Plano ni Pablo na maglakbay patungo sa Roma. Nais niyang ipangaral ang ebanghelyo doon (1:15), palakasin ang mga mananampalataya (1:11-12), at makuha ang supporta ng iglesia sa Roma para sa isang misyong paglalakbay sa Espanya (15:24).
Ang layunin ng liham para sa mga Romano ay upang ipakilala si Pablo at ang kanyang teolohiya ng kaligtasan sa mga mananampalatayang Romano. Ang liham ay nagpapakita ng batayan para sa pangdaigdigang pagmimisyon sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng teolohiya ng kaligtasan.
Plano ni Pablo na gamitin ang iglesia sa Roama bilang isang lugar na kampo/pagsisimulan ng paglulungsad ng pagmimisyon sa Espanya, na siyang pinamatandang kolonya ng Roma sa kanluran at sentro ng sibilisasyong Romano sa bahaging iyon ng mundo.
Ang pagbisita ni Pablo sa Roma ay hindi nangyari sa paraang kanyang plinano. Siya ay nakulong sa Jerusalem. Nang tila sa kanyang palagay ay hindi siya makakakuha ng hustisya, umapela siya kay Caesar. Pagkatapos ng isang mapanganib na paglalakbay, na kasama ang pagkawasak ng ng barkong sinasakyan niya, siya ay dumating sa Roma bilang isang bilanggo noong A.D. 60. Kahit na siya ay nakakulong, malaya siya na tumanggap ng mga bisita; at, nagkaroon siya ng ministeryo na umabot sa buong lungsod (Gawa 28:30-31). Sinabi ni Pablo na ang mga pangyayari iyon ay naganap para sa "pagpapalawak ng ebanghelyo"
(Filipos. 1:12). Mayroon din mga nagbalik-loob kahit na mula sa sambahayan ni Caesar. Siya ay pinalaya makalipas ang dalawang taon. Kung siya man ay nag punta o hindi nakapunta sa Espanya, ang mga ito ay hindi naitala.
Mayroong ilang katanungan na natural na lilitaw bilang tugon sa kahilingan ni Pablo na tulungan siyang ilungsad ang isang paglalakbay para sa kanyang pagmimisyon. Maaring itanong ng isa, "Bakit ikaw ang dapat pumunta?” Kaya, sinimulan ni Pablo ang liham sa pamamagitan ng pagbabanggit ng kanyang dedikasyon sa pagbabahagi ng ebanghelyo (1:1). Pagkatapos ay ipinaliwanag niya ang kanyang natatanging tungkulin at tagumpay bilang apostol sa mga Hentil (15:15-20).
Ang isa pang posibleng katanungan ay, "Bakit kailangang marinig ng lahat ang ebanghelyo? Siguro ay hindi naman talaga kinakailangan ang mensaheng ito para sa lahat ng lugar." Ipinaliwanag ni Pablo ang kahalagahan ng ebanghelyo para sa sangkatauhan sa buong mundo (1:14,16, 10:12) at ang pangangailangan na tugunan ang pagmimisyon at pag-eebanghelyo (10:14-15). Ipinakita niya na ang mensahe ay nalalapat sa bawat tao sa mundo at kailangang marinig ito nang lahat ng tao.
Ang Aklat ng Roma mula Noon Hanggang Ngayon
Ang mga liham ay nagsisilbi parin ng kanyang orihinal na layunin na magbigay ng isang batayan para sa pagmimisyon at pag-eebanghelyo. Gayunpaman, ginagawa nito ang mas higit pa. Tulad ng ipinapaliwanag ni Pablo kung bakit kinakailangang marinig ng bawat tao ang mensahe ng ebanghelyo, ipinaliwanag niya kung ano ang mensahe ng ebanghelyo at kung bakit sa pamamagitan lamang nito maliligtas ang tao. Siya ay tumugon sa ilang mga karaniwang katanungan at pagtutol. Ang paliwanag na ito at pagtatanggol sa mensahe na kanyang ipinapangaral ang sumasaklaw sa halos kabuuan ng libro at nagbibigay ng istruktura nito.
Ang mayroon tayo sa aklat ng Roma ay isang paliwanag tungkol sa teolohiya ng kaligtasan. Ang Teolohiya ni Pablo patungkol sa kaligtasan ang ipinagtanggol sa liham ay nagbibigay ng agarang pagtatanggol laban sa mga Judaizers; gayundin, ito ay nagsisilbing tagapagwasto ng mga kamalian sa modernong soteriology (doktrina ng kaligtasan).
Si William Tyndale, sa kanyangprologue sa aklat ng Roma, sinabi niya, "Ang nasa isipan ni Pablo ay upang maunawaang mabuti mula sa maikling liham na ito ang lahat ng buong kaalaman patungkol sa ebanghelyo ni Cristo at maghanda ng isang pagpapakilala sa lahat ng Lumang Tipan."[1]
Sa buong kasaysayan, ginagamit ng Dios ang liham sa mga taga-Roma upang mapanumbalik ang pinakamahalagang katotohanan kapag ito ay kanilang nakakalimutan.
Noong 386, Si Augustine ay nagdesisyon na wawakasan ang kanyang makasalanang pamumuhay matapos basahin ang Roma 13:13-14.
Noong 1515, naunawaan ni Martin Luther ang kahulugan ng Roma 1:17. Nakita nita na ang taong maliligtas mula sa paghatol ng Dios ay ang taong mayroong nakapagliligtas na pananampalataya. Ito ang nagbigay sa kanya ng batayan para sa isang katiyakan ng kaligtasan na matagal na niyang hinahangad. Ito ang naging batayan ng kanyang mensahe nasa pamamagitan lamang ng pananampalataya ang tanging daan upang maligtas.
Noong 1738, natagpuan ni John Wesley ang katiyakan ng pansariling kaligtasan nahinahangad niya nang maraming taon. Nangyari ito habang siya ay nasa isang pagpupulong kasama ang iba pang kabataang lalaki na regular na nagtitipon upang pag-aralan kung paano sundin ang pagiging Kristiyano ayon sa banal na kasulatan. Habang may nagbabasa ng paunang salita ni Luther patungkol sa aklat ng Roma, naramdaman ni Wesley na ang kanyang puso ay "uminit ng kakaiba." "Naramdaman kong nagtiwala ako kay Cristo, kay Cristo lamang, para sa aking kaligtasan: at ako ay binigyan ng kasiguraduhan na tinanggal na niya ang aking mga kasalanan, at iniligtas ako mula sa batas ng kasalanan atkamatayan."[2]
Para sa tatalong mga kalalakihang ito, ang pag-unawa sa mensahe ng aklat ng Roma ay isang motibasyon upang magkaroon ng kasigasigan na mag-ebanghelyo. Ang aklat ay patuloy na tinutupad ang layunin ng pagbibigay ng isang batayan para sa mga misyon sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa teolohiya ng kaligtasan.
Ang buong aklat ng Roma ay ipinaliwanag sa mga talatang ipinahayag sa 1:16-18.
[3]Ang lahat nang nasa talatang 1-14 ay tumutukoy sa ipinahayag sa talata 15 kung saan sinabi ni Pablo na, “Handa akong ipangaral ang ebanghelyo.” Ang mga talata 16-18 ay nagpapaliwanag nang malinaw kung ano ang ebanghelyo at kung bakit kailangan ito ng lahat. Ang ebanghelyo ay ang mensahe kung saan ang isang taong makasalan ay maaaring ituring na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang kadahilanan kung bakit kailangan ng lahat ang mensaheng ito ay dahil nasa ilalim sila ng poot ng Dios.
Ang isa pang paraan upang maipahayag ang pangunahing layunin ng aklat ng Roma ay ang pagpapaliwanag patungkol sa ebanghelyo, ayon sa kautusan ng Dios na ang sinuman sumampalataya ay maliligtas at ang sinumang hindi sumampalataya ay mapaparusahan.
Ang kasukdulan ng aklat ng Roma ay nagsimula sa 10:13-15, ay kung saan ipinaliwanag ni Pablo kung bakit kinakailangan na mag-ebanghelyo upang madala ang ebanghelyo sa iba. Ang mga tao ay naliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, ngunit hindi sila mananampalatayamalibang marinig nila ang ebanghelyo.
[1]William Tyndale, "Prologue to Romans," English New Testament, 1534.
[2]John Wesley, The Works of John Wesley,(Kansas City: Nazarene Publishing House, n.d.), 103.
Ang pangkalahatang hangarin ng liham na ito ay ipahayag ang walang hanggan, hindi mababagong latunin o kautusan ng Dios, na kung saan, “Ang sumasampalataya ay maliligtas: ang hindi sumasampalataya ay mapapahamak."
- John Wesley
Isang Pagbabahagi ng Ebanghelyo mula sa aklat ng Roma
Ang ebanghelyo ay maipapaliwanag gamit ang mga talatang mula lamang sa aklat ng Roma. Ang pagbabahagi ng ebanghelyo ay kadalasang tinatawag na “Roman Road.”
Ang unang pangungusap ng paliwanag para sa bawat sanggunian ay ang pinakamahalagang dapat tandaan.
Roma 3:23 “Lahat ay nagkasala at nagkulang sa kaluwalhatian ng Dios.”
Ang bawat tao ay nagkasala sa paggawa ng mga bagay na alam nilang mali. Ipinapakita ng talatang ito ang totoong problema ng mga tao. Hindi nila sinunod ang Dios; sadya nilang sinuway ang Dios. Walang taong hindi nagkasala. Walang taong maaaring tanggapin ng Dios sa batayan ng palaging gumagawa ng tama.
Para sa karagdagang diin sa puntong ito, maaari mong gamitin ang talata 3:10 (“Walang matuwid”) at 5:12 (“Ang kamatayan ay lumaganap/ipinasa sa lahat, sapagkat lahat ay nagkasala”).
Roma 6:23 “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob ng Dios ay buhay na walang hanggang sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.”
Ang mga makasalanan ay nahatulan sa walang hanggang kamatayan, ngunit ang Dios ay nag-aalok ng buhay na walang hanggang bilang isang regalo sa pamamagitan ni Jesus.
Ipinapakita ng talatang ito kung bakit hindi pwedeng balewalain ang kasalanan. Dahil sa kasalanan, ang parusa ng kamatayan sa lumaganap sa bawat tao. Ito ay walang hanggang kamatayan, ang paghuhukom ng Dios ay nararapat sa bawat makasalanan.
Sa kabaligtaran ng kamatayang tinanggap natin, nag-aalok ang Dios ng regalo ng isang buhay, isang bagay na hindi natin magagawang makamtan sa sariling kakayahan.
Roma 5:8 “Ngunit ipinakita ng Dios ang kanyang pag-ibig sa atin, kahit noong tayo ay makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin.”
Ang regalo ng Dios ay ipinagkaloob sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo para sa atin.
Hindi hinayaan ng Dios na tanggapin natin ang paghatol na nararapat sa atin. Dahil sa pag-ibig niya sa atin, nagbigay siya ng paraan para tayo ay makatanggap ng kanyang awa. Si Jesus ay namatay bilang isang handog upang tayo ay mapatawad. Hindi tayo hinintay ng Dios na gumawa ng isang bagay upang maging karapat-dapat makatanggap ng kaligtasan – dumating ito sa atin “habang tayo ay mga makasalanan pa.” Ang kaligtasan ay hindi inalok sa mabubuting tao, kundi sa mga makasalanan.
Roma 10:9 “Kung aaminin mo . . . at maniniwala ka . . . maliligtas ka.”
Ang tanging kinakailangan para sa kaligtasan ay ang amini ng makasalanan na siya ay isang makasalanan at naniniwala sa pangako ng Dios ng kapatawaran dahil sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesus.
Ano ang tungkol sa pagsisisi? Kung inaamin ng isang tao na siya ay nagkamali at nais na siya ay mapatawad, ipinapahiwatig din niya na handa niyang talikuran at tigilan ang kanyang mga kasalanan.
Roma 10:13 “Ang sinumang tumawag sa oangalan ng Panginoon ay maliligtas.”
Ang alok na kaligtasan ay para sa bawat tao. Walang taong hindi kasama. Walang iba pang mga kwalipikasyon.
Roma 5:1 “Nabibigyang-katwiran sa pamamagitan ng pananampalataya, tayo ay may mapayapang-ugnayan sa Dios”
Ang paniniwala sa pangako ng Dios ang nagbibigay sa atin na maging kaibigan ng Dios, hindi na nabibilang na nagkasala.
Ang pagkakaroon ng mapayapang-ugnayan sa Dios ay nangangahulugang hindi na niya tayo mga kaaway; tayo ay nakipagkasundo. Ang kasalanan na naghihiwalay sa atin sa Dios ay inalis na mula sa pagkakaharang nito. Ang pagturing sa atin bilang matuwid ay nangangahulugang hindi na tayo nabibilang na nagkasala. Ang pagturing sa atin bilang matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya ay nangangahulugang naniniwala tayo na ang paniniwala sa pangako ng Dios ang tanging kinakailangan para sa ating kapatawaran.
Roma 8:1 “Kaya’t ngayon ay walang nang kahatulang parusa para sa mga nakipag-isa na kay Cristo Jesus.”
Dahil tayo ay nakipag-isa na kay Cristo, hindi na tayo hahatulan ng kaparusahan para sa mga kasalanan na ating nagawa.
Si Cristo ay nabuhay ng walang kasalanan at nagawa ang lahat ng kinakailangan ng hustisya sa pamamagitan ng kanyang pagkamatay sa krus. Sa pamamagitan ng pananampalataya tayo ay nakipag-isa sa kanya at tinanggap ng Dios Ama. Itinuturing tayo ng Dios na parang hindi tayo nagkasala.
Konklusyon
Ito ay nagpaliwanag na ang isang makasalana ay maaaring maligtas sa pamamagitan ng pananalangin sa Dios, pag-amin na siya ay isang makasalanan at humihingi ng kapatawaran batay sa sakripisyong kamatayan ni Jesus at kanyang muling pagkabuhay.
Para sa Pag-aaral at Pagsasanay
Ang pinakamahusay na paraan upang matutunan at mapagsanayan ang pamamarang ito ay sapamamagitan nangpagmamarka ng bilog o salungguhitng bawat talatang ginamit sa aklat ng Roma. Pagkatapos ay maglagay ng numero sa tabi ng bawat talatang minarkahan na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng paggamit nito. Halimbawa:sa tabi ng talata na unang gagamitin, isulat ang numero 1.
Pagsanayan ang pagbabahagi ng ebanghelyo. Basahin ang bawat talataat ibigay ang paliwanag na kasama nito. Tiyaking isama ang mga konsepto na nasa unang pangungusap pagkatapos ng bawat talata. Idagdag ang anumang paliwanag na kinakailangan, gamit ang iba pang mga pangungusap kung sila ay kapaki-pakinabang. Hindi kinakailangan na gumamit ng eksaktong mga salita na ibinigay sa leksiyong ito.
Magsanay hanggang sa magawa mo ito nang walang pagtingin sa anumang bagay maliban sa Biblia.
Pagsasanay sa Silid-aralan
Ang dalawa o tatlong mag-aaral ay dapat ipakita ang paggamit ng Roman Road para sa pangkat. Dapat talakayin ng pangkat ang mga paraan kung paano pa nila mapapabuti ang pagbabahagi. Pagkatapos, ang mga mag-aaral ay dapat maghati-hati bilang pares upang makapagsanay. Ang bawat mag-aaral ay dapat na magbahagi ng dalawang beses, sa iba’t ibang mga tagapakinig.
Takdang Aralin
Ibahagi ang ebanghelyo gamit ang pamamaraang ito sa hindi bababa sa tatlong tao. Magsulat ng isang salaysay tungkol sa bawat pag-uusap at maging handa na ibahagi ito sa susunod na sesyon ng klase.
Maging handa na magsulat mula sa memorya (gamit lamang ang iyong Biblia) ang mga sanggunian ng Banal na Kasulatan na ginamit sa Roman road at kahit isang pangungusap ng paliwanag para sa bawat isa.
Ang susunod na leksiyon ay tungkol sa ebanghelikong pangangaral /evangelistic preaching. Ang bawat mag-aaral ay dapat sumulat ng isang balangkas o buod ng isang ebanghelikong sermon na ka nyang ipinangaral, isa na narinig niya, o isang nais niyang maipangaral. Dapat niyang dalhin ito sa susunod na sesyon ng klase.
Isulat ang mga sanggunian para sa mga banal na kasulatan na ginamit sa presentasyon ng Mga Kalsada ng Roma para sa ebanghelyo. Sa ibaba ng sanggunian, isulat ang hindi bababa sa isang pangungusap na paliwanag. Huwag isulat ang mga talata.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.