► Basahin ang Mateo 19:16-22. Ano ang mga sorpresa sayo tungkol sa sagot ni Jesus sa taong ito? Kung narinig mo ang isang kaibigan na nagbigay ng sagot sa isang tao na nagtatanong kung paano magkakaroon ng buhay na walang hanggan, ano ang nais mong ipaliwanag sa iyong kaibigan?
Isipin mo na ikaw ay nasa mabuting kalusugan, ngunit ang isang mong kaibigan ay lumapit sayo at sinabing binili na niya ang lunas para sa isang tiyak na nakamamatay na sakit. Upang bilhin ito, ipinagbili niya ang kanyang bahay at lahat ng mayroon siya. Binili niya ang gamot na panglunas para sayo.
► Ano ang sasabihin mo sa iyong kaibigan kapag binigyan ka niya ng regalong iyon?
Pasasalamatan mo siya sa kanyang kagandahang-loob, ngunit hindi mo maiintindihan ang kanyang regalo. Bakit ibibigay niya ang lahat upang bilin para sayo ang isang bagay na hindi mo kailangan?
Ngayon isipin ang isang mas kakaibang kwento. Sa kwento ay nag punta ka sa isang doktor at nalaman mong ikaw ay mayroong nakamamatay na sakit. Ang gamot na lunas para sa sakit ay napakamahal, at wala kang maisip na paraan upang mabayaran ito. Umuwi ka at naisip ang patungkol sa kamatayan, naisip mo na maiiwan mo ang iyong pamilya at naisip mo ring hindi mo na mararanasan ang mga bagay na inaasahan mo sa iyong buhay.
Pagkatapos ay dumating ang isa mong kaibigan at sinabi sayo na ipinagbili niya ang lahat ng pagmamay-ari niya upang bilhin ang gamot na panglunas para sayo. Pinahalagahan mo ito dahil naunawaan mo ang iyong pangangailangan. Ang kanyang regalo ay buhay para sa iyo.
Ngayon isipin ang tugon ng mga tao sa mundo kapag naririnig nila ang ebanghelyo. Ang salitang ebanghelyoay nangangahulugang “mabuting balita,” ngunit maraming tao ang hindi nakakaintindi kung bakit ito ay isang mabuting balita.
Isipin ang isang taong nag ngangalang Pierre. Sinabi sa kanya ng kanyang kaibigan, “namatay si Jesus sa krus bilang handog upang ang iyong mga kasalanan ay mapatawad.”
Iniisip ni Pierre na, “Hindi naman ako masamang tao. Mabuti naman ako sa aking mga kaibigan at kapamilya. Bakit kinakailangan ng isang napakalaking handog para sa aking mga kasalanan? Bakit napakahalaga ng kapatawaran?” Maaaring magalit si Pierre sa pag-iisip sa kanya ng kanyang kaibigan na siya ay isa ring masamang makasalanan na nangangailangan din ng kamatayan ni Jesus para sa kanyang kapatawaran.
Sinasabi sa atin ng Biblia na ang mga tao ay naiinsulto ng mensahe ng pagkamatay ni Jesus sa krus. Nais ng tao na humanap ng isang paraan upang bigyang katwiran ang kanilang sarili. Hindi nila iniisip na kailangan nila ang sakripisyo ni Jesus, kaya ang mensahe ng pagkamatay ni Jesus sa krus ay kahangalan para sa kanila
(1 Corinto 1:18).
Katulad ng ilustrasyon tungkol sa gamot na panglunas sa sakit, hindi pinapahalagahan ng mga tao ang mensahe ng pagkamatay ni Jesus sa krus dahil hindi nila nauunawaan kung bakit nila ito kailangan.
Ang biblikal na paraan upang ihanda ang mga tao para sa mabuting balita ay ipakita sa kanila kung bakit nila ito kailangan. Kailangan nilang maunawaan na sila ay mga makasalanan na malapit nang hatulan ng Dios.
► Bakit dapat magalak ang isang tao na marinig ang ebanghelyo?
Ang Kahalagahan ng Paghuhukom
Ang katotohanan na ang mga makasalanan ay hahatulan at parurusahan ay ang pinakamahalagang dahilan para sa isang makasalanan na magalak na marinig ang ebanghelyo.
Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay, at pagkatapos ay paghuhukom” (Hebreo 9:27).
Sapagkat sa Araw ng paghuhukom, pananagutan ng tao ang bawat walang kabuluhang salitang sinabi niya” (Mateo 12:36).
► Basahin ang paglalarawan ng paghatol sa Pahayag 20:12-15.
Ang hinaharap na paghuhukom ng mga makasalanan ang pangunahing dahilan kung bakit ang bawat makasalanan ay kinakailangan ang kaligtasan.
Inutusan ng Dios ang bawat isa na magsisi, “Sapagkat nagtakda Siya ng isang araw kung saan hahatulan Niya ang mundo at ito ay buong katarungan niyang gagawin” (Gawa 17:30-31).
Kung hindi nauunawaan ng isang tao na ang kanyang mga kasalanan ay isang seyosong bagay, nagkukulang siya ng pinakamahalagang dahilan upang naisin na magkaroon ng kaligtasan.
► Ano ang makakapagbigay ng pang-unawa sa isang tao upang maunawaan niya na ang kanyang mga kasalanan ay isang seryosong bagay?
Ang Gamit ng Kautusan
Maraming tao ang hindi interesado sa ebanghelyo dahil hindi nila itinuturing ang kanilang sarili bilang makasalanan. Sinasabi ng Biblia na ang karamihan sa mga tao ay itinuturing ang kanilang sarili bilang mabuting tao (Kawikaan 20:6). Kung tatanungin mo ang isang tao kung siya ba ay isang mabuting ta, pinakamalamang na isagot niya ay “oo” at magiging handa na makipagtalo para ipagtanggol ang kanyang sarili. Ang karamihan sa mga tao ay nag-iisip na ang kanilang mga kasalanan ay hindi masama, at dapat silang hindi isama sa parurusahan. Ang pag-aalok sa mga taong ito ng biyaya at kapatawaran ay parang walang kabuluhan.
Dapat makita ng isang tao na siya ay isang makasalanan at hinahatulan ng kanyang konsensya bago niya makita na kinakailangan niya ng biyaya. Binigay ng Dios ang kanyang kautusan upang ipakita ang kasalanan.
Sa pamamagitan ng terminongkautusan ay hindi natin tinutukoy ang partikular na mga kinakailangan sa seremonya ng Lumang Tipan na gumagabay sa pagsamba sa templo. Hindi rin natin tinutukoy ang tungkol sa mga kautusan na ibinigay para sa pamahalaan ng Israel, na hindi naman nalalapat para sa atin sa parehong paraan. Ang pinag-uusapan natin ay ang pamantayan ng Dios ng katuwiran. Isinulat ni Haring David sa Awit 119 tungkol sa kung gaano niya kamahal ang kautusan tulad ng pagmamahal niya sa Dios, sapagkat nagmula ito sa mismong Banal na katangian ng Dios.
Ang kautusan ng Dios ay nagpapakita sa atin kung paano tayo dapat mamuhay, at tayo ay nagkakasala sa pagsuway nito. Walang tao ang mabibigyang katuwiran sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan (Galacia 2:16, Roma 3:20) dahil ang lahat ng tao ay nagkasala. Mali ang paggamit ng isang tao sa kautusan kung iniisip niya na ang pagsisikap na sundin ito ay magbubunga ng kayang kaligtasan.
Ang kautusan ng Dios ang nagbibigay ng direksyon sa ating buhay (1 Corinto 9:21), ngunit hindi ito ang paraan ng ating kaligtasan. Ang kautusan ay hindi makapagbibigay sa atin ng kaligtasan dahil wala tayong kakayahang ganap na matugunan ang mga kinakailangan nito mula sa kapanganakan (Roma 8:3, Galacia 3:21).
Ang kautusan ay hindi kumakalaban sa ebanghelyo sa plano ng Dios. Sinasabi sa tin ng Biblia na ang kautusan ay nagsisilbi sa layunin na nagpapaunawa sa isang makasalanan na kailangan niya ang kaligtasan. Ang ebanghelyo ay hindi dumating upang sirain o ipagwalang bisa ang kautusan (Mateo 5:17) o gawin itong walang kaugnayan sa atin. Ang kautusan ay nagsisilbing perpektong paghahanda para sa ebanghelyo, hindi lamang sa mga sinaunang panahon ngunit hanggang ngayon din.
Ang “kautusan ang tagapagturo na magdadala sa atin kay Christo” (Galacia 3:24). Iniisip ng ilang tao na natapos na ang panahon ng kautusan, at ngayon ay panahon ng biyaya. Ang katotohanan ay dapat na maranasan ng bawat tao ang kautusan ng Dios at maunawaan na siya ay parurusahan bago niya maunawaan ang tungkol sa biyaya ng Dios. Sinabi ni Apostol Pablo, “Hindi ko malalaman ang tungkol sa kasalanan kung hindi dahil sa kautusan” (Roma 7:7).
Sinabi ni Pablo na ang kautusan ay ibinigay upang ipakita sa mga tao na siya ay nagkasala at walang maidadahilan; sapagkat, sa pamamagitan ng kautusan ay malalaman ng mga tao na sila ay nagkasala (Roma 3:19-20). Ang bawat tao ay “nasasakop ng kautusan” at pananagutan niya ito malibang maligtas siya.
Ang ebanghelyo ay hindi mabuting balita sa isang tao na hindi alam na ang kanyang kasalanan ay hindi pwedeng balewalain. Ang ebanghelyo ay mabuting balita sa isang taong nakakaalam na siya ay nagkasala at sa lalong madaling panahon ay haharap sa paghuhukom ng Dios.
Basahin ang Lucas 18:10-14.
► Kung may nagsabi sa isang pariseo na maaari siyang patawarin ng walang kapalit sa pamamagitan ng biyaya ng Dios, paano kaya siya tutugon?
Isang Modernong Ebanghelikal na Pagkakamali
[1]Marami sa mga ebanghelikal/evangelicals sa panahon ngayon ang hindi na nagnanais na bigyang-diin na ang bawat tao ay napatunayang nagkasala at karapat-dapat na hatulan ng Dios.
Ayaw nilang sabihin sa mga tao na masama sila.
Mas gusto nilang pag-usapan ang mga positibong bagay sa halip na negatibo.
Nais nilang mag-alok ng agarang benepisyo ng kaligtasan, sa halip na mga bagay na pang-walang hanggan, sapagkat nagsasalita sila sa mga taong nakatuon ang isip at buhay sa mga makamundong bagay.
Nais nilang ipahiwatig na ang kautusan ng Dios ay isang masamang bagay, isang kaaway sa kaligtasan, mahalaga lamang sa mga taong nais na maligtas ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng mga gawa. Sinasabi ng Biblia na ang kautusan ay mabuti at banal (Roma 7:12-14); ang taong nagnanais na malugod ang Dios ay susubukan na sundin ang mga tagubilin ng Dios para sa buhay (Awit 119:1-8)
Ipinapahiwatig nila na ang pamantayan ng Dios ay imposible at hindi makatuwiran, at hindi ka dapat sisihin para sa iyong mga kasalanan.
Ang problema ay kung ang isang tao nga ba ay hindi tunay na nagkasala, hindi siya tunay na magsisisi. Hindi siya maaaring magkaroon ng pagnanais na humingi ng tawad sa kanyang mga nagawa maliban kung malaman niya na pinili niyang gumawa ng mali. Kung ang isang tao ay hindi talaga naniniwala na siya ay isang makasalanan kapag tinanong siya upang humingi ng kapatawaran, hinihiling lamang niya na tanggapin ng Dios ang kanyang mga pagkukulang bilang taon.
Ang katotohanan na ang mga makasalanan ay hindi hinatulan dahil ipinanganak siyang may makasalanan katangian. Ang mga ito ay nahatulan dahil sa kanilang sinasadyang mga kasalanan at saloobin ng paghihimagsik laban sa Dios (Judas 15).
Maraming tao ang naniniwala na ang Dios ay mapagmahal at mapagpatawad, ngunit hindi nila nauunawaan na siya rin ay isang matuwid na hukom. Inaasahan nila na kung makatagpo nila ang Dios, patatawarin sila kahit na hindi sila nasisi. Ang hindi kumpletong ebanghelyo na kanilang narinig ay ang naging dahilan para mas maging komportable sila sa kanilang mga kasalanan.
Marami sa mga makabagong ebangheliko ang nagbibigay diin sa isang estado ng mas masayang buhay kapag ang isang tao ay naging Kristiyano. Sinasabi nila na hindi ka masisiyahan sa kasalanan, ngunit sa Dios ay masisiyahan ka. Sinasabi nila na ang isang tao at tatanggap ng pag-ibig, kapayapaan, at kagalakan. Sinasabi rin nila na ang Dios ay may napakagandang plano para sa buhay ng bawat tao, at ang plano na iyon ay matutupad kung ang isang tao ay maliligtas.
Ang mga pangakong ito ay maaaring maunawaan sa maling paraan. Ang Dios ay nagbibigay ng pag-ibig at kapayapaan, ngunit magkakaroon ng mga sigalot sa mga relasyon lalo na sa mga taong tumanggi sa Dios (Mateo 10:34-36). Nagbibigay siya ng kagalakan, ngunit maaaring may pag-uusig sa parehong pagkakataon (1 Tesalonica 1:6). Mayroon siyang napakagandang plano para sa bawat tao, ngunit ang isang Kristiyano ay maaaring makaranas ng mga mahihirap na sitwasyon at trahedya (2 Corinto 11:24-27). Kung nagpasiya ang isang tao na maging isang Kristiyano dahil sa palagay niya ay magiging mas maayos ang kalagayan ng kanyang buhay, maaari siyang mabigo sa kanyang inaasahan. Ang ilang mga tao ay maaaring magdusa ng grabe dahil sila ay isang Kristiyano.
Bilang mga Kristiyano, nauunawaan natin na ang buhay sa piling ng Dios ay kahanga-hanga, kahit na tayo ay dumaranas ng mga sitwasyong may matinding pagdurusa. Masasabi nating ang paglilingkod sa Dios ay isang kahanga-hangang buhay. Gayunpaman, karamihan sa mga taong hindi pa ligtas ay walang tamang ideya kung ano ang isang kahanga-hangang buhay. Kung tatanungin mo sila ng ilarawan ang isang kamangha-manghang buhay, ang sasabihin nila ay mga bagay patungkol sa kalusugan, pera, kalayaan, kapayapaan, at iba pang magagandang kalagayan ng buhay. Hindi nila maiintindihan na ang isang inuusig, nagdurusa na Kristiyano ay may isang kahanga-hangang buhay. Kaya, kung sasabihin mo sa isang makasalanan na kapag siya ay naging isang Kristiyano ay magkakaroon siya ng isang kahanga-hangang buhay, marahil ay hindi niya maiintindihan kung ano ang iyong ipinapangako.
May isa pang problema sa isang maling pagkakaunawa sa ebanghelyo. Ang isang tao ay maaaring tanggapin ang mensahe ng hindi man lang nakikita ang kanyang sarili bilang isang makasalanan na karapat-dapat na parusahan. Dahil hindi niya nakikita ang kabigatan ng kanyang mga kasalanan, hindi siya tunay na nagsisisi. Hindi siya naghahanap ng kaligtasan mula sa kasalanan, ngunit para sa iba pang mga pakinabang. Maaari niyang isipin na siya ay ligtas kahit na hindi naman talaga siya ligtas.
Hindi rin niya tinatanggap ang tunay na mga pakinabang ng kaligtasan para sa kanyang buhay, sapagkat hindi siya ligtas. Sinusubukan niya sa maikling panahon pagkatapos ay sumusuko dahil sa pagkadismaya.
Ang pinaka masamang bunga ng maling ebanghelyo ay ang resulta ng pagkadismaya ng isang tao ay mas malamang na hindi tumugon sa ebanghelyo sa hinaharap.
Sa kabuuan, ang mga problema sa ebanghelyo ng isang masmagandang buhay ay
Ipinapangako nito ang hindi ipinangako ng Dios,
Ito ay maling nauunawaan ng makasalanan,
Ang isang tao ay maaaring hindi tunay na nagbalik-loob,
Hindi niya matatanggap ang mga pakinabang na inaasahan niya, at
Mas malamang na hindi niya tatanggapin ang ebanghelyo sa hinaharap.
Basahin ang Gawa 14:21-23.
► Ano ang sinasabi ng mga apostol na asahan ng mga bagong mananampalataya?
Binalalaan ni Jesus ang kanyang mga alagad na kapopootan sila ng mga tao dahil sa kanilang pananampalataya kay Cristo. Sinabi Niya sa kanila na hindi sila maliligtas maliban kung magtitiis sila hanggang sa wakas. Tatlo sa mga sumulat ng ebanghelyo ang nagtala ng mga salitang ito (Mateo 10:22, Marcos 13:13, Lukas 21:17). Karamihan sa mga orihinal na apostol ay namatay para kay Cristo.
Milyun-milyong mga Kristiyano ang pinapatay dahil sa kanilang pananampalataya. Hindi lamang ito problema sa sinaunang panahon. Higit sa kalahati ng mga Kristiyanong Martir ang napatay noong ika-20 siglo.
Kung ang isang tao ay nagbalik-loob dahil sa pangako ng kaligtasan ng wala ang pangakong pagkakaroon ng madaling buhay, hindi siya susuko dahil sa isang mahirap na buhay. Handa siyang tiisin ang mga pagsubok para sa walang hanggang kaligtasan. Ang mga pagsubok ay tila nagpapakita na ang kaligtasa ay pinaka mahalaga para sa kanya.
► Bakit tinitiis ng mga Kristiyano ang mga pag-uusig?
Ang pagbabalik-loob ay kinabibilangan ngpagputol ng lubusan sa nakaraan na ito ay binaggit ng parang ikaw ay namatay. Tayo ay ipinakong kasama ni Cristo. Sa pamamagitan ng kanyang krus, tayo ay namatay na sa makamundong bagay, makamundong pananaw, at mga pamantayan nito.
- Lausanne Committee
for World Evangelization, The Willowbank Report
Ang Pagpapakita ng Pag-ibig
Basahin ang 2 Timoteo 2:24-26.
► Ang ang sinasabi ng mga talatang ito tungkol sa katangian ng nagbabahagi ng ebanghelyo?
Ang nagbabahi ng ebanghelyo ayhindi dapat nakikipag-away sa mga taong kanyang binabahaginan ng ebanghelyo. Si Satan ang kaaway, at ang mga makasalanan ang kanyang mga bilanggo. Dapat nating ipaliwanag ang katotohanan ng mga kahinahunan. Ang ating layunin ay tulungan sila, hindi upang talunin ang mga ito sa argumento. Ang mga salitang ginamit sa talatang ito ay kinabibilangan ng kahinahunan, kaamuhan, at pagtitiyaga.
Basahin ang Tito 3:2-5.
► Ano ang sinasabi ng talatang ito tungkol sa pag-uugali ng nagbabahagi ng ebanghelyo?
Dapat nating alalahanin na kung wala ang biyaya ng Dios, magiging katulad din tayo ng mga makamundong tao. Ang Dios ay dumating sa atin hindi sa pamamagitan ng paghatol, ngunit sa pamamagitan ng kabutihan at pag-ibig.
Ang isang nagbabahagi ng ebanghelyo ay hindi dapat mukhang galit sa makasalanan, ngunit sa kasalanan at kay Satanas. Hindi siya dapat mukhang malupit. Hindi siya dapat mukhang natutuwa na makita ang kanilang mga pagkakamali, ngunit nag-aalala tungkol sa kanilang kaligtasan.
Napag-aralan natin na hindi tayo nagpapakita ng pag-ibig sa makasalanan sa pamamagitan ng pangangako ng mga bagya na hindi ipinangako ng Dios. Hindi tayo nagpapakita ng awa sa pamamagitan ng pagkilos na tila ang mga problema sa kanilang buhay ay mas mahalaga kaysa sa kanilang walang-hanggang kapalaran.
Natupad ni Jesus ang hula na ang Mesiyas ay hindi isang marahas na tao, ngunit isang banayad, at hindi niya wawasakin ang isang taong sugatan na dahil sa kasalanan (Mateo 12:19-20).
► Ano ang ilang mga paraan kung saan maipapakita natin ang pagmamahal ng Dios kapag tayo ay nagbabahagi ng ebanghelyo?
Ang Biblikal na Pag-eebanghelyo
Ang biblikal na pamamaraan sa pag-eebanghelyo ay ang gamitin ang kautusan ng Dios upang ihanda ang mga tao na tanggapin ang ebanghelyo. Ang kautusan ang humahatol sa mga makasalanan at ipinapakita nito sa kanilla na sila ay hahatulan malibang matagpuan nila ang kapatawaran.
Ipinangaral ni Juan na TagapagBautismo na ang mga tao ay dapat magsisi upang ihanda ang kanilang sarili sa pagdating ng Panginoon at makatakas sa paghuhukom (Mateo 3:1-12).
Ipinangaral ni Jesus ang tungkol sa paghuhukom at impiyerno nang maraming beses. Nag-aalok siya ng biyaya sa mga nagsisisi sa kanilang mga kasalanan.
Basahin ang Lucas 7:36-50.
► Anong uri ng tao ang inaalok ng kapatawaran?
Hindi natin matatagpuan sa ministeryo ni Jesus na siya ay nag-alok ng kapatawaran sa mga taong hindi nagsisisi sa kanilang mga kasalanan. Nababala Siya sa mga tao patungkol sa paghahatol. Pagkatapos ng isang sakuna kapag maraming tao ang napatay, sinabi ni Jesus sa isang grupo na silang lahat ay mapapahamak din maliban kung magsisisila (Lukas 13:1-5).
Isinalaysay ni Jesus ang kwento tungkol sa maniningil ng buwis at ang Fariseo na nananalangin ng magkasalungat na panalangin. Ang maniningil ng buwis ay nagsisisi at nakatanggap ng kapatawaran. Sinubukan naman ng Fariseo na bigyang-katwiran ang kanyang sarili.Parang walang kabuluhan na bigyan ng kapatawaran ang Fariseo dahil hindi naman siya naniniwalang kailangan niya ang kapatawaran.
Ipinangaral ni Apostol Pedro ang tungkol sa pangako ng isang buhay na walang hanggan at nanawagan sa mga tao na magsisi at sila ay makakatanggap ng kapatawaran (Gawa 2:38, 3:19, 5:31).
Si Esteban, na nangangaral sa mga pinuno ng Judio, ay hindi nag aalok ng biyaya, ngunit hinahatulan sila ng paglaban sa Dios at paglabag sa kanyang kautusan (Gawa 7:51-53).
Ipinangaral ni Pablo na dapat magsisi ang mga tao sapagkat ang Dios ay hindi babalewalain ang mga kasalanan (Gawa 17:30-31).
Hindi mali na pag-usapan ang tungkol sa kagalakan at pagpapala na dumarating sa pagiging isang Kristiyano; ngunit ang pangunahing pamamaraan ng mga tagapag utro ng ebanghelyo sa Biblia ay ang mangaral para talikuran ang kasalanan at magsisi, nag-aalok ng kaligtasan mula sa kaparusahan.
Tingnan ang 2 Corinto 5:11.
► Ano ang sinabi ng Apostol ng ginamit niya para sa panghihikayat?
Tingnan ang Gawa 24:25.
► Ano ang sinabi ni Pablo sa kanilang pag-uusap ni Felix? Paano naapektuhan si Felix?
Isang Halimbawa ng Biblikal na Pag-eebanghelyo
Ipinamamahagi ni Andre ang mga imbitasyon sa iglesis nang makilala niya si Pierre.
Pierre: Hindi ko kailangan ng iglesia.
Andre: Sinasabi ng Biblia na ang bawat tao ay tatayo sa harapan ng Dios upang hatulan dahil sa kanyang mga kasalanan. Sa palagay mo ba ay tatanggapin ka ng Dios kung sino ka?
Pierre: Oo, sa tingin Ko.
Andre: Mabuting tao ka ba?
Pierre: Oo, sa tingin Ko.
Andre: Marahil ikaw ay mas mabuti kumpara sa maraming tao. Marahil ay mabuti ka sa iyong mga kaibigan at kapamilya. Ngunit, alam mo ba ang pamantayang ginagamit ng Dios? Sinasabi sa atin ng Biblia ang tungkol sa paghatol ng Dios kung paano niya hinahatulan ang mabuti at masama. Halimbawa, ang ilan sa kanyang mga kautusan ay tinatawang na Sampung Utos. Alam mo ba ang Sampung Utos?
Pierre: Alam ko ang ilan sa mga ito.
Andre: Halimbawa, ang isang utos ay nagsasabing, “Huwag kang samaksi ng hindi totoo.” Sa iyong buong buhay ikaw ba ay nagsabi ng isang bagay na hindi totoo?
Pierre: Syempre, lahat naman ay ginagawa yun paminsan-minsan.
Andre:Ngunit ang pagsisinungaling ay paglabag sa utos ng Dios. Ang isa pang utos ay nagsasabing huwag kang magnanakaw. Mayroon ka bang ninakaw kahit anong bagay?
Pierre: Mga maliliit na bagay lamang, at hindi ko pa nagawang pahirapan ang isang tao dahil sa pagnanakaw ko sa kanila.
Andre: Ngunit hindi tayo binibigyan ng Dios na karapatan na magpasya kung ano ang maaari nating nakawin. Ang Kanyang utos ay huwag tayong magnanakaw. Ang isa pa sa mga uto ay nagsasabing huwag nating gagamitin ang pangalan ng Dios sa walang kabuluhan, ang pagsasabi ng walang paggalang, o paggamit sa mga ito bilang isang sumpa na salita.
(Ang bawat isa sa mga utos ay maaaring gamitin, ngunit hindi kailangang gamitin lahat sa isang pag-uusap. Ang ilan pang halimbawa ay nasa ibaba.)
Sinasabi ng Dios na huwag tayong mangangalunya, at sinabi ni Jesus na ang pagtingin sa isang babae na may pagnanasa ay nangangalunya na sa babaing iyon sa kanyang puso.
Sinasabi ng Dios na huwag kang papatay, at sinabi ni Jesus na ang napopoot sa isang tao ay katulad ng pagpatay sa taong iyon sa kanyang puso.
Sinasabi sa atin ng Dios na panatilihing banal ang kanyang araw. Napapanatili mo ba palagi ang banal na araw ng Panginoon bawat linggo?
Sinasabi sa atin ng Dios na huwag nating pagnasahan ang bagay na hindi sa atin, sa pag-iisip na ang mga bagay na iyon ang ang makapagbibigay ng kaligayahan sa atin sa halip na ang Dios, sa paghahangad na magkaroon tayo kung ano ang mayroon sa iba.
Sinasabi sa atin ng Dios na huwag magkakaroon ng iba pang dios, huwag hayaan ang anumang bagay na maging higit na mas mahalaga sa atin kaysa sa kanya, na nangangahulugang hindi natin hahayaan ang anumang bagay na nakapaglalayo sa atin upang sumunod at magpagpuri sa Dios na nararapat para sa Kanya.
(Matapos gamitin ang ilang kautusan upang ipakita sa makasalanan na siya ay tunay na nagkasala, pumunta tayo sa konklusyon.)
Andre: Kung hahatulan ka ng Dios ngayon, hindi ka makakapasa. Ikaw ay mapapatunayang nagkasala sa pamamagitan ng kanyang pamantayan. Nais mo bang malaman kung paano ka mapapatawad upang hindi mo na kailangang matakot sa paghatol ng Dios?
(Kung gayon, ang tagapagbahagi ng ebanghelyo ay maaaring ibahagi sa kanya ang ebanghelyo at anyayahang siyang manalangin.)
Dapat ipakita ng dalawang mag-aaral ang isang halimbawa ng pag-uusap kung saan ang isa ay nagbabahagi ng ebanghelyo gamit ang Sampung-Utos. Maaaring talakayin ng grupo ang kanilang halimbawa ng pagbabahagi. At pagkatapos ay dapat humanap ang mga mag-aaral ng kapares at pagsanayan ang pagbabahagi ng ebanghelyo.
► Paano mo malalaman kung matagumpay ang pagbabahagi ng ebanghelyo?
Maliwanag kung ang isang tao ay pipiliin na magsisi at maligtas pagkatapos ng ating pagbabahagi ng ebanghelyo, alam natin na ito ay nagtagumpay. Ngunit, hindi lamang iyon ang sukatan ng tagumpay. Ang Dios ang siyang may responsibilidad na ibunyag/pakawalan ang katotohanan sa puso ng tagapakinig.Kung ibinahagi mo ang ebanghelyo sa paraan na nauunawaan ng tagapakinig, nagawa mo ang isang bagay na mahalaga kahit na hindi mo makita ang mga resulta nito. Kung naramdaman niya ang iyong pag-aalala at pagnanais na tulungan siya, iyon din naman ay mabuti. Kung siya ay nagagalit o nanunuya, hindi ito nangangahulugan na ikaw ay nabigo, lalo na kung nagagalit siya dahil sa katotohanan. Ang Dios ay nabibigyang parangal sa pamamagitan ng mensahe ng ebanghelyo; kapag ikaw ay nagbabahagi ng ebanghelyo, ikaw ay matagumpay sa isang bagay na mahalaga.
Takdang Aralin
Ibahagi ang ebanghelyo sa hindi bababa sa tatlong tao sa paraan ng pagbabahagi ng ebanghelyo ni Andre sa leksiyong ito. Magsulat ng isang talata na naglalarawan sa bawat pag-uusap. Maging handa na ibahagi ito sa susunod na sesyon ng klase.
Paalala sa Tagapanguna ng Klase:
Ito ay isang mabisang pamamaraan para sa pagbabahagi ng ebanghelyo. Mahalaga na matutunan ng mga mag-aaral na gamitin ito. Sa inyong susunod na sesyon ng klase, bigyan sila ng oras upang maibahagi ang kanilang mga karanasan ng kanilang subukang magbahagi ng ebanghelyo gamit ang ganitong pamamaraan. Hayaan silang hikayatin at payuhan ang bawat isa. Maaaring maging mas kapaki-pakinabang na gawin ang ganitong pamamaraan sa sesyon at maghintay hanggang sa susunod na oras upang talakayin ang susunod leksiyon.
Karamihan sa mga materyal ng leksiyong ito ay ibinahagi ni Ray Comfort sa sermon na “Hell’s Best-Kept Secret” at ang aklat na may kaparehong pamagat. May mga materyal pa na maaaring magamit mula sa http://www.livingwaters.com.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.