Ang Pag-eebanghelyong naitala sa Kasaysayan: Ang mga halimbawa nina John Wycliffe at John Wesley
Si John Wycliffe ay isang pastor sa Inglatera. Nabuhay siya noong 1324-1384. Noong panahong iyon, ang Biblia ay hindi pamaaaring mabasa sa wika ng pangkaraniwang mamamayan. Ang mga tao ay kailangang dumepende kung ano ang itinuturo sa kanila ng Iglesia ng Romanong Katoliko. Karamihan sa mga mamamayan ay hindi alam ang ebanghelyo. Kahit ang ibang Katolikong pari ay hindi gaanong alam ang tungkol sa Biblia. Ang mga pari ay naglalakbay sa bansa at gumagawa ng mga relihiyosong ritwal at humihingi ng pera. Karamihan sa mga simbahan ay kinokontrol ng mga pari na hindi naman nangangaral ng tungkol sa ebanghelyo. Si Wycliffe at ang kanyang mga katuwang ay isinalin ang Biblia sa Ingles. Ang Paglilimpag sa pamamagitan ng mga makinarya ay wala pa noong mga panahong iyon, kaya kinokopya nila ang Banal na kasulatan sa pamamagitan ng sulat kamay. Naglalakbay sila ng magkapares at itinuturo ang Biblia sa mga grupo kahit saang lugar. Tinatawag sila ng mga tao na “mahihirap na pari” dahil hindi sila humihingi ng pera.
Ang mga pamamaraan ng pag-eebanghelyo ay dapat na ibagay sa mga kondisyon ng isang lipunan. Si Wycliffe at ang kanyang mga katuwang ay nagawa ang pangunahing bahagi ng pag-eebanghelyo; diretso nilang dinala ang mensahe ng Biblia sa mga tao.
Si John Wesley ay nabuhay sa Inglatera noong 1703-1791. Noong mga panahong iyon, Ang Anglican Church ay naging isang simbahan ng mga mayayaman na tao. Sila ay mahilig sa mga rituwal at hindi nagtuturo ng malinaw na ebanghelyo. Ang karamihan sa mga mahihirap na mamamayan ng bansa ay hindi tinatanggap sa mga simbahan at hindi alam ang ebanghelyo. Si Wesley ay isang paring Anglican, ngunit nais niyang dalin ang ebanghelyo sa mga tao. Isang umaga, nagpunta siya sa isang bukid kung saan maraming minero ng uling ang dumaraan papunta sa kanilang trabaho. Siya ay nangaral, at marami ang humihinto upang makinig. Pagkatapos nito, siya ay nangaral sa labas ng iglesia halos araw-araw hanggang sa kanyang huling buhay. Daan-daang tao ang nagbalik-loob dahil sa kanyang ministeryo.
► Anong uri ng misyonero ang natatandaan sa pagiging isa sa unang nagdala ng ebanghelyo sa inyong lugar?
Ang Pangangailangan na i-akma o gamitin ang Mga Pamamaraan
Noong 2003, may isang lalaki na naglalakbay sa Inglatera kasama ng kanyang pamilya at huminto sa isang parke upang magpahinga. Napansin niya ang isang baba na nakatayo sa isang burol sa parke. Ang babae ay may hawak na Biblia at nangangaral. Lumapit ang lalaki upang marinig niya ang sinasabi ng babae tungkol sa isang relihiyosong bagay. Napansin niya na mayroon itong isang kaibigang nakatayo sa malapit sa kanila, kaya tinanong niya ang kaibigan kung ano ang nangyayari. Sinabi ng kaibigan ng babae na, “Kami ay bahagi ng isang pangkat na nagpapatuloy ng tradisyon nang pangangaral sa labas katulad ng ginawa ni Wesley. Kadalasan, kami ay nagpupunta sa isang publikong lugar upang mangaral.” Gayunpaman, napansin ng lalaki na ang babae ay nakatayo sa isang lugar kung saan kokonti lamang ang mga taong dumadaan, kokonti lang ang nakakarinig sa kanya, at ang kanyang estilo ay hindi epektibo para makakuha ng atensyon ng mga tao sa labas. Sinusubukan ng babae na ipagpatuloy ang tradisyon, ngunit nawala na ang lahat ng orihinal na aspeto kung bakit epektibong ang ganoong pamamaraan.
Ang pamamaraan ay dapat na inaakma sa mga pangyayari. Kadalasan ay ipinapalagay ng mga tao na may isa lamang na paraan upang gawin ang pagbabahagi ng ebanghelyo, at nagpapatuloy sila sa isang pamamaraan na hindi na epektibo. Kadalasan ay iniisip ng mga tao na ang isang pamamaraan na epektibo sa isang lugar ay magiging epektibo din sa iba pang mga lugar, ngunit hindi iyon totoo.
Sa maraming lugar ang eglesia ay nangangaral sa pamamagitan ng pagpunta sa bahay-bahay at kumakatok sa mga pintuan ng mga taong hindi pa nila nakikilala. Maraming nagbalik-loob ang naging bunga ng pamamaraang ito, ngunit hindi ito magiging epektibo para sa lahat ng lugar.
Ang ilang iglesia ay bumili ng mga bus at nag-aalok sa mga tao na dalhin sila sa simbahan. Kapag Linggo ng Umaga, minamaneho nila ang bus sa buong lugar upang daanan ang taong kanilang nais na maabot ng ebanghelyo. Maraming tao ang nagbalik-loob sa pamamagitan ng “ministeryo sa pamamagitan ng bus,” ngunit ang pamamaraang iyon ay hindi gagana sa bawat lugar.
Maraming iglesia ang nag-eebanghelyo sa pamamagitan ng pangangaral tungkol sa ebanghelyo sa isang grupo ng tao na nagpupunta sa simbahang gusali kapag araw ng Linggo. Inaanyayahan nila ang mga tao na lumapit upang lumuhod sa altar at manalangin na maligtas. Daang-daang tao ang nagbalik-loob sa pamamagitan ng paraang ito, ngunit ang karamihan sa mga hindi ligtas ay hindi nagpupunta sa iglesia. Maraming tao ang hindi maririnig ang ebanghelyo maliban kung may magbahagi sa kanila nito ng personal sa isang pag-uusap.
Ang Apostol na si Pablo ay isang modelo ng pagpamit o pagaangkop ng pamamaraan sa pag-eebanghelyo. Maaari siyang mangaral sa mga simbahan ng mga Hudyo sapagkat siya ay isang kwalipikadong tagapagturo ng mga Hudyo, at ipinapaliwanag niya sa kanila na si Jesus ang Mesias. Nagsasalita din siya sa mga lugar kung saan nagtitipon ang mga tao upang maglahad ng mga pilosopiyang ideya. Minsan ay nangangaral siya sa mga pamilihan. Kadalasan, siya ay nagbabahagi ng ebanghelyo sa mga grupo na nasa tahanan.
Ang ilang mga Modernong Pamamaraan
Gumagamit ang mga tao ng iba’t ibang uri ng pamamaraan upang magsimula ng isang pag-uusap tungkol sa ebanghelyo. Ang ilang mga iglesia ay gumagamit ng mga katanungang ginagamit sa pagkalap ng impormasyon. Nag iikot-ikot sila sa buong kumonidad at nagtatanong ng mga ganito: “Ano sa palagay mo ang dapat ginagawa ng iglesia para sa kumonidad? Ano ang pinaka mahalagang paniniwala ng Kristiyanismo? Paano mo maipapaliwanag kung ano ang isang Kristiyano? Paano nagiging isang Kristiyano ang isang tao?” Matapos ng matiyagang pakikinig sa opinyon ng isang tao, maaaring tanungin ng isang Kristiyano, “Maaari ko bang sabihin sayo kung ano ang pinaniniwalaan namin sa sinasabi ng Biblia kung ano ang isang Kristiyano?”
Minsan ang mga nagbabahagi ng ebanghelyo sa isang pampublikong lugar ay nakakakuha ng pansin sa pamamagitan ng pagpipinta ng isang larawan o diagram na naglalarawan ng ebanghelyo. Ang iba naman ay gumuguhit gamit ang chalk. Minsan ang mga nagbabahagi ng ebanghelyo ay naglalagay ng makukulay na larawan sa isang pisara habang nagsasalaysay sila ng kwento mula sa Biblia. (Para sa halimbawa ng pamamaraang ito, tingnan ang mga websites sa http://www.oacgb.org.uk/ and http://www.oacusa.org/).
Ang ilang iglesia naman ay nag-aalok ng isang seminar patungkol sa mga praktikal na paksa na kinakailangan ng mga tao sa kanilang pamayanan. Ang paksa ay maaaring tungkol sa pag-aasawa, pagpapalaki ng kanilang mga anak, mga prinsipyo sa pagnenegosyo, kalusugan, o pagsasanay para sa ilang uri ng trabaho. Ang iglesia ay gumagawa ng isang bagay na mabuti kapag nakakatulong ito sa mga pangangailangan ng pamayanan. Ang iglesia ay may responsibilidad na ipakita kung paano naaangkop ang katotohanan sa Biblia sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang seminar ay maaaring hindi direktang nagpapahayag ng ebanghelyo, ngunit nagtuturo ito ng mga katotohanan na mula sa Biblia at bumubuo ng ugnayan sa pagitan ng iglesia at ng kumonidad.
Ang ilang iglesia ay nagtatayo ng isang pansamantalang prayer station sa isang pampublikong lugar kung saan maraming tao ang dumadaan. Naglalagay sila na isang karatula na may nakalagay na “Prayer Station” at nag-aalok na manalangin para sa mga taong dumaraan. Itinatanong nila, “Mayroon ka bang pangangailangan na nais mong ipanalangin ko?” Nagpapakita sila ng pagmamalasakit sa mga pangangailangan at hindi nagsisimula ng isang argumento. Kadalasan, ay nagkakaroon sila ng pagkakataong ibahagi ang ebanghelyo. (Para sa mga larawan at impormasyon, tingnan ang website sa).
Ang pinakamahalagang pangunahing elemento ng pamamaraan sa pagbabahagi ng ebanghelyo ay maipabahagi ito ng malinaw sa mga taong kailangang makarignit nito. Dahil ang Dios ang nagbibigay ng kapangyarihan sa kanyang Salita at ang Banal na Espiritu ang kumukumbinsi sa mga nakakarinig, ang isang paraan ng pagbabahagi ng ebanghelyo ay mas malamang na magiging epektibo kung ipapahayag nito ang ebanghelyo ng malinaw at direkta.
Ang hamon para sa mga iglesia sa bawat lugar at sa bawat oras ay makahanap ng isang paraan upang makuha ang atensyon ng mga tao at maipahayag ang ebanghelyo sa buong lipunan.
► Ano ang ilang mga paraang ginagawa ng mga iglesiasa inyong lungsod upang makatawag pansin ng mga tao? Ang mga pamamaraan bang ginagamit ay nagpapahayag ng tungkol sa ebanghelyo?
Pagbabahagi ng ebanghelyo sa mga Kaibigan
Ang pinaka-epektibong anyo ng pagbabahagi ng ebanghelyo ay kapag ang isang tao ay direktang nagpapaliwanag ng ebanghelyo sa isang taong nakakakilala at nagtitiwala sa kanya.
Ang isang Kristiyano ay dapat maging mas epektibo sa pagpapatotoo sa mga kaibigan at kakilala dahil nakikita nila ang mga halimbawa ng kanyang buhay. Kung ang kanyang halimbawa ay mabuti, mas malamang na igalanag nila ang kanyang patotoo. Mahalaga para sa isang Kristiyano na maipakita ang kanyang pananampalataya upang laging malaman ng mga tao na siya ay isang Kristiyano. Hindi siya dapat mahiya na makita ng mga tao na nagbabasa siya ng Biblia o kaya naman ay nananalangin. Ang mga taong nakakakilala sa kanya ay hindi dapat magtaka kapag nalaman nila na siya ay isang Kristiyano.
Ang isang Kristiyano ay maaaring iginagalang dahil sa kanyang halimbawa sa paaralan o trabaho kahit na ang mga taong hindi gusto ang Kristiyanismo. Kahit na ang mga taong umuusig sa kanya ay igagalang ang kanyang halimbawa kung siya ay paling naaayon sa tama ang kanyang mga aksyon at pag-uugali. Kaya ang ilang tao ay lumalapit sa kanya para sa panalangin at payo.
Mga Personal na Nakatagpo
Iniisip ng ilang tao na dapat nilang kialala na ng matagal ang isang tao bago sila magpatotoo sa kanya. Sinusubukan nilang maging isang kaibigan bago makipag-usap sa isang tao tungkol sa Dios. Totoo na ang isang tao ay mas malamang na makinig sa isang kaibigan. Gayunpaman, posible rin na agad magpakita ng taos-pusong pag-aalala at interes sa isang tao. Kung hindi natin matututunan kung paano ibabahagi ang ebanghelyo sa mga taong nakatagpo natin, malalagpasan natin ang maraming pagkakataon upang maging epektibo. Ang nakaraang aralin tungkol sa “Pagbubukas ng mga pintuan” ay nagbibigay ng mga pamamaraan ng pagsisimula ng mga pag-uusap para maibahagi ang ebanghelyo.
Sinabi ng isang lalaki, “Anumang oras na nag-iisa ako kasama ng isang tao nang ilang minuto, ginagamit ko ito bilang isang pulong na inayos ng Dios.” Ibig niyang sabihin ay naniniwala siya na ang Dios ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon matagpuan upang maibahagi ang ebanghelyo.
Ang Ebanghelyo na nakalimbag/naka-Print
Maaari kang gumawa ng isang bagay upang maipalaganap ang ebanghelyo na hindi kayang gawin ni Apostol Pablo.
Mayroon tayong isang paraan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo na hindi nagawa sa mga iglesia noong mga nakaraan siglo: ang mga impormasyon ay maaaring mai-pint/malimbag sa papel sa pamamagitan ng mga makinarya.
► Ano sa palagay mo ang kakaiba sa ministeryo bago magamit ang paglilimbag/pagpriprint?
Subukang isipin ang ministeryo sa mga panahong bago pa magkaroon ng pag-print. Ang bawat kopya ng isang libro ay nangangailangan ng maraming araw na pagtratrabaho ng isang edukadong tao dahil kailangan itong isulat ng kamay. Maaari mong isipin na ang mga libro ay mahal na, ngunit isipin ang pagbabayad para sa isang librong na pareho ng presyo ng bayad sa pag-arkila ng isang bihasang propesyonal para sa sampung araw na trabaho.
Halos walang sinuman ang may sariling kopya ng Banal na Kasulatan. Kahit na ang pastor ay maaaring hindi magkaroon ng kopya ng buong Biblia. Isipin kung paano na kung walang posibilidad na mabasa mo ang Biblia sa bahay.
Ang pagsasanay ng mga pastor ay kadalasang nagagawa sa pamamagitan ng pagsasalita, at kailangan nilang subukang alalahanin kung ano ang narinig nila.
Walang paraan upang magpadala ng nakalimbag na pagsasanay sa ibang mga lugar. Kung wala ang pag-priprint/paglilimbag, walang maisusulat at maipamamahagi sa isang malaking bilang.
► Ano ang ilang mga paraan na nakatulong ang paglilimbag/pag-priprint para sa pagpapalaganap ng ebanghelyo?
Ang mga tract ay maliit na nakalimbag na mga artikulo, kadalasang nagpapahayag ng patungkol sa ebanghelyo. Maaaring ibigay ng mga Kristiyano ang mga tracts sa mga taong kanilang nakakatagpo. Maaari rin sailang magbigay sa maraming tao sa isang pampublikong lugar. Maaari silang mamigay o mag-iwan sa mga lugar kung saan maaaring mabasa ito ng mga tao.
Kung ang isang tao ay hindi nakikibahagi sa pagbabahagi ng ebanghelyo sa mga estranghero, ang pagbibigay ng mga tract ay isang mabuting paraan upang magsimula.
Ang isang tract ay dapat makulay at magkaroon ng isang kagiliw-giliw na pamagat. Kapag namamahagi ng mga tract sa mga tao sa kalye o ilang pampublikong lugar, ngumiti at batiin sila. Maaari mong sabihin, “Kamusta, nakakuha ka na po ba ng isa sa mga ito?” Iyan ang nagbibigay sa kanila ng pagnanais na tingnan kung ano ito.
Maaring tila hindi interesado ang karamihan sa mga tao sa mga tracts na ibinibigay mo sa kanila. Maraming tao ang maaaring itapon ang mga ito nang hindi binabasa ang tracts. Gayunpaman, may mga magagandang resulta din naman. May mga taong nagbabalik-loob dahil sa mensahe ng isang tract. Kadalasan ay hindi mo malalaman ang bunga ng mga tracts na ibinigay mo.
Pagtugon sa mga Praktikal na Pangangailangan
[1]Minsan ay nag-aalala tungkol sa ilang mga praktikal na pangangailangan sa buhay. Ang mga ito ay nagkukulang sa pagkain o sapat na tirahan o pananalagang medikal. Nararamdaman nila na ang mga pangangailangan iyon ay mas higit na kailangan kaysa sa kanilang espirituwal na pangangailangan. Ang mga iglesia ay maaaring tumugon sa mga praktikal na pangangailangan bilang isang paraan upang maibahagi ang ebanghelyo. Ang potensyal na problema ay maging focus ang atensyon ng iglesia sa pagtutuon sa mga makamundong pangangailangan sa halip na pang-espirituwal na pangangailangan, katulad ng pokus ng mga taong hindi mananampalataya.
Ang iglesia ay dapat tumugon sa mga praktikal na pangangailangan ngunit dapat mapanatili ang ilang mga kasanayan na nagbibigay diin sa espirituwal na prayoridad.
Dapat nilang ipaliwanag na ibinabahagi nila ang pag-ibig ng Dios kapag natutugunan nila ang mga pangangailangan.
Dapat silang magtulungan bilang isang pamilyang mananmpalataya, sa halip na maging isang samahan na naiiba sa iglesia.
Dapat nilang anyayahan ang mga tao na makibahagi sa pakikipag-ugnayan sa iglesia kung saan ang mga tao ay nagmamalasakit sa isa’t-isa.
Dapat nilang ibahagi ang ebanghelyo, na nagtuturo na ang buhay na walang hanggan at mga biyaya ay nagmumula sa pagkakaroon ng kaugnayan sa Dios.
Maraming ministeryo ang nag-aalok ng mga programa na tumutugon sa mga materyal na pangangailangan. Inaabot nila ang mga pangangailangan ng komunidad hanggang sa abot ng kanila makakaya. Ang kanilang hangarin ay lumikha ng mga pagkakataong maibahagi ang ebanghelyo. Iniisip nila na sa kanilang pagtulong sa mga tao katulad ng pagtugon sa mga praktikal na pangangailangan ay makapaglalapit sa kanila upang maging kaibigan at makakuha ng atensyon para sa pagbabahagi ng ebanghelyo.The formula ay Programa, pagkatapos ay Relasyon, pagkatapos ay pagbabahagi ng Ebanghelyo.
Maraming posibleng dahilan kung bakit nagiging mali ang isang programa ng pagtulong. Ang pagtulong ay maaaring hindi makalikha ng relasyon maliban sa relasyon ng isang nagbibigay/ at tumatanggap. Kadalasan ang ebanghelyo ay tila nakahiwalay mula sa mga ibinigay na bagay, at ang mga tao ay maaaring makakuha ng tulong ngunit hindi nagiging interesado sa ebanghelyo. Kahit ang mga taong nakikibahagi sa gawain ng programa ay nagiging abala sa pagbibigay ng tulong at hindi nagbabahagi ng ebanghelyo.
Ang formula ay dapat na baligtarin. Dapat bigyang-diin ng iglesia ang ebanghelyo bilang unang pakikipag-egnayan sa lahat.
Kapag ibinahagi ng iglesia ang ebanghelyo sa mundo, dapat silang maging tapat na isama ang isang paglalarawan ng isang bagong buhay sa iglesia. Ang kaligtasan ay hindi lamang isang pang personal na bagay, o isang indibidwal na pagpapasya na nag-iiwan sa isang tao na mag-isa sa kawalan sa kanyang bagong buhay. Ang mga makasalanan ay pangkaraniwang hindi tinatanggap ang ebanghelyo maliban kung naakit sila sa pamayanan ng mga mananampalataya na nagbahagi ng ebanghelyo.
Sa ministeryo ni Jesus at ng mga apostol, nakita natin na ang ebanghelyo ay ang “mabuting balita” tungkol sa kaharian ng Dios. Ito ang mensahe na ang makasalanan ay maaaring mapatawad at magkaroon ng kaugnayan sa Dios. Siya ay naligtas mula sa kapangyarihan ng kasalanan at ginawang isang bagong nilalang. Siya ngayon ay napabilang na sa pamilya ng mga mananampalataya kung saan ang kanyang mga kapatid sa pananampalataya ay hinihikayat siya ay tinutulungan siya sa kanyang mga pangangailangan.
Dapat makita ng iglesia ang pangunahing misyon nito na maipahayag ang ebanghelyo. Ang iglesia ay dapat na kumilos ng tuloy-tuloy ayon sa kanyang layunin. Ang bawat isa ay dapat malaman na ang tungkulin ng iglesia ay ang pakikibahagi sa pag-eebanghelyo para sa kaligtasan ng kaluluwa. Pagkatapos, ang iglesia ay maaakit ang mga tamang tao. Naaakit nito ang mga taong interesado sa ebanghelyo. Ang mga taong ito ay nakikipag-ugnayan sa iglesia, kaya ang ministeryo ng pag-eebanghelyo ay lumilikha ng isang relasyon.
Kung gayon, tinutulungan nito ang mga taong may kaugnayan sa iglesia.Marahil ay hindi lahat ng taong iyon ay ligtas na, ngunit mayroon silang kaugnayan at naaakit ng ministeryo ng pag-eebanghelyo ng iglesia.
Kaya, ang baligtad na formula ay Ebanghelyo, pagkatapos ay Relasyon, pagkatapos ay tulong (hindi isang programa). Ang iglesia ay hindi dapat maging isang samahan lamang na nag-aalok ng mga programang tulong. Sa halip, ang iglesia ay isang pangkat ng tao na tumutulong sa mga taong may kaugnayan sa kanila. Kapag nagsimula sila ng mga programa, ang mga tao ay darating lamang para makilahok sa programa ng walang relasyon.
Ang mga misyonero sa India, Uganda, at iba pang mga lugar ay inakusahan ng “pagbili” ng mga nagbabalik-loob sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pera, pagkain, tulong sa edukasyon, at mga serbisyong medikal, o ayon sa iba pang mga uri ng tulong.
- J. Herbert Kane,
“The Work of Evangelism”
Takdang Aralin
Obserbahan ang mga pamamaraan para sa pagbabahagi ng ebanghelyo na ginagamit ng mga iglesia sa inyong lugar. Matagumpay ba ang mga pamamaraan sa pagkuha ng atensyon ng mga tao sa labas ng iglesia? Malinaw ba nilang ipinapaalam ang ebanghelyo? Sumulat ng 2-3 pahina ng iyong mga obserbasyon.
Mamahagi ng hindi bababa sa 100 na mga tracts. Magsulat ng ilang mga pangungusap na naglalarawan ng iyong karanasan.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.