Mahilig makipag-usap si Erictungkol sa mga unang taon ng kanyang iglesia. “Nagsimula kaming magkita sa isang parke, inanyayahan namin ang lahat ng aming makita. Kapag lumalamig na, nakikita kami sa isang lumang bus. Wala kaming kahit anong banyo. Di naglaon, ay sa isang gymnasium kami nagkikita para sa maikling panahon, at pagkatapos ay umapa ng isang lugar sa isang lumang gusali ng iglesia.”
Ang iglesia ni Eric ay lumago sa mga taon na iyon. Ang mga tao na committed sa iglesiang iyon ay hindi naakit ng gusali. Naakit sila dahil sa mga grupo ng tao.
Sa leksiyong ito, kapag pinag-usapan natin kung paano magdisenyo ng isang iglesia, hindi natin pinag-uusapan ang isang gusali. Maraming malalaking iglesia ang may mga kwento tungkol sa kung paano sila nagsimula sa mahihirap na kalagayan.
Ang iang iglesia ay nagsasabi na hindi nila maakit ang mga tao dahil ang kanilang gusali ay hindi ganoon kaayos. Ang katotohanan ay kulang sila ng ibang bagay na mas mahalaga kaysa sa isang gusali.
Ang mga Kristiyano sa lahat ng dako ay inaanyayahan ang mga tao na bisitahin ang kanilang mga simbahan. Inaasahan nila na magustuhan ng mga bisita ang iglesia at ninanais na patuloy silang bumalik. Inaasahan nilang tutugon ang mga bisita sa ebanghelyo.
► Kapag inanyayahan mo ang isang tao na dumalo sa iglesia, ano ang kahulugan ng paanyaya? Ano ang iyong inaalok?
Hindi natin hinihiling na makibahagi sila sa mga kaugalian sa relihiyon, na para bang matutugunan ang pangangailangan o matutupad nito ang isang tungkulin. Hindi tayo naniniwala na ang pakikibahagi sa mga kaugalian sa relihiyon ay epektibo para sa isang tao na walang pananampalataya.
Hindi natin inaasahan na mauunawaan nila ang pagsamba sa Dios habang hindi pa sila nagbabalik-loob.
Inaasahan ntin na magugustuhan nila ang palakaibigan ng mga tao at nanaisin na makasama silang muli.
Inaasahan nating tutugon sila sa ebanghelyo.
Sinusubukan ng ilang iglesia na gawing kaakit-akit ang kanilang programa para sa mga taong walang interes sa espirituwala na bagay. Inaasahan nila na kung masisiyahan ang mga tao sa programa, magpapatuloy sila sa pagdalo. Ang problema ay kung magtagumpay ang kasiyahan, umaakit ito ng mga grupo ng tao na walang tamang interes. Ang kongregasyon ay nagiging isang halo-halong pangkat na kinabibilangan ng maraming tao na hindi interesado sa pagsamba ngunit naliligayahan lamang dahil sa mga kasiyahan/entertainment. Ang mga nangunguna sa pagsamba at mga musikero ay nagiging mga performers. Sa katunayan, ang mga tagapanguna sa pagsamba na nahubog ngunit hindi naman interesado sa pagsama. Ang pagsamba ay nagiging sira.
► Isaalang-alang muli ang tanong na ito. Kapag inanyayahan mo ang isang tao sa iglesia, ano ang iyong inaalok? Ano ang dapat mong inaalok?
Isipin ang malaking pagbabago na nangyayari kapag ang isang tao ay nagbalik-loob. Iniwan niya ang kanyan dating relihiyon, na maaari ring makapaghiwalay sa kanya mula sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Nagsisi siya sa kasalanan, na nangangahulugang iwanan ang karamihan sa mga bagay na naiisip niyang maliligayahan siyang gawin. Isinuko niya sa Dios ang kontrol sa kanyang buhay.
Dahil sa malaking pagbabago na nagyari kapag ang isang tao ay nagbalik-loob, hindi karaniwan para sa isang tao na tanggapin ang pagbabalik-loob ng hindi iniisip ang pamayanan na kanyang iiwan at ang pamayanang kanyang papasukin.Kung ang isnag tao ay naakit sa pamamagitan ng patotoo ng isang Kristiyano, nais niyang makita ang pamayanan ng mananampalataya na kinakatawa ng kristiyanong iyon. Nais niyang makita kung paano talaga ipinapamuhay ang pananampalataya. Ipinapalagay niya na ang mensahe na kanyang naririnig ay lumikha na ng isang pamayanan ng mananampalataya na kanyang papasukin kapag siya ay nagbalik-loob.Na para bang itinatanong niya na, “Nasaan ang pangkat na mga taong naniniwala at ipinapamuhay ang mensaheng ito? Ano kaya ang pakiramdam na makabilang sa pangkat na iyon?”
Ipinangaral ni Jesus ang tungkol sa “ebanghelyo ng kaharian” at madalas na nangangaral tungkol sa kaharian ng langit. Sinabi niya na malapit na sa kanila ang kaharian ng Dios (Luke 10:9). Ang mga pumasok sa kaharian ng Dios ay tinatanggap ang pamamahala ng Dios, namumuhay sa pamamagitan ng kanyang mga kautusan, at nagbabahagi ng buhay na magkakasama. Ang kanilang katapatan sa Dios ay ang nagtulak sa kanila upang bumuo ng isang pamayanan ng mga mananampalataya.
Dahil kailangang makita ng mga tao ang pamayanan ng mga mananampalataya ng nilikha ng ebanghelyo, ang pag-eebanghelyo ay hindi maaaring gawin lamang ng mga indibidwal na humihikayat sa mga indibidwal. Ito ay nangangahulugan na kinakailangan ang lokal na iglesia. Ang lokal na iglesia ay dapat maging kaakit-akit bilang isang pamayanan ng mga mananampalataya.
► Ano ang nais makita ng isang tao bago siya mag-commit sa isang pamayanan ng mga mananampalataya?
[1]Ang iglesia ay may likas na disenyo ng Dios at isang misyon na ibinigay ng Dios. Ang bawat lokal na iglesia ay dapat na maging pinakamahusay sa pamamagitan ng pamantayan ng Dios. Hindi natin dapat gawing iba ang iglesia sa ibang bagay upang makaakit ang mga tao. Hindi natin dapat subukang ipakita ang iglesia bilang isang bagay na naiiba sa kung ano ito.
Kung tinutupad ng isang iglesia ang layunin na ibinigay ng Dios, maaakit nito ang mga tamang tao at bubuo ng isang pangkat na committed sa iglesia.
Itinayo ni Jesus sa kanyang mga alagad ang istraktura ng isang iglesia na hahamon at magtatagumpay sa lahat ng mga kapangyarihan ng kamatayan at Impyerno. Ito ay nagsimula lamang na maliit na katulad ng isang butil ng mustasa, ngunit lalaki ito at lalakas . . .
- Robert Coleman, The Master’s Plan
Mga katangian ng isang Kaakit-akit na Lokal na Iglesia
(1) Ipinapakita ng mga miyembro ng iglesia na ang kanilang kaugnayan sa Dios ay tunay at kasiya-siya.
Ang mga hindi pa mananampalataya ay walang kaugnayan sa Dios. Kapag nakita niya ang halimbawa ng buhay na kapiling ang Dios, mararamdaman niya ang isang pangangailangan na magkaroon nito. Ang mga miyembro ay ipinapakita ito sa pamamagitan ng pagpapatotoo sa kagalakan ng pagkakilala sa Dios at sa pamamagitan ng pamumuhay na tapat. Kung ang isang miyembro ay patuloy na namumuhay sa kasalanan kapag wala siya sa iglesia, ipinapakita niyang hindi siya kontento sa Dios.
(2) Ang iglesia ay nagpapahayag ng mga doktrina parehong katotohanan at termino para sa pakikipag-ugnayan sa Dios.
Itinuturo natin ang doktrina sapagkat ito ay totoo, ngunit hindi lamang dahil ito ay totoo kaya natin itinuturo. Ang Doktrina ay isang bagay na dapat nating malaman dahil nais nating mamuhay kasama ng Dios. Tulad ng pag-asawa ito ay isang relasyon na may kasamang pangako, ang ating kaugnayan sa Dios ay may kasamang pangngako na dapat tayong maging tapat. Ipinapaliwanag ng Doktrina kung paano tayo dapat mamuhay na may kaugnayan sa Dios.
(3) Ipinapakita ng iglesia ang kagalakan ng pagsamaba sa Dios.
Ang kalakan ng pagsamba ay hindi kapareho ng kasiyahan sa libangan. Ang mga taong hindi sumasamba sa totoong Dios ay hindi nararamdaman ang kagalakan na nagmumula sa pagsamba sa kanya. Tayo ay nakadisenyo para sa pagsamba; kaya, ang mga taong hindi pa mananampalataya na nakakakita ng masayang pagsamba ay makadarama ng kanyang pangangailangan.
(4) Ipinapakita ng mga miyembro ng iglesia ang layunin ng buhay sa pamamagitan ng pananaw tungkol sa buhay na walang hanggan.
Hindi kailangang magtaka kung ang kanilang buhay ay makabuluhan. Ang mga Kristiyano ay may kasiyahan at katapangan sa mga mahihirap na panahon ng buhay. Ang mga taong hindi mananampalataya ay nahihirapang mahanap ang isang kasiya-siyang layunin sa buhay, at hindi nila alam kung paano haharapin ang kamatayan at buhay na walang-hanggan/walang-hanggang kaparusahan.
(5) Ipinapakita ng iglesia ang kahalagahan/prayoridad ng mga relasyon, sa halip na mga makasariling layunin. Ang iglesia ay hindi nagbabahagi ng ebanghelyo o nangangalaga sa kanyang kongregasyon para sa layunin ng pagbuo ng pansariling samahan. Ang mga tao sa mundo ay nagpapabaya sa mga relasyon o ginagamit ang mga relasyon upang makamit ang mga makasariling layunin.
(6) Ang mensahe ng iglesia ay lubos na natutugunan ang mga malalim na pangangailangang espirituwal. Ang mga taong hindi mananampalataya ay may espirituwal na kagutuman na hindi matutugunan ng anumang bagay na inaalok ng sanlibutan. Ang pangangaral at pagtuturo at ang pagpapayo ng iglesia ay dapat tumugma sa totoong pangangailangan ng mga tao.
(7) Ang iglesia ay isang pamilya ng mananampalataya na nagmamahal at nagmamalasakit sa mga miyembro nito. Ang iba pang uti ng mga pangkat ay maaaring makatulong sa ilang pangangailangan ng kanilang mga miyembro, ngunit ang mga Kristiyano lamang ang maaaring magkaroon ng tunay na Christian fellowship.
► Ano ang ilang tiyak na paraan kung saan maipapakita ng iglesia ang mga katangiang ito? Ano ang ilang bagay na dapat dimulan ng isang iglesia upang mas maipakita ang mga tamang prayoridad?
Paghahanda ng Iglesia para sa Pag-eebanghelyo
Dapat tiyakin ng iglesia na ang mga programa at organisasyon nito ay nakakatulong upang matupad ang kanyang misyon ng pag-eebanghelyo at pagdidisipulo. Ang lahat ng ginagawa ng iglesia at dapat na naaayon sa prayoridad na iyon.
Pagtanggap sa mga Bisita
Ang iglesia ay dapat maging handa na tanggapin ang mga bisita at tulungan silang maging komportable. Ang ilang tao ay hindi pamilyar sa mga kaugalian ng iglesia. Kapag bumisita sila sa isang iglesia, hindi nila alam kung ano ang kanilang aasahan. Hindi nila alam kung ano ang aasahan mula sa kanila. Mula sa unang ilang minuto ng kanilang pagdating sa isang iglesia, sila ay matutuwa na sila ay pumunta o nanaisin nilang sana ay hindi sila nagpunta. Dapat magtalaga ang iglesia ng mga tao na handa para tanggapin at batiin ang mga bisita.
Hindi dapat ibukod ng iglesia ang mga tao dahil sila ay mahirap. Ang pananamit na inaasahan ng mga tao sa iglesia ay hindi dapat maging dahilan para ibukod ang mga mahihirap.
Ang iglesia ay dapat na nakahanda sa pag miministeryo sa mga bata na darating ng walang kasamang magulang. Dapat ay magtalaga ng mga tao at sanayin sila na tumugon sa mga batang nagpupunta sa iglesia.
Ang mga bisita ay dapat na anyayahang dumalo sa isang pagtitipon ng isang maliit na pangkat o pagtitipon sa bahay kung saan siya matututo at maaaring makapagtanong.
Pag-abot sa mga Nasa Labas
Ang unang responsibilidad ng iglesia ay ang pag-aalaga sa mga tapat na miyembro ng kongregasyon. Gayunpaman, ang iglesia ay dapat palaging inaabot ang mga tao sa kanilang lugar. Ang iglesia ay dapat magkaroon ng mga aktibidad na nakikita ng mga tao sa labas ng iglesia ang mga gawain at naririnig ang ebanghelyo. Ang ilan sa mga gawaing ito ay maaaring mangyari ng tuloy-tuloy. Ang mga tagapanguna ay kailangang isaayos din ang iba. Ang mga miyembro na mayroong abilidad ay dapat na anyayahan ay sanayin para sa mga ganitong gawain.
Ang iglesia ay dapat makahanap ng mga paraan upang matugunan ang mga pangangailangan sa kanilang lugar. Ang dapat paring prayoridad ay ang pagpapakita ng pagmamahal ng Dios at pagpapakita ng halimbawa ng mga alituntunin mula sa biblia.
Ministeryo ng Maliit ng Grupo
Kapag naligtas ang isang tao ay hindi lamang siya dapat imbitahan sa pagsamba tuwing linggo. Kailangan siyang maimbitahan sa isang sistema ng malalim na pagtuturo. Maaaring magsimula ito sa personal na pagbisita sa isang pastor. Maaari siyang anyayahan sa isang maliit na grupo na nagtatagpo ng linguhan.
Ang isang malusog na iglesia ay karaniwang may ilang uri ng mga maliliit na grupo kung saan napapanatili ang kanilang espirituwal na buhay. Ang mga grupo na ito ay maaaring isang iglesia sa bahay, mga Sunday school classes, o iba pang uri ng mga pangkat. Ang espirituwal na pananagutan at pagbabagong buhay ay karaniwang nangyayari sa pamamagitan ng maliit na grupo. Ang tagapanguna ng iglesia ay dapat tiyakin na ang mga maliliit na grupo ay nagaganap at natutupad ang mga layunin nito. Kung ang umiiral na mga istraktura sa iglesia ay hindi natutugunan ang espirituwal na buhay, ang mga pagbabago ay kinakailangan.
Nakikita ang Pagiging Miyembro
Ang mga taong nagnanais mag-commit sa iglesia ay kailangang malaman ang partikular na kahulugan kung ano talaga ang commitment. Ang ilang iglesia ay nagsasabing wala silang istraktura ng pagiging miyembro, ngunit ang bawat iglesia ay may ilang paraan upang malaman kung sino-sino ang kanilang mga miyembro. Kailangang malaman ng bawat isa kung sino-sino ang mga tao na bumubuo sa iglesia.
Dapat malaman ng bawat isa kung anong mga commitment ang kinakailangan para sa pagiging miyembro. Ang mga kinakailangan at isang paglalarawan ng proseso para sa pagiging isang miyembro ay dapat na naka-print/nakalimbag.
Ang isang taong nagbalik-loob na handa ng mag-commit sa iglesia ay dapat na agad na makatulong sa iglesia. Hindi ito nangangahulugan na dapat siyang bigyan ng isang position o responsibilidad sa pamumuno. Ito ay mahalaga para malaman niya na siya ay bahagi ng iglesia.
Mabilis na Tugon sa Mga Bagong Nagbalik-loob
Ang pagdidisipulo ay nagsisimula sa pagbabalik-loob. Ang isang bagong mananampalataya ay may mga pangangailangan na kailangang matugunan agad. Upang magpatuloy ang kaugnayan sa Dios na kanyang sinimulan, kailangan niyang malaman kung paano manalangin at basahin ang Biblia. Kailangan din niya ng isang bagong pamayanan ng mga kaibigan dahil marami sa kanyang dating kaibigan ay mawawala. Kailangan niya ng mga patnubay sa mga isyu sa pamumuhay.
Kailangang simulan agad ng iglesia ang pagdidisipulo sa bagong nagbalik-loob. Ang agaday hindi nangangahulugang sa susunod na Linggo. Ito ay nangangahulugan ng oras na itinaas niya ang kanyang ulo mula sa pananalangin upang maligtas. Dapat ay may umako ng responsibilidad para sa pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa bagong mananampalataya sa kanyang unang linggo. Dapat siyang makipagkita ng ilang beses sa iba pang Kristiyano sa lokal na iglesia. Dapat siyang magkaroon ng mga pagkakataon upang talakayin at makapagtanong tungkol sa mga pagbabago na nangyayari sa kanya.
Ang bagong mananampalataya ay dapat na imbitahan na sumali sa isang maliit na grupokung saan maaari siyang magtanong at makakuha ng encouragement. Kung posible, dapat siyang ipakilala sa iba pang kasali sa grupo sa mga araw unang araw bago ang kanilang unang pagkikita na kanyang dadaluhan. Ang ilan sa mga miyembro ay maaaring tumawag sa kanya bago ang kanilang pagkikita upang makilala niya sila at ma-welcome siya sa kanilang grupo. Ito ang nagsisimula ng pagbuo ng kanyang pakiramdam na siya ay kabilang sa isang pamayanan.
Ang isang bagong mananampalataya ay dapat sumali sa isang grupo sa susunod nilang pagkikita. Ang leksiyon ay dapat na matalakay habang nakapaikot upang ang isang miyembro ay maaaring madagdag anumang oras. Sa ganitong paraan ay makakakuha agad ang bagong mananampalataya ng suporta mula sa grupo. Ang mga miyembro ay indibidwal na nagtatapos mula sa kurso kapag natapos nila ang lahat ng mga leksiyon.
Pangangalaga sa mga Pangangailangan
Dapat alagaan ng iglesia ang mga pangangailangang pinansyal ng mga miyembro ng kongregasyon. Ang karamihan sa mga pangangailangan ay dapat matugunan ng mga taong tumutulong sa bawat isa ng walang pangangasiwa ng mga tagapanguna sa iglesia. Kung karamihan sa mga miyembro ay hindi nakadarama ng responsibilidad na tulungan ang iba, hindi pa sila nakakabuo ng isang mature na iglesia.
Ang iglesia ay dapat mayroong deacons/diakono na titingin upang matiyak na mapapansin ang mga pangangailangan. Ang iglesia sa aklat ng Gawa at nagtalaga ng unang deacons/diakono para sa layuning ito.
Ang pangangalaga sa mga pangangailangan ay kinakailangan para sa misyon ng pag-eebanghelyo. Kailangang makita ng mga tao na ang iglesia ay isang pamilya ng mga mananampalataya kung saan ang mga miyembro ay nagmamalasakit sa bawat isa.
Takdang Aralin
Isipin ang isang iglesia na ginagawa ang lahat ng bagay na inilarawan sa leksiyong ito. Magsulat tungkol sa isang kathang-isip na tao na bumisita sa iglesia, nagbalik-loob, at naging isang committed na miyembro ng iglesia. Ilarawan kung paano ito nangyari.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.