Ang Pagsunod kay Jesus
► Ano ang kahulugan na maging isang disipulo ni Jesus?
Iniisip ng ilang tao na ang mga Kristiyano ay sinumang taong mabuti. Ang ilan naman ay iniisip na ang pagiging isang Kristiyano ay nangangahulungan ng paniniwala sa ilang mga bagay. Para sa karamihan ng mga taong ito, ang mga paniniwala ay hindi nakakagawa ng malaking pagbabago sa kanilang buhay.
Ang iba ay mas malapit sa katotohanan. Alam nila na dapat magkaroon ng oras para sa pagbabalik-loobo pagbabago, kapag ang isang tao ay naging isang Kristiyano. Naniniwala sila na nangyayari ito kapag dumating sa isang tao ang isang punto na siya ay naniwala na siya ay pinatawad. Maraming naniniwala na ang isang tunay na nagbalik-loob ay may katiyakan na siya ay mapupunta sa langit kahit ano man ang kanyang nagawa pagkatapos niyang magbalik-loob.
Totona na ang pagbabalik-loob ay dapat maging tunay. Totoo na ang kapatawaran ay ibinigay sa pamamagitan ng biyaya bilang tugon sa pananampalataya. Totoo na ang isang Kristiyano ay namumuhay sa pagsunod sa Dios. Ngunit, hindi iyon ang buong kahulugan ng pagiging isang disipulo/tagasunod ni Jesus.
Maaari nating makita kung ano ang mangyayari kapag ang ginawang tanging pamantayan sa pagiging Kristiyano ay ang isang sandali ng pananampalataya lamang – humahantong ito sa antinomianism, ang katuruan na nagsasabi na ang mga kautusan ng Dios ay hindi na nakakabit/gumagapos sa isang Kristiyano. Sa halip na libreng biyaya, ito ay nagiging isang kathang-isip na biyaya upang bigyangkatwiran ang kasalanan.
Ang iglesia na nag-aanunsyo ng kathang–isip na biyaya ay may mga miyembro na dumadalo sa iglesia ngunit lantarang namumuhay sa kasalanan. Ang kanilang mga pastor iba pang tagapanguna ay nabubuhay ng mas maayos kaysa sa kongregasyon ngunit maaari ring mayroong makasalanang gawi. Sinasabi nila na hindi kinakailangan na mamuhay ng may kumpletong pagsunod sa Dios dahil tayo ay naligtas sa pamamagitan ng biyaya. Nawala na nila ang komisyon na ibinigay ni Jesus sa iglesia, na kung saan ay inutusan ang iglesia na dalin ang mga tao sa pagsunod sa mga kautusan ni Cristo. Ang natatanging gawain ng iglesia ay ang gawing mga pinabanal na sumasamba sa Dios ang mga taong makasalanan, at ang iglesia ay wala ng ibang mas mabuting dahilan bukod dito.
Kahit na ang mga iglesia na nagpapanatili ng pangangailangang sumunod sa Dios ay may ilang tao parin na nasa ibang kamalian. Ang mga ito ay sinusunod ang kanilang buhay sa mga bagay na pinaniniwalaan nilang tama, ngunit wala silang espiritu na tulad ng kay Cristo. Ang mga ito ay malulupit at hindi nagpapatawad. Hindi sila makapagbigay ng isang mapagpakumbaba at mabiyayang paghingi ng tawad. Mabilis silang humatol sa iba. Sila ay may tiwala sa iilang tao. Hindi nila pinagdududahan ang kanilang sariling katwiran. Mayroon silang sagot sa bawat isyu, at walang paggalang sa mga hindi sumasang-ayon sa kanila. Wala silang sigasig para maibalik ang mga nawawala, ngunit masigasig na masigasig sa pagtatanggol sa kanilang mga opinyon. Nasisiyahan sila sa kanilang sarili, at walang planong magbago.
Kilala ba talaga ng nga taong ito si Jesus at nagnanais na maging katulad niya?
Ang maging isang Kristiyano ay nangangahulugang maging isang disipulo ni Jesus.
[1]Ang ang kahulugan ng pagiging isang disipulo? Upang sundin si Cristo? Tiyak na nangangahulugang ito ng ganoon kahit papaano. Sa Dakilang Komisyon, kung saan sinabi ni Jesus sa kanila na pumunta sila sa lahat ng dako at gawin silang mga disipulo, sinabi niya, "turuan nyo silang sumunod sa lahat ng ipinag-uutos ko."
Ang pagsunod sa mga utos ni Jesus ay hindi ang siyang buong kahulugan ng pagiging isang disipulo.
Ang mga disipulo ng mga tagapagturong Hudyo ay nagbabahagi ng buhay sa kanila, hindi lamang matutunan ang kanilang itinuturo, kundi ang kanilang pamumuhay. Natutunan nila ang kanilang mga saloobin at prioridad.
Nang tinawag ni Jesus ang mga disipulo, sinabi niya “Halika at sumunod ka sa akin,” iyon ang ibig niyang sabihin. Tumatawag pa rin siya ng mga magiging disipulo sa pamamagitan ng ebanghelyo.
Paano nagiging isang disipulo ang isang tao?
Una, dapat kang maniwala sa kanya – wala kang ibang dahilan upang sumunod sa kanya maliban kung ikaw ay maniwala sa kanya.
Kailangan mong baguhin ang direksyon na pupuntahan mo. Walang taong nagsimula na tagasunod na ni Jesus – tayong lahat ay nagsimula patungo sa ating mga sariling pamamaraan. Kailangan mong magpasya na sundin si Jeus sa halip na ang iyong sariling paraan. Ito ay nangangahulugan na may nakikita kang mali sa iyong sariling paraan. Ang pagsunod ay nagsisimula sa pagsisiai – hindi mo siya masusunod nang hindi ka humihingi ng tawad sa iyong mga kasalanan. Kung hindi ka nagsisisina sapat para huminto ka sa iyong mga kasalanan, ay pinipili mo pa rin ang iyong sariling pamamaraan.
Naranasan mo ang kanyang kapatawaran at sinimulan ang isang relasyon sa kanya. Nagsimula kang makilala siya at nais mong maging katulad niya.
Basahin ang Mateo 16:21-25.
Sa pag-uusap na ito kasama ng kanyang mga disipulo, inilarawan ni Jesus ang kanyang darating na kamataya. Nagulat si Pedro sa mga sinabi ni Jesus. Hindi nakita ni Pedro ang pagdurusa at kamatayan bilang angkop para kay Jesus. Nagsimula siyang makipagtalo kay Jesus, sinubukan niyang himukin si Jesus na itanggi ang pag-iisip tungkol sa kamatayan.
Sinaway ni Jesus si Pedro at sinabi na hindi niyiya naiintindihan ang mga bagay na nais ng Dios. Sinabi ni Jesus na ang paraan upang maging kanyang disipulo ay dapat itanggi ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa kanya. Ito ay nangangahulugang tanggapin ang kamatayan para sa kanyang sarili. Ang pagsaway ay laban sa mga natural na likas na katangian ng tao katulad ng kagustuhan nitong matupad ang mga nais niyang gawin, maitaas ang kanyang sarili, at maipagtanggol ang sarili – mga bagay na taliwas sa tunay na pagdidisipulo.
► Bakit isang tao ay may likas na katangiang lumalaban/tumataliwas sa pagdidisipulo?
Hindi nakita ng mga disipulo ang pagdurusa at kamatayan bilang naaangkop para sa kanilang mga sarili. Hindi pa nila lubusang nauunawaan kung ano ang ibig sabihin na sundin siya. Walang bayad upang ikaw ay mapatawad, ngunit ang lahat-lahat sa iyong buhay ang hinihinging kapalit upang sumunod kay Cristo. Ang pagsunod sa kanya ay magreresulta ng patuloy na pagsaliksik sa kanyang puso, pagpapakumbaba, at pagbabago.
► Ipaliwanag ang pahayag, “ang lahat-lahat sa iyong buhay ang hinihinging kapalit upang sumunod kay Cristo.”
Ang "pasanin ang krus" ay ang yakapin ang isang uri ng kamatayan alang-alang sa buhay na walang hanggan kasama ng Dios. Ito ay kamatayan sa sariling kagustuhan, kamatayan sa iyong sariling pagpapasya. Hindi lamang ito pagpapasakop sa mga panlabas na bagay, ngunit ito ay pagpapasakop hanggang sa puso. Ito ay isang kababaang-loob na inilarawan ni Jesus bilang kinakailangan para makapasok sa kanyang kaharian.
Katulad ng mga unang disipulo, marami sa panahon ngayon ang hindi nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng maging isang disipulo. Ito ang mga iglesia na nag-aalok ng biyaya sa mga hindi nagsisisi. Hindi ito nagsisimula ng tamang daan para sa mga nagbabalik-loob o naghahanda sa kanila para sa darating na pagsubok. Ito ay ibang-iba sa daan ng pamumuhay ng mga tunay na Kristiyano.
Si Dietrich Bonhoeffer ay isang pastor na Aleman na binitay sa ilalim ng pamumuno ni Adolph Hitler. Sinulat niya ang mga linyang ito sa kanyang aklat naThe Cost of Discipleship.
Ang mahal na biyaya ay ang nakatagong kayamanan sa bukid; alang-alang dito ay masayang umalis ang isang lalaki at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian. Ito ay ang perlas na may malaking halaga upang mabili ay kailangan ibenta ng mangangalakal ang lahat ng kanyang kalakal para dito. Ito ang paghahari ni Cristo, alang-alang dito ay handang dukutin ng isang lalaki ang kanyang mata na nagdudulot sa kanya sa pagkakadapa; ito ang pagtawag ni Cristo Jesus kung saan iniiwan ng disipulo ang kanyan lambat upang sumunod sa kanya . . . ang nasabing biyaya ay malaki ang hinihinging kapalit sapagkat tinawag niya tayo upang sumunod.
Ang pagsunod sa kanya ay ang pagtulad sa kanya. Ito ay ang mamatay sa sariling kagustuhan dahil lubusan siyang sumuko. Hindi lamang ito pagtigil sa paggawa ng ilang maling bagay, kundi pagtigil sa mga ito dahil ito ang nais ni Jesus. Sinisubukan nating gawin kung ano ang ginawa ni Jesus sa kanyang kadalisayan, pagkahabag, kabaitan, at pagpapatawad.
Hindi natin ginagawa ang tama ngunit taliwas naman dito ang ating puso. Nais natin na ang ating puso ay maging katulad ng sa kanya. Hindi niya kinapopootan ang sinuman. May mga taong pinipili na maging kanyang mga kaaway, ngunit wala siyang kaaway. Kahit ng siya ay nakapako sa krus ay nagpatawad siya.
Ang kanyang mga tunay na tagasunod ay hindi mainisin.Mabuti ang kanilang ginagawa sa mga taong nagkakamali sa kanila. Pinagpapala nila ang iba at hindi nila sinusumpa ang sinuman. Hindi nila nililimitahan ang kanilang pagpapatawad. Isinuko na nila ang kanilang mga personal na karapatan at sa halip ay naglilingkod sila.
Walang puwang upang itigil ang ganitong uri ng pamumuhay na lubusang nakasuko ang sarili. Ang taong sinusubukang iligtas ang kanyang kaluluwa ay mawawalan nito – ang nagbibigay ng kanyang buhay para sumunod kay Jesus ay maliligtas.
► Paano natin tatawagin ang mga tao patungo sa kaligtasan sa isang paraan na makapaghahanda sa kanila para sa pagdidisipulo?
Pinalitan Cristo Jesus ang anumang idolo na naghari sa gitna ng ating mundo, at siya mismo ang naupo sa trono. Ito ang napakalaking pagbabago o marahil ang simula ng katapatan na bumubuo ng pagbabalik-loob. Pagkatapos na kuhanin ni Cristo ang kanyang nararapat na lugar, ang lahat ng iba pa ay nagsisimula ng magbago.
- Lausanne Committee for World Evangelization, The Willowbank Report