(1) Itakda ang grupo upang magtipon linggo-linggp, kung maaari. Ang ilan ay maaaring mangailangan ng tulong sa pag-aalaga ng mga bata. 
(2) Ang format/anyo ng mga pagtitipon ay dapat Oras ng Pag-aaral- pagkatapos Pagbabahaginan ng mga personal na pangangailangan sa panalangin –pagkatapos ay Pananalangin. 
Kung ang pangunahing layunin ng grupo ay pag-aaral, ang oras ng pag-aaral ay maaaring maging mahaba habang ang ibang bahagi ay maiikli; subali’t ang tatlong bahagi ay dapat pa rin kabilang dito. Kung ang layunin ng grupo ay espirituwal na pananagutan, ang oras ng pag-aaral ay maaaring maikli, subalit dapat mayroon pa rin silang materyal na pinag-aaralan.
Kung ang grupo ay mayroong personal na pagbabahagi at talakayan subalit walang leksiyon na pinag-aaralan, ito’y magiging magulo. Mangingibabaw dito ang personalidad ng ilang miyembro. Ang mga materyal ng leksiyon ay ginagawa silang lahat para tumugon sa kaotohanan nang higit pa sa kanilang sariling mga pag-iisip.
(3) Simulan at tapusin sa oras ang mga pagtitipon. 
Kapag huli ka nang magsimula at magtapos, ang mga taong nagpapahalaga sa kanilang sariling oras ay magsisimulang dumating ng huli o kaya’y lumiban na sa ibang mga pagtitipon.
(4) Itakda ang petsa kung kailan magtatapos ang klase. 
Kailangang malaman ng mga miyebro kung gaano katagal ang kanilang pagtatalaga sa sarili. Karaniwan, ang mga bagong miyembro ay hindi dapat pahintulutang sumali sa grupo pagkatapos ng ilang pagtitipon, malibang ang grupo ay nag-uulit ng mga aralin para sa mga bagong nagbalik-loob. Kapag ang grupo ay nag-aarl ng isang serye ng mga leksiyon, ang bilang ng mga aralin ang magtatakda ng bilang ng linggo na sila ay magkikita-kita. Kapag sila ay nagtitipon para sa espirituwal na pananagutan, maaari nilang itakda ang pagtitipon sa anim na buwan. Sa katapusan, maaari silang muling magtipon-tipon. Sa panahong iyon, ang ilang miyembro ay maaaring umalis, at maaaring pag-isipan ng grupo kung papayagan nila o hindi na makilahok ang mga bagong miyembro.
(5) Kapag nag-aaral, bigyang diin ang layuning nakakabago ng buhay sa halip na magkaroon lamang ng kaalaman. 
Mararamdaman ng isang miyembro na kapaki-pakinabang ang grupo kapag nagagawa niyang makakuha ng personal at tiyak na mga aplikasyon sa buhay mula sa pag-aaral.
(6) Kapag may isang nagbahagi ng suliranin at pagkatapos ay nangakong may gagawin siyang aksiyon tungkol dito, tanungin siya sa susunod na pagtitipon kung naisagawa niya ang sinabi niyang gagawin niya. 
(7) Ang tagapanguna ay dapat naroroon upang makipagkita nang isa-isa sa mga miyembro upang magbigay ng espirituwal na paggabay. 
Ang ibang mga miyembro ay maaari ring magkita-kita sa ibang mga pagkakataon para magpalakasan ng loob.
(8) Pumili ng isang mabuting lugar ng pagtitipon. 
Ito ay dapat isang hindi pormal na lugar ng pagtitipon na may kapaligirang tulad sa isang tahanan. Ang pag-upo ay dapat pabilog kung maaari, upang nakikita ng mga miyembro nang harapan ang isa’t-isa. Ito ay makahihikayat sa pakikilahok. Magkita sa isang lugar kung saan walang magiging mga pang-abala o paggambala.
(9) Magsanay ng mabubuting kaugalian sa pakikinig. 
Ang mga tanda ng mabuting pakikinig ay ang pagtingin ng mata sa mata, isang ekspresyon ng matiim na atensiyon, pag-iwas sa mga paggambala, at pagtugon sa mga pagbibiro ng tagapagsalita at iba pang mga emosyon.
(10) Tiyakin na walang miyembro na laging tahimik. 
Idirekta ang tanong sa isang miyembro na hindi gaanong nagsasalita (“Ano ang palagay mo tungkol dito, Charles?”).
(11) Huwag pilitin ang isang miyembro na magbahagi ng mga bagay na personal. 
Sa halip, sikaping lumikha ng kapaligiran kung saan mararamdaman niya malaya siyang makapagsasalita. Bigyan ng pagtitiwala sa sarili ang isang miyembro sa pamamagitan ng pagtingin sa kanyang mga mata at papurihan ang anumang kanyang sinasabi.
(12) Sikaping gumamit ng mga tanong na makakaya nilang sagutin upang makabuo ng kanilang pagtitiwala. 
Kapag may sumagot nang mali, sikaping bigyang halaga ang anumang mabuti tungkol sa kanyang sagot bago punahin ito.
(13) Sikaping pagtibayin sa anumang paraan ang bawat komento bago ito punahin. 
(14) Kapag may isang tila may tendensiya na laging nagsasalita at sinasagot ang lahat ng tanong, humanap ng paraan upang limitahan siya. 
Ang isang paraan ay ang idirekta ang mga tanong sa mga espesipikong mga miyembro. O maaari mong itanong, “Ano naman ang iniisip ng iba pa sa inyo?” Sa isang pagtatalakayan, maaari mong sabihin, “Pakinggan naman natin ang isang hindi pa nakapagsasalita tungkol dito.”
Kapag ang isang miyembro ay labis pa ring nagsasalita, maaari siyang kausapin ng tagapanguna sa labas ng pagtitipon. Maaari siyang magsalita ng katulad nito: “Charles, mabilis kang mag-isip at agad na nakatutugon sa mga pagtatalakayan, subali’t nag-aalala ako na ang ilan sa atin ay hindi makikilahok kung sasagutin natin agad ang lahat ng mga tanong. Maaari mo ba akong tulungan na pasalihin ang lahat (sa talakayan)?”
(15) Huwag hayaang may dalawa o tatlong miyembro na magkaroon ng kanilang sariling pagtatalakayan habang hindi pinapansin ang grupo. 
Kung may isang nagnanais na makipagtalo nang mahabang oras tungkol sa isang paksa, sabihan siya na ang talakayan ay kinakailangang tapusin sa ibang oras sa labas ng pagtitipon.
(16) Huwag hayaan ang sinuman na pahintuin/abalahin ang iba. 
Itaas ang iyong kamay, mariing pahintuin ang nang-aabala, at hayaan ang makatapos ang naunang nagsasalita. Kung hindi gayun, sa pagtatalakayan ay lagi nang mangingibabaw ang mga miyembrong hindi gaanong magalang. Ang mga taong hindi mapamilit ay mabibigo dahil hindi nila natatapos ang kanilang mga sinasabi.
(17) Makinig sa mga reklamo. 
Ang alinmang reklamo ay maaaring magpakita ng suliranin maaaring maitama. Huwag ipagwalang-bahala ang mga tanda na hindi nasisiyahan. Kung ang sinuman ay hindi nasisiyahan sa pagtitipon ng grupo, maaaring hindi niya nauunawaan ang layunin, o maaaring mayroon siyang balidong reklamo.
(18) Kung ang sinuman ay nagpapatuloy sa pagiging palaaway, nakagugulo, nakikipagtalo o naiinip, maaaring hindi niya tinatanggap ang mga layunin ng grupo. 
Ang grupo ay maaaring hindi ang kanyang inaasahan. Kausapin mo siya ng sarilinan upang tulungan siyang makita ang layunin ng grupo.
(19) Hindi kinakailangang alam ng tagapanguna ang lahat ng sagot sa bawat suliranin. 
Ang kanyang tungkulin ay hindi ang magkaroon ng sagot sa lahat ng bagay kundi ang akayin ang grupo na dalhin ang mga kabigatan sa pananalangin.
(20) Maging marunong makiayon at matiyaga sa mga paggambala sa iskedyul. 
Tandaan na ang mga pangyayari sa ating mga buhay ay bahagi ng pagpapaunlad ng Dios sa atin. Ang isang suliranin ay isang pagkakataon.
(21) Kung ginagamit ng isang miyembro ang buong panahon ng pagtitipon sa pagbabahagi ng kanyang mga pangangailangan, alukin siya na pagpayuhan sa ibang pagkakataon; kung hindi gayun, ang ibang miyembro ay magkakaroon ng pakiramdam na nananakaw ang pagtitipon sa kanila. 
Huwag hayaang mawala sa layunin ang grupo, maliban kung sama-samang nagkakasundo ang mga miyembro na ang layunin ay dapat baguhin.
(22) Huwag hayaang maging subersibo ang mga pagtatalakayan. 
Huwag hayaang ang grupo ay maging lugar upang punahin ang lokal na iglesya at iba pang tagapanguna.
(23) Alalahanin na ang pagiging epektibo ng isang grupo ay nakadepende sa kapangyarihan ng Dios na kumikilos sa pamamagitan nito. 
Ang grupo ay isa lamang istrukturang ayon sa kasulatan na ginagamit ng Dios.