Para sa bawat punto, ipabasa sa isang tao ang Banal na Kasulatan na ginamit na reperensiya, pagkatapos ay ipabasa ang paliwanag ng puntong iyon. Hayaan ang klase na maikling talakayin ang bawat tanong sa talakayan.
Ang mga sumusunod na puntos ay mahalaga sa ebanghelyo. Posible para sa isang tao na maligtas kahit na hindi niya lubusang nauunawaan ang mga ito. Gayunpaman, ang hindi pagtanggap sa alinman sa mga puntong ito ay nag-aalis sa pundasyon ng ebanghelyo. Ang isang tao o samahan na hindi tinatanggap ang alinman sa mga mahahalagang katotohanang ito ay may posibilidad na makabuo ng ibang ebanghelyo, at magkaroon ng tiwala sa maling paraan ng kaligtasan.
Kapag ibinabahagi mo ang ebanghelyo sa isang tao, ang ilang mga puntos ay magiging lalong mahalaga dahil sa mga pagkakamali na pinaniniwalaan na niya. Halimbawa, kung siya ay naniniwala na ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ng isang tiyak na samahan, paniniwalaan niya na ang pagiging isang miyembro ng isang samahan ay kinakailangan para sa kaligtasan. Kailangan niyang malaman na ang isang tao ay nakatanggap ng kapatawaran at nagkakaroon din ng direktang kaugnayan sa Dios.
(1) Nilikha ng Dios ang sangkatauhan ayon sa kanyang wangis upang magkaroon ng kaugnayan ang Dios at tao (Genesis 1:27, Gawa 17:24-28).
Ang katotohanang ito ay nagpapakita ng layunin kung bakit tayo nalikha at ang layunin ng kaligtasan. Ang katotohanang ito ay sinasalungat ng mga relihiyong hindi naniniwala sa isang Dios na mayroong personalidad. Ang katotohanang ito ay nagpapakita ng totoong problema sa mundo; ang mga tao ay walang kaugnayan sa Dios.
► Paano kung ang isang tao ay hindi naniniwala na mahal siya ng Dios?
(2) Ang unang tao ay nagkasala at napahiwalay sa Dios (Genesis 3:3-6).
Ipinapakita nito ang pinagmulan ng kasalanan at ang tunay na dahilan sa kalagayan ng mundo. Ang mundo ay isang lugar ng pagdurusa at kalungkutan dahil sa kasalanan. May kagalakan pa din at layunin dahil sa disenyo ng Dios, ngunit ang mundo ay hindi naging katulad ng nasa plano ng Dios.
► Paano kung ang isang tao ay hindi naniniwala na ang kasalanan ang tunay na problema sa mundo?
(3) Ang bawat isa sa atin ay ipinanganak ng walang kaugnayan sa Dios at nakagawa ng kasalanan laban sa Dios (Roma 3:10, 23).
Ang bawat tao ay napatunayang tunay na nagkasala laban sa Dios. Walang sinumang tao ang palaging gumagawa ng tama.
► Paano kung iniisip ng isang tao na maaari niyang bigyang-katwiran ang mga bagay na kanyang nagawa?
(4) Ang bawat makasalanan na hindi nakakakita ng awa ay huhusgahan ng Dios at mapaparusahan sa walang hanggang kaparusahan (Hebreo 9:27, Roma 14:12, Pahayag 20:12).
Ipinapakita nito ang kaseryosohan at pagmamadali na matugunan ang pangangailangan ng makasalanan na magkaroon ng kaligtasan.
► Paano kung ang isang tao ay hindi naniniwala na mayroong matuwid na Dios na nagagalit sa kanyang mga kasalanan?
(5) Walang magagawa ang isang tao upang mabayaran ang mga kasalanan na nagawa niya laban sa Dios (Roma 3:20, Efeso 2:4-9).
Ang mabubuting gawa at mga regalo ay hindi maaaring ipambayad para sa kasalanan, dahil ang kasalanan ay laban sa isang walang-hasnggang Dios at ang lahat ay pagmamay-ari niya.
► Paano kung ang isang tao ay naniniwala na dapat niyang gawing karapat-dapat ang kanyang sarili para sa kapatawaran?
(6) Dapat magkaroon ng isang batayan para sa kapatawaran, sapagkat ang kasalanan ay hindi binabalewala ng Dios dahil siya ay makatarungan (Roma 3:25-26).
Nais ng Dios na magpatawad;ngunit, kung siya ay nagpatawad ng walang batayan, ang kasalanan ay magiging walang halaga, at ang Dios ay tila hindi makatarungan.
► Bakit kinakailangan ang pagkamatay ni Cristo?
(7) Si Jesus, ang Anak ng Dios, na nabuhay ng walang kasalanan at namatay bilang isang handog upang mapatawad ang ating mga kasalanan (Juan 3:16, Roma 5:8-9).
Dahil si Jesus ang Anak ng Dios, ang kanyang pagiging handog ay walang hanggan ang halaga at nagbibigay ng isang batayan para sa kapatawaran ng sinuman sa mundo. Kung siya ay tao lamang, ang kanyang pagiging handog ay may limitadong halaga lamang. Ang dugo ni Jesus ay kumakatawan sa kanyang buhay na ibinigay para sa atin. Kung wala ang kanyang dugo ay wala rin kaligtasan (Hebreo 9:22). Kung hindi siya Dios, hindi niya tayo lubusang maililigtas; at tayo ay walang pag-asa, at maghahanap ng ibang paraan ng kaligtasan.
► Bakit iniisip ng ilang mga relihiyon na dapat maligtas ang isang tao sa pamamagitan ng mga gawa?
(8) Si Jesus ay pisikal na bumangon mula sa mga patay, na nagpapatunay ng kanyang pagkakakilanlan bilang Anak ng Dios at ipinapakita ang kanyang kapangyarihan na magbigay ng buhay na walang hanggan (Juan 20:24-28, Pahayag 1:18).
Hindi tinatanggap ng mga kulto ang muling pagkabuhay ni Jesus at kadalasan ay hindi rin tinatanggap ang kanyang pagka-Dios at ang kasapatan ng pagiging handog niya para sa kaligtasan. Pagkatapos, nag-iimbento sila ng ibang paraan upang magkaroon ng kaligtasan.
► Ano ang mga bagay na nalaman natin dahil sa muling pagkabuhay ni Cristo mula sa mga patay?
(9) Ang pagiging handog ni Jesus ay sapat para sa kapatawaran ng lahat ng kasalanan (1 Juan 1:9, 2:2).
Kung hindi tinatanggap ng isang tao ang katotohanang ito, paniniwalaan niya ang isang ebanghelyo sa pamamagitan ng gawa. Maraming relihiyon ang naniniwala sa isang mensahe kung paano makakapag-ambag ng konti ang tao para magkaroon siya ng kaligtasan. Ito ang naglalagay sa tao sa ilalim ng isang relihiyosong samahan na nagsasabi sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin upang maligtas.
► Bakit naiisip ng ilang tao na hindi sila maliligtas kung wala ang kanilang relihiyosong samahan?
(10) Pinatawad ng Dios ang bawat taong umamin na siya ay isang makasalanan, nagsisi sa kanyang kasalanan, at naniniwala sa pagpapatawad na ipinagako ng Dios (Marcos 1:15, 1 Juan 1:9).
Walang kahit anong samahan ng tao ang may karapatang magdagdag sa mga kinakailangan para magkaroon ng kaligtasan o mag-alok ng ibang paraan ng kaligtasan.
► Anong uri ng tao ang may karapatang paniwalaang siya ay ligtas?
(11) Ang pagsisisi ay nangangahulugan na ang isang tao ay humihingi ng tawad sa kanyang mga kasalanan at handang tigilan ang kanyang mga kasalanan (Isaias 55:7; Ezekiel 18:30, 33:9-16; Mateo 3:8).
Ang pagsisisi ay hindi nangangahulugan na dapat gawing perpekto ng isang tao ang kanyang buhay bago siya tanggapin ng Dios; tanging ang Dios lamang ang makapagliligtas sa makasalanan mula sa kapangyarihan ng kanyang kasalanan. Ang pagsisisi ay nangangahulugan na ang isang tao ay humihingi ng tawad para sa kanyang mga kasalanan at handa siyang tigilan ang mga ito. Kung ang isang tao ay hindi sang-ayon na tigilan ang kanyang mga kasalanan, hindi siya maaaring maligtas. Kung ang isang tao ay nananatiling namumuhay sa sinasadyang kasalanan, hindi pa siya naligtas.
► Bakit kailangan ang pagsisisi?
(12) Ang isang nagsisisi, ay naniniwala na tumanggap ng kapatawaran ang makasalanan kapag nananalangin siya sa Dios at humihiling sa Dios na patawarin siya (Roma 10:13, Gawa 2:21).
Ang bawat tao ay maaaring makalapit sa awa ng Dios dahil kay Jesus. Walang institusyon o taong tagapamagitan ang kinakailangan para matanggap ng isang tao ang kapatawaran ng Dios. Tinatanggap ito ng isang tao ng personal at nagsisimula ng isang direktang kaugnayan sa Dios.
► Paano natin malalaman na ang isang tao ay maaaring maging isang Kristiyano sa isang sandaling panahon?
Takdang Aralin
Takdang Aralin A: Sa ilang mga talata, ilarawan kung paano naging mahalaga sa iyo ang isa o dalawa mula sa mga puntong ito sa panahon ng iyong pagbabalik-loob.
Takdang Aralin B: Pumili ng isang kulto o hindi-Kristiyanong relihiyon upang saliksikin. Sa 2-3 na pahina, ipaliwanag kung paano nila tinatanggihan ang ilan sa mga mahahalagang punto ng ebanghelyo. Ilarawan ang mga maling ebanghelyo na kanilang ipinapangaral at ipakita kung paano ito nakabatay sa maling doktrina. Ipaliwanag kung paano mo sila bibigyan ng katibayan mula sa banal na kasulatan para sa katotohanan.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.