Ang Ministeryo ng Pagtuturo ng Iglesia
Sa pagbabalik-loob ay nagaganap ang pagbabago. Ang bagong mananampalataya ay may bagong pagnanais at mga bagong prayoridad – ang pagbabago ay nakamamangha na inilarawan siya ng Biblia bilang isang “bagong nilalang” (2 Corinto 5:17).
Ngunit, ang ilang mga bagay ay tumatagal ng ilang panahon. Ang bagong mananampalataya ay hindi agad nakikita kung paano maisasabuhay ang mga alituntunin ng Kristiyano sa lahat ng bahagi ng kanyang buhay. Kailangan niyang matutunan ang mga prinsipyo, pagkatapos ay makita ang mga paraan upang maisabuhay ang mga ito.
Mayroon din na proseso ng personal na paglago sa pananampalataya. Ang bagong mananampalataya ay isang "Sangol na nakay Cristo."
Tingnan ang 1 Corinto 3:1-2.
► Ayon sa mga talatang ito, ano ang katangian ng isang bagong mananampalataya?
Tingnan ang Hebreo 5:13-14.
► Ano ang gatas na tinutukoy sa talata?Ano ang karne na tinutukoy? Ano ang katangian ng paglago sa pananampalataya?
Sa simula ng kursong ito, tiningnan natin ang Dakilang Komisyon na ibinigay ni Jesus sa iglesia. Muli natin itong tingnan.
Basahin ang Mateo 28:18-20.
► Sa talatang ito, anong responsibilidad ang ibinigay ni Jesus na lampas sa pag-eebanghelyo?
Bago ibinigay ang Dakilang Komisyon, sinabi ni Jesus na nasa kanya ang lahat ng awtoridad sa langit at sa lupa.Pagkatapos ay ibinigay niya ang responsibilidad sa iglesia na dalin ang mga tao tungo sa pagsunod sa kanyang awtoridad.
Sinabi ni Jesus sa mga alagad na hindi lamang ipangaral ang ebanghelyo, kundi ay ituro ang lahat ng mga bagay na inutos niya. Ang pag-eebanghelyo ay unang bahagi lamang ng gawain. Ang pagtuturo sa mga nagbalik-loob na sumunod sa lahat ng mga utos ni Jesus ay ang proseso ng pagdidisipulo. Ang pagkabigo sa pagdidisipulo ay kasing seryoso ng pagkabigo sa pag-eebanghelyo.
Ang ministeryo ng pagtuturo ng iglesia ay para dalin ang mga bagong mananampalataya sa espirituwal na paglago.
Sa efeso ay sinabi sa atin na tinawag ng Dios ang mga tao para sa mga espesyal na tungkulin ng ministeryo para sa layunin ng paglago ng mga mananampalataya upang hindi na sila ituring na mga bata (Efeso 4:11-14). Ang isa sa resulta ng kanilang pag-abot sa paglagong espirituwal ay ang katatagan ng kanilang doktrinang pinaniniwalaan.
Ang isang pasto ay may pananagutan lalo na sa pagdidisipulo. Sinabi ni Pablo kay Timoteo, "Bigyang-pansin ang pagbabasa ng Banal na Kasulatan, sa pangangaral, at pagtuturo" (1 Timoteo 4:13). Hindi niya pangunahing tinukoy ang tungkol sa personal na pag-aaral ni Timoteo; ang sinasabi niya ay ang tungkol sa ministeryo. Ang ministeryo ni Timoteo ay nakatuon sa pagbabasa at pagpapaliwanag ng Banal na Kasulatan, pagbibigayng espirituwal na direksyon, at pagtuturo ng doktrina ng Kristiyano. Ang isa sa mga kwalipikasyon ng isang pastor ay ang kakayanang magturo (1 Timoteo 3:2).
Sapagkat ang pag-aaral ay bahagi ng espirituwal na paglago, ang pagtuturo ay bahagi ng gawain ng pagdidisipulo. Ang mga tagapagturo ay mahalaga sa iglesia, at ang iglesia ay dapat palaging kumikilos upang humubog ng mga tagapagturo.
[1]"At ang mgabagay na narinig mo mula sa akin kasama ng maraming saksi, ay ituro mo mo rin sa mga taong mapagkakatiwalaan at may kakayahang magturo naman sa iba."[2] Ang tagubiling ito ay ibinigay ni Pablo kay Timoteo, mula sa isang bihasang tagapag-ebanghelyo at pastor patungo sa mas batang ministro. Si Pablo ay hindi lubos ang tiwala na maipapasa ang pananampalataya sa pamamagitan lamang ng pangangaral. Ang bawat indibidwal ay kailangang sanayin sa pamamagitan ng espeyal na pagsisikap at maging handa na sanayin ang iba. Kung ang gayong pagsasanay ay hindi maisasakatuparan sa pamamagitan ng pangangaral sa kongregasyon, ang mga "matapat na kalalakihan" na ito ay kailangang sanayin ng paisa-isa o sa isang maliit ng grupo.
Maraming pagtuturo ang dapat gawin. Anong pastor ang mga oras para gawin ang lahat ng iyon, lalo na dahil hindi lahat ay handa para sa parehong pagtuturo ng sabay? Ngunit hindi sinabi sa Efeso 4:11 , "Nagbigay siya ng pastor" (isang tao lamang at isang gampanin lamang). Sa halip, mayroong iba’-ibang gampanin at maraming tao ang kinakailangan para sa mga tungkulin. Tinawag ng Dios ang mga tagapagturo, binigyan sila ng kakayahan na makapagturo, at ihinanda sila sa pamamagitan ng iglesia para sa ministeryo ng pagtuturo.
Ang unang layunin ng plano ni Jesus ay ang tawagin ang mga kalalakihan na maaaring magpatotoo tungkol sa kanyang buhay at ipasa sa kanila ang gawain pagkatapos niyang bumalik sa Amak.
- Robert Coleman, The Master’s Plan