na ginagamit ng Banal na Espiritu para sa atin ay ang Salita ng Diyos.[5] Sinagot ni Hesus ang pagtukso ng diyablo sa pamamagitan ng Kasulatan.[6]
Ang Salita ng Diyos ay katotohanan na tumatawag ng ating pagtugon. Inihambing ito ni Hesus sa mga binhi na itinanim.[7] Ang ilan sa mga binhi ay hindi tumubo dahil ang lupa ay hindi handa. Sa ating pagbasa ng Biblia, dapat tayong tumugon sa katotohanan nito at ipanalangin sa Diyos na magbunga sa ating buhay ang kanyang mga Salita.
[1] “Pinatutunayan namin na mula sa panahon na naglalakbay sila Kristo at kanyang mga apostol sa mundo, walang inspirasyon tungkol sa anumang kinakailangan para sa kaligtasan ng sinumang tao o ng iglesiya ang ibinigay sa isang partikular na tao o sa alinmang kongregasyon ng mga tao, anupaman, aling bagay na hindi lubos at pinakaperpektong pamamaraan ang matatagpuan sa banal na Kasulatan”- James Arminius, “Disputation on the Perfection of the Scriptures”
Hindi ito kailanman lilipas sa panahon o mawawalan ng kabuluhan. Ito ay naaangkop sa lahat ng tao sa lahat ng lugar at mga panahon.
Ito ang gabay upang malaman ang kalooban ng Diyos, dahil hindi kailanman sasalungatin ng Diyos ang Kanyang Sarili o kaya’y magbabago ng kanyang isip.
Ito ang ating gabay upang makuha ang pinakamabuti sa buhay na ito, dahil ang Diyos, ang ating Manlilikha, ang nagbigay nito sa atin bilang gabay.
Naglalaman ito ng lahat ng bagay na kailangang nating malaman upang maligtas at lumakad nang may kaugnayan sa Diyos.
Bagaman tayo’y natututo mula sa mga pastor at mula sa mga tradisyon ng iglesiya, walang ideya ang maaaring tanggapin kung ito’y sumasalungat sa Kasulatan dahil ito ang pinal na awtoridad.
Ang Banal na Espiritu ang nagbibigay liwanag sa Salita ng Diyos upang ating maunawaan at ginagabayan tayo nito upang ito’y sundin.
► Nagsasalita pa rin ang Diyos, subali’t dapat ba tayong umasa na ang lahat ng bagay ay maaaring idagdag sa Biblia?
Ang Biblia ba ay tapos na?
Mula sa panahon na ang huling apostol ay namatay, inari na ng iglesiya na tapos na ang Biblia. Hindi basta lamang namili ang iglesiya ng mga sinulat upang tawaging Kasulatan; sa halip, kinilala nila na may mga piling isinulat na kinasihan ng Diyos at nagtataglay ng awtoridad ng mga Kasulatan. Ang mga sinulat na kinilala bilang Kasulatan ay nakatugon sa mga katangiang hindi natugon ng alinmang sumunod na mga naisulat.
Para sa mga aklat ng Lumang Tipan, ang iglesiya ay nag-ingat/nagtago ng mga nasulat na iningatan/itinago ng Israel bilang Kasulatan. Ang Kasulatang Bagong Tipan ay kinilala sa mga sumusunod na katangian: kaugnayang pangkasaysayan sa mga apostol, kalidad na nagpapatunay sa kanyang sarili, nagkakaisang pagtangggap ng iglesiya, magalang na paggamit ng Lumang Tipan, at pagiging kapaki-pakinabang sa paglaban sa maling katuroan.
Nagsasalita pa ang Diyos, subali’t mayroon pa bang dapat idagdag sa Biblia sa kasalukuyan? Hindi maaari na magkaroon ng bagong isusulat na makatutugon sa mga katangiang naging daan upang isama ang mga orihinal na Kasulatan. Halimbawa, walang bagong isusulat ang maaaring iugnay sa mga apostol, dahil hindi na natin sila kasama sa kasalukuyan. Gayundin, walang alinmang bagong isusulat ang maaaring tanggapin ng buong iglesiya sa buong mundo.
Kumpleto na ang Kasulatan at sapat para sa kaligtasan at pamumuhay Kristiyano.[1] Walang anumang mahalaga at kinakailangan ang maaaring idagdag sa Kasulatan dahil taglay na nito ang lahat ng ating kinakailangan. Ang mga taong umaangkin na sila’y tumanggap ng bagong kapahayagan ay dapat mag-ukol ng kanilang oras sa pag-aaral sa kapahayagan na naibigay na ng Diyos. Matatagpuan nila doon ang lahat ng kanilang kinakailangan at mababantayan sila sa pagkakamali.
Ang sumusunod na bahagi ng impormasyon ay maaaring ipaliwanag ng isang miyembro ng klase.
Ano ang iyong pinal na awtoridad? Maraming Kristiyano ang nagsasabi na ang Biblia ang kanilang awtoridad, subalit sa katotohanan, pinakapinagtitiwalaan nila ang kanilang sariling pakiramdam. May nagsasabi na ang isang gawain ay hindi mali dahil sa kaniyang pakiramdam hindi naman ito mali. May nagsasabi na ang isang gawain ay okay dahil hindi naman siya binabagabag ng kanyang budhi kapag ginagawa niya ito. Ang nagsasabi ng gayun ay gumagamit sa kanyang pakiramdam bilang ang pinal na awtoridad sa halip na ang Biblia.
Kung minsan, hindi seryoso ang pananaw ng tao sa Biblia dahil naiimpluwensiyahan siya ng iba. May utos sa Kasulatan na hindi niya sinusunod dahil maraming ibang tao na nagsasabing sila’y Kristiyano ay hindi rin ito sinusunod. Sumusunod lamang siya sa klase ng Kristiyanismo na popular. Kailangan nating tandaan na ang Kristiyanismo na ayon sa Biblia ay karaniwang hindi popular.
Pag-aaral sa Biblia nang may Limitadong Layunin
Ang Biblia ang pangunahing pinagmumulan ng katuroan. Ito ang pinal na awtoridad para sa anumang argumento tungkol sa mga katuroan. Gayunman, ito ay isang suliranin kapag may mga nag-aaral ng Biblia at nakakikita ng mga patunay sa kanilang mga katuroan. Hindi nila ginagamit ang Biblia para sa espirituwal na pagkain. Ang iniisip lamang nila ay kung paano ipapakita sa iba na sila ay mali. Tama lamang na tayo ay bumuo at ipagtanggol ang ating mga katuroan gamit ang Kasulatan. Gayunman, kung iyon lamang ang tanging gamit ng Biblia para sa atin, mawawala sa atin ang katuwaan na nagmumula rito sa paggamit nito sa ating personal na relasyon sa Diyos.
May ilang mga tao na bumabasa ng Biblia tanging para sa layunin na magkaroon ng lakas ng loob. Kailangan nating tandaan na kabilang sa mga layunin ng Biblia ang pagpapahayag ng ating kasalanan at pagtutuwid. Hindi natin dapat lampasan ang mga kautusan sa Biblia, at humahanap lamang ng mga pangakong nagbibigay sa atin ng mas mabuting pakiramdam. Marahil ang nais gawin ng Diyos sa iyo sa araw na ito ay imulat ang mata sa kasalanan o pagtutuwid.
Ang sumusunod na bahagi ng impormasyon ay maaaring ipaliwanag ng isang miyembro ng klase.
Ang mga Pagkakamali ng mga Kulto
Ilang mga grupong relihiyoso na nagsasabing sila’y naniniwala sa Biblia, subalit gumagamit ng ibang bagay bilang pinal na awtoridad. Inaangkin nila na sila lamang ang maaaring makapagpaliwanag ng Biblia, gumagamit ng mga rebelasyon o isang espesyal na sistema na sila lamang ang mayroon. Ang kanilang pinakamahalagang katuroan ay hindi mapatutunayan gamit ang Biblia.
Maaaring mayroon silang ibang aklat na kanilang ginagamit bilang Kasulatan bilang karagdagan sa Biblia. Sinasabi nilang hindi mapagkakatiwalaan ang Biblia dahil ito’y nagtataglay ng mga pagkakamali sa pagkakasalin at pagkakakopya.
Ang lahat ng mga ideyang ito ay nagpapahiwatig na ang Biblia ay hindi kumpleto bilang ang Salita ng Diyos. Para sa mga taong ito, may ibang bagay na nagiging pinal na awtoridad.
Pagpapahayag ng mga Paniniwala
Dapat basahin ng klase ang “Pagpapahayag ng mga Paniniwala” nang sama-sama kahit man lang dalawang beses.
Pagpapahayag ng mga Paniniwala
Ang Biblia ay ang Salita ng Diyos. Kinasihan ng Diyos ang mga sumulat kaya’t sila’y sumulat nang walang kamalian. Taglay ng Biblia ang lahat ng dapat nating malaman upang tayo’y maligtas mula sa kasalanan at lumakad nang may relasyon sa Diyos. Ang Biblia ang pangunahing pinagmumulan ng ating katuroan at ito ang pinal na awtoridad. Dapat pag-aralan ng Kristiyano ang Biblia araw-araw upang higit na makilala ang Diyos, upang magabayan, at upang espirituwal na makakain.
Leksyon 1 Takdang Aralin
Ang bawat mag-aaral ay dapat maatasan ng isa sa mga talatang nakalista sa ibaba. Bago ang susunod na sesyon sa klase, dapat niyang basahin ang talata at sumulat ng isang taludtod tungkol sa kung ano ang sinasabi nito tungkol sa paksa ng leksyong ito.
Sa pinakamababang pitong beses habang kasalukuyan ang kursong ito, ang mag-aaral ay dapat magturo ng isang leksyon o bahagi ng isang leksyon sa mga taong hindi kabilang sa klase. Ang pagtuturong ito ay maaaring gawin sa isang klase sa sambahan, o sa home Bible study group, o sa ibang pagkakataon.Tungkulin ng mag-aaral na lumikha ng mga pagkakataong ito.
Leksyon 1 Mga Tanong Para sa Pag-aaral
(1) Ano ang pangkalahatang rebelasyon?
(2) Sa anong mga anyo ibinigay ng Diyos ang espesyal na rebelasyon?
(3) Anong mga katotohanan ang ipinahayag ng espesyal na rebelasyon na hindi ipinahayag ng pangkalahatang rebelasyon?
(4) Ano ang pag-angkin ng Biblia tungkol sa kanyang sarili?
(5) Ano ang anim na dahilan na nagpapakita na ang Biblia ay tunay na Salita ng Diyos?
(6) Bakit ang Biblia ay “kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagpapabulaan sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa maling gawain, at sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay”?
(7) Anong paglalarawan ang ibinigay ng Biblia tungkol sa pagkasi na nagbibigay ng katiyakan sa atin na ang mga sumulat ay ginabayan upang hindi magkamali?
(8) Ano ang ilan sa iba’t-ibang pamamaraan na ginamit ng Diyos para sa pagkasi?
(9) Ano ang kahulugan ng ‘Ang Biblia ay kinasihan’?
(10) Ano ang kahulugan ng ‘Ang Biblia ay hindi magkukulang?
(11) Ano ang kahulugan ng ‘Ang Biblia ay walang pagkakamali?
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.