Biblikal na Pag-eebanghelyo at Pagdidisipulo
Biblikal na Pag-eebanghelyo at Pagdidisipulo
Audio Course Purchase

Search Course

Type at least 3 characters to search

Search through all lessons and sections in this course

Searching...

No results found

No matches for ""

Try different keywords or check your spelling

results found

Lesson 9: Ang “Tulay” bilang Pagbabahagi ng Ebanghelyo

8 min read

by Stephen Gibson


Panimula

Paalala sa Tagapanguna ng Klase: Sa simula ng sensyon na ito, dapat i-ulat ng mag-aaral ang kanilang karanasan sa pagbabahagi ng ebanghelyo sa paraang natutunan nila sa nakaraang leksiyon. Alalahanin na dapat hikayatin ng bawat mag-aaral ang bawat isa. Ang bawat mag-aaral na nagbahagi ng ebanghelyo ay nagawa ang isang bagay na mahalaga, kahit na ang tagapakinig ay hindi nagpakita ng isang positibong tugon.

Bilang paghahanda para sa leksiyong ito, dapat siguraduhin ng tagapanguna ng klase na mayroong isang pisara, whiteboard, o isang malaking papel para sa pagpapakita ng diagram sa klase.

“Ipinapahayag namin sa inyo ang aming nakita at narinig, upang makasama kayo sa aming pakiisa sa Ama at sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo”
(1 Juan 1:3).

Ano ang dahilan ng ibinigay ng apostol sa pagbabahagi ng ebanghelyo?

Naranasan natin ang kahulugan ng makatagpo natin ang Dios at maligtas, at magsimula ng isang relasyong may kaugnayan sa Kanya. Tayo din ay may espesyal na relasyon sa mga taong may relasyon sa Dios. Kapag tayo ay nagbabahagi ng ebanghelyo, inaanyayahan natin ang iba na makasama sa pakikipag-ugnayang mayroon tayo sa Dios at sa iba pang taong may pakikipag-ugnayan sa ating Dios.