Lesson 19: Pagdidisipulo: Pananalangin at Pagsasagawa Nito
6 min read
by Stephen Gibson
Paalala sa Tagapanguna ng Klase:
Sa huling araling ito, pag-aaralan ng grupo kung paanong ang mga panalangin ni Pablo para sa mga mananampalataya ay gumagabay sa ating pananalangin at ministeryo.
Pagkakatapos, ipinakikilala ng leksiyon ang serye ng mga leksiyon para sa pagdidisipulo. Dapat tingnan ng klase ang ilan sa mga leksiyong iyon habang pinag-aaralan ang leksiyong ito, at pagplanuhan kung paano tutuparin ang takdang aralin ng pagsasagawa nito.
Kinakailangang magkita ang grupo nang higit pa sa isang beses lang upang tuparin ang takdang araling ito
Pagsasagawa/Pagsasanay: Ang mga mag-aaral na nakatapos na ng leksiyon para sa kursong Pag-eebanghelyo at Pagdidisipulo ay dapat pagsanayan ang mga leksiyong ito sa mga bagong nagbalik-loob. Una, may isang dapat ipakita kung paano ituturo ang leksiyon sa pamamagitan ng pagtuturo ng isa sa grupo. Pagkatapos, ang bawat miyembro ng klase ay dapat magsanay ng pagtuturo ng kahit man lang isang leksiyon. Pagkatapos makita ng grupo kung paano ipakita ang isang leksiyon, maaari nilang hati-hatiin sa mas maliliit na grupo upang mas marami ang sabay-sabay na makapagsasanay sa pangunguna. Sa grupo na may apat na tao, ang bawat miyembro ay maaaring manguna sa isang leksyon at obserbahan ang tatlong iba pa sa grupo habang sila’y isa-isang nangunguna sa leksiyon.
Pananalangin ng Panalangin ni Pablo Para sa Mga Mananampalataya
Sinasabi ng panalangin ni Pablo para sa mga bagong mananampalataya kung ano ang kinakailangang mangyari sa isang bagong Kristiyano. Ang mga panalanging ito ang gagabay sa atin sa pananalangin para sa mga batang Kristiyano dahil dapat nating ipanalangin ang parehong mga bagay na ipinanalangin ni Pablo para sa kanila. Gumagabay din ang mga panalanging ito sa ating mga ministeryo dahil dapat tayong makipagtulungan sa ginagawa ng Dios para sa kanila.
Tingnan natin ang mga panalangin ni Pablo para sa tatlong magkakaibang grupo.
Ang Mga Taga-Tesalonica
Basahin ang 1 Tesalonica 5:23-24.
Ang unang sulat sa mga taga-Tesalonica ay tumatawag para sa kabanalan. Ang bawat mananampalataya ay tinawag upang mamuhay nang matagumpay at may kadalisayan, at ipinapangako ng Dios na ito ay posible sa pamamagitan ng pananampalataya. Dapat tayong manalangin at magturo na may layuning akayin ang bawat mananampalataya sa tagumpay at kadalisayan.
Ang Mga Taga Filipos
Basahin ang Filipos 1:9-11.
Sinasabi ng mga talatang ito ang tungkol sa nagpapatuloy na proseso sa buhay ng isang mananampalataya. Ang kanyang pag-ibig ay dapat nagpapatuloy sa paglago. Habang nangyayari ito, ang kanyang kakayahang malaman kung ano ang pinakamabuti ay dapat ding lumakas. Habang nauunawaan niya ang mga bagay, iniaangkop niya ang kanyang buhay upang ituon sa pinakamabuti. Dapat nangyayari ito upang siya ay maging dalisay (sinsero) at walang nasasaktan.
Ang mga taong sinulatan ni Pablo sa mga talatang ito ay matagal nang mga Kristiyano. Gayunman, idinadalangin ni Pablo na sila magpatuloy sa pagpapalago sa kanilang pag-ibig sa Dios, at , sa pag-ibig na iyon, mas higit na mauunawaan ang kalooban ng Dios para sa kanila.
Narito ang ilang mga tanong na dapat pag-isipan ng isang bagong mananampalataya:
Ano ang isang halimbawa ng pagbabago na ginawa ko sa aking buhay nang ipakita sa akin ng Dios na ang aking saloobin, pag-uugali, o pagkilos ay hindi ang pinakamabuti.
Mayroon bang anumang bagay sa aking buhay na mayroon akong pangamba?
Payag ba akong hayaang ipakita sa akin ng Dios sa panalangin ang anumang pagbabago na dapat kong gawin.
Ang Mga Taga-Colosas
Basahin ang Colosas 1:9-12.
Ipinanalangin niya na nawa’y tumanggap ng kaalaman tungkol sa kalooban ng Dios, sa karunungan at espirituwal na pagkaunawa. Hindi pa nauunawaan ng isang bagong nagbalik-loob ang lahat ng tungkol sa kalooban ng Dios para sa kanyang paraan ng pamumuhay. Unti-unti makikita niya na may mga kaugalian, pagsasalita at mga saloobin sa kanyang buhay na dapat magbago. Dahil mahal niya ang Dios, unti unti niyang iaayon ang kanyang buhay sa kalooban ng Dios. Ang nagdidisipulo ay dapat nananalangin at maingat na nagtuturo sa batang Kristiyano upang kilalanin ang kalooban ng Dios.
Sinabi niya na sila, bilang resulta ng mas mabuting pagkaunawa sa kalooban ng Dios ay, “magkakaroon ng paglakad na karapat-dapat sa Panginoon.” Sila ay magiging mas angkop na mga kinatawan ng Dios. Ang kanilang mga buhay ay magiging mas angkop sa kanilang pagpapahayag na sila’y binago ng biyaya. Ang dapat tandaan ng nagdidisipulo ay hanggang ang prosesong ito ay nagpapatuloy ng ilang panahon, may mga pagsasalungatan na lilitaw sa buhay ng batang Kristiyano.
Isang bahagi ng “paglakad [na] karapat-dapat” ay may kasamang “pagiging mabunga sa bawat mabuting gawa.” Hindi tayo dapat magulat kapag ang isang batang Kristiyano ay hindi pa mabunga sa bawat mabubuting gawa. Maaaring hindi pa siya talagang responsable at may kamulatan sa tungkuling dapat.
Sinasabi rin ng mga talata sa atin na maaari tayong magkaroon ng “tiyaga at pagtitiis nang may kaligayahan.” Ang taong nakapagpapanatili ng kaligayahang Kristiyano habang siya’y naglilingkod at nagtitiis ay tumanggap ng espirituwal na maturity.
Pagwawakas Tungkol sa Mga Panalangin ni Pablo
Maraming sinasabi sa atin ang mga panalangin ni Pablo para sa mga batang Kristiyano tungkol sa gawain ng pagdidisipulo. Dapat tayong magkaroon ng wastong layunin para sa pagpapaunlad ng mga mananampalataya. Dapat kilalanin natin ang mga pag-unlad. Hindi tayo dapat magulat pag nakakita ng mga pagsasalungatan, di-pagkakaunawaan, at pagiging iresponsble ng isang batang Kristiyano. Hindi natin dapat asahan na ang lahat ng katangiang kristiyano ay lilitaw agad.
Dapat nating pansinin na hindi pinakamahalaga kay Pablo ang tungkol sa kanilang pagsasanay sa ministeryo o pagpapaunlad sa kanilang mga kakayahan sa ministeryo. Mas pinahahalagahan niya ang pagpapaunlad sa kanilang pananampalataya at karakter na Kristiyano. Hindi tayo dapat masiyahan sa mga taong makagagawa ng mga gawaing pangministeryo subali’t nagkukulang naman sa karakter na Kristiyano.
Ang guro ay mahalaga dahil sa kanyang halimbawa at dahil sa halaga ng impormasyon. Binibigyang-diin ang pagkatuto sa dalawa sa mga panalangin sa itaas. Ang kaalaman ay kabilang sa prosesong espirituwal. May malaking epekto ang guro sa pamamagitan ng kanyang paggamit ng katotohanan.
Dapat nating ipanalangin ang panalangin ni Pablo para sa mga batang Kristiyano na ating naiimpluwensiyahan. Dapat tayong makipagtulungan sa Banal na Espiritu upang mangyari ang mga prosesong ito sa kanilang buhay.
Ang sumusunod na panalangin ay batay sa panalangin ni Pablo para sa mga bagong Kristiyano.
Isang Panalangin Para Sa Isang Batang Kristiyano
Ama namin sa Langit,
Idindalangin ko po si ___________ na lubos mo siyang pababanalin. Dalangin ko na siya’y maging banal sa kanyang mga kilos, saloobin at mga motibo.
Tulungan mo po na patuloy na lumago ang kanyang pag-ibig sa iyo, upang mas higit niyang maunawaan kung ano ang iyong perpektong kalooban para sa kanya. Tulungan mo po siya na mabatid kung ano ang pinakamabuti at laging ito ang kanyang piliin, upang ang kanyang buhay ay mamunga para sa iyong kaluwalhatian.
Tulungan mo po siyang mamuhay kung paano dapat mamuhay ang isang Kristiyano, binibigyang kasiyahan ka sa lahat ng bagay, at matututo pa ng higit tungkol sa iyong landas. Tulungan po ninyo siya na kumuha ng lakas mula sa iyo, upang makapamuhay siya nang matagumpay at magtiis ng mga pagsubok nang may kagalakan. Lagi nawa siyang magpasalamat para sa biyayang ibinibigay mo.
Ito po ang dalangin ko,
Sa Pangalan ni Jesus
Amen
Print Course
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.