Ang isang ebanghelikal iglesya ay isang iglesya na nagtuturo ng kaligtasan mula sa ebanghelyo ng banal na kasulatan, kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya lamang at sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. Walang mabuting gawain ng sangkatauhan ang makapagdadagdag sa pagbabayad-sala ni Cristo upang makatulong sa atin na maging karapat-dapat sa kaligtasan.
Ang pagpapahayag ng totoong ebanghelyo ay ang prayoridad ng isang ebanghelikal na iglesia sapagkat alam ng mga taong naniniwala sa ebanghelyo na mas mahalaga ang ebanghelyo kaysa sa anupamang bagay.
Ang ebanghelyo ay ang espesyal na kayamanan na ipinagkatiwala ng Dios sa iglesia kung saan ninais nitong ibahagi ito sa mundo.
Mayroong ilang mga katangian na tipikal sa karamihan ng mga ebanghelikong iglesya. Ang mga katangiang ito ay inilista sa mga sumusunod na ilang mga maiigsing talata.
(1) Ang mga Evangelicals/Ebangheliko ay naniniwala sa ganap na awtoridad ng Biblia.
Ang hindi pagtanggap sa awtoridad ng Biblia ay ginagawang kaduda-duda ang ebanghelyo.
(2) Ang mga Evangelicals/Ebangheliko ay naniniwala sa mga kasaysayan, na mga pundasyong doktrina ng Kristiyanismo.
Ang hindi pagtanggap sa mga doktrina ay magiging parang pagsalungat sa ebanghelyo. Halimbawa, hindi tinatanggap ng mga kulto ang pagka-Dios ni Cristo at hindi rin tinatanggap na sapat ang kanyang pagbabayad-sala para sa kaligtasan, at sa halip, sila ay nagtuturo ng isang ebanghelyo ng kaligtasan sa pamamagitan ng mga gawa.
(3) Binibigyang diin ng mga Evangelical/Ebanghelikong iglesia ang pansariling espirituwal na karanasan.
Ang katangiang ito ay umiiral dahil naniniwala sila sa indibidwal na pagbabalik-loob at pananampalataya. Dahil sa paniniwalang ito, binibigyang diin ng mga evangelicals/ebangheliko ang pag-eebanghelyo sa mga hindi pa mananampalataya at pagpagpapalagong espirituwal ng mga mananampalataya.
► Paano ipinapakita ng inyong iglesia ang mga katangiang ito? Mayroon bang iba pang mga katangian na nagpapakita na ang ebanghelyo ang kanilang prayoridad?
Ang Sentralidad ng Ebanghelyo
Ang ebanghelyo ang nagbibigay ng misyon sa iglesia. Ang iglesia na hindi ginagawang prayoridad ang ebanghelyo ay nakalimot na sa misyon na ibinigay ng Dios.
► Pinag-aralan natin ang Dakilang Komisyon na ibinigay sa Mateo 28:18-20. Ano ang pangunahing misyon ng iglesia?
Ang ebanghelyo ay lumilikha ng iglesia kung saanman ito ipinapangaral. Sa buong kasaysayan ang tunay na iglesia ay matatagpuan kung saan ipinapangaral ang ebanghelyo. Ang pamana ng iglesia mula pa noong panahon ng mga apostol ay hindi natagpuan sa pagpapatuloy ng mga institusyon, ngunit sa pagpapatuloy ng tapat na pangangaral ng ebanghelyo.
[1]Ang lahat ng institusyon na nilikha ng iglesia ay dapat maglingkod/gawin ang priyoridad ng ebanghelyo. Halimbawa, ang isang programa para sa mga nagsasanay na pastor ay dapat maghanda sa mga ito upang pamunuan ang iglesia sa pagtupad ng misyon ng pagbabahagi ng ebanghelyo at pagdidisipulo.
Ang mga institusyon ay may posibilidad na magkaroon ng kanilang sariling pagnanais at makalimutan ang orihinal na misyon. Ang pagpapanumbalik muli ng pagpapahalaga sa ebanghelyo ay palaging nagdudulot ng reporma/muling-pagbabago ng mga institusyon.
Ang iglesia ay nakakabuo ng mga tradisyon patungkol sa mga paniniwala, mga iba’t-ibang uri ng pagsamba, pamumuhay bilang Kristiyano, at patakaran ng iglesia; ngunit ang pagpapanumbalik muli ng diin/pagpapahalaga sa ebanghelyo ay nagdudulot ng reporma/muling-pagbabago ng tradisyon.
Mayroong direktang koneksyon sa pagitan ng pagiging Panginoon ni Cristo at ng misyon ng iglesia sa buong muindo. Ito ay malinaw na makikita mula sa mga talata sa Mateo patungkol sa Dakilang Komisyon. Ito ay tiyak dahil ang lahat ng awtoridad sa langit at sa lupa ay ibinigay ng Dios Ama sa Dios Anak upang ang iglesia ay magkaroon ng responsibilidad na gawing taga-sunod ni Cristo ang lahat ng bansa.
- J. Herbert Kane,
“The Work of Evangelism”
Mga halimbawa ng Pagkawala ng Priyoridad sa Ebanghelyo
(1) Institusyonalismo
Habang kumikilos ang iglesia sa pagtupad ng misyon ng pag-eebanghelyo, mahalaga na gumawa ng mga plano, bumuo ng mga grupo, bumuo ng mga programa, at makahanap ng suporta. Ang mga iglesia ay bumubuo ng mga institusyon upang magawa ang mga praktikal na layunin. Kadalasan, ang mga institusyon ay nabubuo sa mga panahon ng espirituwal na pagkabuhay kung saan ang mga tao ay buo ang loob sa pagsunod at ang iglesia ay nahihikayat na magawa ang misyon nito.
Ang mga Institusyon ay kinakailangan. Ang institusyon sa simpleng salita ay ang pang-matagalang samahan ng mga tao at mga yaman. Kung walang institusyon, hindi magkakaroon ng mga gusali ang iglesia, walang mga misyon sa banyaga, walang paglalathala ng mga Biblia o anumang ibapang literatura, walang mga paaralang Kristiyano o programang pang-edukasyon, at walang suportang pinansyal para sa ministeryo. Kahit ang lokal na iglesya ay masasabing isang institusyong iiral lamang kung ang isang grupo ng mga tao ay maging buong-puso sa paggawa nito.
Kung ang isang institusyon ay matagumpay, maaari itong maging malaki, maraming tao at isang malaking badyet. Upang mapanatili ang isang institusyong ito ay nangangailangan ng maraming pagsisikap at gastos. Kadalasan ang mga taong gumagawa o kumikilos sa isang institusyon ay nagsisimulang makaramdam na ang pagbuo ng isang institusyon ay ang pangunahing layunin. Sa kanilang palagay ang kanilang dapat gawin ay mapanatili ang institusyon sa halip na tuparin ang orihinal na misyon ng institusyon.
Bagaman ang institusyon ay kinakailangan, dapat nilang suriin ng madalas ang kanilang mga sarili at hayaan na muli silang baguhin sa pamamagitan ng prayoridad ng ebanghelyo.
(2) Relihiyon bilang isang Negosyo
Dahil ang ministeryo ay may potensyal na kumita ng pera/salapi, may mga tao na nagsisimula ng mga ministeryo bilang isang negosyo. Hindi mali para sa isang ministeryo na magbenta ng mga bagay upang makatulong sa mga gastusin sa ministeryo, at hindi rin mali para sa isang ministeryo na maghanap ng mga suportang pinansyal. Gayunpaman, kung ang isang tao ay mas nahihikayat na kumita ng salapi kaysa sa prayoridad ng ebanghelyo, hindi tama ang kanyang puso at hindi nakalululugod sa Dios ang kanyang mga ginagawa (1 Pedro 5:1-2, 2 Pedro 2:3).
Si Simon ay isang taong nagnais ng isang espirituwal na kaloob upang magkaroon siya ng katayuan at kumita ng salapi, ngunit sinabi sa kanya ng apostol na hindi tama ang kanyang puso (Gawa 8:18-23).
► Ano ang mali sa sitwasyon ng isang pastor na sinusubukang ibenta ang kanyang iglesya? Ano ang mali sa kanyang pagkakaunawa kung ano ang iglesya?
(3) Syncretism
Ang Syncretism ay ang pinaghalong Kristiyanismo at mga magkasalungat na mga paniniwala at mga kaugalian mula sa ibang relihiyon. Ang isang halimbawa ng syncretism mula sa panahon ng Bagong Tipan ay ang relihiyon ng mga Samaritano. Ang mga dayuhang sumasamba sa mga dios-diosan ay lumipat sa lupaing teritoryo ng Israel at pagkatapos ay pinaghalo ang relihiyon ng Israel sa kanilang pagsamba sa mga dios-diosan. Kaya sinabi ni Jesus na hindi kilala ng mga Samaritano ang kanilang sinasamba (Juan 4:22).
Ang isa pang halimbawa ng syncretism ay mula sa kasaysayan ng Haiti. Noong ang Haiti ay naging isang kolonya ng Pransya, ang mga alipin mula sa Africa ay kinailangang mag-convert sa Kristiyanismo. Pinaghalo nila ang kanilang dating mga relihiyon na Romanong Katolisismo. Maraming mga Haitians/Haitiano ay patuloy na nagsasagawa ng Voodoo, na isang pagsamba sa mga espiritu, ngunit gumagamit ng mga simbolong pang Kristiyano at mga pangalan ng mga Apostol.
Minsan ang syncretism ay nagaganap dahil ang Kritiyanismo ay nauugnay sa isang bansang nasasakupan ng iba pang bansa. Kinakailangang malugod ng mga tao ang mas nakakahigit na bansa, kaya tinatanggap nila ang mga relihiyosong kaugalian ngunit pinapanatili ang kanilang mga orihinal na paniniwala.
► Anong mga halimbawa pa ng pinaghalong Kristiyanismo at iba pang relihiyon ang iyong nakikita?
Ang mga makamundong motibo ay maaaring magdulot ng syncretism. Kung iniisip ng mga tao na ang pagtanggap sa ebanghelyo ay magbibigay sa kanila ng benepisyong pinansyal, impluwensyang pampulitika, o kaya ay pabor mula sa mga maimpluwensyang tao, maaari nilang tanggapin ang katangian ng Kristiyanismo ng hindi talaga tunay na nagbabalik-lobb. Pagkatapos, ay patuloy silang sumusunod sa kanilang mga lumang paniniwala at kaugalian ngunit tinatawag nila ang kanilang sarili na Kristiyano. Mas mainam kapag ang isang iglesia ay maaaring mag-ebanghelyo ng walang iniaalok na bagay na maaaring magiging dahilan para tumugon ang mga tao ng may maling motibo.
Ang Kristiyanismo ay parang isang banyagang relihiyon kapag ang ebanghelyo ay dinadala ng mga banyagang misyonero. Gayunpaman, mahalaga para sa Kristiyanismo na maitanim sa bawat kultura at kumuha ng anyong babagay sa kulturang iyon. Hindi ito dapat magpatuloy na magmukhang isang banyagang relihiyon. Gayunpaman, mahalaga para sa mga misyonero at mga nag-eebanghelyo na malaman kung anong mga detalye ng isang kultura ang maaaring hindi akma sa Kristiyanismo. Ang pag-unawa na ito ay isang proseso na dapat tinutulungan ng mga lokal na Kristiyano at hindi maaaring tapusin ng mabilis.
(4) Mga Patok na Relihiyon
Kung minsan ang isang relihiyon ay itinuturing na itinatag na relihiyon ng bansa. Halimbawa, sa ilang mga bansa, ang karamihan sa mga tao ay Muslim. Sa ibang mga bansa, itinuturing ng karamihan sa tao ang kanilang sarili bilang isang Romanong Katoliko. Maraming tao ang hindi tunay na sumusunod sa pamantayang moral ng kanilang relihiyon at paminsan-minsan lamang sila nagsasagawa ng mga relihiyosong kaugalian; ngunit sinasabi nila na sila ay mga tagasunod ng relihiyong iyon.
Maraming tao ang tumatawag sa kanilang sarili na mga Kristiyano dahil sa kanilang mga kakilala sa lipunan at ang lahat ng mabubuting tao ay itinuturing nila na mga Kristiyano. Hindi sila tunay na nagsisi. Sinusunod nila ang kanilang mga sariiling pamantayan ng moralidad.
Ang ebanghelyo ay isang panawagan na magsisi at magpasakop kay Cristo. Sinabi ni Jesus na ang isang tao ay hindi maaaring maging kanyang disipulo maliban kung tatanggapin niya ang kamatayan ng kanyang sariling hangarin at maging isang tunay na tagasunod niya (Lukas 9:23).
Ang kahulugan ng isang Kristiyano ay hindi maiaakma upang maging tanyag sa isang makasalanang lipunan. Ang normal na moralidad ng isang lipunan ay palaging mas mababa kaysa sa moralidad ng Kristiyanismo, at ang isang Kristiyano ay salungat sa makamundo.
► Paano isinasalarawan kadalasan sa inyong lipunan ang tanyag na Kristiyanismo na walang pagsisisi?
(5) Sectarianism
Hindi natin maaasahan na ang lahat ng mga Kristiyano ay sasang-ayon sa lahat ng mga doktrina. May pagkakaiba sa pagitan ng mga Kristiyano, kahit na tinatanggap nila ang Biblia bilang kanilang awtoridad para sa doktrina.
Minsan binibigyang diin ng mga iglesia ang mga doktrinang nagpapakilala sa kanila na sila ay iba mula sa ibang iglesia, ngunit ang mga doktrinang ito ay hindi mas mahalaga kaysa sa pundasyong doktrina ng Kristiyanismo. Ang isang iglesia ay hindi dapat magsabi na ang ibang iglesia ay hindi tunay na Kristiyano, kung ang mga iglesia ay nagtuturo ng mahahalagang katuruan ng ebanghelyo.
Ang isang iglesia ay hindi dapat magtatag ng pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pakikipagtalo sa ibang iglesia. Dapat muna nitong itatag ang kanyang sarili sa pamamagitan ng ebanghelyo, pagkatapos ay sa pamamagitan ng pagbuo ng pakikipag-ugnayan sa iba pang miyembro na buong puso ang pakikiisa sa grupo.
► Sa anong batayan dapat tanggapin ng isang iglesya ang ibang iglesya bilang tunay na Kristiyano?
(6) Ang Kawalan ng Balanse sa Doktrina (Doctrinal Imbalance)
Kahit na ang isang totoong doktrina ay maaaring bigyang-diin sa paraan na parang sumasalungat sa iba pang katotohanan. Sa pagbibigay-diin ang patungkol sa biyaya, ang isang iglesia ay paraang pinaliliit ang pangangailangan ng pagsunod sa Dios. Sa pagbibigay-diin sa isang pagkakataon ng pagbabalik-loob, ang isang iglesia ay parang kinakalimutan na ang proseso ng pagdidisipulo. Habang binibigyang-diin ang katapatan ng Dios sa mga tumatalikod/backslider, maaaring magkulang ang iglesia na magbigay ng babala sa panganib ng pagtalikod sa Dios. Habang binibigyan ng pagpapahalaga ang mga espiritual na kaloob, maaaring magkulang ang iglesya na bigyang pagpapahalaga ang malalim na paglagong-espirituwal at mga katangian ng isang Kristiyano.
Ang kawalan ng balanse sa doktrina ay lumilitaw sa paglipas ng panahon at may mga pangmatagalang epekto. Ang alinmang katuruan na (1) nagdudulot ng pagbabalewala sa kasalanan, (2) nag-aalis ng posibilidad ng katiyakan ng kaligtasan, (3) naglalagay ng dagdag na paghihirap sa paraan kung paano tutugon sa ebanghelyo ang isang tao, o kaya ay (4) itinatago ang ebanghelyo ay isang katuruan na nagpapakita ng kawalan ng balanse sa doktrina.
Mga Naganap na Pagpapanibagong-buhay at mga Reporma sa Kasaysayan
May mga panahon sa kasaysayan ng iglesia na ang ebanghelyo ay parang nakalimutan ng mga malalaking institusyon. Mga pagkakamali katulad ng institutionalismo, mga pinaghalong paniniwala, at hindi balanse sa doktrina ay tila mas nakikita kaysa sa ebanghelyo. Ang mga Tagapanguna ay dapat na nagpapakita ng pagiging isang espirituwal na halimbawa ngunit tila ang mas naipapakita pa nila ay ang mga maling motibo, maling katangian, at pagkahumaling sa mga makamundong bagay.
Kung minsan ay nagpapadala ang Dios ng malaking pagbabalik-loob/great-revival sa iglesia. Ang pagbabalik-loob na may pangmatagalan at malawak na mga resulta ay may tatlong aspeto. Mayroong
theological reformation/teolohikal na reporma/ pababalik sa orihinal na teolohiya, kung saan ang pagbabalewala sa mga espirituwal na katotohanan ay muling naibabalik. Mayroong
espirituwal na pagbabago, na nagdudulot ng mas maraming panalangin, taimtim na pagsamba, at mas maraming nagbabalik-loob. Mayroong
mga bagong pamamaraan sa ministeryo, habang ang iglesya ay nakakahanap ng mga bagong paraan upang mag-ebanghelyo at mag-disipulo.
Ang Reporma ng mga Protestante (sa buong Europa noong 1500s) ay isang muling pagbabalik ng ebanghelyo ng kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at sa pamamagitan ng pananampalataya. Libo-libong tao ang nakaranas ng pagbabalik-loob. Ang Banal na Kasulatan ay naisalin sa wika ng mga pangkaraniwang tao at ginawang posible para sa lahat na magkaroon nito.
Ang mga Anabaptist (sa buong Europa noong 1500s at mga sumunod na taon pa) ay ang mga taong nababahala dahil sa maraming tagasunod ng Repormasyon ang nag-iisip na ang paniniwala sa tamang doktrina ay sapat para sa kaligtasan. Maraming tao ang nagpahayag na tumanggap sila ng katotohanan ng ebanghelyo ngunit hindi nakaranas ng pagbabalik-loob. Binibigyang diin ng mga Anabaptist ang personal na pagbabalik-loob.
Ang mga Pietist (sa katapusan ng 1600s sa Germany) ay ang mga taong nakaunawa sa kahalagahan ng pagdidisipulo. Gumawa sila ng mga maliit na ministeryong pang grupo at sistema para sa pagsasanay upang magamit sa paglago ng mga mananampalataya.
Ang Methodist Revival (sa katapusan ng 1700s sa Ingglatera) ay nagsimula sa ministeryo ni John Wesley. Hindi tinatanggap ng karamihan sa mga pari sa Iglesya ng Ingglatera na ang pagkakaroon ng personal na katiyakan ng kaligtasan ay posible. Ipinangaral ni Wesley na ang bawat tao ay maaaring magkaroon ng katiyakan na mayroon siyang buhay na pananampalataya kay Cristo at mayroong katiyakan ng kaligtasan mula sa Banal na Espiritu.
► Ano ang malaking katotohanan ang kailangan mong bigyang-diin sa iyong lipunan?
Konklusyon
Maraming institusyong Kristiyano, malaki at maliit (kabilang ang mga lokal na iglesya), ang nagsimulang ituon ang sarili na gawin ang prayoridad ng ebanghelyo. Sa paglipas ng panahon, marami sa kanila ang napalayo mula sa prayoridad ng iyon.
Upang mapanibagong muli ang pagiging epektibo ng iglesya, hindi natin kailangan ng kakaibang bagong doktrina o mga bagong pahayag. Ang kailangan natin ay isang pagbabalik sa prinsipyong ebangheliko ng pagiging prayoridad ng ebanghelyo.
Pagsusulit
Sa susunod na pagpupulong ng klase, maging handa na magsulat ng sagot sa mga sumusunod na katanungan.
Ano ang tatlong katangian ng ebanghelikong iglesya?
Ano ang anim na paraan kung saan maaaring nawawala ang prayoridad ng ebanghelyo?
Ano ang apat na palatandaan na ang isang doktrina ay hindi balanse?
Ano ang tatlong aspeto ng pangmatagalang revival?
Gumawa ng isang tunay na pahayag patungkol sa bawat isa sa mga sumusunod:
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.