Kapag natapos ang leksyong ito, ang mag-aaral dapat nauunawaan at maipapaliwanag:
(1) Bakit ang konsepto ng tao sa Dios ay napakahalaga.
(2) Bakit ang katotohanan na ang Diyos ang Manlilikha ang nagbubukod sa kanya mula sa lahat pang iba.
(3) Ang mga katangian ng Diyos, ano ang ibig sabihin na siya ay personal, espiritu, walang hanggan, trinidad, makapangyarihan sa lahat, nasa lahat ng dako, hindi nagbabago, nalalaman ang lahat ng bagay, banal, matuwid at mapagmahal.
(4) Paanong bawat katangian ng Diyos ay may mahalagang bahagi sa ating relasyon sa kanya.
(5) Isang Biblikal na pananaw sa paghahari ng Diyos.
(6) Isangpahayag ng mga paniniwala tungkol sa Diyos.
Ang isa sa mga praktikal na layunin ng leksyong ito ay upang matutuhan ng mag-aaral na umiwas sa pagkakamali ng maling pag-unawa sa kahalagahan ng mga anyo ng pagsamba.
Matapos kumuha ng pagsusulit tungkol sa naunang leksyon, gamitin ang mga layunin mula sa leksyong iyon sa pagtatanong para sa pagbabalik-aral. Pagkatapos, magtungo sa pagbasa ng talata sa ibaba.
Basahin nang sama-sama ang Isaias 40. Talakayin kung ano ang sinasabi nito sa atin tungkol sa Diyos.
► Bakit mahalaga na ang isang tao ay mayroon o walang tamang konsepto sa Diyos?
Sino ang Diyos? Ipinakita ni A.W. Tozer ang kahalagahan ng tanong na ito nang sabihin niya, “Naniniwala ako na walang bahagyang pagkakamali sa katuroan o sa pagkakamali sa paglapat ng Kristiyanong etiko na hindi naiuugnay sa wakas sa hindi perpekto at mababang kaisipan tungkol sa Diyos."[1] Sinabi ni Hesus sa babaing Samaritana sa balon na ang problema sa pagsamba ng Samaritana ay ang hindi nila nakikilala ang kanilang sinasamba. Ang pinakamahalagang katangian ng sinumang tao ay ang kanyang konsepto sa Diyos. Ang kanyang konsepto sa Diyos ang pundasyon ng kaniyang relihiyon. Wala nang mas seryosong pagkakamali kaysa magkamali tungkol sa kung ano ba ang Diyos.
Hindi sapat ang lahat ng paghahambing upang lubusang ilarawan ang Diyos, dahil Siya’y Walang-hanggang lampas at higit sa atin. Maging ang Biblia ay hindi nagbigay sa atin ng pormal na paglalarawan sa kanya, subalit ang lahat ng nasa kapaligiran ay naglalarawan sa kanyang kalikasan at kanyang kapangyarihan. Sinabi sa atin ng Genesis kung paano nilikha ng Diyos ang langit at lupa; ang araw, ang buwan, at ang mga bituin; ang mga halaman at buhay na mga hayop; at sa wakas ay ang mga tao. Ang unang leksyon ng Kasulatan ay napakalinaw: Ang Diyos ang Manlilikha ng lahat ng narito. Kaya’t siya nabubukod mula sa lahat ng anumang umiiral, dahil hindi siya bahagi ng kanyang mga nilikha.
Subali’t sa kabuuan ng Biblia matatagpuan ang marami pang ibang mga sinabi tungkol sa Diyos. Maingat na binuod ng mga teologo ang mga tala ayon sa Biblia ng listahan ng mga katangian ng Diyos. Hindi natin ito kailanman maaaring maalam ng sapat sa ating hindi perpektong pang-unawa; gayunman, gaya pagpapaalala sa atin ni A.W.Tozer, ang isang magalang na pag-aaral ng mga nalalaman natin tungkol sa mga iyon ay maaaring para sa naliwanagang Kristiyano ay isang matamis, nakakaingganyong espirituwal na gawain. Sagayun, tinatanggap natin ang sumusunod na mga sinabi tugkol sa Diyos. Ito ay nakabatay sa kanyang pagpapahayag ng kanyang sarili sa Biblia, at sa dahilang iyon nalalaman natin na ang mga ito ay totoo.
Ang mga tatalakayin natin ay hindi kumpletong listahan ng mga katangian ng Diyos, subalit ito ay ang mga pinakamahalagang malaman natin.
► Ano-anong mga katangian ng Diyos ang maaari mong ilista?
Ang Diyos ay Personal. Nangangahulugan ito na siya ay isang tunay, nabubuhay na persona na nagtataglay ng pag-iisip, pakiramdam, at kalooban. Hindi siya ang kabuuan ng mga batas ng kalikasan o isang hindi personang lakas tulad ng elektrisidad o gravity. Siya ay lumilikha, kumikilos, nakakaalam, niloloob ang mga bagay, nagpaplano at nangungusap.
► Ano ang magiging pagkakaiba sa atin kung ang Diyos ay hindi isang personal?
Dahil sa katotohanang siya ay isang personal nagiging posible para sa atin na magkaroon ng relasyon sa kanya. Kung hindi siya isang personal, hindi tayo makakapanalangin sa kanya. Kung hindi siya isang personal, hindi magiging posible para sa kanya ang malugod o kaya’y hindi malugod.
Ang Diyos ay isang Espiritu."Ang Diyos ay Espiritu; at ang mga sumasamba sa kanya ay dapat sumamba sa espiritu at katotohanan."[1] Ang katotohanan na siya ay isang espiritu ang nagbibigay sa atin ng batayan ng ating espirituwal na pakikipagkaisa at pagsamba sa kanya. Ang pananalangin at pagsamba ay hindi depende sa mga materyal na bagay, o sa isang uri ng posisyong pisikal, o sa nakatakdang mga programa, o gusali. Ang mga bagay na iyon ay nagiging mahalaga upang tulungan tayong ituon ang ating atensiyon sa pagsamba, subali’t hindi nakadepende sa mga ito ang pagsamba.
Ang katotohanan na ang Diyos ay espiritu kaya’t isa pa ito sa mga dahilan kung bakit niya tayo pinagbawalan na gumawa ng anumang pisikal niyang imahen.[2] Bilang espiritu, hindi natin nakikita ang Diyos[3] maliban na lamang kapag pinipili niyang magkaroon ng anyong nakikita.[4] Dahil limitado ang ating nalalaman tungkol sa Diyos, kahit pa magpakita siya sa anyong nakikita, tunay na masasabi nating wala pang sinuman ang lubos na nakakita na sa Diyos.[5]
Ang Diyos ay Walang Hanggan. Walang sandali na siya ay hindi umiral, at hindi darating ang anumang pagkakataon na siya ay hindi iiral; ang Diyos ay walang simula at wala ring wakas. Ang pangalang kanyang inihayag ay, AKO’Y SI AKO NGA,[6] at siya ay inilarawan ni Juan bilang ang ngayon, ang nakaraan at ang darating na hinaharap, ang Makapangyarihan sa lahat.[7] Mula sa walang hanggan hanggang sa walang hanggan, siya ay Diyos.[8] May mga relihiyon na may myths/kuwento tungkol sa kapanganakan ng kanilang mga Diyos, subali’t ang Diyos ay pangwalanghanggan.
Ang Diyos ay Trinidad. Ang katuroan ng Trinidad ay nagmula sa katotohanan na sinasabi ng Biblia na mayroong iisang Diyos, gayunman ay tumutukoy sa tatlong magkakahiwalay na persona bilang Diyos. Iisa lamang ang Diyos, ngunit sa kanyang kalikasan ay mayroong tatlong persona. Bagaman hindi natin lubusang mauunawaan ang Trinidad, ito ay hindi illohical, dahil hindi naman natin sinasabi na mayroong tatlo nguni’t iisa sa parehong bagay. Mayroon lamang iisang Diyos, na umiiral bilang tatlong persona. Dahil ang Ama, ang Anak at ang Banal na Espiritu ay sama-samang nagtataglay ng lahat ng katangian ng isang Diyos, ang bawat isa sa kanila ay nararapat lamang na tawaging Diyos at sambahin bilang Diyos.
Ang Diyos ay Makapangyarihan sa lahat. Maaari niyang gawin ang anumang bagay na kanyang ninanais. “Ang ating Diyos ay nasa langit; ginagawa niya ang anumang kanyang naisin."[9] Wala siyang limitasyon maliban sa hindi siya kumikilos nang salungat sa kanyang banal na kalikasan at laging tinutupad ang anumang kanyang naipangakong gagawin. Walang anumang mahirap o nakakahamon sa Diyos. “Ang Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat ay naghahari.”[10]
► Ano ang pagkakaibang nagagawa sa atin na alam natin na ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat?
Ito ay nakakapagpalakas ng loob, dahil nalalaman natin na sa kalagitnaan ng ating mga paghihirap, siya ay “makagagawa ng higit pa sa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang kumikilos sa atin."[11] Kahit na ang mga bagay ay tila hindi na kayang kontrolin, alam natin na matutupad ang dakilang plano ng Diyos. Maaari tayong manalangin nang may pagtitiwala na kaya ng Diyos na mamagitan at kumilos sa anumang sitwasyon.[12]
Ang Diyos ay Nasa lahat ng Lugar. Naroroon siya sa lahat ng lugar, at walang anumang bagay ang nangyayari na hindi niya nakikita. “At sinasabi ng Panginoon, ang langit ang aking trono, at ang daigdig ang tuntungan ng aking mga paa."[13] Siya ang Diyos ng sanlibutan, at ang kanyang kapangyarihan ay hindi limitado sa alinmang lugar. “Walang makapagtatago sa akin; nakikita ko siya saan man siya pumunta.Sapagka’t ako’y nasa langit, nasa lupa at nasa lahat ng lugar.”[14] Tinitiyak nito sa atin na nalalaman ng Diyos ang ating mga sitwasyon at ating mga suliranin. Sinasabi rin nito sa atin na walang sinumang makapagtatago mula sa Diyos, o kasalanang hindi niya maaaring makita. Ang lahat ng bagay ay lantad at bukas sa Kanyang mga mata.[15]
Ang Diyos ay Hindi Nagbabago. Walang panahon na siya ay hindi naging Diyos, at kailanman hindi siya titigil sa pagiging Diyos.[16] May mga relihiyon na naniniwala na ang Diyos ay nasa proseso pa ng pagbabago, subali’t sinasabi sa atin ng Biblia na sa kanyang pag-iral at kalikasan, at sa kanyang mga katangian at mga layunin, hindi nagbabago ang Diyos.[17] Ikinatutuwa niya lagi ang tama, at lagi niyang ikinagagalit ang mali. Ang Walanghanggang Diyos na nagpahayag ng kanyang sarili bilang ang AKO NGA kay Moses ay ang AKO NGA sa kasalukuyan, walang hanggan, panghabang panahon, at hindi nagbabago, sa kanyang kalikasan, katalinuhan, kapangyarihan, kabanalan, katuwiran, kabutihan, at katotohanan. Siya ay nananatili sa parehong kalagayan, at ang kanyang mga taon ay walang katapusan.[18]
Ang Diyos ay Nalalaman ang lahat."Walang-hanggang ang kanyang pang-unawa."[19] Walang proseso ng pagkatuto para sa Diyos, dahil nalalaman niya ang lahat ng bagay. Hindi natuto ng anupaman ang Diyos mula kaninuman, at walang sinumang maaaring magpayo sa kanya.[20] Nalalaman ng Diyos ang hinaharap at sagayun ay hindi kailanman nagugulat o hindi handa para sa anupamang maaaring mangyari.[21]
► Ano ang magiging pagkakaiba sa atin kung nalalaman natin na nalalaman ng Diyos ang lahat ng bagay?
Kaugnay sa kaalaman ng Diyos ay ang karunungan ng Diyos, na ipinakita sa paglikha at espesyal din sa plano ng kaligtasan.[22] Dahil nalalaman at nauunawaan niya ang lahat ng bagay, lagi niyang nalalaman kung ano ang tamang gawin. Nalalaman niya na ang kalooban ng Diyos ay laging pinakamabuti para sa atin dahil lubos na nauunawaan ng Diyos ang bawat sitwasyon at nalalaman niya ang magiging bunga ng bawat pagkilos.
Ang Diyos ay Banal. Pangunahing inilarawan ng Diyos ang kanyang sarili bilang banal. Paulit-ulit na tinukoy ni Propeta Isaias ang Diyos bilang “Ang Banal ng Israel”. Ang mga anghel ay walang tigil sa pag-awit, “Banal, Banal, Banal” sa kanyang harapan.[23] Ang kabanalan ng Diyos ang tema ng pagsamba:“Bawat isa’y magpupuri sa dakila niyang ngalan; Banal siya’t pupurihin ang pangalan niyang Banal!”[24] Siya ang pinakamataas o ganap na pamantayan ng lahat ng moral perpeksiyon. Ang kanyang mga gawa ay may tanda ng presensiya ng lahat ng kabutihan at kawalan ng lahat ng kasamaan, at hindi mababago kailanman. Ipinakikita ng kabanalan ng Diyos na ang tao ay hindi karapat-dapat maglingkod at sumamba sa kanya malibang mabago muna sa pamamagitan ng biyaya.[25] Ninanais ng Diyos na tayo’y maging banal tulad niya.“Yamang ang Diyos na humirang sa inyo ay banal, dapat kayong magpakabanal anuman ang inyong ginagawa; ayon sa nasusulat, magpakabanal kayo; dahil ako ay banal."[26]
Ang Diyos ay Matuwid. Laging tama ang mga kilos ng Diyos. Ang kanyang mga kilos ay nagmumula sa kanyang banal na kalikasan.[27] Ang kanyang sariling kalikasan ang batayan kung ano ang tama. Lagi niyang tinutupad ang kanyang mga salita at hindi kailanman nagsinungaling.[28]
► Bakit mahalaga sa atin na ang Diyos ay matuwid?[29]
Ang kanyang katuwiran ang batayan ng kanyang batas, na siyang perpektong pamantayan ng ating mga tungkulin sa kanya at sa iba. Ipinatutupad niya ang kanyang batas nang may katarungan, ginagantimpalaan ang mga sumusunod dito at pinarurusahan ang mga lumalabag. Ito ay nagpapaginhawa sa mga nagdurusa at inaapi, subalit nagbibigay din ito ng babala sa atin na walang sinumang makakatakas kapag gumagawa ng masama. “Ang mga paghatol ng Panginoon ay totoo at matuwid sa kabuuan."[30] Siya ay “gaganti sa bawat isa ayon sa kanyang mga ginawa."[31] "Tayong lahat ay tatayo sa harap ng luklukang ng paghatol ni Kristo."[32]
Ang Diyos ay Pag-ibig. Ang katangiang ito ay lubusang mahalaga. Isipin ninyo ang nakakatakot na kalagayan kung ang Diyos ay lubusang makapangyarihan at nalalaman ang lahat ng bagay, paano kung hindi niya tayo inibig! Ano kaya ang kalagayan natin kung siya ay banal at matuwid, subali’t hindi niya tayo inibig? Subali’t kasama ng kanyang lubusang kapangyarihan at kabanalan, iniibig tayo ng Diyos.[33]Pinagpapala ng Diyos ang kanyang nilikha sa pangkalahatan.[34] Espesyal niyang pinagpapala ang sangkatauhan ng mabubuting mga bagay sa buhay at idinesenyo ang mundo bilang lugar kung saan sila’y mabubuhay nang may kagalakan.[35] Para sa mga umiibig at naglilingkod sa kanya, ang bawat detalye ng kanilang buhay.[36] Ang kanyang biyaya, awa, tiyaga, at kapayapaan ay nagpapala sa atin dahil sa kanyang pag-ibig.[37]
Gayun na lang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya’t ipinagkaloob niya ang kanyang Bugtong na Anak upang ang sinumang sa kanya’y sumampalataya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.[38] Sa kabila ng ating mga kasalanan at pagrerebelde, inaabot niya tayo ng kanyang biyaya, at inaanyayahan tayong lumapit sa kanya sa pamamagitan ni Hesus, na kanyang ipinagkaloob bilang sakripisyong pambayad utang para sa ating mga kasalanan.[39] Sa krus ipinakita ng Diyos sa atin ang kanyang puso, na nag-uumapaw sa pag-ibig at awa sa atin. “At ito ang pag-ibig, hindi dahil minsan inibig natin ang Diyos, kundi minahal niya tayo at isinugo ang kanyang Anak upang maging pambayad sa ating mga kasalanan."[40] Iniibig ng Diyos ang lahat ng tao, nang hindi naiimpluwensiyahan ng kanilang lahi, natural na mga kakayahan, o estado dito sa lupa,at nagkakaloob ng kapatawan para sa lahat.[41] Samakatuwid, nais ng Diyos na mahalin ang lahat at maging handang magpatawad sa sinumang gumawa sa iyo ng kasamaan. Ang pagmamahal at pagpapatawad ay mga tanda ng pagiging mga anak ng Diyos.[42]
Ginawa tayo ng Diyos sa kaniyang wangis. Bagaman tayo’y may limitasyon, at siya ay walang limitasyon, tayo ay higit na katulad niya kaysa alinmang nilikha niya. Dinisenyo niya tayo upang makilala natin siya, at sambahin at mahalin siya. Nilikha niya tayo para sa kanyang sarili, at tulad ng ipinaaalala ni Agustin sa atin, hindi tayo makakatagpo ng kapahingahan hanggang hindi natin natatagpuan ang ating kapahingahan sa kanya. Kumpara sa Diyos, ang lahat ng bagay sa mundo ay walang halaga, at tanging siya lamang ang karapat-dapat sa ating lubos na debosyon. Imposible na makatagpo ng nananatiling kasiyahan kahit saan maliban sa Diyos lamang. Dahil sa kanyang biyaya tayo ay matutubos at makakasamba sa kanya nang higit sa anumang bagay, pagtiwalaan siya bilang ating Ama sa Langit, at gawin ang kanyang kalooban sa lahat ng bahagi ng ating mga buhay.
► Kelangan ba natin ng mga gawang simbahan at mga bagay para gamitin sa pagsamba?
[12] “Kung paanong ako’y binibigyang katiyakan na mayroong isang walang hanggan at Isang namumukod, at imposible na magkaroon ng higit pa sa isa; kaya’t naniniwala ako na ang nag-iisang Diyos ay ang Ama ng lahat ng bagay…naniniwala ako na itong Ama ng lahat ay hindi lamang ginagawa ang mga bagay ayon sa kanyang kagustuhan. Taglay din niya ang walang-hanggang karapatan na gumawa ng kahit ano, kahit kailan, at sa anumang paraang gusto niya, malayang inaari o inaalis ang lahat ng kanyang nilikha; at siya, mula sa kanyang sariling kabutihan, nilikha ang langit at lupa at lahat ng naroon”- John Wesley, “Liham sa isang Romano Katoliko”
[29] “Nilikha mo kami para sa iyong sarili, O Panginoon, at ang aming mga puso ay naliligalig hanggang matagpuan namin ang aming kapahingahan sa iyo.” - Augustine of Hippo
Kamalian na Iwasan: Maling Pagkaunawa sa Kahalagahan ng mga Anyo ng Pagsamba
Ang Diyos ay isang Espiritu, at sinasamba natin siya sa espiritu. Nangangahulugan iyon na ang mga gusali, kasangkapan, at mga instrumentong pangmusika ay hindi kinakailangan. Nangangahulugan iyon na maaari tayong sumamba nang walang pisikal na pagkilos tulad ng pagluhod, pag-awit o pagbabasa.
Subali’t ang mga anyo ng pagsamba ay mahalaga kahit ang mga ito ay hindi lubusang kinakailangan para sumamba. Dahil tayo ay mga taong may pisikal na katawan, namumuhay sa mundo, kailangan natin ng mga anyo upang ipahayag ang ating pagsamba.
Dahil nangangailangan tayo ng mga anyo, nagbigay ang Diyos ng direksiyon para sa pagsamba. Nagbigay ang Lumang Tipan ng mga direksiyon para sa pagsamba sa templo. Sa Bagong Tipan, mayroon tayong direksiyon para sa bautismo, Banal na Hapunan, pag-aawitan, pananalangin sa publiko, at pagbasa ng Kasulatan. Maging ang Biblia ay isang materyal na bagay na ginagamit natin sa pagsamba.
May mga tao na sobrang nakatuon sa isang anyo ng pagsamba. Naniniwala sila na iyon lamang ang paraan upang sambahin ang Diyos nang tama. Ang kanilang programa sa pagsamba ay hindi nagbabago, kahit pa hindi nakapagpapahayag ng totoong pagsamba ang mga tao sa anyong kanilang ginagamit.
Ang ibang mga tao ay nag-iisip na ang mga anyo ng pagsamba ay maaaring baguhin nang walang limitasyon. Kailangan nilang tandaan na kailangan natin ng mga anyo ng pagsamba upang ipahayag ang ating paggalang, pag-ibig, at pagtatalaga ng sarili sa Diyos. Kung natutupad iyon ng isang anyo, hindi ito dapat pigilin malibang mayroong mas mabuting anyo para sa parehong layunin.
Ang susunod na bahagi ng impormasyon ay maaaring ipaliwanag ng isang miyembro ng klase.
Ang Diyos ang pinakamataas ang Kapangyarihan at Pinaghaharian
Taglay ng Diyos kapwa ang lubusang kapangyarihan at lubusang awtoridad. Bilang naghahari sa sanlibutan, natutupad niya ang anumang kanyang ninanais.[1]
Ginagawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kanyang sariling kalooban, na hindi kinakailangang magpasakop sa kaninuman.[2] Anuman ang kaniyang ipasyang gawin ay tiyak na mangyayari, sapagkat walang sinumang makakapigil sa kanya at walang sitwasyon na magagawa itong imposible para sa kanya.[3] Kinokontrol niya ang bawat kilos ng mga naghahari sa lupa kailan man niya ninanais.[4]
Subali’t binigyan ng Diyos ang mga tao ng kakayahang pumili. Makakapili sila sa mga bagay na mabuti, subalit makakapili rin sila sa pagitan ng mabuti at masama. Makakapili sila kung susundin ang Diyos o susuwayin siya. Ang mismong mga unang taong kanyang nilikha ay gumawa ng tunay na pagpili na magkasala. Ang bawat tao simula noon ay gumawa na ng mga pagpili, at bagaman may mga gumawa ng mabubuting pagpili, ang lahat rin ay nagkasala.
Kung ang Diyos ay Panginoon sa lahat, paano niya tinutupad ang kanyang kalooban sa mundo kung saan bilyong bilang ng mga nilalang ang gumagawa ng sariling mga pagpili?
Kalooban ng Diyos na mayroon siyang mga nilikha na gumagawa ng mga tunay na pagpili. Ang ibig sabihin hindi niya gagawin ang lahat ng pagpili para sa kanila. Ang ibig sabihin din nito na mayroong tunay na mga bunga/resulta ang anumang kanilang ginagawa; kung hindi, hindi sila gagawa ng mga tunay na pagpili. Kung sa anumang paraan ay kinokontrol ng Diyos ang mga resulta ng mga ginagawa ng isang tao upang walang mangyayaring masama, sa gayun inaalis niya sa taong iyon ang posibilidad na pumili ng masama.
Ang katarungan ng Diyos ay tunay na katarungan, dahil hahatulan niya ang mga tao para sa kanilang boluntaryong mga gawa.[5] Kung kinokontrol ng Diyos ang lahat ng kilos, hindi magkakaroon ng kahulugan para sa kanya na magbigay ng parusa at gantimpala.
Ninanais ng Diyos na piliin ng tao kung ano ang tama, subalit higit sa lahat ninanais niyang gumawa sila ng nga tunay na pagpili. Iyon ang dahilan kung bakit ganito ang kalagayan ng mundo. Ang mundo ay isang complicated mixture ng mabubuting bagay mula sa Diyos, ang mga resulta ng mabubuting kilos ng mga tao, ang mga resulta ng masasamang kilos ng mga tao, at ang mabuti na ginagawa ng Diyos kahit mula sa masasamang ginagawa ng tao.
Nakikita natin ang mga prayoridad ng Diyos sa plano ng kaligtasan. Iniaalok Niya ang kaligtasan sa lahat at ninanais na ang lahat ay maligtas. Binibigyan niya ang bawat tao ng kapangyarihang tumugon sa ebanghelyo, subali’t hindi ipinipilit ang tugon. Kaya’t ang mga paanyaya at paghikayat ay ginamit sa kabuuan ng Kasulatan.[6] Nag-aalok ang Diyos sa mga tao ng pagpipilian at inilalarawan sa kanila ang magiging bunga/resulta nito.
Ipinapangaral natin ang ebanghelyo nang may buong pagtitiwala na ang bawat tao ay maaaring maligtas. Ang ating misyon ay makipagtulungan sa Banal na Espiritu sa paghikayat sa mga tao na magpasakop sa Diyos.[7]
Dapat basahin nang sama-sama ng klase ang “Pagpapahayag ng mga Paniniwala” nang hindi bababa sa dalawang beses.
Pagpapahayag ng mga Paniniwala
Mayroong isang Diyos, na lumikha ng sanlibutan at Panginoon ng lahat. Siya ay walang hanggan, hindi nagbabagong Espiritu. Siya ay lubos na makapangyarihan sa lahat, lubos na nalalaman ang lahat, at nasa lahat ng lugar. Siya ay lubusang banal sa kanyang katangian at matuwid sa lahat niyang ginagawa. Pinagpapala niya ang kanyang sannilikha at minamahal ang bawat tao, nag-aalok ng kapatawaran at pakikipagrelasyon sa kanya.
Leksyon 2 Takdang Aralin
Ang bawat mag-aaral ay dapat atasan ng isa sa mga talatang nakalista sa ibaba. Bago ang susunod na sesyon sa klase, dapat niyang basahin ang talata at sumulat ng isang taludtod tungkol sa sinasabi nito tungkol sa paksa ng leksyong ito.
Para sa Talatang Takdang-Leksyon.
Isaias 46, Kawikaan 9:10, Awit 139:1-4, Pahayag 4:9-11, Jonas 1:3
Dapat paalalahanan ang mga mag-aaral na hindi bababa sa pitong beses, ang bawat mag-aaral ay dapat magturo ng isang leksyon o bahagi ng isang leksyon sa mga taong hindi kabilang sa klase. Dapat iulat ng mag-aaral sa lider ng klase ang bawat pagkakataon na magtuturo para sa takdang-leksyon.
Leksyon 2 Mga Tanong Para sa Pag-aaral
(1) Ano ang pinakamahalagang katangian ng tao?
(2) Ano ang pinakaseryosong posibleng pagkakamali?
(3) Ano ang unang leksyon ng Kasulatan tungkol sa Diyos?
(4) Banggitin ang katangian ng Diyos na tumutugma sa bawat pangungusap:
(A) Hindi natin mailalarawan ang hitsura ng Diyos.
(B) Ang Diyos ay laging umiiral.
(C) Ang Diyos ay hindi isang lakas na hindi persona.
(D) Ang kalikasan ng Diyos ay mananatili.
(E) Magagawa ng Diyos ang anumang naisin niya.
(F) Nakikita ng Diyos ang lahat ng bagay.
(G) Isinugo ng Diyos ang kanyang Anak upang tayo’y magkamit ng biyaya.
(H) May tatlong persona sa kalikasan ng Diyos.
(I) Ang Diyos ay may ganap na pagkaperpektong moral.
(J) Ang mga ginagawa ng Diyos ay laging pantay at makatarungan.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.