► Ano ang mga babala na nakita natin sa mga talatang ito? Paano mo mailalarawan ang kahalagahan na nakikita ng Dios sa mga bata?
[1]Minsan ay sinasabi ng mga tao na ang mga bata ay mahalaga sapagkat sila ang susunod na henerasyon, ang kinabukasan ng iglesia, at ang mga magiging pinuno sa hinaharap. Ang lahat ng ito ay totoo; ngunit una sa lahat, ang mga bata ay mahalaga dahil sila ay mga tao. Minsan ang mga matatanda ay nakakalimutan na ang mga bata ay taong may pangwalang hanggang kaluluwa at hindi alam na potensyal.
May isang manlalakbay na huminto sa isang maliit na nayon. Nakita niya ang isang matandang nakaupo sa tabi ng lansangan at sinabi niya, “Hindi ko pa naririnig ang tungkol sa nayon na ito. may mga dakilang tao bang ipinanganak dito?” sinabi ng matanda, “wala, mga sanggol lamang.”
Binigyan ng Dios ang mga tao noong sinaunang Israel ng isang tipan. Ipinangako niya na pagpapalain at pangangalagaan sila. Binigyan sila ng mga pamantayan/pangangailangan na sumunod.
Nais ng Dios na ang tipan ay maging para sa lahat ng mga henerasyon. Sinabi niya sa kanila, “Ang mga salitang ito, na inuutos ko Sayo sa araw na ito, ito’y itanim ninyo sa inyong puso: at ang mga ito’y matiyaga ninyong ituro sa inyong mga anak” (Deuteronomio 6:7).
Ang pagpapalaki ng mga anak na sundin ang kalooban ng Dios ay mahalaga para sa tipan, sapagkat marami sa mga pagpapala ng Dios ang may kondisyon at nakasalalay sa patuloy na pagsunod ng kanyang mamamayan. Kung ang susunod na henerasyon ay pipiliin na hindi maging tapat ay masunurin sa Dios, kung gayon mawawala sa kanila ang benepisyo ng pagkakaroon ng kaugnayan sa Dios. Ito ay nangangahulugan na ang maingat na pagtuturo sa mga bata ay kinakailangan.
► Ano sa palagay mo ang magagawa ng mga Israelita upang matiyak na ang kanilang mga anak ay gagawa ng sedidyon na sundin ang Dios?
Binigyan sila ng Dios ng ilang mga direksyon para sa pagsasanay sa kanilang mga anak.
"Ituro ninyo ito sa inyong mga anak, pag-aralan ninyo ito sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay, sa inyong pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon sa umaga. Isulat ninyo ito sa mga hamba ng pintuan ng inyong bahay at tarangkahan” (Deuteronomio 11:19-20).
Ano ang ibig sabihin ng Dios? Dapat silang magturo ng masigasig, tuloy-tuloy, at palagian, hindi lamang paminsan-minsan. Dapat ay mayroon silang mga paalala ng kautusan ng Dios na nakalagay sa mga nakikitang lugar. Dapat nilang makita ang Banal na Kasulatan kahit saan. Hindi nila dapat makalimutan o huwag pansinin ang mga utos ng Dios.
Ang tuloy-tuloy na pagtuturo ay nangangahulugang hindi sila magkakaroon ng mga dekorasyon o mga libangan o mga pag-uugali na salungat sa kautusan ng Dios.
Kaya, binibigyang diin ng mga talatang ito na ang mga magulang ay responsible sa pagtuturo palagi at tuloy-tuloy sa kanilang mga anak ng mga kautusan ng Dios at palagiang bantayan sila mula sa mga turo at halimbawa na gumagawa ng kabaligtasan sa kautusan ng Dios.
► Ang kautusan ay ibinigay sa mga magulang. Ano ang mga aplikasyon na dapat nating gawin sa ministeryo sa iglesia?
Una, alam natin na ang pagsasanay ng mga bata ang unang responsibilidad ng mga magulang. Dapat turuan ng iglesia ang mga magulang kung paano tuturuan ang kanilang mga anak. Hindi natin dapat isipin na ang mga bata ay makakakuha ng espirituwal na gabay mula sa iglesia lamang dahil sa pag aakala na hindi ito kayang gawin ng mga magulang.
Pangalawa, ang iglesia ay dapat magministeryo sa mga bata sa konteksto ng kanilang pamilya hangga’t maaari. Tulungan ang mga bata sapamamagitan ng pagtulong sa kanilang mga magulang. Kapag nagbabahagi ng ebanghelyo, dapat subukan ng iglesia na akitin ang mga pamilya na magpunta sa iglesia.
Ang ilang kabataan mula sa mga hindi mananampalatayang pamilya ay pumupunta sa iglesia at naliligtas. Kapag nangyari iyon, dapat subukan ng iglesia na magministeryo sa pamilya. Kung ang mga magulang ay hindi tumugon, ang iglesia ang dapat magsilbing espirituwal na pamilya para sa mga bata. Ang mga miyembro ng iglesia ay dapat na maging mga matatandang kamag-anak na nagpapakita ng pangangalagang espirituwal.
Pagsuri sa Ministeryo ng Iglesia sa mga Bata
► Paano mo masusuri ang tagumpay ng ministeryo sa mga bata ng isang partikular na iglesia?
Ang iyong ministeryo sa mga bata ay hindi tiyak na matagumpay kahit na…
Ang iyong mga guro ay may sapat na kakayahan.
Ang bilang ng mga bata at guro ay tumataas.
Ang mga bata ay natututo ng impormasyon tungkol sa Biblia.
Gumagamit ang mga guro ng dekalidad na materyales.
Nasisiyahan ang mga bata sa ministeryo.
Ang mga katangiang iyon ay dapat na umiiral kung ang isang ministeryo sa mga bata ay matagumpay. Kung ang isang ministeryo ay kulang ng mga ganitong katangian, magkakaroon ng mga problema. Gayunpaman, posible para sa isang ministeryo na magkaroon ng ilan, o lahat, ng mga katangiang iyon ngunit nabibigo pa rin.
Ang iyong ministeryo sa mga bata ay matagumpay kung . . .
Ang mga bata ay nagbalik-loob at may nagkaroon ng katiyakan ng kaligtasan.
Ang mga bata ay unti-unting lumalago sa espirituwal.
Habang tumatanda ang mga bata, sinusunod nila ang mga alituntunin ng isang Kristiyano.
Ang iyong ministeryo ay hindi matagumpay sa isang bata na . . .
Hindi naging isang Kristiyano.
Pinipili ang mga makamundong modelo.
Sinusundan ang hindi magagandang libangan at mga relasyon habang tumatanda siya.
Tinatanggihan ang kalooban ng Dios para sa kanyang buhay at sumusunod sa mga personal na ambisyon.
Ang paghubog ng isang buhay upang itugma sa katotohanan ng Dios ay gawain ng pagdidisipulo. Ito ay upang paunlarin ang isang tao na maging isang mature na tagasunod ni Jesus. Sa sandali ng pagbabalik-loob ay hindi awtomatikong nakasama ang katotohanan ng Dios sa lahat ng pag-iisip, pag-uugali, pagpapalagay, at pamumuhay ng isang tao. Ang pagsasama ng katotohanan ay nangangailangan ng panahon upang mangyari. Iyon ang tunay na gampanin ng pagdidisipulo.
Ang Unang Kinakailangan para sa Ministeryo sa mga Bata
► Ano sa palagay mo ang unang bagay na kailangan mo para sa ministeryo sa mga bata?
Ang isang ministeryo para sa mga bata ay mabilis na nakabubuo ng isang pangkat ng mga kalahok na kinabibilangan ng mga bata at mga matatandang nakikilahok. Ang pangkat ay may pinuno, mga taong nakakaimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng kanilang mga personalidad, kahit na hindi sila nasa isang opisyal na posisyon. Ang ilan sa mga matatanda at kabataan ay mga natural na pinuno.
Ang unang kinakailangan para sa ministeryo ay isang Kristiyanong kapaligiran namay positibong espirituwal na kalagayan. Doon ay maaari mong alagaan ang mga Kristiyano na wala pang sapat na pang-unawa sa mental, pisikal, espirituwal, at social.
Ito ay nangangahulugan na ang mga matatanda ay dapat na mga taong may espirituwal na halimbawa. Hindi ka maaaring gumamit ng mga taong hindi seryoso sa pagiging isang Kristiyano para sa ministeryo sa mga bata. Hindi mo maaaring isama ang mga bata na malakas ang impluwensya sa iba bata na tanggihan ang iyong mensahe.
Ang iyong ministeryo sa mga bata ay bigo kung . . .
Ang mga matatanda na tumutulong sa ministeryo ay nanduon dahil sa isang espesyal na kakayahan o ibang kadahilanan, ngunit hindi mahusay sa pagiging isang espirituwal na halimbawa.
Ang mga bata ay walang interes sa mga espirituwal na bagay ang siyang nangingibabaw sa mga pag-uusap at pakikipag-ugnayan sa pangkat.
Ang lahat ng mga espirituwal na aktibidad ay pinamumunuan lamang ng mga matatanda ng walang tiyak/makabuluhang pakikibahagi ng mga bata.
Iilan lamang na bata ang nagnanais makibahagi at nagpapakita ng espirituwal na interes, at hindi sila tinatanggap ng karamihan sa lipunan.
Tingnan ang pangkat ng mga bata at tanungin ang iyong sarili ng mga katanungang ito. Kung ang isang bagong batang lalaki ay nagsimulang sumali sa iyong ministeryo, aling mga bata sa pangkat ang mas malamang niyang sundin? Kung ang isang bagong batang babae ay sumali, sino ang gusto niyang sundin? Ang mga nagiimpluwensya bang iyon ay mabuti o masama?
Ang unang panganagilangan ng ministeryo ay isang positibong Kristiyanong kapaligiran. Ang ministeryo sa mga bata ay dapat simulan na may isang positibong Krisityanong kapaligiran. Kung sa ministeryo ay wala nito, dapat na gumawa ng bagong pagsisimula, at kung hindi, ay hindi nito makakamit ang tamang layunin.
Ang Prinsipyo ng Pakikipag-ugnayan sa Buhay
Ang pagkakilala sa Dios ay nagmumula sa mga relasyon.
Nang kausapin ng Dios si Jacob, ipinakilala niya ang kanyang sarili. Hindi niya sinabi, "Ako ang Dios ng buong kalawakan," o, "Ako ang Dios na lumikha ng mundo"; kahit na alinman sa mga pahayag na iyon ang kanyang gamitin ito ay tunay na totoo. Sinabi niya, "Ako ang Panginoong Dios ni Abraham na iyong Ama, at ang Dios ni Isaac" (Genesis 28:13). Ipinapakita ng Dios ang kanyang sarili sa pamamagitan ng mga tao.
Si Abraham ay naging isang taong may pananampalataya at ang iba ay naniwala sa Dios dahil sa kanya. Ang kanyang lingkod na si Eliezer ay nanalangin sa “Dios ng aking panginoon na si Abraham” (Genesis 24:12).
Dapat ay magkaroon ng mga taong lalapit upang mas makilala ang Dios dahil siya ang iyong Dios.
Minsan ay ipinapalagay natin na ang pagdidisipulo ay ang pagsasabi lamang sa mga tao kung ano ang kailangan nilang malaman at kung ano ang dapat nilang gawin. Hindi lamang ganoon. Una, kailangan mong ipakita sa kanila ang isang buhay na nanaisin nilang sundin. Kung nais nilang mabuhay katulad ng ginagawa mo, kung magkagayon ay pakikinggan nila ang iyong mga direksyon tungkol sa kung paano ito gagawin.
Ang pagdidisipulo ay ang pagbahagi ng iyong buhay. Isang klase ng pamumuhay, kasama ang mga motibo at pangunahing pamantayan, ay inililipat mula sa isang tagapagdisipulo at idinidisipulo.
Ang prinsipyo ng pagbabahagi ng kalagayan ng buhay ay nagsasabi na ang pagiging disipulo ay nangyayari kapag ibinahagi ng tagapagdisipulo ang kanyang pamumuhay, kasama ang mga motibo at pangunahing pamantayan, sa isang mag-aaral.
Ang mga tagapagturo noong Unang-siglo ay naunawaan ang pagdidisipulo ay ang pagbabahagi ng buhay. Kung ang isang binata ay nais na maging mag-aaral ng isang tagapagturo, hihilingin niya sa tagapagturo na tanggapin siya. Kung tinanggap siya, sisimulan niyang ibahagi ang kanyang buhay sa tagapagturo. Halos palagi niyang sasamahan niya ang kanyang tagapagturo, hindi lamang para sa kaalaman sa kanyang doktrina ngunit upang matutunan din ang kanyang diskarte sa buhay.
Si Jesus ay ibang-iba mula sa kaugalian noong mga panahong iyon sa pamamagitan ng pagpili ng mga kalalakihan na hindihiniling na maging kanyang alagad. Ngunit, sinunod niya ang kaugalian sa pagdidisipulo sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang buhay kasama ng kanyang layunin sa pagbabahagi nito.
Matapos ang kamatayan ay pagkabuhay na mag-muli ni Jesus, ang ilan sa kanyang mga alagad ay naaresto at dinala sa harap ng parehong korte na humatol sa kanya. Ang malamang na inisip ng Sanhedrin na natapos na ang kanilang mga problema mula ng maalis si Jesus. Ipinagpalagay nila na ang ilang banta ay sapat ng takutin na lamang at patahimikin ang mga tagasunod ni Jesus. Nang sinuri nila ang mga disipulo, nakita nilang hindi sila mga lalaking may mataas na pinag-aralan, tiyak na mas mababa ang pinag-aralan kaysa sa mga miyembro ng korte. Ngunit, sinabi ng Banal na Kasulatan na napagmasdan ng Sanhedrin na sila ay nakasama ni Jesus (Gawa 4:13). Minarka ni Jesus ang kanyang buhay sa kanyanyang mga disipulo.
Ano ang nakita sa disipulo na katulad ng kay Jesus? Ito ba ay ang kanyang mga pamamaraan o istilo ng pagsasalita? Siguro; ngunit may mas higit pa. Nakita nila ang tapang na nagmumula sa isang pakiramdam ng banal na pagkakatawag. Nakita nila ang isang matatag na commitment sa katotohanan sa anumang maging kapalit nito. Nakita nila ang isang paggalang sa awtoridad ngunit tinatanggihan ang kompormiso at pagkukunwari. Sigurado na ang mga puso ng mga tiwaling pulitiko at mapagkunwaring tagapanguna sa relihiyon ay nayanig ng kanilang maunawaan na ang kanilang mga problema ay nagsisimula pa lamang. Naparami ni Jesus at nagpatuloy ang kanyang impluwensya sa pamamagitan ng pagdidisipulo.
Si Dr. Paul Brand ay nag-oobserba sa ilang mga batang mag-aaral ng midesina habang nagsasanay sila sa pagsusuri at pag-diagnose ng mga pasyente sa isang ospital sa India. Habang pinanonood niya ang isa sa kanila na malumanay na nakikitungo sa isang pasyente, siya ay namangha sa isang tiyak na ekspresyon na dumating sa mukha ng intern. Ang ekspresyong perpektong tumugma sa mukha ni Dr. Pilcher, ang surgeon na nagsasanay kay Dr. Brand sa Inglatera. Ipinaliwanag ni Dr. Brand sa mga intern na siya ay nagulat dahil alam niya nasi Dr. Pilcher ay hindi pa nakakapunta sa India, at hindi pa niya nauunawaan na maaring gayahin siya ng mga intern. Sa wakas, sinabi ng isa sa mga intern na, "Hindi namin kilala ang sinumang Dr. Pilcher, ngunit ang Dr. Brand, iyon ang iyong ekspresyon na suot."[1]
Ito ang itinuturo mo kapag hindi mo sinusubukan na magturo ang siya pang nagiging pinakamalaki ang epekto. Itinuturo mo ang mas higit kapag hindi mo sinusubukan na magturo ng anupaman. Tulad ng sinabi ng isang tao, "Nagtuturo ka ng kaunti ng sinasabi mo, higit mula sa iyong ginagawa, at karamihan ay mula kung ano ka."
Mag-ingat sa lakas ng iyong halimbawa. Palagi kang nagtuturo. Karamihan ay naituturo mo mula sa iyong pamumuhay.
Ipinapakita mo sa kanya kung paano tutugon sa kanyang mga problema sa pamamagitan ng iyong pagtugon sa iyong mga problema.
Ang Pagmamalasakit, kagandahang-loob, at pagtitiyaga ay mahalaga sa pagtulong sa mga bata. Ang ilang tao ay nagagawang mas higit na maging mapagmalasakit, magalang, at mapagpasensya sa mga bata kaysa sa iba.
Ipinapakita mo na pinahahalagahan mo ang isang tao kung binibigyan mo siya ng buo mong atensyon. Huwag mong ipakitang nagmadali ka kapag nakikipag-usap ka sa kanya. Suriin mo ang mensaheng sinasabi ng iyong mga kilos, kung ikaw ay tumalikod, naglalakad papunta sa iyong susunod na gawain, nagtratrabaho sa isang bagay habang siya ay nagsasalita, o inililipat ang iyong pansin sa ibang trabaho.
Pagsanayan ang gawi ng pakikinig ng mabuting. Ang mga signs ng pakikinig ng mabuti ay ang pagtingin sa mata, isang ekspresyon na nakatutukok sa nagsasalita, hindi pinapansin ang mga abala, at pagtugon sa mga patawa ng nagsasalita o iba pang mga emosyon.
Kung kailangan mo talagang magmadali at hindi maaaring tumigil upang makinig, maaari mong ipaliwanag sa kanya. Hindi iyon makakasakit sa kanila kung karaniwan mo silang binibigyan ng pansin na kanilang kinakailangan. Kung sa pangkalahatan ay napaparamdam mo na masyado kang abala para maglaan ng oras para sa kanila, sa pag-iisip na kailangan mo na "matapos ang isang bagay," kailangan mong huminto at isaalang-alang kung ano ang iyong tunay na gawain.
► Anong mga bata ang bahagi ngiyong buhay? Ano ang ilang mga paraan na maipapakita mo sa kanila na mahalaga sila? Mayroon ka bang mga gawi na dapat mong baguhin?
[2]Bigyang-diin na ang ating panahon para sa Dios ay mas mahalaga kaysa sa ating mga kakayahan. Kailangan ng Dios ang kanilang panahon kaysa sa kanilang mga abilidad. Bibigyan sila ng Dios ng mga kakayahan na kinakailangan upang matupad ang tungkuling inilaan sa kanya ng Dios.
Ang mga kabataan ay may posibilidad na hindi maging matatag sa maraming bagay. Mula sa isang araw hanggang sa susunod ay maaari silang lumipat mula sa tila espirituwal tungo sa tila nagrerebelde, mula sa mapagbigay tungo sa makasarili, o mula sa pagiging mature patungo sa pagiging bata. Hindi ito dahil sa pagiging mapagkunwari. Sila ay nasa punto ng kanilang pag-unlad, at ang kanilang personalidad ay hindi pare-pareho.
Ang mga kabataan ay hindi matatag, ngunit kailangan ka nila na maging matatag sa iyong pagtingin o mga inaasahan. Kung sa kanilang masamang araw ay sasabihan mo sila na hindi sila magiging mahalaga, ibinababa mo ang kanilang pagtingin sa kanilang sarili. Hindi pa nila alam kung magiging ano sila, at ang iyong pagsusuri ay nakakaimpluwensya kung magiging ano sila.
Magsalita ka ng madalas tungkol sa espesyal na plano ng Dios para sa kanilang buhay. Sabihin mo sa kanila na ang bawat isa sa kanila ay binigyan ng Dios ng espesyal na kakayahan. Magsalita din ng tungkol sa kasiyahan kapag natagpuan ang kalooban ng Dios.
Ang isang kabataan na may potensyal sa pamumuno ay maaaring magkaroon ng maraming ideya ngunit hindi magaling sa pag-alis ng mga masasamang ideya. Ang isang aspeto ng pagiging mature ay ang kakayahang makita ang pagkakaiba ng mga mabuting ideya at mga masasamang ideya. Tulungan siyang matutunan ang karunungan, ngunit huwag siyang i-discourage sa pagkakaroon ng mga ideya.
Higit sa lahat, alalahanin na ang Dios ay may sukdulang plano para sa bawat tao, at siya ay kumikilos upang iasakatuparan ito. Manalangin para sa pagkakaroon ng tamang pag-unawa upang maaari kang makibahagi sa plano ng Dios ng pagpapaunlad para sa mga mag-aaral. Manalangin para sa mga himala ng biyaya at patnubay sa mga buhay ng mga mag-aaral upang mapunta siya sa tamang direksyon.
Kapag ang isang tao ay wala ng paki-alam sa mga kabataan, ang kanyang pakinabang sa mundo ay malapit nasa walang kabuluhan.
- George MacDonald
Pagpapabuti sa Mga Pamamaraan ng Pagtuturo
► Ano ang ilang katangian ng isang mahusay na istilo ng pagtuturo? Kapag nakakakita ka ng nagtuturo, paano mo malalaman na siya ay isang mahusay na tagapagturo?
Ang guro ay may kontrol sa istilo ng pagtuturo. May ilang mga aspeto ng estilo na dapat maingat na planuhin ng guro.
(1) Rate ng Pagtuturo
Ang mga tao ay katulad ng mga plorera na may makitid na leeg.Kung bubuhusan mo ng napakabilis, marami ang tatapon at hindi papasok. Kung itinuturo mo ng mabilis ang mga impormasyon, hindi nila ito matututunan. Habang ang isang tao ay natututo ng mga bagong impormasyon, dapat niya itong maikonekta sa mga alam na niya. Dapat din niyang isipin ang tungkol sa kung paano naaangkop ang impormasyong ito sa kanyang buhay. Kaya’t, may mga limitasyon sa bilis ng impormasyon na maaaring malaman ng isang tao.
Mas mabuting gumawa ng isang punto sa isang di malilimutang paraan kaysa sa masakop ang maraming mga puntos na malilimutan nila. Mas mabuti para sa kanila na matutunan kung paano talaga isabuhay ang isang pangunahing konsepto kaysa sa marinig ang napakaraming impormasyon kung saan wala silang nakikitang kabuluhan.
(2) Talakayan sa Pangkat
Karamihan sa mga tao ay nangangailangan ng ilang talakayan na kasama ng iba habang natututo sila. Kailangan nilang nakapagtatanong at ulitin ang isang konsepto sa kanilang sariling salita. Kung ang estilo ng pagtuturo ng isang guro ay hindi pinahihintulutan ang pakikipag-ugnayan mula sa mga nakikinig, hindi sila gaanong matututo.
Maaari mong ipakita ang isang tema gamit ang mga tanong, katulad ng “Bakit mahalaga na...?” o “Ano ang pinakamahalagang bagay na alam mo tungkol sa...?” Huwag maglaan ng maraming oras sa pambungad na talakayan, ngunit gamitin ito upang maging interesado sila.
Pagkatapos ng paglalahad ng ilang impormasyon, maaari kang magtanong upang ipaliwanag nila ang isang konsepto sa kanilang sariling paliwanag. Halimbawa, “Ano ang nagawang pagkakamali ng tao sa kwento . . .?” o “Bakit mahalaga para sa atin na . . . ?” Magbigay ng mga katanungang kinakailangan nilang sagutin ng may paliwanag, sa halip na mga tanong na masasagot lamang ng oo o hindi. Ang katanungan ay kinakailangang maging madali lamang na halos karamihan sa kanila ay makakakuha ng magandang sagot mula sa mga bata. Mawawalan sila ng interes kung ang kanilang mga sagot ay karaniwang mali.
Huwag pilitin ang isang mag-aaral na magbahagi ng isang bagay na personal. Sa halip, subukang lumikha ng isang kapaligiran kung saan ay mararamdaman niya na siya ay malayang makakapagbahagi.
Huwag pahintulutan na iisa lamang ang nagsasalita. Maaari kang magdirekta ng isang katanungan sa isang tahimik na miyembro: "Ano sa palagay mo, Charles?" Dapat mong hikayatin ang pakikibahagi ng iba: "Para sa iba, Ano ang naiisip ninyo?"
Huwag payagan ang mga mag-aaral sa klase na magkaroon ng kanilang sariling talakayan habang hindi pinapansin ang pangkat.
Huwag pahintulutan ang sinuman na makagambala kahit na ang isang bata na nagsasalita.
Subukan na sang-ayunan ang bawat komento sa ilang paraan bago punahin ito. Kung nangangailangan ito ng pagwawasto, subukang iwasto sa pamamagitan ng pagpapaliwanag nito.
(3) Kaugnayan
Laging tanungin ang iyong sarili ng katanungang ito, "Bakit mahalaga ang materyal na ito?" Kung hindi mo alam, hindi rin nil malalaman. Ano ang pagkakaiba na dapat mangyari sa kanila? Mayroon bang mga tiyak na pagsasabuhay na dapat nilang gawin? Kung wala kang maisip, marahil ay wala rin silang maiisip.
Kung nakikita nila na ang paksa ay may kaugnayan sa kanila, mas makikinig sila ng mabuti. Upang makontrol ang klase, mas magtuon ng pansin na gawin itong mas kawili-wili kaysa sa pagpapanatili ng disiplina.
(4)Kahalagahan
Ipakita ang mga resulta ng katotohanan na iyong itinuturo. Ano ang mangyayari kapag nalaman ito ng mga tao at sinunod ito? Ano ang mangyayari kapag tinanggihan ng mga tao ang katotohanang ito.
Himukin mo sila gamit ang mahuhusay ng mga tema. Iwasang mag-laan ng maraming oras sa mga mas maliliit na usapin. Ikwento mo sa kanila ang mga istorya tungkol sa buhay ng iba na ipinamuhay ang katotohanang ibinabahagi mo. Hindi nila maaalala ang iyong mga balangkas, ngunit maaalala nila ang iyong mga kwento.
Magbigay ka sa kanila ng kanilang magiging bayani. Hinahanap nila ang mga tao na hahangaan at tutularan. Ikwento sa kanila nag tungkol sa mga bayani sa pananampalataya‒hindi lamang ang mga nakakita ng malaking himala, kundi pati ang mga nakagawa ng magagandang bagay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios. Tulungan mo silang makita ang misyon ng iglesia na maikalat ang ebanghelyo at gawing mga alagad ang siyang pinakadakilang hamon at pinaka-fulfilling na gawin sa mundo.
(5) Visuals
Kung posible, gumamit ng mga makukulay na larawan kapag nagkwekwento ng mga istorya. Kapag nagtuturo ng mga konsepto, isulat sa pisara ang mga pangunahing salita at mga pahayag. Mas maaalala nila ang mga ito kung nakikita at naririnig nila.
(6) Pagkilos
Ang mga tao ay natututo sa pamamagitan ng paggawa. Ang mga bata ay maaaring matuto sa pamamagitan ng paggawa ng isang bagay o pag-arte ng isang istorya. Ang guro ay maaari pa rin na gabayan sila sa kanilang pag-arte habang ikinukwento niya ang isang istorya mula sa Biblia. Ito ay nangangailangan ng oras, kaya hindi ka maaaring palaging umaksyon sa oras ng buong kwento, ngunit dapat kang humanap ng mga paraan upang maglagay ng ilang aksyon sa kwento.
► Talakayan sa Klase: Maaaring pag-usapan ng ilang mga miyembro ang tungkol sa mga nakaraang leksiyon o sermon na kanilang inilahad at ilarawan kung paano nila dapat mas mahusay na gamitin ang mga aspeto ng istilong ito. Maaaring ilarawan ng ilan kung ano ang kanilang ginawa upang mailapat o magamit ang mga aspetong ito.
Isang Paraan ng Pagbabahagi ng Ebanghelyo sa mga Bata: Ang Librong Walang Salita
Ang bawat pahina ng librong walang salita ay may iba’t ibang kulay at kumakatawan sa mga bahagi ng ebanghelyo.
Nasa ibaba ang isang buod ng mensahe na tumatalakay sa bawat pahina. Kapag ginamit mo ang Aklat na Walang Salita, dapat kang magdagdag ng karagdagang paliwanag at hayaan ang mga bata na makilahok at magtanong.
Tandaan: ang ilang tao ay inilalagay ang gintong pahina sa simula, pagkatapos ay itim, at nagpatuloy sa iba pang kulay katulad ng pagkakasunod-sunod ng nakalista dito.
Itim: Ang itim ay nagpapaalala sa atin ng ating kasalanan, ang mga masasamang bagay na ating nagawa. Sinasabi ng Biblia na ang lahat ay nagkasala. Dahil sa kasalanan, tayo ay nagkasala sa Dios. (sa puntong ito, dapat mong hilingin sa bata na aminin na siya ay isang makasalanan.)
Pula: Ang pula ang nagpapaalala sa atin na si Jesus, ang Anak ng Dios, ay namatay para sa atin upang mapatawad tayo. Ang kulay pula ang kumakatawan sa dugo ni Jesus. Si Jesus ay namatay, ngunit siya ay nabuhay mula samga patay at inihahanda ang langit para sa atin.
Puti: Nang tayo ay pinatawad ng Dios ay nilinis na niya ang ating mga puso.Kinalimuitan na niya ang lahat ng ating mga nagawang kasalanan. Maaari kang manalangin at hilingin sa Dios na patawarin ka. Handa kang patawarin ng Dios kung ikaw ay humihingi ng tawad sa iyong mga kasalanan.
Ginto: Ang Ginto ay kumakatawan sa langit, ang lugar na inihahanda ng Dios para sa atin. Kapag natapos na ang ating buhay dito sa mundo, tayo ay mamumuhay kasama ng Dios sa langit kung saan wala ng lungkot, sakit, o kasamaan.
Berde: Kapag ikaw ay pinatawad, ikaw ay naging anak ng Dios. Lalago ang iyong relasyon sa kanya. Ang kulay berde ay kumakatawan sa paglago. Mas marami kang malalaman tungkol sa Dios at matutunan mo kung paano ka niya nais mamuhay. Dapat mong basahin ang iyong Biblia, manalangin araw-araw, at makinig sa iba na alam kung paano mabuhay ng malapit sa Dios.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa kung ano ang sasabihin kapag ginamit mo ang Librong Walang Salita, tingnan ang isa sa mga link na ito.
Para sa impormasyon tungkol sa kung paano gumawa ng isang Librong Walang Salita o mga katulad na bagay, tingnan ang link na ito: .
Takdang Aralin
(1) Tingnan muli ang materyal sa leksiyong ito sa ilalim ng pamagat na “Ang Prinsipyo ng Pakikipag-ugnayan sa Buhay.” Isaalang-alang ang iyong pakikipag-ugnay sa mga bata, hindi lamang sa pagtuturo, ngunit anumang oras na makatagpo mo sila. Ano ang kailangan mong baguhin?Magkaroon ng isang pag-uusap sa isang tao na kilala kang mabuti. Ipakita sa kanya ang materyal at ipaliwanag ang iyong pagsusuri sa iyong sarili. Hingin ang kanilang matapat na opinyon. Kailangan mong iulat na ginawa mo ang takdang aralin na ito, ngunit maaari mong piliin kung magbibigay ka o hindi ka magbibigay ng mga detalye ng iyong pagsusuri.
(2) Maghanda ng isang aralin o sermon para sa mga bata.Idisenyo ito ng mabuti gamit ang anim na aspeto ng estilo. Maging handa na maipaliwanag kung paano mo ito idinesenyo.
(3) Maghanap ng isang paraan upang bumili o gumawa ng isang librong walang salita. Pag-aralan ang pagbabahagi nito at ibahagi ito sa hindi bababa sa tatlong tao. Magsulat ng isang talata na naglalarawan sa bawat karanasan.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.